SlideShare a Scribd company logo
1 of 21
Download to read offline
Modyul 3 – Mga Hamon sa Pamamahala ng Matatag na Republika
Mga Paksa:
1. Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng
Awtonomiya mula sa Pamamahala
2. Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Muslim sa Mindanao
Tema:

D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa

Bilang ng oras: apat (4)
Alignment Matrix
Paksa

Sanggunian

Ano ang kakayahang nakapaloob
sa sanggunian?

Saang gawain
makakamit ang
kakayahan?

Mga Layunin at
Adhikain ng mga
Pangkat-Etniko sa
Cordillera
na
Magkaroon
ng
Awtonomiya mula
sa Pamahalaan

Negotiating for Peace in
Cordilleras
ni Abrino Aydinan , 1992

Natutukoy ang dahilan, layunin at
pamamaraan ng mga katutubo sa Cordillera
sa paghingi ng awtonomiya sa pamahalaan

Gawain 1

Point 8 ng 1973 Draft of
NDF Program

Napahahalagahan ang pagkakaroon ng
pantay na karapatan at partisipasyon ng
mga katutubo sa Cordillera sa pamamahala
upang mapanatili ang katatagan ng
republika
Nasusuri ang kahalagahan ng pagbibigay
proteksiyon ng pamahalaan sa mga katutubo
mula sa mga pagbabagong dulot ng
modernisasyon upang maingatan ang
kanilang lupain at kultura

The Cordillera: Historical
Accounts on Regional
Identity, Development and
Autonomy in Chronology
(1565-2007)
March Faiza, 2012
Ang Dahilan at
Paraan
ng
Pagsulong
ng
Pagsasarili ng mga
Moro sa Mindanao

Pahayag ng mga datu at
demonstrador sa Mindanao
ukol sa integrasyon ng
Mindanao sa Republika ng
Pilipinas
Muslim Separatism: The
Moros and the Malays
W.K. Che Man (1990)

Pahayag ni Senator
Domacao Alonto noong
1955 at 1956 at ni Dr. Cesar
Adib Majul noong 1968

Anong level of
assessment
nakapaloob ang
gawain?
Knowledge
Skill/Process

Bilang
ng
oras

Gawain 2

Knowledge
Skill/Process
Understanding

1

Gawain 3

Knowledge
Skill/Process

Nauunawaan ang dahilan, pananaw at
pamamaraan ng mga pinuno ng mga Muslim
sa pagsulong ng sariling malayang
pamahalaan

Gawain 4

Knowledge
Skill/Process

Natataya ang mga pangyayaring nagbigaydaan sa pagsulong ng mga Muslim ng
sariling pamamahala upang maiwasan ang
karahasan

Gawain 5

Knowledge
Skill/Process
Understanding

Gawain 6

Knowledge
Skill/Process
Understanding

Nauunawaan ang pag-iwas sa marahas na
pamamaraan at gawain bilang pagtugon sa
mga isyung pampolitika, lipunan at
kabuhayan
Napahahalagahan ang pagkakaroon ng
pantay na representasyon sa kasaysayan at
edukasyong akma sa kultura at
pangangailangan ng mga pangkat-etniko

1

1
Liham ni Datu Udtog
Matalam ng Muslim
Independence Movement
kay Pangulong Ferdinand E.
Marcos noong July 26,
1969

Naipakikita ang pagkilala at paggalang sa
karapatan ng mga Muslim sa Pilipinas na
magkaroon ng partisipasyon sa
pamamahala

Gawain 7

Knowledge
Skill/Process
Understanding

Para sa Guro
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga hamon sa pamamahala ng isang matatag na
Republika. Sa araling ito ipinapaliwanag ang pakikibaka ng mga pangkat-etniko sa Cordillera at
Muslim sa Mindanao sa pagsusulong ng sariling pamamahala o awtonomiya. Layunin ng modyul
na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang kultura, paniniwala at kalagayang panlipunan,
pangkabuhayan at pampolitikal ng mga pangkat-etniko sa nabanggit na lugar upang magkaroon
ng tamang perspektibo ukol sa isyung ito na patuloy pa ding kinakaharap ng bansa. Inaasahan
na huhubugin sa mga mag-aaral ang pagiging sensitibo sa kalagayan at relihiyon ng mga
pangkat-etniko upang mas maisulong ang pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa na
magpapatatag sa bansa. Mahalaga ding sanayin ang mga mag-aaral na maging mapanuri at
mapagmuni upang lubos na maisulong ang pagwawaksi sa marahas na pamamaraan ng
pagsusulong ng adhikain at mabuo ng suhesyon kung paano makikipamuhay nang mapayapa sa
mga taong may iba’t ibang kultura. Sa ganito pamamaraan, mahuhubog ang tamang kaisipan,
kasanayan at pagpapahalaga na dapat taglayin sa pagharap sa mga hamon ng bansa.
Pagganyak
a. Ipakita ang dual picture trail ukol sa paniniwala ng mga taga-Cordillera at Muslim ng
Mindanao.
b. Sa pagsusuri ng mga larawan, gamitin ang mga pamprosesong tanong na nasa pahina
____.
Mga inaasahang sagot:
1. Ang mga pangkat-etniko sa itaas na bahagi ay mga taga-Cordillera, ito ay binubuo ng
mga pangkat-etniko na Ifugao, Igorot, Kankanaey, Ibaloi, Isneg, Kalinga, Tingguian at
Bontoc. Samantalang ang mga larawan na nasa ilalim na bahagi ay maaring Maranao,
Tausug, Badjao, Yakan, Samal, Iranun, Kalibugan at Maguindanaon.
2. Ang mga taga-Cordillera ay nag-aalay ng sayaw para sa kanilang Diyos na si Kabungian
samantalang ang mga Muslim naman ay nagpapatirapa (sujud) kay Allah.
*Ang sujud ay tumutukoy sa posisyon ng pagdadasal ng mga Muslim kung saan sila ay
nakaluhod, nakayuko at nakadikit sa lapag ang ulo, ilong, kamay at tuhod.
3. Ito ay maaaring magdulot ng di pagkakaunawaan, kaguluhan, diskriminasyon at labanan
na maaaring maging hamon sa katatagan ng isang pamahalaan.

1
Paalala: Mahalaga ipaliwanag ang kahulugan ng kultura bilang gabay sa pagsagot sa mga
pamprosesong tanong.
Ang kultura ay tumutukoy sa materyal at di-materyal na bagay na gawa ng tao. Ang mga
materyal na kultura ay makikita tulad ng mga gusali, sining, kagamitan at iba pang tulad nito
na gawa na tao. Samantala, ang di-materyal na kultura naman ay tumutukoy sa paniniwala,
tradisyon, relihiyon at iba pang katulad nito (Jose Rizal Sanchez, 2002). Ang pag-unawa sa
kultura ng isang pangkat ay makakatulong sa pag-unawa sa kanilang kamalayan at paguugali.
Mahalaga ring tandaan na ang una at ikalawang larawan na nasa itaas na bahagi ng
picture trail ay tumutukoy sa aspetong pangkultura ng mga taga-Cordillera at ang nasa ilalim
na larawan naman ay ang mga Muslim sa Mindanao.
Inaasahan din na iuugnay ang sagot sa ikatlong bilang sa pangunahing paksa ng modyul.
Maaaring isaad na ang mga nabanggit na sagot sa ikatlong tanong ay mga hamon sa
katatagan ng isang pamahalaan. Mahalagang banggitin na ang mga susunod na babasahing
sanggunian ay makakatulong sa pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa dahilan, layunin at
pamamaraan ng mga taga-Cordillera at Muslim sa Mindanao sa pagsusulong nito ng sariling
pamamahala
Pagtalakay sa Panimula
a. Talakayin ang panimula upang lubos na maunawaan ang kadahilanan at adhikain ng mga
taga-Cordillera at Moro/Muslim sa Mindano sa pagsulong ng sariling pamamahala.
b. Sa talakayan, maaaring gamitin ang sumusunod na istratehiya:
b.1. Flow Chart – Ipatala ang mga hamon na kinaharap ni Pangulong Diosdado
Macapagal sa unang kahon at ipatala naman sa ikalawang kahon ang mga isyung
hinarap ni Pangulong Ferdinand Marcos. Inaasahan na bibigyang-diin na ang mga
hamon sa administrasyon ni Pangulong Macapagal ay minana ni Pangulong Marcos.
Mahalaga ding banggitin na ang huling nabanggit na hamon sa panunungkulan ni
Pangulong Marcos ang bibigyang pokus sa modyul na ito.
Mungkahing Istratehiya
Mga Hamon sa Pamamahala ng Matatag na Republika

Panunungkulan ni Pangulong
Diosdado Macapagal
 Suliranin sa lupa
 Pagbaba ng halaga ng piso
 Mataas na utang panlabas sa IMF at
WB








Panunungkulan ni Pangulong
Fedinand Marcos
Digmaan sa Vietnam
Kahirapan
Pagtataas ng presyo ng bilihin at
langis
Korapsyon sa pamahalaan
Paglakas ng CPP/NPA
Pagsusulong
ng
sariling
pamamahala ng mga taga-Cordillera
at Mindanao

Pigura 1. Flow Chart ng mga Hamon sa Pamamahala nina Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos

b.2. Mind Map - Iminumungkahi na gumamit ng mapa ng Pilipinas upang mapagyaman
ang kaalaman sa heograpiya at ang epekto nito sa pagbubuo ng kasaysayan. Ituro
ang kabuuang sakop ng Cordillera Administrative Region (CAR) at Autonomous
Region of Muslim Mindanao (ARMM). Pagkatapos ay ipasulat sa callout box ang
mga dahilan ng paghahangad ng sariling pamamahala ng mga pangkat-etniko sa
Cordillera at Mindanao.
Mungkahing Istratehiya
 Mapabuti ang kalagayang
panlipunan at kabuhayan
 Mapangalagaan ang mga
lupaing sakop ng kanilang
ninuno (ancestral domain)

 Mapangalagaan ang
karapatanat kultura ng
mga Muslim
 Mabigyang
proteksyon mula sa
diskriminasyon at
karahasan

Pigura 2. Mind Map

c. Gamitin ang mga mungkahing gabay na tanong sa talakayan upang mabuo ang mga
gawain sa mga mungkahing istratehiya:
c.1 Ano ang mga suliraning pangkabuhayan at pampulitikal ang hinarap nina
Pangulong Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos?
c.2. Bakit isinulong ng mga taga-Cordillera at Muslim sa Mindanao ang pagkakaroon
ng sariling pamamahala?
c.3. Maaari bang makaapekto sa katatagan ng isang bansa ang paghahangad ng
sariling pamamahala? Ipaliwanag ang kasagutan.
Makaapekto sa katatagan ng isang bansa ang paghahangad ng sariling
pamamahala ng mga pangkat-etniko dahil ito ay maaaring magdulot ng mga labanan
at karahasan sa bansa.
*Ang mga kasagutan sa bilang 1 ay makikita sa pigura 1 habang ang bilang 2 ay
matutunghayan sa pigura 2.
d. Ipaliwanag ang pangkalahatang tanong sa pagtalakay at pagsusuri ng mga sanggunian sa
modyul. Ang tanong ay “Paano nakaaapekto ang pagkakaroon ng iba’t ibang
pananampalataya at paniniwala sa pamamahala ng isang bansa?.”
e. Maaaring magbigay ng maikling pagsusulit upang malaman kung naunawaan ng mga
mag-aaral ang mahahalagang konsepto ng paksa. Tiyakin na ang bubuuing pagsusulit ay
batay sa aspeto ng pag-unawa.
Pagsuri sa mga Sanggunian
Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng Awtonomiya
sa Pamamahala
Sanggunian 1- Negotiating for Peace in Cordillera ni Abrino Aydinan
a. Ipabasa ang sanggunian 1.
b. Ilahad ang mga salitang nasa glosari upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang
nilalaman ng sanggunian.
c. Iminumungkahing magbigay ang patnubay na mga tanong sa pagbabasa ng sanggunian
upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman nito.
Bahagi ng Sanggunian
Unang Talata

