2. Ang dagli ay isang akda o paraan ng pagpapahayag ng mga
kaisipan o ideya na mas kakaunti ang bilang ng mga salitang ginagamit
kumpara sa isang maikling kwento. Tinatawag din ang akdang ito na
“maikling-maikling kwento”.
Ang dagli ay may pagkakahawig sa wikang Ingles na flash o sudden
fiction. Ayon kay Arogante (2007), ang dagli ay mga sitwasyong may mga
nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa
banghay, at kapwa paglalarawan lamang. Ang kadalasang mga tema ng
akdang ito ay umiikot sa pangangaral at panunuligsa.
3. Mga Katangian ng Dagli
• Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga katangian ng dagli.
1. Ang daloy ng kwento ng isang dagli ay pawang sitwasyonal.
2. Hindi ito kakikitaan ng mahusay na pagkakasunod-sunod ng
mga pagyayari. Sa medaling salita ito ay plotless, o gahol sa
banghay.
3. Ang pagkakabuo ng salaysay ay lantaran.
4. Ang kabuuang nilalaman nito ay walang timping nanunudyo at
paraan ng pagppasaring.
4. Ano ang pinagkaiba ng dagli sa maikling kuwento?
• Ang maikling kwento ay isang akdang pamapanitikan na bunga
ng guni-guni at kaisipan tungkol sa mga pangyayari sa buhay. Ito
ay may simula, gitna at wakas. Itoin ay karaniwang sumasaklaw sa
pagitan ng 500 hanggang 10000 na salita.
• Ang dagli naman ay isang espesyal na akdang pampanitikan
tungkol sa iba't ibang paksa sa buhay ng isang tao. Ito ay
kadalasang nagsisimula agad sa problema, at walang simula, gitna
at wakas. Mas maikli rin ito kaysa sa maikling kwento at
sumasaklaw lamang ang salita sa pagitan ng 100 hanggang 1000.