SlideShare a Scribd company logo
1 of 30
Download to read offline
H A I R C O L O R B A S I C S
Ang pagkulay ng buhok ay isang gawain na dapat nasa kamay ng isang trained na professional hair
colorist na may sapat na kaalaman tungkol sa mga kemikal na ginagamit sa prosesong ito. Ang
pagkulay ang proseso ng pag bawas ng melanin sa buhok at pag dagdag ng artificial color pigments
upang magresulta sa pagibang kulay ng buhok.
Unang building block sa pagkulay: Ammonia
LAKME HAIR COLOR BASICS
I. Hair Color Science
1
May apat (4) na building blocks sa pagkulay ng buhok
Pangalawang building block sa pagkulay: Hydrogen Peroxide
2
Ang ammonia ay isang kemikal na may isang atom ng nitrogen at tatlong atom ng
hydrogen(NH3). Ito ay may madaming gamit sa iba't-ibang industriya tulad sa
paggawa ng fertilizer,mga tela at madami pang iba. Ang ammonia ay nahahanap din
sa ating katawan.
Sa professional hair color, ang ammonia ay ang main ingredient na nasa loob ng
colorant. Sa Lakme, ito ang Collage colorant na nasa 60 ml tube. Ang
ammonia ay nagpapamaga at nagbubukas ng cuticle ng buhok. Ito ay
mahalaga upang makapasok ang kemikal sa loob ng cortex ng buhok.
Ang hydrogen peroxide ay isang chemical compound na kumbinasyon ng
dalawang hydrogen atom at dalawang oxygen atom (H2O2). Ito ay isang malinaw
na liquid na may iba't-ibang gamit. Sa botika makakabili ng hydrogen peroxide na
panlinis sa mga sugat,ito ay nasa 3% solution. Ginagamit din sya panlinis sa bahay
at marami pang iba.
Sa professional hair color, ang hydrogen peroxide na nasa Oxydant ay may
dalawang gamit:
1. Ito ang nagrelease ng oxygen at nagdidi-dissolve ng melanin o
nagtatanggal ng kulay sa buhok. Dahil dito tinatawag na OXYDANT ang
mga developers na ito.
2. Nagkukumbina sa colorant molecules para gumawa ng artificial pigment
molecule na magbibigay ng bagong kulay sa buhok.
Sa hair salon ang hydrogen peroxide na ginagamit may lakas mula 1.8 hanggang 12% solution.
Ano ang nangyayari kapag pinaghalo ang ammonia sa Hyrdrogen
Peroxide?
Kapag pinaghalo ang hair dye na may ammonia at ang hydrogen
peroxide,sabayan ang pag-lift ng kulay o pagtanggal ng existing pigments
sa buhok at ang pag-deposit ng artificial pigments ng hair dye.
Ang oxygen molecules sa loob ng peroxide ay nagko-combine sa
molecules ng hair dye. Nagkakaroon ng reaksyon ito at nagde-develop at
nagkukumpol-kumpol ang mga bagong color molecules at lumalaki. Hindi
na sya makalabas dahil sa laki nya kaya na lo-lock-in ang artificial color
molecules sa buhok.
Ang resulta ay isang kulay na nagtatagal ng ilang buwan. Ito ay tinatawag
na permanent hair color.
Ang peroxide kapag pinanghalo sa bleach ay ina-active nya ang lightening
agents ng bleach at tinatanggal ang melanin na natural o artificial pigment
ng buhok.
Ang HYDROGEN PEROXIDE o OXYDANT ay may iba’t ibang VOLUME. Ang volume ay ang
dami ng oxygen sa peroxide. Ang oxydant ang nagtatanggal ng pigments ng buhok. Kapag
nababawasan ang pigments, nagiging mas light ang buhok. Ang pag light ng buhok o pag LIFT ng
buhok mula sa isang level pataas ay tumutukoy sa pagbawas ng existing pigments sa buhok. Ang
LIFTING action ng hydrogen peroxide ay base sa volume nito. Mas mababang volume, mas mahina
ang lifting action or power. Mas mataas na volume, mas malakas ang lifting power ng oxydant. Ang
bawa’t stylist ay dapat may 10-40 volume sa salon para sa pagkulay ng permanent colo dahil iba’t
iba ang gamit nila.
Ang 10 volume:
Isang litro ng 3% hydrogen
peroxide ay nagre-release ng 10
litro ng oxygen kaya ito 10
volume.
Ang 20 volume:
Isang litro ng 6% hydrogen
peroxide ay nagre-release ng 20
litro ng oxygen kaya ito 20
volume.
Ang 30 volume:
Ang isang litro ng 9% hydrogen
peroxide ay nare-release ng 30
litro ng oxygen kung kaya ito 30
volume.
Ang 40 volume:
Ang isang litro ng 12% hydrogen
peroxide ay nagre-release ng 40
litro ng oxygen kung kaya ito ay
40 volume.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang Oxydant ay may dual role: LIFT at DEPOSIT. Habang nagbabawas ng existing pigment
ito, nagdadagdag din ng artificial pigment ito sa buhok.
Ang 10 volume developer ay ginagamit sa pagdeposit o tone ng buhok na may one level lang
ang lift o lightening power.
Sa pag-halo ng 10 volume developer sa permanent color,dahil ito ay mas mababa at mas mahina
na concentration ng hydrogen peroxide, mababa ang lifting power nito. Isang level lamang ang
itataas. Kung level 3 ang buhok, kapag ginamit ang 10 volume, hanggang level 4 lamang ang
mararating.
Pwede natin isipin na sa 10 volume, kaunti lamang ang natatanggal na pigments ng buhok. Mas
madami ang dinideposit na artificial pigments sa buhok kesa sa natatanggal na pigments nito..
Ang 20 volume developer ay ang standard developer na madalas gamitin sa salon. Ito ay may 2
level lifting power. Ibig sabihin kung level 3 ang buhok, hanggang level 5 ang paglight o taas ng
buhok kapag ginamit ang 20 volume developer.
Ito ang ginagamit sa pagkulay ng puting buhok. Ito ang pinaka-safe at banayad sa anit. Ang 20
volume ang pinaka effective sa pagcover ng puti dahil resistant ang puting buhok at ang 20
volume ay tumutulong sa pag penetrate ng puting buhok para makapasok ang color pigments.
Sa paghalo ng 20 volume hydrogen peroxide sa permanent hair color,may PANTAY na lifting
action and depositing action ang magaganap sa buhok. Pantay ang pagtanggal ng existing
pigments at pantay din ang pagdeposit ng artificial pigments.
Ang 30 volume developer ay nagli-lift ng tatlong levels. Ibig sabihin kung 30 volume ang
gamitin, mula level 3 maaring mag light hanggang sa level 6 ang buhok.
Ang mas mataas na developer tulad ng 30 volume ay may mas malakas na lifting action sa
buhok ngunit mas kaunting deposit ng kulay sa buhok. Ibig sabihin, mas madaming
natatanggal na existing pigments at mas kaunti ang naidedeposit na pigments nito. Ito ay
bawal gamitin sa anit dahil nakakasunog ito ng balat.
Ang 40 volume developer naman ay nagli-lift ng 4 na levels. Ibig sabihin ang level 3 na buhok
ay maaaring mag light hanggang level 7. Mas madaming natatanggal na pigments at mas kaunti
nalang ang nadedeposit na artifial pigments sa buhok. Ito ay hindi nirerekomenda para sa anit
dahil nakakasunog ito sa balat.
LAKME HAIR COLOR BASICS
PAALALA: Ang paggamit ng developers at epekto nito ay maaring mag iba dahil sa mga sumusunod:
• Texture o kapal ng hibla ng buhok- mas manipis madaling mag light.
• Paggamit ng foil sa pagbleach- mas lalakas ang lifting action
• Paggamit ng booster o lightener tulad ng 0/00- mas lalakas ang lifting action n
• Ang buhok malapit sa anit, na dahil sa init ng anit mas mabilis mag light
Tingnan natin ang isang drawing na nagpapakita ng ibat ibang klase ng oxidant
sa Level 3 na buhok
10 VOLUME
Kaunti ang
tinatanggal
na pigments
Madaming deposit
Level 4
(1 Level Lift)
20 VOLUME
Equal ang
tinatanggal
na pigments
Equal deposit
Level 5
(2 Level Lift)
30 VOLUME
Mas madaming
tinatanggal
na pigments
Mas kaunting deposit
Level 6
(3 Level Lift)
40 VOLUME
Mas madaming
tinatanggal
na pigments
Mas na mas kaunting deposit
Level 7
(4 Level Lift)
Mula noon ang PPD ang kemikal na inaasahan sa mga formula ng
hair dye simula 100 taong nakalipas.
Ang PPD ay main cause ng allergy. Ang ibang brands tulad ng
LAKME ay may substitute dito. PPD or p-Phenylenediamine
ay isang organic compound. Ito ay isang crytalline solid na umiitim
pagna e-expose sa hangin.
p-Phenylenediamine
Paano nabubuo ang mga iba-ibang shade ng buhok?
Napansin nyo ba na kapag binuksan ang tube ng colorant,mapapansin na ang kulay na nakikita
ay hindi ang kulay na nakasulat sa kahon. Ang red ay maaaring yellow-brown. Ang blue ay
maaaring grey color.
Ang permanent color ay may tinatawag na chemicals na color couplers.Ito din ay may PPD o
PPD substitute. Kapag hinalo ang oxidizing agent na hydrogen peroxide,iniiba nito ang PPD,
ina-active nya itong magreact sa color couplers. Doon lang ito magsisimula magbuo ng
panibagong kulay at colorant.
Sa chart na ito makikita ang specific shades ng kulay
base sa kumbinasyon ng klase ng color couplers sa
PPD.
Ang PPD Level ay mas mataas sa mga dark
colorant shades.
Kapag nakapasok ang bagong dye molecules sa
cortex ng buhok lumalaki ang bagong molecules
at hindi na madaling makalabas o ma-wash out. Ito
ang resulta ng permanent hair dye.
Ang tawag sa ingredients na nagbibigay ng allergies ay SENSITIZERS.
Alalahanin na ang ibig sabihin ng sensitizers ay habang ginagamit ang isang produkto maaring
sa katagalan ay lumilitaw ang allergic reaction sa balat. Kaya ang taong walang allergy ngayon
ay sa ilang buwan o taon,maaring magdevelop ng allergy sa produktong iyon.
Pangatlong building block sa pagkulay: Colorant
3
Kaya ang bago nating proposal sa skin test ay
every 6 months. Especially kung matagal ng
