Sa panahon ngayon, hindi na lamang lalaki ang itinuturing na tagapagtanggol, may magagawa rin kahit sa maliit na paraan ang mga kababaihan..Si Matabagka...
5. 1. Batay sa larawan, ano kaya ang ginagawa ng mga
tao na nasa larawan?
2. Ano ang isinasaad ng mga kilos na ipinapakita
3. Ano kaya ang kanilang ipinaglalaban?
6. Ano ang nasyonalismo?
Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa diwa o hangaring
makabansa na naglalayon ng pambansang kaunlaran o
kasarinlan. isang pangkat na may iisang adhikain o pangarap
na pinagbubuklod ng isang lahi o bansa....... ang
nasyonalismo ay ang damdamin ng katapatan at
pagmamahal sa kultura at kapakanan nito.Isang damdaming
makabansa ng mga taong nagpakita ng katapangan sa
sariling bayan at hindi sa isang pangulo o pinuno lamang.
8. Subukin:
Bumuo ng kaisipan na may kaugnayan sa pagmamahal
sa bayan sa pamamagitan ng pagkumpleto sa mga
pangungusap.
1. Ang pagmamahal sa bayan ay
_____________________________________________
2. Tangkilikin ang ______________________________
3. Isa sa mga gawaing makabansa ang
_____________________________________________
9. Basahin:
Si Matabagka at ang Tagapag-ingat ng Hangin
Si Matabagka. Tulad niya’y ang mataas na
damong dansuli sa mabining pagsayaw sa ihip ng
hangin. At si Imbununga, ang anak ng diyos ng
araw, ang tagapag-ingat ng hangin. Kailanma’t ibig
niya, napawawalan niya ang ipuipo at ang
napakalakas na hangin upang maminsala o mang-
alipin.
10. Si Matabagka at si Imbununga. Ang pag-iibigan
nila’y patuloy pang inaawit ng matatandang Talaandig
ng Gitnang Bukidnon.
Ngunit ang kasaysayan nila’y hindi simpleng
kuwento ng pag-ibig. Ito’y kuwento ng kabayanihan at
pagtatanggol sa sariling bayan- isang babae.
Bago pa lamang nagdadalaga si Matabagka ay
naririnig na niya ang pangalang iyon- Imbununga Ho
Anlaw, ang anak ng diyos ng araw, ang hari ng hangin.
11. Noon pa’y pinangarap na niyang makapiling
ang lalaking ito sa pamamasyal sa papawirin sakay ng
kaniyang sulinday. Sa ibabaw ng ulap, walang sawa raw
nilang tinatanaw-tanaw ang luntiang kaharian ng
Nalandangan na tahanan ni Matabagka at
pinamumunuan ng kaniyang kapatid na si Agyu.
Maraming ulit nang pinagtangkaang lupigin ng
dayuhang lakas ang Nalandangan. Ngunit walang
kapangyarihang dayuhan sa lakas at tapang ni Agyu.
12. Isang araw, sa sarili’y nahiling ni Matabagka,
sana’y maging tagapagtanggol din siya ng Nalandangan
tulad ng kaniyang kapatid na lalaki.
Dumating ang pagkakataong ito nang malaman
ni Matabagka kay Agyu ang tungkol sa napipintong
paglusob ni Imbununga sa Nalandangan. Si Imbununga!
Hindi makapaniwala si Matabagka sa narinig. Diyata’t si
Imbununga pa-na laman ng kaniyang mga panaginip-
ang magtatangkang kumubkob sa Nalandangan?
13. “Hindi magbibiro ang aking espiritung
tagapatnubay, ang aking tumanod,” sabi ni Agyu.”
“Lulusubin ni Imbununga ang aking kaharian at
gagamitin niya ang taklubu at ang baklaw upang lupigin
ang Nalandangan.”
