Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
dagliang talumpati 2022.docx
1. 1. Bilang mag-aaral, paano mo magagamit ang wikang Filipino para sa Pagtuklas at
Paglikha?
2. Ang pagkatuto ba at paggamit ng wikang Ingles ang nangangahulugang
pagtalima o patalikod sa mga wikang katutubo?
3. Sa pangingibabaw ng makabagong teknolohiya,sa pagpasok ng mga dayuhang
wika,paano mo gagawing kabukod-tangi (unique) ang iyong wikang katutubo.
4. Dapat bang ituring na kaaway ng mga katutubong wika ang wikang Ingles?
5. Sa pagpasok ng mga dayuhang wika sa ating bansa bakit hindi dapat kalimutan
ang iyong katutubong wika?
6. Bilang isang kabataan, pano mo mapapangalagaan ang mga wikang katutubo ng
bansa?
7. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga katutubong wika sa Pilipinas, paano ito
magiging daan upang magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino?
8. Ayon kay Doug Whalen at David Harrison, halos isang wika ang naglalaho o
namamatay kada ikalabindalawang (12) araw. Paano mo mapapanatiling buhay
ang iyong katutubong wika?
9. Maraming katutubong wikain sa ating bansa ang pagkakaroon ba ng maraming
wika ay sagabal sa pag-unlad ng bansa?
10.Para sa iyo, ano ang implikasyon o indikasyon ng pakakaroon ng katutubong
wikain sa Pilipinas?
11.Paano nakikilala ang identidad ng isang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang
ginagamit o sinasalita?
12.Sumasang-ayon ka ba na tungo sa isang Bansang Filipino ang mga Wikang
Katutubo?
13.Bakit isang tagumpay para sa ating bansa ang pagkakaroon ng isang wikang
Pambansa, ang wikang Filipino?
2. 14.Bakit sinasabing magkakamag-anak ang mga wikang katutubo ng Pilipinas?
15.Bakit isang wika katutubo ang naging Wikang Pambansa ng Pilipinas?