SlideShare a Scribd company logo
1 of 13
Download to read offline
Modyul 4: Batas Militar:Banta sa Demokrasya
Mga Paksa:
1. Deklarasyon ng Batas Militar
2. Kawalan ng Karapatang Pantao
3. Pagtutol sa Batas Militar
Tema:
D.Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala
Bilang ng oras: Anim (6)
Alignment Matrix
Paksa

1. Deklarasyon ng
Batas Militar

Sanggunian

Larawan ni Pang.
Marcos ng ideklara
ang Batas Militar

Ano ang kakayahang
nakapaloob
sa sanggunian?
1.

Sipi ng Proklamasyon
ng 1081
2.
Halaw sa Diary ni
Pangulong Marcos
“In his own words:
Marcos on martial
law”
3.
Mga Bahagi ng
Saligang Batas ng
1973 at 1987
Ilang Mahalagang
Probisyong ng
Saligang Batas ng
1973 at 1987

4.

5.

2. Kawalan ng
Karapatang Pantao

Mga Imahe ng Batas
Militar

6.

Desaparecidos

7.

Naipapaliwanag ang
ibat ibang pananaw
ukol sa dahilan at
layunin ng
pagdeklara ng batas
militar
Nakapagtataya ng
kabisaan ng mga
pananaw ukol sa
dahilan at layunin
ng paghayag ng
batas militar
Nailalarawan ang
pagbabago sa
pamamalakad at
patakaran ng
gobyerno sa ilalim
ng batas militar
Natutukoy ang
epekto ng mga
pagbabagong ito sa
kalayaan ng bayan
Nakapagtataya sa
paraan ng paggamit
ng kapangyarihan
ng gobyerno noong
batas militar
Naipaliliwanag ang
kalagayan ng
karapatang pantao
sa panahon ng
batas military sa
pamamagitan ng
pagsulat ng
sanaysay
Naiuugnay ng
karapatang pantao

1

Saang gawain
makakamit ang
kakayahan?
Gawain 1

Anong level of
assessment
nakapaloob ang
gawain?
Knowledge

Gawain 2

Knowledge and
Skills

Gawain 4

Process

Gawain 5

Knowledge and
Process
Process and
Understanding
Understanding

2

Knowledge/Skills
Process

Gawain 3

Bilang ng
Oras

Gawain 6
Gawain 7

2
sa kalayaan at
demokrasya

3. Pagtutol sa Batas
Militar

Talambuhay ni
Jovito Salonga
Talumpati ng
Kagalang-galang
Benigno S. Aquino III
Pangulo ng Pilipinas
Ukol sa ika-40
anibersaryo ng
deklarasyon ng Batas
Militar

8.

Naipaliliwanag ang
pagtutol sa batas
militar tungo sa
malaya at
demokratikong
pamamalakad
9. Nakabubuo ng
paglalahat tungkol
sa tungkulin ng
gobyerno at ng
bawat isa na
ipatupad ang
karapatang pantao
10. Nakakukuha at
nakahihinuha ng
impormasyon mula
sa ibat ibang
primaryang
sanggunian

Gawain 8

Understanding

Gawain 9

Understanding

Gawain 10

Understanding

Gawain 11

Understanding

Pagganyak:
a. Gaganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng isang sitwasyon na
ipagpapalagay ng mga mag-aaral na kanilang gagampanan. Ito ay ilalahad sa paraang
patanong.
Kung ikaw ang pangulo ng bansa, ano ang iyong gagawin kung laganap ang kaguluhan
sa iyong nasasakupan bunsod ng mga malawakang kilos protesta ng iba’t ibang sektor ng
lipunan at mga rebeldeng grupo?
Ang sitwasyong naibigay sa mag-aaral ay nahahawig sa kinaharap ni dating Pang.Marcos na
nagbigay daan sa paghahayag nito ng Batas Militar.
b. Magbibigay ang mag-aaral ng limang mungkahing solusyon ukol dito gayundin ang maaaring
epekto nito. Ilalahad nila ang kanilang sagot sa pamamagitan ng chart.
c. Sasali ang mga mag-aaral sa grupo at ibabahagi ang kanyang mga nabuong kasagutan. Bubuo ng
kaisahan mula sa kanilang mga naging kasagutan. Ibabahagi sa klase ang kanilang mga
napagkasunduang sagot.

Inaasahang Sagot:
Suliranin
1.

Malawakang kilos
protesta ng ibat ibang
sektor ng lipunan

Mungkahing
Solusyon

Positibong Epekto

Mahinahong
pakikipag-usap sa
mga lider na
nagkikilos protesta

2

Pagkakasundo

Negatibong Epekto

2
Paggamit ng mga
kapulisan upang
tapusin/mapigilan
ang protesta
Rebeldeng grupo

Pagdaraos ng Peace
Talk

Mapakikinggan ang
mga hinaing ng mga
rebelde na
magbibigay daan sa
pagkakasundo

Pagtugis sa mga
rebeldeng grupo

2.

Mapipigilan ang
pagiging marahas ng
mga nagpoprotesta

Paghina ng pwersa
ng mga rebeldeng
grupo

Maaaring may mga
masaktan sa hanay ng
mga nagpoprotesta

Pananatili ng suliranin
sa kapayapaan

Mungkahing Gawain sa Pagganyak:
A.

Ipagawa ang gawain sa small group discussion na iiuulat din sa klase pagkatapos.

B. Gumamit ng mga larawan kaugnay sa mga suliraning tinukoy upang higit itong
maunawaan ng mga mag-aaral.

Pagtalakay sa Panimula:
a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimula. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
mga tanong na titiyak sa kanilang pag-unawa sa binasa.
b. Magbigay ng maikling pagsusulit pagkatapos ng talakayan.
Pagsuri sa mga Sanggunian:
Deklarasyon ng Batas Militar
Sanggunian 1:
a. Ipabasa ang Sanggunian 1 – Proklamasyon 1081.
b. Bigyang-diin ang mga salita na nasa glosari.
c. Ipasagot ang Gawain bilang 1,2, 3, at 4.
Gawain 1: Kuha Mo?
1. Ipabuod sa mga mag-aaral ang kanilang binasang sipi sa pamamagitan ng pagbuo nila sa 3-2-1
Chart na kanilang pupunan.