Ang taklubu at ang baklaw! Sa taklubu
nakakulong ang hanging bagyo. Sa baklaw nakalagak
ang pinakamalakas na ipuipo. Noon din ay nagpasiya si
Matabagka.” Hindi magaganap ito hangga’t may buhay
na nalalabi sa akin.”
“Ano ang magagawa mo?”tanong ni
14. Agyu,” Ikaw na isa lamang babae?”
“Ako ay babae,” metatag ang tinig ni
Matabagka.”Matapang. May sariling lakas. Higit sa lahat,
lumalaban. Nalimutan mo na bang kalahati ng daigdig
ay pinanahanan naming mga kababaihan? Bakit ipagkait
mo sa kababaihan ang karangalang magtanggol sa
sariling bayan? Nalimutan mo na rin ba ang mito ng
paglikha? Sabay na lumabas ang unang babae at unang
lalaki sa kawayang nabiyak sa katutuka ng isang ibon.
Pantay ang lalaki at ang babae sa ating
15. lipunan. Kung naipagtanggol mo ang Nalandangan nang
nakalipas na mga araw, ngayo’y ako naman.”
Pagkasabi nito’y mabilis nang nakalayo si
Matabagka. Kinuha niya sa bulsa ang iniingatang
sulinday, ang kaniyang pamindong, na kapag inilapag ay
nagiging sasakyang panghimpapawid. Sakay ng
kaniyang sulinday, hindi na halos narinig ni Matabagka
ang tinig ni Agyu, ang pakiusap nito na siya’y magbalik.
Sa ibabaw ng mga ulap, kaygandang pag
16. masdan ng Nalandangan. Luntian ang mga bukiring
sagana sa sikat ng araw, hamog sa gabi. Ito ang kaharian
ng kaniyang kamusmusan, ng kaniyang pagdadalaga, ng
kaniyang pagtanda. Hindi makapapayag si Matabagka na
mapasailalim ito sa alinmang dayuhang lakas. Maging sa
kapangyarihan ni Imbununga.
Hatid ng hangin, mabilis na nakarating si
Matabagka sa tahanan ni Imbununga. Lumapag ang
sulinday sa harapan ni Imbununga na nakaupo sa
kaniyang paboritong upuan at mala-
17. lim na nag-iisip.
Nabigla si Imbununga sa paglitaw ng
magandang si Matabagka sa kaniyang harapan. Ito’y
parang mamaon sa kaniyang paningin, parang bunga at
apog na nginangata ng mga taga-bukidnon sa alinmang
mahalagang pagdiriwang o seremonya. Ang dalaga ay
parang sinag ng araw, parang silahis ng umaga.
Si Matabagka man ay di rin makapangusap sa
harap ni Imbununga. Itong-ito ang Imbunungang
kasama niya sa panaginip
18. Sakay ng kaniyang sulinday.
“Sino ka?” magiliw na tanong ni Imbununga.”
“Saan ka nanggaling?”
“Ako’y galing sa ikapitong langit,” mayuming
tugon ni Matabagka.” “Hinahanap ko ang kaharian ng
Nalandangan.”
Napangiti si Imbununga. Sa unang pagkakita pa
lamang sa magandang dalaga ay umibig na siya rito.
Hindi niya hahayaang makalayo ito.
“Ituturo ko sa iyo,” tugon ni Imbununga.”
19. “Ngunit ibig ko munang ipaghanda mo ako ng nganga.
Ibig ko ng ngangang nilagyan ng apog ng iyong
magagandang daliri. Ibig kong makasalo ka sa pagngata
ng ngangang tinimpla ng iyong hugis-kandilang mga
daliri.”
Sumikdo ang dibdib ni Matabagka. Nagbaba
siya ng tingin. Alam niya ang tinutungo ng mga
pangungusap ni Imbununga. Ibig nitong pakasalan siya.
Sa mga taga-Bukidnon, ang paghahanda ng nganga
para sa isang lalaki ay katumbas ng pagsang-ayong
magpakasal dito.
