1. Republic of the Philippines
Department of Education
Region XI
Division of Davao City
Ma-a National High School
Ma-a, Davao City
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Position Paper
(SOGIE BILL)
Ipinasa ni:
Jadel M. Garciano
10 – Luna
Ipinasa kay:
Jenjan M. Damuy
E.S.P. 10 Guro
S.Y. 2019-2020
2. I. Introduction
Ang diskriminasyon ay ang negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa tao
dahil sa pagkakaiba ng katangian alin man sa iba’t ibang sector ng lipunan. Ngayon,
ang diskriminasyon sa kasarian ang pinakamainit na isyu ng lipunan na nauugnay sa
pagpapasa ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill o
mas tanyang sa tawag na SOGIE Equality Bill o Anti-Discrimination Bill (ADP) sa
senado.
Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill
o Anti-Discrimination Bill (ADP) ay isang iminumungkahing batas sa kogreso na
nakalaan upang pigilan ang ano mang uri ng diskriminasyon base sa “sexual
orientation” at “gender identity or expression” – bagay na poprotekto sa mga
lesbyana, bakla, bisexual, transgender o iyong kabilang sa LGBTQ+ community. Ang
SOGIE Bill ay nakabinbin na sa Mataas na Kapulungan noong 2016 pa lamang at
patuloy na sinusuportahan ni Sen Risa Hontiveros hanggang sa ika-18 na kongreso.
Sa 2017, House Bill No. 4982 o Senate Bill 159 (SB159), inisponsoran ni Dinagat
Islands Rep. Kaka Bag-ao at ng Akbayan Party-list. Isang nirebisang bersiyon ng
House Bill No. 1854 sa ika-17 Kongreso, ang House Bill No. 2211 ang isinumite ni
Laguna Rep. Sol Aragones, na nagbibigay seguridad laban sa diskriminasyon at pang-
aabuso sa LGBTQIA+ members. Ang parusa sa paglabag ng SOGIE Bill kapagka
naging batas ay P100,000 hanggang P500,000 o pagkakakulong ng 6-12 na taon.
3. II. Body
Ang SOGIE Bill o ang House Bill 258 ay ipinatupad ni Senator Risa
Hontiveros na layong mapoprotekta umano sa mga lesbyana, bakla, bisexual,
transgender o ang lahat ng kasapi sa grupong LGBTQ+ dito sa ating bansa. Matapos
dumanas ng diskriminasyon and isang transgender woman nang ‘di ito payagang
gumamit ng restroom na pambabae sa isang mall, lumakas ang panawagang isabatas
ang SOGIE Bill. Naging mainit ang usapin ukol dito dahil sa maraming oposisyon
ang umusbong mapa-senador man o ang mismong mamamayan ng bansa. Samu’t
saring ang pagbatikos ang umusbong nang mas lalong ipinagtibay ito ni Senator Risa
Hontiveros upang maipasa at maging ganap na batas. Marami ang tumututol at gayon
din ang sumasang-ayon maaaring makadulot ito nang mga di-kanais-nais na mga
bagay na hindi natingustong mangyari sa ating lipunan at maging sa ating bansa. Kaya
ako ay lubos na tumututol na maipatupad ang bill na ito. Oo nga’t matulungan ang
LGBTQ+ na magkaroon ng kalayaan at upang maprotektahan sa mga nanlalait sa
kanila ngunit iba pa din pa gang bill na ipapasa ay nakapukos sa pangkalahatang
sektor ng bansa hindi sa iisang sektor lamang.
Nahahati sa iba’t ibang klase ang reaksyon ng mga Pilipino. Ang iba ay nasa
panig nina Gretchen Custodio Diez, isang transwoman na kamakailan ay inaresto sa
isang mall sa Quezon City na gustong gumamit sa banyo ng babae, at ni Bataan
Representative Geraldine Roman, ang unang transgender lawmaker ng Pilipinas. Ang
nilalaban nila ay kailangang bigyang-diin ang SOGIE Bill upang patuloy na isulong
ang pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at puksain ang diskriminasyong bunga ng
pagkakaiba ng “gender preference” ng mga tao. Dagdan pa ni dating Social Welfare
Secretary Judy Taguiwalo na hindi naman tatanggaling ang mga karapatan ng hindi
4. bahagi ng nasabing komunidad dahil hindi naman kailangan paghahati-hatian ang
karapantan kundi ibahagi lamang ito ng tama.
Sa kabilang dako, ani ni Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) party list
Representative Eddie Villanueva na hindi naman pagkakapantay-pantay ang
isinusulong ng SOGIE Bill kung hindi ay “special rights” sa ilang miyembro ng
lipunan na ang kapalit ay pagiging dehado ng iba. Isinunod din niyang pinunto na
papanghinain lamang ng bagong nirebisang bersyon ng bilang ang papel ng
magulang, banta sa “academic freedom”, panganib sa kalayan ng paglalahad at
kinukuwestiyon nito mismo ang konstitusiyon ng bansa.
