1. Alam mo ba kung ano ang sanaysay?
Ang sanaysayay isang anyo ng paglalahad sapagkatsarili ng may-akda ang
kinapapaloobanng kanyang sariling “pangmalas atpananaw”.Napapaloob dito ang
kanyang
damdamin.Tandaan mo,kailangang magingmalinaw,mabisa at kawili-wili ang paglalahad
ng sanaysay.
May dalawang uring sanaysay
1. Maanyo o pormal -ito ay nangangailangan ng maingatatmabisang paglalahad at
ang pananalita’y pinipiling mabuti. Ang paksa aypinag-uukulan ng masusing pagaaral.
2. Malaya o palagayang sanaysay -madalimong makikilala ang ganitong uri ng
sanaysay.May pagkamalapito palagayang loob ng sumulatsa mambabasa maging sa
ipinahihiwatig ng paksa o sa himig ng pananalita.Ito’y may malayang pamamaraan,
karaniwang ang himig ay parang nakikipag-usap,kung minsa’ytila ibig magpakilala
ng isang munting panuntunan sa buhay.Ito ay masaya at nagpapatawa atmaliwanag
na kababanaagan ng magandangkalooban.
Malayo sa karaniwan ang ginagawang paglalahad ng isang mananalaysaykung ang
kanyang isinusulatay isang sanaysayna pormalna paraan.Sa pormalna pagsasalaysay,
mahalagang tandaan mo na piling-pili ang ginagamitna salita, parirala,pangungusap sa
pagpapahayag ng ideya atargumento.Matimpi at matalinghaga ang paraan ng paglalahad
na nagiging dahilan ng pagkamasining ng akda.
Bukod sa masusing pamimiling salita, buong ingatding pinag-iisipan ng mananalaysay
ang lohikong pagkakasunud-sunod ng mga argumento atideya. Inulalahad ang paksa sa
isang masusing pagsusurina maaaring maging bunga ng pagbabasa,pagmamasid,
pakikinig
at pagsusuring umiiralna sistema.