SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
Download to read offline
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XII
Division of Sarangani
ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Regional Science High School for Region XII
Alabel, Sarangani Province
PAGPAPATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG
ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Isang panukalang papel na iniharap sa kaguruan ng
Departamento ng Filipino, Senior High School
Alabel National Science High School
Bilang katuparan sa Filipino 121,
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Ipinasa nina:
MICHAEL LANCE C. MORALES
JAKE CEASAR A. DIOSANA
TYL JOY S. DEJIGA
12 – Leptons
Ipinasa kay:
ALELI E. DASMARIÑAS
Guro ng Filipino 121
Agosto 30, 2017
PANUKALANG PROYEKTO
Pamagat ng Proyekto: PAGTATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG ALABEL
NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
Organisasyon: Young Enthusiasts of Mathematics Association (YEMA)
Contact Information:
Tirahan: Alabel National Science High School, Maribulan, Alabel, Sarangani
Province
Email Address: michaelmorales@rshsxii.edu.ph
KEY TEAM MEMBERS
Pangalan Papel na Ginagampanan
Michael Lance C. Morales Project Manager
Jake Ceasar A. Diosana IEC Manager
Tyl Joy S. Dejiga Budget and Finance Manager
RASYUNALE NG PROYEKTO
Nakakatulong ang Math Garden sa pagpalawak ng pag-unawa ng mga mag-
aaral sa Matematika. Mararanasan nila ang kagandahan ng asignaturang ito sa
pamamagitan ng mga ipinapaskil na signages, mga interaktibong kagamitang
pampagtuturo, temporary learning sheds, at maaliwalas na atmospera dala ng mga
pananim at mga puno na makikita roon. Dahil rito, hindi magiging nakababahala ang
asignaturang Matematika.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang matematika ay isa sa mga asignaturang nangangailangan ng matinding
analisis at konsentrasyon. Ito ay nagbibigay kulay sa agham at ito rin ang tulay sa
mabuting pag-unawa sa mga problemang hinaharap ng mga tao dahil sa
metakognitibong proseso sa pagbuo ng sagot o solusyon.
Kinakailangan ng mga mag-aaral ng malalim na adaptasyon upang makamit ang
layuning ito. Ngunit, malimit sa mga estudyante ang mainip sa mga paulit-ulit na
pagtalakay sa mga paksang mahirap intindihin tulad ng Algebra, Trigonometry,
Geometry, at Calculus. Bukod ditto, ang atmospera at istruktura ng silid-aralan ay
maaaring maging sagabal sa pakikinig sa guro o sap ag-iisip. Dahil rito, nararapat
lamang na masolusyonan ang problemang ito.
LAYUNIN
Ang sumusunod ay ang layunin ng Math Garden:
1. Matutulungan ang mga mag-aaral sa pagpalawak ng kanilang pag-unawa sa
matematika sa pamamagitan ng kakaibang paraan ng pagkatuto sa labas ng
silid-aralan
2. Maging sentro ng mga gawain ng Mathematics Club sa kanilang pagtitipon, peer
mentoring, at maging sa pagpapaganda ng Math Garden
MGA ESTRATEHIYA
Mula sa distribusyon ng flowchart na nasa ibaba, nahahati sa tatlong bahagi ang
metodolohiya ng proyektong ito: ang pagpaplano, pagsasagawa, at pagpapanatili. Sa
pagpaplano nakapaloob ang pagtukoy sa lokasyon, paggawa ng blueprint,
pagbabadyet, at paggawa ng iskedyul ng mga aktibidades. Sisimulan ang pagtatayo ng
Math Garden sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagpapaganda ng lokasyon. Habang
ginagawa ito, sisimulan na rin ang pagtatayo ng mga Temporary Learning Sheds (TLS),
paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo, at paglalagay ng mga karatula sa iba’t
ibang bahagi ng Math Garden. Pagkatapos nito, gagawa ang YEMA ng iskedyul sa
paggamit at pagpapanatili ng Math Garden at ang mga patakaran sa paggamit nito.
DALOY NG PAG-AARAL
 Unang bahagi: Paglalahad ng rationale, suliranin ng panukala, layunin,
kahalagahan ng pag-aaral, metodo, saklaw at delimitasyon, at daloy ng pag-aaral