3
2. Ipaalala sa mga mag-aaral na mayroon silang laya na maglahad sa bawat kolum ng chart ng kahit
ilan sa kanilang nais o nalalaman.
3. Ang gawain ay maaaring ipagawa ng pangkatan.
4. Bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral o pangkat na maipaliwanag ang kanilang panig sa mga
kasagutan na inilahad sa 3-2-1 chart habang sila ay nagbabahagi sa klase.
5. Tiyakin na ang mga katanungan na nananatili sa kanilang isipan ay mabibigyan ng kasagutan.
Hayaan ang mga kamag-aral nito na makapagbigay ng kasagutan sa mga tanong na ito. Maging
alerto sa pagtugon sa mga binigay na sagot ng klase gayundin sa mga di kayang sagutin ng klase.
Inaasahang sagot sa Pamprosesong Tanong:
1. Paglakas ng pwersa ng mga rebeldeng grupo sa bansa, malawakang mga kilos protesta,
paglaganap ng krimen, at kaguluhan sa Mindanao.
2. Ang deklarasyon ng batas militar ay legal sapagkat ito ay nakasaad sa Article VII, Section
10,Paragraph 2 of the 1935 Constitution.
3. Mahalaga ang ginampanan ng Armed Forces of the Philippines ( AFP ) sa panahong pinairal
ang batas militar sapagkat sila ang naging instrumento ng pamahalaan sa pagpapanatili ng
kaayusan at kapayapaan sa bansa.
4. May laya ang mga mag-aaral dito na magpasya batay sa kanyang pananaw. Mahalagang
mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang batayan upang matiyak na katanggap-tanggap ang
kanyang pinaniniwalaan.
Gawain 2: Alam ko at Dama Ko.
1. Gamit ang Thinking at the Right Angle Chart itatala ng mga mag-aaral ang 10 datos na
kanilang natutuhan mula sa sangguniang binasa. Ito ay maaaring terminolohiya,
pangalan ng tao at lugar, petsa at iba pa.
2. Kaugnay ng mga datos na kanilang napili, ilalagay din nila sa chart ang katumbas na
saloobin nila sa bawat isa.
3. Pabigyang paliwanag sa mag-aaral ang kadahilanan ng kanilang mga naging kasagutan sa
chart.
4.

Sa pagtatapos ng gawain, mahalagang magabayan ang mga mag-aaral sa pagpapasya
kung tama ba o mali ang pagpapairal ng batas militar ni Pang. Marcos.
Sanggunian 2:
1. Ipabasa ang Sanggunian 2 – Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “ In His Own
words: Marcos on Martial Law

4
2.

Pabigyang puna sa mga mag-aaral ang mahahalagang kaganapan sa bawat araw ng
diary sa pamamagitan ng pagtatala sa kanilang kwaderno mahahalagang
impormasyon.

Gawain 3: Pag-isipan Natin
1. Pangkatin ang klase at atasan silang pag-usapan at sagutin ang Tri-Dimensional
Question batay sa kanilang binasang sanggunian.
2. Ilahad ng bawat pangkat ang kanilang mga naging kasagutan sa tanong.
Inaasahang Sagot:
1. Ang mga pangyayaring naging batayan ni Pang. Marcos sa pagdedeklara ng Batas
Militar ang kaguluhang hatid ng mga rebeldeng grupo, mga kilos protesta at pagambush kay Sec. Juan Ponce Enrile.( Bigyan ng laya ang mga mag-aaral na
pangatwiranan kung sapat ba o hindi ang mga ito para sa naging pasya ng dating
pangulo.)
*Paalala: Bigyan diin at paliwanag di ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa bago
inihayag ang Batas Militar.
2. Si Sen. Aquino ng Liberal Party ay nakipag-isa sa Communist Party ni Jose Maria
Sison.Tumanggi rin ang senador na makipagpulong sa dating pangulo para sa
kapakanan ng sambayanang Pilipino. (Bigyan ng laya ang mga mag-aaral kung sangayon ba sila o hindi sa nakasaad na ito sa diary ni Pang.Marcos.)
*Paalala: Ilahad at ipaunawa sa mga mag-aaral ang mahalagang ginampanan ni
Sen. Aquino sa panahon ng Batas Militar.
3. Hayaang magkaroon ng malayang kalakalan ang mga mag-aaral sa matalinong
pagsubaybay ng guro.
Sanggunian 3:
1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Mga Bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas
1973 at 1987
2. Tiyaking mabibigyang - puna ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng bawat
saligang batas at probisyon nito kaugnay sa Sangay Tagapagpaganap at
Tagapagbatas.
3. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang pagbabago sa balangkas at
kapangyarihang taglay ng Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas.

5
Gawain 4: Kayang-Kaya Ko Ito!
1. Paghahambingin ng mga mag-aaral ang Saligang Batas 1973 at 1987 gamit ang
Compare and Contrast Diagram na kanilang pupunan.
2. Matapos buuin ng mga mag-aaral ang diagram ay kanila itong ihahayag sa klase
para sa talakayan.
Inaasahang Sagot:
Pagkakatulad: Nagtataglay ang saligang batas na halos magkatulad na bilang
mga artikulo at mga pamagat

Kaugnay sa:
Binubuo ng 17 artikulo

Mga Bahagi

Binubuo ng 18 Artikulo

Sangay Tagapagpaganap
Ang pangulo ay halal ng mga
kagawad ng Pambansang
Asamblea.

(Paraan ng Paghalal)

Ang pangulo at pangalawang
pangulo ay halal ng mga
kwalipikadong botante.

Pangulo, Prime Minister,
Gabinete

(Bumubuo)

Pangulo, Pangalawang Pangulo,
Gabinete

Walang tiyak na taning ang
panunungkulan

(Katangian)

May tiyak na taning ang
panunungkulan

Pangulo: Simbolikong puno ng
estado

(Kapangyarihan)

Prime Minister:Pinuno ng
pamahalaan, may
kapangyarihang tagapagpaganap
sa tulong ng gabinete,
commander-in-chief ng

6

Pangulo: Pinuno ng estado,
tagapagpaganap at commanderin-chief ng sandatahang lakas
sandatahang lakas, may control
sa ministry, humirang ng
kawanihan ng sandatahang
lakas, suspindihin ang pribilehiyo
ng writ of habeas corpus,
ipailalim sa martial law ang
bansa, magkaloob ng amnesty sa
pagsang-ayon ng pambansang
Asamblea

Sangay Tagapagbatas
Halal ng taumbayan

(Paraan ng Paghalal)

Halal ng taumbayan

Pambansang Asamblea

(Bumubuo)

Senado at Kapulungan ng mga
Kinatawan

Isang Kapulungan

(Katangian)

Dalawang Kapulungan

Paggawa ng batas, pagbubuwis,
pagpasa ng laang gugugulin,
pagbawi sa kompiyansa sa Prime
Minister, paghayag ng
pagkakaroon ng kalagayang
digma