Ikalawang Talata
Ikatlong Talata

Patnubay na Tanong sa Pagbasa ng Sanggunian
Ano ang dahilan ng mga taga-Cordillera sa pagsanib sa
CPP/NPA?
Paano unti-unting lumaganap ang CPP/NPA sa Cordillera?
Bakit humiwalay ang mga lider ng Cordillera sa CPP/NPA?
Ano ang naging posisyon ng CPP/NPA sa pagsusulong ng
awtonomiya ng mga lider sa Cordillera?
Paano isinulong ng mga taga-Cordillera ang kanilang
awtonomiya?

d. Pangkatin ang klase sa lima at bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral na isulat sa
metacards ang sagot sa tanong na nasa loob ng mountain web.
e. Magkaroon ng malayang talakayan sa pagwawasto ng gawain ng bawat pangkat.
Gawain 1 - Akyatin at Alamin Adhikain ng Kapatid Natin!
1. Ignacio Capengsan, Jingjing Carino, Mario Pugong, Moises Linggayo, Fr. Bruno Ortega at Fr.
Conrado Balweg
2. 1970 – paglaganap ng NPA sa Ifugao, Mountain Province at Benguet dahil sa pagnanais na
mapaangat ang kalagayang panlipunan
1974 – paglaganap ng NPA sa Kalinga dahil sa pagtutol sa proyekto ng World Bank sa Ilog ChicoPasil
1979 – pagpasok ng NPA sa Abra dahil sa pagtutol ng Tinguians sa proyekto pang-agrikultura sa
kanilang kagubatan
3. Hangarin nila na mapabuti ang kalagayan at magkaroon ng self-determination o sariling
pagpapasya.
4. Maitaguyod ang sariling pamamahala upang maiwasan ang pang-aapi sa kanilang pangkat at
mapangalagaan ang kanilang kultura at lupain

Sanggunian 2- Point 8 of 1973 Draft of the NDF Program
Sanggunian 3-The Cordillera: Historical Accounts on Regional Identity, Development and
Autonomy in Chronology (1565-2007) ni March Faiza
1. Maaring mamili sa dalawang mungkahing paraan sa pagbabasa ng mga sanggunian at
pagsasagawa ng gawain:
1.1. Ipabasa ang Sanggunian 2 at pangunahan ang pagsagot sa Gawain 2. Maaaring
ipasulat ng guro ang sagot sa metacard at ipaskil ito sa mga bunga ng tree web.
Para sa Sanggunian 3, pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat pangkat ay bibigyan
ng mga sumusunod na taon na kanilang babasahin:
a. 1964
c. 1968
e. 1972
b. 1966
d. 1970
1.2. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at ibigay ang sumusunod na sanggunian at
gawain:
Pangkat
Sanggunian
Gawain
I
Sanggunian 2
Gawain 2
II
Sanggunian 3 – 1964
Gawain 3 – 1964
III
Sanggunian 3 – 1966
Gawain 3 – 1966
IV
Sanggunian 3 – 1968
Gawain 3 – 1968
V
Sanggunian 3 – 1970
Gawain 3 – 1970
VI
Sanggunian 3 – 1972
Gawain 3 – 1972
2. Maaaring gamitin ang sumusunod na pamprosesong tanong upang lalo pang
mapalalalim ang talakayan ng mga sanggunian:
1. Matagumpay ba ang mga proyektong inilunsad ng pamahalaan upang matugunan ang
pangangailangan ng mga taga-Cordillera? Kung oo, maglahad ng patunay. Kung hindi,
ano ang naging dahilan ng pagkabigo nito?
Inaasahang Sagot:
Ang mga proyektong inilunsad ng pamahalaan upang matugunan ang
pangangailangan ng mga taga-Cordillera ay bigo sapagkat ang mga ito ay hindi
naaangkop sa kultura ng mga taga-Cordillera at ang inilaan na pondo para sa
pagpapaunlad ng rehiyon ay hindi nagamit mabuti ng MPDA.
2. Paano makakabuo ang pamahalaan ng mas epektibong programa na aangkop sa mga
indigenous people tulad ng mga taga-Cordillera?
Inaasahang Sagot:
Makakabuo ang pamahalaan ng mas epektibong programa sa mga indigenous
people tulad ng mga taga-Cordillera sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang
kinatawan sa pamahalaan.
Paalala: Ang sagot sa mga tanong na nasa talahanayan ay maaaring iba iba kaya maaaring
tanggapin ang ibang sagot mula sa mga mag-aaral. Himukin ang mga mag-aaral na ilahad ang
kanilang saloobin at ideya ukol sa mga tanong.
Gawain 2 - Pagpapayabong ng Karapatan
1. Mga sagot sa tree web:
a. Mapalaya sa kahirapan
c. Pagkakapantay-pantay ng mga lahi
b. Magpasya para sa kanilang pangkat d. Lumaya sa mapang-aping pamamahala
2. Mga sagot sa tanong sa talahanayan:
a. Upang maiangat ang kanilang kabuhayan at maprotektahan ang sariling kultura at
lupain.
b. Oo, sa bisa ng RA 6766 ay nagkaroon ng awtonomiya ang mga taga-Cordillera
upang maprotektahan ang kanilang kultura at magkaroon ng partisipasyon sa
pamamahala.
c. Oo, sapagkat mahalagang magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala ang lahat ng
tao lalong-lalo na ang mga indigenous people upang maging angkop at sensitibo sa
paniniwala at kultura ang mga programa at patakarang isasabatas ng pamahalaan.
Gawain 3 – Pagtahak sa Nakaraan
Taon
Pangyayari
1964
Komperensya ng Mt.
Economic Council

1966
1968

1970
1972

Bunga
Provincial Nabuo ang MPDA kung saan naglaan
ng 300 milyong piso noong 1966 ang
pamahalaan upang mapaunlad ang
Cordillera
Pagpirma sa RA 4071 at RA 4695
Nagkaroon ng sariling rehiyon ang
Benguet, Ifugao at Kalinga-Apayao
Paghingi ng MPLM na alisin ang Walang nagawang programa ang
MPDA
MPDA at iminungkahi na hayaan na
lamang ang apat na probinsya na
humawak ng pondo ng MPDA
Pagpasok ng NPA sa Cordillera at Isinulong ng ILA at FTL ang
pagtatatag ng ILA at FTL
awtonomiya ng Cordillera
Paglabasa ng Presidential Order 1
Tuluyang nawalan ng awtonomiya
ang mga probinsiya sa Cordillera.
Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Muslim sa Mindanao
Sanggunian 4 - Pahayag ng mga Datu at Demonstrador sa Mindanao ukol sa Integrasyon ng mga
Muslim sa Republika ng Pilipinas
Sanggunian 5 - Muslim Separatism: The Moros and the Malays ni W.K. Che Man
Sanggunian 6 - Pahayag ni Senator Domacao Alonto sa Second National Conference sa Marawi
City noong October 11-16, 1956
Pahayag ni Senator Domacao Alonto sa First National Muslim Convention sa
Cotabato, Cotabato noong Hunyo 8-12, 1955
Pahayag ni Dr. Cesar Adib Majul sa First National Symposium sa UP Diliman,
Quezon City noong December 21, 1968
1. Iminumungkahi ang sumusunod na pamamaraan upang maisagawa ang mga gawain sa
itinakdang oras:
1.1. Ang Sangguniang 4 at Gawain 4 ay maaaring maging bahagi ng panimulang gawain
kung saan pangungunahan ang pagbasa at pagkuha ng sagot mula sa mga mag-aaral.
1.2. Matapos ang panimulang gawain, hatiin ang klase sa anim na pangkat. Banggitin na
ang bawat pangkat ay pipili ng tagapag-tala sa mga sagot na kanilang napagpasyahan.
Iaatas sa bawat pangkat ang mga sumusunod na sanggunian at gawain:
Bilang ng
Pangkat
I
II
III
IV
V
VI

Sanggunian at Bahagi nito
Sanggunian 5 / Jabidah Massacre (1968)
Sanggunian 5 / Manili Massacre (1971)
Sanggunian 5 / Election of 1971
Sanggunian 5 / Declaration of Martial Law in 1972
Sanggunian 6 / Una at Ikatlong Sipi
Sanggunian 6 / Ikalawang Sipi

Gawain
Gawain 5
Gawain 5
Gawain 5
Gawain 5
Gawain 6
Gawain 6

Bigyan ng activity card ang mga pangkat na bubuo ng Gawain 5 upang maisagawa
ang cross examination activity sheet. Habang ang pangkat na itatalaga sa pagbubuo
ng Gawain 6 ay maaaring bigyan ng metacards.
2. Hayaang pumuli ang bawat pangkat ng isang kinatawan upang ipaliwanag ang sagot sa
mga gawain.
Paalala: Upang maiwasan ang pagkalito sa paggamit ng terminolohiya, iminumungkahi na
ipaliwanag na ang pangkat-etnikong Muslim sa Mindanao ay tinatawag ding Moro. Ang salitang
“Moro” ay ginamit ng mga Espanyol sa mga Muslim na nagmula sa Morroco na sumakop sa
kanilang estado. Nang dumating ang mga Espanyol sa bansa ito na din ang salitang ginamit nila
sa mga Muslim sa Timog na bahagi ng Pilipinas.
Maging maingat sa pagtalakay ng Sanggunian 4. Maaring isaad ang sumusunod na
paliwanag sa ni Glang (1969) sa kanyang aklat na “Muslim Session or Integration?” ukol sa
pagkakaroon ng negatibong damdamin ng mga lider na mga Muslim noong 1901 sa mga
Kristiyanong Pilipino. Ayon sa kanya:
“…the Muslim profroundly resented the participation of the Christian converts in
the Spanish-initiated crusade to suppress the religion of Islam. This resentment had
deep effects in the Muslims who regarded these converts as tools of Spain’s dream of
coquest and expansion in Asia. Such resentment could account for their refusal to
accept the appellation “Filipino” and their attitude of indifference and negativism vis-àvis the government.
With the coming of the Americans, the Muslims’ resentment against all forms of
foreign authority was more or less assuaged by a demonstration of altruism. The
American policy of attraction undoubtedly struck a responsive chord in the minds of the
Muslims who had long been exposed to the tyrannies of Spanish military authorities.
Their preference for American rule was evident in the statement of one Datu Amain
Baning of Mindanao who said: “we Moros wish the protection of America. We wish to
stay under the American flag.”
The inference of the statement is clear. Having had unpleasant experience under
the Spanish authorities, the Muslims regarded generally the adoption of Catholicism by
the Filipino converts and Western culture as an acceptance of Spanish political
orientation. So that when the Americans decided to relinquish the Philippines under a
policy of self-determination, the Muslim Filipinos feared that the atrocities of the
Spanish regime would be repeated under the newly oriented political system of the
country, hence the preference for American rule”.
Gawain 4 – Damit ng Pag-Unawa
Pinagmulang
Sipi
Datu Sacaluran
Unnamed
Muslim Datu
Muslim
Demonstrator
in Zamboanga

Dahilan
Di pagnanais na mapunta sa mga
Pilipino ang pamumuno sa Mindanao
Di pagpayag na mapasailalim sa
pamumuno ng mga Pilipino
Pagnanais na magkaroon ng hiwalay
na pamamahala sa Luzon at Visayas

Pamamaraan
Pakikipaglaban
Pakikipaglaban
Paghingi ng pagbubuo ng sariling
pamahalaang hiwalay sa Luzon at
Visayas

