SlideShare a Scribd company logo
1 of 39
MAGANDANG
UMAGA!
Sa isang papel ay gumuhit ng
hugis puso at isulat ang
pangalan na iyong itinatangi.
Gumawa ka rin ng maikling
sulat para sa kanya at ilagay mo
rin kung bakit mo siya
hinahangaan.
SI CUPID AT
PSYCHE
Mitolohiyang Romano
Ang mitolohiya ay nangangahulugang
agham o pag-aaral ng mga mito (myth).
Ang salitang mito o myth ay galing sa
salitang Latin na mythos at mula sa
Greek na muthos na ang kahulugan ay
kuwento. Tumutukoy ito sa kalipunan ng
mga mito mula sa isang pangkat ng mga
tao na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos at diyosa.
Ang “Cupid at Psyche” ay isa sa
pinakapopular na mitolohiya ng
Rome. Ito ay tumutukoy sa mga
kwento ng mga diyos, diyosa, pag-ibig,
kapangyarihan at kabayanihan na
isinalaysay ni Apuleius. Isinalin ito sa
Ingles ni Edith Hamilton at isinalin
naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat.
MGA TAUHAN
Psyche – ang pinakamaganda sa
tatlong anak ng isang hari. Labis
siyang hinahangaan at sinasamba ng
mga kalalakihan at tinanyagan nilang
mas maganda pa kay Venus na diyosa
ng kagandahan. Umibig siya sa anak
ni Venus na si Cupid.
Cupid - ang anak ni Venus at diyos
ng pag-ibig. Nabighani rin sa
kagandahan ni Psyche. Malihim si
Cupid at ikinubli ang tunay niyang
itsura at katauhan sa asawang si
Psyche.
MGA TAUHAN
Venus - ang kinikilalang diyosa
ng kagandahan at pag-ibig na
siyang ina ni Cupid. Naiinggit
ang diyosang ito sa kagandahan
ni Psyche.
MGA TAUHAN
Haring Ama ni Psyche - ang
ama ng tatlong magkakapatid na
babae. Sa kanya ipinahayag ni
Apollo ang propesiya tungkol sa
magiging kapalaran ng bunsong
anak na si Psyche.
MGA TAUHAN
MGA TAUHAN
Dalawang nakatatandang kapatid
na babae ni Psyche - ang nag-
udyok kay Psyche na kilatisin ang
kanyang mapapangasawa. Lihim na
may masamang balak ang dalawa sa
bunsong kapatid dahil sa inggit.
Apollo - diyos ng propesiya, araw,
musika, at liwanag. Siya ang
nagbigay ng propesiya sa haring ama
ni Psyche tungkol sa kalunos-lunos
na kapalaran ng anak.
MGA TAUHAN
Zephyr - ang tinaguriang hari ng
hangin. Siya ang nagdala kay Psyche
patungo sa bago nitong tahanan o
palasyo kasama si Cupid. Ito rin ang
hangin na nagdadala paakyat ng
palasyo at pababa sa mga kapatid na
babae ni Psyche.
MGA TAUHAN
Proserpine - ang tinaguriang reyna
sa ilalim ng lupa. Sa kanya humingi
ng isang kahon ng kagandahan si
Psyche bilang utos ni Venus.
MGA TAUHAN
Charon - ang may-ari at bangkero
ng bangkang sinakyan ni Psyche
patungo sa ilalim ng lupa
(underworld) para gawin ang utos
ni Venus.
MGA TAUHAN
Jupiter - ang hari ng mga diyos;
diyos ng kalawakan at panahon;
diyos ng mga diyos at tao.
Binasbasan niya ang kasal nina
Cupid at Psyche.
MGA TAUHAN
Mercury - ang mensahero ng
mga diyos na siyang saksi rin sa
pag-iisang dibdib nina Cupid at
Psyche.
MGA TAUHAN
SAGUTIN:
1. Sino si Cupid? Sino si Psyche?
2. Ano ang pagkakamaling
ginawa ni Psyche na nagdulot
sa kapahamakan ng kanyang
buhay?
3. Bakit gayon na lamang ang
inggit ni Venus kay Psyche?
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay
niyang pagkatao kay Psyche?
SAGUTIN:
5. Masasabi mo bang tunay ang
pagmamahal ni Psyche kay Cupid?
Patunayan.
6. Bakit sa wakas ay naging panatag
na ang kalooban ni Venus na maging
manugang si Psyche?
SAGUTIN:
7. Bilang isang diyosa, ano ang
hindi magandang katangian ni
Venus? Ipaliwanag.
SAGUTIN:
GAWAIN
“Hindi mabubuhay ang pag-
ibig kung walang pagtitiwala.”
1. Magbigay ng sariling reaksiyon
sa pahayag ni Cupid na:
GAWAIN
2. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin
mo rin ba ang mga hamon ni Venus
para sa pag-ibig? Bakit?
3. Anong katangian ng mga tauhan
sa mitolohiya ang nais mong
tularan?
BUOD
Noong unang panahon, may isang
hari na may tatlong anak. Ang isa sa
kanila ay si Psyche, ang bunso at
pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang
hinangaan ng mga kalalakihan at
kahit ang kagandahan ng Diyosang si
Venus ay hindi ito mapapantayan.
Dahil dito, ang lahat ng papuri ay
napunta kay Psyche at lubos itong
ikinagalit ni Venus kaya agad nitong
inutusan ang anak na si Cupid upang
paibigin si Psyche sa isang halimaw.
Ngunit taliwas ito sa nangyari
sapagkat si Cupid ay agad na umibig
kay Psyche nung unang beses pa
lamang niya itong nakita.
Nang makauwi na si Cupid ay inilihim
nito sa ina ang nangyari at tiwala
naman dito si Venus. Hindi naganap
ang gustong mangyari ni Venus kay
Psyche na ito ay umibig sa isang
halimaw. Sa halip ay sinamba lamang
ito ng mga kalalakihan maliban doon
ay tila walang nangahas na manligaw
kay Psyche.
Lubos na nabahala ang mga
magulang ni Psyche na baka hindi ito
makapag-asawa kaya't lumapit ito kay
Apollo upang himingi ng payo.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga
magulang ni Psyche ay nauna nang
humingi ng tulong si Cupid kay Apollo
at gumawa ng plano.
Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na
bihisan ng damit pamburol ang anak
na dalaga at dalhin sa tuktok ng
bundok. Dito ay susunduin daw ito ng
mapapangasawa na isang halimaw.
Malungkot na umuwi ang amang hari
ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng
hari ang kapalaran ng anak at buong
tapang itong hinarap ng dalaga.
Noong nasa tuktok na ng bundok si
Psyche ay unti-unti na itong nilamon
ng dilim. Natakot ang dalaga sa kung
ano ang naghihintay sa kanya.
Hanggang sa umihip ang malambing
na hangin (Zephyr) at inilipad siya ng
hangin patungo sa isang damuhan
na parang kama sa lambot at
napapaligiran ng mababangong
bulaklak.
Napakapayapa ng lugar at saglit na
nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at
agad na nakatulog sa kapayapaan ng
gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog
at natanaw niya ang isang mansyon na
tila ginawa para sa mga Dyos. Lubos na
nalibang si Psyche at kumain ito ng
kumain ng masasarap na pagkain. Sa
pagsapit ng gabi ay dumating na ang
mapapangasawa niya.
Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay
ganoon din ang kanyang mapapangasawa
ngunit nawala rin ang takot nya na akala
nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito
pala ay isang lalaking matagal na nyang
hinihintay. Isang gabi ay kinausap siya ng
lalaki at binalaan na darating ang dalawang
kapatid ni Psyche doon sa bundok kung
saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit
pinagbawalan si Psyche na magpakita sa
mga kapatid.
Ganoon nga ang nangyari at walang
nagawa si Psyche kahit naririnig niya
ang pag-iyak ng kanyang mga kapatid.
Sa mga sumunod na araw ay nakiusap
si Psyche na kung maaari ay makita
ang mga kapatid at malungkot na
sumang-ayon ang lalaki.
Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng
hangin ang mga kapatid ni Psyche at
agad nagkita ang magkakapatid.
Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng
kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki
ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama at
bawal makita ang mukha nito.
Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi
nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay
tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid.
Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga
kapatid ay siya'y binigyan ng punyal
(patalim) at lampara upang makita sa dilim
ang mukha ng lalaking mapapangasawa.
Nang mahimbing nang natutulog
ang lalaki ay sinindihan ni Psyche
ang lampara at kinuha ang punyal.
Lumapit ito sa higaan ng lalaki at
laking tuwa niya ng malamang hindi
naman pala ito halimaw bagkus ay
napakagwapo pala nito. Wari niya
ay ito na ang pinakagwapong
nilalang sa mundo.
Sa pagnanais na makita ang
mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche
ang lampara at natapunan ito ng mainit na
langis sa dibdib na siyang dahilan upang
magising ito. Nalaman ng lalaki ang
pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis.
Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas
ngunit hindi na niya ito nakita. Narinig na
lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag
kung ano talaga ang pagkatao nito.
Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang
pagalingin ang sugat sa balikat. Agad
naman nitong nalaman ang pangyayari at
determinado si Venus na ipakita dito kung
paano magalit ang isang Dyosa.
Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong
sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang
mga ito ay tumangging makaaway si Venus.
Nang dumating si Psyche sa palasyo ni
Venus ay napahalakhak na lamang ito at
nabatid na nagpunta doon si Psyche
upang hanapin ang mapapangasawa.
Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si
Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng
hiwa-hiwalay na buto bago dumilim,
pagkuha ng gintong balahibo ng
mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na
tubig sa malalim na talon at kahon na may
lamang kagandahan mula kay Proserpine.
Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche
ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo siya upang di makita si
Psyche.Masayang bumalik si Psyche sa
palasyo ni Venus at si Cupid naman ay
nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang
humingi ng tulong na huwag na silang
gambalain ng kanyang ina. Ikinapahamak
naman ni Psyche ang pagbukas sa kahon na
naglalaman ng kagandahan ni Porsephine sa
pagnanais na madagdagan pa ang kanyang
taglay na kagandahan.
Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter
kasama na doon si Venus at ipinahayag
na si Cupid at Psyche ay pormal nang
ikinasal.
Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng
mga diyos at doon ay iniabot ang
"Ambrosia" na kapag ininom ay magiging
imortal. Naging panatag na si Venus na
mapangasawa ni Cupid si Psyche
sapagkat isa na din itong diyosa.