(Kapangyarihan)

Paggawa ng batas, pagbubuwis,
paglalaan ng gugugulin ng
pamahalaan, pagpapahayag ng
pagiral ng kalagayang digma

*Paalala: Gabayan ang mga mag-aaral na makita at maunawaan ang pagkakaiba sa balangkas ng Sangay
Tagapagpaganap at Tagapagbatas ng Saligang Batas 1973 at 1987. Ipaunawa din ang epektong hatid ng
pagkakalikha ng Saligang Batas 1973 sa panunungkulan ni Pangulong Marcos.
Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong:
1. Artikulo VII at VIII ng Saligang Batas 1973 na katumbas naman ng Artikulo VI at VII ng Saligang
Batas 1987.
2. Nabago nito ang balangkas ng pambansang pamahalaan at napalawig ang kanyang termino ng
pamamahala.
3. Hayaan ang mga mag-aaral na makapagpasya kung alin sa dalawang Saligang Batas ang sa
palagay nila ay mahusay. Tiyakin lamang na ang mga ito ay makapaglalahad ng mga suporta sa
kanilang sagot batay sa sanggunian.

7
Kawalan ng Karapatang Pantao
Sanggunian 4:
1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang sanggunian- Mga Imahe ng Batas Militar.Ito ay nagpapakita ng
ilan sa mga larawang kuha noong umiiral ang batas militar sa bansa.
2. Inaasahang makabubuo ng paglalarawan ang mga mag-aaral buhat sa kanilang sinuri.
Gawain 4: Picture Talk
1. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang interpretasyon mula sa larawan.
Inaasahang sagot:
Larawan A: Ito ay pahayagan na nagpapakita ng pangunahing balita ng pagdeklara ni
Pang.Marcos ng Martial Law. Ang saloobin ay maaaring pagkalungkot bunsod ng mga
sumunod na epektong dulot nito.
Larawan B: Isang babaeng dinadakip na posibleng mamamahayag.Ang saloobin ay maaaring
pagkalito at pagkalungkot sa posibleng dahilan ng ginawang pag-aresto.
Larawan C: Isang sugatang lalaki na buhat ng mga pulis. Ang saloobin ay maaaring
pagkaawa bunsod ng tinamong hirap at sugat ng lalaki.
Larawan D: Kilos protesta para sa katarungan kay Ninoy at sa mga biktima ng political
repression at military terrorism.Ang saloobin ay pagkaawa sa mga biktima at poot para sa
mga militar.
Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong:
1. Maaaring nakadama ng pangamba ang mga mamamayan sapagkat di nila batid ang tiyak
na mangyayari matapos ipahayag ito.
2. Marahil ang mga mamamahayag ay patuloy na naglalahad ng mga balita na di naiibigan
ng pamahalaan.( Ang pagsang-ayon o hindi ng mga mag-aaral sa usaping ito ay batay sa
kanilang panuntunan sa buhay.Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral na
maunawaan ang kondisyon ng bayan noong panahong iyon .)
3. Hindi.Sapagkat ang pagsasagawa ng mga kilos protesta ay bahagi ng demokratikong
sistema na kumikilala sa karapatang makapagpahayag ang mga mamamayan.
Oo. Kung ang mga kilos protesta ay nakapagdudulot ng kaguluhan at kapahamakan sa
nakararami.
4. Nasupil ang kalayaan at karapatan ng mga mamamayan noong panahon ng Batas
Militar.

8
5. Oo. May mga kilos protesta pa rin na isinasagawa sa lansangan upang tutulan ang mga
maling gawa ng pamahalaan.
Sanggunian 4:
1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Desaparecidos
2. Bigyang diin ang salita sa glosari.
3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain:
Gawain 6: Usap Tayo
1. Pangkatin ang klase.Hayaan ang mga ito na pag-usapan ang kanilang naunawaan mula
sa sangguniang binasa.
2. Pasagutan sa bawat pangkat ang mga tanong sa chart matapos ang kanilang talakayan.
3. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na mailahad ang kanilang mga kasagutan sa
bawat tanong.
Inaasahang Sagot sa Chart:
1. Buong tapang at tatag ng loob na hinarap ni Cecilia Castellar-Lagman ang pagkawala ng
kanyang anak.Nakipag-ugnayan din siya sa iba pang pamilya na tulad niya ay nawala din
ang mahal sa buhay.
2. Pinalakas ng FIND ang kalooban ng pamilya ng mga desaparecidos.Nagsulong din ito ng
panawagan para sa pagsasabatas ukol sa desaparecidos.
3. Pinatunayan nito na mula sa panahon ni Pang.Marcos hanggang sa kasalukuyang
pangulo ay may mga naitatalang kaso ng desaparecidos.
Paalala: Iugnay sa bilang na ito ang pagkakaroon ng mga tinatawag na extra judicial
killing sa kasalukuyang panahon. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng sanhi ng pagkawala ng mga tao noon sa kasalukuyan.
4. Oo.Sapagkat sila ay nanindigan sa kanilang mga panawagang pagbabago sa pamahalaan
na naging sanhi ng kanilang di maipaliwanag na pagkawala.
5. Hindi.Sapagkat walang tahasang naparusahan at nanagot sa pagkawala ng kanilang mga
kapamilya.
Gawain 7: Maaalala Mo Pa Kaya?
1. Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pakikipanayam (interview) sa mga taong
nabuhay noong panahong umiral ang batas militar.Gagamiting gabay sa panayam ang
katanungan sa modyul. Ang mga kakapanayamin ay maaaring primarya o sekondaryang
9
sanggunian na sa nasabing kaganapan. Hangarin ng gawaing ito na higit pang mapalalim
ang paksang tinalakay sa klase.Ang pagkuha ng larawan, video, voice recording, at lagda
ng kinapanayam ay higit na makabubuti kung papahintulutan nito.
2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang naging karanasan at nakalap na impormasyon
mula sa ginawang panayam.
Pagtutol sa Batas Militar
Sanggunian 6
1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Talambuhay ni Jovito Salonga
2. Bigyang diin ang salita sa glosari.
3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain:
Gawain 8: Siya ang Bida!
1. Ipabuo sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap batay sa kanilang
naunawaan sa nabasang sipi. Sa bawat pangungusap ay bubuo sila ng limang (5) sariling
pangungusap. Dapat matiyak na ang mga idurugtong ng mga mag-aaral sa mga
halimbawang pangungusap ay bubuo sa diwa nito at nababatay sa sangguniang binasa.
2. Ipabahagi sa klase ang mga nabuong halimbawa ng mag-aaral.
Inaaasahang Sagot
Si Senador Jovito R. Salonga noong…..
A. panahong umiiral ang Batas Militar sa bansa ay…hayagang kumontra sa diktador na si
Pang.Marcos,tumutol sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, pagsupil sa karapatan
sa pamamahayag at kawalan ng proseso ng batas, nagsilbing abogado ni Ninoy Aquino at iba
pang bilanggong politikal, nagtatag ng Lingap Ministry, tumulong sa paglaya ng bilanggong
politikal.
B. matapos maganap ang Edsa Revolution ay…itinalaga bilang Chairman ng PCGG ni Pang
Corazon Aquino,muling naihalal bilang No. 1 Senador noong 1987, nakalikha ng mga
mahahalagang batas, binigyang wakas ang pananatili ng mga dayuhang militar sa bansa
C. matapos magretiro sa paglilingkod sa pamahalaan ay…nagtatatag ng Kilos Bayan
Foundation, Bantay Katarungan, Bantayog ng mga Bayani Foundation, naglimbag ng mga
aklat tungkol sa kanyang mga karanasan, naging editorial board ng Living News and Good
Education.
Gawain 9: Tuklasin Mo: Pagsasaliksik
1. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, aalamin ng mga mag-aaral ang iba pang personalidad
na tumutol sa Batas Militar ni Pangulong Marcos .Alamin ang kanilang mahalagang