Pagpaplano
Paghahanap ng lokasyon
Paggawa ng blueprint
Paglilista ng mga
materyales at
kasangkapang gagamitin
Pagtukoy sa mga tauhan na
tutulong sa gawain
Paghingi ng suhestiyon sa
mga eksperto ukol sa
disenyo
Paggawa ng pinal na
blueprint at listahan ng
mga materyales,
kasangkapan, at tauhan
Pagbabadyet
Paghahanap ng pondo
Pagsasagawa
Pagsasaayos ng lokasyon
Landscaping
Paglalagay ng mga karatula
Pagtatayo ng mga
Temporary Learning Sheds
Paghahanda sa mga
kagamitang pampagtuturo
Pagpapanatili
Pagtatakda ng iskedyul sa
paggamit at paglinis ng
Math Garden
Pagtatakda ng mga
patakaran sa paggamit ng
Math Garden
Dayagram 1. Ang Flowchart ng Proyekto
 Pangalawang bahagi: Pagpaliwanag sa konsepto at tunay na layunin ng
pagpapatayo ng Math Garden sa loob ng Alabel National Science High School
 Pangatlong bahagi: Pagtatala ng mga datos sa kabuuang bilang ng mga
materyales at kasangkapan sa pagpapatayo ng Math Garden, ang ponding
kakailanganin, at ang blueprint
 Ikaapat na bahagi: Panghihikayat sa mga tao lalung-lalo na sa mga estudyante
na tumulong sa pagpapatayo at pagpapaganda ng Math Garden at paggawa ng
pinal na listahan ng mga taong lalahok sa proyekto
 Ikalimang bahagi: Pagtatakda ng timetable sa pagtatayo ng Math Garden
 Ikaanim na bahagi: Pagtatakda ng iskedyul at oras sa paggamit at paglilinis ng
Math Garden
 Ikapitong bahagi: Pagbabalangkas ng mga patakaran sa pagpapanatili ng
kaayusan at kagandahan ng Math Garden
KAAGAPAY NG PROYEKTO
Ang sumusunod ay ang mga tao/organisasyong posibleng lalahok sa proyekto
na ito:
 Ang mga estudyante ng Alabel National Science High School, lalung-lalo na ang
mga kasapi ng Young Enthusiasts of Mathematics Association
 Mga guro ng Alabel National Science High School
 Supreme Student Government
 Parents-Teachers Association
 Mga non-government organizations o NGOs
MGA MATERYALES AT KASANGKAPAN
Ang mga sumusunod ay ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng Math
Garden:
1. Temporary Learning Sheds at mga bakod
 10 sakong semento
 2 kilong pako (Galvanized Nail 3in)
 3 litrong Pintura ( Peach at Bughaw )
 12 pirasong bakal ( 10m ang haba)
 400 pirasong Hollow blocks
 3 Tabla (10m by 10m)
 3 kawayan (5m ang haba)
2. Landscaping
 Mga ornamental plants tulad ng orchids, copia, eugenia, atbp.
 Garden soil
 Tree seedlings
 Mga makukulay na bato
 Pintura
3. Mga karatula
 2 ft. x 3 ft. tarpaulin with print
 Plywood
 Tree seedlings
 Tabla
Ito ay ang mga materyales na kakailanganin sa pagpapatayo ng Math Garden.
Nakapaloob pa rito ang mga kagamitan sa pagkukumpuni tulad ng martilyo, lagare,
iskuwala at marami pang iba. Maaring gumamit ng pison o buldoser sa pagpapatayo ng
proyektong ito upang matiyak at maisakatuparan ang nakapaloob sa disenyo at
estraktura nito.
BLUEPRINT NG MATH GARDEN
Ito ay isang lamang pahapyaw na perspektibo ng Math Garden na itatayo.
Inaasahan na magkakaroon pa ito ng mga pagsasaayos matapos itong isailalim sa mga
puna at rekomendasyon ng mga eksperto sa disenyo.
Ang Math Garden ng Alabel National Science High School ay may kabuuang
sukat na 100m x 200m. Ang meeting place o ang tagpuan ng mga miyembro ay may
kabuuang sukat na 20m x 60m na binubuo ng isang kubo, upuan at lamesang
nakalagay sa gitna. Ang nakaitim na bahagi naman ng tagpuan ay ang bodega ng mga
kasangkapan at kagamitang nagamit at gagamitin ng mga miyembro.
Binubuo rin ito ng Temporary Learning Stations o TLS na nagsisilbing tambayan
ng mag-aaral kapag may mga mahihirap silang takdan-aralin, proyekto, o aktibidad na
tungkol sa Matematika. Ang TLS ay may kabuuang sukat na 9 bawat isa at may
dyametrong 6m. Sumatutal, ang kabuuang bilang na TLS ay tatlo at aabot ito ng 27.
Larawan 1. Ang Disenyo at Estraktura ng Math Garden sa Alabel National Science High
School
Ang mga puno rin ay pinaglagyan at napapalibutan ng mga “benches” na
