SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Papa Francisco 
Si Papa Francisco (Latin: Franciscus, Kastila: Francisco; ipinanganak Jorge Mario 
Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at 
kasalukuyang Papa ng Simbahang Katoliko Romano. 
Si Jorge Mario Bergoglio ay isinilang sa Buenos Aires, isa sa limang anak ng Italyanong 
emigranteng sina Mario José Bergoglio, isang orbrero sa daangbakal, at ng kaniyang 
asawang si María Sívori, isang maybahay. Noong siya ay binatilyo, si Bergoglio ay 
inalisán ng isang bahagi ng kaniyang baga dulot ng impeksiyon. Siya ay nag-aral at 
nakatanggap ng Antás Masterál sa kímika at sa Pamantasan ng Buenos Aires bago niya 
napágpasyaháng pumasok sa pagkapari. Ayon din sa ibang mga sanggunian, siya ay 
nakapagtapos mula sa isang páaraláng teknikal bilang mekanikong pangkemikal at sa 
edad ng 21 ay nagpasyang maging pari. 
Pumasok si Bergoglio sa Kapisanan ni Hesus noong 11 Marso 1958 at nag-aral sa 
pagkapari sa isang seminaryong Heswita sa Villa Devoto. Noong 1960, nakuha niya ang 
pagkalisensiya sa pilosopiya mula sa Colegio Máximo San José sa San Miguel. Noong 
1964 at 1965 nagturo siya ng literatura at sikolohiya sa Colegio de la Imaculada, isang 
mataas na paaralan sa lalawigan ng Santa Fe, Arhentina. Noong 1966 nagturo siya ng 
kaparehong kurso sa Colegio del Salvador sa Buenos Aires.[8] 
Noong 1967, natapos ni Bergoglio ang kaniyang pag-aaral ng teolohiya at naordena sa 
pagkapari noong 13 Disyembre 1969 ni Arsobispo Ramón José Castellano. Namasukan 
siya sa Pakultad ng Pilosopiya at Teolohiya ng San Miguel[9 ], isang semninaryo sa San 
Miguel, Buenos Aires. Naabot ni Bergoglio doon ang posisyong novice master at naging 
propesor ng teolohiya. 
Itinaas ng Kapisanan ni Hesus si Bergoglio at siya ay nanungkulan bilang probinsiyal ng 
Arhentina mula 1973 hanggang 1979.[1 0]Nilipat siya sa isang doctoral dissertation sa 
Sankt Georgen sa Alemanya at bumalik sa Arhentina upang manungkulan bilang 
kumpesor at direktor pang-espiritwal sa Cordoba
Itinalaga si Bergoglio bilang Pangalawang Obispo ng Buenos Aires noong 1992 at 
inordena noong 27 Hunyo 1992 bilang Titular Bishop ng Auca [1 1 ] kasama si Antonio 
Kardinal Quarracino, Arsobispo ng Buenos Aires, bilang principal consecrator. 
Si Bergoglio ang humalili kay Kardinal Quarracino bilang Arsobispo ng Buenos Aires 
noong 28 Pebrero 1998 at ipinangalangordinaryo para sa Silangang Katoliko sa 
Arhentina, na walang sariling prelado 
Sa konsistori noong 21 Pebrero 2001, ginawang kardinal si Arsobispo Bergoglio ni Papa 
Juan Pablo II, na may titulo bilang kardinal-pari ng San Roberto Bellarmino. Bilang 
kardinal, itinalaga si Bergoglio sa limang administratibong posisyon sa Kuryang 
Romano. 
Nakilala si Kardinal Bergoglio dahil sa kaniyang pagiging magpakumbaba, pagka-konserbatibo 
sa doktrina at sa kaniyang prinsipyo sakatarungang panlipunan.[1 2 ] Mas 
pinili niya ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay: mas pinili niyang manirahan sa 
isang maliit na apartment sa halip ng magarang tirahan para sa obispo, at mas pinili 
niyang sumakay sa mga pampublikong transportasyon kaysa sa isang limousine.[1 3 ] 
Noong pumanaw si Papa Juan Pablo II noong 2005, isa sa mga napipisil na papabile si 
Bergoglio[ka ilangan ng sanggu nian ]. Lumahok siya bilang is ant kardinal-tagahalál (cardinal 
elector) sa kongklabe noong 2005 na siyang nagluklók kay Papa Benedicto XVI. Ayon sa 
pahayagang La Stampa, gitgitan sila ni Ratzinger sa halalan, hanggang sa humingî siya 
ng isang madamdaming pakiusap[nino?][1 4 ] sa mga kardinal na huwag siyang 
ihalal.[1 5 ] Bago nagsimula ang conclave ay nakilahok din siya sa libing ni Papa Juan 
Pablo II at gumanap bilang regent kasama angKolehiyo ng mga Kardinal, at namuno sa 