10
ginampanan noong panahon ng Batas Militar. Layunin ng gawaing ito na mapalawak pa
ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa pangyayari. Gagamit ang mga mag-aaral ng iba
pang babasahin at internet websites sa gawain.
2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang nakalap na datos sa ginawang pagsasaliksik , gamit ang
napiling graphic organizer.
3. Ilalahad ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang mga gawa bago ipasa sa guro.
Gawain 10: Quotable Quotes:
1. Bibigyan ng paliwanag ng mga mag-aaral ang mga winika ng ilan sa mga personalidad na
nabuhay ng panahon ng Batas Militar.
2. Ilalahad sa klase ng mga mag-aaral ang kanilang mga gawa.
Inaasahang Sagot
1. “The Filipino is worth dying for.”
Hindi nakakapanghinayang ibuwis ang buhay para sa bayan at mga kababayan.

2. “All those years of struggle against Marcos, and most especially during those four historic
days in February, everyone found out that in the Philippines, the line of fire is the place of
honor”
Isang karangalan sa bayan ang mga taong lumaban at di nag paapi kay dating Pang. Marcos
at nakiisa sa makasaysayang EDSA Revolution.
3. “Ngayon ay panahon na ng paglilimi at pag-iisip. Sapat na ang mga hirap na ating dinaranas.
Kaya’t panahon na para magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan! Ang kailangan nang
mangibabaw ay ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN. Ang mga mapag-api at
mapagsamantala ay walang puwang sa lipunang pangarap para sa atin ng Dakilang
Lumikha!”
Dapat manatili ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN palagi at supilin ang mga
mapang-api.
Sanggunian 7
1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – : Halaw sa Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S.
Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas
Militar.
2. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain:

11
Gawain 11: Three- Minute-Pause

1. Ipabubuo sa mga mag-aaral ang Three- Minute-Pause Chart mula sa sangguniang
kanilang binasa.
Inaasahang Sagot
Ibuod ang mahahalagang
puntos/ kaisipan

Idagdag ang iyong sariling
mga saloobin

Magtala ng mga tanong na
nangangailangan ng
pagpapaliwanag

Ayon sa talumpati ng
Pangulo Benigno S.Aquino III
hindi
naging
mabuti
kailanman ang Batas Militar
na pinairal ni dating
Pangulong Marcos.

Maraming mga naging
kaganapan noong
panahon ng Batas Militar
ang hindi naisiwalat sa tao
lalo sa kasalukuyang
henerasyon.

Paano maituturo nang
tama at maayos sa mga
kabataan ang tunay na
pangyayari ng panahon ng
Batas Militar?

2. Ang mga katanungan nabuo ng mga mag-aaral sa kolum 3 ng tsart ay maaaring
pasagutan sa mga kamag-aral nito sa pamamagitan ng pamamatnubay ng guro.
Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong
1. Nais ni Pang. Aquino III na linawin ang mga maling paniniwala noong Batas Militar, nais niya ring
hikayatin ang lahat na huwag kalimutan ang aral ng Batas Militar.
2. Oo. Sapagkat ang mga hindi magandang karanasan ng mamamayan sa mga nakalipas na
pangyayari ay hindi na dapat pang maulit at sa halip ay kapulutan ng aral.

Produkto/Pagganap. Pagsulat ng Sanaysay.
1. Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang sanaysay tungkol sa Batas Militar at Karapatang Pantao.
2. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang nagawang sanaysay sa isang buong papel.
3.

Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang gawa sa klase.

4. Mamarkahan ang nagawang sanaysay ng mga mag-aaral gamit ang rubric.

12
13

More Related Content

Similar to 4th qtr module 4 tg

Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario
Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosarioModyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario
Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosarioJared Ram Juezan
 
ArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptxArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptxMaryGraceOaferina
 
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxMARIFEORETA1
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocxDLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocxMaryJoyRobis1
 
Ugnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang Militar
Ugnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang MilitarUgnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang Militar
Ugnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang Militarsalvadormontoya12
 
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosarioModyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosarioJared Ram Juezan
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfrochellelittaua
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg南 睿
 

Similar to 4th qtr module 4 tg (20)

Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario
Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosarioModyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario
Modyul 4 batas militar teachers guide a.del rosario
 
ArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptxArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptx
 
AP6-Q3-MODYUL3.pdf
AP6-Q3-MODYUL3.pdfAP6-Q3-MODYUL3.pdf
AP6-Q3-MODYUL3.pdf
 
PPT AP COT.pptx
PPT AP COT.pptxPPT AP COT.pptx
PPT AP COT.pptx
 
4th qtr module 4
4th qtr module 44th qtr module 4
4th qtr module 4
 
Quarter 4, module 4
Quarter 4, module 4Quarter 4, module 4
Quarter 4, module 4
 
q4, m2 TG
q4, m2 TGq4, m2 TG
q4, m2 TG
 
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocxDLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 6_Q3_W5.ssssssssdocx
 
Ugnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang Militar
Ugnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang MilitarUgnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang Militar
Ugnayang Pilipino-Amerikano at Kasunduang Militar
 
