1. LEARNING PLAN IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
BAITANG: ISA MARKAHAN: IKATLONG MARKAHAN
Modyul 1: Pagkamasunurin (Unang Linggo)
Araw/Aralin
Bilang/Paksa
Layunin GABAY sa
TAGAPAGDALOY/TAGAPAG-ALAGA
ng MAG-AARAL
Isulat ang mga sagot sa inilaang
sagutang papel (Answer Sheet).
LUNES
Aralin Blg.1
Balikan Natin
Natutukoy ang ilan sa
mga paraan ng
pagsasabi ng pagiging
matapat.
Gabayan ang mag-aaral sa
pagtukoy ng mga paraang
nagsasabi ng kabutihan upang
masagutan ang Balikan Natin.
MARTES
Aralin Blg. 2:
Unawain
Natin
Nasasagot ang mga
tanong mula sa
kuwentong binasa.
Basahin sa mag-aaral ang
kuwentong “Ang Munting
Gamo-gamo” upang ganap na
maunawaan ito. Pagkatapos,
hayaang sagutin ng bata ang mga
tanong sa pahina 2. Ipaunawa sa
mag-aaral ang mga pangungusap
sa “Tandaan”at bigyang halaga ito
sa pamamagitan ng pagbibigay ng
ilang halimbawa.
MIYERKULES
Aralin Blg.3:
Ilapat Natin
Nailalarawan ang mga
paraan kung paano
maipapakita ang
pagiging masunurin.
Simulan ang gawain sa
pamamagitan ng mga tanong na:
Sumusunod ka ba sa utos ng iyong
mga magulang? Paano? Gabayan
ang mag-aaral na sagutan ang
gawain sa pahina 3 Ilapat Natin.
HUWEBES:
Aralin Blg. 4:
Suriin Natin
Napahahalagahan ang
mga gawaing
nagpapakita ng
pagiging masunurin.
Naibabahagi ang mga
gawaing nagpapakita
ng pagiging masunurin
sa pamilya.
Basahin sa mag-aaral ang mga
tanong sa pahina 3. Ipaunawa sa
mag-aaral ang mga pangungusap
sa bawat bilang at sagutan.
BIYERNES
Aralin Blg. 5:
Tayain Natin
Naisasagawa ang mga
gawain ukol sa pagiging
masunurin.
Naipapakita at nasasabi
ang pagiging masunurin
sa pamilya.
Sagutan ang mga katanungan sa
Tayain Natin.
Gabayan ang bata upang isagawa
ang gawain sa pahina 4.