nagiging kaaya-ayang tingnan ng mga bisita at miyembro. Apat na mga puno ay
pinaglagyan nito upang may mapagkunan ang mga miyembro ng sariwang hangin at
maiwasan ang matinding sikat ng araw.
Ang mga nakapaloob pa sa Math Garden ay ang waiting shed, naghahalimuyak
at nagbabanguhang mga bulaklak sa mga flower box, mga puno, mga disenyo at
palamuting inilalagay sa dito at ang bakod nito.
Inaasahang Badyet
Mga Gawain at Kasangkapan Halaga
Pagpapatayo ng TLS Php 120, 000.00
Paglalagay ng bakod at harapang
pintuan
Php 10, 000.00
Landscaping ng mga halaman at anyo
ng lugar.
Php 46, 000.00
Paglalagay mga benches sa mga puno Php 20,000.00
Maintenance ng Mga Halaman at
Kagamitan ( Tubig at Kuryente )
Php 3, 000.00
Paglalagay ng mga karatula Php 1, 000.00
KABUUANG BADYET Php 200, 000.00
Talahanayan 1. Kabuuang badyet ng bawat gawain at kasangkapan ng Math Garden.
Mula sa sa talahanayan, mayroong anim na mga gawain at kasangkapan ang
nakapaloob sa kabuuang badyet ng Math Garden. Ang una ay ang pagpapatayo ng
Temporary Learning System o ang TLS na may pinakamalaking porsyento (60%)
nakuha kumpara sa ibang gawain. Ito ay may badyet na Php 120, 000.00. Ang ikalawa
naman ay ang paglalagay ng bakod at harapang pintuan ng Math Garden na may
kabuuang badyet na Php 10, 000.00 ng pangatlo ay ang landscaping ng mga halaman
at anyo ng lugar na may badyet na Php 46, 000.00. Panglima ay ang maintenance ng
mga halaman at kagamitan tulad ng konsumo sa tubig at kuryente na may badyet na
Php 3, 000.00. Ang panghuli naman ay ang mga karatulang ipapaskil sa Math Garden
na may pinakamaliit na badyet na aabot lamang sa Php 1, 000.00.
ISKEDYUL NG MGA GAWAIN
Talahanayan 2: Gantt chart ng mga aktibidades sa pagpapatayo ng Math Garden
Inaasahang mauumpisahan ang proyekto pagdating ng ika-8 ng Hulyo taong 2018 pagkatapos ng pagpaplano at
pagpalaganap ng impormasyon sa mga nararapat na tao maging ang paghahanap ng pondo. Ang pagtatayo ng Math
Garden ay tatagal ng humigit-kumulang tatlong buwan at walong araw, depende sa dami ng mga taong handang
tumulong.
KAHALAGAHAN NG PROYEKTO
Ang proyektong ito ay isa sa mga paraan at hakbang upang mapalago at
mapalawak ang isip ng mga mag-aaral dahil sa napapalibutan sila ng mga elementong
nakapagdadagdag ng kaalaman sa kanilang sarili. Ito rin ay isa sa mga susi ng
mabisang pagtuturo ng mga guro upang maipakita ang importansya ng Matematika sa
lipunan.
Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:
Tagamasid. Sila ay makapagrerekomenda ng epektibong gawain at aktibiti sa
loob at labas ng Math Garden.
Mga Guro ng asignaturang Matematika. Sila ang unang makakakuha ng
benepisyo ng pag-aaral na ito mula sa mga mag-aaral, sapagkat mas madadagdagan
pa ang mga estratehiya nila sa pagtuturo dahil natututong maki-ugnay ang mga mag-
aaral sa asignaturang matematika. Mababawasanang rin ang pag-aalala ng guro sa
kung papaano ituturo ang isang aralin sa asignaturang Matematika. Gayun paman,
mapapagaan at mapapadali ang kanilang pagtuturo sa nasabing asignatura. Mulasa
pag-aaral na ito ay magkakaroon ng mas maunlad at malawak na pag-uunawa sa
pagtuturo ngnasabing asignatura.
Mga Estudyante. Madagdagan at mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa
asignaturang Matematika dahil nagkakaroon sila ng matinding relasyon sa pisikal na
mundo ng Matematika. Ang mga elementong kanilang ginagalawan ay maari nilang
maging susi sa pagbuo at paggawa ng mga bagay na may kinalaman sa Matematika.
Isa pa sa mga nakapaloob dito ay mas lalo pa silang gaganahan sa pag-aaral ng
asignaturang ito sapagkat mas madali ang kanilang pag-unawa at dahil dito lalo pa
silang magsikap sa pag-aaral.
Inihanda nina:
MICHAEL LANCE C. MORALES
JAKE CEASAR A. DIOSANA
TYL JOY S. DEJIGA
Mga Mananaliksik
Batid ni:
ALELI E. DASMARIÑAS
Guro ng Filipino 121