Simbahang Romana Katolika noong panahon ng sede vacante. 
Bilang isang kardinal, nakilala si Bergoglio bilang isang konserbatibong Katoliko.[1 6 ] 
Hatî ang opinyon ng mga Arhentino patungkol sa kaniya. Habang ang ilan ay malakas 
ang suporta kay Bergoglio dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay, ang iba naman ay 
malaki ang pagkatutol sa kaniya dahil sa mga isyu patungkol sa kasalang homosekswál 
at sa kanilang pagkabagabag ukol sa kaniyang relasyon sa mapanupil na rehiméng 
militar noong dekada 70.
Pope John XXIII 
Binansagang The Good Pope at marahil ay pinakamamahal na Italian pope si Angelo 
Giuseppe Roncalli o mas kilala bilang Pope John XXIII, na nagsulong ng mahahalagang 
reporma sa Simbahang Katoliko sa mahigit apat na taon ng kanyang pamumuno. 
Isinilang noong Nobyembre 25, 1881 sa Sotto il Monte, Italy at lumaki sa mahirap na 
pamilya si Angelo Giuseppe Roncalli, ang ikatlo sa 13 magkakapatid na mula sa pamilya 
ng mga magsasaka. 
Taong 1904 siya naging pari. Sa loob ng 25 na taon ay nagsilbi si Roncalli bilang Papal 
diplomat sa Bulgaria, Turkey at France. Anim na taon siyang naging Arsobispo ng 
Venice, hanggang sa mahalal na Papa noong Oktubre 28, 1958 sa edad na 76. 
Siya ang ika-262 Pope ng Catholic at non-Catholic na simbahan. 
Nakilala si Pope John XXIII sa pagpapatawag ng Second Vatican Council. Kakaiba ang 
paraan niya ng pamamahala at masasabing taliwas sa mga na unang konseho ng 
Vatican dahil ang mga naunang council ay tinutukan ang pagwawasto sa mga maling 
teksto sa Bibliya, habang ang binuo niyang konseho ay nagpalaganap ng hindi 
matitibag na pananampalataya at paniniwala, at ng mga reporma sa simbahan na 
napakikinabangan ng mga Katoliko hanggang sa kasalukuyan. 
Nakilala siya sa mga non-Catholic church dahil sa mga ‘di matatawaran niyang 
pagsisikap na gampanan ang pagiging Pope. Dahil din sa kanya ay nagkaroon ng 
bagong pangalan ang Vatican II, “New Pentecost”. 
Naniniwala si Pope John XXII na ang Kristiyanismo ay hindi lang usapang legal at mga 
doktrina kundi nakabatay sa kung paano mabubuhay nang may pagmamahal sa Diyos. 
Setyembre 23, 1962 nang matukoy na may stomach cancer si Pope John XXIII, ngunit 
hindi ito isinapubliko dahil umasa noon ang Papa na maipagpapatuloy pa rin ang 
pamamahala sa Vatican II council hanggang sa abot ng kanyang makakaya.
Pumanaw siya noong Hunyo 3, 1963 bago pa man magsimula ang ikalawang session ng 
Second Vatican Council. 
Inihahalintulad kay Pope Francis 
"Good Pope John" ang tawag kay Pope John XXIII na laging idinidikit kay Pope Francis 
dahil sa pagiging pareho nila sa napakaraming bagay. 
Edad 76 na siya nang maging Santo Papa, gaya ni Pope Francis. 
Lalong tumingkad ang progresibong pananaw ni "Good Pope John" nang iutos niya ang 
pagbuo ng Second Vatican Council. 
Nakilala rin si Pope John sa pagtakas sa Vatican ng disoras ng gabi para maglakad-lakad 
sa Roma kaya binansagan siyang "Johnny Walker". 
Mas gusto rin niyang magsuot ng simpleng itim na sapatos, bagay na ginagawa rin 
ngayon ni Pope Francis. 
Gaya rin ni Pope Francis, lumihis siya sa pagsunod sa mga tradisyunal na pangalan 
gaya ng Gregory at Benedict, at piniling matawag na John.
Pope John Paul II 
Ipinanganak noong Mayo 18, 1920 si Karol Jozef Wojtyla, higit na 
kilala bilang Pope John Paul II. 
Si Papa Juan Pablo II ang nagsilbing ika-256 naSupreme 
Pontiff ng Simbahang Katoliko at puno ng Lungsod ng Vatican mula 
ika-16 ng Oktubre 1978 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang 
natatanging taga-Poland na naging santo papa at ang unang di- 
Italyanong papa sa loob ng 455 taon. 
Itinuturing na isa sa mga pinakamaimpluwensiyang pinuno ng 
ikadalawampung siglo si Juan Pablo II. Naging instrumento siya 
sa pagwawakas ng komunismo sa Poland pati na rin sa pagpapabuti 