Mga inaasahang sagot sa Pamprosesong Tanong
1. Ang ipinakitang reaksiyon o emosyon ay galit at matinding pagtutol sa pagpapailalim sa
pamumuno ng mga Kristiyanong Pilipino.
2. Dahil ang pamumuno ng bansa sa panahong iyon ay hawak lamang ng mga Pilipinong
Kristiyano.
* Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba.
Gawain 5 – Ating Suriin Kamalayang Pangkapayapaan
1. Jabidah Massacre
Lugar: Corregidor
Sangkot sa Pangyayari: Narecruit na mga Moro at Philippine Army
Pangyayari: Pagpatay sa mga Moro
Dahilan: Pagtanggi ng mga Moro sa pagsalakay sa Sabah at takot na mabunyag ang
“Operation Merdeka”
Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay at maipahayag ang posisyong
pampolitikal
Naramdaman sa Pangyayari: Galit, Awa, Inis (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito)
Solusyon ng Pamahalaan: Panagutin ang mga sangkot sa pangyayari at humingi ng
paumanhin sa pamilya ng mga biktima
Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa paninindigan ng kapwa
2. Manili Massacre
Lugar: Manili, North Cotabato
Sangkot sa Pangyayari: Muslim na naninirahan sa Manili at Ilagas
Pangyayari: Pagpatay ng Ilagas sa mga Muslim sa loob ng Mosque
Dahilan: Hidwaang pampolitika
Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay
Naramdaman sa Pangyayari: Galit, Awa, Inis (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito)
Solusyon ng Pamahalaan: Papanagutin ang mga Ilagas
Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa relihiyon at posisyon sa politika ng kapwa
3. Election of 1971
Lugar: Mindanao
Sangkot sa Pangyayari: Ilaga, PMA, Blackshirt at Barracudas
Pangyayari: Karahasan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano
Dahilan: Paglipat ng kapangyarihang pampolitikal sa Mindanao sa mga Kristiyano
Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay at maihayag ang katuyuang
pampolitika
Naramdaman sa Pangyayari: Pagkadismaya (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito)
Solusyon ng Pamahalaan: Pagbuwag sa mga pribadong armadong pangkat ng mga
politiko
Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa posisyon pampolitikal ng kapwa
4. Martial Law
Lugar: Pilipinas
Sangkot sa Pangyayari: Pamahalaan at mga Muslim
Pangyayari: Pagdami ng radikal na pangkat
Dahilan: Pagdedeklara ng Martial Law
Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang umanib sa isang pangkat, maipahayag ang
saloobin at magpagpasa ng petisyon sa pamahalaan
Naramdaman sa Pangyayari: Pagkadismaya, pagkabahala (Tanggapin ang ibang sagot sa
bahaging ito)
Solusyon ng Pamahalaan: Pagpapairal at pagtataguyod sa demokrasya at karapatang
pantao
Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa karapatang pantao at pagmamahal sa
demokrasya
Mga Inaasahang sagot sa pamprosesong tanong:
1. Ang paggalang sa karapatan pantao, relihiyon at paniniwala ay mahalaga upang
maiwasan ang karahasan at mapanatili ang kapayapaan.
2. Maisusulong ang isang mapayapang lipunan sa kabila ng iba’t-ibang kultura sa
pamamagitan ng paggalang sa karapatang pantao at pagiging sensitibo sa kultura ng
iba.
Gawain 6 – Gulong sa Pag-Unawa sa Ugat ng Hidwaan
1. Kasaysayan – Isinantabi ang mga kontribusyon ng mga Muslim sa pagbubuo ng
kasaysayan at pagsusulong ng kasarinlan ng bansa.
- Nakaramdam ang mga Muslim ng diskriminasyon dahil sa bansag na
pirata, mamamatay tao at rebelde.
2. Edukasyon – Hindi angkop ang edukasyon sa kultura at pangangailangan ng mga
Muslim
3. Politika at Ekonomiya – Malayo ang agwat ng katayuang pangkabuhayan at
pampolitikal ng mga Muslim sa mga Kristiyano
Mga inaasahang sagot sa pamprosesong tanong:
1. Upang maramdaman ng mga Muslim na sila ay bahagi ng Pilipinas at
pinapahalagahan ang kanilang kontribusyon sa pagbubuo ng kasaysayan.
2. Mahalaga sa isang tao ang pagkakaroon ng edukasyon upang mapaunlad at
malinang ang kanyang sarili at katayuan sa buhay. Sa ganitong paraan ang isang
indibidwal ay magiging produktibo na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanyang
pamayanan. Kung ang pamayanan ay maunlad kasabay na uunlad din ang bayan.
* Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba.
Sanggunian 7 - Liham ni Datu Udtog Matalam ng Muslim Independence Movement kay
Pangulong Ferdinand E. Marcos noong July 26, 1969
1. Lahat ng mag-aaral ay atasang basahin ang kabuuan ng liham ni Datu Udtog
Matalam kay Pangulong Ferdinand Marcos. Mahalagang ipaliwanag ang mga
mahihirap na salita gamit ang glosari bago ipabasa ang sanggunian.
2. Pangunahan ang pagsagot sa mga kategorya na nasa bangka. Hayaan ang mga
mag-aaral na isulat ang kanilang sagot sa metacards.
3. Matapos mapunan ang bangka, hatiin ang klase sa apat na pangkat upang sagutan
ang mga pamprosesong tanong sa Gawain 7. Ang bawat pangkat ay bibigyan
lamang ng isang tanong na kanilang tatalakayin sa loob ng 5 hanggang 7 minuto
upang isagawa ang brainstorming activity.
4. Hayaan ang bawat pangkat na ibahagi ang kanilang napagkasunduan sagot sa
klase. Gayundin, himukin ang ibang pangkat na magbigay din ng kanilang opinyon
ukol sa mga tanong.
Paalala: Maari sumanggunin sa mga sumusunod na web link upang magkaroon ng mas malalim
pang kaalaman at pag-unawa sa posisyon ng Pamahalaan at mga Muslim sa Mindanao sa Isyu
ng Sabah at Jabidah Massacre.
Web Link ukol sa Isyu ng Sabah
1. Sabah Claim, November 29, 2012, www.epilipinas.com/SabahClaim.htm
2.
Philippine
Claim
Over
Sabah,
November
29,
2012,
bulatidnl.wordpress.com/2012/04/22/on-the-philippines-claim-to-sabah
3.
Sabah,
Juan
Ponce
Enrile,
November
29,
2012,
www.jpenrile.com/advocacies/article.asp?advocacy=reform&folder=speech&article=007
4.
The
Corregidor
Masscre-1968,
Paul
F.
Whiteman,
www.corregidor.org/heritage_battalion/jabidah.html

Gawain 7 – Layag sa Pagsasarili
1. Karanasan ng mga Muslim na nagpasidhi ng Pagnanais ng mga Moro na Magkaroon ng
Sariling Pamamahala:
a. Paggamit sa mga Muslim sa propaganda ng pamahalaan ukol sa isyu ng Sabah noong
June 12, 1968
b. Pagtrato sa mga Muslim bilang second class citizen
c. Pagrehistro ng Philippine Constabulary sa mga Muslim bilang alien o dayuhan
d. Pagpapadala ng sundalo sa Cotabato upang supilin ang naising magkaroon ng
awtonomiya
e. Pagdami ng mga Kristiyano mula sa Luzon at Visayas sa Mindanao
2. Karapatan ng mga Muslim – Katarungan, pagkamit ng kaligayahan, karapatang mabuhay at
maisulong ang katarungan, pantay na pagbibigay ng
oportunidad at paninindigan.
3. Katangian ng mga Muslim – Ang Muslim sa mga isla ng Mindanao, Sulu at Palawan ay
mayroong mayamang kultura at natatanging kasaysayan.
Mga inaasahang sagot sa pamprosesong tanong:
1. Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan ng mga Muslim at naunawaan ang dahilan ng
kanilang ipinaglalabang awtonomiya.
2. Oo, upang mapabuti ang kalagayan at mabigyang proteksyon ang sariling kultura at
relihiyon.
Hindi, dahil maaaring makipag-usap sa mapayapang pamamaraan sa pamahalaan upang
maresolba ang mga isyung nabanggit.
3. Makatwiran dahil nais lamang niyang maprotektahan ang interes ng kanyang kababayan at
mapangalagaan ang kanilang karapatan upang mapaunlad ang kanilang pangkat.
Hindi, sapagkat maari namang maisulong ang kanyang hangarin sa pamamagitan ng
mapayapang pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng pamahalaan.
4. Magkaroon ng kinatawan ang mga Muslim sa pamahalaan upang maingatan ang kanilang
interes at kultura. Mahalaga din na sila ay konsultahin sa mga patakarang papairalin
upang ito ay maging angkop sa kanilang kalagayan at relihiyon.
* Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba.
Produkto / Pagganap
1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at bigyan ang bawat pangkat ng activity card na
nagsasaad ng bahagi ng kasunduan na susuriin.
Pangkat
Kasunduan
I
1, 2, at 3.1
II
3.2, 3.3. at 3.4
III
3.5, 3.6 at 3.7
IV
3.8, 3.9 at 3.10
V
3.11 at 3.12.a hanggang 3.12. d
VI
3.13, 3.14, 3.15 at 3.16
2. Ipaliwanag na ang susuriin ay ang kalakasan at kahinaan ng bawat kasunduan.
3. Maaaring pangunahan ang pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng isang kasunduan upang
magkaroon ng halimbawa ang mag-aaral. Minumungkahi din na bumuo ng mga gabay na
tanong ang guro sa bawat kasunduan upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagsagot
sa katanungan.
4. Bago isagawa ang gawain mahalagang ipaliwanag ang pamantayan sa rubric.
5. Kung hindi sapat ang oras para sa pangkatang gawain, maaaring ibigay ito bilang takdang
aralin at paalalahanan ang bawat pangkat na ibabahagi ang kanilang pagsusuri
kinabukasan.
Mga Inaasahang Sagot:
Unang Pangkat:
Nakalahad na Kasunduan sa
1976 Tripoli Agreement
Kalakasan
The establishment of Autonomy
in the Southern Philippines
within the realm of the
sovereignty
and
territorial
integrity of the Republic of the
Philippines.
The areas of the autonomy for
the Muslims in the Southern
Philippines shall comprise the
following:
1. Basilan
2. Sulu
3. Tawi-Tawi
4. Zamboanga del Sur
5. Zamboanga del Norte
6, North Cotabato
7. Maguindanao
8. Sultan Kudarat
9. Lanao del Norte
10. Davao del Sur
11. South Cotabato
12. Palawan
Foreign Policy shall be of the
competence of the Central
Government of the Philippines.

Kalakasan

Kahinaan

Matitigil
ang
armadong
labanan sa pagitan ng mga
Moro o Muslim dahil sa
pagbibigay ng awtonomiya ng
pamahalaan
sa
kanilang
pangkat.

Maaring may mga batas o
patakaran ang mga Muslim na
naayon sa Shari’ah Law subalit
taliwas sa mga patakarang
itinadhana ng Kongreso.

Ang
mga
Muslim
ay
magkakaroon pagkakataon na
mamahala
sa
kanilang
lalawigan. Sa ganitong paraan
ay magiging angkop sa
kanilang kultura ang mga
patakarang papairalin.

Maaring ang mga patakarang
papairalin ay hindi angkop sa
mga Kristiyanong naninirahan
sa mga lalawigang nabanggit.

