3. -Ang panitikan o ang pagpapahayag ng kaisipan,
ideya o saloobin ay may ibat-ibang uri at heto ang
ilan sa kanila. Ang mga uri ng panitikan ay may
ibat-ibang gamit at kahulugan. Sa pagpapahayag
gamit nag pagsusulat, nag iiba-iba ang mga tono,
rhythm at iba pang aspeto ng akdang sinulat.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
PANITIKAN
4. SEVERINO REYES
Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong
Pebrero 12, 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang
Rufino Reyes at Andrea Rivero. Nagtapos siya ng Bachelor of
Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala
siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang
pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang
sagisag na Lola Basyang. Ang kanyang sarsuelang
pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng
panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra
maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
mga taong tunay na nagmamahalan.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
5. SEVERINO REYES
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita
niyang ang Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at
kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy
(palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. .
Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang
Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa
unang pagtatarighal ng sarsuelang Salamin ng Pagibig ni Roman
Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San
Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de Dios, El Dinero ni
Hermogenes Ilagan.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
6. FRANCISCO BALTAZAR
Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788 sa
nayon ng Panginay (Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang
mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang
pagmamahalan ng dalawang ito ay nagbunga ng apat na
supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko. Nabibilang
lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar. Ang
kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang
karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng
kanilang kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura –
paroko at ditto ay natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya
at Catecismo. Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang
tagpuan ng mga kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga
usapan at pagtatalo tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
7. FRANCISCO BALTAZAR
Malaki ang nagawa nito sa kanyang murang isipan. Palibhasa’y may ambisyon sa
buhay, inakalang hindi sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng
paraan kung paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag –
aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak na mayaman,
na naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok dito bilang utusan. Nagustuhan
naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang amo kaya pinayagan siyang makapag –
aral. Nagpatala siya sa Colegio de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga
Hesuwitas. Dito’y natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia
at Doctrina Cristiana. Ang sikat na manunulat ng Florante at Laura ay isa ring
beteranong makata at mandudula. Sa kanyang galling ay kinilala siyang “Ama ng
Panulaang Tagalog.”
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
8. PASCUAL POBLETE
Si Pascual H. Poblete ay kinilalang mandudulang may maapoy
na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang
kanyang panulat upang gisingin ang damdaming makabayan
ng mga Pilipino. Siya ay isinilang sa Naic, Cavite noong Mayo
17, 1858. Siya ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Liceo de
Manila. Dahil sa pagtatanghal ng kanyang dulang Amor Patria,
siya at ang mayari ng tanghalang ginamit sa pagtatanghal ay
nabilanggo, bagamat sila ay nakalaya rin. Siya ang nagtatag at
naging patnugot ng pahayagang El Resumen. Ginamit niya ito
upang tuligsain ang mga katiwalian at pang-aaping ginagawa
ng mga makapangyarihang kastila na siyang naging dahilan
upang siya ay mausig at ipatapon sa Africa.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
9. PASCUAL POBLETE
Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Rizal. Siya rin ang
nagtatag ng mga pahayagang El Grito del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan), noong
panahon ng mga Americano. Si Poblete rin ang sumulat ng dulang Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa na naging dahilan din ng kanyang pagkakakulong. Taong 1879
nang maging katulong siyang mamamahayag sa pahayagang La Oceana Espanola.
Naging kolumnista siya ng Diariong Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na
pinamatnugutan din niya nang si Del Pilar ay umalis patungong Espanya. Kasama
din siya ni Del Pilar sa pahayagang Revista Popular na naglathala ng mga artikulong
ibaiba ang paksa na naglayong imulat ang isipan ng mga Pilipino. Ang itinuring na
Ama ng Pahayagan ay bawian ng buhay sa taong 1921 sa gulang na 63.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
10. LOPE K. SANTOS
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C.
Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco,
na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin
ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang
panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging
makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan
sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino),
matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de
Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at
sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa
siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga
manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
11. LOPE K. SANTOS
Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa
mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang
atSampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa
pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si
Santos ng Surian ng wikang pambansa. Kabilang sa mga katawagang
nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama
ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas
kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
12. DEOGRACIAS ROSARIO
ROSARIO Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo,
Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat
noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng
magsimula siyang sumulat sa Taliba. Naging Pangulo siya ng
Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at
Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang
Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong
Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na
anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang
pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng
paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling
kuwento.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001
13. DEOGRACIAS ROSARIO
Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga
akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi: "Kadalasang ginagamit
niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining,
bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang
gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga
akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa
ay nagiging makawika at makabayan". Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y
Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak
ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na
kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. Binawian ng
buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26, 1936.
MONDAY ● OCTOBER 2 ● 2021
NEWSPAPER CLIPPING STYLE FOR HISTORY
CLASS
EDITION Nº 001