More Related Content

What's hot

Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral
Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral
Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral Saber Athena
 
Wastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga SalitaWastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga Salitadeathful
 
Liham pahintulot republic of the philippines
Liham pahintulot republic of the philippinesLiham pahintulot republic of the philippines
Liham pahintulot republic of the philippinesRovie Saz
 
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoJoeffrey Sacristan
 
Intensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasaIntensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasaRochelle Nato
 
Dokumentasyon ng produkto
Dokumentasyon ng produktoDokumentasyon ng produkto
Dokumentasyon ng produktoDepEd
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Merland Mabait
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wikaRita Mae Odrada
 
Heterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousHeterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousThomson Leopoldo
 
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)Genevieve Lusterio
 
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)NicoleGala
 
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptx
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptxPAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptx
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptxLilybethLayderos
 

What's hot (20)

Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral
Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral
Mga Epekto sa Pakikilahok sa Klase ng mga Manggagawang Mag-aaral
 
Tekstong deskriptibo - Grade 11
Tekstong deskriptibo - Grade 11Tekstong deskriptibo - Grade 11
Tekstong deskriptibo - Grade 11
 
Wastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga SalitaWastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga Salita
 
Bahagi ng liham pangnegosyo
Bahagi ng liham pangnegosyoBahagi ng liham pangnegosyo
Bahagi ng liham pangnegosyo
 
Liham pahintulot republic of the philippines
Liham pahintulot republic of the philippinesLiham pahintulot republic of the philippines
Liham pahintulot republic of the philippines
 
