SlideShare a Scribd company logo
INIHANDA NI: MAM SHIRLEY C. VENIEGAS
MAT-FILIPINO
Ang Wika
 a. Pagtalakay sa kahalagahan at katangian ng
wika
 b. Mga Teorya ng Wika
 c. Tungkulin ng Wika
 d. Uri/Barayti ng Wika
 e. Antas ng Wika
TAGALOG Bikol Hiligaynon Ilokano Kapampa
ngan
Pangasi
nense
Sebuano Samar-
Leyte(wa
ray
alipin oripon ulipon adysen alipan aripin ulipon oripon
apo makoa
ko
apo apo apu apo abo abo
araw aldaw adlaw mil aldo agew adlaw adlaw
away iwal away apa pate subeg away away
 Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng
Diyos sa sangkatauhan sapagkat ito ang pinakamagandang
kasangkapan ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa pang-
araw-araw na pakikipag-ugnayan.
 Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga
isinatinig na mga makabuluhang tunog, pinili at isinaayos sa
pamamaraang paarbitaryo upang lubusang maunawaan at
magamit ng mga taong nabibilang sa isang lipunang may
natatanging kultura.
 Wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya at sakali
mang hindi mapangalagaan ang pagkakakilanlan nito, tiyak
na mawawalan ng saysay ang mga karunungang
nakapaloob dito.
 Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na
gamit sa pagpapahayag.”
 Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe
na susi sa pagkakaunawaan.
 Ang wika ay instrumento ng komunikasyong panlipunan ayon kay
Constantino (1996). Ito ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang
tao sa mga gawain at panlipunan.
 (Ayon kay Francisco 2006, mahalaga para sa isang tao na maging
maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit
niya sa paraang metodo, tiyak at makabuluhan.)
 Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila
nanggaling ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language, tawag sa wika sa
Ingles-nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua
ng Latin, na nangangahulugang “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa
paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang
wika-sa malawak nitong kahulugan-ay anumang anyo ng pagpaparating
ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasang mayroon.
 Genesis 11:1-9 nakasaad dito kung paano lumaganap ang wika
pagkatapos ng delubyo o malaking baha mula sa angkan ni
Noah.Dahil sa kanilang mapag-imbot na hangarin dahil sa iisa ang
kanilang wika sila ay nagkakaunawaan. Nangamba ang Diyos na
malampasan ang kanyang kapangyarihan kung kaya binigyan nya
ng iba’t ibang wika ang mga tao upang sila ay di agad
magkaunawaan. Sila ay nagkawatak-watak at kumalat sa daigdig.
 Mahalaga ang wika sapagkat:
 ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
 ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag
ang damdamin at kaisipan ng tao;
 sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang
kinabibilangan;
 at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap
ng kaalaman.
 Sa Sarili- Ang totoong kahulugan ng isang rasyunal na nilalang ay
nakasalalay sa kaalamang pangwika nito. Sa lahat ng aspeto ng buhay
ng isang tao, nagiging imposible ang lahat ng kanyang naisin kung may
sapat siyang kakayahang gamitin at padalisayin ang wikang kanyang
nalalaman.
 Sa Kapwa- Ayon nga sa kasabihang nawiwika sa Ingles” No Man is An
Island” Hindi nalikha ang wika para lamang gamitin ng isang tao sa
kanyang sarili…kausapin ang sarili…gamitin sa sarili nang walang ibang
makikinabang kundi ang kanyang sarili. Nangangahulugan lamang na
ang wika ay isang napakahalagang sangkap upang makihalubilo ang
isang rasyunal na tao sa kanyang kapwa rasyunal na nilalang upang
mapalawig nito ang kanyang karanasan, karunungan at pagiging isang
tao na nabubuhay sa mundo ng mga tao.
 Sa Lipunang Kinaaaniban- Sa pagsama-sama ng
mga karanasan, mga karunungan, mga pangarap at
mga saloobin ng bawat rasyunal na nilalang
nabubuo ang isang kulturang nagsisilbing kaluluwa
ng isang lipunan. Isang lipunan na masasabing
natatangi sa ibang lipunan sapagkat nagkakaroon
ng isang lakas at isang tinig na umiiral sa apat na
sulok ng kanilang nasasakupan.
1. Ang wika ay masistemang balangkas- Bawat wika ay sistematikong
nakaayos sa isang tiyak na balangkas. May kanya-kanyang palatunugan,
palabuuan ng mga salita at istraktura ng mga pangungusap ang bawat
wika.
2. Ang wika ay sinasalitang tunog- Bawat wika ay may mga
makahulugang tunog na kasangkapan sa komunikasyon. Maraming tunog
ang maaaring malikha ng tao subalit hindi lahat ay maituturing na wika
sapagkat hindi ito naisaayos upang maging makabuluhan.
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Pinipili ang wikang gagamitin
upang maging makabuluhan at higit na maunawaan ng kausap.
4. Ang wika ay arbitraryo –Ang isang taong walang ugnayan sa isang
komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang naninirahan
sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay
panlipunan. (Just the sounds of speech and their correction with entities of
experience are passed on to all members of any community by older
members of that community.)
5. Ang wika ay ginagamit- Ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting
mawawala at tuluyang mamamatay. Ito ang dahilan kung bakit daynimiko
ang wika. Habang ito’y ginagamit, patuloy itong nagbabago:patuloy na
dumarami, nadaragdagan, at umuunlad sa patuloy na pagbabago ng
panahon.
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura-Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa
pagkakaiba ng kultura. Natatangi at malikhain ang bawat wika sapagkat
nakabuhol ito sa natatanging kultura kung saan ito ginagamit.
7. Walang Superyor na wika sa ibang wika-Bawat wika ay superyor sa
mga taong gumagamit nito sapagkat sa wikang ito sila nagkakaintindihan.
Hanggat ang wika ay nagagamit ng isang pangkat ng tao upang
maipahayag ang kanilang sariling kultura at nagkakaunawaan sila, ang
wikang ito ay superyor sa kanila. Walang mas mataas na wika sa ibang
wika at wala ding mas mababang wika sa iba.
 Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan at paano nagsimula ang
paggamit ng wika. Subalit may mga hinuha at kuru-kuro ang mga
dalubhasang nagsipag-aral ng paksang ito. Nahahati sa dalawa ang mga
hinuha at haka-haka hinggil sa pinagmulan ng wika. Una ay ang batay sa
Bibliya at ang ikalawa ay ang batay sa Agham.
 A. Biblikal
 1. Kwento ng Tore ng Babel-(Tower of Confusion) Mababasa ang kwento
sa aklat ng Gen. 11:1-9. Ito ay tungkol sa kamangha-manghang pagtatayo ng
mga tao ng toreng napakataas na abot hanggang langit. Nagawa ng mga tao
ito dahil sila ay nagkakaisa. Di umano di nagustuhan ng Diyos ang ginawa
nilang ito kung kaya pinag-iba-iba niya ang kanilang wika.
 2. Ang mga Apostol
 Sa bagong Tipan, mababasa naman sa mga Gawa ng mga Apostol na ang
wika ay nagsisilbing biyaya upang maipalaganap nila ang salita ng Diyos, Sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo nakapagsalita ang mga
apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman upang maituro ang ebanghelyo
sa iba’t ibang tao.
 B. Teorya batay sa agham panlipunan
 1. Bow-wow- Sinasabi ng teoryang ito na ginaya ng mga sinaunang tao ang
mga tunog na narinig nila sa kalikasan. (Langitngit ng puno ng kawayan,
hampas ng alon sa malaking bato, Ungol ng salita ng mga hayop
 2. Ding-dong- Bawat bagay sa daigdig ay may kaugnay na tunog.
Panggagaya pa rin sa tunog ang batayan ng teoryang ito. Naniniwala ang
teoryang ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng mga tunog ng bagay sa
paligid na naging batayan din ng panawag sa mga ito. Marahil ito ang
nagpapaliwanag sa mga salitang tulad ng ding-dong ng kampana, “bang-
bang” ng baril at “boom” ng granada.(ex. Simbolo- puso(pag-ibig) at mga
simbolong pantrapiko at babala
 3. Yum-yum- Sa teoryang ito pinaniniwalaang naunang sumensyas ang tao
kaysa magsalita. Subalit dumating ang panahong kailangan niyang palitan ng
mga salita ang kanyang nais sabihin. Isang halimbawa dito ang pagtango
kasabay ng pagsasabi ng oo at pag-iling kasabay ng pagsasabi ng hindi.
4. Ta-ta – Kumpas pa rin ang batayan ng teorya ito. Ang
ta-ta ay nangangahulugang paalam sa mga Pranses.
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang pagtaas at
pagbaba ng kamay ay nangangahulugang nagpapaalam.
Subalit sa panahon ngayon, hindi na lamang sa ganitong
kilos ng kamay naipapakita ang pagpapaalam kundi
maaari ding iwagayway upang magpaalam.
5. Pooh-pooh –Pinatutunayan ng teoryang ito na
kailangang ibulalas ng tao ang kanyang damdamin. Ang
tao ay lumikha ng wika upang maipahayag ang iba’t
ibang damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, awa, tuwa,
galit, lungkot at iba pa. ex. Takot-o-o-o-h, naku!
6. Yo-he-ho- Sa teoryang ito, ang wika ay nalikha
bunga ng pwersang pisikal sa kanyang ginagawa.
Isang halimbawa nito ang salitang nabibigkas ng isang
inang nanganganak kapag umiire. Kasama na rin ang
mga salitang nabibigkas ng isang karatista at isang
boksingero.
 Halimbawa ng Yo-He-Ho
Pagbuhat ng mabigat – o-o-p-s, ug-ug
Pagsuntok –hu-hu-hu, bug-bug
Pagkarate –ya-ya-ya
Pag-ire –hu-hu-e-e-e
 7. Musika- Ipinalagay ng dalubwikang Danish na si Otto
Jerpensen na ang sinaunang wika ay may melodiya at
tono. May kakulangan umano sa detalye ang wikang ito at
walang kakayahang gamitin sa pakikipagtalastasan.
 8. Pakikisalamuha- Sapagkat ang tao ay likas na sosyal,
ang teoryang ito ay naniniwalang ang tao ay lumikha ng
kanyang wika upang magamit sa pakikipag-ugnayan sa
kapwa.
 9. Navya-Nyaya-Ang teoryang ito ay mula sa India.
Pinaniniwalaan nito na ang lahat ng nasusulat na
komunikasyon ay mula sa tunog na nalikha ng tao.
Samakatuwid nag-ugat ang pasulat na komunikasyon sa
pasalitang komunikasyon.
10. Tarara-boom-de-ay-Pinaniniwalaan ng
teoryang ito na ang tao ay natututong bumuo
ng mga salita mula sa mga ritwal at seremonya
sa kanilang ginagawa.
Hal. Ta-ra-ra-boom-de-ay
- Paglututo at paglilinis ng bahay---tarara-ra-
ray-ray
- Pakikidigma at pag-aani- da-da-da, bum-bum
 Gamit ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday (1973)
1. Pang-interaksyunal- Ang tao ay likas na sosyal. Nakikipag-
ugnayan siya sa kapwa upang mapanatili ang kanyang relasyong
sosyal.
2. Pang-instrumental- Nakikipag-usap tayo sa ating kapwa
upang matamo ang ating mga pangangailangan. Naisasagawa
natin ito sa pamamagitan ng pakikiusap pag-utos sa ating kapwa.
3. Pangregulaturi –Ginagamit ang wika upang magbigay ng
direksyon, paalala o babala. Maaaring mapakilos ng tao ang
kanyang kapwa sa mabisang paggamit ng wika.
4. Pampersonal- Bilang isang indibidwal, naipapakita ng tao ang
kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng sariling
damdamin o opinyon at konsepto sa mga bagay-bagay sa
kanyang paligid.
 5. Pang-imahinasyon-Wika ang instrumento sa paglalarawan o
paggamit ng imahinasyon sa malikhaing paraan upang maipahayag ang
sarili. Ginagamit din ito sa paglikha ng mga malikhaing akda katulad ng
tula at maikling kwento.
 6. Pang-impormasyon- Sa pamamagitan ng wika, nakakakuha at
nakapagbibigay ng impormasyon sa lahat. Dahil sa teknolohiya, madali
na lamang makakalap at makapagkalat nh impormasyon sa internet sa
ngayon. Ginagamit ang wika upang makapagturo ng mga kaalaman sa
iba’t ibang larangan o disiplina.
 7. Heuristik- Instrumento ang wika upang matutong makamit ang mga
kaalamang akademiko at matamo ang anumang propesyon. Nalilinang
dito ang kasanayang magsuri, mag-eksperimento, magbigay-kahulugan
mamuna at iba pang kasanayan sa pag-iisip pang-akademiko.
 Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan at mga tao rin ang lumilinang sa
kani-kanilang mga kultura. Hindi maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba-
iba sa paniniwala, gawi, kasama na ang pagkakaiba-iba sa wika.
Nalilikha ang tinatawag na baryasyon o barayti ng wika o sub languages
na maaaring iklasipika sa higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng
tinatawag na idyolek, dayalek, sosyolek, rejister, estilo at moda,
edukasyon, midya at iba pa.
1. DAYALEK- Ito ay mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng
isang lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba’t ibang bayang
nasasakupan.
Halimbawa:
Tagalog-Maynila Tagalog-Cavite
Tagalog-Bulacan Tagalog- Quezon
Tagalog-Batanggas Tagalog-Laguna
 2. Ekolek- Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga
kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit
nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito.
 Halimbawa:
 Pappy = ama
 Mumsy =ina
 Mc Guyver =karpintero
 Lady Gaga = lola
3. Etnolek- Nalikha ang wikang ito sa mga etno-linggwistikong pangkat
Halimbawa:
Wika ng mga Tausug Wika ng mga Ivatan
Wika ng mga Ifugao Wika ng mga Kankanai
4. Idyolek- Taglay ng wikang ito ang
pansariling katangian sapagkat personal ang
paggamit nito.
5. Pidgin- Nabuo ang wikang ito ang
pansariling katangian sapagkat personal ang
paggamit nito.
Halimbawa:
Me ganun? Tama ha
Oks na oks Wow sige
6. Rehistro-Nabuo ang wikang ito dahil sa iba’t ibang
propesyon na umiiral sa isang lipunan.
Halimbawa:
‘muhon’ sa isang karpintero
‘segue’ sa isang script writer
‘Trancendental phenomenon’ sa isang philosopher
7. Sosyolek- Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na
nalikha dahil sa sosyalisasyon na kadalasang
nagbabagu-bago ng anyo sa paglipas ng panahon.,
Halimbawa: Pagdiriwang: parti, tipar, gimmick, mga wika
ng bading at wika ng tambay
 Kaantasan ng mga Salita/Wika
May mga kaantasan ang mga salita, kaantasang isinasaalang-alang upang
ang mga salitang gagamitin ay aayon o babagay sa kanyag katayuan, sa
hinihingi ng panahon at pook at sa okasyong dinadaluhan.
Dalawang Kaantasan ng Salita
A. PORMAL-Ito ay mga salitang kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng
karamihang nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasya
kung ang salita ay dapat gamitin. Kung marapat, ito’y ginagamit sa mga
paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal sa gayo’y
tumataas ang uri kapag malaganap nang ginagaya.
1. Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing may
sirkulasyon na umaabot sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang
wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral.
2. Pampanitikan- salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at
sadyang mataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat
at dalubwika.
B. DI-PORMAL O IMPORMAL-ang mga salitang imformal ay mga salitang
karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-
usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan.
1. Balbal- ito ang mga nauusong salitang malimit gamitin ng mga
kabataan, mga salitang ginagamit sa lansangan ngunit hindi magandang
pakinggan.
Hal. Kumusta na ang erpat mo?
Nakagoli ka na ba? Dehins pa.
2. Kolokyal-mga salitang ginagamit sa pormal o imformal na pagsasalita.
Mataas nang kaunti ang antas sa balbal.
Hal. Ang utol mo pala ay kambal?
Atsay namin ang aming naging tagapagluto.
3. Lalawiganin- ginagamit sa isang partikular
na pook o lalawigan at ang mga tagaroon
lamang ang nakaiintindi.
Hal.
Davao:
Iyan kasi ang gisabi niya. (sinabi)
Quezon:
Abiarin ko muna siya. ( asikasuhin)
 PASULAT AT PASALITA
Panuto: Bumuo ng pangkat na binubuo ng lima hanggang pitong miyembro.
Buuin ang semantic mapping hinggil sa wika. Ito ang batayang tanong na
sasagutin ng bawat miyembro ng pangkat.
-Kung Ihahambing mo ang wika sa anumang bagay, ano ito? Ipaliliwanag ng
bawat miyembro ang sagot sa klase.
WIKA
 PASALITA
Panuto: Bumuo ng sampung pangkat ang klase. Bumuo ng isa sa mga
teorya ng wika at mag-brainstorm ang pangkat ng mga kahinaan at
kalakasan nito. Magtalaga ng lider na magpapasimula at mamumuno sa
pagpapalabas ng ideya; kalihim na magtatalaga ng mga ideya ng bawat
miyembro; at reporter na mag-uulat sa klase.
PAKILOS
Magpapangkat ang klase sa dalawa. Ibibigay ng guro ang isang awit o tula
para sa dramatic poetry o interpretative dance para sa pagdiriwang ng
buwan ng wika
PASALIKSIK
Magsasaliksik ng mga artikulo hinggil sa baryasyon o barayti ng wika.
Gumawa ng buod nito at iulat sa klase. Huwag kalilimutang itala ang
pinagkunang sanggunian.
a. Katuturan at Kahalagahan ng komunikasyon
b. Ang prosesong komunikasyon
c. Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon
d. Komunikasyong Di-berbal
 Hango ang salitang komunikasyon sa salitang Latin ng mga Romano
na “ communis” at communicare. Ang communis ay
nangangahulugang karaniwan at ang communicare naman ay
nangangahulugan namang magbahagi o magbigay. Ang salitang
komunikasyon ay tinumbasan ng salitang pakikipagtalastasan sa
Filipino.
 Ang Komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng
pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa
mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan.
 Ang Komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng
pagpapalitan ng impormasyon na kadalasang ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng simbolo.
KOMUNIKASYON
 Sina Greene at Petty sa kanilang aklat na Developing
Language Skills ay nagsabing ang komunikasyon ay
intensyonal na paggamit ng anumang simbolo upang
makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o
emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. Ito rin ay
ang pagkakaroon ng reaksyon sa tahimik na paraan sa
pinaglalaanan ng mensaheng pangkomunikasyon.
 Sa Bases of Speech nina Gray at Wise, binanggit nila na
kung walang metodo ng komunikasyon, ang mga
institusyong pantao ay di magiging posible. Idinagdag din
nilang maaring magamit ang berbal o di-berbal na uri ng
komunikasyon sa mabuti o masamang layon.
 Ang Komunikasyon ay nagpapahayag at pagpapalitan ng
ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng
pagsasalita, pagsulat o pagsenyas. (American College
Dictionary)
PROSESO NG KOMUNIKASYON
ENCODES
DECODES
TAGAHATID
MENSAHE
TAGATANGGAP
MGA HADLANG SA
KOMUNIKASYON
FEEDBACK
DECODES
ENCODES
Ang komunikasyon ay isang prosesong
kinapapalooban ng encoding at decoding. Ang
proseso ng komunikasyon ay dinamiko na
nagbabago. Kapag nangyari na hindi na ito
mauulit. Ito rin ay kumplikado sapagkat
kasangkot dito ang persepsyon sa sarili at
persepsyon sa kausap at tumbalik ang
persepsyon ng kausap sa kanyang sarili at sa
kausap. Ang mensahe, hindi kahulugan, ang
kahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
Pinanggalingan-tumutukoy sa taong
nagsasalita, sumusulat, gumuguhit,
kumukumpas atbp.
Mensahe- ito ay maaaring sa
pamamagitan ng simbolo, mga usapan,
liham atbp.
Destinasyon- maaaring ang taong
nakikinig, nagbabasa, nanonood atbp.
 Pinanggalingan ng mensahe (kalahok na nagsulat o
nagsalita)
 Ideya o mensahe (binuong kaisipan)
 Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)
 Tsanel (paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng
telepono, teleponong selular, liham, karaniwang
usapan, atbp.)
 Tumatanggap ng mensahe (kalahok na nagbabasa
o nakikinig)
Nagpadala
sumulat/
nagsalita
Tumanggap
nagbasa
/nakinig
SAGUTAN O FEEDBACK
Mensahe
/ideya
Kodigo
wika
ekspresyon
ng mukha
Channel
limbag alon
ng hangin
Channel
limbag
alon ng
hangin
Kodigo wika
ekspresyon
ng mukha
Mensahe/
ideya
 Binigyang halaga ni Dell Hymes (1972) ang tinatawag na
etnograpiya ng komunikasyon na siyang batayan upang
makategorya at maunawaan ang iba’t ibang sitwasyon at
konteksto ng pakikipagtalastasan. Ang etnograpiya ay
mula sa larangan ng antropolohiya na kaugnay ng
personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at
pakikipamuhay sa mga ugnayan sa mga taong nasa isang
pamayanan. Ang mga sitwasyon at kontekstong ito ay
kasama sa mga ilang konsiderasyon na dapat isaalang-
alang upang matamo ang mabisang komunikasyon. Ang
mga ito ay nakapaloob sa akronim na SPEAKING.
 S –setting- Saan ang pook na pag-uusap o ugnayan ng mga
tao?
 P-participant- Sinu-sino ang mga kalahok sa
pakikipagtalastasan?
 E- ends- Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?
 A- act sequence- Paano ang takbo ng usapan?
 K-keys-Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal
 I-instrumentalities- Anong tsanel ang ginamit? Pasalita ba o
pasalita?
 N-norms Ano ang paksa ng usapan?
 G- genre Ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba o
nagpapaliwanag, nakikipagtalo o nangangatwiran?
 1. Gamit at Anyo ng wika
Sa pakikipagtalastasan ay pumipili ang tao ng angkop na salita, parirala o
pangungusap upang maging malinaw ang nasasabi sa kausap.
Hal. Nagpapaalam
“ Nay, aalis na po ako!
Adyos!
Paalam na po!
Paalam! Ingat ka.
Bye!
Pagbati
Saan ka pupunta?
Saan ka galing?
Hi!
Hello!
Uy! Dress to kill ka, mukhang may mahalaga kang lakad.
 Pag-aanyaya
Punta ka sa amin, pista eh.
Punta ka sa bertdey parti ko.
Pagbabalita
Hoy, alam mo…
Naku alam mo ba ang nangyari?
Ganito yon e
Hindi mo pa ba alam.Heto…
May ibabalita ako sayo…
Atbp.
 Pagpapakilala
Mam Veniegas, si Van ang kuya ko.
Boss, kapatid ko.
Pagtanggap
Tiyak. Darating ako.
E, makakatanggi ba naman ako,
Aba, hindi ko palalampasin ito..
Sigurado,darating ako..
Pagtanggi/Di pagsang-ayon
Ibig ko sana, kaya lamang ay…
Totoo ba ito? Tila hindi ako bilib..
Gusto kong dumalo, pero napasabay sa…
Pagbibigay-babala/Paghahamon
Bawal ang tumawid…Nakamamatay…
2. Paksa
Ang husay ng pagsasalita ay depende sa kaalaman ng
paksa.
3. Kaangkupan ng sinasalita
May antas ng pormalidad sa pagsasalita. Pormal ang
usapan sa silid-aralan subalit di pormal o di-gaanong
pormal pagdating sa mag-anak, magkakaibigan atbp.
4. Kagyat na tugon
Sa maayos na usapan, kailangang ang bawat tanong ay
may kasagutan. Kailangang ang pag-iisip, pakikinig, pag-
unawa at pagsasalita ay halos magkakasabay na
ginagawa.
1. Kailangang maging tiyak ang layunin sa
pakikipagkomunikasyon; may malinaw na dahilan at tiyak
na tunguhin.
2. Kailangang ang pakikipag-ugnayan ay inilalaan sa tiyak
na tagapakinig o manonood.-ang tagapakinig ay mauuri
sa edad, pinag-aralan, hanapbuhay o kalagayang sosyal.
3. Ang mabuting pakikipagkomunikasyon ay nakahanda
sa haharaping sagabal.
4. Ito’y buo o ganap, tuwid at tiyak.-hindi kailangang
magpaliguy-ligoy pa upang maikintal sa kanilang isipan
ang mensaheng nais ipaabot.
5. Dapat na maliwanag at tumpak. –Kailangang maisama lahat
ng mahalagang pahatid nang walang ligoy. Ang
pakikipagtalastasan ay wala sa dami ng salita kundi sa
paggamit ng mga bagay ay wastong pananalitang kailangan
upang ang mensahe ay paipahatid nang malinaw.
6. Ang mabuting pakikipagtalastasan ay personal.
7. Kailangang magiging mapamaraan o mataktika sa
pakikipagtalastasan.
8. Kailangang ibagay o iangkop sa pagkakataon at sa taong
kasangkot ang mga salitang gagamitin.
1) Semantiko- Ang mga salita o pangungusap mismo ay
mahirap intindihan o di naiintindihan ng nagbabasa o
kausap.
2) Pisikal- Sagabal din sa komunikasyon ang kalagayan
ng lugar kung saan nagkakaroon ng pag-uusap. Ang
mabaho at maruming paligid lalo na ang ingay sa paligid
ay mga posibleng balakid upang magkaroon ng mabisang
komunikasyon.
3) Pisyolohikal-Maaari ding ang kalagayang
pangkalusugan ng mga kalahok sa komunikasyon ay
makakasagabal sa komunikasyon.
4) Sikolohikal- Tumutukoy ito sa mga sariling
pagkiling(biases, prejudices) ng mga kalahok
sa komunikasyon.
5) Wika- Ang wikang kinagisnan ng mga taong
nakikipagkomunikasyon.
6) Kultura- Ang kulturang kinagisnan at
kinamulatan ay syang sagabal sa
komunikasyon. Dahil na rin sa iba ang
paniniwala ng bawat isa.
Berbal na Komunikasyon
Ito ay tumutukoy sa mensaheng pangnilalaman o
panglinggwistika. Gumagamit ito ng anyong
simbolisasyon sa paghahatid ng mensahe. Isang anyo ito
ng paghahatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga
salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-
bagay. Ang pagsulat, pagbasa, pagsasalita at pakikinig ay
kasama dito.
 Di-Berbal na Komunikasyon
Ito ang uri ng komunikasyong di gumagamit ng salita sa
pagpapahayag ng ideya o kaisipan. Hindi ito gumagamit ng
salita bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa
kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan.
Kasama na rin dito ang paggamit ng mga simbolo. Mahalaga