20. Di ba’t ito ang nais niya? Ang ipaghanda ng nganga si
Imbununga hindi lamang ngayon kundi panghabang
panahon.
Ngunit nagbalik sa kaniyang gunita ang babala
ng tumanod ni Agyu. Kailangan isakatuparan niya ang
kaniyang misyon. Naparito siya sa kaharian ni
Imbununga hindi para sa pansariling kapakanan.
Naparito siya upang nakawin ang taklubu at ang baklaw.
Kapag napasakaniya ang mga ito, mawawalan ng lakas si
Imbununga at hindi na kailanman mangyayari ang
21. Balak nitong paglupig sa Nalandangan.
“Pagbalik ko, ipaghahanda kita ng bungang
nilagyan ng apog at ito’y ating pagsasaluhan,”
nakangiting tugon ni Matabagka na mabilis ang pintig
ng puso.
Umiling si Imbununga. “Hindi ka na babalik
kapag itinuro ko sa iyo ang landas patungong
Nalandangan. Ibig kong dito ka manatili habang-buhay,”
at itinuro ni Imbununga ang tapat ng puso.
Walang nagawa si Matabagka kundi ang
sumang-ayon. Ngunit nanatili ang matibay na pasiyang
isakatuparan ang pagtangay sa taklubu
22. pasiyang isakatuparan ang pagtangay sa taklubu at
baklaw kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.
Pagkalipas ng pitong araw, idinaos ang
marangyang kasal nina Matabagka at Imbununga. Mahal
na mahal ni Imbununga ang kaniyang asawa.
Iginagalang niya ito. Ngunit hindi ipinagtapat ni
Matabagka ang kaniyang tunay na pagkatao. Hindi alam
ng lalaki na ang kaniyang mahal na asawa ay galing sa
kahariang pinagbabalakan niyang puksain.
Lumipas ang maraming araw ng magkaha
23. Long ligaya at lungkot kay Matabagka. Hanggang isang
gabi, natuklasan ng babae ang taguan ng taklubu at
baklaw. Nilagyan niya ng pampatulog ang inumin ni
Imbununga at nang tulog na tulog na ito ay tumalilis
siyang tangay ang taklubu at baklaw.
Nakita siya ng mga tanod at tinangka ng mga
itong hadlangan ang kaniyang pag-alis. Sa ibabaw ng
aking bangkay, naisaloob ni Matabagka. Ngayong hawak
ko na ang taklubu at baklaw ay walang makapipigil sa
akin, ang nasa
24. Isip ni Matabagka. At mag-isang nagtanggol si
Matabagka laban sa mga mandirigma ng kaniyang
asawa.
Sumilay ang umaga. Nang magising si
Imbununga at mapagmasdan ang katapangan ng
kaniyang asawa, hindi niya napigilan ang higit pang
paghanga rito. Kaygandang pagmasdan ni Matabagka.
Maging sa pakikipaghamok ay kayganda ng kilos nito.
Parang mataas na damong dansuli na hinihipan ng
hangin.
At si Matabagka, lalo niyang napatuna -
25. Yang mahal siya ni Imbununga nang ipag-utos nitong
hindi dapat masaktan ni magalusan man lamang si
Matabagka. Pinapipigilan lamang siya ni Imbununga sa
kaniyang mga mandirigma. Hindi nito hinahangad na
siya ay pinsalain sa kabila ng kaniyang nagawang
pagtangay sa taklubu at baklaw.
Sa wakas ay dumating ang pangkat ni Agyu na
nakarinig sa sagupaan. Sa pagsaklolo ni Agyu sa kapatid,
lalong naging madugo ang labanan at maraming buhay
ang nalagas sa mag-
26. Kabilang panig. Napilitan si Agyu na makipagkasundo
kay Imbununga na pigilan na ang labanan. Kumumpas si
Imbununga. Sa isang iglap, umihip ang napakalakas na
hangin. Natangay ang ilang mandirigma. Ang iba’y
napahiga sa lupa. Natapos ang labanan sa ganitong
pangyayari.