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
Intensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasaIntensibo at ekstensibong pagbasa
Intensibo at ekstensibong pagbasa
 
Tekstong Prosidyural
Tekstong ProsidyuralTekstong Prosidyural
Tekstong Prosidyural
 
Dokumentasyon ng produkto
Dokumentasyon ng produktoDokumentasyon ng produkto
Dokumentasyon ng produkto
 
Kaugnay na pag aaral at literatura
Kaugnay na pag aaral at literaturaKaugnay na pag aaral at literatura
Kaugnay na pag aaral at literatura
 
Pagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionotePagsulat ng bionote
Pagsulat ng bionote
 
Antas ng Pagbasa
Antas ng PagbasaAntas ng Pagbasa
Antas ng Pagbasa
 
Posisyong papel
Posisyong papelPosisyong papel
Posisyong papel
 
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)
 
Yunit 3 istruktura ng wika
Yunit 3  istruktura ng wikaYunit 3  istruktura ng wika
Yunit 3 istruktura ng wika
 
Heterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at HomogeneousHeterogeneous at Homogeneous
Heterogeneous at Homogeneous
 
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
Pagwawasto ng Kopya at Pag uulo ng Balita (CRHW)
 
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
Iba't ibang uri ng  mga TayutayIba't ibang uri ng  mga Tayutay
Iba't ibang uri ng mga Tayutay
 
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
Kabanata 1 sa pananaliksik (suliranin at kaligiran)
 
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptx
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptxPAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptx
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO, AT FILIPINO by Angela.pptx
 

Recently uploaded

G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationRonalynGatelaCajudo
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxResty Rioveros
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 

Recently uploaded (20)

