6. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay pagbibigay o
pagpapaabot ng tulong sa kapwa. Isa itong magandang
katangian nagpapakita ng pagmamahal sa ating kapwa at
isang paraan ngpaggawa ng mabuti.
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay hindi dapat
naghihintay ng kapalit dahil kusa mong loob na ginawa ito, at
bukal sa loob mo ang pag-aalay ng pagtulong sa iyong kapwa.
Kaya kapag ikaw ay nagmamalasakit at tumutulong sa isang
tao, nararapat na huwag ng maghihintay pa ng anumang
kapalit sapagkat sa ginawa mo pa lang na pagtulong, may
kapalit na ang iyong ginawang kabutihan at ito ay ang
kinalugdan at kinatuwaan ka ng Diyos.
Sa pamamagitan ng pagmamalasakit natin sa kapwa
dito mas mahuhubog at
mapapaunlad ang ating pagkatao. Nangingibabaw ang
7. Sampung Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamalasakit sa Kapwa
1. Pagtulong sa isang matanda sa pagtawid sa kalsada.
2. Pag-alalay sa mga matanda na nihihirapang maglakad.
3. Pagtulong sa mahihirap at wala ng makain.
4. Pagbibigay ng pagkain sa mga batang namamalimos sa mga
kalye.
5. Ang pagtulong sa kamag-aaral na maunawaan ang aralin.
6. Pag-alalay sa mga taong may mga kapansanan.
7. Ang pagbabahagi ng talento sa kapwa.
8. Pagtulong sa mga nangangailangan nang walang hinihintay na
kapalit.
9. Pagkukusang magbigay ng abot sa makakaya sa mga taong
nanghihingi ng tulong.
10. Pagbibigay tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo o anumang
uri ng sakuna.