itong isaalang-alang sa komunikasyon sapagkat:
a. Inilalantad nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.
b. Nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe.
c. Nililinaw nito ang interaksyong resiprokal ng naghahatid
at tumatanggap ng mensahe.
1.Intrapersonal –uri ng komunikasyong tinatawag na pansarili
lamang sapagkat ito ay nagaganap sa mga sandali ng
pagmumuni-muni o pagninilay-nilay. Nagaganap ang
komunikasyon sa isipan ng tao. Ang utak ay pinoproseso,
binibigyang interpretasyon at sinusuri ang mga impormasyong
natanggap.
2. Interpersonal – nagaganap ito sa pagitan ng
dalawang tao o pakikipag-usap ng isang tao sa isang
maliit na pangkat. Nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha
tayo sa komunikasyong interpersonal dahil kailangan
nating maipahayag at matanggap ang pangangailangan
nating personal.
3. Pampubliko- ito sa pagitan ng isang tao at malalaking
pangkat ng mga tao. Pinapanatili nito ang relasyong
pampubliko.
Tukuyin ang antas ng Komunikasyon sa mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Intrapersonal B. Interpersonal C. Pampubliko
___1. Mama, ito po ang pamasahe ko.
___2. Ibibigay ko kaya ang pitaka o itatago ko na lang?
___3. Kailangan nating magsama-sama mga minamahal
kong kababayan para sa iisang layuning ibangon ang
Inang Kalikasan.
___4. Mabuti pa ang ibon, malayang nakalilipad. Sana
katulad ko sila.
___5. Paano ko ba ipagtatapat sa mga magulang ko na
nagastos ko ang pangmatrikula ko sana.
___6. Huwag ka nang magkaila na hindi ka pumapasok
sapagkat nakausap ko na ang mga guro mo.
___7. Subukin ninyo ang tsaang ito, mabisa itong antioxidant at
mabuti sa kalusugan.
___8. Tinatawagan ang lahat ng mga kasapi sa Filipino Club
upang dumalo sa darating na pagpupulong bukas sa ganap na
ika-8:00 ng umaga.
___9. Nananalig akong papatnubayan mo ako, Diyos ko. Alam
mo po kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko.
___10. Ikaw lang ang kaibigan kong hindi nang-iwan sa akin sa
oras ng aking pangangailangan.
A.Kinesika(Kinesics) ginagamit sa pag-aaral ng kilos at
galaw ng katawan. Kabilang dito ang ekspresyon ng
mukha, galaw ng mata, kumpas at tindig.
 Ekspresyon ng mukha- Ayon kay Mehrabian (1971)-
ang isandaang bahagdan ng pagpapakahulugan sa
pakikipagtalastasan ay binubuo ng 7% berbal na
pagpahayag na tumutukoy sa kahulugan ng mensahe;
38% na kumakatawan sa palatandaan ng pagsasalita o
tono ng tinig; at 55% ekspresyon ng mukha at
kahulugan ng kilos. Maliwanag na ipinapakita nito na
hindi dapat ipagwalang bahala ang ekspresyon ng
mukha sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
 Galaw ng Mata- Sina Argyle at Ingham (1988) ay
nagsabing ang katamtamang tagal ng pagtingin ay
binubuo ng 2.95 segundo. Ang pagtitinginan naman ng
dalawang taong may paghanga sa isa’t isa ay 1.18
segundo.
 Kumpas- Sinasabing may unibersal na kahulugan ang
pagtaas ng kamay, pagtikom ng kamao, nakabuka ang
hintuturo at hinlalato.
 Tindig- Kung paano tumayo ay nakapagbibigay ng hinuha
kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap. May
tindig na kakikitaan ng tiwala sa sarili, labis na tiwala sa
sarili at kulang ng tiwala sa sarili. Makikita rin ang tindig ng
isang nagtagumpay at tindig ng isang talunan.
B. Proksemika (Proxemics) Ayon sa pag-aaral ng
antropologong si Edward Hall ay may komunikatibong
gamit ng espasyo sa pakikipag-usap. Ang pagiging
malapit sa kausap ay nagpapakita ng interes at ang
paglayo sa kausap ay nangangahulugan ng kawalan ng
interes. Masasabing may Intimate na distansya sa kausap
kapag may isang talampakan ang pagitan. Personal na
distansya ang tawag kapag may pagitang 1 hanggang 4
na talampakan, sosyal na distansya naman kapag may 4
hanggang 12 na talampakan at masasabi ng
pampublikong distansya kapag may 12 talampakan o higit
pa ang pagitan.
C. Oras (Chronemics)- May dalawang aspekto ang oras:
pangkultura at teknikal o siyentipikong oras. Ang
pangkulturang oras ay tumutukoy sa kung paano
binibigyan ng kahulugan ang kultura at kung paano ito
itinuturo. Ang kultura ng ating oras ay hinahati sa
segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon.
Mayroon taong sinasabing madaling araw, umaga
tanghaling tapat, kasama na rin ang hiram natin mula sa
mga Kastila na oras ng seyista, takipsilim, gabi, hating
gabi atbp. Bukod pa sa mga panahon ng pagtatanim at
aniham,tag-init at tag-araw.
 Ang teknikal o siyentipikong oras ay eksakto at
kadalasang ginagamit ito sa laboratoryo at iba pang
mga siyentipikong pag-aaral at eksperimento. Maari ring
mauri sa pormal at impormal ang oras. Isang halimbawa
ng pormal na oras sa eskwelahan ay ang mga
itinakdang oras sa isang asignatura at kung ilang linggo
sa loob ng isang semestre. Ang impormal na oras ay
medyo maluwag sapagkat hindi eksakto. Ang
halimbawang salitang nagsasaad nito ay ang
magpakailanman, agad-agad, sa madaling panahon,
ngayon din at iba pa.
D. Pandama O Paghawak (Haptics)
Ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong
anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng iba’t ibang
kahulugan ang paraan ng paghawak sa kapwa. Maaaring
may galit, nakikiramay, nagmamahal o nambabastos ang
kahulugan ng paghawak. Magkakaiba ang kahulugan ng
mga salitang hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok,
haplos at hipo.
E. Paralanguage- Tumutukoy ito sa paraan ng pagbigkas
ng isang salita kinabibilangan ito ng pagbibigay-diin sa
mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng
pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig.
Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-
hininga, ungol at paghinto. Ang mga ito ay may malaking
dulot sa kahulugan ng mensahe.
F. Katahimikan o Hindi Pag-imik
Kasama rin ito sa anyong di-berbal sapagkat may
mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di –pag-
imik o katahimikan. Mayroong itong mensaheng
ipinahihiwatig. Maaari itong pagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo
at mag-organisa ng kanyang sasaatabihin. Maaari din
namang mangahulugan ng pagtanggi o pagsang-ayon.
Sandata rin ng katahimikan. Pwedeng maging reaksyon
ito sa pagkabalisa pagkainip, pagkamahiyain o
pagkamatatakutin.
G. Kapaligiran- Ito rin ay may mensaheng ipinahahatid. Ang
kaayusan ng pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang
pulong, kumperensya, seminar atbp ay may mensaheng
ipinahihiwatig. Makikita halimbawa kung pormal o di-pormal
ang okasyon sa kaayusan ng lugar ng pagdarausan.
H. Simbolo-(ICONICS) Tumutukoy ito sa mga simbolo sa
paligid na may malinaw na mensahe. Halimbawa dito ang mga
simbolo ng bawal manigarilyo, sa palikuran at sa mga daan.
I. Kulay- Ito ay nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
Isang halimbawa nito ang paggamit ng putting damit ng
ikakasal na babae, itim na damit ng nagluluksa, bandilang
pula ng mga nagpoprotesta at iba pa.
1. Kumpas na ginagamitan ng dalawang kamay
a. Dalawang bukas na bisig na halos pantay balikat-
nagpapahiwatig ng kalawakan
b. Kumpas na pahawi o pasaklaw-ginagamit upang
magsaad ng isang saklaw ng diwa, pook, o tao.
c. Kumpas na nakalahad ang dalawang kamay at unti-
unting itinataas-nagsasaad ng dakilang kaisipan,
nagsasaad ng pagpuri, parangal.
d. Kumpas na pasubaybay-ginagamit ito kung binibigyan
ng diin ang magkakaugnay na diwa. Maaari itong
magsaad ng paglipas ng panahon o paghihimaton ng
bagay o pook na magkakasunod.
e. Kumpas na paturo-ginagamit sa panghahamak,
panduduro at pagkagalit.
f. Kumpas na pauyam(nilalakipan ng kibit ng balikat at
pag-ismid-nagpapahiwatig ng pagkutya o pang-uyam.
g. Dalawang kamay na marahang ibinababa-
nagpapahiwatig ng panlupaypay o pagkabigo.
 h. Kumpas na ginagamitan ng dalawang kamay na
biglang ibinababa (pabagsak)nagpapahiwatig ng matindi
at marahas na damdamin.
Ang ayos ng palad ng isang mambibigkas ay may iba’t
ibang kahulugang inihahatid sa madla.
a. Bukas na palad na paharap sa nagsasalita-ginagamit
ito upang ituro ang alinmang bahagi ng katawan.
 b. Bukas na palad nakaharap sa madla-nagpapahiwatig
ng pagkatakot, pagtanggi at pagkabahala
 c. Palad na nakalahad ng marahang itinataas-
nagpapahiwatig ng mga dakilang damdamin.
 d. Bukas na palad na marahang ibinababa-nagsasaad
ng mababang uri ng damdamin o kaisipan.
 e. Kuyom na palad(pasuntok) nagsasaad ng poot, galit
o matinding damdamin.
 f. Palad na nakabukas na magkalayo ang mga daliri na
unti-unting, tumitikom-nagsasaad ng matindi ngunit
matimping damdamin.
 g. Palad na nakataob, lalung lalo na kung biglang
ibabagsak paibaba-nagpapahiwatig ito ng galit at
marahas na damdamin.
 Pasulat
Magpangkat-pangkat ang klase ng mga 12 miyembro.
Bawat pangkat ay bubuo ng akrostik ng salitang
KOMUNIKASYON. Ipapakita ng bawat pangkat ang
kanilang nabuo sa klase.
Pasalita
Bumuo ng isang pangkat na binubuo ng lima hanggang
anim na miyembro. Maghanda ng isang dayalogo na
nagpapakita ng mga salik sa mabisang komunikasyon.
Isasadula ito sa klase sa loob ng tatlo hanggang limang
minuto. Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon.
 a. Paghingi ng paumanhin sa kaklaseng babae sa ginawang pambabastos.
 b. Pakikiusap sa guro na kumuha ng espesyal na pagsusulit dahil
nagkaroon ng problema sa pamilya.
 c. Pagpapaliwanag sa magulang kung bakit ginabi sa pag-uwi.
 d. Pagpapasalamat sa nanay ng kaibigan mo sa pagpapautang sa iyo ng
pangmatrikula mo.
 e.Inaaya ka ng barkada mong sumama sa kanilang gimik pagkatapos ng
pinal na pagsusulit subalit hindi ka makakasama sapagkat hinihintay ka na
ng mga magulang mo sa probinsya ninyo.
 f. Pangulo ka ng Samahan ng mga mag-aaral sa Filipino at magpapatawag
ka ng pulong sa mga kapwa mo opisyal at mga miyembro upang pag-
usapan ninyo ang mga isasagawang proyekto ng paaralan.
 g. Gusto mong kausapin ang kaibigan mong nangongopya sa iyo kapag
may pagsusulit upang mag-aral din ng aralin.
 h. Hindi ka kinakausap ng kaibigan mo at pakiramdam mo ay masama ang
loob niya sa iyo.
 i. Inagaw ng matalik mong kaibigan ang iyong kasintahan.
 J. Mababa ang nakuha mong grado sa Filipino 101, paano ka makiki-usap
sa iyong guro upang ikaw ay di bumagsak sa pinal na grado.
 Pakilos( di-berbal na komunikasyon)
a. Ituro ang isang gamit sa pamamagitan ng nguso na may
pakiusap nguso.
b. Sabay na pagtaas ng dalawang balikat para ipahayag ang
walang kaalaman.
c. Paghawi sa buhok ng babae sa likod ng kanyang teynga na
nagsisilbing tanda na hilig din niya ang kasamang lalake.
d. Gurong nagalit sa klaseng maingay.
e. Pagkadismaya dahil hindi nakuha ang nais.
f. Pagkahilo dahil sa matinding init ng panahon.
g. Paglaki ng mata at ilong (kulang na lang ang paglabas ng
usok sa tenga)
h. Iwas ng pagtingin (mahiyain o may itinatago o may
kasalanan)
i. Pagpalagay ng mga kamay sa baywang( Ako ang hari dito,
may aangal?)
j. Pagkainip
k. Nakita ang kasintahan kasama ang taong pinagseselosan.
Mga Hakbang( di-berbal na komunikasyon)
 Hatiin ang klase sa tig-10 miyembro
 Maghanda ng mga kagamitan gaya ng cp, camera at
laptop (if available)
 Gumawa ng isang patalastas( advertisement) tungkol sa
napapanahong issue sa loob ng paaralan.
 Ilagay o i-save sa flash drive at ipasa sa guro.
 Ang patalastas ay tatagal lamang ng 10 hanggang 30
minuto.
Pagpakamalikhain- 20 puntos
Kaayusan at kalinawan- 10 puntos
Paksa- 10 puntos
Performance-10
Kabuuan – 50 puntos
a. Kasaysayan ng Wikang Filipino
b. Mga isyu ukol sa Wikang Filipino
c. Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino
d. Kalikasan at Istraktura ng Wikang
Filipino
EBOLUSYON NG
WIKANG FILIPINO
Maikling video clips
Layunin:
1. Natatalakay ang akdang “ Liham ni Wika kay
Kasaysayan”;
2. Naiisa-isa at nailalarawan ang mga pangyayari sa
pag-unlad ng wikang pambansa;
3. Naipapaliwanag ang hinggil sa wikang pambansa
at wikang opisyal ng Filipino;
4. Natatalakay ang mga mahahalagang batas
pangwika.
Tandaan:
May natatanging pagkakakilanlan ang bawat bansa.
Maaaring ito ay sa disenyo ng watawat, sa himig ng
pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng
ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili ding
pambansang wika.
Ang bahaging ito ay sumasaklaw sa pagtalakay sa
pagsilang at paglago ng wikang pambansa natin.
Tatalakayin din ang ilang mahahalagang konsepto at mga
batas hinggil sa pagkakaroon natin nito.
Dear ate Kasaysayan,
Tandang-tanda ko pa noon, kasalukuyang
nakaratay sa banig ng karamdaman ang ama
kong si Manuel L. Quezon. Pumasok sa silid niya
ang kanyang nars at sinabi “ Sir da press is hir to
see you”. Sa loob-loob ko kung ako lang ay may
kamay sasabunutan ko sa lahat ng parte nang
katawan niya ang nars na yan. Alam niyang me
sakit na ang aking ama eh gusto pang magpa-
presscon.
Palibhasa pulitiko at lubhang mabait ang
aking ama pinapasok niya ang panauhin. Laking
gulat ko at ng aking ama nang makita namin na
pumasok ay isang pari. Priest..Hindi pala pres.
Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “ Ano ba ito,
palibhasa pilipit ang dila at matigas pa. Palibhasa
pangyayaring iyon. Pareho silang Pilipino ng
kanyang nars pero nag-uusap sila sa wikang
Ingles. Dahil dito, naisip ng ama ko na dapat
magkaroon ang Pilipinas ng isang wikang
pambansa. Para bawat Pilipino ay mag-uusap sa
wikang ito.
Ginamit ng aking ama ang kanyang
impluwensya kaya napasama sa 1935 ang
artikulo 14 sek. 3, na nagsasabing “ Ang
Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa batay sa isa sa mga umiiral na wika sa
Pilipinas. Para sa akin, ito ang simula para
makalabas ako sa sinapupunan ng aking ama.
Me sapat syang batayan sa mga susunod niyang
hakbang.
ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Kongreso,
hiniling niya ang pabuo ng isang pambansang
surian ng wika.
Hindi siya nabigo sa kahilingang ito dahil
noong Nob. 13, 1936-pinagtibay ng Kongreso ang
Batas Komonwelt 184 na nagtatatag ng
Pambansang Surian ng Wika. Nagtalik na ang
pangarap ang aking ama at ang isipan ng mga
kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa. Ito
naman ang itinuturing kong paglilihi sa akin.
Pero dahil kakaiba ako umabot ng mahigit
siyam na buwan ang paglilihi sa akin, Noong
Nobyembre 9, 1937, bunga ng pag-aaral na
isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa,
nagpalabas sila ng isang resolusyong
nagmumungkahi sa Pangulo ng Pilipinas sa
Talagang sabik na sabik na akong
makalabas, at noong Disyembre 30, 1937,
dumating na ang aking pinakaaasam-asam.
Ipinalabas ni Pangulong Manuel L. Quezon
ang Kautusang tagapagpaganap (E.O) 134
na nagpapahayag ng Pagkakaroon ng
Pambansang Wika ng Pilipinas Batay sa
Tagalog. Ito ang maituturing ko na isang
pinakamaligayang araw sa buhay ko. Ang
araw ng aking pagsilang. Mantakin mo,
bago magputukan sa bagong taon eh
isinilang na ako.
Noong Abril 1, 1940, sa pamamagitan ng
EO263, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag
ng aklat Gramatika ay diksyunaryo ng Wikang
Pambansa, at itinakda na simula sa Hulyo 19,
1940, itinuro ang Wikang Pambansa sa lahat ng
Paaralan sa Buong Bansa. Unti-unti ay pinakilala
na ako at nagsisimulang humakbang.
Ngunit lubos ang pagpapakilala sa akin
noong Hulyo 7, 1940. Sa araw na ito ipinagtibay ng
kongreso ang Batas Komonwelt 570 na
nagtatadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang
Wikang Pambansa ay magiging isa sa mga
Opisyal na Wika ng Bansa. Nag-uumapaw sa
kagalakan ang aking puso sa araw na iyon, dahil
naramdaman ko ang aking kahalagahan. Ang
sarap pala ng feeling kapag ikaw ay kinikilala.
Wikang Pambansa. Ang baduy-baduy naman
yata. Ang haba haba ng pangalan ko. Hindi ba
tayong mga Pinoy dapat maikli lang ang pangalan.
Yung iba dyan dalawang pantig lang di ba. Me
mga pangalang Dingdong, Jonjon, Bongbong,
Leklek, Potpot at kung anu-ano pang pangalan na
madaling tandaan. Mabuti na lang may isang
kalihim na malikhain ang pag-iisip at ako ay
bininyagan. Noong Agosto 13, 1959, pinalabas ni
Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng
Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
na nagsasaad ng Kailan man at Tutukuyin ang
Pambansang Wika ay Pilipino ang gagamitin.
Simula nga noon tinawag nila akong Pilipino. Ang
sarap pakinggan, ang sarap maging Pilipino.l
humanap ng ibang kaulayaw. Hindi naman sa
nagsasawa na ako ke tagalog dahil siya ang
laging kasama. Pero ano ang magagawa ko, ito
ang tinadhana ng batas. Mabuti na lang napikon
ang biyudang si Tita Cory. Pinatalsik ang
diktador. Kasabay ng pagkakalagot ng kadena
sa kamay ng mga Pilipino ang paglagot din ng
tanikalang nagtatali sa amin ni Tagalog. Paano
ko nasabi ito? Kasi ayon sa artikulo 14, sek, 16
ng 1987 Constitution, “ Ang Wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino” Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga
wika”. Take note hindi na Pilipino ang pangalan
ko kundi Filipino. Nagsisimula na sa F. o di ba
medyo klas na..at take note pa rin hindi lang si
yugto sa buhay ko dahil ito ang nagbigay kaganapan sa
aking pagkabinata. Kung baga sa lalaki e tuli na. Pwede
na akong manligaw o maningalang pugad. Sa ngayon ay
masaya akong nakikipagharutan sa iba’t ibang mga wika
sa Pilipinas at sa mga tisoy at tisay.
Nagpapasalamat ako sa iyo at sa sambayanang Pilipino
na patuloy na tumatangkilik sa akin. Biruin mo noong
dati pag nanonood ka ng TV sa hapon halos puro Ingles
ang ginagamit ng mga hinayupak na me kaisipang
kolonyal. Pero bigo sila dahil alam ko na ang mga
Pilipino e mahal ako. Ngayon tignan mo, hindi lang sa
balita ako ginagamit. Pati na rin sa mga cartoons, at pati
na ang mga telenobelang galing sa ibang bansa na
bihirang masabay sa akin ang uka ng bibig. Pero okey
lang yon at least ako’y ginagamit.
Paano ba yan, masyado na yatang naging mahaba ang
sulat ko, hanggang dito na lamang at maraming salamat
sa iyo at sa inyo.
1. Anong nakatutuwang pangyayari ang nagbigay-aral kay
Pangulong Quezon na kailangan talaga ng bansa ang isang
wikang pambansa?
2. Bakit siya tinaguriang “ Ama ng Wikang Pambansa”?
3. Ayon sa liham, paano ito naipaglihi at naisilang?
4. Anu-anong mga mahahalagang pangyayari ang
nagpaunlad sa Wikang Pambansa?
5. Sa ngayon, gaano na kalaki at kaunlad ang ating wikang
pambansa?
 Nagmula sa pulo ng Tsina
 Indonesyo
 Bumbay
 Arabe
 Persyano
 Dahil dito ay nalinang at yumabong ang vokabularyo mula
sa mga unang nanirahan dito.
 TSART SA KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
WIKANG FILIPINO
KASTILA
Latin
GRIYEGO
ELEMENTONG
PAMBANSA
LUZON
MINDANAO VISAYAS
LIKHA
ELEMENTONG
PANDAIGDIG
AMERIKA
EUROPA
AFRICA
ASYA
 Lumitaw ang mga dokumento o kasulatan tungkol
sa Tagalog (o maging sa iba pang wika ng Pilipinas)
 Napagtibay sa batas na Wikang Pambansa ang
Tagalog
 Bagamat naging batayan ng WP ang Tagalog ay
marami pa rin ang hindi lubusang nasunod sa kabila
ng kaliwa’t kanang pagpapalawak, pagpapalaganap
at pagpapaunlad dito gaya ng mga lathalain at
babasahin, paggamit nito sa mga miting,
pampulitika, at sa transaksyong pampamahalaan
bilang opisyal na wika.
 Pagkatatag ng SWP (Institute of National Language)
 1. May mga manunulat at dalubwika pa rin ang
nagpupumilit sa kaalamang laban sa paniniwala ng
nakararami. (Purista)
 2. May mga siyentipikong dalubwika ang nagpupumilit
na ipagamit ang kanilang nilikhang mga bagong salita
gayong hindi naman ito nauunawaan o tinatanggap ng
nakararami.
 3. Maraming Pilipino ang hindi tumatangkilik sa sariling
wika dahil sa kaisipang kolonyal.
 4. Dahil na rin sa rehiyunalismong nangingibabaw sa
damdamin ng ilang Pilipino.
Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong
paraan ng pagsulat
Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong
(3) patinig at labing-apat (14) na katinig
Sa kanilang paglipat dala nila ang kanilang,
paniniwala, tradisyon, gobyerno at ang wika
at sistema ng pagsusulat na tinatawag na
alibata.
Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa Tsina,
Arabya , Malaysia at India
Hindi lang palitan ng kalakal ang naganap,
natutunan rin ng mga sinaunang Pilipino ang
kultura nila pati na rin ang mga salitang
Patuloy pa rin ,nating ginagamit tulad ng mula
sa Tsina
apo, ate, kuya, bihon, hikaw, lumpia,
pansit,siyopaw, sotanghon, suki at susi
mula sa India- guro, bathala, bahala, karma,
mukha, tsaa, mahal(love) sabon, syampu
mula sa arabya
-alam, hiya, hokum
Malaysia, mura, mahal, ako, ikaw,
mahal(expensive), lalaki, manga, babae,
pangulo, anak, radyo, medya,
nagpatuloy ang kanilang pag-unlad at
paglinang ng pamumuhay ng sinaunang
Pilipino hanggang sa…..
 1521- Nang dumating si Ferdinand Magellan at di
naglaon ay sinundan ni Legazpi ay napag-alaman ng
mga Kastila na ang mga Pilipino ay pinagwatak-watak
ng maraming wika.
 Layunin ng mga Kastila na magkalat ng paniniwala at
simulaing Kristiyano.
 1596- Napaigting ang kanilang pananakop dahil
nagpadala ang hari ng Espanya ng mga prayle upang
isakatuparan ang pagtuturo ng relihiyong Kristiyano.
 Ang ilang prayle ay nahirapang pag-aralan ang ating
wika kung kaya karamihan sa kanilang nag-aral ng mga
iba pang wika. ( 154+110 prayle ang ipinadala sa Pinas)
 1618-ayon sa kasulatan ang Tagalog ay ginagamit at
nauunawaan kahit saan (di lamang mga katutubo ng isla
sa Luzon) ang suliranin sa wika ay tinangkang lutasin sa
pamamagitan ng pagtatayo ng konseho.
 Napag-alaman ng hari ng Espanya na ang wika ay di
dapat sa pagtuturo, pagpapaunlad at pagpapalawak ng
Kristiyanismo kaya ipinasya nito na ang mga prayle ay
magtuturo ng Kastila sa mga Indio.
 1893- Nagkaroon ng isang kautusan na nagtatakda na
ang mga prayleng lokal ay magiging tagamasid na ex-
officio sa mga paaralan ngunit ang kautusang ito ay di
natupad dahil ang mga prayle.
1. Ibig ng mga prayle na mapanatili sa
kanilang kamay ang kapangyarihan nila sa
mga tao at upang umasa rin ang pamahalaan
sa kanila.
2. Ayaw nilang maungusan sa talino ng mga
katutubo kapag natuto na silang magKastila.
3. Natatakot silang magkaisa ang mga
katutubo at mag-alsa laban sa kanila kung
may iisang wika silang sinasalita.
 Mga Natutunang salita mula sa mga Kastila
 mundo
 imbyerna
 yelo
 luho
 teknolohiya
 korsunada
 kalye
 abante
 giyera
 hustisya
 intindi atbp…
 PANAHON NG MGA AMERIKANO
(Agosto 13, 1898)
 Sa pagdating ng mga Amerikano ay lalo pang
nagdagdagan ang suliranin sa wika.
 Nagkaroon ng mga paaralang-bayan noong Hulyo 1,
1900 at nagsimulang pumasok ang may 100, 000 mag-
aaral.
 Ang mga guro ay pawang mga kawal na itinalaga ng
Gobernador Militar.
 Ginamit na saligang-aklat ay nasusulat sa Kastila at
dahil wala silang alam sa mga wika sa Pilipinas,
kinailangan nilang malunasan ang suliraning ito.
 Marso 4, 1899-itinatag ni Pangulong Mckinley ang
lupong tagapagsiyasat sa pangunguna nu Jacob Gould
Schurman
 -dumating ang lupong Schurman sa Manila upang
kumuha ng datos tungkol sa Pilipinas.
 Nobyembre 2, 1899-ipinasa ang unang ulat ng Lupong
Schurman tungkol sa Pilipinas at ang lupon ay bumalik
sa Washington.
 Hunyo 3, 1900- Gumawa si Pangulong Mckinley ng
Ikalawang lupon na naglalayong magtatag ng
Pamahalaang Sibil sa Pilipinas. Pinamumunuan ito ni
William H. Taft (Taft Commission)
 Hulyo 1, 1900- pagbalik ng mga mag-aaral sa mga
paaralan na itinayo ng mga milita. Sa panahong ito,
idinagdag ang wikang Ingles sa Kastila bilang wikang
opisyal.
 Hunyo 26, 1902- Ang EL RENACIMIENTO ay nag-ulat
ng Sociedad de Escuitos de Tagalog. Ang mga
kagawad dito ay nagkaroon ng mataimtim na
pagnanasa sa bernakular bilang wikang pambansa.
 Disyembre 1902- sa akda ni David J. Doherty ay
inilathala niya ang isang artikulo ukol sa tagalog.
laman nito ang magandang kapalarang naghihintay sa
paglaganap ng Tagalog sa bansa.
 Enero 1, 1906-(I want you to speak English) Huling
paggamit ng wikang Kastila sa mga kawani ng iba’t
ibang sector at paglilipat ng wikang Kastila sa Ingles
na lengwahe na gagamitin ng mga kawani.
 1908- ang pagsasabatas sa pagtatayo ng isang
surian ng mga wika/wikain sa Pilipinas, na
ipinanukala ni Hukom Norberto Romualdez
 Abril 12, 1909- Pagtatag ng Akademya ng Wikang
Pilipino (Lope K. Santos)
1915- Nailathala ang Filipino English
Vocabulary(itinatag noong Abril 12, 1909) na
inilaan sa pagtulong sa Pagkakaroon ng