Magkakaroon pa din ng isang Maaring
magkaroon
ng
posisyon ang bansa ukol sa pagkakaiba ng opinyon ang
mga isyung panlabas.
pamahalaan at liderato ng
mga Muslim sa mga isyung
kinasasangkutan
ng
mga
Muslim na bansa. Isa sa
halimbawa nito ay ang isyu ng
Sabah.
Ikalawang Pangkat:
Nakalahad na Kasunduan sa
1976 Tripoli Agreement
The National Defense Affairs
shall be the concern of the
Central Authority provided that
the arrangements for the joining
of the forces of the Moro
National Liberation Front with
the Philippine Armed Forces be
discussed later.
In the areas of the autonomy,
the Muslims shall have the right
to set up their own Courts which
implement the Islamic Shari’ah
laws. The Muslims shall be
represented in all Courts
including the Supreme Court.
The representation of the
Muslims in the Supreme Court
shall
be
upon
the
recommendation from the
authorities of the Autonomy and
the Supreme Court. Decrees will
be issued by the President of the
Republic of their appointments
taking into consideration all
necessary qualifications of the
candidates.
Authorities of the autonomy in
the South of the Philippines shall
have the right to set up schools,
colleges
and
universities,
provided that matters pertaining
to the relationship between
these educational and scientific
organs
and
the
general
education system in the state
shall be subject of discussion
later on.

Kalakasan

Kahinaan

Ang
pagsasanib
ng
sandatahang lakas ng Pilipinas
at Moro National Liberation
Front ay isang paraan ng
pagsusulong
ng
mas
matagalang kapayapaan.

Walang
kalinawan
ang
pagpapatupad ng naturang
kasunduan sapagkat hindi
isinaad ang panahon kung
kailan
pag-uusapan
ang
naturang kasunduan.

Ang
pagkakaroon
ng
kinatawan ng mga Muslim sa
sangay ng hudikatura ay
nagpapakita ng hangarin ng
pamamahalaan na maging
makatarungan sa paglilitis sa
mga kasong kinasasangkutan
ng mga Muslim.

Hindi isinaad sa kasunduan na
may kinatawan na Muslim sa
komite na bubuo ng listahan
ng itatalagang hukom sa Korte
Suprema.

Ang edukasyong maibibigay sa Walang kalinawan kung kailan
mga Moro o Muslim ay aakma isasakatuparan ang naturang
sa kanilang pangangailangan, kasunduan.
kultura at relihiyon.
Ikatlong Pangkat:
Nakalahad na Kasunduan sa
1976 Tripoli Agreement
The Muslims shall have their
own administrative system in
compliance with the objectives
of the autonomy and its
institutions. The relationship
between this administrative
system
and
the
Central
administrative system to be
discussed later.

Kalakasan

Kahinaan

Maaaring mapanatili ng mga Hindi isinaad ang magiging
pinunong lokal ang kanilang tungkulin ng pamahalaang
mga titulo sapagkat ang nasyonal sa rehiyon.
bubuuing
pamunuan
ay
naayon sa kanilang kaugalian
at tradisyon. Sa ganitong
paraan
maiiwasan
ang
hidwaang pampolitikal.

The authorities of the autonomy
in the South of the Philippines
shall have their own economic
and financial system. The
relationship
between
this
system
and
the
Central
economic and financial system
of the State shall be discussed
later.

Mas mapapaunlad ang mga
lalawigan sa Mindanao dahil
sa magiging angkop sa
katangian
heograpikal
at
kabuhayan
ang
mga
programang
pangekonomiyang itataguyod
ng kanilang mga pinuno.

Maaring
magkaroon
ng
kalituhan sa tungkulin ang
pamahalaang
sentral
sa
gawaing pang-ekonomiya ng
mga nabaggit na lalawigan
dahil hindi isinaad ito sa
kasunduan.

The authorities of the autonomy
in the South of the Philippines
shall enjoy the right of
representation and participation
in the Central Government and
in all other organs of the State.
The number of representatives
and ways of participation shall
be fixed later.

Maipaparating ng mga Muslim
ang kanilang hinaing sa
pamahalaan at maiingatan ang
kanilang kapakanan dahil
pagkakaroon ng kinatawan sa
pamahalaan.
Magiging
sensitibo din sa kultura at
paniniwala ng mga Muslim ang
itatadhanang
pambansang
batas.

Ang hindi pagsasaad ng tama
at angkop na bilang ng
kinatawan ng mga Muslim sa
pamahalaang
sentral
ay
maaring
makaapekto
sa
pagsasakatuparan ng naturang
kasunduan.
Ika-apat na Pangkat
Nakalahad na Kasunduan sa
1976 Tripoli Agreement
Special Regional Security Forces
are to be set up in the area of
the Autonomy for the Muslims
in the South of the Philippines.
The relationship between these
forces and the Central security
forces shall be fixed later.

A Legislative Assembly and an
Executive Council shall be
formed in the areas of the
Autonomy for the Muslims. The
setting up of the Legislative
Assembly shall be constituted
through a direct election, and
the formation of the Executive
Council shall take place through
appointments by the Legislative
Assembly. A decree for their
formation shall be enacted by
the President of the Republic
respectively. The number of
members of each assembly shall
be determined later on.
Mines and mineral resources fall
within the competence of the
Central Government, and a
reasonable percentage deriving
from the revenues of the mines
and minerals be fixed for the
benefit of the areas of the
autonomy.

Kalakasan

Kahinaan

Ang pagkakaroon ng sariling
sandatahang pangseguridad ay
isang pamamaraan upang
mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan ng mga lalawigan.

Hindi isinaad kung ang bubuo
sa Special Regional Security
Forces ay pawang mga Muslim
o
mayroong
Pilipinong
Kristiyano.
Ang
hindi
pagkakaroon ng malinaw na
ugnayan ng pamahalaan at ng
SRSF ay maaaring magkaroon
pagkalito sa pagtugon sa
suliraning panseguridad ng
mga lalawigan
Makakapili
ang
mga Maaaring mahaluan ng politika
mamamayan ng kinatawan na ang pagpili sa kinatawan sa
sa tingin nila ay nararapat at Executive Council.
may kakayahan na isulong ang
kanilang pangkat.

Ang ilalaang bahagi ng
pamahalaang nasyonal mula
sa minahan sa Mindanao ay
makakatulong
sa
pagtataguyod
ng
mga
programang pangkabuhayan
ng mga lalawigan.

Ang hindi pagsasaad ng
eksaktong paglalaanan ng
pondo mula sa kita ng mga
minahan
ay
maaaring
magbunga ng korapsyon.
Ikalimang Pangkat:
Nakalahad na Kasunduan sa
1976 Tripoli Agreement
A Mixed Committee shall be
composed of representatives of
the Central Government of the
Republic of the Philippines and
the representatives of the Moro
National Liberation Front. The
Mixed Committee shall meet in
Tripoli during the period from
the Fifth of February to a date
not later than the Third of
March 1977. The task of said
Committee shall be charged to
study in detail the points left for
discussion in order to reach a
solution thereof in conformity
with the provisions of this
agreement.
Cease-fire shall be declared
immediately after the signature
of this agreement, provided that
its coming into effect should not
exceed the 20th January 1977. A
Joint Committee shall be
composed of the two parties
with
the
help
of
the
Organization of the Islamic
Conference represented by the
Quadripartite
Ministerial
Commission to supervise the
implementation of the ceasefire.

Kalakasan

Kahinaan

Binibigyang garantiya nito na
ang mga bahagi ng kasunduan
na hindi malinaw ay isasaayos
ng Mixed Committee.

Ang Tripoli sa Libya ay hindi
isang patas na lugar para
pagdausan ng pulong sapagkat
ang pamahalaan ng Libya ay
kilalang
sumusuporta
sa
MNLF.

Ang
pagtatag
ng Joint
Committee ay nagbibigay ng
garantiya na magkakaroon ng
tigil putukan sa pagitan ng
pamahalaan at MNLF. Sa
ganitong
paraan
ay
magkakaroon ng kapayapaan.

Ang pagtigil ng mga labanan sa
nasabing lugar ay maaaring
hindi
maganap
sapagkat
maliban sa MNLF ay mayroong
mga pangkat na nagsusulong
ng awtonomiya mula sa
pamahalaan.

Ang pagbibigay amnestiya,
pagpapalaya sa mga political
prisoner at pagpapabalik sa
mga mamayang tumakas sa
lalawigan dulot ng labanan at
karahasan ay makakatulong
upang
maipakita
ang
The said Joint Committee sensiridad ng pamahalaan sa
shall also be charged with rekonsilyasyon na kanilang
supervising the following:
ibinibigay sa mga Muslim.
a. A complete amnesty in
the
areas
of
the
autonomy
and
the
renunciation of all legal
claims
and
codes
resulting from events
which took place in the
South of the Philippines.
b. The release of all the
political prisoners who
had relations with the
events in the South of
the Philippines.
c. The return of all refugees
who have abandoned
their areas in the South
of the Philippines.
d. To guarantee the
freedom of movements
and meetings.

Ikaanim na Pangkat:
Nakalahad na Kasunduan sa
1976 Tripoli Agreement
A joint meeting be held in
Jeddah during the first week of
the month of March 1977 to
initial what has been concluded
by the Committee referred to in
Para. 11.
The final agreement concerning
the setting up of the autonomy
referred to in the first and
second paragraphs shall be
signed in the City of Manila,
Republic of the Philippines,
between the Government of the
Philippines and Moro National
Liberation Front, and the Islamic
Conference represented by the
Quadripartite
Ministerial
Commission and the Secretary
General of the Organization of
Islamic Conference.

Kalakasan

Kahinaan

Makakatulong
ang
pagpupulong
upang
maunawaan at mabatid ng
dalawang
partido
ang
napagkabuuan
ng
Mixed
Committee.

Hindi isinaad kung maaaring
umapila ang pamahalaan at
MNLF sa napagkabuuan ng
Mixed Committee.

Ang kasunduan ay magiging
makapangyarihan sapagkat ito
ay nilagdaan sa sentro ng
pamahalaan ng bansa.

Maaaring magdulot pa din ito
ng
kaguluhan
sapagkat
maliban sa MNLF mayroong
mga pangkat ng Muslim na
nagsusulong
ng
sariling
Ipinapakita din nito na bagamat pamamahala.
kinilala ng pamahalaan ang
karapatan ng mga Moro at
Muslim sa pamamahala sila ay
bahagi pa din ng Pilipinas.
Maipaparating
sa
mga
mamamayan
ang
napagkasunduan sa pagitan ng
pamahalaan at MNLF sa
pamamagitan ng media.
Immediately after the signature
of the Agreement in Manila, a
Provisional Government shall be
established in the areas of the
autonomy to be appointed by
the President of the Philippines;
and be charged with the task of
preparing for the elections of
the Legislative Assembly in the
territories of the Autonomy; and
administer
the
areas
in
accordance with the provisions
of this agreement until a
Government is formed by the
elected Legislative Assembly.

Ang pagbubuo ng pamahalaan Hindi isinaad
ng Provisional Government na kakatawan sa
mangangasiwa sa eleksiyon ay Government.
paraan ng pagsusulong ng
demokrasya
sa
lalawigan.
Magkakaroon
din
ng
kasiguraduhan
na
maipapatupad
ang
mga
nilalaman ng kasunduan.

The
Government
of
the Sinisigurado nito na naaayon sa
Philippines shall take all Konstitusyon ang proseso ng
necessary
constitutional pagpapatupad ng kasunduan.
processes
for
the
implementation of the entire
Agreement.

ang mga
Provisional

Maaaring may mga probisyon
sa Saligang Batas na hindi
tugma sa batas ng Shari’ah na
siyang sinusunod ng mga
Muslim.