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosarioModyul 4 batas militar learners module a.del rosario
Modyul 4 batas militar learners module a.del rosario
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
 
q3, m2 TG
q3, m2 TGq3, m2 TG
q3, m2 TG
 
4th qtr module 5 tg
4th qtr module 5 tg4th qtr module 5 tg
4th qtr module 5 tg
 
Q3 module 2 tg
Q3 module 2 tgQ3 module 2 tg
Q3 module 2 tg
 
AP week 6.pptx
AP week 6.pptxAP week 6.pptx
AP week 6.pptx
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
4th qtr module 3 tg
4th qtr module 3 tg4th qtr module 3 tg
4th qtr module 3 tg
 
Ap 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarterAp 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarter
 
Ap 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarterAp 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarter
 

More from Juan Carlos Mendoza (12)

Presentation2
Presentation2Presentation2
Presentation2
 
4th qtr module 5
4th qtr module 54th qtr module 5
4th qtr module 5
 
4th qtr module 3
4th qtr module 34th qtr module 3
4th qtr module 3
 
4th qtr module 2
4th qtr module 24th qtr module 2
4th qtr module 2
 
4th qtr module 2 tg
4th qtr module 2 tg4th qtr module 2 tg
4th qtr module 2 tg
 
4th qtr module 1
4th qtr module 14th qtr module 1
4th qtr module 1
 
4th qtr module 1 tg
4th qtr module 1 tg4th qtr module 1 tg
4th qtr module 1 tg
 
Q3 module 2
Q3 module 2Q3 module 2
Q3 module 2
 
Q3 module 1
Q3 module 1Q3 module 1
Q3 module 1
 
Q3 module 1 tg
Q3 module 1 tgQ3 module 1 tg
Q3 module 1 tg
 
Q3 module 3
Q3 module 3Q3 module 3
Q3 module 3
 
K to 12 Araling Panlipunan Grading System ppt
K to 12 Araling Panlipunan Grading System pptK to 12 Araling Panlipunan Grading System ppt
K to 12 Araling Panlipunan Grading System ppt
 