ng relasyon ng Simbahang Katoliko sa Hudyaismo, 
Simbahang Eastern Orthodox, at sa Anglikanong Komunyon. 
Iniluklok siya ng mga Kardinal bilang santo papa 
sa Conclave (pagtitipon) noong ika-16 ng Oktubre 1978, at 
inangkin ang pangalang Juan Pablo II. Araw ng Linggo, noong ika- 
22 ng Oktubre nang maringal niyang pasinayaan ang kanyang 
Petrinong paglilingkod bilang ika-263 na kahalili ni apostol San 
Pedro. Ang kanyang pamumuno, ikatlo sa pinakamahaba sa 
kasaysayan ng Simbahang Katoliko, ay tumagal ng halos 27 taon. 
Sa buong panahon ng kanyang pamumuno, nagkaroon siya ng 104 na 
pastoral na pagdalaw sa labas ng Italya at 146 naman sa loob 
nito. Bilang obispo ng Roma, binisita niya ang 317 sa 333 
parokya ng lungsod. 
Maraming beses din siyang nakipagpulong sa mga puno ng iba't 
ibang bansa sa kanyang 38 opisyal na pagdalaw, 738 tagapanood at 
pulong kasama ang mga puno ng mga estado, at 246 na tagapanood 
sa mga pulong kasama ang mga punong ministro. 
Dahil sa kanyang pagmamahal sa mga kabataan, itinatag niya ang 
pagdaraos ng ”World Youth Day” (WYD) (Pandaigdig na Araw ng mga 
Kabataan). Labing-siyam (19) na WYD ang kanyang ipinagdiwang sa 
kanyang pamumuno na nagbuklod sa milyun-milyong mga kabataan 
mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Kasabay nito, ipinamalas 
niya rin ang kanyang pagmamalasakit sa pamilya nang pasimulan
niya ang ”World Meeting of Families” (Pandaigdigang Pulong ng 
mga Pamilya) noong 1994. 
Matagumpay ding nahikayat ni Papa Juan Pablo II ang mga dyalogo 
sa mga Hudyo at pati na rin sa mga kinatawan ng iba pang mga 
relihiyon na kanya rin namang inimbitahan sa mga ”prayer 
meeting” (pulong sa pagdarasal) para sa kapayapaan. 
Sa ilalim ng kanyang pagsubaybay, pinaghandaan ng Simbahang 
Katoliko ang pagdating nga ikatlong milenyo at idinaos 
ang ”Great Jubilee” ng taong 2000. 
Sa pangunguna rin niya, masiglang idinaos ang maraming mga 
Kanonisasyon at Beatipikasyon upang magsilbing halimbawa ng 
kabanalan sa panahong ito. Nagdaos siya ng 147 na seremonya ng 
beatipikasyon kung saan naiproklama ang 1,338 na 'Beato' 
(mapalad); at 51 na kanonisasyon sa 482 na santo. Siya rin ang 
nagtalaga kay Teresa ng Batang si Kristo bilang isang 'Dalubhasa 
ng Simbahan. 
Pagpanaw 
Si Papa Juan Pablo II ay pumanaw noong bandang 9:37 ng gabi, 
oras sa Vatikan, noong ika-2 ng Abril 2005, sa edad na 84, 
matapos magkasakit ng Parkinson's Disease at iba pang karamdaman 
tulad ng sakit sa puso at kumplikasyon sa atay. Mula sa gabi ng 
kanyang pagpanaw hanggang sa araw ng kanyang paglibing, dumagsa 
ang higit tatlong milyong manlalakbay sa Roma. Marami sa kanila 
ang pumila upang makapasok sa Basilika ni San Pedro upang 
masilayan sa huling sandali ang kanyang mga labi. 
Pagpupugay 
Noong ika-19 ng Disyembre 2009, iprinoklama ni Papa Benito XVI 
bilang 'Kapita-pitagan' (”Venerable”) si Juan Pablo II. Dahil sa 
taglay niyang di mapagkakailang kabanalan ay iginawad ni Papa 
Benito XVI ang beatipikasyon ni Papa Juan Pablo II sa ika-1 ng 
Mayo 2011 at dahil dito'y tinawag na Beato Juan Pablo 
II (”Blessed John Paul II”). 
Koneksyon sa mga Pilipino 
Dalawang beses dumalaw sa Pilipinas si Papa Juan Pablo II. Una'y 
noong Pebrero 1981. Panghuli, noong Enero 1995 ng magmisa si 
Papa Juan Pablo II sa harap ng apat (4) na milyong tao, ang 
pinakamalaking pangkat na dumalo para sa isang pagtitipon 
ng ”World Youth Day”, kung di man pinakamalaki bilang ng pangkat 
sa kahit anong pagtitipon. 
Dahil sa espesyal niyang koneksyon sa mga Pilipino, pinasinayaan 
ang pagtatayo ng isang dambana para kay Juan Pablo II noong ika- 
2 ng Mayo 2011 sa isang dating refugee camp sa Bataan kung saan 
siya dati nagdaos ng misa para sa mga Indo-Tsinong refugee. May 
tore ring itinayo sa Bacolod noong 2010 “alay ng pagmamahal sa 
Simbahang Katoliko”.