More Related Content

Similar to 4th qtr module 3 tg

This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...EDWINCFUEGO
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosVal Reyes
 
ArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptxArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptxMaryGraceOaferina
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap南 睿
 
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...DarrelPalomata
 
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfangpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfssuser7b7c5d
 
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxMARIFEORETA1
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc南 睿
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01
Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01
Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01BeatriceFaderogao
 
K 12 Grade8 AP LM Q3
K 12 Grade8 AP LM Q3K 12 Grade8 AP LM Q3
K 12 Grade8 AP LM Q3Noel Tan
 
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...KeezhaBorja2
 

Similar to 4th qtr module 3 tg (20)

q4, m2 TG
q4, m2 TGq4, m2 TG
q4, m2 TG
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
 
4th qtr module 2 tg
4th qtr module 2 tg4th qtr module 2 tg
4th qtr module 2 tg
 
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcosAng pamamahala ni ferdinand marcos
Ang pamamahala ni ferdinand marcos
 
ArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptxArPan6-4th quarter week1.pptx
ArPan6-4th quarter week1.pptx
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
 
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...
Grade 6 PPT_Q4_W3_Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan at Pamum...
 
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdfangpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
angpamamahalaniferdinande-120306214812-phpapp01.pdf
 
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptxap6 batas militar [Autosaved].pptx
ap6 batas militar [Autosaved].pptx
 
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdfAP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
 
AP 5 WEEK 7.docx
AP 5 WEEK 7.docxAP 5 WEEK 7.docx
AP 5 WEEK 7.docx
 
Quarter 4, module 4
Quarter 4, module 4Quarter 4, module 4
Quarter 4, module 4
 
AP6-Q3-MODYUL3.pdf
AP6-Q3-MODYUL3.pdfAP6-Q3-MODYUL3.pdf
AP6-Q3-MODYUL3.pdf
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 - Third Quarter Module
 
4th qtr module 2
4th qtr module 24th qtr module 2
4th qtr module 2
 
Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01
Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01
Qtr4module2marielaptffinallmnov29 130929233150-phpapp01
 
K 12 Grade8 AP LM Q3
K 12 Grade8 AP LM Q3K 12 Grade8 AP LM Q3
K 12 Grade8 AP LM Q3
 
Q1W1_AP4.docx
Q1W1_AP4.docxQ1W1_AP4.docx
Q1W1_AP4.docx
 
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
AralingPanlipunan8_Module6_Quarter2_Mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panaho...
 

More from Juan Carlos Mendoza (16)

Presentation2
Presentation2Presentation2
Presentation2
 
4th qtr module 5
4th qtr module 54th qtr module 5
4th qtr module 5
 
4th qtr module 5 tg
4th qtr module 5 tg4th qtr module 5 tg
4th qtr module 5 tg
 
4th qtr module 4 tg
4th qtr module 4 tg4th qtr module 4 tg
4th qtr module 4 tg
 
4th qtr module 3
4th qtr module 34th qtr module 3
4th qtr module 3
 
4th qtr module 1
4th qtr module 14th qtr module 1
4th qtr module 1
 
4th qtr module 1 tg
4th qtr module 1 tg4th qtr module 1 tg
4th qtr module 1 tg
 
4th qtr module 4
4th qtr module 44th qtr module 4
4th qtr module 4
 
Q3 module 3 tg
Q3 module 3 tgQ3 module 3 tg
Q3 module 3 tg
 
Q3 module 2
Q3 module 2Q3 module 2
Q3 module 2
 
Q3 module 2 tg
Q3 module 2 tgQ3 module 2 tg
Q3 module 2 tg
 
Q3 module 1
Q3 module 1Q3 module 1
Q3 module 1
 
Q3 module 1 tg
Q3 module 1 tgQ3 module 1 tg
Q3 module 1 tg
 
Q3 module 3
Q3 module 3Q3 module 3
Q3 module 3
 
K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt
K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions pptK to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt
K to 12 AP Grade 8 Sample Test Questions ppt
 
K to 12 Araling Panlipunan Grading System ppt
K to 12 Araling Panlipunan Grading System pptK to 12 Araling Panlipunan Grading System ppt
K to 12 Araling Panlipunan Grading System ppt
 