4th qtr module 4 tg

  • 1. Modyul 4: Batas Militar:Banta sa Demokrasya Mga Paksa: 1. Deklarasyon ng Batas Militar 2. Kawalan ng Karapatang Pantao 3. Pagtutol sa Batas Militar Tema: D.Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala Bilang ng oras: Anim (6) Alignment Matrix Paksa 1. Deklarasyon ng Batas Militar Sanggunian Larawan ni Pang. Marcos ng ideklara ang Batas Militar Ano ang kakayahang nakapaloob sa sanggunian? 1. Sipi ng Proklamasyon ng 1081 2. Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “In his own words: Marcos on martial law” 3. Mga Bahagi ng Saligang Batas ng 1973 at 1987 Ilang Mahalagang Probisyong ng Saligang Batas ng 1973 at 1987 4. 5. 2. Kawalan ng Karapatang Pantao Mga Imahe ng Batas Militar 6. Desaparecidos 7. Naipapaliwanag ang ibat ibang pananaw ukol sa dahilan at layunin ng pagdeklara ng batas militar Nakapagtataya ng kabisaan ng mga pananaw ukol sa dahilan at layunin ng paghayag ng batas militar Nailalarawan ang pagbabago sa pamamalakad at patakaran ng gobyerno sa ilalim ng batas militar Natutukoy ang epekto ng mga pagbabagong ito sa kalayaan ng bayan Nakapagtataya sa paraan ng paggamit ng kapangyarihan ng gobyerno noong batas militar Naipaliliwanag ang kalagayan ng karapatang pantao sa panahon ng batas military sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay Naiuugnay ng karapatang pantao 1 Saang gawain makakamit ang kakayahan? Gawain 1 Anong level of assessment nakapaloob ang gawain? Knowledge Gawain 2 Knowledge and Skills Gawain 4 Process Gawain 5 Knowledge and Process Process and Understanding Understanding 2 Knowledge/Skills Process Gawain 3 Bilang ng Oras Gawain 6 Gawain 7 2
  • 2. sa kalayaan at demokrasya 3. Pagtutol sa Batas Militar Talambuhay ni Jovito Salonga Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar 8. Naipaliliwanag ang pagtutol sa batas militar tungo sa malaya at demokratikong pamamalakad 9. Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa tungkulin ng gobyerno at ng bawat isa na ipatupad ang karapatang pantao 10. Nakakukuha at nakahihinuha ng impormasyon mula sa ibat ibang primaryang sanggunian Gawain 8 Understanding Gawain 9 Understanding Gawain 10 Understanding Gawain 11 Understanding Pagganyak: a. Gaganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbigay ng isang sitwasyon na ipagpapalagay ng mga mag-aaral na kanilang gagampanan. Ito ay ilalahad sa paraang patanong. Kung ikaw ang pangulo ng bansa, ano ang iyong gagawin kung laganap ang kaguluhan sa iyong nasasakupan bunsod ng mga malawakang kilos protesta ng iba’t ibang sektor ng lipunan at mga rebeldeng grupo? Ang sitwasyong naibigay sa mag-aaral ay nahahawig sa kinaharap ni dating Pang.Marcos na nagbigay daan sa paghahayag nito ng Batas Militar. b. Magbibigay ang mag-aaral ng limang mungkahing solusyon ukol dito gayundin ang maaaring epekto nito. Ilalahad nila ang kanilang sagot sa pamamagitan ng chart. c. Sasali ang mga mag-aaral sa grupo at ibabahagi ang kanyang mga nabuong kasagutan. Bubuo ng kaisahan mula sa kanilang mga naging kasagutan. Ibabahagi sa klase ang kanilang mga napagkasunduang sagot. Inaasahang Sagot: Suliranin 1. Malawakang kilos protesta ng ibat ibang sektor ng lipunan Mungkahing Solusyon Positibong Epekto Mahinahong pakikipag-usap sa mga lider na nagkikilos protesta 2 Pagkakasundo Negatibong Epekto 2
  • 3. Paggamit ng mga kapulisan upang tapusin/mapigilan ang protesta Rebeldeng grupo Pagdaraos ng Peace Talk Mapakikinggan ang mga hinaing ng mga rebelde na magbibigay daan sa pagkakasundo Pagtugis sa mga rebeldeng grupo 2. Mapipigilan ang pagiging marahas ng mga nagpoprotesta Paghina ng pwersa ng mga rebeldeng grupo Maaaring may mga masaktan sa hanay ng mga nagpoprotesta Pananatili ng suliranin sa kapayapaan Mungkahing Gawain sa Pagganyak: A. Ipagawa ang gawain sa small group discussion na iiuulat din sa klase pagkatapos. B. Gumamit ng mga larawan kaugnay sa mga suliraning tinukoy upang higit itong maunawaan ng mga mag-aaral. Pagtalakay sa Panimula: a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimula. Talakayin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong na titiyak sa kanilang pag-unawa sa binasa. b. Magbigay ng maikling pagsusulit pagkatapos ng talakayan. Pagsuri sa mga Sanggunian: Deklarasyon ng Batas Militar Sanggunian 1: a. Ipabasa ang Sanggunian 1 – Proklamasyon 1081. b. Bigyang-diin ang mga salita na nasa glosari. c. Ipasagot ang Gawain bilang 1,2, 3, at 4. Gawain 1: Kuha Mo? 1. Ipabuod sa mga mag-aaral ang kanilang binasang sipi sa pamamagitan ng pagbuo nila sa 3-2-1 Chart na kanilang pupunan. 3
  • 4. 2. Ipaalala sa mga mag-aaral na mayroon silang laya na maglahad sa bawat kolum ng chart ng kahit ilan sa kanilang nais o nalalaman. 3. Ang gawain ay maaaring ipagawa ng pangkatan. 4. Bigyan ng pagkakataon ang mag-aaral o pangkat na maipaliwanag ang kanilang panig sa mga kasagutan na inilahad sa 3-2-1 chart habang sila ay nagbabahagi sa klase. 5. Tiyakin na ang mga katanungan na nananatili sa kanilang isipan ay mabibigyan ng kasagutan. Hayaan ang mga kamag-aral nito na makapagbigay ng kasagutan sa mga tanong na ito. Maging alerto sa pagtugon sa mga binigay na sagot ng klase gayundin sa mga di kayang sagutin ng klase. Inaasahang sagot sa Pamprosesong Tanong: 1. Paglakas ng pwersa ng mga rebeldeng grupo sa bansa, malawakang mga kilos protesta, paglaganap ng krimen, at kaguluhan sa Mindanao. 2. Ang deklarasyon ng batas militar ay legal sapagkat ito ay nakasaad sa Article VII, Section 10,Paragraph 2 of the 1935 Constitution. 3. Mahalaga ang ginampanan ng Armed Forces of the Philippines ( AFP ) sa panahong pinairal ang batas militar sapagkat sila ang naging instrumento ng pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa. 4. May laya ang mga mag-aaral dito na magpasya batay sa kanyang pananaw. Mahalagang mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang batayan upang matiyak na katanggap-tanggap ang kanyang pinaniniwalaan. Gawain 2: Alam ko at Dama Ko. 1. Gamit ang Thinking at the Right Angle Chart itatala ng mga mag-aaral ang 10 datos na kanilang natutuhan mula sa sangguniang binasa. Ito ay maaaring terminolohiya, pangalan ng tao at lugar, petsa at iba pa. 2. Kaugnay ng mga datos na kanilang napili, ilalagay din nila sa chart ang katumbas na saloobin nila sa bawat isa. 3. Pabigyang paliwanag sa mag-aaral ang kadahilanan ng kanilang mga naging kasagutan sa chart. 4. Sa pagtatapos ng gawain, mahalagang magabayan ang mga mag-aaral sa pagpapasya kung tama ba o mali ang pagpapairal ng batas militar ni Pang. Marcos. Sanggunian 2: 1. Ipabasa ang Sanggunian 2 – Halaw sa Diary ni Pangulong Marcos “ In His Own words: Marcos on Martial Law 4