hindi nagpapakulay. Skin patch test ay 24 hours
procedure.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Pangapat building block sa pagkulay:
Moisturizers, Preservatives at
Stabilizers
4
Nakikita dito sa larawan kung paano kumapit ang kulay na semi,demi at permanent color
sa buhok.
II. Mga Uri ng Professional Hair Colors
Ang Permanent Color ay pumapasok sa loob ng cortex at binabago ang anyo ng mga
pigments ng buhok. Ang permanent color ng Lakme ay Collage. (Ang permanent color ay ang
tinalakay sa mga nakaraang pahina ).
LAKME HAIR COLOR BASICS
Permanent Color
1
Lakme Chroma
May kliyente na sensitive sa hair dye kaya
ang non-ammonia ay maaaring option
para sa kanila. Ang ammonia ay may
substitute na ingredient tulad ng
ETHANOLOMINE.
Ang non-ammonia hair dye ay effective sa
covering grey pero may limitasyon. May
mababang peroxide so para lamang ito sa
mga gustong darker darker hair colors at
walang masyadong lift.
18 Volume
• 1 - 2 level lift
• Ginagamit sa pag-
cover ng puti
28 Volume
• 2 – 3 level lift
May natural hair products na nabebenta, ito ay may similar ingredients tulad ng LAKME
CHROMA. Pero kung tutuusin lahat ng permanent color ay isang kemikal na procedure at
walang totoong natural product except HENNA.
Ang mga products na ito ay may 10 volume developer na hanggang one level lang ang lift
sa buhok. Tulad ng:
HERBATINT
• with low ppd content
• low peroxide
• with ammonia substitute
(ethanolomine)
TINTS OF NATURE
• with low ppd content
• low peroxide ( 1-2 levels )
• with ammonia substitute
(ethanolomine)
Ang HENNA ay isang natural
herbal colorant na may reddish
at orange brown shade.
Ito ay BUMABALOT SA BUHOK at
sa katagalan ay kumakapal ang
hibla at nanunuyo ito sa
pagkakapatong-patong ng henna.
Ang henna na kulay dark brown o
black ay may halong ppd. Mahirap
kulayan ang buhok na nagpa-
henna na.
Mga iba’t ibang kulay sa market
Ang home color na nabibili sa grocery ay may 20 volume developer. Minsan
may metallic salts ito gaya ng henna na nilalaman.
Ang buhok na may metallic salts ay minsan may masamang reaksiyon sa mga
ammonia at peroxide.
Kapag nag-fade ang hair dye at may kulay na green at violet ang pag-fade
nya, malamang may metallic salts ang dati nyang kulay.
Non Ammonia Permanent Color
2
LAKME HAIR COLOR BASICS
Lakme Gloss
Tungkol sa demi-permanent
color tulad ng GLOSS, ito ay
ginagamitan din ng peroxide
na mababa lang. Nakaka-
penetrate din itong kulay sa
loob ng buhok at nagde-
deposit ng kulay dito.
Ang demi permanent color ay
mas madaling mag-fade
kumpara sa permanent color.
Ang developer nya mas
mababa so tone on tone ang
tinatawag sa action nito na
walang lifting power.
Kumakapit ito sa loob ng cuticle
layer. Ito ang panlaban sa fade at
madaling gamitin sa bahay. Wala
itong peroxide na ginagamit.
6 Volume
Ang Long Lasting Gloss
Developer na 6 volume (1.8%)
ay hindi nakaka-lift at pang tone
on tone o pang-color refresh ng
existing color. Wala itong
kakayahan na magpa-light ng
buhok.
9 Volume
Ang Gloss Developing
Emulsion na 9 volume (2.7%)
ay may one level lifting power at
maaaring gamitin sa pagcover
ng puti.
Ang Semi-Permanent Color ay ginagamit na pang-refresh ng kliyente sa bahay sa gitna ng
kanilang salon hair dye appointments.
Demi Permanent Color
3
Semi-Permanent Color
4
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang COLOR THEORY ay ang pag-aaral tungkol sa mga kulay.
Unahin natin ang Color Wheel, ito
ay isang bilog na binubuo ng mag
kulay.
Nakapaloob dito ang Primary
Colors, Secondary Colors, at
Tertiary Colors.
Ang mga kulay ay galing sa tatlong pangunahing kulay.
Ito ay tinatawag na Primary Colors. Ang tatlong
pangunahing kulay ay RED, BLUE at YELLOW. Ang
Primary Colors ay puro ang mga kulay na ibig sabihin ay
hindi sya nahahalo para gawin ang mga kulay na ito.
Walang kulay na makakagawa ng RED, walang kulay na makakagawa ng
BLUE, at walang kulay na makakagawa ng YELLOW.
Tingnan ang Color Wheel, pansinin natin ang Primary Colors na Red, Blue at Yellow ay
naka-balanse ang pagitan ng bawat kulay. Mayroong tatlong kulay sa espasyo ng bawat
isa.
Nagmula sa Primary Colors na Red, Blue at Yellow ang lahat o libo-libong mga kulay na
nakikita natin ngayon.
Sa Color Wheel mayroon din tinatawag na Secondary
Colors.
Ito naman ang Pangalawang Kulay na GREEN, ORANGE
at VIOLET.
Violet
Green
Orange
III. Color Theory
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang Secondary Colors ay ang pinaghalong
dalawang Primary Colors.
Tulad ng Primary Red at Primary Yellow ay Secondary
Orange ang resulta nito. Ito ay equal parts o 50% na
red at 50% na yellow.
Kapag pinaghalo naman nag Primary Yellow (50%) at
Primary Blue (50%) ang resulta naman nito ay
Secondary Green.
Ang Primary Red (50%) at ang Primary Blue (50%) ay
Secondary Violet ang resulta.
Primary Colors
Secondary Colors
Ang TERTIARY COLORS ay ang
pangatlong kulay sa Color Wheel. Ito
naman ay ang pinaghalong
isang Primary Color at isang Secondary
Color. Ang Tertiary Color ay 75%
Primary at 25% Secondary Color.
Ang mga Tertiary Color ay Yellow-
Orange, Yellow-Green, Red-Orange,
Red-Violet, Blue-Violet at Blue-Green.
Tingnan natin sa Red, kapag pinaghalo ang Primary Red
at Secondary Violet ay makakagawa ng RED-VIOLET.
Ang Primary Red ay 75% at ang Secondary Violet ay 25% o
3 parts Red at 1 part Violet. Mas marami ang Primary kaysa
sa Secondary Colors.
Ang Red-Violet ay mas Red ang kulay nito.
Tingnan naman natin ang BLUE, kapag pinaghalo ang
Primary Blue (75%) at ang Secondary Violet (25%) ay
makakagawa ng BLUE-VIOLET.
Ang Blue-Violet ay mas Blue naman ang kulay nito.
Tertiary Colors
Ang Yellow-Green
ay pinaghalong 75%
na Primary Yellow
at 25%
na Secondary
Green.
Sa Orange naman
ay mayroong
YELLOW-
ORANGE na 75%,
Yellow at 25%
Orange.
Ang Blue-Green
naman ay
pinaghalong 75%
na Primary Blue
at 25%
na Secondary
Green.
Ang RED-ORANGE
ay 75% na Red t
25% na Orange.
Magkaiba ang kulay
ng bawat isa. Ang
isang orange ay mas
dilaw at ang isa
naman ay mas red o
pula.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Tingnan natin muli ang Color Wheel. Mayroon ding
tinatawag na Complementary Colors.
Complementary Colors ang tawag sa mga kulay na
opposite ang bawat isa sa color wheel. Ang mga
kulay na ito ang nagtatabla o na-neutralize sa isa't-
isa. Ibig sabihin nagmi-minimize sa katingkaran ng
isa't-isa ang kani-kanilang mga kulay.
Ang Violet na ang opposite color nya ay
Yellow,ang Blue na Orange ang opposite color
gayundin ang Red at Green na opposite color nya.
Kung anong kulay ang magkatapat,
sila ang Complementary Color o nag-Neutralize sa
bawat isa.
Ginagamit ng mga artist,graphic designer,
fashion designer at architects ang
complementary colors upang maka-disenyo
ng mga kulay na kaakit-akit. Ito ay dahil
kapag pinagtabi sa isa't-isa ay nakakaakit sa
mata.
Tulad ng green at red sa Christmas decors.
Ang ube at langka sa mga poster ng ice
cream at ang orange at blue sa mga interior
design ng bahay o restaurant.
Sa atin bilang Stylists ay may iba tayong gamit sa color wheel at ang alam na ang
complementary colors ay ang pantabla sa isa't-isa.
Ang Complimentary colors pag-pinaghalo ay
gumagawa ng Neutral Brown.
Kapag pinaghalo ang Red at ang Green ito ay
nagiging Neutral Brown.
Ang Violet at ang Yellow kapag pinaghalo ay Neutral
Brown din.
Gayundin kapag pinaghalo ang Blue at Orange ay
Neutral Brown din ang resulta.
RED GREEN
YELLOW VIOLET
ORANGE
BLUE
Ang mga kulay mayroong kinabibilangan kung ito ay WARM COLOR o COOL
COLOR.
Ang Warm colors ay ang Red,Orange at Yellow.
Ang Cool Colors naman ay Blue.Green at Violet.
Complementary Colors
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang LEVELS ay ang sistema na ginagamit ng mga stylists o hair colorist sa buong mundo na
tumutukoy sa pagka-dark o pagka-light ng buhok. Hindi ito tumutukoy sa kulay ng buhok.
IV. Levels
LAKME HAIR COLOR BASICS
Dahil tinutukoy nito ang pagka-dark o pagka-light ng buhok,ginagamit ito ng mga stylists
upang magkaintindihan sila sa tamang level at kulay na tinutukoy.
Halimbawa,ang level 5 copper o level 7 copper o level 9 copper shade ay ibang iba sa level 5
chesnut o level 7 at level 9 chesnut.
Level 5
Chesnut Hair Levels
Copper Hair Levels
Bawat kulay ng buhok ay may levels. Pareho din ito sa red hair,sa gold hair or blonde hair.
Dahil sa levels ay parte ng lenguahe ng mga stylists, madaling magkaintindihan sila
kahit mula sa iba't-ibang parte ng mundo.
Level 7 Level 9
Level 5 Level 7 Level 9
Ang Level 4, 5, Level 6, Level 7 at Level 8 naman
na buhok ay karaniwan sa mga Caucasian at
Latin American.
Ang Level 9 at ang Level 10 ay ang lightest level o
palest level na kulay ng natural na buhok na
nakikita sa mga taong mula sa bansang Finland ,
Switzerland at mga Northern part ng Europe.
Ang Level 1, ang Level 2 at ang Level 3 ay sa