4th qtr module 3 tg

  • 1. Modyul 3 – Mga Hamon sa Pamamahala ng Matatag na Republika Mga Paksa: 1. Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng Awtonomiya mula sa Pamamahala 2. Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Muslim sa Mindanao Tema: D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan C. Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa Bilang ng oras: apat (4) Alignment Matrix Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang nakapaloob sa sanggunian? Saang gawain makakamit ang kakayahan? Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng Awtonomiya mula sa Pamahalaan Negotiating for Peace in Cordilleras ni Abrino Aydinan , 1992 Natutukoy ang dahilan, layunin at pamamaraan ng mga katutubo sa Cordillera sa paghingi ng awtonomiya sa pamahalaan Gawain 1 Point 8 ng 1973 Draft of NDF Program Napahahalagahan ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at partisipasyon ng mga katutubo sa Cordillera sa pamamahala upang mapanatili ang katatagan ng republika Nasusuri ang kahalagahan ng pagbibigay proteksiyon ng pamahalaan sa mga katutubo mula sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon upang maingatan ang kanilang lupain at kultura The Cordillera: Historical Accounts on Regional Identity, Development and Autonomy in Chronology (1565-2007) March Faiza, 2012 Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Moro sa Mindanao Pahayag ng mga datu at demonstrador sa Mindanao ukol sa integrasyon ng Mindanao sa Republika ng Pilipinas Muslim Separatism: The Moros and the Malays W.K. Che Man (1990) Pahayag ni Senator Domacao Alonto noong 1955 at 1956 at ni Dr. Cesar Adib Majul noong 1968 Anong level of assessment nakapaloob ang gawain? Knowledge Skill/Process Bilang ng oras Gawain 2 Knowledge Skill/Process Understanding 1 Gawain 3 Knowledge Skill/Process Nauunawaan ang dahilan, pananaw at pamamaraan ng mga pinuno ng mga Muslim sa pagsulong ng sariling malayang pamahalaan Gawain 4 Knowledge Skill/Process Natataya ang mga pangyayaring nagbigaydaan sa pagsulong ng mga Muslim ng sariling pamamahala upang maiwasan ang karahasan Gawain 5 Knowledge Skill/Process Understanding Gawain 6 Knowledge Skill/Process Understanding Nauunawaan ang pag-iwas sa marahas na pamamaraan at gawain bilang pagtugon sa mga isyung pampolitika, lipunan at kabuhayan Napahahalagahan ang pagkakaroon ng pantay na representasyon sa kasaysayan at edukasyong akma sa kultura at pangangailangan ng mga pangkat-etniko 1 1
  • 2. Liham ni Datu Udtog Matalam ng Muslim Independence Movement kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong July 26, 1969 Naipakikita ang pagkilala at paggalang sa karapatan ng mga Muslim sa Pilipinas na magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala Gawain 7 Knowledge Skill/Process Understanding Para sa Guro Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga hamon sa pamamahala ng isang matatag na Republika. Sa araling ito ipinapaliwanag ang pakikibaka ng mga pangkat-etniko sa Cordillera at Muslim sa Mindanao sa pagsusulong ng sariling pamamahala o awtonomiya. Layunin ng modyul na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang kultura, paniniwala at kalagayang panlipunan, pangkabuhayan at pampolitikal ng mga pangkat-etniko sa nabanggit na lugar upang magkaroon ng tamang perspektibo ukol sa isyung ito na patuloy pa ding kinakaharap ng bansa. Inaasahan na huhubugin sa mga mag-aaral ang pagiging sensitibo sa kalagayan at relihiyon ng mga pangkat-etniko upang mas maisulong ang pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa na magpapatatag sa bansa. Mahalaga ding sanayin ang mga mag-aaral na maging mapanuri at mapagmuni upang lubos na maisulong ang pagwawaksi sa marahas na pamamaraan ng pagsusulong ng adhikain at mabuo ng suhesyon kung paano makikipamuhay nang mapayapa sa mga taong may iba’t ibang kultura. Sa ganito pamamaraan, mahuhubog ang tamang kaisipan, kasanayan at pagpapahalaga na dapat taglayin sa pagharap sa mga hamon ng bansa. Pagganyak a. Ipakita ang dual picture trail ukol sa paniniwala ng mga taga-Cordillera at Muslim ng Mindanao. b. Sa pagsusuri ng mga larawan, gamitin ang mga pamprosesong tanong na nasa pahina ____. Mga inaasahang sagot: 1. Ang mga pangkat-etniko sa itaas na bahagi ay mga taga-Cordillera, ito ay binubuo ng mga pangkat-etniko na Ifugao, Igorot, Kankanaey, Ibaloi, Isneg, Kalinga, Tingguian at Bontoc. Samantalang ang mga larawan na nasa ilalim na bahagi ay maaring Maranao, Tausug, Badjao, Yakan, Samal, Iranun, Kalibugan at Maguindanaon. 2. Ang mga taga-Cordillera ay nag-aalay ng sayaw para sa kanilang Diyos na si Kabungian samantalang ang mga Muslim naman ay nagpapatirapa (sujud) kay Allah. *Ang sujud ay tumutukoy sa posisyon ng pagdadasal ng mga Muslim kung saan sila ay nakaluhod, nakayuko at nakadikit sa lapag ang ulo, ilong, kamay at tuhod. 3. Ito ay maaaring magdulot ng di pagkakaunawaan, kaguluhan, diskriminasyon at labanan na maaaring maging hamon sa katatagan ng isang pamahalaan. 1
  • 3. Paalala: Mahalaga ipaliwanag ang kahulugan ng kultura bilang gabay sa pagsagot sa mga pamprosesong tanong. Ang kultura ay tumutukoy sa materyal at di-materyal na bagay na gawa ng tao. Ang mga materyal na kultura ay makikita tulad ng mga gusali, sining, kagamitan at iba pang tulad nito na gawa na tao. Samantala, ang di-materyal na kultura naman ay tumutukoy sa paniniwala, tradisyon, relihiyon at iba pang katulad nito (Jose Rizal Sanchez, 2002). Ang pag-unawa sa kultura ng isang pangkat ay makakatulong sa pag-unawa sa kanilang kamalayan at paguugali. Mahalaga ring tandaan na ang una at ikalawang larawan na nasa itaas na bahagi ng picture trail ay tumutukoy sa aspetong pangkultura ng mga taga-Cordillera at ang nasa ilalim na larawan naman ay ang mga Muslim sa Mindanao. Inaasahan din na iuugnay ang sagot sa ikatlong bilang sa pangunahing paksa ng modyul. Maaaring isaad na ang mga nabanggit na sagot sa ikatlong tanong ay mga hamon sa katatagan ng isang pamahalaan. Mahalagang banggitin na ang mga susunod na babasahing sanggunian ay makakatulong sa pagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa dahilan, layunin at pamamaraan ng mga taga-Cordillera at Muslim sa Mindanao sa pagsusulong nito ng sariling pamamahala Pagtalakay sa Panimula a. Talakayin ang panimula upang lubos na maunawaan ang kadahilanan at adhikain ng mga taga-Cordillera at Moro/Muslim sa Mindano sa pagsulong ng sariling pamamahala. b. Sa talakayan, maaaring gamitin ang sumusunod na istratehiya: b.1. Flow Chart – Ipatala ang mga hamon na kinaharap ni Pangulong Diosdado Macapagal sa unang kahon at ipatala naman sa ikalawang kahon ang mga isyung hinarap ni Pangulong Ferdinand Marcos. Inaasahan na bibigyang-diin na ang mga hamon sa administrasyon ni Pangulong Macapagal ay minana ni Pangulong Marcos. Mahalaga ding banggitin na ang huling nabanggit na hamon sa panunungkulan ni Pangulong Marcos ang bibigyang pokus sa modyul na ito.
  • 4. Mungkahing Istratehiya Mga Hamon sa Pamamahala ng Matatag na Republika Panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal  Suliranin sa lupa  Pagbaba ng halaga ng piso  Mataas na utang panlabas sa IMF at WB       Panunungkulan ni Pangulong Fedinand Marcos Digmaan sa Vietnam Kahirapan Pagtataas ng presyo ng bilihin at langis Korapsyon sa pamahalaan Paglakas ng CPP/NPA Pagsusulong ng sariling pamamahala ng mga taga-Cordillera at Mindanao Pigura 1. Flow Chart ng mga Hamon sa Pamamahala nina Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos b.2. Mind Map - Iminumungkahi na gumamit ng mapa ng Pilipinas upang mapagyaman ang kaalaman sa heograpiya at ang epekto nito sa pagbubuo ng kasaysayan. Ituro ang kabuuang sakop ng Cordillera Administrative Region (CAR) at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Pagkatapos ay ipasulat sa callout box ang mga dahilan ng paghahangad ng sariling pamamahala ng mga pangkat-etniko sa Cordillera at Mindanao.
  • 5. Mungkahing Istratehiya  Mapabuti ang kalagayang panlipunan at kabuhayan  Mapangalagaan ang mga lupaing sakop ng kanilang ninuno (ancestral domain)  Mapangalagaan ang karapatanat kultura ng mga Muslim  Mabigyang proteksyon mula sa diskriminasyon at karahasan Pigura 2. Mind Map c. Gamitin ang mga mungkahing gabay na tanong sa talakayan upang mabuo ang mga gawain sa mga mungkahing istratehiya: c.1 Ano ang mga suliraning pangkabuhayan at pampulitikal ang hinarap nina Pangulong Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos? c.2. Bakit isinulong ng mga taga-Cordillera at Muslim sa Mindanao ang pagkakaroon ng sariling pamamahala? c.3. Maaari bang makaapekto sa katatagan ng isang bansa ang paghahangad ng sariling pamamahala? Ipaliwanag ang kasagutan. Makaapekto sa katatagan ng isang bansa ang paghahangad ng sariling pamamahala ng mga pangkat-etniko dahil ito ay maaaring magdulot ng mga labanan at karahasan sa bansa.
  • 6. *Ang mga kasagutan sa bilang 1 ay makikita sa pigura 1 habang ang bilang 2 ay matutunghayan sa pigura 2. d. Ipaliwanag ang pangkalahatang tanong sa pagtalakay at pagsusuri ng mga sanggunian sa modyul. Ang tanong ay “Paano nakaaapekto ang pagkakaroon ng iba’t ibang pananampalataya at paniniwala sa pamamahala ng isang bansa?.” e. Maaaring magbigay ng maikling pagsusulit upang malaman kung naunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto ng paksa. Tiyakin na ang bubuuing pagsusulit ay batay sa aspeto ng pag-unawa. Pagsuri sa mga Sanggunian Mga Layunin at Adhikain ng mga Pangkat-Etniko sa Cordillera na Magkaroon ng Awtonomiya sa Pamamahala Sanggunian 1- Negotiating for Peace in Cordillera ni Abrino Aydinan a. Ipabasa ang sanggunian 1. b. Ilahad ang mga salitang nasa glosari upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman ng sanggunian. c. Iminumungkahing magbigay ang patnubay na mga tanong sa pagbabasa ng sanggunian upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang nilalaman nito. Bahagi ng Sanggunian Unang Talata Ikalawang Talata Ikatlong Talata Patnubay na Tanong sa Pagbasa ng Sanggunian Ano ang dahilan ng mga taga-Cordillera sa pagsanib sa CPP/NPA? Paano unti-unting lumaganap ang CPP/NPA sa Cordillera? Bakit humiwalay ang mga lider ng Cordillera sa CPP/NPA? Ano ang naging posisyon ng CPP/NPA sa pagsusulong ng awtonomiya ng mga lider sa Cordillera? Paano isinulong ng mga taga-Cordillera ang kanilang awtonomiya? d. Pangkatin ang klase sa lima at bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral na isulat sa metacards ang sagot sa tanong na nasa loob ng mountain web. e. Magkaroon ng malayang talakayan sa pagwawasto ng gawain ng bawat pangkat. Gawain 1 - Akyatin at Alamin Adhikain ng Kapatid Natin! 1. Ignacio Capengsan, Jingjing Carino, Mario Pugong, Moises Linggayo, Fr. Bruno Ortega at Fr. Conrado Balweg 2. 1970 – paglaganap ng NPA sa Ifugao, Mountain Province at Benguet dahil sa pagnanais na mapaangat ang kalagayang panlipunan
  • 7. 1974 – paglaganap ng NPA sa Kalinga dahil sa pagtutol sa proyekto ng World Bank sa Ilog ChicoPasil 1979 – pagpasok ng NPA sa Abra dahil sa pagtutol ng Tinguians sa proyekto pang-agrikultura sa kanilang kagubatan 3. Hangarin nila na mapabuti ang kalagayan at magkaroon ng self-determination o sariling pagpapasya. 4. Maitaguyod ang sariling pamamahala upang maiwasan ang pang-aapi sa kanilang pangkat at mapangalagaan ang kanilang kultura at lupain Sanggunian 2- Point 8 of 1973 Draft of the NDF Program Sanggunian 3-The Cordillera: Historical Accounts on Regional Identity, Development and Autonomy in Chronology (1565-2007) ni March Faiza 1. Maaring mamili sa dalawang mungkahing paraan sa pagbabasa ng mga sanggunian at pagsasagawa ng gawain: 1.1. Ipabasa ang Sanggunian 2 at pangunahan ang pagsagot sa Gawain 2. Maaaring ipasulat ng guro ang sagot sa metacard at ipaskil ito sa mga bunga ng tree web. Para sa Sanggunian 3, pangkatin ang klase sa lima. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng mga sumusunod na taon na kanilang babasahin: a. 1964 c. 1968 e. 1972 b. 1966 d. 1970 1.2. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at ibigay ang sumusunod na sanggunian at gawain: Pangkat Sanggunian Gawain I Sanggunian 2 Gawain 2 II Sanggunian 3 – 1964 Gawain 3 – 1964 III Sanggunian 3 – 1966 Gawain 3 – 1966 IV Sanggunian 3 – 1968 Gawain 3 – 1968 V Sanggunian 3 – 1970 Gawain 3 – 1970 VI Sanggunian 3 – 1972 Gawain 3 – 1972 2. Maaaring gamitin ang sumusunod na pamprosesong tanong upang lalo pang mapalalalim ang talakayan ng mga sanggunian: 1. Matagumpay ba ang mga proyektong inilunsad ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga taga-Cordillera? Kung oo, maglahad ng patunay. Kung hindi, ano ang naging dahilan ng pagkabigo nito? Inaasahang Sagot: Ang mga proyektong inilunsad ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga taga-Cordillera ay bigo sapagkat ang mga ito ay hindi naaangkop sa kultura ng mga taga-Cordillera at ang inilaan na pondo para sa pagpapaunlad ng rehiyon ay hindi nagamit mabuti ng MPDA. 2. Paano makakabuo ang pamahalaan ng mas epektibong programa na aangkop sa mga indigenous people tulad ng mga taga-Cordillera?