More Related Content

What's hot

2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx
2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx
2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx
AUBREYONGQUE1
 
Science 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the Boundaries
Science 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the BoundariesScience 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the Boundaries
Science 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the Boundaries
Vicky Oliveros
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 

What's hot (20)

Si Pele, ang diyosa ng apoy at bulkan
Si Pele, ang diyosa ng apoy at bulkanSi Pele, ang diyosa ng apoy at bulkan
Si Pele, ang diyosa ng apoy at bulkan
 
Rama at sita
Rama at sitaRama at sita
Rama at sita
 
Freytagspyramid orpheus-and-eurydice (1)
Freytagspyramid orpheus-and-eurydice (1)Freytagspyramid orpheus-and-eurydice (1)
Freytagspyramid orpheus-and-eurydice (1)
 
Filipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- MitolohiyaFilipino 10- Mitolohiya
Filipino 10- Mitolohiya
 
Filipino 10 Cupid at Psyche
Filipino 10 Cupid at PsycheFilipino 10 Cupid at Psyche
Filipino 10 Cupid at Psyche
 
Aralin 21 sektor ng agrikultura
Aralin 21 sektor ng agrikulturaAralin 21 sektor ng agrikultura
Aralin 21 sektor ng agrikultura
 
Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at BulkanSi Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haikuKaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
Kaligirang pangkasaysayan ng tanka at haiku
 
2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx
2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx
2. Cupid at Psyche-Gamit ng Pandiwa.pptx
 
Kay estella zeehandelaar
Kay  estella  zeehandelaarKay  estella  zeehandelaar
Kay estella zeehandelaar
 
Science 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the Boundaries
Science 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the BoundariesScience 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the Boundaries
Science 10 Module 1 Activity no 2. Let's Mark the Boundaries
 
Ang parabula ng banga
Ang parabula ng bangaAng parabula ng banga
Ang parabula ng banga
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
Ang Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibigAng Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibig
 
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananawMga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
Mga ekpresyon sa pagpapahayag ng pananaw
 
Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
Nagkamali ng Utos
Nagkamali ng UtosNagkamali ng Utos
Nagkamali ng Utos
 
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, NaglalahadARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
ARALIN 3.1 Liongo, Mga Pamantayan sa Pagsasaling-Wika, Naglalahad
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 

