20. Araw-araw na Buhay sa Biñan. Payak at
may maayos na iskedyul ang buhay ni
Jose sa Biñan. At nakatulong ito nang
malaki sa kanyang kinabukasan.
Pinatibay nito ang kanyang katawan at
kaluluwa.
22. Sa mga araling pang-akademiko, tinalo ni Jose ang
lahat ng mga kaklaseng taga- Biñan. Naunahan niya
ang lahat sa Espanyol, Latin, at iba pang asignatura.
May ilang kaklase ang naiinggit sa kanyang talino.
Lagi nilang isinusumbong si Rizal sa guro tuwing
nakikipag-away siya. Kung anu-ano ring
kasinungalingan tungkol kay Rizal ang sinasabi nila
sa guro. Kaya napipilitan ang guro na parusahan si
Jose. Kaya nasabi ni Rizal na “kahit mabait na bata
ang reputasyon ko, bibihira ang araw na hindi ako
nabibigyan ng lima o anim na palo.”