  • 8. Inaasahang Sagot: Makakabuo ang pamahalaan ng mas epektibong programa sa mga indigenous people tulad ng mga taga-Cordillera sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kanilang kinatawan sa pamahalaan. Paalala: Ang sagot sa mga tanong na nasa talahanayan ay maaaring iba iba kaya maaaring tanggapin ang ibang sagot mula sa mga mag-aaral. Himukin ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang saloobin at ideya ukol sa mga tanong. Gawain 2 - Pagpapayabong ng Karapatan 1. Mga sagot sa tree web: a. Mapalaya sa kahirapan c. Pagkakapantay-pantay ng mga lahi b. Magpasya para sa kanilang pangkat d. Lumaya sa mapang-aping pamamahala 2. Mga sagot sa tanong sa talahanayan: a. Upang maiangat ang kanilang kabuhayan at maprotektahan ang sariling kultura at lupain. b. Oo, sa bisa ng RA 6766 ay nagkaroon ng awtonomiya ang mga taga-Cordillera upang maprotektahan ang kanilang kultura at magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala. c. Oo, sapagkat mahalagang magkaroon ng partisipasyon sa pamamahala ang lahat ng tao lalong-lalo na ang mga indigenous people upang maging angkop at sensitibo sa paniniwala at kultura ang mga programa at patakarang isasabatas ng pamahalaan. Gawain 3 – Pagtahak sa Nakaraan Taon Pangyayari 1964 Komperensya ng Mt. Economic Council 1966 1968 1970 1972 Bunga Provincial Nabuo ang MPDA kung saan naglaan ng 300 milyong piso noong 1966 ang pamahalaan upang mapaunlad ang Cordillera Pagpirma sa RA 4071 at RA 4695 Nagkaroon ng sariling rehiyon ang Benguet, Ifugao at Kalinga-Apayao Paghingi ng MPLM na alisin ang Walang nagawang programa ang MPDA MPDA at iminungkahi na hayaan na lamang ang apat na probinsya na humawak ng pondo ng MPDA Pagpasok ng NPA sa Cordillera at Isinulong ng ILA at FTL ang pagtatatag ng ILA at FTL awtonomiya ng Cordillera Paglabasa ng Presidential Order 1 Tuluyang nawalan ng awtonomiya ang mga probinsiya sa Cordillera.
  • 9. Ang Dahilan at Paraan ng Pagsulong ng Pagsasarili ng mga Muslim sa Mindanao Sanggunian 4 - Pahayag ng mga Datu at Demonstrador sa Mindanao ukol sa Integrasyon ng mga Muslim sa Republika ng Pilipinas Sanggunian 5 - Muslim Separatism: The Moros and the Malays ni W.K. Che Man Sanggunian 6 - Pahayag ni Senator Domacao Alonto sa Second National Conference sa Marawi City noong October 11-16, 1956 Pahayag ni Senator Domacao Alonto sa First National Muslim Convention sa Cotabato, Cotabato noong Hunyo 8-12, 1955 Pahayag ni Dr. Cesar Adib Majul sa First National Symposium sa UP Diliman, Quezon City noong December 21, 1968 1. Iminumungkahi ang sumusunod na pamamaraan upang maisagawa ang mga gawain sa itinakdang oras: 1.1. Ang Sangguniang 4 at Gawain 4 ay maaaring maging bahagi ng panimulang gawain kung saan pangungunahan ang pagbasa at pagkuha ng sagot mula sa mga mag-aaral. 1.2. Matapos ang panimulang gawain, hatiin ang klase sa anim na pangkat. Banggitin na ang bawat pangkat ay pipili ng tagapag-tala sa mga sagot na kanilang napagpasyahan. Iaatas sa bawat pangkat ang mga sumusunod na sanggunian at gawain: Bilang ng Pangkat I II III IV V VI Sanggunian at Bahagi nito Sanggunian 5 / Jabidah Massacre (1968) Sanggunian 5 / Manili Massacre (1971) Sanggunian 5 / Election of 1971 Sanggunian 5 / Declaration of Martial Law in 1972 Sanggunian 6 / Una at Ikatlong Sipi Sanggunian 6 / Ikalawang Sipi Gawain Gawain 5 Gawain 5 Gawain 5 Gawain 5 Gawain 6 Gawain 6 Bigyan ng activity card ang mga pangkat na bubuo ng Gawain 5 upang maisagawa ang cross examination activity sheet. Habang ang pangkat na itatalaga sa pagbubuo ng Gawain 6 ay maaaring bigyan ng metacards. 2. Hayaang pumuli ang bawat pangkat ng isang kinatawan upang ipaliwanag ang sagot sa mga gawain. Paalala: Upang maiwasan ang pagkalito sa paggamit ng terminolohiya, iminumungkahi na ipaliwanag na ang pangkat-etnikong Muslim sa Mindanao ay tinatawag ding Moro. Ang salitang “Moro” ay ginamit ng mga Espanyol sa mga Muslim na nagmula sa Morroco na sumakop sa kanilang estado. Nang dumating ang mga Espanyol sa bansa ito na din ang salitang ginamit nila sa mga Muslim sa Timog na bahagi ng Pilipinas.
  • 10. Maging maingat sa pagtalakay ng Sanggunian 4. Maaring isaad ang sumusunod na paliwanag sa ni Glang (1969) sa kanyang aklat na “Muslim Session or Integration?” ukol sa pagkakaroon ng negatibong damdamin ng mga lider na mga Muslim noong 1901 sa mga Kristiyanong Pilipino. Ayon sa kanya: “…the Muslim profroundly resented the participation of the Christian converts in the Spanish-initiated crusade to suppress the religion of Islam. This resentment had deep effects in the Muslims who regarded these converts as tools of Spain’s dream of coquest and expansion in Asia. Such resentment could account for their refusal to accept the appellation “Filipino” and their attitude of indifference and negativism vis-àvis the government. With the coming of the Americans, the Muslims’ resentment against all forms of foreign authority was more or less assuaged by a demonstration of altruism. The American policy of attraction undoubtedly struck a responsive chord in the minds of the Muslims who had long been exposed to the tyrannies of Spanish military authorities. Their preference for American rule was evident in the statement of one Datu Amain Baning of Mindanao who said: “we Moros wish the protection of America. We wish to stay under the American flag.” The inference of the statement is clear. Having had unpleasant experience under the Spanish authorities, the Muslims regarded generally the adoption of Catholicism by the Filipino converts and Western culture as an acceptance of Spanish political orientation. So that when the Americans decided to relinquish the Philippines under a policy of self-determination, the Muslim Filipinos feared that the atrocities of the Spanish regime would be repeated under the newly oriented political system of the country, hence the preference for American rule”. Gawain 4 – Damit ng Pag-Unawa Pinagmulang Sipi Datu Sacaluran Unnamed Muslim Datu Muslim Demonstrator in Zamboanga Dahilan Di pagnanais na mapunta sa mga Pilipino ang pamumuno sa Mindanao Di pagpayag na mapasailalim sa pamumuno ng mga Pilipino Pagnanais na magkaroon ng hiwalay na pamamahala sa Luzon at Visayas Pamamaraan Pakikipaglaban Pakikipaglaban Paghingi ng pagbubuo ng sariling pamahalaang hiwalay sa Luzon at Visayas Mga inaasahang sagot sa Pamprosesong Tanong 1. Ang ipinakitang reaksiyon o emosyon ay galit at matinding pagtutol sa pagpapailalim sa pamumuno ng mga Kristiyanong Pilipino.
  • 11. 2. Dahil ang pamumuno ng bansa sa panahong iyon ay hawak lamang ng mga Pilipinong Kristiyano. * Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba. Gawain 5 – Ating Suriin Kamalayang Pangkapayapaan 1. Jabidah Massacre Lugar: Corregidor Sangkot sa Pangyayari: Narecruit na mga Moro at Philippine Army Pangyayari: Pagpatay sa mga Moro Dahilan: Pagtanggi ng mga Moro sa pagsalakay sa Sabah at takot na mabunyag ang “Operation Merdeka” Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay at maipahayag ang posisyong pampolitikal Naramdaman sa Pangyayari: Galit, Awa, Inis (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Panagutin ang mga sangkot sa pangyayari at humingi ng paumanhin sa pamilya ng mga biktima Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa paninindigan ng kapwa 2. Manili Massacre Lugar: Manili, North Cotabato Sangkot sa Pangyayari: Muslim na naninirahan sa Manili at Ilagas Pangyayari: Pagpatay ng Ilagas sa mga Muslim sa loob ng Mosque Dahilan: Hidwaang pampolitika Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay Naramdaman sa Pangyayari: Galit, Awa, Inis (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Papanagutin ang mga Ilagas Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa relihiyon at posisyon sa politika ng kapwa 3. Election of 1971 Lugar: Mindanao Sangkot sa Pangyayari: Ilaga, PMA, Blackshirt at Barracudas Pangyayari: Karahasan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano Dahilan: Paglipat ng kapangyarihang pampolitikal sa Mindanao sa mga Kristiyano Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang mabuhay at maihayag ang katuyuang pampolitika Naramdaman sa Pangyayari: Pagkadismaya (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Pagbuwag sa mga pribadong armadong pangkat ng mga politiko Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa posisyon pampolitikal ng kapwa 4. Martial Law Lugar: Pilipinas Sangkot sa Pangyayari: Pamahalaan at mga Muslim
  • 12. Pangyayari: Pagdami ng radikal na pangkat Dahilan: Pagdedeklara ng Martial Law Karapatang Pantaong Nilabag: Karapatang umanib sa isang pangkat, maipahayag ang saloobin at magpagpasa ng petisyon sa pamahalaan Naramdaman sa Pangyayari: Pagkadismaya, pagkabahala (Tanggapin ang ibang sagot sa bahaging ito) Solusyon ng Pamahalaan: Pagpapairal at pagtataguyod sa demokrasya at karapatang pantao Pagpapahalaga na Natutuhan: Paggalang sa karapatang pantao at pagmamahal sa demokrasya Mga Inaasahang sagot sa pamprosesong tanong: 1. Ang paggalang sa karapatan pantao, relihiyon at paniniwala ay mahalaga upang maiwasan ang karahasan at mapanatili ang kapayapaan. 2. Maisusulong ang isang mapayapang lipunan sa kabila ng iba’t-ibang kultura sa pamamagitan ng paggalang sa karapatang pantao at pagiging sensitibo sa kultura ng iba. Gawain 6 – Gulong sa Pag-Unawa sa Ugat ng Hidwaan 1. Kasaysayan – Isinantabi ang mga kontribusyon ng mga Muslim sa pagbubuo ng kasaysayan at pagsusulong ng kasarinlan ng bansa. - Nakaramdam ang mga Muslim ng diskriminasyon dahil sa bansag na pirata, mamamatay tao at rebelde. 2. Edukasyon – Hindi angkop ang edukasyon sa kultura at pangangailangan ng mga Muslim 3. Politika at Ekonomiya – Malayo ang agwat ng katayuang pangkabuhayan at pampolitikal ng mga Muslim sa mga Kristiyano Mga inaasahang sagot sa pamprosesong tanong: 1. Upang maramdaman ng mga Muslim na sila ay bahagi ng Pilipinas at pinapahalagahan ang kanilang kontribusyon sa pagbubuo ng kasaysayan. 2. Mahalaga sa isang tao ang pagkakaroon ng edukasyon upang mapaunlad at malinang ang kanyang sarili at katayuan sa buhay. Sa ganitong paraan ang isang indibidwal ay magiging produktibo na makatutulong sa pagpapaunlad ng kanyang pamayanan. Kung ang pamayanan ay maunlad kasabay na uunlad din ang bayan. * Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba. Sanggunian 7 - Liham ni Datu Udtog Matalam ng Muslim Independence Movement kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong July 26, 1969 1. Lahat ng mag-aaral ay atasang basahin ang kabuuan ng liham ni Datu Udtog Matalam kay Pangulong Ferdinand Marcos. Mahalagang ipaliwanag ang mga mahihirap na salita gamit ang glosari bago ipabasa ang sanggunian.
  • 13. 2. Pangunahan ang pagsagot sa mga kategorya na nasa bangka. Hayaan ang mga mag-aaral na isulat ang kanilang sagot sa metacards. 3. Matapos mapunan ang bangka, hatiin ang klase sa apat na pangkat upang sagutan ang mga pamprosesong tanong sa Gawain 7. Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng isang tanong na kanilang tatalakayin sa loob ng 5 hanggang 7 minuto upang isagawa ang brainstorming activity. 4. Hayaan ang bawat pangkat na ibahagi ang kanilang napagkasunduan sagot sa klase. Gayundin, himukin ang ibang pangkat na magbigay din ng kanilang opinyon ukol sa mga tanong. Paalala: Maari sumanggunin sa mga sumusunod na web link upang magkaroon ng mas malalim pang kaalaman at pag-unawa sa posisyon ng Pamahalaan at mga Muslim sa Mindanao sa Isyu ng Sabah at Jabidah Massacre. Web Link ukol sa Isyu ng Sabah 1. Sabah Claim, November 29, 2012, www.epilipinas.com/SabahClaim.htm 2. Philippine Claim Over Sabah, November 29, 2012, bulatidnl.wordpress.com/2012/04/22/on-the-philippines-claim-to-sabah 3. Sabah, Juan Ponce Enrile, November 29, 2012, www.jpenrile.com/advocacies/article.asp?advocacy=reform&folder=speech&article=007 4. The Corregidor Masscre-1968, Paul F. Whiteman, www.corregidor.org/heritage_battalion/jabidah.html Gawain 7 – Layag sa Pagsasarili 1. Karanasan ng mga Muslim na nagpasidhi ng Pagnanais ng mga Moro na Magkaroon ng Sariling Pamamahala: a. Paggamit sa mga Muslim sa propaganda ng pamahalaan ukol sa isyu ng Sabah noong June 12, 1968 b. Pagtrato sa mga Muslim bilang second class citizen c. Pagrehistro ng Philippine Constabulary sa mga Muslim bilang alien o dayuhan d. Pagpapadala ng sundalo sa Cotabato upang supilin ang naising magkaroon ng awtonomiya e. Pagdami ng mga Kristiyano mula sa Luzon at Visayas sa Mindanao 2. Karapatan ng mga Muslim – Katarungan, pagkamit ng kaligayahan, karapatang mabuhay at maisulong ang katarungan, pantay na pagbibigay ng oportunidad at paninindigan. 3. Katangian ng mga Muslim – Ang Muslim sa mga isla ng Mindanao, Sulu at Palawan ay mayroong mayamang kultura at natatanging kasaysayan.