Similar to Si-Cupid-at-Psyche.pptx (11)

CUPID AT PSYCHE.docx
CUPID AT PSYCHE.docxCUPID AT PSYCHE.docx
CUPID AT PSYCHE.docx
 
cupid at psyche.pptx
cupid at psyche.pptxcupid at psyche.pptx
cupid at psyche.pptx
 
Presentation1 arpan 8.pptx
Presentation1 arpan 8.pptxPresentation1 arpan 8.pptx
Presentation1 arpan 8.pptx
 
Cupid and Psyche
Cupid and PsycheCupid and Psyche
Cupid and Psyche
 
cupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptx
cupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptxcupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptx
cupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptx
 
cupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptx
cupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptxcupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptx
cupid-at-psyche-kwento-160717104625.pptx
 
Cupid at Psyche.pptx
Cupid at Psyche.pptxCupid at Psyche.pptx
Cupid at Psyche.pptx
 
ARALIN 1 CUPID AT PSYCHE.pptx unang markahan
ARALIN 1 CUPID AT PSYCHE.pptx unang markahanARALIN 1 CUPID AT PSYCHE.pptx unang markahan
ARALIN 1 CUPID AT PSYCHE.pptx unang markahan
 
10-2 Ang kuwentong cupid at psche [Autosaved].pptx
10-2 Ang kuwentong cupid at psche [Autosaved].pptx10-2 Ang kuwentong cupid at psche [Autosaved].pptx
10-2 Ang kuwentong cupid at psche [Autosaved].pptx
 
ARALIN 1 FILIPINO 10 1st Quarter lessons
ARALIN 1 FILIPINO 10 1st Quarter lessonsARALIN 1 FILIPINO 10 1st Quarter lessons
ARALIN 1 FILIPINO 10 1st Quarter lessons
 
cupidatpsy-grade-10.pptx
cupidatpsy-grade-10.pptxcupidatpsy-grade-10.pptx
cupidatpsy-grade-10.pptx
 

Recently uploaded

669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
CindyManual1
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
VillasoClarisse
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
EugeneBarona1
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
SundieGraceBataan
 

Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKAAP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
AP 9 QUARTER 1 KONSEPTO NG PAG-UNLAD OKA
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
632657612-2-KAHULUGAN-URI-AT-ELEMENTO-NG-PAGBASA.pdf
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 