tingin natin ay black dahil sa itim ang nakikita sa
buhok. Ito ang mga kulay tulad ng mga Asian,
Indian , African at mga Middle Eastern na mga lahi.
ASIAN INDIAN AFRICAN AMERICAN
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang Undertones o Underlying Pigments ay ang pigments o kulay na nakapaloob sa buhok.
Nakikita ito sa tuwing tayo ay nagbi-bleach ng buhok.
Ang bawat Levels ng buhok ay may kaagapay na Underlying Pigments na nasa loob ng
buhok.
Alalahanin natin na mayroong Melanin o Pigments na sa loob ng buhok.
Meron itong 2 uri:
1. Eumelanin na black at brown pigments.
2. Pheomelanin na red at yellow pigments.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Unahin natin ang Level 1 hanggang Level
5 na ang Underlying Pigments ay Red.
Ang Red ay matapang na kulay.
Ang mga Chestnut, Mahogany at
Copper colors lahat compatible sa
ganitong level ng buhok
(achievable colors). Dahil ang copper,
mahogany at chestnut ay WARM shades na
may red undertone, madaling ma achieve
ang ganitong kulay sa mga dark hair levels
1-4.
Ang violet shades ba ay
lilitaw sa levels 1-5 na
buhok?
Ano ang epekto ng /17 o Blue Ash ng collage sa levels 1-5 na
buhok?
Ang Ash ay number 1 sa color chart. Ito ay Green. At 7 ay blue.
Ang blue ash ang pantabla ng red tones ng buhok. Ang epekto
nito sa Levels 1-5 na buhok ay ang pagbawas ng warm shades
ng red. Ang resulta ay mas cool na kulay.
Sa pagpili ng /17 shade alalahanin na may darkening effect ito.
Paano pumili ng kulay base sa undertone?
X X X
X X X X X
X
Lilitaw ba ang mga blonde or gold
colors sa levels 1-5?
Hindii lilitaw ang gold shades
sa Levels 1-5!
Dahil ang Yellow o Gold color ay
masasapawan ng red undertone nito.
Levels 1 - 5: Red Undertone
Depende sa violet na gagamitin. Sa Lakme
collage ang mga Level 5 na Violet tulad ng
5/52 at 5/22 ay lumilitaw sa level 5 buhok.
Ang Level 6 na Violet shades ng Collage pataas ay hindi lilitaw dito dahil masyado
itong light at walang epekto sa levels 1-5 na buhok.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Anong epekto ng /17 sa level 6 at 7 na
buhok?
Ang pag neutralize ng red orange pigments ng
level 6 at orange pigment sa level 7 ay maaaring
gawin kung nais matanggal ang warm shades
nito.
Ang 10/17 ang standard na ginagamit for toning
para mapunta ito sa ash brown. Sa paggamit ng
10/17 HINDI BABABA ang level ng buhok, o hindi
ito mag dadark. Mananatili ang level 6 ng buhok.
*Nasa tamang pagpili ng /17 levels ang epekto
nito, mas nakaka-itim ang mas mababang /17
tulad ng 5/17. Ang 10/17 ang pinaka-advisable
gamitin sa may red-orange or orange na
undertone upang hindi ito masyadong umitim.
Sa pag Highlights, itong level 6
ay nagreresulta sa mga natural
or subtle cinnamon color
highlights sa dark hair.
Ang Level 7 ay may orange undertone. Dahil dito,
compatible itong level sa Chestnut, Mahogany and
Copper colors. (Maliban sa mga kulay na level 8
pataas)
Hindi lilitaw ang Gold colors dito. Hindi din lalabas ang
mga Level 6 pataas ng Violet colors.
Ang/17 ang ginagamit na pang neutralize ng Orange
Undertones ng Level 7.
Sa pag Highlights, ang Level 7 nagreresulta sa mga
Caramel Highlights.
Ang Level 6 na may Red-Orange underlying pigments.
Dahil Red-Orange ang pigments, compatible itong level
sa Collage colors na Chestnut, Mahogany at Copper.
Hindi lilitaw ang Gold color dito dahil sa Red-Orange
pigments na sasapaw dito.
Hindi din lilitaw ang Level 6 na Violet pataas.
Ang /17 ang pantabla sa red - orange na pigments nito.
The orange neutralizer: /17
Levels 6: Red Orange Undertone
Levels 7: Orange Undertone
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang Level 8 ay may Yellow-Orange na underlying
pigments. Dahil kaunti lamang ang orange dito at
75% ng kulay nito ay Yellow, compatible itong
Level 8 sa mga Gold color na level 8 pababa.
Iwasan ang paggamit ng /17 sa Level 8 o Yellow-Orange na undertone dahil maari
itong maging Green. Ang Yellow ng Level 8 ay hahalo sa Ash Green at Blue ng /17
kung kaya hindi ito dapat gamitin.
Sa Level 8 achievable dito ang mga Honey o Golden Highlights.
Ang pang-neutralize sa undertone na ito ay ang /20 o
/22+ sa Color Chart. Dahil ang Yellow-Orange ay 75%
Yellow mas nababagay ang Violet dahil ito ay ang
complementary color ng Yellow at siyang nagtatabla
nito.
Ang /13 ay pwede gamitin sa Level 8 kung ang resulta
na ninanais ay Ash Gold.
Ang recommended na toners o pang neutralize sa Yellow
undertones ay /20 tulad ng 10/20, 10/22+ at 12/72.
Sa Level 9 ay achievable na dito ang mga iba’t - ibang
lightest blonde na level 9 pataas. Pati narin ang mga ash
at silver na kulay at ang ibang fantasy shades tulad ng
pink, green, yellow etc….
Ang mga Recommended na Toners
Levels 8: Yellow Orange Undertone
Levels 9: Yellow Undertone
Ang mga Recommended na Toners
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang nababagay na toner na pangneutralize sa level na ito
ay 10/20, 10/22 at12/72.
Sa Level 10 o Palest Yellow undertone ay achievable ang
mga Platinum , Blondes , Silver,
mga Pastel shades at lahat ng mga Fantasy colors sa
color chart maliban sa Red.
Levels 10: Palest Yellow Undertone
Ang mga Recommended na Toners
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ngayon,talakayin natin ang Lakme
Collage Chart.
Ang Collage ay may 120 permanent
low-ammonia colors. Matingkad ang
pigments nito at nagtatagal. Ang
resulta ay matingkad,malambot at
makintab na kulay sa buhok.
Ang Lakme ay gawa sa
Barcelona at ginagamit sa higit
100 na bansa.
Ang Collage chart ay para sa lahat ng lahi. Para sa mga maitim o dark haired na lahi,ang
Collage ay may magandang ash based colors na naakma sa mga pangangailangan ng pagkulay
at pag-maintain ng maitim na buhok.
Ang numbering system ng Lakme ay madaling maintindihan. Ang unang numero ay ang
LEVEL ng buhok. Ang dalawang numero na sumunod ay tumutukoy sa SHADE ng buhok.
Ang numero ng bawat shade ay may
kaukulang kulay. 0 ay natural, 1 ay green, 2
ay violet, 3 ay gold, 4 ay copper, 5 ay red o
mahogany, 6 ay chestnut at 7 ay blue.
Ang unang numero ay nagbibigay ng 75%
ng shade ng buhok. Ang pangalawang
numero ang nagbibigay na 25% ng shade
sa mixture nito.
Halimbawa nito ay ang 7/64, mababasa
natin itong Level 7 with a touch of
copper
Mababasa naman natin ang 7/65,na
Level 7 with a touch of red
Ang Lakme ay may mixing ratio ng 1:1.5.
One part colorant to one and a half
developer
V. Lakme Color Chart
LAKME HAIR COLOR BASICS
Unahin natin ang mga base colors sa pag-
cover ng puting buhok.
Makikita ninyo na merong /00 natural at /06
warm natural na base at sa bandang gitna
merong /00+ o intense na base.
Ang mga BASE COLORS ay
ginawa para ihalo sa mga fashion
shade sa pagkulay ng puti. Hindi
ito pwedeng gamitin mag-isa o
magkaroon ng hindi natural na
kulay ang puting buhok(tulad ng
may greenish na kulay).
Tingnan natin ang /00 natural, ito ay ginagamit sa
pagcover ng puti na may inaasahang cool tone.
Mula ito sa 1/00 hanggang 10/00.
Ginagamit ang levels 1/00, 2/00 at 3/00 sa
gustong maitim ang pagkakulay ng kanilang
puting buhok.
Ang mga ito ay madalas gamitin sa mga
kalalakihan na may puting buhok na ang gusto ay
ibalik sa itim na kulay.
Ang 4/00 ay madalas sa mga kliyente na may
gusto ng kaunting lift o subtle color na dark brown
ang buhok.
Ang 5/00 pataas ay ginagamit sa mga buhok na gustong mas cool tone ang resulta ng buhok. Ang
mas mataas na levels tulad ng 6/00,7/00,8/00 ,9/00 at 10/00 ay ginagamit sa mga buhok na
walang warm tone o pagka-pula o orange sa kanilang buhok,tulad ng ibang lahing foreigners na
blonde o mga kliyenteng may previous colors na nasa ash brown o blonde.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang /06 na base o warm natural base ay may
halong warm pigments na compatible sa dark
hair dahil ang underlying piments natin sa buhok
ay red na isang warm shade.
Ang /06 base color ay ang madalas gamitin sa
mga salon sa Pilipinas. Nagsisimula sa 5/06
hanggang 9/06 ang pagpipiliang kulay
dito,depende sa kung anong level ang buhok ng
kliyente.
Ito ay isang halimbawa ng sa pag-cover ng puti gamit ang /06 o warm natural.
Ang panghuli ay intense base na may +,ang mga
kulay na ito ay may mas maraming pigments.
Ginagamit ito sa mga kliyenteng resistant ang
puti o matagal na makulayan ang puting buhok.
Ang mga intense base colors ay
4/00+,5/00+,6/00+,7/00+,8/00+ at 9/00+.
Punta na tayo sa CHESNUT o ang /60,makikita ninyo ang iba't-ibang shade ng browns dito
na kayang-kaya i-achieve sa buhok natin. Ito ay compatible sa buhok natin dahil ang ating
natural na buhok ay mas maraming Eumelanin pigments na black and brown.
Alalahanin na para sa mga maitim na buhok ang mga level 8 na
kulay sa chart ay ginagamitan ng bleach para makamit ang kulay
nito.
Isang halimbawa nito ang 8/64 at 9/63 na shade sa chesnut,na