panlahat na wikang Pilipino( Eusebio T.
Daluz-kalihim ng Akademya ng Wikang
Pilipino)
1918- pagtatag ng Sanghiran San Binisaya
(Academy of the Leyte Samar Bisayan
Dialect) Pangulo Norberto Romualdez isang
bisayang may masidhing pagtatangkilik sa
Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
1924-tinalakay sa “ The language of Education
in the Philippine Islands na ang isang wikang
pambansa ay dapat maging isang bernakular.
1928- ang Philippine Collegian (Pahayagan ng
U.P) ay unang naglathala ng kolum sa Tagalog.
1934 ang Kumbensyong Konstitusyunal ay
nagpulong upang balangkasin ang Saligang-
Batas, hindi lamang para sa Pamahalaang
Komonwelt,
kundi maging sa Republika ng Pilipinas,
ay tinalakay ang tungkol sa wikang
pambansa. Itinatag ang isang lupon
para sa Wikang Opisyal upang pag-
aralan ang tungkol sa wikang
pambansa.
1935- Ang pagpapahalaga sa Ingles
ayon sa Saligang Batas ng 1935
 Nobyembre 1936- ipinalabas ang kautusang
tapagpaganao na nagtadhana ng paglilimbag ng isang
balarila at isang Diksyunaryo sa wikang
Pambansa.pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt
bilang 184 na lumikha ng SWP na naatasang gumawa ng
pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang pambansa.
 Mga kasapi:
 Jaime C. de Veyra- Bisaya Samar-Leyte –Tagapangulo
 Hadji Buto- Moro – kagawad
 Santiago A. Fonacier –Ilocano kagawad
 Casimiro Perfecto –Bicol kagawad
 Felix B. Salas- Hiligaynon kagawad
 Cecilio Lopez- Tagalog kalihim
 Isidro Abad- Bisaya Cebu kagawad
 Zoilo Hilario- Kapangpangan kagawad
 Jose Zulueta- Pangasinan kagawad
 Lope K. Santos- Tagalog kagawad
-layunin ng pangkat na gumawa ng isang deskriptibo at
komparatibong sarbey sa isa sa pangunahing wika sa
Pilipinas at mula dito ay pipiliin ang pagbabatayan ng
wikang pambansa.
Makalipas ang sampung buwan, napili nia ang Tagalog
bilang batayan ng wikang pambansa.
 Di tulad ng mga Kastila na pinagkaitan tayo ng
kaalaman, ang mga Amerikano ay bukas sa pagturo sa
atin tinuruan nila tayo ng alpabetong Ingles. Ibinahagi
din nila ang kanilang teknolohiya, tinuruan tayo
mamalakad ng gobyerno at ibinahagi din nila ang
kanilang kultura. dahil sa impluwensya ng mga
Amerikano, inasam ng mga Pilipino ang mamuhay na
halintulad sa kanila. dito nagsimula ang colonial
mentality sa kagustuhan nating matulad sa Amerikano,
maraming salita ang ating hiniram sa kanila at binigyan
ng Pilipinong anyo, keyk, tsuper, ketsup, iskrin, biskwit,
websayt, interbyu, direk, perpyum, basketbol, isports,
Iskor, ekomomiks atbp.
Layunin:
1. Mapalaya ang mga Pilipino sa mga
Amerikano;
2. Burahin ang lahat ng impluwensya ng mga
Anglo-Amerikano.
“Co-Prosperity Sphere for Greater East Asia”
itinaguyod para malasap raw ang sariling
kaunlaran at kultura sapagkat ang “ Asya ay
para sa mga Asyano” at ang Pillipinas ay para
sa mga Pilipino”.
 Hunyo 24, 1942- ipinalabas ang Ordinansa Militar
blg. 13 na nagsasaad na Niponggo at Tagalog ang
mga opisyal na wika. Sa panahong ito naitatag ang
KALIBAPI( Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong
Lipunan) na may layuning mapabuti ang edukasyon
at moral na rehenerasyon at mapaunlad ang
kabuhayan sa Pilipinas. Si Benigno Aquino ang
nagsilbing direktor.
 Oktubre 14, 1942- muling binuhay ang Wikang
Pambansa, nagpalabas si Masao Tanaka ng mga
lathalaing impormatibo upang sagutin ang mga
katanungan ng publiko tungkol sa usapin ng Wikang
pambansa. Si Jose Panganiban ang nagturo ng
Tagalog sa mga Hapon at di Tagalog.
 -Marami mang hindi kanais-nais na pangyayari sa
panahon ng kanilang pananakop ngunit may
magagandang naidulot naman ito sa
pagpapalaganap at pagdedevelop ng pambansang
wika.
 1. Ginawang pangunahing midyum ng edukasyon
ang wikang pambansang batay sa Tagalog.
 2. Binigyan-diin ang pag-unlad ng Nasyonalismo
 3. Ipinagbawal ang wikang Ingles
 Mga salitang nakuha sa hapon-haba, katol, toto,
jack-en-poy, karaoke, kampay, dahan-dahan,
tamang-tama, at kaban.
1935- sa Saligang Batas ng
Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa
wikang pambansa. “ ang kongreso
ay gagawa ng mga hakbang tungo
sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang pambansa na batay
sa isa sa mga umiiral na katutubong
wika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)
1936 (Oktubre 27)- itinagubilin ng Pangulong
Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa
Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng
isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat na
batay sa isang wikang umiiral.
1936 (Nobyembre 13)-pinagtibay ng
Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng
Wikang Pambansa at itinakda ang mga
kapangyarihan at tungkulin niyon.
Disyembre 30, 1937-Sa pamamagitan ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa
ay ibabatay sa Tagalog.
Hunyo 7, 1940- Pinagtibay ng Batas-
Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana
simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang
Pambansa ay isa sa mga opisyal na
wika ng bansa.
Abril 1, 1940- Ipinalabas an Kautusang
Tagapagpaganap na nagtatadhana ng
pagpapalimbag ng isang balarila at isang
diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang
pambansa sa mga paaralan sa buong
Pilipinas mula Hunyo 19, 1940.
Agosto 12, 1959- tinawag na Pilipino ang
Wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim
Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon
ang Kautusang Blg. 7 Ayon sa kautusang ito,
kaylanman at tutukuyin ang pambansang
wika ay Pilipino ang gagamitin.
 Marso 26, 1954- Nagpalabas ng isang kautusan ang
Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang Pagdiriwang
ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29-Abril 4.
Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto
13-19 tuwing taon.
 Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang
isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga
gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan
sa Pilipino.
 Marso 27, 1968- ipinalabas ni Kalihim
Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan
na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga
kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay
maisulat sa Pilipino.
 Agosto 5, 1968-Pinalabas ang Memorandum
Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael Salas na nananawagan sa
mga pinuno na idaraos ng Surian ng Wikang
Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
Agosto 6, 1968- Ang kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng
Pangulo na nag-aatas sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan na gagamitin
ang wikang Pilipino hanggat maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan
nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at
transaksyon ng pamahalaan.
 1969- Agosto 7- Ang Memorandum Blg.277 ay
pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M.
Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg.
199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng
pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na
idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng
purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay
masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa
pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
 Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng
Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas
elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa
taong panuruan 1974-1975.
 Hunyo 19, 1974- Nilagdaan ni Kalihim Juan L.
Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa
pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng
kolehiyo at pamantasan.
1978 (Hulyo 21)- Nilagdaan ni Ministro ng
Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na
isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang
semester ng taong-aralan 1979-1980, ang lahat ng
pangmataas na edukasyong institusyon ay
magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa
kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng
kurso maliban lamang sa mga kursong pagtuturo sa
labindalawang (12) yunit.
1986 (Agosto 12)- Nilagdaan ni Pangulong
Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 9
na kumikilala sa Wikang Pambansa na
gumawa ng napakahalagang papel sa
himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang
Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.
Ipinahayag niya taon-taon ang panahong
Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging
Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng
Wikang Pambansa.
 1987( Pebrero 12) Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon
ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 nasasaad ang
sumusunod.
 Sek. 6. Ang wiikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at
sa iba pang wika.
 -dapat ay magsagawa ang pamahalaan ng hakbangin
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang midyun ng opisyal na komunikasyon at
bilang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
 Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hanggang walang ibang itinatadhana ang
batas, Ingles.
 Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga
wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong sa mga wikang panturo noon.
 Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.
 Sek. 9. Dapat magtatag ang Komisyon ng Wikang
Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-
uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
Ano ba ang pormal na
deskripsyon ng FILIPINO
bilang isang wikang
pambansa?
 RESOLUSYON 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino
Ang Filipino ay ang katutubong wika na
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang
buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan
ng mga panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di-katutubong wika at
ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika
para sa iba’t ibang saligang sosyal, at
para sa mga paksa ng talakayan at
1987( Konstitusyong 1987)Pinalabas ng
Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng
Departamento ng Edukasyon Kultura at
Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag-
uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan
kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakarang edukasyong bilingguwal.
1988 (Agosto 25) –Nilagdaan ng Pangulong
Corazon C. Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin
sa lahat ng departamento, kawanihan,
tanggapan, ahensya at kaparaanan ng
pamahalaan na gumawa ng mga
kinakailangang hakbang para sa paggamit ng
wikang Filipino sa mga opisyal na
transaksyon, komunikasyon at
korespondensya.
1989 (Setyembre 9) –Pinalabas ng Kalihim
Lourdes Quisumbing ng Edukasyon, Kultura
at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran
Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng
DECS na isakatuparan ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na
gamitin ang Filipino sa lahat ng
komunikasyon at transaksyon ng
pamahalaan.
 1990 (Marso 19) –Pinalabas ng Kalihim Isidro Carińo ng
Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na
gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng
katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.
 1996- Pinalabas ng Commission on Higher Education
ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng
(9)siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa
pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa
deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1
(Sining ng Pakikipagtalastasan) Filipino 2 (Pagbasa at
Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika)
1997- Hulyo- Nilagdaan at ipinalabas ni
Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg.
1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto
taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang
Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang
sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga
paaralan na magsasagawa ng mga gawain
kaugnay sa taunang pagdiriwang.
2001 Tungo sa mabilis na
estandardisasyon at intelektuwalisasyon
ng Wikang Filipino, ipinalabas ng
Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001
Revision ng Ortograpiyang
Filipino at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino.
 2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Filipino, ipinagbigay-alam ng Komisyon sa Wikang
Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revision ng
Ortografiyang Filipino at patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga
pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat
walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa
pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.
2009 Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang
Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay
ng Lingguwistika ang Gabay sa
Ortograpiyang Filipino. Tuluyan nang
isinantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at
1987 Alpabeto, bagamat ano mang tuntunin
sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009
gabay ay mananatiling ipatutupad.
Saliksikin ang mga
probisyon ng Executive
Order 210 at House Bill
4710 at sa isang
manifesto, ilahad ang
inyong reaksyon at
paninindigan hinggil sa
dalawa.
PAHAPYAW NA KASAYSAYAN
Ang salita nati’y huwad(peke) din sa iba
Na may alpabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng
sigwa(storm/bagyo/kalamidad)
Ang lunday(bangka/boat) sa lawa noong dakong una.
“ Sa Aking Mga Kababata”
Dr. Jose P. Rizal
Calamba, 1969
 Ito ang kinilalang unang sistemang pagsulat ng mga
Pilipino mula sa Alifbata ng Arabia na nang lumaon ay
naging ALIBATA.
 Nakaabot sa Pilipinas sa daang India, Java, Sumatra,
Borneo at Malaya. Pinaniniwalaang pumasok ito nang
maitatag ang emperyo ng Madjapahit sa Java.
 Binubuo ito ng (3) patinig: a, e/i at o/u) Mayroon din
itong labinlimang (14) katinig: ba, ka, da, ga, ha, la, ma,
na, nga, pa, sa, ta, wa, at ya.
 MENSAHE
 Gabay sa Ortograpiyang Pambansa
 Mayaman at sagana ang ating bansa sa kultura at wika.
Mayroon tayong isang daan at pitumpu’t pitong aktibong
wika na karamihan ay nagmula sa iba’t ibang grupo ng
mga katutubo sa ating bansa. Subalit bilang mga Filipino,
mahalaga na ating matutuhan ang wastong paggamit ng
ating pambansang wika.
 Ang Ortograpiyang Pambansa ang siyang magiging gabay
natin sa pagkilala sa kasalukuyang anyo ng wikang
Filipino. Batid natin na nagkakaroon ng pagbabago sa
wika upang makasabay sa pangangailangan ng
kasalukuyang panahon.
LOREN LEGARDA
 Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo
na kumakatawan sa mga titik: 14 katinig at 3 patinig.
Ang mga simbolong kumakatawan sa mga letra.
Noong nakadestiyero si Jose Rizal sa
Dapitan, sinulat niya ang Estudios sobre la
lengua tagala na nalathala noong 1899.
Kasáma sa mga panukala niyang reporma sa
ortograpiyang Tagalog ang alpabetong may
limang patinig at labinlimang katinig. Ang mga
titik na ito ang naging batayan ng abakada
na binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang
sulatin ang Balarila (nalathala, 1940).
BILANG PANIMULA
ni Virgilio S. Almario
Ang gabay sa ortograpiya o palatitikan ng
wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung
paano sumulat gamit ang wikang Filipino.
Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na
kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa,
bukod sa napagkasunduang mga tuntunin,
bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa
mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling.
Itinatanghal din dito ang mga
naganap na pagbabago mula sa
panahon ng abakadang Tagalog
bunga ng modernisadong alpabeto
at bunga na rin ng umuunlad na
paggamit sa Wikang Pambansa.
Idinagdag sa orihinal na mga titik ng
baybáyin ang katinig na R at ginawang
lima ang patinig: A, E, I, O, U kayâ
dalawampu (20) ang mga titik ng
lumaganap na abakada hanggang sa
panahong tinatawag ang Wikang
Pambansa na wikang Pilipino. Nakahanay
ang mga ito sa sumusunod na paraan:
A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG,
O, P, R, S, T, U, W, Y. Sa pagbása
ng mga titik, ang mga katinig ay
binibigkas nang may kasámang
patinig na A, gaya ng sumusunod:
/A/, /Ba/, /Ka/, /Da/, /E/, /Ga/, /Ha/,
/I/, /La/, /Ma/, /Na/, /Nga/, /O/, /Pa/,
/Ra/, /Sa/, /Ta/, /U/, /Wa/, /Ya/
Kapag ang isang katinig ay may
tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang
may kasamang tunog na /e/o/i/
halimbawa ay ang =/be/ o /bi.
Kung ang tuldok naman ay nasa
ilalim, ang kasamang patinig ng
katinig ay /o/ o /u/; halimbawa:
= /bo/ o /bu/.
 Ang pagbubukod sa mga titik E/I at O/U ay
mahahalatang bunga ng matagal na panahon ng
pagtuturo sa bagay na ito kaugnay ng pag-aaral ng
wikang Espanyol.
 Sa aklat ni Tomas Pinpin, ang Librong pagaaralan
nang manga tagalog nang uicang Caftilla (1610),
masikap niyang ipinaliwanag na kailangang
matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilála sa
magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U dahil
may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng
ispeling ngunit nagkakaroon ng magkaibang
kahulugan dahil sa mga naturang titik. Halimbawa,
iba ang pesa (timbang) sa pisa (dapurakin/aphid o
plant louse)); iba ang rota (pagkatalo) sa ruta
(direksiyon ng pasada).
Sa pagkilala sa estraktura ng wika
mahalagang maging pamilyar sa taglay
nitong ponolohiya o palatunugan, ang
agham ng mga tunog ng isang wika,
kasama ang pag-aaral ng histori at mga
teorya ng mga pagbabago ng tunog sa
isang partikular na wika o sa dalawa o
higit pang magkakaugnay na mga wika
(Webster, 1990)
SANTIAG0 (2003)
May tatlong salik na kailangan upang
makapagsalita ang isang tao:
1. Ang pinanggalingan ng enerhiya o
lakas
2. Ang artikulador o kumakatal na
bagay
3. Resonador o patunugan
PARAAN NG
ARTIKULASYON
PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi Pang-
ngipin
Pang-
gilagid
Pangngalangala
PALATAL VELAR
Glotal
Pasara
w.t.
m.t.
p
b
t
d
k
g
Pailong
m.t.
m n Ŋ
(ng)
Pasutsot
w.t.
s h
Pagilid
m.t.
l
Pakatal
m.t.
r
Malapatinig
m.t.
y w
TSART NG MGA KATINIG SA WIKANG FILIPINO
 1) Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na
harang. /p, t, k, , b, d, g/
 2) Pailong –ang hangin na nahaharang dahil sa
pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas
ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o
malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong
lumalabas. m, n, ŋ/
 3) Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa
makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng
mga babagtingang pantinig./s, h/
 4) Pagilid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila
sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid
/l/
 5) Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at
pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang
beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. /r/
 6) Malapatinig-kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon
ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo
sa ibang pusisyon. /w,y/ Sa /w/ ay nagkakaroon ng
glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi-
papasok; samantala, ang /y/ ay ang kabalikan nito—
palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang
mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng
mga katinig.
HARAP SENTRAL LIKOD
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a
Malayang nagkakapalit sa ilang mga salita ang
mga patinig o at u, gayon din ang e at i.
Halimbawa:
babae-babai lalake-lalaki
totoo-tutoo noon-nuon
PONOLOHIYA- Ang ponema
ay tumutukoy sa mga
makahulugang tunog ng isang
wika, Ang maka-agham na pag-
aaral nito ay tinatawag namang
ponolohiya.
 May dalawampu’t isang (21) ponema ang wikang
Filipino labing-anim(16) ang katinig at lima (5) naman
ang patinig. Ang mga katinig sa Filipino ay ang mga
sumusunod:/p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ,w,
Ang mga patinig naman ay ang /i, e, a, o, u/
Ang ponemang /Ŋ/ ay kumakatawan sa titik na ng.
- Kumakatawan sa impit na tunog o saglit na
pagpigil sa hangin.
 Halimbawa
/tu:boh/ vs /tu:bo’/
/u:poh/ vs /upo’/
/kitah / vs /ki:ta’/
Tandaan: May isa pang kategorya ng mga
ponema. Ito ay ang mga ponemang
suprasegmental. Walang ponemikong
simbolong katawanin ang mga ito. Ito ay ang
tono(pitch)/intonasyon,
haba(length)/diin(stress) at
hinto/antala(juncture)
Pansinin ang pagbabago sa kahulugan
ng mga sumusunod gamit ang mga
ponemang suprasegmental.
a. Dumating na ang Pangulo.
b. Dumating na ang Pangulo?
c. Ako.
d. Ako?
Pagsasanay:
a.TUbo vs tuBO
b.PIto vs piTO
c.PUsod vs puSOD
 Sagot:
a. TUbo vs tuBO
TUbo = /TU: boh/-growth
tuBO= /tubo’/-sugarcane
b. PIto vs piTO
PIto=/pi:toh/-whistle
piTO= /pito.h/-seven
c. PUsod vs puSOD
PUsod= /pu:sod/part of the sea
puSOD=/pu:sod/-navel
(karagdagang pagsasanay)
Bigkasin ang mga sumusunod.
1. puno
a. tree- /pu:noh/
b. head of the department-/pu:no’/
c. full- /puno’/
2. buko
a. young coconut - /bu:ko.h/
b. got caught - /buko.h/
3. mangkukulam
a. witch –/maŋkuku:lam/
b. to be witch- maŋ:kukulam
4. paliguan
a. take a bath -/paliguan/
b. bathroom- /pa:li:guan/
5. baka
a. baka-maybe-/baka.h/
b. cow-/ba:kah/
6. daing
a. dried fish -/da:iŋ/ (patakaran para mahabang
ing at ng (ŋ)
b. groan- /daiŋ/
‘(impit) pigil na hangin (a e i o u)
.h- malayang bugso ng hangin/magtatapos
sa a e i o u)
Ŋ- digrapo
/ / - walang malalaking titik kapag
nakapasok dito.
 Bigkasin din ang mga sumusunod. Huminto naman
kapag nakita ang #:
a. Hindi puti #
b. Hindi # puti #
c. Si Mark Anthony # at ako #
d. Si Mark # Anthony # at ako #
e. Hindi # ako ang may kasalanan #
f. Hindi ako # ang may kasalanan #
g. Doc # Jun Roman # ang aking pangalan
h. Doc # Jun # Roman # ang aking pangalan #
i. Doc Jun Roman # ang aking pangalan #
 Makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang
yunit ng isang salita o morpema.
1. Ang morpema ay maaaring isang
ponema. Halimbawa nito ay ang /o/
at /a/ na sa ating wika ay maaaring
mangahulugan ng kasarian.
 maestro vs maestra tindero vs tindera
 Angelito vs Angelita Paulo vs Paula
 abugado vs abugada tisoy vs tisay
HALIMBAWA
mata payong ligaya
pagod saya
tuwa
kain bato taas
2. Ang ikalawang uri ng Morpema ay ang mga salitang-
ugat. Mga payak itong salita dahil walang panlapi
3. Ang huling uri nito ay ang mga panlapi na
maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. Mga mga
salitang gumagamit ng kumbinasyon ng iba’t
ibang paraan ng paglalapi. Tukuyin ang mga
uri ng panlaping ginamit sa mga sumusunod
na halimbawa:
minata matahin mapangmata
nagpayong nagpayungan pinayungan
pagurin ikinapagod napagod
tumaas nakipagtaasan taasan
batuhin nagbatuhan binato
samakatwid (3 anyo ng morpema)
a. morpema isa ay ang binubuo ng isang
ponema
b. morpemang binubuo ng salitang-ugat-
binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang
payak, mga salitang walang panlapi.
c. morpemang binubuo ng panlapi- ang
panlapi ay may kahulugang taglay kaya’t
bawat isa ay isang morpema.
Ang pagbabagong morpoponemiko ay
tumutukoy sa anumang pagbabago sa
karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa
impluwensya ng kaligiran nito.
Ang kaligiran ay yaong mga katabing
ponemang maaaring makaimpluwensyang
ponema ay maaaring yaong sinusundan ng
morpema o yaong sumusunod dito, bagamat
karaniwan nang ang sinusundang ponema
ang nakaiimpluwensya.
1. ASIMILASYON- Ito ang
pagbabagong karaniwang
nangyari sa tunog na /ŋ/ sa mga
panlaping pang-, mang-, hing- o
sing- dahilan sa impluwensya ng
kasunod na tunog (unang tunog
ng salitang nilalapian)
halimbawa
 pang- + bansa = pangbansa = pambansa
 mang- + bola = mangbola = mambola
 sing- + tamis = singtamis = sintamis
mapapansin na isa sa tatlong ponemang
pailong,/m/,/n/,/ŋ/ ang ginagamit at ibinabagay sa punto
ng artikulasyon ng kasunod na tunog upang higit na
maging madulas ang pagbigkas ng salita.
2 URI NG ASIMILASYON
1. GANAP
2. HINDI GANAP
Sa asimilasyong ganap, bukod sa
pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/
ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na
tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilalapiang salita dahil ito ay inaasimila o
napapaloob na sa sinusundang ponema.
hal. a. [pang-] +palo------pampalo-------pamalo
b. [pang-]+tali--------pantali ------panali
c. [pang-]+ tabas -----pantabas-----panabas
Ito ang pagbabagong nagaganap sa pusisyong
pinal ng isang morpema dahilan sa
impluwensya ng kasunod na tunog.
halimbawa
pang-+tukoy=pantukoy=pantukoy
mang-+dukot=mangdukot=mandukot
sing-+puti=singputi=simputi
mang-+bola=mambola
Pansinin na ang tunog na /ŋ/sa panlapi
ay nagiging /m/ kapag ikinabit sa mga
/p/,/m/,o /b/.
Kung ang isang panlapi o salita ay
nagtatapos sa /ŋ/ ay ikinakabit sa isang
salitang-ugat na nagsisimula sa /p/, o
/b/, ang
/ŋ/ ay nagiging /m/ ang /h/.
[pang-]+paaralan---pampaaralan
[pang-]+bayan------pambayan
 Ang huling ponemang /ŋ/ naman ng isang morpema ay
nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga
sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/.
 [pang-]+dikdik----pandikdik
 [pang-]+ taksi ----pantaksi
2. Pagpapalit ng Ponema
May mga ponemang nagbabago o
napapalitan sa pagbubuo ng mga
salita. Kung minsan, ang ganitong
pagbabago ay nasasabayan ng
pagpapalit ng diin.
 1. /d/---/r/ ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang
nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/
kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.
 ma-+dapat =madapat = marapat
 ma-+dunong= madunong= marunong
May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa posisyong pinal
ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [an] o [in],
ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/
lapad + an =lapadan =laparan
tawid + in = tawidin = tawirin
( pansinin na ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay nagaganap
kapag ito’y nakapagitan sa dalawang patinig)
 /h/ ---/n/
sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o
tinutumbasan ng titik sa pagsulat ng panlaping/-han/ ay
nagiging /n/
/tawah/+an-----/tawahan/---tawanan
 /o/---/u/
Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na
hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga
salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati
lamang ng salita.
dugo+ an -------duguan
mabango--------mabangung-mabango
3. Metatesis- kapag ang salitang-ugat
na nagsisimula sa /l/ o /y / ay nilalagyan
ng gitlaping-in-, ang /i/ at /n/ ay
nagkakapalitan ng pusisyon.
-in + lipad -----nilipad
-in + yaya ----niyaya
4. Pagkakaltas ng ponema
-nagaganap ang pagbabagong ito kung
ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat ay nawawala kapag
nilalagyan ng hulapi.
takip+an=takipan=takpan
sara+an = sarahan =sarhan
atip+an-=atipan=aptan
tanim+an=taniman=tamnan
sunod + in - sunodin - sundin
dala + han - dalahan - dalhan
5. Paglilipat-diin
May mga salitang nagbabago ng diin
kapag nilalapian, maaaring malipat ng isa o
dalawang pantig ang diin patungong huling
pantig o maaaring malipat ng pantig
patungong unahan ng salita.
hal: basa+-hin----basahin
ka+sama+han---kasamahan
laro+an---laruan (lugar)
hal: iwas ,sira ,lapat
iwasan, sirain, lapatan-naiiba ang bigkas,
dahilan sa paglilipat-diin nagbabago
ang salita ang nagbabago ng diin
kapag ito ay nilapian.
6. Reduplikasyon
Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang
pag-uulit na ito ay maaaring
magpahiwatig ng kilos na ginagawa o
gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos
o pagpaparami.
hal.
aalis matataas magtataho
pupunta masasaya naglalakad
Hatiin ang klase sa tig-anim na
miyembro at gawin ang mga
sumusunod(10 pts)
Pagbibigay ng mga sariling halimbawa ng
mga pagbabagong morpoponemiko.
(tig-5 sa bawat uri)
Kalikasan sa Pakikinig
a. Ang Proseso ng Pakikinig
b. Mga Gabay Tungo sa
Epektivong Pakikinig
c. Mga Antas o Lebel ng
Pakikinig
d. Mga Elementong
Nakakaimpluwensya sa Pakikinig
“ When people talk,
listen completely.
Most people never
listen.” Ernest
Hemingway
Hon, kumusta
naman ang trabaho
mo?
Hmmm! Oo nga hon,
nakapapagod ang trapik sa
Edsa…tapos ginitgit pa ako sa
MRT…kaya ito nagugutom
ako masyado…as in..kain na
nga tayo…
That’s nice, buti
ka pa..ako grabe
ang nangyari sa
akin…
Bakit kailangang matuto ang isang tao ng
epektibo at kritikal na pakikinig? Bakit
kailangang linangin ng bawat isa ang
kanyang kasanayan sa pakikinig? Mamili ka
sa mga sumusunod. Alin ang nanaisin mo?
Karunungan o kamangmangan?
Impormasyon o Mis-impormasyon?
Pakikisangkot o Pagwawalang-bahala?
Kawilihan o Pagkabagot?
Kaligayahan o Kalungkutan?
MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG
 Pagdinig- ito ay isang pisikal na proseso ng pagkatal ng
sound waves sa ating eardrums at ang paglabas ng
mga elektro-kemikal na impulses mula sa loob ng tainga
patungo sa sentral na awditoryo ng ating utak. Ito rin ay
isang pisyolohikal na proseso ng pagdekoda ng tunog.
 Pakikinig-ito ay ang paglalaan ng matamang atensyon,
at ang pag-unawa sa ating napakikinggan.
 50% lamang ang ating napapakinggan, matapos ang
dalawang araw, kalahati na lamang nito ang ating
natatandaan o 25% lamang ng orihinal na mensahe. “
Lost Art”-lagi nang nakakaligtaang kasanayan.
 Maaliw- ang buong benepisyo ng pakikinig ay isang
kapakinabangang napapasaatin bilang bahagi ng
pagbibigay-kasiyahan o aliw sa mga tagapakinig;
 Maglikom ng mga impormasyon at kaalaman-ang mga
kaalamang ibinabahagi ng tagapagsalita at kabang-
yaman sa isipan ng tagapakinig;
 Magsuri-hinihingi ang pagsusuri sa mga mapakinggan
bago gumawa ng aksyon o desisyon.
 Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at
pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang
tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at
kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
 Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng
nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang
sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana
kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang
mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na
ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
Yagang (1993) ang pakikinig ay
kakahayang matukoy at maunawaan
kung ano ang sinasabi ng ating kausap.
Howatt at Dakin (1994) nakapaloob sa
kasanayang ito ang pag-unawa sa diin,
gramatika, talasalitaan at
pagpapakahulugan sa sinabi ng
tagapagsalita.
Mahalaga ang pakikinig sa ating pang-
araw-araw na gawain. Sinabi nina Wilga
Rivers (1981) na makalawang beses
tayong nakikinig kaysa nagsasalita,
makaapat na beses kaysa nagbabasa at
makalimang beses kaysa nagsusulat.
Kapag tayo’y marunong makinig, madali
tayong masasanay sa pagsasalita
sapagkat ang ating napakinggan ay
masasabi natin nang mabuti.
Mahikayat na magsalita ang kabilang
panig.
Magbigay ng ganap na pakikinig.
Pagtanggap sa karapatan ng ibang tao na
masabi ang mga ideya o niloob.
Tumanggap ng mga impresyon at
impormasyon na kapaki-pakinabang at
maaaring magamit.
 Ang pakikinig at isang mabilis at mabisang paraan ng
pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
 Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay
magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.
 Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa
pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.
(sa pag-aaral na isinasagawa mas maraming oras ang
nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita
dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig
kaysa sa magsalita)
 Sa loob ng silid-aralan mas gusto pa ang makinig sa
talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa sa
aktibong makilahok sa kanila.
 45% ay nagagamit sa pakikinig
 30% ay sa pagsasalita
 16% ay sa pagbabasa
 9% naman sa pagsulat
 Alamin ang layunin sa pakikinig
 Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
 Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
 Maging isang aktibong kalahok
 Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan
ng tagapagsalita
 Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
 Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
cochlea
Auditory tube
External
auditory
canal
Semicircular canals
Vestibular
cochlear nerve
Middle ear cavity
pinna
1. Deskriminatibo
• Matukoy ang pagkakaiba at di-pasalitang
paraan ng komunikasyon.
• Binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas
ng tagapagsalita at kung paano siya
kumikilos habang nagsasalita.
2. Komprehensibo
• Maunaawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng
kanyang pinakikinggan.
 3. Paglilibang
• Upang malibang o aliwin ang sarili.
• Ginagawa para sa sariling kasiyahan.
 4. Paggamot
• Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na
madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng
pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
 5. Kritikal/Masusi/Mapanuring Pakikinig
• Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng
ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig.
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang
maintindihan.
1. Edad o gulang
 Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang
mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang
kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan
sa pang-unawa.
 Sa mga edad na o matatanda na ay hindi rin mabuti
ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot
sila kundi dahil sa mga nararamdaman nila sa
katawan bunga ng kanilang katandaan.
2. Oras
o Malaki rin ang impluwensya ng oras sa pakikinig
o Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa
madaling-araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa
oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan.
o May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang
isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng
tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig.
o Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas
aktibong tagapakinig kaysa sa mga estudyanteng
panghapon.
3. Kasarian
Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae
 Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng
tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at
maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo
para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang
pinakikinggan ay ang paksang may pansirili silang interes.
 Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita
dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng
paliwanag.
 Higit na mahaba ang pasensya ng babae sa pakikinig kaysa
sa mga lalaki dahil madali silang mainip.
4. Tsanel
 Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng
mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan
gaya ng cellphone, telepono, mikropo, radyo atbp.
 Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng
mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa
sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na
masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang
emosyon.
5. Kultura
Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan
din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.
 Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay
iba sa panalangin nating mga kristiyano parehong
Pilipino pero magkaiba ng kultura.
 Sa panayam, may mga tao na malayang
nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita
ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at
taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang
tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos
na itong magsalita.
6. Konsepto sa sarili
 Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na
maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang-
ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.
 Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa
kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay
maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting
katapusan.
7. Lugar
Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang
nakahihikayat at nakapagpapataas ng level
ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng
isang panayam.
Ang mainit, maliit at magulong lugar ay
nagdudulot ng pagkainis at kawalan ng
ganang makinig ng mga tagapakinig.
1. Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang
tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan,
ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig
ay isang malaking tanong.
2. Tiger
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng
reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita
upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang
susugod at mananagpang.
3. Sleeper
Siya ang tipo ng tagapanakinig na nauupo sa isang
tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na
intensyong makinig.
4. Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay
walang maiintindihan sa narinig. Kapansin-
pansin ang pagkunot ng kanyang noo,
pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa
kanyang mga naririnig.
5. Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi
na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa
kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit
ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig
kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat
ang hinihintay niya ay ang oportunidad na
makapagtanong para makapag-paimpres.
6. Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita.
Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan
ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang
kanyang atensyon sa ibang bagay at
walang makitang iba pang reaksyon mula
sa kanya, positibo man o negatibo.
7. Busy bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang
pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa
ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa
katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang
kaugnayan sa pakikinig.
8. Two-eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya
gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang
kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng
pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa
pakikinig.
 Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang
mapaamo ang matigas na damdamin.
 Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim
na makikinig sa kanya.
 Maiiwasan ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-
pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita
 Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng
pakikinig.
 Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa
pagbabago sapagkat masusuri at maaanalisa ang mga
kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig.
o Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat
na makrong kasanayan.
o Ang mga marurunong lamang daw ang
mahuhusay makinig.
o Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang
pakikinig.
Pagbuo ng maling kaisipan
Pagkiling sa opinyon
Pagkakaibaiba ng pakahulugan
Pisikal na dahilan
Pagkakaiba ng kultura
Suliraning pansarili
1. Atensyon –upang mapaunlad ang atensyon, kailangang
makinig lagi sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng
pagbibigay pokus sa mga tono at ingay na naririnig sa
kapaligiran. Gawin ito sa araw-araw.
2. Pagkilatis sa Pakikinig- ito ay nangangailangan ng
pakikinig sa mga tunog at pagsusuri nito batay sa uri, taas
ng tono at lakas at bilis ng tunog ayon sa batayang
nabanggit.
3. Pakikinig nang pang-unawa- ito ay paraan ng pagsasalin
at pag-uugnay ng mga tunog, uri, taas at baba ng tinig,
lakas o hina nito, bilis at bagal ng pagbigkas tungo sa
simbolong pangkaisipan.
 Sagutin
1. Ano ang inyong pananaw tungkol sa
pakikinig?
2. Bakit mahalagang matutuhan ang
kasanayan sa pakikinig?
3. Paano nagaganap ang proseso ng
pakikinig?
4. Anong uri ng pakikinig ang mga
talakayan sa klase? Bakit?
5. Ano ang kaugnayan ng kapaligiran sa
pakikinig?
I. Makinig ng pang-umagang balita sa radyo o manood
ng telebisyon. Itala ang mahahalagang detalyeng
binanggit gaya ng sumusunod:
Ano: ________________________________________
Sino: ______________________________________
Kailan: ____________________________________
Bakit: _____________________________________
Paano: ___________________________________
(15 pts)
II. “Upuan”ni Gloc-9 - Suriin ang nilalaman nito. Ibigay ang
mga simbolong ginamit sa awit. (15 pts)
III. Magteyp ng ilang patalastas na narinig sa radyo at
telebisyon tungkol sa kalidad ng produkto. Magbigay ng
reaksyon tungkol dito (10 pts)
“ Talk low, talk slow,
and don’t talk too
much” -John Wayne-
Soft Palate
Tonsil
Tongue
Gums
Hard palate
Uvula
Teeth
Lip
Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na
maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng
wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga
tao: nagsasalita at ang kinakausap.
1. Kaalaman- “ You cannot say what you do
not know” kailangan ay may sapat na
kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay.
a. paksa ng pinag-uusapan
b. sapat na kaalaman sa gramatika para sa
epektivong paggamit ng mga salita
sapat na kaalaman sa kultura ng
pinanggagalingan ng wikang ginagamit
 2. Kasanayan
a. sapat na kasanayan sa pag-iisip ng
mensahe sa pinakamaikling panahon
(presence of mind)
b. sapat na kasanayan sa paggamit ng mga
kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig,
tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong di-
berbal
c. sapat na kasanayan sa 4 na genre ng
pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalahad,
pangangatwiran at paglalarawan
3. Tiwala sa Sarili
Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay
karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.
Nagiging mahina ang tinig, garalgal na boses,
mabagal na pananalita, pautal-utal,
nanginginig, naninigas o umiiwas ng tingin.
Madalas din itong kabado lalo na sa harap ng
pangkat o publiko.
Nahihirapan din silang papaniwalain ang
ibang tao dahil mismo sa kanilang sarili ay
wala silang tiwala.
 Tinig- ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang
nagsasalita. Kinakailangan ng tinig na
mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.
 Bigkas- napakahalagang wasto ang bigkas ng
isang nagsasalita. Kailangang matatas at malinaw
ang pagbigkas niya sa mga salita. Dahil ang maling
pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga ng
ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo pa’t
ang wika natin ay napakaraming mga homonimo.
o Tindig
Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa
mga timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig. May
tikas mula ulo hanggang paa. Magiging kapani-paniwala at
kalugod-lugod sa paningin ng mga tagapakinig.
o Kumpas
Ang kumpas ng kamay ay importante upang hindi
magmukhang robot o tuod ang isang tagapagsalita.
o Kilos
Ang ilang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw
kagaya ng mata, balikat, paa at ulo.
Naipaaabot sa kausap ang kaisipan at
damdaming niloloob ng nagsasalita;
Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan
ng mga tao;
Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensya ng
saloobin ng nakikinig; at
Naibubulalas sa publiko ang opinyon at
katwirang may kabuluhan sa kapakanang
panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga
patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng
mga ito.
Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos ./pagsasagawa ng
pakikipanayam:
 Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw,
oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin.
 Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa
kakapanayamin.
 Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras.
 Maging magalang, makinig nang mataman at magpakita ng
kawilihan.
 Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at
mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang.
 Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu.
1).Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa
pagtatalakayan.
2)Makibahagi,huwag matakot maglahad ng katotohanan,
huwag manatiling tahimik.
3)Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring
makapagpabagal sa talakayan.
4) Magkaroon ng bukas na isipan.
5) Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag
sasalungat sa katwiran ng higit na nakararami.,
6) Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga
kasama.
Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon
na walang tiyak na kahandaan sa
pagbigkas.
Mga itinakdang konsiderasyon para sa
extempore:
1) Limitado sa oras sa pagitan ng
pagkuha ng paksa at sa mismong
paligsahan.
2) Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati.
 Pinaghandaang talumpati
 Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang
talumpati, may paghahanda at kailangang
memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang
talumpati.
Pagbasa ng papel sa panayam o kumperesya
Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin
sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at
ang pagsulat ng panimula, katawan at
wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may
kaisahan.
1) Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita nang
maayos kapag nakaharap sa maraming tao.
2) Masyadong magalaw ang katawan at hindi
nakapokus ang pansin sa mga nakikinig.
3) Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang
kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang
binibitiwan.
4) Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat
upang marinig ng lahat ang sinasabi ng
mananalumpati.
 Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong
magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa,
dahil lahat ng tagapagsalita at kinakabahan sa mga
unang segundo o minuto ng pagsasalita.
 Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya
na ibabahagi sa madla.
 Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at
kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong
kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga
taong may depekto ay maaari ring magtagumpay.
 Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging
mahusay na tagapagsalita.
 Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka
magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan.
 Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap
sa maliliit na pangkat hanggang sa malaking madla.
 Isiping ang mga madlang tagapakinig at palakaibigan at
hindi mapanghusga.
 Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong
Maykapal.
Gamit ang kasunod na tseklist, iebalweyt ang
iyong kakayahan sa pagsasalita sa
pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kahon
ng katangiang iyong taglay. Matapos ay ilista
ang mga paraang iyong magagawa o
maipapangako upang malinang ang katangiang
hindi mo nilagyan ng tsek.
(may kalakip na kopya)
Kahulugan at kahalagahan ng Pagbasa:
 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na
simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga
nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
 Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa
pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa
mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
 Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan
natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
 Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay
nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay,
nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-
inaasahang suliranin sa buhay.
 Kahulugan at kahalagahan ng Pagbasa:
 Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa
mga babasahin.
 Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay
ng tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi
pangangatwiran at pag-iisip.
 Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng
impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at
karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan,
pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at
nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101
Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

