1. AP 4-Q2 Week 1
Naipaliliwanag ang iba’t ibang
pakinabang pang ekonomiko ng
mga likas na yaman ng bansa
2. Balikan!
Tukuyin at ang mga nasa larawan.
Sabihin kung KP ito na katangiang
pisikal ng Pilipinas at HKP naman
kung hindi ito katangiang pisikal
ng Pilipinas.
1. 2.
3.
4.
5.
3. Basahin!
Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mga likas na
yaman tulad ng kapatagan, kabundukan, kagubatan,
karagatan, at minahan na nakatutulong sa pag-unlad
at pagsulong ng ating bansa . Sa mga likas na yaman
kumukuhan ng hanapbuhay ang ating ibang mga
kababayan. Malaking ambag din sa ating ekonomiya
ang mga naibibigay ng ating mga likas na yaman.
4. May apat na uri ang likas na yaman
ang Pilipinas:
1.Yamang pansakahan
2. Yamang kagubatan o kabundukan
3. Yamang pangisdaan
4. Yamang mineral
5. 1. Yamang Pansakahan
- Ito ay matatagpuan sa mga
kapatagan at lambak na nasa pagitan
ng bundok. Ang mga ito ay
tinataniman ng mga palay, mais,
gulay punongkahoy at iba pang
pananim.
9. 2. Yamang Pangisdaan
- Maraming uri ng isda ang makukuha sa ating
bansa. Ang pating na Rhineodon Typus, isa sa
pinakamalaking isda sa buong daigdig ay
matatatagpuan sa Pilipinas. Ang Pandaca
Pygmea o sinarapan ang pinakamaliit na isda ay
mahuhuli sa Lawa ng Bato at Lawa ng Buhi sa
Camarines Sur. Ang mga ilog, lawa, sapa,
latian ay pangisdaan ng mga tilapia, bangus,
hipon at iba pang uri ng isda.
10. DAGAT
Ang Pandaca
Pygmea o sinarapan
ang pinakamaliit na
isda
Ang pating na
Rhineodon Typus, isa
sa pinakamalaking
isda sa buong daigdig
bangus Hipon
11. 3. Yamang Gubat
Sa Luzon, ang mga kilalang kagubatan ay ang
rehiyon ng Cordillera at ang lambak ng Cagayan o
Rehiyon II. Sa Palawan makikita ang
pinakamalaking kagubatan sa bansa. Sa Visayas ang
malalawak na kagubatan ay makikita sa Leyte,
Panay at Samar. Sa Mindanao ang pinakamalaking
kakahuyan ay nasa Silangang bahagi nito.