Nang malaman ni Imbununga ang katotohanan,
napangiti siya sa katapangan at pagmamalasakit ni
Matabagka sa kalayaan ng sariling bayan. Lalong
napamahal sa kaniya ang
27. Magandang asawa dahil sa pagsisikap nitong mapanatili
ang kalayaan ng sariling bayan.
Kailangan pa bang sabihing hindi natuloy ang
balak ni Imbununga na lusubin ang Nalandangan? Bakit
pa? Siya ang napasuko ni Matabagka, siya na anak ng
diyos ng araw at tagapag-ingat ng hangin. Iginalang ni
Imbununga ang pagmamahal sa kalayaan ni Matabagka.
Ngayon, tuwing mamamasdan ng mga taga-
Bukidnon ang mabining pagsayaw ng mata-
28. As na damong dansuli kapag umiihip ang hangin,
sinasabi nilang ito ang katulad ni Matabagka. At sa pag-
ihip ng malakas na hangin, sinasabi nilang ito si
Imbununga na patuloy na nagmamahal at nanunuyo kay
Matabagka.
29. Nalaman ni
Matabagka na
lulusubin ang
Nalandangan
Nakita ni Matabagka
ang lalaking matagal
na niyang
napanaginipan
Dakilang
pagmamahal ni
Imbununga sa
kaniyang asawa na
si Matabagka
Itinakas ni
Matabagka ang
taklubu at baklaw
Minaliit ni Agyu ang
kakayahan ng
kababaihang tulad ni
Matabagka
Pagsaklolo ni Agyu sa
kapatid na si Matabagka
Ano ang maaaring mangyari?
30. Alamin:
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong
ginamit sa akda na binibigyang-diin sa bawat bilang.
1. Ito’y parang mamaon sa kanyang paningin
2. Tulad niya’y mataas na damong dansuli sa mabining
pagsayaw sa ihip ng hangin
3. Ibig kong makasalo ka sa pagngata ng ngangang
tinimpla ng iyong hugis-kandilang mga daliri
31. 4. Sa ibabaw ng aking bangkay, naisaloob ni
Matabagka
5. Ang pag-ihip ng malakas na hangin…
32. Talakayin:
Sagutin ang mga tanong sa buong pangungusap.
1. Ano ang suliranin ni Matabagka sa kuwento?
2. Paano nahikayat ni Matabagka ang kapatid na si
Agyu na pahintulutan siyang ipagtanggol ang sariling
bayan kahit isa siyang babae?
3. Paano nalaman ni Agyu na lulusubin ni Imbununga
ang Nalandangan?
4. Ano ang nangyari kay Matabagka nang magtungo
siya sa kaharian ni Imbununga?
33. 5. Ano ang kultura ng pook na ipinakita sa kaharian ni
Imbununga?
6. Paano naisakatuparan ni Matabagka ang pagkuha sa
Taklubu at sa baklaw? Magbigay ng sariling reaksyon sa
ginawang ito ni Matabagka.
7. Anong kabayanihan ang ipinakita ni Matabagaka sa
kuwento?
8. Ano ang naging reaksyon ni Imbununga nang Makita
ang asawang nakikipaglaban sa kaniyang mga
mandirigma?
34. 9. Paano nasawata ang sagupaan ng magkabilang panig?
10. Ano ang reaksyon sa naging wakas ng kuwento?
35. B. Kilalanin ang katangian ng mga tauahan batay sa
kanilang mga pahayag.
1. “Ano ang magagawa mo?” tanong ni Agyu. “Ikaw na
isa lamang babae?”____________________
2. “Ako ay babae,” metatag ang tinig ni Matabagka.
“Matapang. May sariling lakas. Higit sa lahat,
lumalaban…. Bakit ipagkakait mo sa kababaihan ang
karangalang magtanggol sa sariling bayan?