More Related Content

What's hot

Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Lorna Balicao
 
Wastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptx
Wastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptxWastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptx
Wastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptxRioGDavid
 
Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48Sir Pogs
 
Noli me tangere kabanata 44
Noli me tangere kabanata 44Noli me tangere kabanata 44
Noli me tangere kabanata 44Sir Pogs
 
Advent Wreath (Saymond
Advent Wreath (Saymond Advent Wreath (Saymond
Advent Wreath (Saymond Saymond Rico
 
Confirmation becoming a mature christian
Confirmation becoming a mature christianConfirmation becoming a mature christian
Confirmation becoming a mature christianNinyo Garcia
 
The 7 christian sacraments Picture book
The 7 christian sacraments Picture bookThe 7 christian sacraments Picture book
The 7 christian sacraments Picture bookBrianna Campbell
 
Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29mojarie madrilejo
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Sir Pogs
 

What's hot (20)

kumpil
kumpilkumpil
kumpil
 
Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010Sariling wikang-panturo-mle-2010
Sariling wikang-panturo-mle-2010
 
Wastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptx
Wastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptxWastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptx
Wastong gamit ng mga salitang naglalarawan.pptx
 
Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26Noli me tangere kabanata 26
Noli me tangere kabanata 26
 
Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48Noli me tangere kabanata 48
Noli me tangere kabanata 48
 
Ang aking buhay
Ang aking buhayAng aking buhay
Ang aking buhay
 
Noli me tangere kabanata 44
Noli me tangere kabanata 44Noli me tangere kabanata 44
Noli me tangere kabanata 44
 
Alamat
AlamatAlamat
Alamat
 
Sinaunang Kasalan
Sinaunang KasalanSinaunang Kasalan
Sinaunang Kasalan
 
Pagislam
PagislamPagislam
Pagislam
 
Advent Wreath (Saymond
Advent Wreath (Saymond Advent Wreath (Saymond
Advent Wreath (Saymond
 
Pagsasaling Wika
Pagsasaling WikaPagsasaling Wika
Pagsasaling Wika
 
Confirmation becoming a mature christian
Confirmation becoming a mature christianConfirmation becoming a mature christian
Confirmation becoming a mature christian
 
The Catholic Church
The Catholic ChurchThe Catholic Church
The Catholic Church
 
Server guide
Server guideServer guide
Server guide
 
10 utos ng Diyos
10 utos ng Diyos10 utos ng Diyos
10 utos ng Diyos
 
The 7 christian sacraments Picture book
The 7 christian sacraments Picture bookThe 7 christian sacraments Picture book
The 7 christian sacraments Picture book
 
Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29Noli me tangere kabanata 27-28-29
Noli me tangere kabanata 27-28-29
 
Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33Noli me tangere kabanata 33
Noli me tangere kabanata 33
 
The Liturgy
The LiturgyThe Liturgy
The Liturgy
 

Similar to Renz

S Padre Pio Santo (Filippino).pptx
S Padre Pio Santo (Filippino).pptxS Padre Pio Santo (Filippino).pptx
S Padre Pio Santo (Filippino).pptxMartin M Flynn
 