Si-Cupid-at-Psyche.pptx

  • 2. Sa isang papel ay gumuhit ng hugis puso at isulat ang pangalan na iyong itinatangi. Gumawa ka rin ng maikling sulat para sa kanya at ilagay mo rin kung bakit mo siya hinahangaan.
  • 4. Ang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito (myth). Ang salitang mito o myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento. Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng mga tao na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos at diyosa.
  • 5. Ang “Cupid at Psyche” ay isa sa pinakapopular na mitolohiya ng Rome. Ito ay tumutukoy sa mga kwento ng mga diyos, diyosa, pag-ibig, kapangyarihan at kabayanihan na isinalaysay ni Apuleius. Isinalin ito sa Ingles ni Edith Hamilton at isinalin naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat.
  • 6. MGA TAUHAN Psyche – ang pinakamaganda sa tatlong anak ng isang hari. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng mga kalalakihan at tinanyagan nilang mas maganda pa kay Venus na diyosa ng kagandahan. Umibig siya sa anak ni Venus na si Cupid.
  • 7. Cupid - ang anak ni Venus at diyos ng pag-ibig. Nabighani rin sa kagandahan ni Psyche. Malihim si Cupid at ikinubli ang tunay niyang itsura at katauhan sa asawang si Psyche. MGA TAUHAN
  • 8. Venus - ang kinikilalang diyosa ng kagandahan at pag-ibig na siyang ina ni Cupid. Naiinggit ang diyosang ito sa kagandahan ni Psyche. MGA TAUHAN
  • 9. Haring Ama ni Psyche - ang ama ng tatlong magkakapatid na babae. Sa kanya ipinahayag ni Apollo ang propesiya tungkol sa magiging kapalaran ng bunsong anak na si Psyche. MGA TAUHAN
  • 10. MGA TAUHAN Dalawang nakatatandang kapatid na babae ni Psyche - ang nag- udyok kay Psyche na kilatisin ang kanyang mapapangasawa. Lihim na may masamang balak ang dalawa sa bunsong kapatid dahil sa inggit.
  • 11. Apollo - diyos ng propesiya, araw, musika, at liwanag. Siya ang nagbigay ng propesiya sa haring ama ni Psyche tungkol sa kalunos-lunos na kapalaran ng anak. MGA TAUHAN
  • 12. Zephyr - ang tinaguriang hari ng hangin. Siya ang nagdala kay Psyche patungo sa bago nitong tahanan o palasyo kasama si Cupid. Ito rin ang hangin na nagdadala paakyat ng palasyo at pababa sa mga kapatid na babae ni Psyche. MGA TAUHAN
  • 13. Proserpine - ang tinaguriang reyna sa ilalim ng lupa. Sa kanya humingi ng isang kahon ng kagandahan si Psyche bilang utos ni Venus. MGA TAUHAN
  • 14. Charon - ang may-ari at bangkero ng bangkang sinakyan ni Psyche patungo sa ilalim ng lupa (underworld) para gawin ang utos ni Venus. MGA TAUHAN
  • 15. Jupiter - ang hari ng mga diyos; diyos ng kalawakan at panahon; diyos ng mga diyos at tao. Binasbasan niya ang kasal nina Cupid at Psyche. MGA TAUHAN
  • 16. Mercury - ang mensahero ng mga diyos na siyang saksi rin sa pag-iisang dibdib nina Cupid at Psyche. MGA TAUHAN
  • 17.
  • 18. SAGUTIN: 1. Sino si Cupid? Sino si Psyche? 2. Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot sa kapahamakan ng kanyang buhay?
  • 19. 3. Bakit gayon na lamang ang inggit ni Venus kay Psyche? 4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang pagkatao kay Psyche? SAGUTIN:
  • 20. 5. Masasabi mo bang tunay ang pagmamahal ni Psyche kay Cupid? Patunayan. 6. Bakit sa wakas ay naging panatag na ang kalooban ni Venus na maging manugang si Psyche? SAGUTIN:
  • 21. 7. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Ipaliwanag. SAGUTIN:
  • 22. GAWAIN “Hindi mabubuhay ang pag- ibig kung walang pagtitiwala.” 1. Magbigay ng sariling reaksiyon sa pahayag ni Cupid na:
  • 23. GAWAIN 2. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang mga hamon ni Venus para sa pag-ibig? Bakit? 3. Anong katangian ng mga tauhan sa mitolohiya ang nais mong tularan?
  • 24. BUOD Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si Psyche, ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang kagandahan ng Diyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.
  • 25. Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni Venus kaya agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw. Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung unang beses pa lamang niya itong nakita.
  • 26. Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus. Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na manligaw kay Psyche.
  • 27. Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche na baka hindi ito makapag-asawa kaya't lumapit ito kay Apollo upang himingi ng payo. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.
  • 28. Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang halimaw. Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.
  • 29. Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim. Natakot ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya. Hanggang sa umihip ang malambing na hangin (Zephyr) at inilipad siya ng hangin patungo sa isang damuhan na parang kama sa lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak.
  • 30. Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad na nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga Dyos. Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain. Sa pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa niya.
  • 31. Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang hinihintay. Isang gabi ay kinausap siya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na magpakita sa mga kapatid.
  • 32. Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig niya ang pag-iyak ng kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung maaari ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang-ayon ang lalaki. Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang magkakapatid.
  • 33. Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama at bawal makita ang mukha nito. Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan ng punyal (patalim) at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.
  • 34. Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa niya ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito. Wari niya ay ito na ang pinakagwapong nilalang sa mundo.
  • 35. Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at natapunan ito ng mainit na langis sa dibdib na siyang dahilan upang magising ito. Nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis. Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na niya ito nakita. Narinig na lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.
  • 36. Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang isang Dyosa. Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga ito ay tumangging makaaway si Venus.
  • 37. Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang mapapangasawa. Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay Proserpine.
  • 38. Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay ibinilanggo siya upang di makita si Psyche.Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na huwag na silang gambalain ng kanyang ina. Ikinapahamak naman ni Psyche ang pagbukas sa kahon na naglalaman ng kagandahan ni Porsephine sa pagnanais na madagdagan pa ang kanyang taglay na kagandahan.
  • 39. Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal. Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga diyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na kapag ininom ay magiging imortal. Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din itong diyosa.