More Related Content

What's hot

What's hot (20)

Wika(teorya)
Wika(teorya)Wika(teorya)
Wika(teorya)
 
Antas ng wika
Antas ng wikaAntas ng wika
Antas ng wika
 
Varayti ng wika
Varayti ng wikaVarayti ng wika
Varayti ng wika
 
Ponolohiya
PonolohiyaPonolohiya
Ponolohiya
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, SosyolekBarayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
Barayti ng Wika: Dayalek, Idyolek, Sosyolek
 
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wikaFil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
 
Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)Kasaysayan ng linggwistika (1)
Kasaysayan ng linggwistika (1)
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Morpolohiya
MorpolohiyaMorpolohiya
Morpolohiya
 
Filipino 101
Filipino 101Filipino 101
Filipino 101
 
Ang Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng WikaAng Pinagmulan ng Wika
Ang Pinagmulan ng Wika
 
Mga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng KomunikasyonMga Modelo ng Komunikasyon
Mga Modelo ng Komunikasyon
 
Fil1 prelim-1
Fil1 prelim-1Fil1 prelim-1
Fil1 prelim-1
 
Katuturan ng wika
Katuturan ng wikaKatuturan ng wika
Katuturan ng wika
 
Diskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyonDiskurso at komunikasyon
Diskurso at komunikasyon
 
Heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng Wika
Heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng WikaHeograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng Wika
Heograpikal, morpolohikal, at ponolohikal na varayti ng Wika
 
Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
 
Katangian ng wika
Katangian ng wikaKatangian ng wika
Katangian ng wika
 
Wika todo
Wika todoWika todo
Wika todo
 

Similar to Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
LouiseFurio
 
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
MariaCecilia93
 

Similar to Sining ng pakikipagtalastasan fil 101 (20)

Konsepto ng Wika.pptx
Konsepto ng Wika.pptxKonsepto ng Wika.pptx
Konsepto ng Wika.pptx
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
 
wika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptxwika-170620021158.pptx
wika-170620021158.pptx
 
WIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).pptWIKA2 (1).ppt
WIKA2 (1).ppt
 
Konseptong Pangwika
Konseptong PangwikaKonseptong Pangwika
Konseptong Pangwika
 
wer
werwer
wer
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
 
Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)Konseptong pangwika(modyul1)
Konseptong pangwika(modyul1)
 
Ang Wika.pptx
Ang Wika.pptxAng Wika.pptx
Ang Wika.pptx
 
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdfKomunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf
 
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
Katuturanngwika 120629072007-phpapp01
 
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
 
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
 
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxKOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
 
komuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptxkomuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptx
 
Wikang Filipino
Wikang FilipinoWikang Filipino
Wikang Filipino
 
Q1.modyul1. wika-at-kultura
Q1.modyul1. wika-at-kulturaQ1.modyul1. wika-at-kultura
Q1.modyul1. wika-at-kultura
 