G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 

Kupdf.net panukalang proyekto

  • 1. Republic of the Philippines Department of Education Region XII Division of Sarangani ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL Regional Science High School for Region XII Alabel, Sarangani Province PAGPAPATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL Isang panukalang papel na iniharap sa kaguruan ng Departamento ng Filipino, Senior High School Alabel National Science High School Bilang katuparan sa Filipino 121, Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Ipinasa nina: MICHAEL LANCE C. MORALES JAKE CEASAR A. DIOSANA TYL JOY S. DEJIGA 12 – Leptons Ipinasa kay: ALELI E. DASMARIÑAS Guro ng Filipino 121 Agosto 30, 2017
  • 2. PANUKALANG PROYEKTO Pamagat ng Proyekto: PAGTATAYO NG MATH GARDEN SA KAMPUS NG ALABEL NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL Organisasyon: Young Enthusiasts of Mathematics Association (YEMA) Contact Information: Tirahan: Alabel National Science High School, Maribulan, Alabel, Sarangani Province Email Address: michaelmorales@rshsxii.edu.ph KEY TEAM MEMBERS Pangalan Papel na Ginagampanan Michael Lance C. Morales Project Manager Jake Ceasar A. Diosana IEC Manager Tyl Joy S. Dejiga Budget and Finance Manager RASYUNALE NG PROYEKTO Nakakatulong ang Math Garden sa pagpalawak ng pag-unawa ng mga mag- aaral sa Matematika. Mararanasan nila ang kagandahan ng asignaturang ito sa pamamagitan ng mga ipinapaskil na signages, mga interaktibong kagamitang pampagtuturo, temporary learning sheds, at maaliwalas na atmospera dala ng mga pananim at mga puno na makikita roon. Dahil rito, hindi magiging nakababahala ang asignaturang Matematika. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang matematika ay isa sa mga asignaturang nangangailangan ng matinding analisis at konsentrasyon. Ito ay nagbibigay kulay sa agham at ito rin ang tulay sa
  • 3. mabuting pag-unawa sa mga problemang hinaharap ng mga tao dahil sa metakognitibong proseso sa pagbuo ng sagot o solusyon. Kinakailangan ng mga mag-aaral ng malalim na adaptasyon upang makamit ang layuning ito. Ngunit, malimit sa mga estudyante ang mainip sa mga paulit-ulit na pagtalakay sa mga paksang mahirap intindihin tulad ng Algebra, Trigonometry, Geometry, at Calculus. Bukod ditto, ang atmospera at istruktura ng silid-aralan ay maaaring maging sagabal sa pakikinig sa guro o sap ag-iisip. Dahil rito, nararapat lamang na masolusyonan ang problemang ito. LAYUNIN Ang sumusunod ay ang layunin ng Math Garden: 1. Matutulungan ang mga mag-aaral sa pagpalawak ng kanilang pag-unawa sa matematika sa pamamagitan ng kakaibang paraan ng pagkatuto sa labas ng silid-aralan 2. Maging sentro ng mga gawain ng Mathematics Club sa kanilang pagtitipon, peer mentoring, at maging sa pagpapaganda ng Math Garden MGA ESTRATEHIYA Mula sa distribusyon ng flowchart na nasa ibaba, nahahati sa tatlong bahagi ang metodolohiya ng proyektong ito: ang pagpaplano, pagsasagawa, at pagpapanatili. Sa pagpaplano nakapaloob ang pagtukoy sa lokasyon, paggawa ng blueprint, pagbabadyet, at paggawa ng iskedyul ng mga aktibidades. Sisimulan ang pagtatayo ng Math Garden sa pamamagitan ng pagsasaayos at pagpapaganda ng lokasyon. Habang ginagawa ito, sisimulan na rin ang pagtatayo ng mga Temporary Learning Sheds (TLS), paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo, at paglalagay ng mga karatula sa iba’t