maari itong makamit sa pamamagitan ng highlights.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang 1 na ito ay green; ang green ang resulta ng yellow at blue pigments na pinaghalo. Alam
natin na sa colorwheel ang green ay ang pang-neutralize ng red at ang blue ang pang-
neutralize ng orange.
NOTE:
Kapag nag-fade na ang color,ang matinding ash na pigment ay naiiwan at yan ang dahilan
kung bakit ang Lakme color ay hindi nag-fa-fade sa sobrang kalawangin na kulay.
Ang 7/66+ naman ay may dobleng 6 kaya masasabing mas intense ang pagka-chesnut or
pagka-brown kesa sa 7/60.
Ang Chesnut ay may intense color din,
ito ang 6/61+, 7/61+, 6/66+ at 7/66+.
Ang 6/61+ at 7/61+ ay paborito ng mga
stylists para sa dark hair dahil sa cool
tone nito na dala ng 1 na color na
nagbibigay ng ash brown shade sa
buhok.
Dito naman tayo sa /20 o Violet.
Tingnan natin sa chart ang mga
kulay na 3/22 at 3/52 ang mga
kulay na ito ay hindi nakikita sa
buhok na maitim kaya bihira
itong gamitin.
Ang 5/22 naman ay halos
walang epekto sa maitim na
buhok,maaaring ang lumitaw
lamang ay ang 5/60 sa chesnut
dahil sa level na ito matingkad
parin ang orange o ang red
undertones ng buhok na syang
kakain sa violet shade nito.
Ang 5/52 lamang ang lilitaw sa 2
o 3 level na buhok. Ito ay dahil
sa pwersa ng pula sa number na
5 sa kulay na ito.Ginagamit ito
kapag gusto ng kliyente ng
subtle deep red-violet shade na
nakikita sa ilalim ng araw o ng
ilaw.
Ang 8/20,10/20 at 10/22+ ay ginagamit
sa pang-tone sa mga naninilaw na buhok
na ginamitan ng bleach para sa
highlights.
Ito ay isang magandang halimbawa ng pag-neutralize ng
violet sa nag-fade na highlights na mayroong yellow
tones.
Ang yellow at violet kapag pinag-halo ang resulta ay
magandang ash brown.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Tingnan naman natin ang
Copper o ang /40.
Nagsisismula ito sa 4/45.
Dahil ang dark Asian hair ay
may natural na red tones,ang
copper shades ay compatible
dito. Mula 4/45 hanggang sa
7/45 ay lilitaw ito kapag
kinulay sa mga dark o maitim
na buhok.
Ngunit tulad ng ibang kulay
lahat ng level 8 pataas ay
kakailanganin ng gumamit ng
bleach sa buhok upang
makita ang resultang ganito.
Ang Copper ay meron
ding mga intense na
kulay na mas maraming
pigment ng copper.
Tulad ng Copper and
Mahogany o red shades
ng /50 ay madaling lumabas
sa maitim na buhok
dahil compatible ito sa ating
natural na underlying
pigment na pula.
Gayunpaman,ang 1/05 ay
masyadong madilim kaya
hindi makikita sa buhok na
itim.
Ngunit ang 4/50 pataas ay
makikita na sa ating buhok.
Ang mahogany ay meron ding intense
colors na 5/55+, 6/55+ at 65/59+.
Ginagamit ito kung gusto mong mas
matingkad ang kulay na pula.
Mahogany Intense Mahogany
with highlights
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang Gold o ang /30 ay
nababagay sa mga natural
na light ang buhok tulad ng
mga iba sa ating mga
Caucasian na kliyente.
Dahil sa pulang pigments sa
ating buhok,ang kulay na ito
ay hindi lilitaw sa maitim na
buhok. Lalabas at lalabas
din ang warm tones ng
Asian hair.
Halos lahat ng kulay dito simula sa 5/30 hanggang 9/30 ay warm brown lang ang lalabas
kapag ito ay ating kinulay sa dark hair. Ang 5/30 marahil ay magmumukhang 5/60 lamang.
Ang GOLD ay
nababagay sa mga
natural na light ang
buhok tulad ng
caucasian na mga
kliyente.
Ang GOLD ay nababagay sa mga natural
na light ang buhok tulad ng caucasian na
mga kliyente.
Meron din tayong Gold Ash o ang
/13. Nasa shade din ito ng ash
pero may gold tone. Itong kulay na
ito ay ginagamit sa mga gold toned
na buhok na gustong magkaroon
ng ash blonde na effect sa buhok.
Hindi gamitin sa maitim na buhok ang
5/13,6/13 at 7/13 dahil masyado itong dark at
ang epekto lamang nito sa buhok na maitim
ay magiging Chesnut pa din. Ito ay dahil na
naman sa red undertones ng dark hair na
sasapawan yung ash gold na /13.
Ang 8/13 at 10/13 ay kadalasang ginagamit sa pag-tone ng level 8
at level 9 highlights para sa ash gold effect.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ito ay ginawa para sa mga
Caucasian hair na may level 6
pataas ang natural na buhok.
Kung may mga kliyente na maitim na buhok na gustong magpagawa ng subtle hilites na
caramel color na hindi gagamit ng bleach,pwede gamitin ang mga color na ito. Ang hilites ay
may pagka-copper dahil hanggang level 7 lang ang maabot nito.
Ang 12/17 ay ginagamit kadalasan sa paghilites ng natural dahil ang 7 sa formula ay magto-
tone sa pagka-copper ng low level hilites.
Ginagamit ang 12/72 sa pag-tone ng hilites dahil ito ay may shade ng blue at violet.
+ 1: 2
Mixture: Dahil ang superblonding ay
nasa mataas na level o masyado
na itong light,ang miture sa
peroxide ay 1:2.
Puntahan naman natin ang Superblonding o ang 11/ at 12/ SERIES.
Ang Superblonding ay gawa para sa mga Caucasian hair na may level 6 natural hair pataas.
Ito ay gawa ng Lakme bilang high-level lifting color na may kakayahang mag-lift ng mga
caucasian level 6 na buhok to the highest level na hindi gagamitan ng bleach.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Dumako naman tayo sa aming pinagmamalaking
kulay o ang superstar ng Lakme. Ito ang Blue Ash
o ang /17.
Paano sya naging special? Ang itim na buhok
kapag kinulayan, kapag nag fade na ang
kulay,lumalabas ang undertone nito. Karamihan sa
mga kliyenteng nagpapakulay sa Pilipinas ay
pumupunta lamang sa mga level 5,6 at 7 na buhok.
Kapag na wash out na yung mga color pigments
na inilagay sa buhok, lumilitaw ang underlying
tone na natural sa buhok.Kaya kung nagpakulay
ka mula level 3 to 5 or 6 red orange ang lilitaw.
Kapag level 7 ang hair na pinuntahan mo,orange
na undertone na ang lilitaw.
Pumupunta ito sa kulay na orange na ayaw nating
lumalabas sa ating kulay ng buhok.
Ang Lakme Blue Ash na /17 ang ginagamit kadalasan sa pag-refresh ng faded hair. May
kakayahan itong mag-neutralize ng kulay na orange dahil sa pigment niyang blue. Ang resulta
ay Chesnut o ash brown na kulay.
Dahil maganda ang /17 ng Lakme at matindi ang mga pigments nito, ang paggamit nito ay
nagre-resulta sa pag-fade ng kulay na hindi pagkululay-kalawang tulad ng ibang brand.
Bihira ang paggamit sa amin ng 1/07,2/07 at 5/17 dahil masyado itong dark.
Ang 6/17 at 7/17 ay madalas gamitin sa roots.
Ang 8/17 at 10/17 ay madalas gamitin,base sa kung anong level ang pagka-copper ng buhok.
Ang 10/17 ay hindi ginagamit sa mas lighter highlights na nasa level 8 at level 9 dahil sa blue nito
ay hahalo sa kulay yellow undertone at nagiging green. Kung kaya para lamang siya sa orange o
copper toned hair.
Kapag nag-fade na ang kulay lumalabas ang undertones ng buhok kung kaya ang /17 ay akmang
gamitin sa pag-neutralize sa mga copper o red tones ng buhok.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang Mix Tones o ang 0/ ay ang mga purong kulay tulad
ng SILVER o 0/02, GREEN o ang 0/10, VIOLET o ang
0/20, YELLOW o ang 0/30, POLAR YELLOW o nag
o/31, ORANGE o ang 0/40, RED o ang 0/50 at BLUE o
ang 0/70.
Ang Mix Tones ay ginagamit pang-boost ng kulay para
maging mas matingkad, ito din ang ginagamit sa
paggawa ng mga FANTASY SHADES sa buhok na na-
bleach.
FANTASY SHADES
Ang 0/00 ay isa pang
superstar sa Lakme
color chart. Ito ay
isang Lightener na
walang pigment o
walang kulay. Ito ay
may madaming
gamit.
Una, ginagamit ang 0/00 sa pang-
lighten ng buhok either virgin hair o
previously colored hair.
Sa virgin hair, kapag ginamit ito sa 20
volume, ang resulta ay aakyat ang
level ng buhok ng dalawa hanggang
tatlong level.
Pangalawa, sa previously colored
hair. Ginagamit ang 0/00 sa pag-
remedyo sana napa-dark na kinulay.
Ang effect ay magla-lighten ang
buhok, pero ganun pa din ang
shade.
Ang Chesnut 5/60 na ginamitan ng
0/00 at 20 volume ay magiging 7/60
pa din.Kapag mas mataas na volume
tulad ng 30 volume ang gamitin
maaaring mas mag-light pa ito ngunit
Chesnut pa din.
Ang pangatlong gamit ay pang-halo
sa mga
kulay kung gusto itong papusyawin
.
Halimbawa, ang Red na 0/50
paghinaluan ng 0/00 maaaring
maka-gawa ng kulay na Pink.
Ang Red Motion
naman o ang /90
ay ginagamit
upang patingkarin
ang mga kulay na
pula.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ang Pearl at Silver Toner ay pang tone/ neutralize
ng mga unwanted tones or colors tulad ng orange
at yellow sa buhok.
Ang silver toner ay ginagamit sa mga undertones
na level 8 o yellow orange ang kulay ng buhok
pagkatapos i bleach.
Ang pearl toner ay ginagamit sa mga undertones
na level 9 at 10 na may kulay yellow ang kulay ng
buhok pagkatapos i bleach.
LAKME HAIR COLOR BASICS
Ito ay instruction kung paano gamitin.
Ang Pearl at Silver Toner ay mabilisan ang
application nito dahil mabilis umepekto ito sa
buhok. Ina-apply sa basang buhok at sa shampoo
bowl lamang. Ibabad ng 3-5 minuto pagkatapos ay
i-shampoo na ito. Ang mixture ay 1:2 gamit ang
Gloss Long Lasting na peroxide.