Saint Ignatius of Loyola (Filippino).pptx
Saint Ignatius of Loyola (Filippino).pptxSaint Ignatius of Loyola (Filippino).pptx
Saint Ignatius of Loyola (Filippino).pptxMartin M Flynn
 
Repormasyon at Kontra Repormasyon
Repormasyon at Kontra RepormasyonRepormasyon at Kontra Repormasyon
Repormasyon at Kontra Repormasyongroup_4ap
 
Ang Pagtatapos ng Panahong Midyibal
Ang Pagtatapos ng Panahong MidyibalAng Pagtatapos ng Panahong Midyibal
Ang Pagtatapos ng Panahong Midyibalgroup_4ap
 
Ppt Kontra Repormasyon
Ppt Kontra  RepormasyonPpt Kontra  Repormasyon
Ppt Kontra RepormasyonRodel Sinamban
 
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonRepormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonAni
 
S Antonio de Padua (Filipino).pptx
S Antonio de Padua (Filipino).pptxS Antonio de Padua (Filipino).pptx
S Antonio de Padua (Filipino).pptxMartin M Flynn
 
SAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptx
SAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptxSAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptx
SAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptxMartin M Flynn
 
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismojetsetter22
 
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismojetsetter22
 
Mga martir ng Vietnam.pptx
Mga martir ng Vietnam.pptxMga martir ng Vietnam.pptx
Mga martir ng Vietnam.pptxMartin M Flynn
 

Similar to Renz (20)

S Padre Pio Santo (Filippino).pptx
S Padre Pio Santo (Filippino).pptxS Padre Pio Santo (Filippino).pptx
S Padre Pio Santo (Filippino).pptx
 
Saint Ignatius of Loyola (Filippino).pptx
Saint Ignatius of Loyola (Filippino).pptxSaint Ignatius of Loyola (Filippino).pptx
Saint Ignatius of Loyola (Filippino).pptx
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Repormasyon at Kontra Repormasyon
Repormasyon at Kontra RepormasyonRepormasyon at Kontra Repormasyon
Repormasyon at Kontra Repormasyon
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
Ang Pagtatapos ng Panahong Midyibal
Ang Pagtatapos ng Panahong MidyibalAng Pagtatapos ng Panahong Midyibal
Ang Pagtatapos ng Panahong Midyibal
 
Ppt Kontra Repormasyon
Ppt Kontra  RepormasyonPpt Kontra  Repormasyon
Ppt Kontra Repormasyon
 
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra RepormasyonRepormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
Repormasyon, Dahilan, Mga Protestante at Kontra Repormasyon
 
S Antonio de Padua (Filipino).pptx
S Antonio de Padua (Filipino).pptxS Antonio de Padua (Filipino).pptx
S Antonio de Padua (Filipino).pptx
 
repormasyon
repormasyon repormasyon
repormasyon
 
Reformists
ReformistsReformists
Reformists
 
satur gihapon ni
satur gihapon ni satur gihapon ni
satur gihapon ni
 
TRANSISYUNAL NA PANAHON
TRANSISYUNAL NA PANAHONTRANSISYUNAL NA PANAHON
TRANSISYUNAL NA PANAHON
 
SAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptx
SAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptxSAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptx
SAN FRANCIS JAVIER (Filipin).pptx
 
repormasyon
repormasyonrepormasyon
repormasyon
 
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
 
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismoIba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
Iba’t ibang reaksiyon sa katolisismo
 
Ang Panahon ng Repormasyon
Ang Panahon ng RepormasyonAng Panahon ng Repormasyon
Ang Panahon ng Repormasyon
 
Mga martir ng Vietnam.pptx
Mga martir ng Vietnam.pptxMga martir ng Vietnam.pptx
Mga martir ng Vietnam.pptx
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 