Sining ng pakikipagtalastasan fil 101

  • 1. INIHANDA NI: MAM SHIRLEY C. VENIEGAS MAT-FILIPINO
  • 2. Ang Wika  a. Pagtalakay sa kahalagahan at katangian ng wika  b. Mga Teorya ng Wika  c. Tungkulin ng Wika  d. Uri/Barayti ng Wika  e. Antas ng Wika
  • 3. TAGALOG Bikol Hiligaynon Ilokano Kapampa ngan Pangasi nense Sebuano Samar- Leyte(wa ray alipin oripon ulipon adysen alipan aripin ulipon oripon apo makoa ko apo apo apu apo abo abo araw aldaw adlaw mil aldo agew adlaw adlaw away iwal away apa pate subeg away away
  • 4.  Ayon sa bibliya, ang wika ang pinakamagandang handog ng Diyos sa sangkatauhan sapagkat ito ang pinakamagandang kasangkapan ng tao sa kanyang pakikisalamuha sa pang- araw-araw na pakikipag-ugnayan.  Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga isinatinig na mga makabuluhang tunog, pinili at isinaayos sa pamamaraang paarbitaryo upang lubusang maunawaan at magamit ng mga taong nabibilang sa isang lipunang may natatanging kultura.  Wika ang siyang tagapagpahayag ng mga ideya at sakali mang hindi mapangalagaan ang pagkakakilanlan nito, tiyak na mawawalan ng saysay ang mga karunungang nakapaloob dito.
  • 5.  Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.”  Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.  Ang wika ay instrumento ng komunikasyong panlipunan ayon kay Constantino (1996). Ito ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain at panlipunan.  (Ayon kay Francisco 2006, mahalaga para sa isang tao na maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit upang ito ay magamit niya sa paraang metodo, tiyak at makabuluhan.)
  • 6.  Ang salitang wika ay mula sa wikang Malay. Sa wikang Kastila nanggaling ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language, tawag sa wika sa Ingles-nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang wika-sa malawak nitong kahulugan-ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.  Genesis 11:1-9 nakasaad dito kung paano lumaganap ang wika pagkatapos ng delubyo o malaking baha mula sa angkan ni Noah.Dahil sa kanilang mapag-imbot na hangarin dahil sa iisa ang kanilang wika sila ay nagkakaunawaan. Nangamba ang Diyos na malampasan ang kanyang kapangyarihan kung kaya binigyan nya ng iba’t ibang wika ang mga tao upang sila ay di agad magkaunawaan. Sila ay nagkawatak-watak at kumalat sa daigdig.
  • 7.  Mahalaga ang wika sapagkat:  ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;  ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;  sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;  at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
  • 8.  Sa Sarili- Ang totoong kahulugan ng isang rasyunal na nilalang ay nakasalalay sa kaalamang pangwika nito. Sa lahat ng aspeto ng buhay ng isang tao, nagiging imposible ang lahat ng kanyang naisin kung may sapat siyang kakayahang gamitin at padalisayin ang wikang kanyang nalalaman.  Sa Kapwa- Ayon nga sa kasabihang nawiwika sa Ingles” No Man is An Island” Hindi nalikha ang wika para lamang gamitin ng isang tao sa kanyang sarili…kausapin ang sarili…gamitin sa sarili nang walang ibang makikinabang kundi ang kanyang sarili. Nangangahulugan lamang na ang wika ay isang napakahalagang sangkap upang makihalubilo ang isang rasyunal na tao sa kanyang kapwa rasyunal na nilalang upang mapalawig nito ang kanyang karanasan, karunungan at pagiging isang tao na nabubuhay sa mundo ng mga tao.
  • 9.  Sa Lipunang Kinaaaniban- Sa pagsama-sama ng mga karanasan, mga karunungan, mga pangarap at mga saloobin ng bawat rasyunal na nilalang nabubuo ang isang kulturang nagsisilbing kaluluwa ng isang lipunan. Isang lipunan na masasabing natatangi sa ibang lipunan sapagkat nagkakaroon ng isang lakas at isang tinig na umiiral sa apat na sulok ng kanilang nasasakupan.
  • 10. 1. Ang wika ay masistemang balangkas- Bawat wika ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. May kanya-kanyang palatunugan, palabuuan ng mga salita at istraktura ng mga pangungusap ang bawat wika. 2. Ang wika ay sinasalitang tunog- Bawat wika ay may mga makahulugang tunog na kasangkapan sa komunikasyon. Maraming tunog ang maaaring malikha ng tao subalit hindi lahat ay maituturing na wika sapagkat hindi ito naisaayos upang maging makabuluhan. 3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos- Pinipili ang wikang gagamitin upang maging makabuluhan at higit na maunawaan ng kausap. 4. Ang wika ay arbitraryo –Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi matututong magsalita kung paanong ang naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang esensya ng wika ay panlipunan. (Just the sounds of speech and their correction with entities of experience are passed on to all members of any community by older members of that community.)
  • 11. 5. Ang wika ay ginagamit- Ang wikang hindi ginagamit ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ito ang dahilan kung bakit daynimiko ang wika. Habang ito’y ginagamit, patuloy itong nagbabago:patuloy na dumarami, nadaragdagan, at umuunlad sa patuloy na pagbabago ng panahon. 6. Ang wika ay nakabatay sa kultura-Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa pagkakaiba ng kultura. Natatangi at malikhain ang bawat wika sapagkat nakabuhol ito sa natatanging kultura kung saan ito ginagamit. 7. Walang Superyor na wika sa ibang wika-Bawat wika ay superyor sa mga taong gumagamit nito sapagkat sa wikang ito sila nagkakaintindihan. Hanggat ang wika ay nagagamit ng isang pangkat ng tao upang maipahayag ang kanilang sariling kultura at nagkakaunawaan sila, ang wikang ito ay superyor sa kanila. Walang mas mataas na wika sa ibang wika at wala ding mas mababang wika sa iba.
  • 12.  Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit may mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipag-aral ng paksang ito. Nahahati sa dalawa ang mga hinuha at haka-haka hinggil sa pinagmulan ng wika. Una ay ang batay sa Bibliya at ang ikalawa ay ang batay sa Agham.  A. Biblikal  1. Kwento ng Tore ng Babel-(Tower of Confusion) Mababasa ang kwento sa aklat ng Gen. 11:1-9. Ito ay tungkol sa kamangha-manghang pagtatayo ng mga tao ng toreng napakataas na abot hanggang langit. Nagawa ng mga tao ito dahil sila ay nagkakaisa. Di umano di nagustuhan ng Diyos ang ginawa nilang ito kung kaya pinag-iba-iba niya ang kanilang wika.  2. Ang mga Apostol  Sa bagong Tipan, mababasa naman sa mga Gawa ng mga Apostol na ang wika ay nagsisilbing biyaya upang maipalaganap nila ang salita ng Diyos, Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo nakapagsalita ang mga apostol ng mga wikang hindi nila nalalaman upang maituro ang ebanghelyo sa iba’t ibang tao.
  • 13.  B. Teorya batay sa agham panlipunan  1. Bow-wow- Sinasabi ng teoryang ito na ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig nila sa kalikasan. (Langitngit ng puno ng kawayan, hampas ng alon sa malaking bato, Ungol ng salita ng mga hayop  2. Ding-dong- Bawat bagay sa daigdig ay may kaugnay na tunog. Panggagaya pa rin sa tunog ang batayan ng teoryang ito. Naniniwala ang teoryang ito na ang wika ay mula sa panggagaya ng mga tunog ng bagay sa paligid na naging batayan din ng panawag sa mga ito. Marahil ito ang nagpapaliwanag sa mga salitang tulad ng ding-dong ng kampana, “bang- bang” ng baril at “boom” ng granada.(ex. Simbolo- puso(pag-ibig) at mga simbolong pantrapiko at babala  3. Yum-yum- Sa teoryang ito pinaniniwalaang naunang sumensyas ang tao kaysa magsalita. Subalit dumating ang panahong kailangan niyang palitan ng mga salita ang kanyang nais sabihin. Isang halimbawa dito ang pagtango kasabay ng pagsasabi ng oo at pag-iling kasabay ng pagsasabi ng hindi.
  • 14. 4. Ta-ta – Kumpas pa rin ang batayan ng teorya ito. Ang ta-ta ay nangangahulugang paalam sa mga Pranses. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang pagtaas at pagbaba ng kamay ay nangangahulugang nagpapaalam. Subalit sa panahon ngayon, hindi na lamang sa ganitong kilos ng kamay naipapakita ang pagpapaalam kundi maaari ding iwagayway upang magpaalam. 5. Pooh-pooh –Pinatutunayan ng teoryang ito na kailangang ibulalas ng tao ang kanyang damdamin. Ang tao ay lumikha ng wika upang maipahayag ang iba’t ibang damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, awa, tuwa, galit, lungkot at iba pa. ex. Takot-o-o-o-h, naku!
  • 15. 6. Yo-he-ho- Sa teoryang ito, ang wika ay nalikha bunga ng pwersang pisikal sa kanyang ginagawa. Isang halimbawa nito ang salitang nabibigkas ng isang inang nanganganak kapag umiire. Kasama na rin ang mga salitang nabibigkas ng isang karatista at isang boksingero.  Halimbawa ng Yo-He-Ho Pagbuhat ng mabigat – o-o-p-s, ug-ug Pagsuntok –hu-hu-hu, bug-bug Pagkarate –ya-ya-ya Pag-ire –hu-hu-e-e-e
  • 16.  7. Musika- Ipinalagay ng dalubwikang Danish na si Otto Jerpensen na ang sinaunang wika ay may melodiya at tono. May kakulangan umano sa detalye ang wikang ito at walang kakayahang gamitin sa pakikipagtalastasan.  8. Pakikisalamuha- Sapagkat ang tao ay likas na sosyal, ang teoryang ito ay naniniwalang ang tao ay lumikha ng kanyang wika upang magamit sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.  9. Navya-Nyaya-Ang teoryang ito ay mula sa India. Pinaniniwalaan nito na ang lahat ng nasusulat na komunikasyon ay mula sa tunog na nalikha ng tao. Samakatuwid nag-ugat ang pasulat na komunikasyon sa pasalitang komunikasyon.
  • 17. 10. Tarara-boom-de-ay-Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang tao ay natututong bumuo ng mga salita mula sa mga ritwal at seremonya sa kanilang ginagawa. Hal. Ta-ra-ra-boom-de-ay - Paglututo at paglilinis ng bahay---tarara-ra- ray-ray - Pakikidigma at pag-aani- da-da-da, bum-bum
  • 18.  Gamit ng Wika ayon kay M.A.K. Halliday (1973) 1. Pang-interaksyunal- Ang tao ay likas na sosyal. Nakikipag- ugnayan siya sa kapwa upang mapanatili ang kanyang relasyong sosyal. 2. Pang-instrumental- Nakikipag-usap tayo sa ating kapwa upang matamo ang ating mga pangangailangan. Naisasagawa natin ito sa pamamagitan ng pakikiusap pag-utos sa ating kapwa. 3. Pangregulaturi –Ginagamit ang wika upang magbigay ng direksyon, paalala o babala. Maaaring mapakilos ng tao ang kanyang kapwa sa mabisang paggamit ng wika. 4. Pampersonal- Bilang isang indibidwal, naipapakita ng tao ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon at konsepto sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid.
  • 19.  5. Pang-imahinasyon-Wika ang instrumento sa paglalarawan o paggamit ng imahinasyon sa malikhaing paraan upang maipahayag ang sarili. Ginagamit din ito sa paglikha ng mga malikhaing akda katulad ng tula at maikling kwento.  6. Pang-impormasyon- Sa pamamagitan ng wika, nakakakuha at nakapagbibigay ng impormasyon sa lahat. Dahil sa teknolohiya, madali na lamang makakalap at makapagkalat nh impormasyon sa internet sa ngayon. Ginagamit ang wika upang makapagturo ng mga kaalaman sa iba’t ibang larangan o disiplina.  7. Heuristik- Instrumento ang wika upang matutong makamit ang mga kaalamang akademiko at matamo ang anumang propesyon. Nalilinang dito ang kasanayang magsuri, mag-eksperimento, magbigay-kahulugan mamuna at iba pang kasanayan sa pag-iisip pang-akademiko.
  • 20.  Ang mga tao ang bumubuo sa lipunan at mga tao rin ang lumilinang sa kani-kanilang mga kultura. Hindi maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba- iba sa paniniwala, gawi, kasama na ang pagkakaiba-iba sa wika. Nalilikha ang tinatawag na baryasyon o barayti ng wika o sub languages na maaaring iklasipika sa higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng tinatawag na idyolek, dayalek, sosyolek, rejister, estilo at moda, edukasyon, midya at iba pa. 1. DAYALEK- Ito ay mga wikang nabuo mula sa mga pangunahing wika ng isang lalawigan na kadalasang sinasalita sa iba’t ibang bayang nasasakupan. Halimbawa: Tagalog-Maynila Tagalog-Cavite Tagalog-Bulacan Tagalog- Quezon Tagalog-Batanggas Tagalog-Laguna
  • 21.  2. Ekolek- Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng mga taong gumagamit nito.  Halimbawa:  Pappy = ama  Mumsy =ina  Mc Guyver =karpintero  Lady Gaga = lola 3. Etnolek- Nalikha ang wikang ito sa mga etno-linggwistikong pangkat Halimbawa: Wika ng mga Tausug Wika ng mga Ivatan Wika ng mga Ifugao Wika ng mga Kankanai
  • 22. 4. Idyolek- Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito. 5. Pidgin- Nabuo ang wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit nito. Halimbawa: Me ganun? Tama ha Oks na oks Wow sige
  • 23. 6. Rehistro-Nabuo ang wikang ito dahil sa iba’t ibang propesyon na umiiral sa isang lipunan. Halimbawa: ‘muhon’ sa isang karpintero ‘segue’ sa isang script writer ‘Trancendental phenomenon’ sa isang philosopher 7. Sosyolek- Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha dahil sa sosyalisasyon na kadalasang nagbabagu-bago ng anyo sa paglipas ng panahon., Halimbawa: Pagdiriwang: parti, tipar, gimmick, mga wika ng bading at wika ng tambay
  • 24.  Kaantasan ng mga Salita/Wika May mga kaantasan ang mga salita, kaantasang isinasaalang-alang upang ang mga salitang gagamitin ay aayon o babagay sa kanyag katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at sa okasyong dinadaluhan. Dalawang Kaantasan ng Salita A. PORMAL-Ito ay mga salitang kinikilala, tinatanggap, ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ang mga dalubwika ang nagpapasya kung ang salita ay dapat gamitin. Kung marapat, ito’y ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal sa gayo’y tumataas ang uri kapag malaganap nang ginagaya. 1. Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing may sirkulasyon na umaabot sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral.
  • 25. 2. Pampanitikan- salitang matatayog, malalalim, mabibigat, makukulay at sadyang mataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. B. DI-PORMAL O IMPORMAL-ang mga salitang imformal ay mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag- usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. 1. Balbal- ito ang mga nauusong salitang malimit gamitin ng mga kabataan, mga salitang ginagamit sa lansangan ngunit hindi magandang pakinggan. Hal. Kumusta na ang erpat mo? Nakagoli ka na ba? Dehins pa. 2. Kolokyal-mga salitang ginagamit sa pormal o imformal na pagsasalita. Mataas nang kaunti ang antas sa balbal. Hal. Ang utol mo pala ay kambal? Atsay namin ang aming naging tagapagluto.
  • 26. 3. Lalawiganin- ginagamit sa isang partikular na pook o lalawigan at ang mga tagaroon lamang ang nakaiintindi. Hal. Davao: Iyan kasi ang gisabi niya. (sinabi) Quezon: Abiarin ko muna siya. ( asikasuhin)
  • 27.  PASULAT AT PASALITA Panuto: Bumuo ng pangkat na binubuo ng lima hanggang pitong miyembro. Buuin ang semantic mapping hinggil sa wika. Ito ang batayang tanong na sasagutin ng bawat miyembro ng pangkat. -Kung Ihahambing mo ang wika sa anumang bagay, ano ito? Ipaliliwanag ng bawat miyembro ang sagot sa klase. WIKA
  • 28.  PASALITA Panuto: Bumuo ng sampung pangkat ang klase. Bumuo ng isa sa mga teorya ng wika at mag-brainstorm ang pangkat ng mga kahinaan at kalakasan nito. Magtalaga ng lider na magpapasimula at mamumuno sa pagpapalabas ng ideya; kalihim na magtatalaga ng mga ideya ng bawat miyembro; at reporter na mag-uulat sa klase. PAKILOS Magpapangkat ang klase sa dalawa. Ibibigay ng guro ang isang awit o tula para sa dramatic poetry o interpretative dance para sa pagdiriwang ng buwan ng wika PASALIKSIK Magsasaliksik ng mga artikulo hinggil sa baryasyon o barayti ng wika. Gumawa ng buod nito at iulat sa klase. Huwag kalilimutang itala ang pinagkunang sanggunian.
  • 29. a. Katuturan at Kahalagahan ng komunikasyon b. Ang prosesong komunikasyon c. Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon d. Komunikasyong Di-berbal
  • 30.  Hango ang salitang komunikasyon sa salitang Latin ng mga Romano na “ communis” at communicare. Ang communis ay nangangahulugang karaniwan at ang communicare naman ay nangangahulugan namang magbahagi o magbigay. Ang salitang komunikasyon ay tinumbasan ng salitang pakikipagtalastasan sa Filipino.  Ang Komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.  Ang Komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng simbolo. KOMUNIKASYON
  • 31.  Sina Greene at Petty sa kanilang aklat na Developing Language Skills ay nagsabing ang komunikasyon ay intensyonal na paggamit ng anumang simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. Ito rin ay ang pagkakaroon ng reaksyon sa tahimik na paraan sa pinaglalaanan ng mensaheng pangkomunikasyon.  Sa Bases of Speech nina Gray at Wise, binanggit nila na kung walang metodo ng komunikasyon, ang mga institusyong pantao ay di magiging posible. Idinagdag din nilang maaring magamit ang berbal o di-berbal na uri ng komunikasyon sa mabuti o masamang layon.  Ang Komunikasyon ay nagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o pagsenyas. (American College Dictionary)
  • 32. PROSESO NG KOMUNIKASYON ENCODES DECODES TAGAHATID MENSAHE TAGATANGGAP MGA HADLANG SA KOMUNIKASYON FEEDBACK DECODES ENCODES
  • 33. Ang komunikasyon ay isang prosesong kinapapalooban ng encoding at decoding. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko na nagbabago. Kapag nangyari na hindi na ito mauulit. Ito rin ay kumplikado sapagkat kasangkot dito ang persepsyon sa sarili at persepsyon sa kausap at tumbalik ang persepsyon ng kausap sa kanyang sarili at sa kausap. Ang mensahe, hindi kahulugan, ang kahulugan ay depende sa tumatanggap nito.
  • 34. Pinanggalingan-tumutukoy sa taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas atbp. Mensahe- ito ay maaaring sa pamamagitan ng simbolo, mga usapan, liham atbp. Destinasyon- maaaring ang taong nakikinig, nagbabasa, nanonood atbp.
  • 35.  Pinanggalingan ng mensahe (kalahok na nagsulat o nagsalita)  Ideya o mensahe (binuong kaisipan)  Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)  Tsanel (paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng telepono, teleponong selular, liham, karaniwang usapan, atbp.)  Tumatanggap ng mensahe (kalahok na nagbabasa o nakikinig)
  • 36. Nagpadala sumulat/ nagsalita Tumanggap nagbasa /nakinig SAGUTAN O FEEDBACK Mensahe /ideya Kodigo wika ekspresyon ng mukha Channel limbag alon ng hangin Channel limbag alon ng hangin Kodigo wika ekspresyon ng mukha Mensahe/ ideya
  • 37.  Binigyang halaga ni Dell Hymes (1972) ang tinatawag na etnograpiya ng komunikasyon na siyang batayan upang makategorya at maunawaan ang iba’t ibang sitwasyon at konteksto ng pakikipagtalastasan. Ang etnograpiya ay mula sa larangan ng antropolohiya na kaugnay ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglahok, pagmamasid at pakikipamuhay sa mga ugnayan sa mga taong nasa isang pamayanan. Ang mga sitwasyon at kontekstong ito ay kasama sa mga ilang konsiderasyon na dapat isaalang- alang upang matamo ang mabisang komunikasyon. Ang mga ito ay nakapaloob sa akronim na SPEAKING.
  • 38.  S –setting- Saan ang pook na pag-uusap o ugnayan ng mga tao?  P-participant- Sinu-sino ang mga kalahok sa pakikipagtalastasan?  E- ends- Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap?  A- act sequence- Paano ang takbo ng usapan?  K-keys-Ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di-pormal  I-instrumentalities- Anong tsanel ang ginamit? Pasalita ba o pasalita?  N-norms Ano ang paksa ng usapan?  G- genre Ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba o nagpapaliwanag, nakikipagtalo o nangangatwiran?
  • 39.  1. Gamit at Anyo ng wika Sa pakikipagtalastasan ay pumipili ang tao ng angkop na salita, parirala o pangungusap upang maging malinaw ang nasasabi sa kausap. Hal. Nagpapaalam “ Nay, aalis na po ako! Adyos! Paalam na po! Paalam! Ingat ka. Bye! Pagbati Saan ka pupunta? Saan ka galing? Hi! Hello! Uy! Dress to kill ka, mukhang may mahalaga kang lakad.
  • 40.  Pag-aanyaya Punta ka sa amin, pista eh. Punta ka sa bertdey parti ko. Pagbabalita Hoy, alam mo… Naku alam mo ba ang nangyari? Ganito yon e Hindi mo pa ba alam.Heto… May ibabalita ako sayo… Atbp.
  • 41.  Pagpapakilala Mam Veniegas, si Van ang kuya ko. Boss, kapatid ko. Pagtanggap Tiyak. Darating ako. E, makakatanggi ba naman ako, Aba, hindi ko palalampasin ito.. Sigurado,darating ako..
  • 42. Pagtanggi/Di pagsang-ayon Ibig ko sana, kaya lamang ay… Totoo ba ito? Tila hindi ako bilib.. Gusto kong dumalo, pero napasabay sa… Pagbibigay-babala/Paghahamon Bawal ang tumawid…Nakamamatay… 2. Paksa Ang husay ng pagsasalita ay depende sa kaalaman ng paksa.
  • 43. 3. Kaangkupan ng sinasalita May antas ng pormalidad sa pagsasalita. Pormal ang usapan sa silid-aralan subalit di pormal o di-gaanong pormal pagdating sa mag-anak, magkakaibigan atbp. 4. Kagyat na tugon Sa maayos na usapan, kailangang ang bawat tanong ay may kasagutan. Kailangang ang pag-iisip, pakikinig, pag- unawa at pagsasalita ay halos magkakasabay na ginagawa.
  • 44. 1. Kailangang maging tiyak ang layunin sa pakikipagkomunikasyon; may malinaw na dahilan at tiyak na tunguhin. 2. Kailangang ang pakikipag-ugnayan ay inilalaan sa tiyak na tagapakinig o manonood.-ang tagapakinig ay mauuri sa edad, pinag-aralan, hanapbuhay o kalagayang sosyal. 3. Ang mabuting pakikipagkomunikasyon ay nakahanda sa haharaping sagabal. 4. Ito’y buo o ganap, tuwid at tiyak.-hindi kailangang magpaliguy-ligoy pa upang maikintal sa kanilang isipan ang mensaheng nais ipaabot.
  • 45. 5. Dapat na maliwanag at tumpak. –Kailangang maisama lahat ng mahalagang pahatid nang walang ligoy. Ang pakikipagtalastasan ay wala sa dami ng salita kundi sa paggamit ng mga bagay ay wastong pananalitang kailangan upang ang mensahe ay paipahatid nang malinaw. 6. Ang mabuting pakikipagtalastasan ay personal. 7. Kailangang magiging mapamaraan o mataktika sa pakikipagtalastasan. 8. Kailangang ibagay o iangkop sa pagkakataon at sa taong kasangkot ang mga salitang gagamitin.
  • 46. 1) Semantiko- Ang mga salita o pangungusap mismo ay mahirap intindihan o di naiintindihan ng nagbabasa o kausap. 2) Pisikal- Sagabal din sa komunikasyon ang kalagayan ng lugar kung saan nagkakaroon ng pag-uusap. Ang mabaho at maruming paligid lalo na ang ingay sa paligid ay mga posibleng balakid upang magkaroon ng mabisang komunikasyon. 3) Pisyolohikal-Maaari ding ang kalagayang pangkalusugan ng mga kalahok sa komunikasyon ay makakasagabal sa komunikasyon.
  • 47. 4) Sikolohikal- Tumutukoy ito sa mga sariling pagkiling(biases, prejudices) ng mga kalahok sa komunikasyon. 5) Wika- Ang wikang kinagisnan ng mga taong nakikipagkomunikasyon. 6) Kultura- Ang kulturang kinagisnan at kinamulatan ay syang sagabal sa komunikasyon. Dahil na rin sa iba ang paniniwala ng bawat isa.
  • 48. Berbal na Komunikasyon Ito ay tumutukoy sa mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika. Gumagamit ito ng anyong simbolisasyon sa paghahatid ng mensahe. Isang anyo ito ng paghahatid ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay- bagay. Ang pagsulat, pagbasa, pagsasalita at pakikinig ay kasama dito.
  • 49.  Di-Berbal na Komunikasyon Ito ang uri ng komunikasyong di gumagamit ng salita sa pagpapahayag ng ideya o kaisipan. Hindi ito gumagamit ng salita bagkus naipapakita ang mensaheng nais iparating sa kausap sa pamamagitan ng kilos o galaw ng katawan. Kasama na rin dito ang paggamit ng mga simbolo. Mahalaga itong isaalang-alang sa komunikasyon sapagkat: a. Inilalantad nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao. b. Nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe. c. Nililinaw nito ang interaksyong resiprokal ng naghahatid at tumatanggap ng mensahe.
  • 50. 1.Intrapersonal –uri ng komunikasyong tinatawag na pansarili lamang sapagkat ito ay nagaganap sa mga sandali ng pagmumuni-muni o pagninilay-nilay. Nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng tao. Ang utak ay pinoproseso, binibigyang interpretasyon at sinusuri ang mga impormasyong natanggap.
  • 51. 2. Interpersonal – nagaganap ito sa pagitan ng dalawang tao o pakikipag-usap ng isang tao sa isang maliit na pangkat. Nakikipag-ugnayan o nakikisalamuha tayo sa komunikasyong interpersonal dahil kailangan nating maipahayag at matanggap ang pangangailangan nating personal. 3. Pampubliko- ito sa pagitan ng isang tao at malalaking pangkat ng mga tao. Pinapanatili nito ang relasyong pampubliko.
  • 52. Tukuyin ang antas ng Komunikasyon sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot. A. Intrapersonal B. Interpersonal C. Pampubliko ___1. Mama, ito po ang pamasahe ko. ___2. Ibibigay ko kaya ang pitaka o itatago ko na lang? ___3. Kailangan nating magsama-sama mga minamahal kong kababayan para sa iisang layuning ibangon ang Inang Kalikasan. ___4. Mabuti pa ang ibon, malayang nakalilipad. Sana katulad ko sila. ___5. Paano ko ba ipagtatapat sa mga magulang ko na nagastos ko ang pangmatrikula ko sana.
  • 53. ___6. Huwag ka nang magkaila na hindi ka pumapasok sapagkat nakausap ko na ang mga guro mo. ___7. Subukin ninyo ang tsaang ito, mabisa itong antioxidant at mabuti sa kalusugan. ___8. Tinatawagan ang lahat ng mga kasapi sa Filipino Club upang dumalo sa darating na pagpupulong bukas sa ganap na ika-8:00 ng umaga. ___9. Nananalig akong papatnubayan mo ako, Diyos ko. Alam mo po kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko. ___10. Ikaw lang ang kaibigan kong hindi nang-iwan sa akin sa oras ng aking pangangailangan.
  • 54. A.Kinesika(Kinesics) ginagamit sa pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. Kabilang dito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas at tindig.  Ekspresyon ng mukha- Ayon kay Mehrabian (1971)- ang isandaang bahagdan ng pagpapakahulugan sa pakikipagtalastasan ay binubuo ng 7% berbal na pagpahayag na tumutukoy sa kahulugan ng mensahe; 38% na kumakatawan sa palatandaan ng pagsasalita o tono ng tinig; at 55% ekspresyon ng mukha at kahulugan ng kilos. Maliwanag na ipinapakita nito na hindi dapat ipagwalang bahala ang ekspresyon ng mukha sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
  • 55.  Galaw ng Mata- Sina Argyle at Ingham (1988) ay nagsabing ang katamtamang tagal ng pagtingin ay binubuo ng 2.95 segundo. Ang pagtitinginan naman ng dalawang taong may paghanga sa isa’t isa ay 1.18 segundo.  Kumpas- Sinasabing may unibersal na kahulugan ang pagtaas ng kamay, pagtikom ng kamao, nakabuka ang hintuturo at hinlalato.  Tindig- Kung paano tumayo ay nakapagbibigay ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap. May tindig na kakikitaan ng tiwala sa sarili, labis na tiwala sa sarili at kulang ng tiwala sa sarili. Makikita rin ang tindig ng isang nagtagumpay at tindig ng isang talunan.
  • 56. B. Proksemika (Proxemics) Ayon sa pag-aaral ng antropologong si Edward Hall ay may komunikatibong gamit ng espasyo sa pakikipag-usap. Ang pagiging malapit sa kausap ay nagpapakita ng interes at ang paglayo sa kausap ay nangangahulugan ng kawalan ng interes. Masasabing may Intimate na distansya sa kausap kapag may isang talampakan ang pagitan. Personal na distansya ang tawag kapag may pagitang 1 hanggang 4 na talampakan, sosyal na distansya naman kapag may 4 hanggang 12 na talampakan at masasabi ng pampublikong distansya kapag may 12 talampakan o higit pa ang pagitan.
  • 57. C. Oras (Chronemics)- May dalawang aspekto ang oras: pangkultura at teknikal o siyentipikong oras. Ang pangkulturang oras ay tumutukoy sa kung paano binibigyan ng kahulugan ang kultura at kung paano ito itinuturo. Ang kultura ng ating oras ay hinahati sa segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Mayroon taong sinasabing madaling araw, umaga tanghaling tapat, kasama na rin ang hiram natin mula sa mga Kastila na oras ng seyista, takipsilim, gabi, hating gabi atbp. Bukod pa sa mga panahon ng pagtatanim at aniham,tag-init at tag-araw.
  • 58.  Ang teknikal o siyentipikong oras ay eksakto at kadalasang ginagamit ito sa laboratoryo at iba pang mga siyentipikong pag-aaral at eksperimento. Maari ring mauri sa pormal at impormal ang oras. Isang halimbawa ng pormal na oras sa eskwelahan ay ang mga itinakdang oras sa isang asignatura at kung ilang linggo sa loob ng isang semestre. Ang impormal na oras ay medyo maluwag sapagkat hindi eksakto. Ang halimbawang salitang nagsasaad nito ay ang magpakailanman, agad-agad, sa madaling panahon, ngayon din at iba pa.
