Tandaan
Ang ano, sino, saan, at
kailan ay tinatawag na
panghalip pananong.
Ang panghalip pananong ay
mga salitang ginagamit
upang magtanong.
Ang pananong na sino ay
ginagamit sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Sino ang ating panauhin?
Sino ang aawit para sa akin?
x
Ang pananong na saan ay
ginagamit upang sagutin
ang mga tanong ukol sa lugar.
Halimbawa:
Saan ka pupunta?
Saan mo gustong tumigil?
Ang pananong na kailan ay
ginagamit upang sagutin
ang mga tanong tungkol sa oras.
Halimbawa:
Kailan ka pupunta sa Maynila?
Kailan natin bibisitahin sina lolo at
lola?
Ang pananong na ano ay
ginagamit upang sagutin
ang mga tanong tungkol sa bagay
o pangyayari.
Halimbawa:
Ano ang ginagawa mo? Ano ang
masasabi mo sa exhibit?
palihim
siyang pumitas ng gumamela.
Ibinigay ni Mila ang bulaklak
sa guro at
nagpasalamat ito. Nagkataon
na ang kanilang
aralin sa araw na iyon ay
tungkol sa pagpapahalaga at
pagsunod sa mga babala sa
pampublikong pasyalan.
Isa dito ay “Bawal pumitas
ng bulaklak.”
Pagkatapos ng paliwanag ni
Bb. Romero, naisip ni
Mila na mali ang kaniyang
ginawa. Ipinangako niya sa
kaniyang sarili na hindi na niya
uulitin ang pagkakamali niya.
Sagutin ang mga tanong.
Isulat ang sagot sa papel.
1. Sino-sino ang mga
tauhan sa kuwento?
2. Kailan nangyari ang
kuwento?
3. Anong aralin ang
tinalakay ng guro noong
araw na iyon?
4. Kailan niya nalaman ang
kaniyang pagkakamali?
5. Bakit niya pinitas ang
gumamela kahit nakita
na niya ang babala?
6. Ano ang nangyari sa
loob ng klase?
7. Ano ang naisip ni Mila
nang marinig ang
tinatalakay ng guro?
8. Tama ba ang
ipinangako ni Mila sa
sarili? Bakit?
9. Kung ikaw si Mila,
gagawin mo rin ba ang
kaniyang
ginawa? Bakit?