Renz

  • 1. Papa Francisco Si Papa Francisco (Latin: Franciscus, Kastila: Francisco; ipinanganak Jorge Mario Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at kasalukuyang Papa ng Simbahang Katoliko Romano. Si Jorge Mario Bergoglio ay isinilang sa Buenos Aires, isa sa limang anak ng Italyanong emigranteng sina Mario José Bergoglio, isang orbrero sa daangbakal, at ng kaniyang asawang si María Sívori, isang maybahay. Noong siya ay binatilyo, si Bergoglio ay inalisán ng isang bahagi ng kaniyang baga dulot ng impeksiyon. Siya ay nag-aral at nakatanggap ng Antás Masterál sa kímika at sa Pamantasan ng Buenos Aires bago niya napágpasyaháng pumasok sa pagkapari. Ayon din sa ibang mga sanggunian, siya ay nakapagtapos mula sa isang páaraláng teknikal bilang mekanikong pangkemikal at sa edad ng 21 ay nagpasyang maging pari. Pumasok si Bergoglio sa Kapisanan ni Hesus noong 11 Marso 1958 at nag-aral sa pagkapari sa isang seminaryong Heswita sa Villa Devoto. Noong 1960, nakuha niya ang pagkalisensiya sa pilosopiya mula sa Colegio Máximo San José sa San Miguel. Noong 1964 at 1965 nagturo siya ng literatura at sikolohiya sa Colegio de la Imaculada, isang mataas na paaralan sa lalawigan ng Santa Fe, Arhentina. Noong 1966 nagturo siya ng kaparehong kurso sa Colegio del Salvador sa Buenos Aires.[8] Noong 1967, natapos ni Bergoglio ang kaniyang pag-aaral ng teolohiya at naordena sa pagkapari noong 13 Disyembre 1969 ni Arsobispo Ramón José Castellano. Namasukan siya sa Pakultad ng Pilosopiya at Teolohiya ng San Miguel[9 ], isang semninaryo sa San Miguel, Buenos Aires. Naabot ni Bergoglio doon ang posisyong novice master at naging propesor ng teolohiya. Itinaas ng Kapisanan ni Hesus si Bergoglio at siya ay nanungkulan bilang probinsiyal ng Arhentina mula 1973 hanggang 1979.[1 0]Nilipat siya sa isang doctoral dissertation sa Sankt Georgen sa Alemanya at bumalik sa Arhentina upang manungkulan bilang kumpesor at direktor pang-espiritwal sa Cordoba
  • 2. Itinalaga si Bergoglio bilang Pangalawang Obispo ng Buenos Aires noong 1992 at inordena noong 27 Hunyo 1992 bilang Titular Bishop ng Auca [1 1 ] kasama si Antonio Kardinal Quarracino, Arsobispo ng Buenos Aires, bilang principal consecrator. Si Bergoglio ang humalili kay Kardinal Quarracino bilang Arsobispo ng Buenos Aires noong 28 Pebrero 1998 at ipinangalangordinaryo para sa Silangang Katoliko sa Arhentina, na walang sariling prelado Sa konsistori noong 21 Pebrero 2001, ginawang kardinal si Arsobispo Bergoglio ni Papa Juan Pablo II, na may titulo bilang kardinal-pari ng San Roberto Bellarmino. Bilang kardinal, itinalaga si Bergoglio sa limang administratibong posisyon sa Kuryang Romano. Nakilala si Kardinal Bergoglio dahil sa kaniyang pagiging magpakumbaba, pagka-konserbatibo sa doktrina at sa kaniyang prinsipyo sakatarungang panlipunan.[1 2 ] Mas pinili niya ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay: mas pinili niyang manirahan sa isang maliit na apartment sa halip ng magarang tirahan para sa obispo, at mas pinili niyang sumakay sa mga pampublikong transportasyon kaysa sa isang limousine.[1 3 ] Noong pumanaw si Papa Juan Pablo II noong 2005, isa sa mga napipisil na papabile si Bergoglio[ka ilangan ng sanggu nian ]. Lumahok siya bilang is ant kardinal-tagahalál (cardinal elector) sa kongklabe noong 2005 na siyang nagluklók kay Papa Benedicto XVI. Ayon sa pahayagang La Stampa, gitgitan sila ni Ratzinger sa halalan, hanggang sa humingî siya ng isang madamdaming pakiusap[nino?][1 4 ] sa mga kardinal na huwag siyang ihalal.[1 5 ] Bago nagsimula ang conclave ay nakilahok din siya sa libing ni Papa Juan Pablo II at gumanap bilang regent kasama angKolehiyo ng mga Kardinal, at namuno sa Simbahang Romana Katolika noong panahon ng sede vacante. Bilang isang kardinal, nakilala si Bergoglio bilang isang konserbatibong Katoliko.[1 6 ] Hatî ang opinyon ng mga Arhentino patungkol sa kaniya. Habang ang ilan ay malakas ang suporta kay Bergoglio dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay, ang iba naman ay malaki ang pagkatutol sa kaniya dahil sa mga isyu patungkol sa kasalang homosekswál at sa kanilang pagkabagabag ukol sa kaniyang relasyon sa mapanupil na rehiméng militar noong dekada 70.