  • 14. Mga inaasahang sagot sa pamprosesong tanong: 1. Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan ng mga Muslim at naunawaan ang dahilan ng kanilang ipinaglalabang awtonomiya. 2. Oo, upang mapabuti ang kalagayan at mabigyang proteksyon ang sariling kultura at relihiyon. Hindi, dahil maaaring makipag-usap sa mapayapang pamamaraan sa pamahalaan upang maresolba ang mga isyung nabanggit. 3. Makatwiran dahil nais lamang niyang maprotektahan ang interes ng kanyang kababayan at mapangalagaan ang kanilang karapatan upang mapaunlad ang kanilang pangkat. Hindi, sapagkat maari namang maisulong ang kanyang hangarin sa pamamagitan ng mapayapang pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng pamahalaan. 4. Magkaroon ng kinatawan ang mga Muslim sa pamahalaan upang maingatan ang kanilang interes at kultura. Mahalaga din na sila ay konsultahin sa mga patakarang papairalin upang ito ay maging angkop sa kanilang kalagayan at relihiyon. * Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaaring iba-iba. Produkto / Pagganap 1. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at bigyan ang bawat pangkat ng activity card na nagsasaad ng bahagi ng kasunduan na susuriin. Pangkat Kasunduan I 1, 2, at 3.1 II 3.2, 3.3. at 3.4 III 3.5, 3.6 at 3.7 IV 3.8, 3.9 at 3.10 V 3.11 at 3.12.a hanggang 3.12. d VI 3.13, 3.14, 3.15 at 3.16 2. Ipaliwanag na ang susuriin ay ang kalakasan at kahinaan ng bawat kasunduan. 3. Maaaring pangunahan ang pagsusuri sa kalakasan at kahinaan ng isang kasunduan upang magkaroon ng halimbawa ang mag-aaral. Minumungkahi din na bumuo ng mga gabay na tanong ang guro sa bawat kasunduan upang matulungan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa katanungan. 4. Bago isagawa ang gawain mahalagang ipaliwanag ang pamantayan sa rubric. 5. Kung hindi sapat ang oras para sa pangkatang gawain, maaaring ibigay ito bilang takdang aralin at paalalahanan ang bawat pangkat na ibabahagi ang kanilang pagsusuri kinabukasan.
  • 15. Mga Inaasahang Sagot: Unang Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Kalakasan The establishment of Autonomy in the Southern Philippines within the realm of the sovereignty and territorial integrity of the Republic of the Philippines. The areas of the autonomy for the Muslims in the Southern Philippines shall comprise the following: 1. Basilan 2. Sulu 3. Tawi-Tawi 4. Zamboanga del Sur 5. Zamboanga del Norte 6, North Cotabato 7. Maguindanao 8. Sultan Kudarat 9. Lanao del Norte 10. Davao del Sur 11. South Cotabato 12. Palawan Foreign Policy shall be of the competence of the Central Government of the Philippines. Kalakasan Kahinaan Matitigil ang armadong labanan sa pagitan ng mga Moro o Muslim dahil sa pagbibigay ng awtonomiya ng pamahalaan sa kanilang pangkat. Maaring may mga batas o patakaran ang mga Muslim na naayon sa Shari’ah Law subalit taliwas sa mga patakarang itinadhana ng Kongreso. Ang mga Muslim ay magkakaroon pagkakataon na mamahala sa kanilang lalawigan. Sa ganitong paraan ay magiging angkop sa kanilang kultura ang mga patakarang papairalin. Maaring ang mga patakarang papairalin ay hindi angkop sa mga Kristiyanong naninirahan sa mga lalawigang nabanggit. Magkakaroon pa din ng isang Maaring magkaroon ng posisyon ang bansa ukol sa pagkakaiba ng opinyon ang mga isyung panlabas. pamahalaan at liderato ng mga Muslim sa mga isyung kinasasangkutan ng mga Muslim na bansa. Isa sa halimbawa nito ay ang isyu ng Sabah.
  • 16. Ikalawang Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement The National Defense Affairs shall be the concern of the Central Authority provided that the arrangements for the joining of the forces of the Moro National Liberation Front with the Philippine Armed Forces be discussed later. In the areas of the autonomy, the Muslims shall have the right to set up their own Courts which implement the Islamic Shari’ah laws. The Muslims shall be represented in all Courts including the Supreme Court. The representation of the Muslims in the Supreme Court shall be upon the recommendation from the authorities of the Autonomy and the Supreme Court. Decrees will be issued by the President of the Republic of their appointments taking into consideration all necessary qualifications of the candidates. Authorities of the autonomy in the South of the Philippines shall have the right to set up schools, colleges and universities, provided that matters pertaining to the relationship between these educational and scientific organs and the general education system in the state shall be subject of discussion later on. Kalakasan Kahinaan Ang pagsasanib ng sandatahang lakas ng Pilipinas at Moro National Liberation Front ay isang paraan ng pagsusulong ng mas matagalang kapayapaan. Walang kalinawan ang pagpapatupad ng naturang kasunduan sapagkat hindi isinaad ang panahon kung kailan pag-uusapan ang naturang kasunduan. Ang pagkakaroon ng kinatawan ng mga Muslim sa sangay ng hudikatura ay nagpapakita ng hangarin ng pamamahalaan na maging makatarungan sa paglilitis sa mga kasong kinasasangkutan ng mga Muslim. Hindi isinaad sa kasunduan na may kinatawan na Muslim sa komite na bubuo ng listahan ng itatalagang hukom sa Korte Suprema. Ang edukasyong maibibigay sa Walang kalinawan kung kailan mga Moro o Muslim ay aakma isasakatuparan ang naturang sa kanilang pangangailangan, kasunduan. kultura at relihiyon.
  • 17. Ikatlong Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement The Muslims shall have their own administrative system in compliance with the objectives of the autonomy and its institutions. The relationship between this administrative system and the Central administrative system to be discussed later. Kalakasan Kahinaan Maaaring mapanatili ng mga Hindi isinaad ang magiging pinunong lokal ang kanilang tungkulin ng pamahalaang mga titulo sapagkat ang nasyonal sa rehiyon. bubuuing pamunuan ay naayon sa kanilang kaugalian at tradisyon. Sa ganitong paraan maiiwasan ang hidwaang pampolitikal. The authorities of the autonomy in the South of the Philippines shall have their own economic and financial system. The relationship between this system and the Central economic and financial system of the State shall be discussed later. Mas mapapaunlad ang mga lalawigan sa Mindanao dahil sa magiging angkop sa katangian heograpikal at kabuhayan ang mga programang pangekonomiyang itataguyod ng kanilang mga pinuno. Maaring magkaroon ng kalituhan sa tungkulin ang pamahalaang sentral sa gawaing pang-ekonomiya ng mga nabaggit na lalawigan dahil hindi isinaad ito sa kasunduan. The authorities of the autonomy in the South of the Philippines shall enjoy the right of representation and participation in the Central Government and in all other organs of the State. The number of representatives and ways of participation shall be fixed later. Maipaparating ng mga Muslim ang kanilang hinaing sa pamahalaan at maiingatan ang kanilang kapakanan dahil pagkakaroon ng kinatawan sa pamahalaan. Magiging sensitibo din sa kultura at paniniwala ng mga Muslim ang itatadhanang pambansang batas. Ang hindi pagsasaad ng tama at angkop na bilang ng kinatawan ng mga Muslim sa pamahalaang sentral ay maaring makaapekto sa pagsasakatuparan ng naturang kasunduan.
  • 18. Ika-apat na Pangkat Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement Special Regional Security Forces are to be set up in the area of the Autonomy for the Muslims in the South of the Philippines. The relationship between these forces and the Central security forces shall be fixed later. A Legislative Assembly and an Executive Council shall be formed in the areas of the Autonomy for the Muslims. The setting up of the Legislative Assembly shall be constituted through a direct election, and the formation of the Executive Council shall take place through appointments by the Legislative Assembly. A decree for their formation shall be enacted by the President of the Republic respectively. The number of members of each assembly shall be determined later on. Mines and mineral resources fall within the competence of the Central Government, and a reasonable percentage deriving from the revenues of the mines and minerals be fixed for the benefit of the areas of the autonomy. Kalakasan Kahinaan Ang pagkakaroon ng sariling sandatahang pangseguridad ay isang pamamaraan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng mga lalawigan. Hindi isinaad kung ang bubuo sa Special Regional Security Forces ay pawang mga Muslim o mayroong Pilipinong Kristiyano. Ang hindi pagkakaroon ng malinaw na ugnayan ng pamahalaan at ng SRSF ay maaaring magkaroon pagkalito sa pagtugon sa suliraning panseguridad ng mga lalawigan Makakapili ang mga Maaaring mahaluan ng politika mamamayan ng kinatawan na ang pagpili sa kinatawan sa sa tingin nila ay nararapat at Executive Council. may kakayahan na isulong ang kanilang pangkat. Ang ilalaang bahagi ng pamahalaang nasyonal mula sa minahan sa Mindanao ay makakatulong sa pagtataguyod ng mga programang pangkabuhayan ng mga lalawigan. Ang hindi pagsasaad ng eksaktong paglalaanan ng pondo mula sa kita ng mga minahan ay maaaring magbunga ng korapsyon.
  • 19. Ikalimang Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement A Mixed Committee shall be composed of representatives of the Central Government of the Republic of the Philippines and the representatives of the Moro National Liberation Front. The Mixed Committee shall meet in Tripoli during the period from the Fifth of February to a date not later than the Third of March 1977. The task of said Committee shall be charged to study in detail the points left for discussion in order to reach a solution thereof in conformity with the provisions of this agreement. Cease-fire shall be declared immediately after the signature of this agreement, provided that its coming into effect should not exceed the 20th January 1977. A Joint Committee shall be composed of the two parties with the help of the Organization of the Islamic Conference represented by the Quadripartite Ministerial Commission to supervise the implementation of the ceasefire. Kalakasan Kahinaan Binibigyang garantiya nito na ang mga bahagi ng kasunduan na hindi malinaw ay isasaayos ng Mixed Committee. Ang Tripoli sa Libya ay hindi isang patas na lugar para pagdausan ng pulong sapagkat ang pamahalaan ng Libya ay kilalang sumusuporta sa MNLF. Ang pagtatag ng Joint Committee ay nagbibigay ng garantiya na magkakaroon ng tigil putukan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF. Sa ganitong paraan ay magkakaroon ng kapayapaan. Ang pagtigil ng mga labanan sa nasabing lugar ay maaaring hindi maganap sapagkat maliban sa MNLF ay mayroong mga pangkat na nagsusulong ng awtonomiya mula sa pamahalaan. Ang pagbibigay amnestiya, pagpapalaya sa mga political prisoner at pagpapabalik sa mga mamayang tumakas sa lalawigan dulot ng labanan at karahasan ay makakatulong upang maipakita ang The said Joint Committee sensiridad ng pamahalaan sa shall also be charged with rekonsilyasyon na kanilang supervising the following: ibinibigay sa mga Muslim. a. A complete amnesty in the areas of the autonomy and the renunciation of all legal claims and codes
  • 20. resulting from events which took place in the South of the Philippines. b. The release of all the political prisoners who had relations with the events in the South of the Philippines. c. The return of all refugees who have abandoned their areas in the South of the Philippines. d. To guarantee the freedom of movements and meetings. Ikaanim na Pangkat: Nakalahad na Kasunduan sa 1976 Tripoli Agreement A joint meeting be held in Jeddah during the first week of the month of March 1977 to initial what has been concluded by the Committee referred to in Para. 11. The final agreement concerning the setting up of the autonomy referred to in the first and second paragraphs shall be signed in the City of Manila, Republic of the Philippines, between the Government of the Philippines and Moro National Liberation Front, and the Islamic Conference represented by the Quadripartite Ministerial Commission and the Secretary General of the Organization of Islamic Conference. Kalakasan Kahinaan Makakatulong ang pagpupulong upang maunawaan at mabatid ng dalawang partido ang napagkabuuan ng Mixed Committee. Hindi isinaad kung maaaring umapila ang pamahalaan at MNLF sa napagkabuuan ng Mixed Committee. Ang kasunduan ay magiging makapangyarihan sapagkat ito ay nilagdaan sa sentro ng pamahalaan ng bansa. Maaaring magdulot pa din ito ng kaguluhan sapagkat maliban sa MNLF mayroong mga pangkat ng Muslim na nagsusulong ng sariling Ipinapakita din nito na bagamat pamamahala. kinilala ng pamahalaan ang karapatan ng mga Moro at Muslim sa pamamahala sila ay bahagi pa din ng Pilipinas. Maipaparating sa mga mamamayan ang napagkasunduan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF sa pamamagitan ng media.
  • 21. Immediately after the signature of the Agreement in Manila, a Provisional Government shall be established in the areas of the autonomy to be appointed by the President of the Philippines; and be charged with the task of preparing for the elections of the Legislative Assembly in the territories of the Autonomy; and administer the areas in accordance with the provisions of this agreement until a Government is formed by the elected Legislative Assembly. Ang pagbubuo ng pamahalaan Hindi isinaad ng Provisional Government na kakatawan sa mangangasiwa sa eleksiyon ay Government. paraan ng pagsusulong ng demokrasya sa lalawigan. Magkakaroon din ng kasiguraduhan na maipapatupad ang mga nilalaman ng kasunduan. The Government of the Sinisigurado nito na naaayon sa Philippines shall take all Konstitusyon ang proseso ng necessary constitutional pagpapatupad ng kasunduan. processes for the implementation of the entire Agreement. ang mga Provisional Maaaring may mga probisyon sa Saligang Batas na hindi tugma sa batas ng Shari’ah na siyang sinusunod ng mga Muslim.