4. Layunin
a)Nauunawaan ng mag-aaral ang
pagrespeto sa matanda
b)Naisasakilos ang paggalang sa
matatanda sa bahay at lipunan bilang
pagpapakita ng pagpapahalaga
6. Mando, Ang Batang Magalang
“Mano po, Inay,” kinuha ni Mando ang
kamay ng kanyang ina at inilagay ito sa
kanyang noo.
7. Palagi ito ginagawa ni Mando tuwing
dumating siya sa bahay mula sa paaralan.
Kahit likas na mabait at magalang si
Mando, natutunan niya ang “mano po”
mula sa kanyang guro.
8. Si Mando ang panganay sa dalawang anak nila Mang
Manolo at Aling Dolores. Nasa ikatlong baitang na sa
elementarya si Mando. Isa sa mga natutunan niya sa
paaralan ay ang paggalang sa mga magulang lalo na sa
paggamit ng “mano po” at mula noon ay naging
nakagawian na itong gawin ni Mando sa kanyang mga
magulang at sa mga nakakatanda sa kanya.
9. Ang hindi alam ni Mando, nakikita ito ng
kanyang bunsong kapatid na si Junior.
Tinanong siya ng kanyang kapatid kung ano
ang kahulugan ng “mano po” at bakit palagi
niya itong ginagawa. Natutuwa si Mando
dahil nagkaroon ng interes ang kapatid at
tinuruan niya ito ng tamang aksyon.
10. “Ito ang gawin mo, yumuko ka ng kunti
tapos kunin mo sa iyong kanang kamay ang
kanang kamay ni tatay o nanay at ilagay mo
sa iyong noo,” paliwanag ni Mando sa
kapatid. “Ganito ba kuya?”
11. tanong ni Junior sabay yuko ng kunti,
kinuha at inilagay ang kanyang kamay sa
noo nito. “Wow, ang galling at nakuha mo
agad,” tuwang-tuwa si Mando sa limang
taong gulang na kapatid.
12. “Kuya, bakit ka nag-mano po?” tanong ni
Junior. Hindi agad sinagot ni Mando ang
kapatid, at tinanong niya ito, “Ano sa tingin
mo ang dahilan kung bakit nagsisikap sina
tatay at nanay sa pagsasaka?” “Para meron
tayo makain, lalo na pambili ng isda.”
13. “Sabi ni nanay dahil mahal na mahal nila tayo,”
sagot ni Junior. “Tama ka Jun, nagsisikap sina
tatay at nanay dahil mahal na mahal nila tayo.
Kaya ipakita din natin sa kanila na mahal natin
sila sa pamamagitan ng pagtulong sa mga
gawaing bahay, sa pagsisikap na mag-aral, sa
pakikinig at pagtupad ng kanilang mga payo,
14. at sa pamamagitan ng paggalang natin sa
kanila, gaya ng mano po,” paliwanag ni
Mando sa kapatid. “Tama ka, kuya. Simula
mamayang gabi, sabay na tayo mag-mano
po kina tatay at nanay,” wika ni Junior sa
kapatid.
15. Gabay naTanong:
1. Sino-sino ang tauhan sa kwento? At
tungkol saan ang nabasang kwento?
2. Mula sa kwentong nabasa anong mga
gawi ni Mando ang tumatak sa iyo?
16. 3. Ano-anong asal pa sa tingin niyo ang
maaaring ituro ni Mando na nagpapakita
ng paggalang sa matatanda?
4. Sa tingin mo kailangan bang igalang ang
mga taong ating pinapahalagahan kahit pa
hindi ito ka respeto-respeto?
17. 5. Bilang isang nagbibinata o nagdadalaga
paano mo ipapakita ang paggalang o respeto
sa mga nakakatanda upang maka
impuwensiya sa ibang tao?
Are your classroom colors different than what you see in this template? That’s OK! Click on Design -> Variants (the down arrow) -> Pick the color scheme that works for you!
Feel free to change any “You will…” and “I will…” statements to ensure they align with your classroom procedures and rules!