  • 5. 2. Pabigyang puna sa mga mag-aaral ang mahahalagang kaganapan sa bawat araw ng diary sa pamamagitan ng pagtatala sa kanilang kwaderno mahahalagang impormasyon. Gawain 3: Pag-isipan Natin 1. Pangkatin ang klase at atasan silang pag-usapan at sagutin ang Tri-Dimensional Question batay sa kanilang binasang sanggunian. 2. Ilahad ng bawat pangkat ang kanilang mga naging kasagutan sa tanong. Inaasahang Sagot: 1. Ang mga pangyayaring naging batayan ni Pang. Marcos sa pagdedeklara ng Batas Militar ang kaguluhang hatid ng mga rebeldeng grupo, mga kilos protesta at pagambush kay Sec. Juan Ponce Enrile.( Bigyan ng laya ang mga mag-aaral na pangatwiranan kung sapat ba o hindi ang mga ito para sa naging pasya ng dating pangulo.) *Paalala: Bigyan diin at paliwanag di ang kalagayang pangkabuhayan ng bansa bago inihayag ang Batas Militar. 2. Si Sen. Aquino ng Liberal Party ay nakipag-isa sa Communist Party ni Jose Maria Sison.Tumanggi rin ang senador na makipagpulong sa dating pangulo para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino. (Bigyan ng laya ang mga mag-aaral kung sangayon ba sila o hindi sa nakasaad na ito sa diary ni Pang.Marcos.) *Paalala: Ilahad at ipaunawa sa mga mag-aaral ang mahalagang ginampanan ni Sen. Aquino sa panahon ng Batas Militar. 3. Hayaang magkaroon ng malayang kalakalan ang mga mag-aaral sa matalinong pagsubaybay ng guro. Sanggunian 3: 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Mga Bahagi ng Saligang Batas ng Pilipinas 1973 at 1987 2. Tiyaking mabibigyang - puna ng mga mag-aaral ang mga bahagi ng bawat saligang batas at probisyon nito kaugnay sa Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas. 3. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang pagbabago sa balangkas at kapangyarihang taglay ng Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas. 5
  • 6. Gawain 4: Kayang-Kaya Ko Ito! 1. Paghahambingin ng mga mag-aaral ang Saligang Batas 1973 at 1987 gamit ang Compare and Contrast Diagram na kanilang pupunan. 2. Matapos buuin ng mga mag-aaral ang diagram ay kanila itong ihahayag sa klase para sa talakayan. Inaasahang Sagot: Pagkakatulad: Nagtataglay ang saligang batas na halos magkatulad na bilang mga artikulo at mga pamagat Kaugnay sa: Binubuo ng 17 artikulo Mga Bahagi Binubuo ng 18 Artikulo Sangay Tagapagpaganap Ang pangulo ay halal ng mga kagawad ng Pambansang Asamblea. (Paraan ng Paghalal) Ang pangulo at pangalawang pangulo ay halal ng mga kwalipikadong botante. Pangulo, Prime Minister, Gabinete (Bumubuo) Pangulo, Pangalawang Pangulo, Gabinete Walang tiyak na taning ang panunungkulan (Katangian) May tiyak na taning ang panunungkulan Pangulo: Simbolikong puno ng estado (Kapangyarihan) Prime Minister:Pinuno ng pamahalaan, may kapangyarihang tagapagpaganap sa tulong ng gabinete, commander-in-chief ng 6 Pangulo: Pinuno ng estado, tagapagpaganap at commanderin-chief ng sandatahang lakas
  • 7. sandatahang lakas, may control sa ministry, humirang ng kawanihan ng sandatahang lakas, suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus, ipailalim sa martial law ang bansa, magkaloob ng amnesty sa pagsang-ayon ng pambansang Asamblea Sangay Tagapagbatas Halal ng taumbayan (Paraan ng Paghalal) Halal ng taumbayan Pambansang Asamblea (Bumubuo) Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan Isang Kapulungan (Katangian) Dalawang Kapulungan Paggawa ng batas, pagbubuwis, pagpasa ng laang gugugulin, pagbawi sa kompiyansa sa Prime Minister, paghayag ng pagkakaroon ng kalagayang digma (Kapangyarihan) Paggawa ng batas, pagbubuwis, paglalaan ng gugugulin ng pamahalaan, pagpapahayag ng pagiral ng kalagayang digma *Paalala: Gabayan ang mga mag-aaral na makita at maunawaan ang pagkakaiba sa balangkas ng Sangay Tagapagpaganap at Tagapagbatas ng Saligang Batas 1973 at 1987. Ipaunawa din ang epektong hatid ng pagkakalikha ng Saligang Batas 1973 sa panunungkulan ni Pangulong Marcos. Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong: 1. Artikulo VII at VIII ng Saligang Batas 1973 na katumbas naman ng Artikulo VI at VII ng Saligang Batas 1987. 2. Nabago nito ang balangkas ng pambansang pamahalaan at napalawig ang kanyang termino ng pamamahala. 3. Hayaan ang mga mag-aaral na makapagpasya kung alin sa dalawang Saligang Batas ang sa palagay nila ay mahusay. Tiyakin lamang na ang mga ito ay makapaglalahad ng mga suporta sa kanilang sagot batay sa sanggunian. 7
  • 8. Kawalan ng Karapatang Pantao Sanggunian 4: 1. Ipasuri sa mga mag-aaral ang sanggunian- Mga Imahe ng Batas Militar.Ito ay nagpapakita ng ilan sa mga larawang kuha noong umiiral ang batas militar sa bansa. 2. Inaasahang makabubuo ng paglalarawan ang mga mag-aaral buhat sa kanilang sinuri. Gawain 4: Picture Talk 1. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang interpretasyon mula sa larawan. Inaasahang sagot: Larawan A: Ito ay pahayagan na nagpapakita ng pangunahing balita ng pagdeklara ni Pang.Marcos ng Martial Law. Ang saloobin ay maaaring pagkalungkot bunsod ng mga sumunod na epektong dulot nito. Larawan B: Isang babaeng dinadakip na posibleng mamamahayag.Ang saloobin ay maaaring pagkalito at pagkalungkot sa posibleng dahilan ng ginawang pag-aresto. Larawan C: Isang sugatang lalaki na buhat ng mga pulis. Ang saloobin ay maaaring pagkaawa bunsod ng tinamong hirap at sugat ng lalaki. Larawan D: Kilos protesta para sa katarungan kay Ninoy at sa mga biktima ng political repression at military terrorism.Ang saloobin ay pagkaawa sa mga biktima at poot para sa mga militar. Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong: 1. Maaaring nakadama ng pangamba ang mga mamamayan sapagkat di nila batid ang tiyak na mangyayari matapos ipahayag ito. 2. Marahil ang mga mamamahayag ay patuloy na naglalahad ng mga balita na di naiibigan ng pamahalaan.( Ang pagsang-ayon o hindi ng mga mag-aaral sa usaping ito ay batay sa kanilang panuntunan sa buhay.Mahalagang gabayan ng guro ang mga mag-aaral na maunawaan ang kondisyon ng bayan noong panahong iyon .) 3. Hindi.Sapagkat ang pagsasagawa ng mga kilos protesta ay bahagi ng demokratikong sistema na kumikilala sa karapatang makapagpahayag ang mga mamamayan. Oo. Kung ang mga kilos protesta ay nakapagdudulot ng kaguluhan at kapahamakan sa nakararami. 4. Nasupil ang kalayaan at karapatan ng mga mamamayan noong panahon ng Batas Militar. 8