Dagdag pa ni Villanueva na 10 sa 13 bersiyon ng SOGIE Bill ang nangangailang ng
protektadong “family court order” para sa mga anak na papasailalim sa
eksaminasiyon na ayon sa panukalang batas. Aniya, paano naman ang mga
kristiyanong katulad niya na magbabahagi ng salita ng Diyos na ayon sa bibliya
kaugnay sa mga homosexuals at transgenders. Nirerespeto ni Villanueva ang buhay na
pinili ng kasapi ng LGBT community, ngunit ang umayon sa kanilang pamumuhay na
may kalakip na banta at parusa ay isa na rin mismong paglabag sa pansariling karapat.
Ayon naman sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP), ang layunin ng SOGIE Bill ay
para sa mga aksiyong pang anti-discriminatory ngunit sa paggawa nito, nagkakaroon
ng hindi makatarungang pabor para sa mga indibidwal na niyakap ang pagiging
aktibong kasapi ng LGBT community. Samakatuwid ang pagpapasa ng SOGIE Bill
ay isang malubhang paglabag sa Constitutional Guaranty of Equal Protection
(Constitutional Law by Justice Isagani Cruz, p.120, 1991 ed.).
Sa introduksiyon ni Hon. Rosales sa HB634 sinabi niya na ang dahilan ay
hindi pagkakaintindihan at kamangmangan kung kaya’t nagkakaroon ng
5. diskriminasyon. Ngunit ang paniwala ng SLP ay edukasyon lamang ang sagot nito.
Edukasyon na nagbibigay ng katotohan dahil magiging tulay ito upang maintindihan
ng lubos kung ano ang LGBT.
Inilahad naman ni Augusto Kho ang pagsalungat sa panukalang batas, giit niya na ito
ay hindi malinaw at immoral. Aniya:
HB Section 3 (d) “Profiling – refers to subjecting a person or group of person
to investigatory activities, includes unnecessary, unjustified, illegal and degrading
searches, or other investigatory activities in determining whether an individual is
engaged in an activity presumed to be unlawful, immoral or socially unacceptable,”
At Section 5 (b) that mentioned the words, “lesbians, gays, bisexuals,
transgenders, intersex, or queers (LGBTIQs)” is profiling by itself.
Paanong ang isang panukalang batas ay may maraming butas. Sinuportahan niya ang
kanyang pahayag ng isang akda ni Atty. Rodelio T. Dascil, “An Introduction to Law”
na, “Law, in its general sense, is defined as the science of moral laws based on the
rational nature of man, governing his free activity for the realization of his individual
and social ends, demandable and reciprocal.” Anumang panukalang batas o batas ay
walang karapatang mga lehitimo kung may moral na naapakan.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya na Gay Friendly, kung saan talagang nasa
Pilipino ang pagtanggap sa mga bakla o miyembro ng LGBT at isang halimbawa na
rito ay ang pag luklok sa kauna-unahang transwoman lawmaker ng bansa na si Rep.
Geraldin Roman. Sa isang sarbey ng Pew Research Center na pinamagatang “The
Global Divide on Homosexuality", lumabas na 73% ng Pilipino ay sumasang-ayon na
tanggapin ang homosexuality sa lipunan.
6. Ibinahagi naman ni Ryan Borja Capitulo isang miyembro ng LGBT community na
taliwas siya sa panukalang batas. Binanggit niya ang dalawang bersiyong isinumite sa
lehislatura - House Bill 4982 or the “SOGIE Equality Act” and Senate Bill 935 or the
“Anti-Discrimination Act“ na hindi na lubos na kailangan sapagkat mayroon ng
umiiral na mga batas na pinapangalagaan ang karapatan ng mga tao laban sa
diskriminasyon.
Nagbigay din si Capitulo ng isang analogo na kung saan sinabi niya na ang
mga taong humaharap ng diskrminasyon dahil sila ay obese o mataba ay marapat
lamang bang bigyan ng Anti-Obese Discrimination Act? Ang nais lamang na
ipahiwatig ni Capitulo ay hindi na mahalagang maging ispisipiko dahil mayroon ng
umiiral na batas pantao.
