1. Ipinasa ni:
Pangalan: Carla Faner
I. Isyu:
Ilang lider ng Kamara, hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng same-sex marriage
II. Usapan:
Tinanggihan ng ilang pinuno ng House of Representatives nitong Linggo ang ideya na kilalanin
sa pamamagitan ng batas ang same-sex marriage sa Pilipinas.
Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, hindi pa posibleng ipatupad ang gay
marriage sapagkat karamihan sa mga Pilipino diumano ay "generally conservative."
“I am of the opinion that at the moment, or even in the near future, it’s a no-no situation for
same-sex marriage in the Philippines,” ani Gonzales.
Sinang-ayunan naman ito ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sapagkat ang Pilipinas
umano ay "not yet ready" sa pagpapatupad ng same-sex marriage.
Hindi rin pabor si Belmonte sa pagpasa ng batas para rito dahil nais niyang panatalihin ang
depinisyon ng kasal sa ilalim ng Family Code ng Pilipinas, kung saan nakasaad na ang
"marriage" ay isang kontrata sa pagitan ng babae at lalaki.
Nagkomento ng mga lider ng Kamara matapos maglabas ng pahayag si United States President
Barack Obama sa kanyang pagsuporta sa gay marriage.
Ayon kay Obama, dapat tratuhin ng patas ang lahat ng pares. Sa kabila nito, hahayaan ni Obama
ang mga estado na bumubuo ng US na magdesisyon kung ipapanukala ang same-sex marriage sa
kani-kanilang lehislatura.
Kasalakuyang hindi pa legal ang gay marriage sa Pilipinas.
Implikasyon ng pagpapakasal
Samantala, si Pangulong Benigno Aquino III naman ay naniniwalang maaaring magpakasal ang
mga gay couple, ngunit mayroon siyang alinlangan sa aspeto ng pag-adopt ng mga gay couple ng
anak.
"I don’t think I’m ready to tackle that fight right now. But the perspective… it is their choice,"
sina Aquino sa kanyang talumpati sa Asia Society Forum in New York noong Setyembre 2011
nang bumisita siya sa Amerika.
"Normally I would say, you’re adults, you should be able to do whatever you want so long as it
doesn’t hurt anybody else. But if the next step is we want the right to adopt, then, I would be in a
dilemma," dagdag niya.
Ang kapakanan ng bata ang matimbang para kay Aquino.
"My priority would be looking after the child who has a very tender and impressionable mind,"
ayon sa Pangulo.
2. Inakusahan naman ni Gabriela Women's party-list Rep. Luzviminda Ilagan si Aquino na
“detached from the needs of his people" sa hindi niya paglalahad ng kanyang pwesto sa isyu ng
gay marriage.
“He [Aquino] is two-faced, saying he is pro-people, but bows to the pressure of the conservative
Catholic Church,” kanyang inihayag sa hiwalay na talumpati.
Co-author ang mambabatas sa dalawang kontrobersyal na panukala na tinutulan ng Simbahang
Katoliko: House Bill 1799 o ang panukalang pagpapatupad ng divorce sa Pilipinas, at House Bill
4244 o ang reproductive health (RH) bill. Isang taon nang nakabitin ang dalawang panukalang
ito.
Naghain ng mosyon laban sa diskriminasyon base sa sexual orientation at gender identity (House
Bill 1483) si Bayan Muna party-list Rep. Teodoro Casiño noong Nobyembre sa House
committee on women and gender equality. — Amanda Fernandez
III. Paniniwala
Unang una, hindi ako naniniwala sa third sex dahil para saakin, dalawa lang ang uri at kasarian
na ginawa ng Diyos. Kung ikaw ay babae, kahit anong gawin mong pag-iba ng itsura o
kadamitan o kung ano mang operasyon ang gawin sa iyong katawan ay babae ka parin, gayun
din sa mga kalalakihan.
Gayun din ako sa same sex marriage. Hindi ako sang-ayon sa pagkakaroon ng same sex marriage
sa Pilipinas dahil taliwas ito sa paniniwala ko bilang isang Katoliko dahil para saakin ang lalaki
ay para sa babae at hindi maaaring maging mag-asawa ang dalawang taong magkaparehas ng
kasarian. Para saakin, dapat matutunan nating tanggapin ang kung anong mayroon tayo, lalo na
ang pagkatao o kasarian na ibinigay satin ng Panginoon.
Pero wala din naman akong problema sa mga tinatawag nating mga taong nasa third sex. Hindi
ako pihikan na tao. Kahit sino hanggat maari ay gusto kong maging kaibigan. Hindi dahil sa
hindi ako sang-ayon sa same sex marriage ay ayoko na din sa mga uri ng taong sangkot sa mga
isyu na ganito.
Alam kong alam din ng mga taong nasa third sex na hindi tama ang kanilang desisyon na
gustong gawin pero bakit kailangang ipagpilitan ang bagay na alam nating salungat sa ating
paniniwala? Bakit hindi nalang tayo maging normal at mamuhay ng normal?
Hindi porket nakalusot ang batas na ito sa ibang bansa ay papayagan na din natin ito sa atin.
Kung bibigyan natin ng pagkakataon na maging legal ito sa Pilipinas ay parang hindi na din natin
binibigyan ng halaga ang moral at totoong esensya ng ating totoong kasarian at pagkatao.
IV. Sanggunian
http://gmanetwork.com/news/story/258075/ulatfilipino/balitangpinoy/ilang-lider-ng-kamara-
hindi-sang-ayon-sa pagpapatupad-ng-same-sex-marriage