  • 9. 5. Oo. May mga kilos protesta pa rin na isinasagawa sa lansangan upang tutulan ang mga maling gawa ng pamahalaan. Sanggunian 4: 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Desaparecidos 2. Bigyang diin ang salita sa glosari. 3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain: Gawain 6: Usap Tayo 1. Pangkatin ang klase.Hayaan ang mga ito na pag-usapan ang kanilang naunawaan mula sa sangguniang binasa. 2. Pasagutan sa bawat pangkat ang mga tanong sa chart matapos ang kanilang talakayan. 3. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na mailahad ang kanilang mga kasagutan sa bawat tanong. Inaasahang Sagot sa Chart: 1. Buong tapang at tatag ng loob na hinarap ni Cecilia Castellar-Lagman ang pagkawala ng kanyang anak.Nakipag-ugnayan din siya sa iba pang pamilya na tulad niya ay nawala din ang mahal sa buhay. 2. Pinalakas ng FIND ang kalooban ng pamilya ng mga desaparecidos.Nagsulong din ito ng panawagan para sa pagsasabatas ukol sa desaparecidos. 3. Pinatunayan nito na mula sa panahon ni Pang.Marcos hanggang sa kasalukuyang pangulo ay may mga naitatalang kaso ng desaparecidos. Paalala: Iugnay sa bilang na ito ang pagkakaroon ng mga tinatawag na extra judicial killing sa kasalukuyang panahon. Mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang pagkakatulad at pagkakaiba ng sanhi ng pagkawala ng mga tao noon sa kasalukuyan. 4. Oo.Sapagkat sila ay nanindigan sa kanilang mga panawagang pagbabago sa pamahalaan na naging sanhi ng kanilang di maipaliwanag na pagkawala. 5. Hindi.Sapagkat walang tahasang naparusahan at nanagot sa pagkawala ng kanilang mga kapamilya. Gawain 7: Maaalala Mo Pa Kaya? 1. Ang mga mag-aaral ay magsasagawa ng pakikipanayam (interview) sa mga taong nabuhay noong panahong umiral ang batas militar.Gagamiting gabay sa panayam ang katanungan sa modyul. Ang mga kakapanayamin ay maaaring primarya o sekondaryang 9
  • 10. sanggunian na sa nasabing kaganapan. Hangarin ng gawaing ito na higit pang mapalalim ang paksang tinalakay sa klase.Ang pagkuha ng larawan, video, voice recording, at lagda ng kinapanayam ay higit na makabubuti kung papahintulutan nito. 2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang naging karanasan at nakalap na impormasyon mula sa ginawang panayam. Pagtutol sa Batas Militar Sanggunian 6 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – Talambuhay ni Jovito Salonga 2. Bigyang diin ang salita sa glosari. 3. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain: Gawain 8: Siya ang Bida! 1. Ipabuo sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na pangungusap batay sa kanilang naunawaan sa nabasang sipi. Sa bawat pangungusap ay bubuo sila ng limang (5) sariling pangungusap. Dapat matiyak na ang mga idurugtong ng mga mag-aaral sa mga halimbawang pangungusap ay bubuo sa diwa nito at nababatay sa sangguniang binasa. 2. Ipabahagi sa klase ang mga nabuong halimbawa ng mag-aaral. Inaaasahang Sagot Si Senador Jovito R. Salonga noong….. A. panahong umiiral ang Batas Militar sa bansa ay…hayagang kumontra sa diktador na si Pang.Marcos,tumutol sa korapsyon, paglabag sa karapatang pantao, pagsupil sa karapatan sa pamamahayag at kawalan ng proseso ng batas, nagsilbing abogado ni Ninoy Aquino at iba pang bilanggong politikal, nagtatag ng Lingap Ministry, tumulong sa paglaya ng bilanggong politikal. B. matapos maganap ang Edsa Revolution ay…itinalaga bilang Chairman ng PCGG ni Pang Corazon Aquino,muling naihalal bilang No. 1 Senador noong 1987, nakalikha ng mga mahahalagang batas, binigyang wakas ang pananatili ng mga dayuhang militar sa bansa C. matapos magretiro sa paglilingkod sa pamahalaan ay…nagtatatag ng Kilos Bayan Foundation, Bantay Katarungan, Bantayog ng mga Bayani Foundation, naglimbag ng mga aklat tungkol sa kanyang mga karanasan, naging editorial board ng Living News and Good Education. Gawain 9: Tuklasin Mo: Pagsasaliksik 1. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, aalamin ng mga mag-aaral ang iba pang personalidad na tumutol sa Batas Militar ni Pangulong Marcos .Alamin ang kanilang mahalagang 10
  • 11. ginampanan noong panahon ng Batas Militar. Layunin ng gawaing ito na mapalawak pa ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa pangyayari. Gagamit ang mga mag-aaral ng iba pang babasahin at internet websites sa gawain. 2. Ilalahad ng mga mag-aaral ang nakalap na datos sa ginawang pagsasaliksik , gamit ang napiling graphic organizer. 3. Ilalahad ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang mga gawa bago ipasa sa guro. Gawain 10: Quotable Quotes: 1. Bibigyan ng paliwanag ng mga mag-aaral ang mga winika ng ilan sa mga personalidad na nabuhay ng panahon ng Batas Militar. 2. Ilalahad sa klase ng mga mag-aaral ang kanilang mga gawa. Inaasahang Sagot 1. “The Filipino is worth dying for.” Hindi nakakapanghinayang ibuwis ang buhay para sa bayan at mga kababayan. 2. “All those years of struggle against Marcos, and most especially during those four historic days in February, everyone found out that in the Philippines, the line of fire is the place of honor” Isang karangalan sa bayan ang mga taong lumaban at di nag paapi kay dating Pang. Marcos at nakiisa sa makasaysayang EDSA Revolution. 3. “Ngayon ay panahon na ng paglilimi at pag-iisip. Sapat na ang mga hirap na ating dinaranas. Kaya’t panahon na para magkaroon ng pagbabago sa ating lipunan! Ang kailangan nang mangibabaw ay ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN. Ang mga mapag-api at mapagsamantala ay walang puwang sa lipunang pangarap para sa atin ng Dakilang Lumikha!” Dapat manatili ang KATOTOHANAN, KATARUNGAN AT KALAYAAN palagi at supilin ang mga mapang-api. Sanggunian 7 1. Ipabasa at ipasuri ang sanggunian – : Halaw sa Talumpati ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III Pangulo ng Pilipinas Ukol sa ika-40 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar. 2. Ipasagot ang mga sumusunod na gawain: 11
  • 12. Gawain 11: Three- Minute-Pause 1. Ipabubuo sa mga mag-aaral ang Three- Minute-Pause Chart mula sa sangguniang kanilang binasa. Inaasahang Sagot Ibuod ang mahahalagang puntos/ kaisipan Idagdag ang iyong sariling mga saloobin Magtala ng mga tanong na nangangailangan ng pagpapaliwanag Ayon sa talumpati ng Pangulo Benigno S.Aquino III hindi naging mabuti kailanman ang Batas Militar na pinairal ni dating Pangulong Marcos. Maraming mga naging kaganapan noong panahon ng Batas Militar ang hindi naisiwalat sa tao lalo sa kasalukuyang henerasyon. Paano maituturo nang tama at maayos sa mga kabataan ang tunay na pangyayari ng panahon ng Batas Militar? 2. Ang mga katanungan nabuo ng mga mag-aaral sa kolum 3 ng tsart ay maaaring pasagutan sa mga kamag-aral nito sa pamamagitan ng pamamatnubay ng guro. Inaasahang Sagot sa Pamprosesong Tanong 1. Nais ni Pang. Aquino III na linawin ang mga maling paniniwala noong Batas Militar, nais niya ring hikayatin ang lahat na huwag kalimutan ang aral ng Batas Militar. 2. Oo. Sapagkat ang mga hindi magandang karanasan ng mamamayan sa mga nakalipas na pangyayari ay hindi na dapat pang maulit at sa halip ay kapulutan ng aral. Produkto/Pagganap. Pagsulat ng Sanaysay. 1. Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang sanaysay tungkol sa Batas Militar at Karapatang Pantao. 2. Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang nagawang sanaysay sa isang buong papel. 3. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang gawa sa klase. 4. Mamarkahan ang nagawang sanaysay ng mga mag-aaral gamit ang rubric. 12
  • 13. 13