2. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na
kailangang isakatuparan ng lahat na
mayroong kamalayan at pananagutan
tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay
mahalaga dahil:
3. ● maisasakatuparan ang isang gawain
na makatutulong upang matugunan
ang pangangailangan ng lipunan.
4. ● magagampanan ang mga gawain o
isang proyekto na mayroong
pagtutulungan, at
● maibabahagi ang sariling kasanayan
na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.
5. Ang pakikilahok sa gawaing
pangkomunidad ay isang malaking
pagkakataon sa personal mong
paglago bilang indibiduwal.
7. Ang kasanayan ay tumutukoy sa mga
bagay o gawain na kaya o natutuhan
mong gawin. Ang kaibahan nito sa
talento ay hindi mo likas na taglay.
8. Ang kasanayan ay nalilinang sa
pamamagitan ng pag-aaral at
pagsasanay. Ito ay iniuugnay din sa
mga salitang abilidad, kakayahan o
kahusayan.
9. Ang mga sumusunod ay ang mga 21st
Century Skills o Kasanayan sa Ika – 21
Siglo na lubhang makatutulong sa
pagsali o paglahok mo sa mga
gawaing pangpamayanan o
pangkomunidad:
10. Ang mga sumusunod ay ang mga 21st
Century Skills o Kasanayan sa Ika – 21
Siglo na lubhang makatutulong sa
pagsali o paglahok mo sa mga
gawaing pangpamayanan o
pangkomunidad:
11. • CRITICAL THINKING. Ang kasanayang ito ay
tumutukoy sa mga kakayahan mo na mag-
analisa o magsuri, mangatwiran at magbigay
kahulugan sa mga impormasyon. Gayundin
ang makatuklas ng mga bagong bagay at
makapaglahad ng matalinong solusyon sa
mga suliranin.
12. • CREATIVITY. Ang kasanayang ito ay
tumutukoy sa pagbuo ng panibagong
konsepto at mga pamamaraan kasama na
ang paggamit ng sariling talento at
teknolohiya.
13. • COMMUNICATION. Ang kasanayang ito ay
tumutukoy sa pakikipag-ugnayan sa ibang
tao sa paraang magiliw– maging palimbag
man ito o pasalita.
14. • COLLABORATION. Ang kasanayang ito ay
nagpapakita ng kahusayan ng isang
indibiduwal na pangunahan at mapanatili ang
pagkakaisa ng mga indibidwal tungo sa
iisang layunin.
Editor's Notes
Bilang isang kabataan, mahalaga na may sapat tayong kamalayan (awareness) sa mga nangyayari sa ating paligid
upang higit na maging mabisa ang pagtugon at pakikilahok na gagawin natin sa ating lipunan. Ang mga pakikilahok sa ating
komunidad ay maaring maging daan sa pagtuklas ng ating mga potensiyal at paglinang ng ating mga kasanayan. Ngunit
malinaw ba sa atin ang konsepto ng pakikilahok? Kung hindi pa ay halika na at alamin natin!