More Related Content

What's hot

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Pang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).pptPang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).pptmagretchenpedro
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdfMasistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdfAIVIEMELITADOESTOQUE
 
Action plan on child protection policy 2021
Action plan on child protection policy 2021Action plan on child protection policy 2021
Action plan on child protection policy 2021wena henorga
 
Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
SUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docx
SUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docxSUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docx
SUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docxMichelleLabaguis1
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
EsP 5 Curriculum Guide rev.2016
EsP 5 Curriculum Guide rev.2016EsP 5 Curriculum Guide rev.2016
EsP 5 Curriculum Guide rev.2016Chuckry Maunes
 
8 week curriculum presentation
8 week curriculum presentation8 week curriculum presentation
8 week curriculum presentationClarice Sidon
 
Mathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractions
Mathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractionsMathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractions
Mathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractionsKIMMINJOOO
 
Grade 3 Health Learners Module
Grade 3 Health Learners ModuleGrade 3 Health Learners Module
Grade 3 Health Learners ModuleLance Razon
 
Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...
Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...
Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...Camille Paula
 
2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroom
2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroom2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroom
2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroomjojit apiong
 
IPCRF DEVELOPMENT PLAN.docx
IPCRF DEVELOPMENT PLAN.docxIPCRF DEVELOPMENT PLAN.docx
IPCRF DEVELOPMENT PLAN.docxvanessa maghanoy
 

What's hot (20)

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
 
Pang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).pptPang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).ppt
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN SCIENCE (Q1-Q4)
 
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdfMasistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
Masistemang pangangalaga ng Tanim na mga Gulay.pdf
 
Visual and multimedia Elements
Visual and multimedia ElementsVisual and multimedia Elements
Visual and multimedia Elements
 
Action plan on child protection policy 2021
Action plan on child protection policy 2021Action plan on child protection policy 2021
Action plan on child protection policy 2021
 
Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 3 Curriculum Guide rev.2016
 
SUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docx
SUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docxSUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docx
SUMMARY OF INDEX OF MASTERY.docx
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN MATHEMATICS (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
EPP/TLE Agriculture
EPP/TLE Agriculture EPP/TLE Agriculture
EPP/TLE Agriculture
 
Rubrik-sa-Pagbasa.docx
Rubrik-sa-Pagbasa.docxRubrik-sa-Pagbasa.docx
Rubrik-sa-Pagbasa.docx
 
EsP 5 Curriculum Guide rev.2016
EsP 5 Curriculum Guide rev.2016EsP 5 Curriculum Guide rev.2016
EsP 5 Curriculum Guide rev.2016
 
8 week curriculum presentation
8 week curriculum presentation8 week curriculum presentation
8 week curriculum presentation
 
Mathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractions
Mathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractionsMathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractions
Mathematics module 33 visualizing addition or subtraction of similar fractions
 
Grade 3 Health Learners Module
Grade 3 Health Learners ModuleGrade 3 Health Learners Module
Grade 3 Health Learners Module
 
Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...
Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...
Sining 5 Yunit 2 Aralin 5 - Ang Rice Terraces ng Cordillera - Pandaigdig na P...
 
Isr 6. february 2022
Isr 6. february 2022Isr 6. february 2022
Isr 6. february 2022
 
2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroom
2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroom2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroom
2 professional development_plan, pllp, action plan, 21st classroom
 