  • 59. D. Pandama O Paghawak (Haptics) Ang pandama o paghawak ay isa sa pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon. Nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang paraan ng paghawak sa kapwa. Maaaring may galit, nakikiramay, nagmamahal o nambabastos ang kahulugan ng paghawak. Magkakaiba ang kahulugan ng mga salitang hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo.
  • 60. E. Paralanguage- Tumutukoy ito sa paraan ng pagbigkas ng isang salita kinabibilangan ito ng pagbibigay-diin sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng boses at taginting ng tinig. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung- hininga, ungol at paghinto. Ang mga ito ay may malaking dulot sa kahulugan ng mensahe.
  • 61. F. Katahimikan o Hindi Pag-imik Kasama rin ito sa anyong di-berbal sapagkat may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di –pag- imik o katahimikan. Mayroong itong mensaheng ipinahihiwatig. Maaari itong pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasaatabihin. Maaari din namang mangahulugan ng pagtanggi o pagsang-ayon. Sandata rin ng katahimikan. Pwedeng maging reaksyon ito sa pagkabalisa pagkainip, pagkamahiyain o pagkamatatakutin.
  • 62. G. Kapaligiran- Ito rin ay may mensaheng ipinahahatid. Ang kaayusan ng pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar atbp ay may mensaheng ipinahihiwatig. Makikita halimbawa kung pormal o di-pormal ang okasyon sa kaayusan ng lugar ng pagdarausan. H. Simbolo-(ICONICS) Tumutukoy ito sa mga simbolo sa paligid na may malinaw na mensahe. Halimbawa dito ang mga simbolo ng bawal manigarilyo, sa palikuran at sa mga daan. I. Kulay- Ito ay nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Isang halimbawa nito ang paggamit ng putting damit ng ikakasal na babae, itim na damit ng nagluluksa, bandilang pula ng mga nagpoprotesta at iba pa.
  • 63. 1. Kumpas na ginagamitan ng dalawang kamay a. Dalawang bukas na bisig na halos pantay balikat- nagpapahiwatig ng kalawakan b. Kumpas na pahawi o pasaklaw-ginagamit upang magsaad ng isang saklaw ng diwa, pook, o tao. c. Kumpas na nakalahad ang dalawang kamay at unti- unting itinataas-nagsasaad ng dakilang kaisipan, nagsasaad ng pagpuri, parangal.
  • 64. d. Kumpas na pasubaybay-ginagamit ito kung binibigyan ng diin ang magkakaugnay na diwa. Maaari itong magsaad ng paglipas ng panahon o paghihimaton ng bagay o pook na magkakasunod. e. Kumpas na paturo-ginagamit sa panghahamak, panduduro at pagkagalit. f. Kumpas na pauyam(nilalakipan ng kibit ng balikat at pag-ismid-nagpapahiwatig ng pagkutya o pang-uyam. g. Dalawang kamay na marahang ibinababa- nagpapahiwatig ng panlupaypay o pagkabigo.
  • 65.  h. Kumpas na ginagamitan ng dalawang kamay na biglang ibinababa (pabagsak)nagpapahiwatig ng matindi at marahas na damdamin. Ang ayos ng palad ng isang mambibigkas ay may iba’t ibang kahulugang inihahatid sa madla. a. Bukas na palad na paharap sa nagsasalita-ginagamit ito upang ituro ang alinmang bahagi ng katawan.
  • 66.  b. Bukas na palad nakaharap sa madla-nagpapahiwatig ng pagkatakot, pagtanggi at pagkabahala  c. Palad na nakalahad ng marahang itinataas- nagpapahiwatig ng mga dakilang damdamin.  d. Bukas na palad na marahang ibinababa-nagsasaad ng mababang uri ng damdamin o kaisipan.  e. Kuyom na palad(pasuntok) nagsasaad ng poot, galit o matinding damdamin.
  • 67.  f. Palad na nakabukas na magkalayo ang mga daliri na unti-unting, tumitikom-nagsasaad ng matindi ngunit matimping damdamin.  g. Palad na nakataob, lalung lalo na kung biglang ibabagsak paibaba-nagpapahiwatig ito ng galit at marahas na damdamin.
  • 68.  Pasulat Magpangkat-pangkat ang klase ng mga 12 miyembro. Bawat pangkat ay bubuo ng akrostik ng salitang KOMUNIKASYON. Ipapakita ng bawat pangkat ang kanilang nabuo sa klase. Pasalita Bumuo ng isang pangkat na binubuo ng lima hanggang anim na miyembro. Maghanda ng isang dayalogo na nagpapakita ng mga salik sa mabisang komunikasyon. Isasadula ito sa klase sa loob ng tatlo hanggang limang minuto. Pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon.
  • 69.  a. Paghingi ng paumanhin sa kaklaseng babae sa ginawang pambabastos.  b. Pakikiusap sa guro na kumuha ng espesyal na pagsusulit dahil nagkaroon ng problema sa pamilya.  c. Pagpapaliwanag sa magulang kung bakit ginabi sa pag-uwi.  d. Pagpapasalamat sa nanay ng kaibigan mo sa pagpapautang sa iyo ng pangmatrikula mo.  e.Inaaya ka ng barkada mong sumama sa kanilang gimik pagkatapos ng pinal na pagsusulit subalit hindi ka makakasama sapagkat hinihintay ka na ng mga magulang mo sa probinsya ninyo.  f. Pangulo ka ng Samahan ng mga mag-aaral sa Filipino at magpapatawag ka ng pulong sa mga kapwa mo opisyal at mga miyembro upang pag- usapan ninyo ang mga isasagawang proyekto ng paaralan.  g. Gusto mong kausapin ang kaibigan mong nangongopya sa iyo kapag may pagsusulit upang mag-aral din ng aralin.  h. Hindi ka kinakausap ng kaibigan mo at pakiramdam mo ay masama ang loob niya sa iyo.  i. Inagaw ng matalik mong kaibigan ang iyong kasintahan.  J. Mababa ang nakuha mong grado sa Filipino 101, paano ka makiki-usap sa iyong guro upang ikaw ay di bumagsak sa pinal na grado.
  • 70.  Pakilos( di-berbal na komunikasyon) a. Ituro ang isang gamit sa pamamagitan ng nguso na may pakiusap nguso. b. Sabay na pagtaas ng dalawang balikat para ipahayag ang walang kaalaman. c. Paghawi sa buhok ng babae sa likod ng kanyang teynga na nagsisilbing tanda na hilig din niya ang kasamang lalake. d. Gurong nagalit sa klaseng maingay. e. Pagkadismaya dahil hindi nakuha ang nais. f. Pagkahilo dahil sa matinding init ng panahon. g. Paglaki ng mata at ilong (kulang na lang ang paglabas ng usok sa tenga) h. Iwas ng pagtingin (mahiyain o may itinatago o may kasalanan) i. Pagpalagay ng mga kamay sa baywang( Ako ang hari dito, may aangal?) j. Pagkainip k. Nakita ang kasintahan kasama ang taong pinagseselosan.
  • 71. Mga Hakbang( di-berbal na komunikasyon)  Hatiin ang klase sa tig-10 miyembro  Maghanda ng mga kagamitan gaya ng cp, camera at laptop (if available)  Gumawa ng isang patalastas( advertisement) tungkol sa napapanahong issue sa loob ng paaralan.  Ilagay o i-save sa flash drive at ipasa sa guro.  Ang patalastas ay tatagal lamang ng 10 hanggang 30 minuto.
  • 72. Pagpakamalikhain- 20 puntos Kaayusan at kalinawan- 10 puntos Paksa- 10 puntos Performance-10 Kabuuan – 50 puntos
  • 73. a. Kasaysayan ng Wikang Filipino b. Mga isyu ukol sa Wikang Filipino c. Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino d. Kalikasan at Istraktura ng Wikang Filipino
  • 75. Layunin: 1. Natatalakay ang akdang “ Liham ni Wika kay Kasaysayan”; 2. Naiisa-isa at nailalarawan ang mga pangyayari sa pag-unlad ng wikang pambansa; 3. Naipapaliwanag ang hinggil sa wikang pambansa at wikang opisyal ng Filipino; 4. Natatalakay ang mga mahahalagang batas pangwika.
  • 76. Tandaan: May natatanging pagkakakilanlan ang bawat bansa. Maaaring ito ay sa disenyo ng watawat, sa himig ng pambansang awit, o sa wikang sinasalita. Tulad din ng ibang bansang malaya, ang Pilipinas ay may sarili ding pambansang wika. Ang bahaging ito ay sumasaklaw sa pagtalakay sa pagsilang at paglago ng wikang pambansa natin. Tatalakayin din ang ilang mahahalagang konsepto at mga batas hinggil sa pagkakaroon natin nito.
  • 77. Dear ate Kasaysayan, Tandang-tanda ko pa noon, kasalukuyang nakaratay sa banig ng karamdaman ang ama kong si Manuel L. Quezon. Pumasok sa silid niya ang kanyang nars at sinabi “ Sir da press is hir to see you”. Sa loob-loob ko kung ako lang ay may kamay sasabunutan ko sa lahat ng parte nang katawan niya ang nars na yan. Alam niyang me sakit na ang aking ama eh gusto pang magpa- presscon. Palibhasa pulitiko at lubhang mabait ang aking ama pinapasok niya ang panauhin. Laking gulat ko at ng aking ama nang makita namin na pumasok ay isang pari. Priest..Hindi pala pres. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “ Ano ba ito, palibhasa pilipit ang dila at matigas pa. Palibhasa
  • 78. pangyayaring iyon. Pareho silang Pilipino ng kanyang nars pero nag-uusap sila sa wikang Ingles. Dahil dito, naisip ng ama ko na dapat magkaroon ang Pilipinas ng isang wikang pambansa. Para bawat Pilipino ay mag-uusap sa wikang ito. Ginamit ng aking ama ang kanyang impluwensya kaya napasama sa 1935 ang artikulo 14 sek. 3, na nagsasabing “ Ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Para sa akin, ito ang simula para makalabas ako sa sinapupunan ng aking ama. Me sapat syang batayan sa mga susunod niyang hakbang.
  • 79. ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Kongreso, hiniling niya ang pabuo ng isang pambansang surian ng wika. Hindi siya nabigo sa kahilingang ito dahil noong Nob. 13, 1936-pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt 184 na nagtatatag ng Pambansang Surian ng Wika. Nagtalik na ang pangarap ang aking ama at ang isipan ng mga kagawad ng Surian ng Wikang Pambansa. Ito naman ang itinuturing kong paglilihi sa akin. Pero dahil kakaiba ako umabot ng mahigit siyam na buwan ang paglilihi sa akin, Noong Nobyembre 9, 1937, bunga ng pag-aaral na isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa, nagpalabas sila ng isang resolusyong nagmumungkahi sa Pangulo ng Pilipinas sa
  • 80. Talagang sabik na sabik na akong makalabas, at noong Disyembre 30, 1937, dumating na ang aking pinakaaasam-asam. Ipinalabas ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Kautusang tagapagpaganap (E.O) 134 na nagpapahayag ng Pagkakaroon ng Pambansang Wika ng Pilipinas Batay sa Tagalog. Ito ang maituturing ko na isang pinakamaligayang araw sa buhay ko. Ang araw ng aking pagsilang. Mantakin mo, bago magputukan sa bagong taon eh isinilang na ako.
  • 81. Noong Abril 1, 1940, sa pamamagitan ng EO263, binigyang pahintulot ang pagpapalimbag ng aklat Gramatika ay diksyunaryo ng Wikang Pambansa, at itinakda na simula sa Hulyo 19, 1940, itinuro ang Wikang Pambansa sa lahat ng Paaralan sa Buong Bansa. Unti-unti ay pinakilala na ako at nagsisimulang humakbang. Ngunit lubos ang pagpapakilala sa akin noong Hulyo 7, 1940. Sa araw na ito ipinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt 570 na nagtatadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang Wikang Pambansa ay magiging isa sa mga Opisyal na Wika ng Bansa. Nag-uumapaw sa kagalakan ang aking puso sa araw na iyon, dahil naramdaman ko ang aking kahalagahan. Ang sarap pala ng feeling kapag ikaw ay kinikilala.
  • 82. Wikang Pambansa. Ang baduy-baduy naman yata. Ang haba haba ng pangalan ko. Hindi ba tayong mga Pinoy dapat maikli lang ang pangalan. Yung iba dyan dalawang pantig lang di ba. Me mga pangalang Dingdong, Jonjon, Bongbong, Leklek, Potpot at kung anu-ano pang pangalan na madaling tandaan. Mabuti na lang may isang kalihim na malikhain ang pag-iisip at ako ay bininyagan. Noong Agosto 13, 1959, pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagsasaad ng Kailan man at Tutukuyin ang Pambansang Wika ay Pilipino ang gagamitin. Simula nga noon tinawag nila akong Pilipino. Ang sarap pakinggan, ang sarap maging Pilipino.l
  • 83. humanap ng ibang kaulayaw. Hindi naman sa nagsasawa na ako ke tagalog dahil siya ang laging kasama. Pero ano ang magagawa ko, ito ang tinadhana ng batas. Mabuti na lang napikon ang biyudang si Tita Cory. Pinatalsik ang diktador. Kasabay ng pagkakalagot ng kadena sa kamay ng mga Pilipino ang paglagot din ng tanikalang nagtatali sa amin ni Tagalog. Paano ko nasabi ito? Kasi ayon sa artikulo 14, sek, 16 ng 1987 Constitution, “ Ang Wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino” Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika”. Take note hindi na Pilipino ang pangalan ko kundi Filipino. Nagsisimula na sa F. o di ba medyo klas na..at take note pa rin hindi lang si
  • 84. yugto sa buhay ko dahil ito ang nagbigay kaganapan sa aking pagkabinata. Kung baga sa lalaki e tuli na. Pwede na akong manligaw o maningalang pugad. Sa ngayon ay masaya akong nakikipagharutan sa iba’t ibang mga wika sa Pilipinas at sa mga tisoy at tisay. Nagpapasalamat ako sa iyo at sa sambayanang Pilipino na patuloy na tumatangkilik sa akin. Biruin mo noong dati pag nanonood ka ng TV sa hapon halos puro Ingles ang ginagamit ng mga hinayupak na me kaisipang kolonyal. Pero bigo sila dahil alam ko na ang mga Pilipino e mahal ako. Ngayon tignan mo, hindi lang sa balita ako ginagamit. Pati na rin sa mga cartoons, at pati na ang mga telenobelang galing sa ibang bansa na bihirang masabay sa akin ang uka ng bibig. Pero okey lang yon at least ako’y ginagamit. Paano ba yan, masyado na yatang naging mahaba ang sulat ko, hanggang dito na lamang at maraming salamat sa iyo at sa inyo.
  • 85. 1. Anong nakatutuwang pangyayari ang nagbigay-aral kay Pangulong Quezon na kailangan talaga ng bansa ang isang wikang pambansa? 2. Bakit siya tinaguriang “ Ama ng Wikang Pambansa”? 3. Ayon sa liham, paano ito naipaglihi at naisilang? 4. Anu-anong mga mahahalagang pangyayari ang nagpaunlad sa Wikang Pambansa? 5. Sa ngayon, gaano na kalaki at kaunlad ang ating wikang pambansa?
  • 86.
  • 87.  Nagmula sa pulo ng Tsina  Indonesyo  Bumbay  Arabe  Persyano  Dahil dito ay nalinang at yumabong ang vokabularyo mula sa mga unang nanirahan dito.  TSART SA KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
  • 89.  Lumitaw ang mga dokumento o kasulatan tungkol sa Tagalog (o maging sa iba pang wika ng Pilipinas)  Napagtibay sa batas na Wikang Pambansa ang Tagalog  Bagamat naging batayan ng WP ang Tagalog ay marami pa rin ang hindi lubusang nasunod sa kabila ng kaliwa’t kanang pagpapalawak, pagpapalaganap at pagpapaunlad dito gaya ng mga lathalain at babasahin, paggamit nito sa mga miting, pampulitika, at sa transaksyong pampamahalaan bilang opisyal na wika.  Pagkatatag ng SWP (Institute of National Language)
  • 90.  1. May mga manunulat at dalubwika pa rin ang nagpupumilit sa kaalamang laban sa paniniwala ng nakararami. (Purista)  2. May mga siyentipikong dalubwika ang nagpupumilit na ipagamit ang kanilang nilikhang mga bagong salita gayong hindi naman ito nauunawaan o tinatanggap ng nakararami.  3. Maraming Pilipino ang hindi tumatangkilik sa sariling wika dahil sa kaisipang kolonyal.  4. Dahil na rin sa rehiyunalismong nangingibabaw sa damdamin ng ilang Pilipino.
  • 91. Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig Sa kanilang paglipat dala nila ang kanilang, paniniwala, tradisyon, gobyerno at ang wika at sistema ng pagsusulat na tinatawag na alibata.
  • 92. Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa Tsina, Arabya , Malaysia at India Hindi lang palitan ng kalakal ang naganap, natutunan rin ng mga sinaunang Pilipino ang kultura nila pati na rin ang mga salitang Patuloy pa rin ,nating ginagamit tulad ng mula sa Tsina apo, ate, kuya, bihon, hikaw, lumpia, pansit,siyopaw, sotanghon, suki at susi
  • 93. mula sa India- guro, bathala, bahala, karma, mukha, tsaa, mahal(love) sabon, syampu mula sa arabya -alam, hiya, hokum Malaysia, mura, mahal, ako, ikaw, mahal(expensive), lalaki, manga, babae, pangulo, anak, radyo, medya, nagpatuloy ang kanilang pag-unlad at paglinang ng pamumuhay ng sinaunang Pilipino hanggang sa…..
  • 94.  1521- Nang dumating si Ferdinand Magellan at di naglaon ay sinundan ni Legazpi ay napag-alaman ng mga Kastila na ang mga Pilipino ay pinagwatak-watak ng maraming wika.  Layunin ng mga Kastila na magkalat ng paniniwala at simulaing Kristiyano.  1596- Napaigting ang kanilang pananakop dahil nagpadala ang hari ng Espanya ng mga prayle upang isakatuparan ang pagtuturo ng relihiyong Kristiyano.  Ang ilang prayle ay nahirapang pag-aralan ang ating wika kung kaya karamihan sa kanilang nag-aral ng mga iba pang wika. ( 154+110 prayle ang ipinadala sa Pinas)
  • 95.  1618-ayon sa kasulatan ang Tagalog ay ginagamit at nauunawaan kahit saan (di lamang mga katutubo ng isla sa Luzon) ang suliranin sa wika ay tinangkang lutasin sa pamamagitan ng pagtatayo ng konseho.  Napag-alaman ng hari ng Espanya na ang wika ay di dapat sa pagtuturo, pagpapaunlad at pagpapalawak ng Kristiyanismo kaya ipinasya nito na ang mga prayle ay magtuturo ng Kastila sa mga Indio.  1893- Nagkaroon ng isang kautusan na nagtatakda na ang mga prayleng lokal ay magiging tagamasid na ex- officio sa mga paaralan ngunit ang kautusang ito ay di natupad dahil ang mga prayle.
  • 96. 1. Ibig ng mga prayle na mapanatili sa kanilang kamay ang kapangyarihan nila sa mga tao at upang umasa rin ang pamahalaan sa kanila. 2. Ayaw nilang maungusan sa talino ng mga katutubo kapag natuto na silang magKastila. 3. Natatakot silang magkaisa ang mga katutubo at mag-alsa laban sa kanila kung may iisang wika silang sinasalita.
  • 97.  Mga Natutunang salita mula sa mga Kastila  mundo  imbyerna  yelo  luho  teknolohiya  korsunada  kalye  abante  giyera  hustisya  intindi atbp…
  • 98.  PANAHON NG MGA AMERIKANO (Agosto 13, 1898)
  • 99.  Sa pagdating ng mga Amerikano ay lalo pang nagdagdagan ang suliranin sa wika.  Nagkaroon ng mga paaralang-bayan noong Hulyo 1, 1900 at nagsimulang pumasok ang may 100, 000 mag- aaral.  Ang mga guro ay pawang mga kawal na itinalaga ng Gobernador Militar.  Ginamit na saligang-aklat ay nasusulat sa Kastila at dahil wala silang alam sa mga wika sa Pilipinas, kinailangan nilang malunasan ang suliraning ito.
  • 100.  Marso 4, 1899-itinatag ni Pangulong Mckinley ang lupong tagapagsiyasat sa pangunguna nu Jacob Gould Schurman  -dumating ang lupong Schurman sa Manila upang kumuha ng datos tungkol sa Pilipinas.  Nobyembre 2, 1899-ipinasa ang unang ulat ng Lupong Schurman tungkol sa Pilipinas at ang lupon ay bumalik sa Washington.  Hunyo 3, 1900- Gumawa si Pangulong Mckinley ng Ikalawang lupon na naglalayong magtatag ng Pamahalaang Sibil sa Pilipinas. Pinamumunuan ito ni William H. Taft (Taft Commission)
  • 101.  Hulyo 1, 1900- pagbalik ng mga mag-aaral sa mga paaralan na itinayo ng mga milita. Sa panahong ito, idinagdag ang wikang Ingles sa Kastila bilang wikang opisyal.  Hunyo 26, 1902- Ang EL RENACIMIENTO ay nag-ulat ng Sociedad de Escuitos de Tagalog. Ang mga kagawad dito ay nagkaroon ng mataimtim na pagnanasa sa bernakular bilang wikang pambansa.  Disyembre 1902- sa akda ni David J. Doherty ay inilathala niya ang isang artikulo ukol sa tagalog. laman nito ang magandang kapalarang naghihintay sa paglaganap ng Tagalog sa bansa.
  • 102.  Enero 1, 1906-(I want you to speak English) Huling paggamit ng wikang Kastila sa mga kawani ng iba’t ibang sector at paglilipat ng wikang Kastila sa Ingles na lengwahe na gagamitin ng mga kawani.  1908- ang pagsasabatas sa pagtatayo ng isang surian ng mga wika/wikain sa Pilipinas, na ipinanukala ni Hukom Norberto Romualdez  Abril 12, 1909- Pagtatag ng Akademya ng Wikang Pilipino (Lope K. Santos)
  • 103. 1915- Nailathala ang Filipino English Vocabulary(itinatag noong Abril 12, 1909) na inilaan sa pagtulong sa Pagkakaroon ng panlahat na wikang Pilipino( Eusebio T. Daluz-kalihim ng Akademya ng Wikang Pilipino) 1918- pagtatag ng Sanghiran San Binisaya (Academy of the Leyte Samar Bisayan Dialect) Pangulo Norberto Romualdez isang bisayang may masidhing pagtatangkilik sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
  • 104. 1924-tinalakay sa “ The language of Education in the Philippine Islands na ang isang wikang pambansa ay dapat maging isang bernakular. 1928- ang Philippine Collegian (Pahayagan ng U.P) ay unang naglathala ng kolum sa Tagalog. 1934 ang Kumbensyong Konstitusyunal ay nagpulong upang balangkasin ang Saligang- Batas, hindi lamang para sa Pamahalaang Komonwelt,
  • 105. kundi maging sa Republika ng Pilipinas, ay tinalakay ang tungkol sa wikang pambansa. Itinatag ang isang lupon para sa Wikang Opisyal upang pag- aralan ang tungkol sa wikang pambansa. 1935- Ang pagpapahalaga sa Ingles ayon sa Saligang Batas ng 1935
  • 106.  Nobyembre 1936- ipinalabas ang kautusang tapagpaganao na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang Diksyunaryo sa wikang Pambansa.pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt bilang 184 na lumikha ng SWP na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.  Mga kasapi:  Jaime C. de Veyra- Bisaya Samar-Leyte –Tagapangulo  Hadji Buto- Moro – kagawad  Santiago A. Fonacier –Ilocano kagawad  Casimiro Perfecto –Bicol kagawad
  • 107.  Felix B. Salas- Hiligaynon kagawad  Cecilio Lopez- Tagalog kalihim  Isidro Abad- Bisaya Cebu kagawad  Zoilo Hilario- Kapangpangan kagawad  Jose Zulueta- Pangasinan kagawad  Lope K. Santos- Tagalog kagawad -layunin ng pangkat na gumawa ng isang deskriptibo at komparatibong sarbey sa isa sa pangunahing wika sa Pilipinas at mula dito ay pipiliin ang pagbabatayan ng wikang pambansa. Makalipas ang sampung buwan, napili nia ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.
  • 108.  Di tulad ng mga Kastila na pinagkaitan tayo ng kaalaman, ang mga Amerikano ay bukas sa pagturo sa atin tinuruan nila tayo ng alpabetong Ingles. Ibinahagi din nila ang kanilang teknolohiya, tinuruan tayo mamalakad ng gobyerno at ibinahagi din nila ang kanilang kultura. dahil sa impluwensya ng mga Amerikano, inasam ng mga Pilipino ang mamuhay na halintulad sa kanila. dito nagsimula ang colonial mentality sa kagustuhan nating matulad sa Amerikano, maraming salita ang ating hiniram sa kanila at binigyan ng Pilipinong anyo, keyk, tsuper, ketsup, iskrin, biskwit, websayt, interbyu, direk, perpyum, basketbol, isports, Iskor, ekomomiks atbp.
  • 109.
  • 110. Layunin: 1. Mapalaya ang mga Pilipino sa mga Amerikano; 2. Burahin ang lahat ng impluwensya ng mga Anglo-Amerikano. “Co-Prosperity Sphere for Greater East Asia” itinaguyod para malasap raw ang sariling kaunlaran at kultura sapagkat ang “ Asya ay para sa mga Asyano” at ang Pillipinas ay para sa mga Pilipino”.
  • 111.  Hunyo 24, 1942- ipinalabas ang Ordinansa Militar blg. 13 na nagsasaad na Niponggo at Tagalog ang mga opisyal na wika. Sa panahong ito naitatag ang KALIBAPI( Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan) na may layuning mapabuti ang edukasyon at moral na rehenerasyon at mapaunlad ang kabuhayan sa Pilipinas. Si Benigno Aquino ang nagsilbing direktor.  Oktubre 14, 1942- muling binuhay ang Wikang Pambansa, nagpalabas si Masao Tanaka ng mga lathalaing impormatibo upang sagutin ang mga katanungan ng publiko tungkol sa usapin ng Wikang pambansa. Si Jose Panganiban ang nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at di Tagalog.
  • 112.  -Marami mang hindi kanais-nais na pangyayari sa panahon ng kanilang pananakop ngunit may magagandang naidulot naman ito sa pagpapalaganap at pagdedevelop ng pambansang wika.  1. Ginawang pangunahing midyum ng edukasyon ang wikang pambansang batay sa Tagalog.  2. Binigyan-diin ang pag-unlad ng Nasyonalismo  3. Ipinagbawal ang wikang Ingles  Mga salitang nakuha sa hapon-haba, katol, toto, jack-en-poy, karaoke, kampay, dahan-dahan, tamang-tama, at kaban.
  • 113. 1935- sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa. “ ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)
  • 114. 1936 (Oktubre 27)- itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
  • 115. 1936 (Nobyembre 13)-pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon. Disyembre 30, 1937-Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
  • 116. Hunyo 7, 1940- Pinagtibay ng Batas- Komonwelt Blg. 570 na nagtatadhana simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
  • 117. Abril 1, 1940- Ipinalabas an Kautusang Tagapagpaganap na nagtatadhana ng pagpapalimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas mula Hunyo 19, 1940. Agosto 12, 1959- tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg. 7 Ayon sa kautusang ito, kaylanman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
  • 118.  Marso 26, 1954- Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29-Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
  • 119.  Oktubre 24, 1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
  • 120.  Marso 27, 1968- ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.  Agosto 5, 1968-Pinalabas ang Memorandum Sirkular Blg. 199 na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas na nananawagan sa mga pinuno na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
  • 121. Agosto 6, 1968- Ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 ay nilagdaan ng Pangulo na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gagamitin ang wikang Pilipino hanggat maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan nito, sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
  • 122.  1969- Agosto 7- Ang Memorandum Blg.277 ay pinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa ang lahat ng pook ay masaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
  • 123.  Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974-1975.  Hunyo 19, 1974- Nilagdaan ni Kalihim Juan L. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
  • 124. 1978 (Hulyo 21)- Nilagdaan ni Ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasaang antas. Magsisimula sa unang semester ng taong-aralan 1979-1980, ang lahat ng pangmataas na edukasyong institusyon ay magbubukas ng anim (6) na yunit sa Pilipino sa kanilang mga palatuntunang aralin sa lahat ng kurso maliban lamang sa mga kursong pagtuturo sa labindalawang (12) yunit.
  • 125. 1986 (Agosto 12)- Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang Proklamasyon Blg. 9 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan. Ipinahayag niya taon-taon ang panahong Agosto 13-19, araw ng pagsilang ng naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa.
  • 126.  1987( Pebrero 12) Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9 nasasaad ang sumusunod.  Sek. 6. Ang wiikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.  -dapat ay magsagawa ang pamahalaan ng hakbangin upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyun ng opisyal na komunikasyon at bilang pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
  • 127.  Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.  Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo noon.  Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.
  • 128.  Sek. 9. Dapat magtatag ang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag- uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. Ano ba ang pormal na deskripsyon ng FILIPINO bilang isang wikang pambansa?
  • 129.  RESOLUSYON 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at
  • 130. 1987( Konstitusyong 1987)Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon Kultura at Palakasan ang Kautusan Bilang 52 na nag- uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang edukasyong bilingguwal.
  • 131. 1988 (Agosto 25) –Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
  • 132. 1989 (Setyembre 9) –Pinalabas ng Kalihim Lourdes Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-uutos na gamitin ang Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
  • 133.  1990 (Marso 19) –Pinalabas ng Kalihim Isidro Carińo ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.  1996- Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng (9)siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan) Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika)
  • 134. 1997- Hulyo- Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
  • 135. 2001 Tungo sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino, ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revision ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.
  • 136.  2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino, ipinagbigay-alam ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revision ng Ortografiyang Filipino at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walang nababalangkas na mga bagong tuntunin sa pagbabaybay, magsisilbing tuntunin ang Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng taong 1987.