__________________
36. 3. “Hindi ka na babalik kapag itinuro ko sa iyo ang landas
patungong Nalandangan. Ibig kong dito ka manatili
habang-buhay,” at itinuro ni Imbununga ang tapat ng
puso. ______________________
4. Noon din ay nagpasiya si Matabagka, “Hindi
magaganapa ito hangga’t may buhay na nalalabi sa
akin.” ________________________
37. 5. “Hindi nagbibiro ang aking espiritung tagapatnubay,
ang aking tumanod,” sabi ng Agyu.”Lulusubin ni
Imbununga ang aking kaharian
At gagamitin niya ang taklubu at ang baklaw upang
lupigin ang Nalandangan.” _______________
38. C. Panoorin at suriin ang “Urduja”, ang kauna-unahang
full-length animation feature film ng Pilipinas. Suriin
mga tauhan sa pelikula at sagutin ang sumusunod na
mga gawain.
1. Kahalagahan ng mga tauhan
Tukuyin ang tungkuling ginampanan ng mga
tauhan. Ibigay ang sariling pakahulugan sa kahalagahan
ng mga tauhan sa “Urduja”.
39. Mga Tauhan Ginampanan Kahalagahan
Prinsesa Urduja
Limhang
Lakanpati
Simakwel
Wang
Mayumi
Daisuke
41. 2. Pag-unawa sa pinanood
Sagutin sa buong pangungusap ang sumusunod
batay sa pagkakaunawa sa napanood.
1. Bakit gusto ni Lakanpati na mapakasal si Prinsesa
Urduja kay Simakwel?
2. Nagkaroon ba ng puwang sa puso ni Prinsesa Urduja si
Simakwel? Bakit?
3. Paano nagkakilala sina Prinsesa Urduja at Limhang?
4. Ano-anong pagsubok ang pinagdaanan ni Limhang?
42. Sukatin
Alamin ang iyong kaalaman sa katatapos na aralin
upang masukat ang iyong natutuhan.
A. Suriin ang bawat pares ng salita. Isulat sa kahon ang A
kung magkasingkahulugan, B kung magkasalungat, at C
kung walang kaugnayan sa isa’t isa.
1. Luntian berde
2. Nabiyak nasira
3. Nabigla natuwa
4. Gunita hiraya
5. Dumating lumisan
43. B. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang A-J
ayon sa pagkakasunod-sunod sa iyong sagutang papel.
1. Niyaya si Matabagka ni Imbununga na magpakasal.
Sa una’y tinanggihan niya ito ngunit sa huli, pumayag
na rin upang maisagawa niya ang kaniyang layunin.
______
2. Nalaman ni Matabagka sa kaniyang kapatid na
nagtatangkang lusubin ni Imbununga ang kanilang
baying Nalandangan.
44. 3. Nakarating si Matabagka sa kaniyang kapatid na
nagtatangkang lusubin ni Imbununga ang kanilang
baying Nalandangan.
4. Nais ni Matabagka na ipagtanggol ang kaniyang
bayan kahit babae lamang siya ngunit hinamak ang
kaniyang kakayahan bilang babae ng kaniyang kapatid
na si Agyu.
5. Nahuli at pinigil si Matabagka ng mga tanod ni
Imbununga subalit hindi siya nagpapigil at lumaban
siyang mag-isa.
45. 6. Nabighani si Imbununga, ang tagapag-ingat ng
hangin, sa kagandahan ni Matabagka.
7. Lumipas ang maraming araw ng magkahalong lungkot
at ligaya kay Matabagka.
8. Dali-daling umalis si Matabagka upang patunayang
kaya niyang ipagtanggol ang kaniyang bayan kahit
babae lamang siya.
9. Hindi ikinagalit ni Imbununga ang pakikipaglaban ng
asawa at sa halip lalo pa nitong inibig at hinangaan ang
katapangan ni Matabagka.