IPCRF DEVELOPMENT PLAN.docx
IPCRF DEVELOPMENT PLAN.docxIPCRF DEVELOPMENT PLAN.docx
IPCRF DEVELOPMENT PLAN.docx
 

Hair Color Basics

  • 1. H A I R C O L O R B A S I C S
  • 2. Ang pagkulay ng buhok ay isang gawain na dapat nasa kamay ng isang trained na professional hair colorist na may sapat na kaalaman tungkol sa mga kemikal na ginagamit sa prosesong ito. Ang pagkulay ang proseso ng pag bawas ng melanin sa buhok at pag dagdag ng artificial color pigments upang magresulta sa pagibang kulay ng buhok. Unang building block sa pagkulay: Ammonia LAKME HAIR COLOR BASICS I. Hair Color Science 1 May apat (4) na building blocks sa pagkulay ng buhok Pangalawang building block sa pagkulay: Hydrogen Peroxide 2 Ang ammonia ay isang kemikal na may isang atom ng nitrogen at tatlong atom ng hydrogen(NH3). Ito ay may madaming gamit sa iba't-ibang industriya tulad sa paggawa ng fertilizer,mga tela at madami pang iba. Ang ammonia ay nahahanap din sa ating katawan. Sa professional hair color, ang ammonia ay ang main ingredient na nasa loob ng colorant. Sa Lakme, ito ang Collage colorant na nasa 60 ml tube. Ang ammonia ay nagpapamaga at nagbubukas ng cuticle ng buhok. Ito ay mahalaga upang makapasok ang kemikal sa loob ng cortex ng buhok. Ang hydrogen peroxide ay isang chemical compound na kumbinasyon ng dalawang hydrogen atom at dalawang oxygen atom (H2O2). Ito ay isang malinaw na liquid na may iba't-ibang gamit. Sa botika makakabili ng hydrogen peroxide na panlinis sa mga sugat,ito ay nasa 3% solution. Ginagamit din sya panlinis sa bahay at marami pang iba. Sa professional hair color, ang hydrogen peroxide na nasa Oxydant ay may dalawang gamit: 1. Ito ang nagrelease ng oxygen at nagdidi-dissolve ng melanin o nagtatanggal ng kulay sa buhok. Dahil dito tinatawag na OXYDANT ang mga developers na ito. 2. Nagkukumbina sa colorant molecules para gumawa ng artificial pigment molecule na magbibigay ng bagong kulay sa buhok. Sa hair salon ang hydrogen peroxide na ginagamit may lakas mula 1.8 hanggang 12% solution. Ano ang nangyayari kapag pinaghalo ang ammonia sa Hyrdrogen Peroxide? Kapag pinaghalo ang hair dye na may ammonia at ang hydrogen peroxide,sabayan ang pag-lift ng kulay o pagtanggal ng existing pigments sa buhok at ang pag-deposit ng artificial pigments ng hair dye. Ang oxygen molecules sa loob ng peroxide ay nagko-combine sa molecules ng hair dye. Nagkakaroon ng reaksyon ito at nagde-develop at nagkukumpol-kumpol ang mga bagong color molecules at lumalaki. Hindi na sya makalabas dahil sa laki nya kaya na lo-lock-in ang artificial color molecules sa buhok. Ang resulta ay isang kulay na nagtatagal ng ilang buwan. Ito ay tinatawag na permanent hair color. Ang peroxide kapag pinanghalo sa bleach ay ina-active nya ang lightening agents ng bleach at tinatanggal ang melanin na natural o artificial pigment ng buhok.
  • 3. Ang HYDROGEN PEROXIDE o OXYDANT ay may iba’t ibang VOLUME. Ang volume ay ang dami ng oxygen sa peroxide. Ang oxydant ang nagtatanggal ng pigments ng buhok. Kapag nababawasan ang pigments, nagiging mas light ang buhok. Ang pag light ng buhok o pag LIFT ng buhok mula sa isang level pataas ay tumutukoy sa pagbawas ng existing pigments sa buhok. Ang LIFTING action ng hydrogen peroxide ay base sa volume nito. Mas mababang volume, mas mahina ang lifting action or power. Mas mataas na volume, mas malakas ang lifting power ng oxydant. Ang bawa’t stylist ay dapat may 10-40 volume sa salon para sa pagkulay ng permanent colo dahil iba’t iba ang gamit nila. Ang 10 volume: Isang litro ng 3% hydrogen peroxide ay nagre-release ng 10 litro ng oxygen kaya ito 10 volume. Ang 20 volume: Isang litro ng 6% hydrogen peroxide ay nagre-release ng 20 litro ng oxygen kaya ito 20 volume. Ang 30 volume: Ang isang litro ng 9% hydrogen peroxide ay nare-release ng 30 litro ng oxygen kung kaya ito 30 volume. Ang 40 volume: Ang isang litro ng 12% hydrogen peroxide ay nagre-release ng 40 litro ng oxygen kung kaya ito ay 40 volume. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 4. Ang Oxydant ay may dual role: LIFT at DEPOSIT. Habang nagbabawas ng existing pigment ito, nagdadagdag din ng artificial pigment ito sa buhok. Ang 10 volume developer ay ginagamit sa pagdeposit o tone ng buhok na may one level lang ang lift o lightening power. Sa pag-halo ng 10 volume developer sa permanent color,dahil ito ay mas mababa at mas mahina na concentration ng hydrogen peroxide, mababa ang lifting power nito. Isang level lamang ang itataas. Kung level 3 ang buhok, kapag ginamit ang 10 volume, hanggang level 4 lamang ang mararating. Pwede natin isipin na sa 10 volume, kaunti lamang ang natatanggal na pigments ng buhok. Mas madami ang dinideposit na artificial pigments sa buhok kesa sa natatanggal na pigments nito.. Ang 20 volume developer ay ang standard developer na madalas gamitin sa salon. Ito ay may 2 level lifting power. Ibig sabihin kung level 3 ang buhok, hanggang level 5 ang paglight o taas ng buhok kapag ginamit ang 20 volume developer. Ito ang ginagamit sa pagkulay ng puting buhok. Ito ang pinaka-safe at banayad sa anit. Ang 20 volume ang pinaka effective sa pagcover ng puti dahil resistant ang puting buhok at ang 20 volume ay tumutulong sa pag penetrate ng puting buhok para makapasok ang color pigments. Sa paghalo ng 20 volume hydrogen peroxide sa permanent hair color,may PANTAY na lifting action and depositing action ang magaganap sa buhok. Pantay ang pagtanggal ng existing pigments at pantay din ang pagdeposit ng artificial pigments. Ang 30 volume developer ay nagli-lift ng tatlong levels. Ibig sabihin kung 30 volume ang gamitin, mula level 3 maaring mag light hanggang sa level 6 ang buhok. Ang mas mataas na developer tulad ng 30 volume ay may mas malakas na lifting action sa buhok ngunit mas kaunting deposit ng kulay sa buhok. Ibig sabihin, mas madaming natatanggal na existing pigments at mas kaunti ang naidedeposit na pigments nito. Ito ay bawal gamitin sa anit dahil nakakasunog ito ng balat. Ang 40 volume developer naman ay nagli-lift ng 4 na levels. Ibig sabihin ang level 3 na buhok ay maaaring mag light hanggang level 7. Mas madaming natatanggal na pigments at mas kaunti nalang ang nadedeposit na artifial pigments sa buhok. Ito ay hindi nirerekomenda para sa anit dahil nakakasunog ito sa balat. LAKME HAIR COLOR BASICS PAALALA: Ang paggamit ng developers at epekto nito ay maaring mag iba dahil sa mga sumusunod: • Texture o kapal ng hibla ng buhok- mas manipis madaling mag light. • Paggamit ng foil sa pagbleach- mas lalakas ang lifting action • Paggamit ng booster o lightener tulad ng 0/00- mas lalakas ang lifting action n • Ang buhok malapit sa anit, na dahil sa init ng anit mas mabilis mag light
  • 5. Tingnan natin ang isang drawing na nagpapakita ng ibat ibang klase ng oxidant sa Level 3 na buhok 10 VOLUME Kaunti ang tinatanggal na pigments Madaming deposit Level 4 (1 Level Lift) 20 VOLUME Equal ang tinatanggal na pigments Equal deposit Level 5 (2 Level Lift) 30 VOLUME Mas madaming tinatanggal na pigments Mas kaunting deposit Level 6 (3 Level Lift) 40 VOLUME Mas madaming tinatanggal na pigments Mas na mas kaunting deposit Level 7 (4 Level Lift)
  • 6. Mula noon ang PPD ang kemikal na inaasahan sa mga formula ng hair dye simula 100 taong nakalipas. Ang PPD ay main cause ng allergy. Ang ibang brands tulad ng LAKME ay may substitute dito. PPD or p-Phenylenediamine ay isang organic compound. Ito ay isang crytalline solid na umiitim pagna e-expose sa hangin. p-Phenylenediamine Paano nabubuo ang mga iba-ibang shade ng buhok? Napansin nyo ba na kapag binuksan ang tube ng colorant,mapapansin na ang kulay na nakikita ay hindi ang kulay na nakasulat sa kahon. Ang red ay maaaring yellow-brown. Ang blue ay maaaring grey color. Ang permanent color ay may tinatawag na chemicals na color couplers.Ito din ay may PPD o PPD substitute. Kapag hinalo ang oxidizing agent na hydrogen peroxide,iniiba nito ang PPD, ina-active nya itong magreact sa color couplers. Doon lang ito magsisimula magbuo ng panibagong kulay at colorant. Sa chart na ito makikita ang specific shades ng kulay base sa kumbinasyon ng klase ng color couplers sa PPD. Ang PPD Level ay mas mataas sa mga dark colorant shades. Kapag nakapasok ang bagong dye molecules sa cortex ng buhok lumalaki ang bagong molecules at hindi na madaling makalabas o ma-wash out. Ito ang resulta ng permanent hair dye. Ang tawag sa ingredients na nagbibigay ng allergies ay SENSITIZERS. Alalahanin na ang ibig sabihin ng sensitizers ay habang ginagamit ang isang produkto maaring sa katagalan ay lumilitaw ang allergic reaction sa balat. Kaya ang taong walang allergy ngayon ay sa ilang buwan o taon,maaring magdevelop ng allergy sa produktong iyon. Pangatlong building block sa pagkulay: Colorant 3 Kaya ang bago nating proposal sa skin test ay every 6 months. Especially kung matagal ng hindi nagpapakulay. Skin patch test ay 24 hours procedure. LAKME HAIR COLOR BASICS Pangapat building block sa pagkulay: Moisturizers, Preservatives at Stabilizers 4
  • 7. Nakikita dito sa larawan kung paano kumapit ang kulay na semi,demi at permanent color sa buhok. II. Mga Uri ng Professional Hair Colors Ang Permanent Color ay pumapasok sa loob ng cortex at binabago ang anyo ng mga pigments ng buhok. Ang permanent color ng Lakme ay Collage. (Ang permanent color ay ang tinalakay sa mga nakaraang pahina ). LAKME HAIR COLOR BASICS Permanent Color 1
  • 8. Lakme Chroma May kliyente na sensitive sa hair dye kaya ang non-ammonia ay maaaring option para sa kanila. Ang ammonia ay may substitute na ingredient tulad ng ETHANOLOMINE. Ang non-ammonia hair dye ay effective sa covering grey pero may limitasyon. May mababang peroxide so para lamang ito sa mga gustong darker darker hair colors at walang masyadong lift. 18 Volume • 1 - 2 level lift • Ginagamit sa pag- cover ng puti 28 Volume • 2 – 3 level lift May natural hair products na nabebenta, ito ay may similar ingredients tulad ng LAKME CHROMA. Pero kung tutuusin lahat ng permanent color ay isang kemikal na procedure at walang totoong natural product except HENNA. Ang mga products na ito ay may 10 volume developer na hanggang one level lang ang lift sa buhok. Tulad ng: HERBATINT • with low ppd content • low peroxide • with ammonia substitute (ethanolomine) TINTS OF NATURE • with low ppd content • low peroxide ( 1-2 levels ) • with ammonia substitute (ethanolomine) Ang HENNA ay isang natural herbal colorant na may reddish at orange brown shade. Ito ay BUMABALOT SA BUHOK at sa katagalan ay kumakapal ang hibla at nanunuyo ito sa pagkakapatong-patong ng henna. Ang henna na kulay dark brown o black ay may halong ppd. Mahirap kulayan ang buhok na nagpa- henna na. Mga iba’t ibang kulay sa market Ang home color na nabibili sa grocery ay may 20 volume developer. Minsan may metallic salts ito gaya ng henna na nilalaman. Ang buhok na may metallic salts ay minsan may masamang reaksiyon sa mga ammonia at peroxide. Kapag nag-fade ang hair dye at may kulay na green at violet ang pag-fade nya, malamang may metallic salts ang dati nyang kulay. Non Ammonia Permanent Color 2 LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 9. Lakme Gloss Tungkol sa demi-permanent color tulad ng GLOSS, ito ay ginagamitan din ng peroxide na mababa lang. Nakaka- penetrate din itong kulay sa loob ng buhok at nagde- deposit ng kulay dito. Ang demi permanent color ay mas madaling mag-fade kumpara sa permanent color. Ang developer nya mas mababa so tone on tone ang tinatawag sa action nito na walang lifting power. Kumakapit ito sa loob ng cuticle layer. Ito ang panlaban sa fade at madaling gamitin sa bahay. Wala itong peroxide na ginagamit. 6 Volume Ang Long Lasting Gloss Developer na 6 volume (1.8%) ay hindi nakaka-lift at pang tone on tone o pang-color refresh ng existing color. Wala itong kakayahan na magpa-light ng buhok. 