  • 137. 2009 Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa pamamagitan ng kanilang Sangay ng Lingguwistika ang Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Tuluyan nang isinantabi ang 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, bagamat ano mang tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 gabay ay mananatiling ipatutupad.
  • 138. Saliksikin ang mga probisyon ng Executive Order 210 at House Bill 4710 at sa isang manifesto, ilahad ang inyong reaksyon at paninindigan hinggil sa dalawa.
  • 139. PAHAPYAW NA KASAYSAYAN Ang salita nati’y huwad(peke) din sa iba Na may alpabeto at sariling letra Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa(storm/bagyo/kalamidad) Ang lunday(bangka/boat) sa lawa noong dakong una. “ Sa Aking Mga Kababata” Dr. Jose P. Rizal Calamba, 1969
  • 140.  Ito ang kinilalang unang sistemang pagsulat ng mga Pilipino mula sa Alifbata ng Arabia na nang lumaon ay naging ALIBATA.  Nakaabot sa Pilipinas sa daang India, Java, Sumatra, Borneo at Malaya. Pinaniniwalaang pumasok ito nang maitatag ang emperyo ng Madjapahit sa Java.  Binubuo ito ng (3) patinig: a, e/i at o/u) Mayroon din itong labinlimang (14) katinig: ba, ka, da, ga, ha, la, ma, na, nga, pa, sa, ta, wa, at ya.
  • 141.
  • 142.
  • 143.
  • 144.  MENSAHE  Gabay sa Ortograpiyang Pambansa  Mayaman at sagana ang ating bansa sa kultura at wika. Mayroon tayong isang daan at pitumpu’t pitong aktibong wika na karamihan ay nagmula sa iba’t ibang grupo ng mga katutubo sa ating bansa. Subalit bilang mga Filipino, mahalaga na ating matutuhan ang wastong paggamit ng ating pambansang wika.  Ang Ortograpiyang Pambansa ang siyang magiging gabay natin sa pagkilala sa kasalukuyang anyo ng wikang Filipino. Batid natin na nagkakaroon ng pagbabago sa wika upang makasabay sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon. LOREN LEGARDA
  • 145.  Ang baybayin ay binubuo ng labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik: 14 katinig at 3 patinig. Ang mga simbolong kumakatawan sa mga letra. Noong nakadestiyero si Jose Rizal sa Dapitan, sinulat niya ang Estudios sobre la lengua tagala na nalathala noong 1899. Kasáma sa mga panukala niyang reporma sa ortograpiyang Tagalog ang alpabetong may limang patinig at labinlimang katinig. Ang mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos nang kaniyang sulatin ang Balarila (nalathala, 1940).
  • 146. BILANG PANIMULA ni Virgilio S. Almario Ang gabay sa ortograpiya o palatitikan ng wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino. Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling.
  • 147. Itinatanghal din dito ang mga naganap na pagbabago mula sa panahon ng abakadang Tagalog bunga ng modernisadong alpabeto at bunga na rin ng umuunlad na paggamit sa Wikang Pambansa.
  • 148. Idinagdag sa orihinal na mga titik ng baybáyin ang katinig na R at ginawang lima ang patinig: A, E, I, O, U kayâ dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap na abakada hanggang sa panahong tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino. Nakahanay ang mga ito sa sumusunod na paraan:
  • 149. A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y. Sa pagbása ng mga titik, ang mga katinig ay binibigkas nang may kasámang patinig na A, gaya ng sumusunod: /A/, /Ba/, /Ka/, /Da/, /E/, /Ga/, /Ha/, /I/, /La/, /Ma/, /Na/, /Nga/, /O/, /Pa/, /Ra/, /Sa/, /Ta/, /U/, /Wa/, /Ya/
  • 150. Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang tunog na /e/o/i/ halimbawa ay ang =/be/ o /bi. Kung ang tuldok naman ay nasa ilalim, ang kasamang patinig ng katinig ay /o/ o /u/; halimbawa: = /bo/ o /bu/.
  • 151.  Ang pagbubukod sa mga titik E/I at O/U ay mahahalatang bunga ng matagal na panahon ng pagtuturo sa bagay na ito kaugnay ng pag-aaral ng wikang Espanyol.  Sa aklat ni Tomas Pinpin, ang Librong pagaaralan nang manga tagalog nang uicang Caftilla (1610), masikap niyang ipinaliwanag na kailangang matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilála sa magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U dahil may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng ispeling ngunit nagkakaroon ng magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang titik. Halimbawa, iba ang pesa (timbang) sa pisa (dapurakin/aphid o plant louse)); iba ang rota (pagkatalo) sa ruta (direksiyon ng pasada).
  • 152.
  • 153. Sa pagkilala sa estraktura ng wika mahalagang maging pamilyar sa taglay nitong ponolohiya o palatunugan, ang agham ng mga tunog ng isang wika, kasama ang pag-aaral ng histori at mga teorya ng mga pagbabago ng tunog sa isang partikular na wika o sa dalawa o higit pang magkakaugnay na mga wika (Webster, 1990)
  • 154. SANTIAG0 (2003) May tatlong salik na kailangan upang makapagsalita ang isang tao: 1. Ang pinanggalingan ng enerhiya o lakas 2. Ang artikulador o kumakatal na bagay 3. Resonador o patunugan
  • 155.
  • 156. PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON Panlabi Pang- ngipin Pang- gilagid Pangngalangala PALATAL VELAR Glotal Pasara w.t. m.t. p b t d k g Pailong m.t. m n Ŋ (ng) Pasutsot w.t. s h Pagilid m.t. l Pakatal m.t. r Malapatinig m.t. y w TSART NG MGA KATINIG SA WIKANG FILIPINO
  • 157.  1) Pasara – ang daanan ng hangin ay harang na harang. /p, t, k, , b, d, g/  2) Pailong –ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong lumalabas. m, n, ŋ/  3) Pasutsot- ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang pantinig./s, h/
  • 158.  4) Pagilid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid /l/  5) Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila. /r/  6) Malapatinig-kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang pusisyon ng labi o dila patungo sa ibang pusisyon. /w,y/ Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi- papasok; samantala, ang /y/ ay ang kabalikan nito— palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng punto ng artikulasyon ng mga katinig.
  • 159. HARAP SENTRAL LIKOD Mataas i u Gitna e o Mababa a Malayang nagkakapalit sa ilang mga salita ang mga patinig o at u, gayon din ang e at i. Halimbawa: babae-babai lalake-lalaki totoo-tutoo noon-nuon
  • 160. PONOLOHIYA- Ang ponema ay tumutukoy sa mga makahulugang tunog ng isang wika, Ang maka-agham na pag- aaral nito ay tinatawag namang ponolohiya.
  • 161.  May dalawampu’t isang (21) ponema ang wikang Filipino labing-anim(16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig sa Filipino ay ang mga sumusunod:/p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ,w, Ang mga patinig naman ay ang /i, e, a, o, u/ Ang ponemang /Ŋ/ ay kumakatawan sa titik na ng. - Kumakatawan sa impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin.
  • 162.  Halimbawa /tu:boh/ vs /tu:bo’/ /u:poh/ vs /upo’/ /kitah / vs /ki:ta’/ Tandaan: May isa pang kategorya ng mga ponema. Ito ay ang mga ponemang suprasegmental. Walang ponemikong simbolong katawanin ang mga ito. Ito ay ang tono(pitch)/intonasyon, haba(length)/diin(stress) at hinto/antala(juncture)
  • 163. Pansinin ang pagbabago sa kahulugan ng mga sumusunod gamit ang mga ponemang suprasegmental. a. Dumating na ang Pangulo. b. Dumating na ang Pangulo? c. Ako. d. Ako?
  • 164. Pagsasanay: a.TUbo vs tuBO b.PIto vs piTO c.PUsod vs puSOD
  • 165.  Sagot: a. TUbo vs tuBO TUbo = /TU: boh/-growth tuBO= /tubo’/-sugarcane b. PIto vs piTO PIto=/pi:toh/-whistle piTO= /pito.h/-seven c. PUsod vs puSOD PUsod= /pu:sod/part of the sea puSOD=/pu:sod/-navel (karagdagang pagsasanay)
  • 166. Bigkasin ang mga sumusunod. 1. puno a. tree- /pu:noh/ b. head of the department-/pu:no’/ c. full- /puno’/ 2. buko a. young coconut - /bu:ko.h/ b. got caught - /buko.h/ 3. mangkukulam a. witch –/maŋkuku:lam/ b. to be witch- maŋ:kukulam
  • 167. 4. paliguan a. take a bath -/paliguan/ b. bathroom- /pa:li:guan/ 5. baka a. baka-maybe-/baka.h/ b. cow-/ba:kah/ 6. daing a. dried fish -/da:iŋ/ (patakaran para mahabang ing at ng (ŋ) b. groan- /daiŋ/
  • 168. ‘(impit) pigil na hangin (a e i o u) .h- malayang bugso ng hangin/magtatapos sa a e i o u) Ŋ- digrapo / / - walang malalaking titik kapag nakapasok dito.
  • 169.  Bigkasin din ang mga sumusunod. Huminto naman kapag nakita ang #: a. Hindi puti # b. Hindi # puti # c. Si Mark Anthony # at ako # d. Si Mark # Anthony # at ako # e. Hindi # ako ang may kasalanan # f. Hindi ako # ang may kasalanan # g. Doc # Jun Roman # ang aking pangalan h. Doc # Jun # Roman # ang aking pangalan # i. Doc Jun Roman # ang aking pangalan #
  • 170.  Makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema. 1. Ang morpema ay maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.
  • 171.  maestro vs maestra tindero vs tindera  Angelito vs Angelita Paulo vs Paula  abugado vs abugada tisoy vs tisay HALIMBAWA mata payong ligaya pagod saya tuwa kain bato taas 2. Ang ikalawang uri ng Morpema ay ang mga salitang- ugat. Mga payak itong salita dahil walang panlapi
  • 172. 3. Ang huling uri nito ay ang mga panlapi na maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. Mga mga salitang gumagamit ng kumbinasyon ng iba’t ibang paraan ng paglalapi. Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginamit sa mga sumusunod na halimbawa: minata matahin mapangmata nagpayong nagpayungan pinayungan pagurin ikinapagod napagod tumaas nakipagtaasan taasan batuhin nagbatuhan binato
  • 173. samakatwid (3 anyo ng morpema) a. morpema isa ay ang binubuo ng isang ponema b. morpemang binubuo ng salitang-ugat- binubuo ng salitang-ugat ay mga salitang payak, mga salitang walang panlapi. c. morpemang binubuo ng panlapi- ang panlapi ay may kahulugang taglay kaya’t bawat isa ay isang morpema.
  • 174. Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang maaaring makaimpluwensyang ponema ay maaaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito, bagamat karaniwan nang ang sinusundang ponema ang nakaiimpluwensya.
  • 175. 1. ASIMILASYON- Ito ang pagbabagong karaniwang nangyari sa tunog na /ŋ/ sa mga panlaping pang-, mang-, hing- o sing- dahilan sa impluwensya ng kasunod na tunog (unang tunog ng salitang nilalapian)
  • 176. halimbawa  pang- + bansa = pangbansa = pambansa  mang- + bola = mangbola = mambola  sing- + tamis = singtamis = sintamis mapapansin na isa sa tatlong ponemang pailong,/m/,/n/,/ŋ/ ang ginagamit at ibinabagay sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog upang higit na maging madulas ang pagbigkas ng salita. 2 URI NG ASIMILASYON 1. GANAP 2. HINDI GANAP
  • 177. Sa asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema. hal. a. [pang-] +palo------pampalo-------pamalo b. [pang-]+tali--------pantali ------panali c. [pang-]+ tabas -----pantabas-----panabas
  • 178. Ito ang pagbabagong nagaganap sa pusisyong pinal ng isang morpema dahilan sa impluwensya ng kasunod na tunog. halimbawa pang-+tukoy=pantukoy=pantukoy mang-+dukot=mangdukot=mandukot sing-+puti=singputi=simputi mang-+bola=mambola
  • 179. Pansinin na ang tunog na /ŋ/sa panlapi ay nagiging /m/ kapag ikinabit sa mga /p/,/m/,o /b/. Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/ ay ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/, o /b/, ang /ŋ/ ay nagiging /m/ ang /h/. [pang-]+paaralan---pampaaralan [pang-]+bayan------pambayan
  • 180.  Ang huling ponemang /ŋ/ naman ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/.  [pang-]+dikdik----pandikdik  [pang-]+ taksi ----pantaksi 2. Pagpapalit ng Ponema May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin.
  • 181.  1. /d/---/r/ ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.  ma-+dapat =madapat = marapat  ma-+dunong= madunong= marunong May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [an] o [in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/ lapad + an =lapadan =laparan tawid + in = tawidin = tawirin ( pansinin na ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ ay nagaganap kapag ito’y nakapagitan sa dalawang patinig)
  • 182.  /h/ ---/n/ sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsulat ng panlaping/-han/ ay nagiging /n/ /tawah/+an-----/tawahan/---tawanan  /o/---/u/ Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng salita. dugo+ an -------duguan mabango--------mabangung-mabango
  • 183. 3. Metatesis- kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y / ay nilalagyan ng gitlaping-in-, ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon. -in + lipad -----nilipad -in + yaya ----niyaya
  • 184. 4. Pagkakaltas ng ponema -nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala kapag nilalagyan ng hulapi. takip+an=takipan=takpan sara+an = sarahan =sarhan atip+an-=atipan=aptan tanim+an=taniman=tamnan sunod + in - sunodin - sundin dala + han - dalahan - dalhan
  • 185. 5. Paglilipat-diin May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian, maaaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita. hal: basa+-hin----basahin ka+sama+han---kasamahan laro+an---laruan (lugar) hal: iwas ,sira ,lapat iwasan, sirain, lapatan-naiiba ang bigkas, dahilan sa paglilipat-diin nagbabago ang salita ang nagbabago ng diin kapag ito ay nilapian.
  • 186. 6. Reduplikasyon Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami. hal. aalis matataas magtataho pupunta masasaya naglalakad
  • 187. Hatiin ang klase sa tig-anim na miyembro at gawin ang mga sumusunod(10 pts) Pagbibigay ng mga sariling halimbawa ng mga pagbabagong morpoponemiko. (tig-5 sa bawat uri)
  • 188. Kalikasan sa Pakikinig a. Ang Proseso ng Pakikinig b. Mga Gabay Tungo sa Epektivong Pakikinig c. Mga Antas o Lebel ng Pakikinig d. Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig
  • 189. “ When people talk, listen completely. Most people never listen.” Ernest Hemingway
  • 190.
  • 191. Hon, kumusta naman ang trabaho mo? Hmmm! Oo nga hon, nakapapagod ang trapik sa Edsa…tapos ginitgit pa ako sa MRT…kaya ito nagugutom ako masyado…as in..kain na nga tayo… That’s nice, buti ka pa..ako grabe ang nangyari sa akin…
  • 192. Bakit kailangang matuto ang isang tao ng epektibo at kritikal na pakikinig? Bakit kailangang linangin ng bawat isa ang kanyang kasanayan sa pakikinig? Mamili ka sa mga sumusunod. Alin ang nanaisin mo? Karunungan o kamangmangan? Impormasyon o Mis-impormasyon? Pakikisangkot o Pagwawalang-bahala? Kawilihan o Pagkabagot? Kaligayahan o Kalungkutan? MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG
  • 193.  Pagdinig- ito ay isang pisikal na proseso ng pagkatal ng sound waves sa ating eardrums at ang paglabas ng mga elektro-kemikal na impulses mula sa loob ng tainga patungo sa sentral na awditoryo ng ating utak. Ito rin ay isang pisyolohikal na proseso ng pagdekoda ng tunog.  Pakikinig-ito ay ang paglalaan ng matamang atensyon, at ang pag-unawa sa ating napakikinggan.  50% lamang ang ating napapakinggan, matapos ang dalawang araw, kalahati na lamang nito ang ating natatandaan o 25% lamang ng orihinal na mensahe. “ Lost Art”-lagi nang nakakaligtaang kasanayan.
  • 194.  Maaliw- ang buong benepisyo ng pakikinig ay isang kapakinabangang napapasaatin bilang bahagi ng pagbibigay-kasiyahan o aliw sa mga tagapakinig;  Maglikom ng mga impormasyon at kaalaman-ang mga kaalamang ibinabahagi ng tagapagsalita at kabang- yaman sa isipan ng tagapakinig;  Magsuri-hinihingi ang pagsusuri sa mga mapakinggan bago gumawa ng aksyon o desisyon.
  • 195.  Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.  Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.
  • 196. Yagang (1993) ang pakikinig ay kakahayang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap. Howatt at Dakin (1994) nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa diin, gramatika, talasalitaan at pagpapakahulugan sa sinabi ng tagapagsalita.
  • 197. Mahalaga ang pakikinig sa ating pang- araw-araw na gawain. Sinabi nina Wilga Rivers (1981) na makalawang beses tayong nakikinig kaysa nagsasalita, makaapat na beses kaysa nagbabasa at makalimang beses kaysa nagsusulat. Kapag tayo’y marunong makinig, madali tayong masasanay sa pagsasalita sapagkat ang ating napakinggan ay masasabi natin nang mabuti.
  • 198. Mahikayat na magsalita ang kabilang panig. Magbigay ng ganap na pakikinig. Pagtanggap sa karapatan ng ibang tao na masabi ang mga ideya o niloob. Tumanggap ng mga impresyon at impormasyon na kapaki-pakinabang at maaaring magamit.
  • 199.  Ang pakikinig at isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.  Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting palagayan.  Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig. (sa pag-aaral na isinasagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita)
  • 200.  Sa loob ng silid-aralan mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa sa aktibong makilahok sa kanila.  45% ay nagagamit sa pakikinig  30% ay sa pagsasalita  16% ay sa pagbabasa  9% naman sa pagsulat
  • 201.  Alamin ang layunin sa pakikinig  Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan  Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan  Maging isang aktibong kalahok  Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita  Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig  Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
  • 202.
  • 204. 1. Deskriminatibo • Matukoy ang pagkakaiba at di-pasalitang paraan ng komunikasyon. • Binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita. 2. Komprehensibo • Maunaawaan ang kabuuan ng mensahe. • Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
  • 205.  3. Paglilibang • Upang malibang o aliwin ang sarili. • Ginagawa para sa sariling kasiyahan.  4. Paggamot • Matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.  5. Kritikal/Masusi/Mapanuring Pakikinig • Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig. • Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig. • Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan.
  • 206. 1. Edad o gulang  Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.  Sa mga edad na o matatanda na ay hindi rin mabuti ang mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga nararamdaman nila sa katawan bunga ng kanilang katandaan.
  • 207. 2. Oras o Malaki rin ang impluwensya ng oras sa pakikinig o Ang isang tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling-araw ay di kasing linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang kamalayan. o May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin epektibo sa mga tagapakinig. o Ang mga estudyante na may klase sa umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa sa mga estudyanteng panghapon.
  • 208. 3. Kasarian Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae  Ang mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansirili silang interes.  Ang mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag.  Higit na mahaba ang pasensya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang mainip.
  • 209. 4. Tsanel  Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropo, radyo atbp.  Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
  • 210. 5. Kultura Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig.  Ang pananalangin ng ating mga kapatid na katutubo ay iba sa panalangin nating mga kristiyano parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura.  Sa panayam, may mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
  • 211. 6. Konsepto sa sarili  Ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari niyang magamit sa pagkontra o pagsang- ayon sa sinasabi ng tagapagsalita.  Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-mabuting katapusan.
  • 212. 7. Lugar Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng pagkainis at kawalan ng ganang makinig ng mga tagapakinig.
  • 213. 1. Eager Beaver Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong. 2. Tiger Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
  • 214. 3. Sleeper Siya ang tipo ng tagapanakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig. 4. Bewildered Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa narinig. Kapansin- pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
  • 215. 5. Frowner Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
  • 216. 6. Relaxed Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.
  • 217. 7. Busy bee Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig. 8. Two-eared Listener Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
  • 218.  Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang matigas na damdamin.  Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig sa kanya.  Maiiwasan ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di- pagkakasunduan kung nakikinig sa bawat nagsasalita  Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig.  Matutuklasan ang mga kahinaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat masusuri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng masusing pakikinig.
  • 219. o Ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan. o Ang mga marurunong lamang daw ang mahuhusay makinig. o Hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig.
  • 220. Pagbuo ng maling kaisipan Pagkiling sa opinyon Pagkakaibaiba ng pakahulugan Pisikal na dahilan Pagkakaiba ng kultura Suliraning pansarili
  • 221. 1. Atensyon –upang mapaunlad ang atensyon, kailangang makinig lagi sa mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagbibigay pokus sa mga tono at ingay na naririnig sa kapaligiran. Gawin ito sa araw-araw. 2. Pagkilatis sa Pakikinig- ito ay nangangailangan ng pakikinig sa mga tunog at pagsusuri nito batay sa uri, taas ng tono at lakas at bilis ng tunog ayon sa batayang nabanggit. 3. Pakikinig nang pang-unawa- ito ay paraan ng pagsasalin at pag-uugnay ng mga tunog, uri, taas at baba ng tinig, lakas o hina nito, bilis at bagal ng pagbigkas tungo sa simbolong pangkaisipan.
  • 222.  Sagutin 1. Ano ang inyong pananaw tungkol sa pakikinig? 2. Bakit mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pakikinig? 3. Paano nagaganap ang proseso ng pakikinig? 4. Anong uri ng pakikinig ang mga talakayan sa klase? Bakit? 5. Ano ang kaugnayan ng kapaligiran sa pakikinig?
  • 223. I. Makinig ng pang-umagang balita sa radyo o manood ng telebisyon. Itala ang mahahalagang detalyeng binanggit gaya ng sumusunod: Ano: ________________________________________ Sino: ______________________________________ Kailan: ____________________________________ Bakit: _____________________________________ Paano: ___________________________________ (15 pts)
  • 224. II. “Upuan”ni Gloc-9 - Suriin ang nilalaman nito. Ibigay ang mga simbolong ginamit sa awit. (15 pts) III. Magteyp ng ilang patalastas na narinig sa radyo at telebisyon tungkol sa kalidad ng produkto. Magbigay ng reaksyon tungkol dito (10 pts)
  • 225. “ Talk low, talk slow, and don’t talk too much” -John Wayne-
  • 227. Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap. Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: nagsasalita at ang kinakausap.
  • 228. 1. Kaalaman- “ You cannot say what you do not know” kailangan ay may sapat na kaalaman hinggil sa iba’t ibang bagay. a. paksa ng pinag-uusapan b. sapat na kaalaman sa gramatika para sa epektivong paggamit ng mga salita sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggagalingan ng wikang ginagamit
  • 229.  2. Kasanayan a. sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon (presence of mind) b. sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyong di- berbal c. sapat na kasanayan sa 4 na genre ng pagpapahayag: pagsasalaysay, paglalahad, pangangatwiran at paglalarawan
  • 230. 3. Tiwala sa Sarili Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo. Nagiging mahina ang tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-utal, nanginginig, naninigas o umiiwas ng tingin. Madalas din itong kabado lalo na sa harap ng pangkat o publiko. Nahihirapan din silang papaniwalain ang ibang tao dahil mismo sa kanilang sarili ay wala silang tiwala.
  • 231.  Tinig- ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Kinakailangan ng tinig na mapanghikayat at nakakaakit pakinggan.  Bigkas- napakahalagang wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangang matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita. Dahil ang maling pagbigkas ng mga salita ay maaaring magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo pa’t ang wika natin ay napakaraming mga homonimo.
  • 232. o Tindig Sa isang tagapagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-pambigkasan napakahalaga ng tindig. May tikas mula ulo hanggang paa. Magiging kapani-paniwala at kalugod-lugod sa paningin ng mga tagapakinig. o Kumpas Ang kumpas ng kamay ay importante upang hindi magmukhang robot o tuod ang isang tagapagsalita. o Kilos Ang ilang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw kagaya ng mata, balikat, paa at ulo.
  • 233. Naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita; Nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao; Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensya ng saloobin ng nakikinig; at Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
  • 234. Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos ./pagsasagawa ng pakikipanayam:  Pakikipagtipan sa kakapanayamin, pagtatakda ng araw, oras, at lugar na maluwag sa kakapanayamin.  Pagtatala ng mga katanungan na maaaring itanong sa kakapanayamin.  Maging maayos sa pananamit at dumating sa takdang oras.  Maging magalang, makinig nang mataman at magpakita ng kawilihan.  Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang.  Magpasalamat sa kinakapanayam pagkatapos ng interbyu.
  • 235. 1).Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan. 2)Makibahagi,huwag matakot maglahad ng katotohanan, huwag manatiling tahimik. 3)Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan. 4) Magkaroon ng bukas na isipan. 5) Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katwiran ng higit na nakararami., 6) Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit sa mga kasama.
  • 236. Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas. Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore: 1) Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan. 2) Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati.
  • 237.  Pinaghandaang talumpati  Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperesya Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.
  • 238. 1) Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita nang maayos kapag nakaharap sa maraming tao. 2) Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig. 3) Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan. 4) Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati.
  • 239.  Magkaroon ng positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita at kinakabahan sa mga unang segundo o minuto ng pagsasalita.  Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.  Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maaari ring magtagumpay.
  • 240.  Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.  Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi mo susubukan.  Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hanggang sa malaking madla.  Isiping ang mga madlang tagapakinig at palakaibigan at hindi mapanghusga.  Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.
  • 241. Gamit ang kasunod na tseklist, iebalweyt ang iyong kakayahan sa pagsasalita sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa kahon ng katangiang iyong taglay. Matapos ay ilista ang mga paraang iyong magagawa o maipapangako upang malinang ang katangiang hindi mo nilagyan ng tsek. (may kalakip na kopya)
  • 242. Kahulugan at kahalagahan ng Pagbasa:  Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.  Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.  Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.  Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di- inaasahang suliranin sa buhay.
  • 243.  Kahulugan at kahalagahan ng Pagbasa:  Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.  Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay ng tanong lamang sa mga salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.  Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.