46. 10. Hanggang isang gabi, nakakuha ng pagkakataong
itakas ni Matabagka ang taklubu at baklaw upang hindi
na maisakatuparan ni Imbununga ang kaniyang balak na
pananakop.
48. Gumawa ng banghay na mas organisado at
detalyado ayon sa pinakinggang akda. Gamitin ang
caterpillar technique sa pagbuo ng banghay na
nagpapakita ng maayos na takbo ng mga pangyayari sa
epikong binasa.
Magpapangkat ang klase sa dalawa. Sundin ang
ibinigay na mungkahing gawain sa bawat pangkat.
49. Pangkat 1: Pagtatanghal ng Informance
Ang informance (information at performance)
ay gumagamit ng pagtatanghal sa mga importanteng
pangyayari sa isang uri ng genre. Ibinabagay ng mga
magsisiganap ang kanilang kasuotan sa personalidad ng
mga tauhan. Hindi na gumagamit ng mga komplikadong
kagamitan sa tanghalan bagkus simpleng pag-aayos ng
tanghalan ang ginagawa. Ang mga tauhang
nagsisiganap sa tanghalan ay pinag-uusapan ang mga
importanteng pangyayari ng
50. genre na binasa. Ang kanilang kilos at galaw ay
nakabatay sa kanilang sinasabi. Nababagay gamitin ang
informance sa epikong binasa upang ganap na
magkaroon ng kaalaman ang mga manonood sa
tekstong binasa.
51. 1. Sumulat ng iskrip na gagamitin sa pagtatanghal
ng informance tungkol sa kontribusyon sa pagpapaunlad
ng karapatan at dignidad ng kababaihan.
2. Itanghal ang informance na ang mga tauhan ay
may angkop na kasuotan ngunit walang kilos at tagpuan.
3. Maghanda ng payak o simpleng entablado na
pagtatanghalan.
52. Paunlarin
Pang-ugnay na Pangatnig na Pananhi
Ang pang-ugnay ay bahagi ng pananalita na nag-
uugnay o nagdurugtong sa mga salita, sugnay o
pangungusap upang mabigyan ng angkop na
pagpapakahulugan ang bawat pagpapahayag. Isa sa
mga uri nito ang pangatnig.
May uri ng pangatnig na ginagamit sa pagbibigay
sanhi at bunga sa mga pangyayari. Ito ay tinatawag na
pangatnig na pananhi.
53. Ginagamit ito sa sumusunod na mga paraan:
1. Kung inilahad ang mga kadahilanan
2. Kung nangangatwiran
3. Kung tumututgon sa katanungang “Bakit?”
Mga halimbawa:
dahil sa, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, at iba
pa.
54. Halimbawang pangungusap:
1. Sumama ang kaniyang pakiramdam dahil sa kinain
niyang hilaw na mangga.
2. Lumayas ang anak niya kasi sobra niya itong
pinagmalupitan.
3. Maghihirap ka ngayon sa buhay kundangan wala
kang inatupag kundi sugal.
55. Ibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa
epiko. Gamitin nang wasto ang pang-ugnay na
ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga.
Halimbawa: Ang kagandahan ni Matabagka
Sanhi at bunga:
Nabighani at madaling napaibig si Imbununga kay
Matabagka dahil sa angkin nitong kagandahan.
56. 1. katapangan at kabayanihan ni Matabagka.
Sanhi at bunga:_________________________
2. Ang kapangyarihang taglay ni Imbununga
Sanhi at bunga: _________________________
3. Pagsubok ni Agyu sa kakayahan ni Matabagka
Sanhi at bunga: _________________________
4. Pagpapakasal ni Matabagka kay Imbununga
Sanhi at bunga: _________________________
5. Ang pagdating ng pangkat ni Agyu sa gitna ng
labanan
Sanhi at bunga: _________________________