9 Volume Ang Gloss Developing Emulsion na 9 volume (2.7%) ay may one level lifting power at maaaring gamitin sa pagcover ng puti. Ang Semi-Permanent Color ay ginagamit na pang-refresh ng kliyente sa bahay sa gitna ng kanilang salon hair dye appointments. Demi Permanent Color 3 Semi-Permanent Color 4 LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 10. Ang COLOR THEORY ay ang pag-aaral tungkol sa mga kulay. Unahin natin ang Color Wheel, ito ay isang bilog na binubuo ng mag kulay. Nakapaloob dito ang Primary Colors, Secondary Colors, at Tertiary Colors. Ang mga kulay ay galing sa tatlong pangunahing kulay. Ito ay tinatawag na Primary Colors. Ang tatlong pangunahing kulay ay RED, BLUE at YELLOW. Ang Primary Colors ay puro ang mga kulay na ibig sabihin ay hindi sya nahahalo para gawin ang mga kulay na ito. Walang kulay na makakagawa ng RED, walang kulay na makakagawa ng BLUE, at walang kulay na makakagawa ng YELLOW. Tingnan ang Color Wheel, pansinin natin ang Primary Colors na Red, Blue at Yellow ay naka-balanse ang pagitan ng bawat kulay. Mayroong tatlong kulay sa espasyo ng bawat isa. Nagmula sa Primary Colors na Red, Blue at Yellow ang lahat o libo-libong mga kulay na nakikita natin ngayon. Sa Color Wheel mayroon din tinatawag na Secondary Colors. Ito naman ang Pangalawang Kulay na GREEN, ORANGE at VIOLET. Violet Green Orange III. Color Theory LAKME HAIR COLOR BASICS Ang Secondary Colors ay ang pinaghalong dalawang Primary Colors. Tulad ng Primary Red at Primary Yellow ay Secondary Orange ang resulta nito. Ito ay equal parts o 50% na red at 50% na yellow. Kapag pinaghalo naman nag Primary Yellow (50%) at Primary Blue (50%) ang resulta naman nito ay Secondary Green. Ang Primary Red (50%) at ang Primary Blue (50%) ay Secondary Violet ang resulta. Primary Colors Secondary Colors
  • 11. Ang TERTIARY COLORS ay ang pangatlong kulay sa Color Wheel. Ito naman ay ang pinaghalong isang Primary Color at isang Secondary Color. Ang Tertiary Color ay 75% Primary at 25% Secondary Color. Ang mga Tertiary Color ay Yellow- Orange, Yellow-Green, Red-Orange, Red-Violet, Blue-Violet at Blue-Green. Tingnan natin sa Red, kapag pinaghalo ang Primary Red at Secondary Violet ay makakagawa ng RED-VIOLET. Ang Primary Red ay 75% at ang Secondary Violet ay 25% o 3 parts Red at 1 part Violet. Mas marami ang Primary kaysa sa Secondary Colors. Ang Red-Violet ay mas Red ang kulay nito. Tingnan naman natin ang BLUE, kapag pinaghalo ang Primary Blue (75%) at ang Secondary Violet (25%) ay makakagawa ng BLUE-VIOLET. Ang Blue-Violet ay mas Blue naman ang kulay nito. Tertiary Colors Ang Yellow-Green ay pinaghalong 75% na Primary Yellow at 25% na Secondary Green. Sa Orange naman ay mayroong YELLOW- ORANGE na 75%, Yellow at 25% Orange. Ang Blue-Green naman ay pinaghalong 75% na Primary Blue at 25% na Secondary Green. Ang RED-ORANGE ay 75% na Red t 25% na Orange. Magkaiba ang kulay ng bawat isa. Ang isang orange ay mas dilaw at ang isa naman ay mas red o pula. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 12. Tingnan natin muli ang Color Wheel. Mayroon ding tinatawag na Complementary Colors. Complementary Colors ang tawag sa mga kulay na opposite ang bawat isa sa color wheel. Ang mga kulay na ito ang nagtatabla o na-neutralize sa isa't- isa. Ibig sabihin nagmi-minimize sa katingkaran ng isa't-isa ang kani-kanilang mga kulay. Ang Violet na ang opposite color nya ay Yellow,ang Blue na Orange ang opposite color gayundin ang Red at Green na opposite color nya. Kung anong kulay ang magkatapat, sila ang Complementary Color o nag-Neutralize sa bawat isa. Ginagamit ng mga artist,graphic designer, fashion designer at architects ang complementary colors upang maka-disenyo ng mga kulay na kaakit-akit. Ito ay dahil kapag pinagtabi sa isa't-isa ay nakakaakit sa mata. Tulad ng green at red sa Christmas decors. Ang ube at langka sa mga poster ng ice cream at ang orange at blue sa mga interior design ng bahay o restaurant. Sa atin bilang Stylists ay may iba tayong gamit sa color wheel at ang alam na ang complementary colors ay ang pantabla sa isa't-isa. Ang Complimentary colors pag-pinaghalo ay gumagawa ng Neutral Brown. Kapag pinaghalo ang Red at ang Green ito ay nagiging Neutral Brown. Ang Violet at ang Yellow kapag pinaghalo ay Neutral Brown din. Gayundin kapag pinaghalo ang Blue at Orange ay Neutral Brown din ang resulta. RED GREEN YELLOW VIOLET ORANGE BLUE Ang mga kulay mayroong kinabibilangan kung ito ay WARM COLOR o COOL COLOR. Ang Warm colors ay ang Red,Orange at Yellow. Ang Cool Colors naman ay Blue.Green at Violet. Complementary Colors LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 13. Ang LEVELS ay ang sistema na ginagamit ng mga stylists o hair colorist sa buong mundo na tumutukoy sa pagka-dark o pagka-light ng buhok. Hindi ito tumutukoy sa kulay ng buhok. IV. Levels LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 14. Dahil tinutukoy nito ang pagka-dark o pagka-light ng buhok,ginagamit ito ng mga stylists upang magkaintindihan sila sa tamang level at kulay na tinutukoy. Halimbawa,ang level 5 copper o level 7 copper o level 9 copper shade ay ibang iba sa level 5 chesnut o level 7 at level 9 chesnut. Level 5 Chesnut Hair Levels Copper Hair Levels Bawat kulay ng buhok ay may levels. Pareho din ito sa red hair,sa gold hair or blonde hair. Dahil sa levels ay parte ng lenguahe ng mga stylists, madaling magkaintindihan sila kahit mula sa iba't-ibang parte ng mundo. Level 7 Level 9 Level 5 Level 7 Level 9
  • 15. Ang Level 4, 5, Level 6, Level 7 at Level 8 naman na buhok ay karaniwan sa mga Caucasian at Latin American. Ang Level 9 at ang Level 10 ay ang lightest level o palest level na kulay ng natural na buhok na nakikita sa mga taong mula sa bansang Finland , Switzerland at mga Northern part ng Europe. Ang Level 1, ang Level 2 at ang Level 3 ay sa tingin natin ay black dahil sa itim ang nakikita sa buhok. Ito ang mga kulay tulad ng mga Asian, Indian , African at mga Middle Eastern na mga lahi. ASIAN INDIAN AFRICAN AMERICAN LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 16. Ang Undertones o Underlying Pigments ay ang pigments o kulay na nakapaloob sa buhok. Nakikita ito sa tuwing tayo ay nagbi-bleach ng buhok. Ang bawat Levels ng buhok ay may kaagapay na Underlying Pigments na nasa loob ng buhok. Alalahanin natin na mayroong Melanin o Pigments na sa loob ng buhok. Meron itong 2 uri: 1. Eumelanin na black at brown pigments. 2. Pheomelanin na red at yellow pigments. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 17. Unahin natin ang Level 1 hanggang Level 5 na ang Underlying Pigments ay Red. Ang Red ay matapang na kulay. Ang mga Chestnut, Mahogany at Copper colors lahat compatible sa ganitong level ng buhok (achievable colors). Dahil ang copper, mahogany at chestnut ay WARM shades na may red undertone, madaling ma achieve ang ganitong kulay sa mga dark hair levels 1-4. Ang violet shades ba ay lilitaw sa levels 1-5 na buhok? Ano ang epekto ng /17 o Blue Ash ng collage sa levels 1-5 na buhok? Ang Ash ay number 1 sa color chart. Ito ay Green. At 7 ay blue. Ang blue ash ang pantabla ng red tones ng buhok. Ang epekto nito sa Levels 1-5 na buhok ay ang pagbawas ng warm shades ng red. Ang resulta ay mas cool na kulay. Sa pagpili ng /17 shade alalahanin na may darkening effect ito. Paano pumili ng kulay base sa undertone? X X X X X X X X X Lilitaw ba ang mga blonde or gold colors sa levels 1-5? Hindii lilitaw ang gold shades sa Levels 1-5! Dahil ang Yellow o Gold color ay masasapawan ng red undertone nito. Levels 1 - 5: Red Undertone Depende sa violet na gagamitin. Sa Lakme collage ang mga Level 5 na Violet tulad ng 5/52 at 5/22 ay lumilitaw sa level 5 buhok. Ang Level 6 na Violet shades ng Collage pataas ay hindi lilitaw dito dahil masyado itong light at walang epekto sa levels 1-5 na buhok. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 18. Anong epekto ng /17 sa level 6 at 7 na buhok? Ang pag neutralize ng red orange pigments ng level 6 at orange pigment sa level 7 ay maaaring gawin kung nais matanggal ang warm shades nito. Ang 10/17 ang standard na ginagamit for toning para mapunta ito sa ash brown. Sa paggamit ng 10/17 HINDI BABABA ang level ng buhok, o hindi ito mag dadark. Mananatili ang level 6 ng buhok. *Nasa tamang pagpili ng /17 levels ang epekto nito, mas nakaka-itim ang mas mababang /17 tulad ng 5/17. Ang 10/17 ang pinaka-advisable gamitin sa may red-orange or orange na undertone upang hindi ito masyadong umitim. Sa pag Highlights, itong level 6 ay nagreresulta sa mga natural or subtle cinnamon color highlights sa dark hair. Ang Level 7 ay may orange undertone. Dahil dito, compatible itong level sa Chestnut, Mahogany and Copper colors. (Maliban sa mga kulay na level 8 pataas) Hindi lilitaw ang Gold colors dito. Hindi din lalabas ang mga Level 6 pataas ng Violet colors. Ang/17 ang ginagamit na pang neutralize ng Orange Undertones ng Level 7. Sa pag Highlights, ang Level 7 nagreresulta sa mga Caramel Highlights. Ang Level 6 na may Red-Orange underlying pigments. Dahil Red-Orange ang pigments, compatible itong level sa Collage colors na Chestnut, Mahogany at Copper. Hindi lilitaw ang Gold color dito dahil sa Red-Orange pigments na sasapaw dito. Hindi din lilitaw ang Level 6 na Violet pataas. Ang /17 ang pantabla sa red - orange na pigments nito. The orange neutralizer: /17 Levels 6: Red Orange Undertone Levels 7: Orange Undertone LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 19. Ang Level 8 ay may Yellow-Orange na underlying pigments. Dahil kaunti lamang ang orange dito at 75% ng kulay nito ay Yellow, compatible itong Level 8 sa mga Gold color na level 8 pababa. Iwasan ang paggamit ng /17 sa Level 8 o Yellow-Orange na undertone dahil maari itong maging Green. Ang Yellow ng Level 8 ay hahalo sa Ash Green at Blue ng /17 kung kaya hindi ito dapat gamitin. Sa Level 8 achievable dito ang mga Honey o Golden Highlights. Ang pang-neutralize sa undertone na ito ay ang /20 o /22+ sa Color Chart. Dahil ang Yellow-Orange ay 75% Yellow mas nababagay ang Violet dahil ito ay ang complementary color ng Yellow at siyang nagtatabla nito. Ang /13 ay pwede gamitin sa Level 8 kung ang resulta na ninanais ay Ash Gold. Ang recommended na toners o pang neutralize sa Yellow undertones ay /20 tulad ng 10/20, 10/22+ at 12/72. Sa Level 9 ay achievable na dito ang mga iba’t - ibang lightest blonde na level 9 pataas. Pati narin ang mga ash at silver na kulay at ang ibang fantasy shades tulad ng pink, green, yellow etc…. Ang mga Recommended na Toners Levels 8: Yellow Orange Undertone Levels 9: Yellow Undertone Ang mga Recommended na Toners LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 20. Ang nababagay na toner na pangneutralize sa level na ito ay 10/20, 10/22 at12/72. Sa Level 10 o Palest Yellow undertone ay achievable ang mga Platinum , Blondes , Silver, mga Pastel shades at lahat ng mga Fantasy colors sa color chart maliban sa Red. Levels 10: Palest Yellow Undertone Ang mga Recommended na Toners LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 21. Ngayon,talakayin natin ang Lakme Collage Chart. Ang Collage ay may 120 permanent low-ammonia colors. Matingkad ang pigments nito at nagtatagal. Ang resulta ay matingkad,malambot at makintab na kulay sa buhok. Ang Lakme ay gawa sa Barcelona at ginagamit sa higit 100 na bansa. Ang Collage chart ay para sa lahat ng lahi. Para sa mga maitim o dark haired na lahi,ang Collage ay may magandang ash based colors na naakma sa mga pangangailangan ng pagkulay at pag-maintain ng maitim na buhok. Ang numbering system ng Lakme ay madaling maintindihan. Ang unang numero ay ang LEVEL ng buhok. Ang dalawang numero na sumunod ay tumutukoy sa SHADE ng buhok. Ang numero ng bawat shade ay may kaukulang kulay. 