  • 4. ibang bahagi ng Math Garden. Pagkatapos nito, gagawa ang YEMA ng iskedyul sa paggamit at pagpapanatili ng Math Garden at ang mga patakaran sa paggamit nito. DALOY NG PAG-AARAL  Unang bahagi: Paglalahad ng rationale, suliranin ng panukala, layunin, kahalagahan ng pag-aaral, metodo, saklaw at delimitasyon, at daloy ng pag-aaral Pagpaplano Paghahanap ng lokasyon Paggawa ng blueprint Paglilista ng mga materyales at kasangkapang gagamitin Pagtukoy sa mga tauhan na tutulong sa gawain Paghingi ng suhestiyon sa mga eksperto ukol sa disenyo Paggawa ng pinal na blueprint at listahan ng mga materyales, kasangkapan, at tauhan Pagbabadyet Paghahanap ng pondo Pagsasagawa Pagsasaayos ng lokasyon Landscaping Paglalagay ng mga karatula Pagtatayo ng mga Temporary Learning Sheds Paghahanda sa mga kagamitang pampagtuturo Pagpapanatili Pagtatakda ng iskedyul sa paggamit at paglinis ng Math Garden Pagtatakda ng mga patakaran sa paggamit ng Math Garden Dayagram 1. Ang Flowchart ng Proyekto
  • 5.  Pangalawang bahagi: Pagpaliwanag sa konsepto at tunay na layunin ng pagpapatayo ng Math Garden sa loob ng Alabel National Science High School  Pangatlong bahagi: Pagtatala ng mga datos sa kabuuang bilang ng mga materyales at kasangkapan sa pagpapatayo ng Math Garden, ang ponding kakailanganin, at ang blueprint  Ikaapat na bahagi: Panghihikayat sa mga tao lalung-lalo na sa mga estudyante na tumulong sa pagpapatayo at pagpapaganda ng Math Garden at paggawa ng pinal na listahan ng mga taong lalahok sa proyekto  Ikalimang bahagi: Pagtatakda ng timetable sa pagtatayo ng Math Garden  Ikaanim na bahagi: Pagtatakda ng iskedyul at oras sa paggamit at paglilinis ng Math Garden  Ikapitong bahagi: Pagbabalangkas ng mga patakaran sa pagpapanatili ng kaayusan at kagandahan ng Math Garden KAAGAPAY NG PROYEKTO Ang sumusunod ay ang mga tao/organisasyong posibleng lalahok sa proyekto na ito:  Ang mga estudyante ng Alabel National Science High School, lalung-lalo na ang mga kasapi ng Young Enthusiasts of Mathematics Association  Mga guro ng Alabel National Science High School  Supreme Student Government  Parents-Teachers Association  Mga non-government organizations o NGOs
  • 6. MGA MATERYALES AT KASANGKAPAN Ang mga sumusunod ay ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng Math Garden: 1. Temporary Learning Sheds at mga bakod  10 sakong semento  2 kilong pako (Galvanized Nail 3in)  3 litrong Pintura ( Peach at Bughaw )  12 pirasong bakal ( 10m ang haba)  400 pirasong Hollow blocks  3 Tabla (10m by 10m)  3 kawayan (5m ang haba) 2. Landscaping  Mga ornamental plants tulad ng orchids, copia, eugenia, atbp.  Garden soil  Tree seedlings  Mga makukulay na bato  Pintura 3. Mga karatula  2 ft. x 3 ft. tarpaulin with print  Plywood  Tree seedlings  Tabla Ito ay ang mga materyales na kakailanganin sa pagpapatayo ng Math Garden. Nakapaloob pa rito ang mga kagamitan sa pagkukumpuni tulad ng martilyo, lagare, iskuwala at marami pang iba. Maaring gumamit ng pison o buldoser sa pagpapatayo ng proyektong ito upang matiyak at maisakatuparan ang nakapaloob sa disenyo at estraktura nito.
  • 7. BLUEPRINT NG MATH GARDEN Ito ay isang lamang pahapyaw na perspektibo ng Math Garden na itatayo. Inaasahan na magkakaroon pa ito ng mga pagsasaayos matapos itong isailalim sa mga puna at rekomendasyon ng mga eksperto sa disenyo. Ang Math Garden ng Alabel National Science High School ay may kabuuang sukat na 100m x 200m. Ang meeting place o ang tagpuan ng mga miyembro ay may kabuuang sukat na 20m x 60m na binubuo ng isang kubo, upuan at lamesang nakalagay sa gitna. Ang nakaitim na bahagi naman ng tagpuan ay ang bodega ng mga kasangkapan at kagamitang nagamit at gagamitin ng mga miyembro. Binubuo rin ito ng Temporary Learning Stations o TLS na nagsisilbing tambayan ng mag-aaral kapag may mga mahihirap silang takdan-aralin, proyekto, o aktibidad na tungkol sa Matematika. Ang TLS ay may kabuuang sukat na 9 bawat isa at may dyametrong 6m. Sumatutal, ang kabuuang bilang na TLS ay tatlo at aabot ito ng 27. Larawan 1. Ang Disenyo at Estraktura ng Math Garden sa Alabel National Science High School
