2. KAHULUGAN NG SANAYSAY:
• Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan ng
naglalahad ng matatalinong pagkukuro.
• Ito’y makatuwirang paghahanay ng mga kaisipan
at ng damdamin ng sumulat ayon sa kanyang
karanasan, kaalaman at haka-haka.
3. KATUTURAN NG SANAYSAY:
• Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay
“salaysay ng sanay”. Hindi maaring sumulat ng
sanaysay kung ang paksa ay wala sa hinagap o sa
sakop ng kaalaman ng taong susulat nito.
• Ayon naman kay Montaigne, ang sanaysay ay isang
kawili-wiling paraan ng pagpapahayag.
5. 1. PORMAL
• Maimpormasyon
• Pampanitikan
• Obhetibo
2. DI – PORMAL
• Pamilyar o palagayan
• Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga
karanasan
o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat.
• Subhektibo
7. A. SIMULA
Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing
kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga ang
paksang tinalakay.
*Mga dapat isaalang-alang*
• Pagbibigay ng kahulugan
• Paggamit ng kasabihan o quotation
• Pagsambit ng isang katanungan
8. • Pagkwento ng Anekdota o Pangyayari
• Maikling parabola o anumang kuwento
• Bugtong, Palaisipan, Balita at iba pa
B. GITNA O KATAWAN
Dito inilalahad ang mga kaisipan, nagbibigay ng mga
ebidensya at nagpapahayag ng mga halimbawa.
9. C. WAKAS
Ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o
pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan.
Mga Elemento ng Sanaysay
1.Tema at Nilalaman – ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang
paksa.
2.Anyo at Estruktura – itoy ay ang pagkakasunod-sunod ng ideya o
pangyayari.
3.Wika at Estilo – ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit.
10. 4. Kaisipan – mga ideyang nabanggit na kaugnay sa nagpapalinaw
sa tema.
5. Larawan ng Buhay – nailalarawan ang buhay sa isang
makatotohanang salaysay at masining na paglalahad.
6. Damdamin – naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang
kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan.
7. Himig – nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
11. Dalawang sanhi kung bakit
mahirap magsulat ng
Sanaysay
• “Wala akong alam sa paksa.”
•“Sobrang dami ng alam ko sa paksa.”
12. Problema na kadalasang nararanasan kapag pamilyar tayo sa paksa
ng sanaysay:
1. “Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam paano ako magsisimula
o kung paano ako magtatapos.”
2.“Alam ko ang paksa, pero hindi ko alam kung ano sa mga
nalalaman ko sa paksa ang isasama ko sa sanaysay.”
3.“Alam ko ang paksa, pero nahihirapan akong ayusin ang mga
ideya ko.”
13. 4. “Alam ko ang paksa, pero nawawala ako sa pokus habang
sinusulat ko na ang sanaysay.”
5. “Alam ko ang paksa pero hindi ko maiwasang malito.”