Binanggit rin ni Capitulo ang ilan sa mga batas ng bansa gaya ng The 1987
Philippine Constitution, Labor Code of the Philippines, Civil Code of the Philippines,
Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards for
Public Officials and Employees, Revised Penal Code of the Philippines, Anti-Sexual
Harassment Act of 1995 at The United Nations’ Universal Declaration of Human
Rights. Sa magna carta rin ng kababaihan ay walang itinalagang parusa o kalakip na
danyos ng pinsala o fines na ibabayad hindi katulod sa panukalang batas na SOGIE na
parehas namang pinaglalaban ang karapatan.
Isa pang rason sa pagsalungat na maging batas ang SOGIE Bill ay lalabagin nito ang
Constitution (Article III Section 5) “the free exercise and enjoyment of religious
profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be
allowed”. Ang simbahang Katoliko at paaralan, sa kabila ng moral na paninidigan sa
mga gawaing homosexuals kahit na sa ilalim ng kalayaan sa relihiyon ay huhulihin
7. kapag hindi kikilalanin ang samahan ng mga LGBT na gustong pumasok sa Parokya o
habang sumusunod sa kanilang doktrina.
Dumadagdag rin sa bigat ng usapin ang isyung ipapagamit ang women’s toilet para sa
mga transgender (isa pa ay wala namang isyung naririnig mula sa mga tomboy hinggil
sa isyu ng palikuran) at walang rason na mainsulto ang mga kababaihan na winika ni
Bataan Rep Roman. Binatikos si Roman dahil dito sapagkat wala siyang karapatang
magbigay ng pahayag tungkol sa hinaing ng mga kababaihan sapagkat siya ay isang
transgender.
Mas lalong lumiyab ang usapin sapangkat hindi lahat ng kababaihan ay sang-
ayon rito. Ang babae ay babaeng ipinanganak, ang lalaki kahit na magpapalit ng
pribadong parte o babaan ang hormone hindi nito kayang bagohin ang kanyang genes,
ang DNA ng tao ang huhusga sa kanyang bayolohikal na kasarian. Kung kaya’t kalian
pa naging isang diskriminasyon ang pagkilala ng anatomiya ng tao. Maaari rin
namang gumawa na lamang ng palikuran sa mga transgender.
Ang ibang reaksyon din ng mga tao ay imbes na pagtuonan ng pansin ang isyung ito,
bakit hindi na lamang ang pagpapanukala o pag-iimplementa sa buong bansa ang
pagkakaroon ng palikuran para sa mga taong may kapansan o PWD’s o isang
“common comfort room” katulad sa mga coffee shops and isulong upang seguradong
lahat ng uri ng kasarian ang puwedeng gumamit nito at iwas diskriminasyon.
Wala namang masama sa pagkilala sa mga miyembro ng LGBT community sapagkat
kahit na pilitin pamang bagohin ang kanilang kasarian, sila parin ang magdedesisyon.
Marapat lamang na timbangin at tingnan ng mabuti kung may masasagasan ba. Ang
batas na para sa pagkakapantay pantay ng lahat ay walang kinikilingan dahil
nakapaloob na iyon sa human rights.
8. Ang lahat ng paghingi ay may limitasyon. Ang pagtanggap ay sumasalamin sa ugali
ng tao sa kanyang kapwa alinsunod sa kung sino o ano pa man ito. Lahat ay may
kanya kanyang kapangitan na tulay upang mabuska, ngunit hindi lahat ng
diskriminasyon ay walang halaga dahil minsan ito pa ang pupukaw upang maging
mas mabuting bersiyon ng iyong sarili. Babae, lalaki o ano pa man, ang respetong
ibinibigay ay pinaghihirapan. Kung kasarian man lamang ang pag-uusapan, hindi na
ito mahalaga sapagkat ang tunay na diwa ng pagiging makatao ay ang paggawa ng
tama at gampanin ang kanyang tungkulin bilang isa parte ng lipunang ginagalawan.
Kung kaya’t maaaring hindi na isabatas ang SOGIE bill, ang puso ng tao ang hahanap
at hahanap ng kabutihan.
9. III. Conclusion
Ang pagiging pantay-pantay ay matatamasa lamang kapag bukas ang isipan.
Sa ngayon, kapag isinulong pa ang SOGIE Bill, patas ang kaugnay nito, mahihinuha
na mas pumapabor sa miyembro ng LGBT na magdudulot ng komusiyon sa mga
kababaihan at kalalakihang hindi naman humihingi ng sobrang karapatan. Babae,
lalaki, Bakla, tomboy o transgender pa man, iisa parin ang bansang tinatayuan, lahat
parin ay Pilipinong tinatamasa ang kalayaan matapos ang pakikipagsapalarang
sagupain ang pait ng nakaraan lalo na sa kamay ng dayuhan. Huwag sanang maulit
ang diskriminasyong niyurakan ang pagiging Pilipino bagkus ay mabuhay na maging
isang Pilipino alinsunod sa kasariang iyong pinili.