  • 8. Ang mga puno rin ay pinaglagyan at napapalibutan ng mga “benches” na nagiging kaaya-ayang tingnan ng mga bisita at miyembro. Apat na mga puno ay pinaglagyan nito upang may mapagkunan ang mga miyembro ng sariwang hangin at maiwasan ang matinding sikat ng araw. Ang mga nakapaloob pa sa Math Garden ay ang waiting shed, naghahalimuyak at nagbabanguhang mga bulaklak sa mga flower box, mga puno, mga disenyo at palamuting inilalagay sa dito at ang bakod nito. Inaasahang Badyet Mga Gawain at Kasangkapan Halaga Pagpapatayo ng TLS Php 120, 000.00 Paglalagay ng bakod at harapang pintuan Php 10, 000.00 Landscaping ng mga halaman at anyo ng lugar. Php 46, 000.00 Paglalagay mga benches sa mga puno Php 20,000.00 Maintenance ng Mga Halaman at Kagamitan ( Tubig at Kuryente ) Php 3, 000.00 Paglalagay ng mga karatula Php 1, 000.00 KABUUANG BADYET Php 200, 000.00 Talahanayan 1. Kabuuang badyet ng bawat gawain at kasangkapan ng Math Garden. Mula sa sa talahanayan, mayroong anim na mga gawain at kasangkapan ang nakapaloob sa kabuuang badyet ng Math Garden. Ang una ay ang pagpapatayo ng
  • 9. Temporary Learning System o ang TLS na may pinakamalaking porsyento (60%) nakuha kumpara sa ibang gawain. Ito ay may badyet na Php 120, 000.00. Ang ikalawa naman ay ang paglalagay ng bakod at harapang pintuan ng Math Garden na may kabuuang badyet na Php 10, 000.00 ng pangatlo ay ang landscaping ng mga halaman at anyo ng lugar na may badyet na Php 46, 000.00. Panglima ay ang maintenance ng mga halaman at kagamitan tulad ng konsumo sa tubig at kuryente na may badyet na Php 3, 000.00. Ang panghuli naman ay ang mga karatulang ipapaskil sa Math Garden na may pinakamaliit na badyet na aabot lamang sa Php 1, 000.00.
  • 10. ISKEDYUL NG MGA GAWAIN Talahanayan 2: Gantt chart ng mga aktibidades sa pagpapatayo ng Math Garden Inaasahang mauumpisahan ang proyekto pagdating ng ika-8 ng Hulyo taong 2018 pagkatapos ng pagpaplano at pagpalaganap ng impormasyon sa mga nararapat na tao maging ang paghahanap ng pondo. Ang pagtatayo ng Math Garden ay tatagal ng humigit-kumulang tatlong buwan at walong araw, depende sa dami ng mga taong handang tumulong.
  • 11.
  • 12. KAHALAGAHAN NG PROYEKTO Ang proyektong ito ay isa sa mga paraan at hakbang upang mapalago at mapalawak ang isip ng mga mag-aaral dahil sa napapalibutan sila ng mga elementong nakapagdadagdag ng kaalaman sa kanilang sarili. Ito rin ay isa sa mga susi ng mabisang pagtuturo ng mga guro upang maipakita ang importansya ng Matematika sa lipunan. Ang makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: Tagamasid. Sila ay makapagrerekomenda ng epektibong gawain at aktibiti sa loob at labas ng Math Garden. Mga Guro ng asignaturang Matematika. Sila ang unang makakakuha ng benepisyo ng pag-aaral na ito mula sa mga mag-aaral, sapagkat mas madadagdagan pa ang mga estratehiya nila sa pagtuturo dahil natututong maki-ugnay ang mga mag- aaral sa asignaturang matematika. Mababawasanang rin ang pag-aalala ng guro sa kung papaano ituturo ang isang aralin sa asignaturang Matematika. Gayun paman, mapapagaan at mapapadali ang kanilang pagtuturo sa nasabing asignatura. Mulasa pag-aaral na ito ay magkakaroon ng mas maunlad at malawak na pag-uunawa sa pagtuturo ngnasabing asignatura. Mga Estudyante. Madagdagan at mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa asignaturang Matematika dahil nagkakaroon sila ng matinding relasyon sa pisikal na mundo ng Matematika. Ang mga elementong kanilang ginagalawan ay maari nilang maging susi sa pagbuo at paggawa ng mga bagay na may kinalaman sa Matematika. Isa pa sa mga nakapaloob dito ay mas lalo pa silang gaganahan sa pag-aaral ng
  • 13. asignaturang ito sapagkat mas madali ang kanilang pag-unawa at dahil dito lalo pa silang magsikap sa pag-aaral. Inihanda nina: MICHAEL LANCE C. MORALES JAKE CEASAR A. DIOSANA TYL JOY S. DEJIGA Mga Mananaliksik Batid ni: ALELI E. DASMARIÑAS Guro ng Filipino 121