  • 3. Pope John XXIII Binansagang The Good Pope at marahil ay pinakamamahal na Italian pope si Angelo Giuseppe Roncalli o mas kilala bilang Pope John XXIII, na nagsulong ng mahahalagang reporma sa Simbahang Katoliko sa mahigit apat na taon ng kanyang pamumuno. Isinilang noong Nobyembre 25, 1881 sa Sotto il Monte, Italy at lumaki sa mahirap na pamilya si Angelo Giuseppe Roncalli, ang ikatlo sa 13 magkakapatid na mula sa pamilya ng mga magsasaka. Taong 1904 siya naging pari. Sa loob ng 25 na taon ay nagsilbi si Roncalli bilang Papal diplomat sa Bulgaria, Turkey at France. Anim na taon siyang naging Arsobispo ng Venice, hanggang sa mahalal na Papa noong Oktubre 28, 1958 sa edad na 76. Siya ang ika-262 Pope ng Catholic at non-Catholic na simbahan. Nakilala si Pope John XXIII sa pagpapatawag ng Second Vatican Council. Kakaiba ang paraan niya ng pamamahala at masasabing taliwas sa mga na unang konseho ng Vatican dahil ang mga naunang council ay tinutukan ang pagwawasto sa mga maling teksto sa Bibliya, habang ang binuo niyang konseho ay nagpalaganap ng hindi matitibag na pananampalataya at paniniwala, at ng mga reporma sa simbahan na napakikinabangan ng mga Katoliko hanggang sa kasalukuyan. Nakilala siya sa mga non-Catholic church dahil sa mga ‘di matatawaran niyang pagsisikap na gampanan ang pagiging Pope. Dahil din sa kanya ay nagkaroon ng bagong pangalan ang Vatican II, “New Pentecost”. Naniniwala si Pope John XXII na ang Kristiyanismo ay hindi lang usapang legal at mga doktrina kundi nakabatay sa kung paano mabubuhay nang may pagmamahal sa Diyos. Setyembre 23, 1962 nang matukoy na may stomach cancer si Pope John XXIII, ngunit hindi ito isinapubliko dahil umasa noon ang Papa na maipagpapatuloy pa rin ang pamamahala sa Vatican II council hanggang sa abot ng kanyang makakaya.
  • 4. Pumanaw siya noong Hunyo 3, 1963 bago pa man magsimula ang ikalawang session ng Second Vatican Council. Inihahalintulad kay Pope Francis "Good Pope John" ang tawag kay Pope John XXIII na laging idinidikit kay Pope Francis dahil sa pagiging pareho nila sa napakaraming bagay. Edad 76 na siya nang maging Santo Papa, gaya ni Pope Francis. Lalong tumingkad ang progresibong pananaw ni "Good Pope John" nang iutos niya ang pagbuo ng Second Vatican Council. Nakilala rin si Pope John sa pagtakas sa Vatican ng disoras ng gabi para maglakad-lakad sa Roma kaya binansagan siyang "Johnny Walker". Mas gusto rin niyang magsuot ng simpleng itim na sapatos, bagay na ginagawa rin ngayon ni Pope Francis. Gaya rin ni Pope Francis, lumihis siya sa pagsunod sa mga tradisyunal na pangalan gaya ng Gregory at Benedict, at piniling matawag na John.
  • 5. Pope John Paul II Ipinanganak noong Mayo 18, 1920 si Karol Jozef Wojtyla, higit na kilala bilang Pope John Paul II. Si Papa Juan Pablo II ang nagsilbing ika-256 naSupreme Pontiff ng Simbahang Katoliko at puno ng Lungsod ng Vatican mula ika-16 ng Oktubre 1978 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang natatanging taga-Poland na naging santo papa at ang unang di- Italyanong papa sa loob ng 455 taon. Itinuturing na isa sa mga pinakamaimpluwensiyang pinuno ng ikadalawampung siglo si Juan Pablo II. Naging instrumento siya sa pagwawakas ng komunismo sa Poland pati na rin sa pagpapabuti ng relasyon ng