0 ay natural, 1 ay green, 2 ay violet, 3 ay gold, 4 ay copper, 5 ay red o mahogany, 6 ay chestnut at 7 ay blue. Ang unang numero ay nagbibigay ng 75% ng shade ng buhok. Ang pangalawang numero ang nagbibigay na 25% ng shade sa mixture nito. Halimbawa nito ay ang 7/64, mababasa natin itong Level 7 with a touch of copper Mababasa naman natin ang 7/65,na Level 7 with a touch of red Ang Lakme ay may mixing ratio ng 1:1.5. One part colorant to one and a half developer V. Lakme Color Chart LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 22. Unahin natin ang mga base colors sa pag- cover ng puting buhok. Makikita ninyo na merong /00 natural at /06 warm natural na base at sa bandang gitna merong /00+ o intense na base. Ang mga BASE COLORS ay ginawa para ihalo sa mga fashion shade sa pagkulay ng puti. Hindi ito pwedeng gamitin mag-isa o magkaroon ng hindi natural na kulay ang puting buhok(tulad ng may greenish na kulay). Tingnan natin ang /00 natural, ito ay ginagamit sa pagcover ng puti na may inaasahang cool tone. Mula ito sa 1/00 hanggang 10/00. Ginagamit ang levels 1/00, 2/00 at 3/00 sa gustong maitim ang pagkakulay ng kanilang puting buhok. Ang mga ito ay madalas gamitin sa mga kalalakihan na may puting buhok na ang gusto ay ibalik sa itim na kulay. Ang 4/00 ay madalas sa mga kliyente na may gusto ng kaunting lift o subtle color na dark brown ang buhok. Ang 5/00 pataas ay ginagamit sa mga buhok na gustong mas cool tone ang resulta ng buhok. Ang mas mataas na levels tulad ng 6/00,7/00,8/00 ,9/00 at 10/00 ay ginagamit sa mga buhok na walang warm tone o pagka-pula o orange sa kanilang buhok,tulad ng ibang lahing foreigners na blonde o mga kliyenteng may previous colors na nasa ash brown o blonde. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 23. Ang /06 na base o warm natural base ay may halong warm pigments na compatible sa dark hair dahil ang underlying piments natin sa buhok ay red na isang warm shade. Ang /06 base color ay ang madalas gamitin sa mga salon sa Pilipinas. Nagsisimula sa 5/06 hanggang 9/06 ang pagpipiliang kulay dito,depende sa kung anong level ang buhok ng kliyente. Ito ay isang halimbawa ng sa pag-cover ng puti gamit ang /06 o warm natural. Ang panghuli ay intense base na may +,ang mga kulay na ito ay may mas maraming pigments. Ginagamit ito sa mga kliyenteng resistant ang puti o matagal na makulayan ang puting buhok. Ang mga intense base colors ay 4/00+,5/00+,6/00+,7/00+,8/00+ at 9/00+. Punta na tayo sa CHESNUT o ang /60,makikita ninyo ang iba't-ibang shade ng browns dito na kayang-kaya i-achieve sa buhok natin. Ito ay compatible sa buhok natin dahil ang ating natural na buhok ay mas maraming Eumelanin pigments na black and brown. Alalahanin na para sa mga maitim na buhok ang mga level 8 na kulay sa chart ay ginagamitan ng bleach para makamit ang kulay nito. Isang halimbawa nito ang 8/64 at 9/63 na shade sa chesnut,na maari itong makamit sa pamamagitan ng highlights. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 24. Ang 1 na ito ay green; ang green ang resulta ng yellow at blue pigments na pinaghalo. Alam natin na sa colorwheel ang green ay ang pang-neutralize ng red at ang blue ang pang- neutralize ng orange. NOTE: Kapag nag-fade na ang color,ang matinding ash na pigment ay naiiwan at yan ang dahilan kung bakit ang Lakme color ay hindi nag-fa-fade sa sobrang kalawangin na kulay. Ang 7/66+ naman ay may dobleng 6 kaya masasabing mas intense ang pagka-chesnut or pagka-brown kesa sa 7/60. Ang Chesnut ay may intense color din, ito ang 6/61+, 7/61+, 6/66+ at 7/66+. Ang 6/61+ at 7/61+ ay paborito ng mga stylists para sa dark hair dahil sa cool tone nito na dala ng 1 na color na nagbibigay ng ash brown shade sa buhok. Dito naman tayo sa /20 o Violet. Tingnan natin sa chart ang mga kulay na 3/22 at 3/52 ang mga kulay na ito ay hindi nakikita sa buhok na maitim kaya bihira itong gamitin. Ang 5/22 naman ay halos walang epekto sa maitim na buhok,maaaring ang lumitaw lamang ay ang 5/60 sa chesnut dahil sa level na ito matingkad parin ang orange o ang red undertones ng buhok na syang kakain sa violet shade nito. Ang 5/52 lamang ang lilitaw sa 2 o 3 level na buhok. Ito ay dahil sa pwersa ng pula sa number na 5 sa kulay na ito.Ginagamit ito kapag gusto ng kliyente ng subtle deep red-violet shade na nakikita sa ilalim ng araw o ng ilaw. Ang 8/20,10/20 at 10/22+ ay ginagamit sa pang-tone sa mga naninilaw na buhok na ginamitan ng bleach para sa highlights. Ito ay isang magandang halimbawa ng pag-neutralize ng violet sa nag-fade na highlights na mayroong yellow tones. Ang yellow at violet kapag pinag-halo ang resulta ay magandang ash brown. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 25. Tingnan naman natin ang Copper o ang /40. Nagsisismula ito sa 4/45. Dahil ang dark Asian hair ay may natural na red tones,ang copper shades ay compatible dito. Mula 4/45 hanggang sa 7/45 ay lilitaw ito kapag kinulay sa mga dark o maitim na buhok. Ngunit tulad ng ibang kulay lahat ng level 8 pataas ay kakailanganin ng gumamit ng bleach sa buhok upang makita ang resultang ganito. Ang Copper ay meron ding mga intense na kulay na mas maraming pigment ng copper. Tulad ng Copper and Mahogany o red shades ng /50 ay madaling lumabas sa maitim na buhok dahil compatible ito sa ating natural na underlying pigment na pula. Gayunpaman,ang 1/05 ay masyadong madilim kaya hindi makikita sa buhok na itim. Ngunit ang 4/50 pataas ay makikita na sa ating buhok. Ang mahogany ay meron ding intense colors na 5/55+, 6/55+ at 65/59+. Ginagamit ito kung gusto mong mas matingkad ang kulay na pula. Mahogany Intense Mahogany with highlights LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 26. Ang Gold o ang /30 ay nababagay sa mga natural na light ang buhok tulad ng mga iba sa ating mga Caucasian na kliyente. Dahil sa pulang pigments sa ating buhok,ang kulay na ito ay hindi lilitaw sa maitim na buhok. Lalabas at lalabas din ang warm tones ng Asian hair. Halos lahat ng kulay dito simula sa 5/30 hanggang 9/30 ay warm brown lang ang lalabas kapag ito ay ating kinulay sa dark hair. Ang 5/30 marahil ay magmumukhang 5/60 lamang. Ang GOLD ay nababagay sa mga natural na light ang buhok tulad ng caucasian na mga kliyente. Ang GOLD ay nababagay sa mga natural na light ang buhok tulad ng caucasian na mga kliyente. Meron din tayong Gold Ash o ang /13. Nasa shade din ito ng ash pero may gold tone. Itong kulay na ito ay ginagamit sa mga gold toned na buhok na gustong magkaroon ng ash blonde na effect sa buhok. Hindi gamitin sa maitim na buhok ang 5/13,6/13 at 7/13 dahil masyado itong dark at ang epekto lamang nito sa buhok na maitim ay magiging Chesnut pa din. Ito ay dahil na naman sa red undertones ng dark hair na sasapawan yung ash gold na /13. Ang 8/13 at 10/13 ay kadalasang ginagamit sa pag-tone ng level 8 at level 9 highlights para sa ash gold effect. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 27. Ito ay ginawa para sa mga Caucasian hair na may level 6 pataas ang natural na buhok. Kung may mga kliyente na maitim na buhok na gustong magpagawa ng subtle hilites na caramel color na hindi gagamit ng bleach,pwede gamitin ang mga color na ito. Ang hilites ay may pagka-copper dahil hanggang level 7 lang ang maabot nito. Ang 12/17 ay ginagamit kadalasan sa paghilites ng natural dahil ang 7 sa formula ay magto- tone sa pagka-copper ng low level hilites. Ginagamit ang 12/72 sa pag-tone ng hilites dahil ito ay may shade ng blue at violet. + 1: 2 Mixture: Dahil ang superblonding ay nasa mataas na level o masyado na itong light,ang miture sa peroxide ay 1:2. Puntahan naman natin ang Superblonding o ang 11/ at 12/ SERIES. Ang Superblonding ay gawa para sa mga Caucasian hair na may level 6 natural hair pataas. Ito ay gawa ng Lakme bilang high-level lifting color na may kakayahang mag-lift ng mga caucasian level 6 na buhok to the highest level na hindi gagamitan ng bleach. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 28. Dumako naman tayo sa aming pinagmamalaking kulay o ang superstar ng Lakme. Ito ang Blue Ash o ang /17. Paano sya naging special? Ang itim na buhok kapag kinulayan, kapag nag fade na ang kulay,lumalabas ang undertone nito. Karamihan sa mga kliyenteng nagpapakulay sa Pilipinas ay pumupunta lamang sa mga level 5,6 at 7 na buhok. Kapag na wash out na yung mga color pigments na inilagay sa buhok, lumilitaw ang underlying tone na natural sa buhok.Kaya kung nagpakulay ka mula level 3 to 5 or 6 red orange ang lilitaw. Kapag level 7 ang hair na pinuntahan mo,orange na undertone na ang lilitaw. Pumupunta ito sa kulay na orange na ayaw nating lumalabas sa ating kulay ng buhok. Ang Lakme Blue Ash na /17 ang ginagamit kadalasan sa pag-refresh ng faded hair. May kakayahan itong mag-neutralize ng kulay na orange dahil sa pigment niyang blue. Ang resulta ay Chesnut o ash brown na kulay. Dahil maganda ang /17 ng Lakme at matindi ang mga pigments nito, ang paggamit nito ay nagre-resulta sa pag-fade ng kulay na hindi pagkululay-kalawang tulad ng ibang brand. Bihira ang paggamit sa amin ng 1/07,2/07 at 5/17 dahil masyado itong dark. Ang 6/17 at 7/17 ay madalas gamitin sa roots. Ang 8/17 at 10/17 ay madalas gamitin,base sa kung anong level ang pagka-copper ng buhok. Ang 10/17 ay hindi ginagamit sa mas lighter highlights na nasa level 8 at level 9 dahil sa blue nito ay hahalo sa kulay yellow undertone at nagiging green. Kung kaya para lamang siya sa orange o copper toned hair. Kapag nag-fade na ang kulay lumalabas ang undertones ng buhok kung kaya ang /17 ay akmang gamitin sa pag-neutralize sa mga copper o red tones ng buhok. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 29. Ang Mix Tones o ang 0/ ay ang mga purong kulay tulad ng SILVER o 0/02, GREEN o ang 0/10, VIOLET o ang 0/20, YELLOW o ang 0/30, POLAR YELLOW o nag o/31, ORANGE o ang 0/40, RED o ang 0/50 at BLUE o ang 0/70. Ang Mix Tones ay ginagamit pang-boost ng kulay para maging mas matingkad, ito din ang ginagamit sa paggawa ng mga FANTASY SHADES sa buhok na na- bleach. FANTASY SHADES Ang 0/00 ay isa pang superstar sa Lakme color chart. Ito ay isang Lightener na walang pigment o walang kulay. Ito ay may madaming gamit. Una, ginagamit ang 0/00 sa pang- lighten ng buhok either virgin hair o previously colored hair. Sa virgin hair, kapag ginamit ito sa 20 volume, ang resulta ay aakyat ang level ng buhok ng dalawa hanggang tatlong level. Pangalawa, sa previously colored hair. Ginagamit ang 0/00 sa pag- remedyo sana napa-dark na kinulay. Ang effect ay magla-lighten ang buhok, pero ganun pa din ang shade. Ang Chesnut 5/60 na ginamitan ng 0/00 at 20 volume ay magiging 7/60 pa din.Kapag mas mataas na volume tulad ng 30 volume ang gamitin maaaring mas mag-light pa ito ngunit Chesnut pa din. Ang pangatlong gamit ay pang-halo sa mga kulay kung gusto itong papusyawin . Halimbawa, ang Red na 0/50 paghinaluan ng 0/00 maaaring maka-gawa ng kulay na Pink. Ang Red Motion naman o ang /90 ay ginagamit upang patingkarin ang mga kulay na pula. LAKME HAIR COLOR BASICS
  • 30. Ang Pearl at Silver Toner ay pang tone/ neutralize ng mga unwanted tones or colors tulad ng orange at yellow sa buhok. Ang silver toner ay ginagamit sa mga undertones na level 8 o yellow orange ang kulay ng buhok pagkatapos i bleach. Ang pearl toner ay ginagamit sa mga undertones na level 9 at 10 na may kulay yellow ang kulay ng buhok pagkatapos i bleach. LAKME HAIR COLOR BASICS Ito ay instruction kung paano gamitin. Ang Pearl at Silver Toner ay mabilisan ang application nito dahil mabilis umepekto ito sa buhok. Ina-apply sa basang buhok at sa shampoo bowl lamang. Ibabad ng 3-5 minuto pagkatapos ay i-shampoo na ito. Ang mixture ay 1:2 gamit ang Gloss Long Lasting na peroxide.