Simbahang Katoliko sa Hudyaismo, Simbahang Eastern Orthodox, at sa Anglikanong Komunyon. Iniluklok siya ng mga Kardinal bilang santo papa sa Conclave (pagtitipon) noong ika-16 ng Oktubre 1978, at inangkin ang pangalang Juan Pablo II. Araw ng Linggo, noong ika- 22 ng Oktubre nang maringal niyang pasinayaan ang kanyang Petrinong paglilingkod bilang ika-263 na kahalili ni apostol San Pedro. Ang kanyang pamumuno, ikatlo sa pinakamahaba sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, ay tumagal ng halos 27 taon. Sa buong panahon ng kanyang pamumuno, nagkaroon siya ng 104 na pastoral na pagdalaw sa labas ng Italya at 146 naman sa loob nito. Bilang obispo ng Roma, binisita niya ang 317 sa 333 parokya ng lungsod. Maraming beses din siyang nakipagpulong sa mga puno ng iba't ibang bansa sa kanyang 38 opisyal na pagdalaw, 738 tagapanood at pulong kasama ang mga puno ng mga estado, at 246 na tagapanood sa mga pulong kasama ang mga punong ministro. Dahil sa kanyang pagmamahal sa mga kabataan, itinatag niya ang pagdaraos ng ”World Youth Day” (WYD) (Pandaigdig na Araw ng mga Kabataan). Labing-siyam (19) na WYD ang kanyang ipinagdiwang sa kanyang pamumuno na nagbuklod sa milyun-milyong mga kabataan mula sa iba't ibang panig ng daigdig. Kasabay nito, ipinamalas niya rin ang kanyang pagmamalasakit sa pamilya nang pasimulan
  • 6. niya ang ”World Meeting of Families” (Pandaigdigang Pulong ng mga Pamilya) noong 1994. Matagumpay ding nahikayat ni Papa Juan Pablo II ang mga dyalogo sa mga Hudyo at pati na rin sa mga kinatawan ng iba pang mga relihiyon na kanya rin namang inimbitahan sa mga ”prayer meeting” (pulong sa pagdarasal) para sa kapayapaan. Sa ilalim ng kanyang pagsubaybay, pinaghandaan ng Simbahang Katoliko ang pagdating nga ikatlong milenyo at idinaos ang ”Great Jubilee” ng taong 2000. Sa pangunguna rin niya, masiglang idinaos ang maraming mga Kanonisasyon at Beatipikasyon upang magsilbing halimbawa ng kabanalan sa panahong ito. Nagdaos siya ng 147 na seremonya ng beatipikasyon kung saan naiproklama ang 1,338 na 'Beato' (mapalad); at 51 na kanonisasyon sa 482 na santo. Siya rin ang nagtalaga kay Teresa ng Batang si Kristo bilang isang 'Dalubhasa ng Simbahan. Pagpanaw Si Papa Juan Pablo II ay pumanaw noong bandang 9:37 ng gabi, oras sa Vatikan, noong ika-2 ng Abril 2005, sa edad na 84, matapos magkasakit ng Parkinson's Disease at iba pang karamdaman tulad ng sakit sa puso at kumplikasyon sa atay. Mula sa gabi ng kanyang pagpanaw hanggang sa araw ng kanyang paglibing, dumagsa ang higit tatlong milyong manlalakbay sa Roma. Marami sa kanila ang pumila upang makapasok sa Basilika ni San Pedro upang masilayan sa huling sandali ang kanyang mga labi. Pagpupugay Noong ika-19 ng Disyembre 2009, iprinoklama ni Papa Benito XVI bilang 'Kapita-pitagan' (”Venerable”) si Juan Pablo II. Dahil sa taglay niyang di mapagkakailang kabanalan ay iginawad ni Papa Benito XVI ang beatipikasyon ni Papa Juan Pablo II sa ika-1 ng Mayo 2011 at dahil dito'y tinawag na Beato Juan Pablo II (”Blessed John Paul II”). Koneksyon sa mga Pilipino Dalawang beses dumalaw sa Pilipinas si Papa Juan Pablo II. Una'y noong Pebrero 1981. Panghuli, noong Enero 1995 ng magmisa si Papa Juan Pablo II sa harap ng apat (4) na milyong tao, ang pinakamalaking pangkat na dumalo para sa isang pagtitipon ng ”World Youth Day”, kung di man pinakamalaki bilang ng pangkat sa kahit anong pagtitipon. Dahil sa espesyal niyang koneksyon sa mga Pilipino, pinasinayaan ang pagtatayo ng isang dambana para kay Juan Pablo II noong ika- 2 ng Mayo 2011 sa isang dating refugee camp sa Bataan kung saan siya dati nagdaos ng misa para sa mga Indo-Tsinong refugee. May tore ring itinayo sa Bacolod noong 2010 “alay ng pagmamahal sa Simbahang Katoliko”.