Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon o motibo ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
May mga halibawa nito sa susunod na mga slides.
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon o motibo ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
May mga halibawa nito sa susunod na mga slides.
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
Nawa'y mayroong maitulong sa inyo ang presentasyon na ito. Maaaring makakita kayo ng ilang pagkakamali magkagayon man alam kong ito'y makakatulong pa rin sa inyo. Salamat!
The document discusses the benefits of exercise for mental health. Regular physical activity can help reduce anxiety and depression and improve mood and cognitive function. Exercise causes chemical changes in the brain that may help protect against mental illness and improve symptoms.
FAT SOLUBLE VITAMINS ARE EASY TO BE STORE AT OUR BODY THAN WATER SOLUBLE THAT'S WHY WE NEED TO INTAKE WATER SOLUBLE VITAMINS EVERYDAY
FUNCTION OF VITAMINS
13 ESSENTIAL VITAMINS
DISEASES
What happens when nutritional needs are not adequately met?
janelle langcauon
The document directs the reader to turn to page 4 and informs them that the rest of the story continues on page 3, but provides no other context or content from the document itself in only 3 sentences.
Tabloid is a content aggregation service. It provides the aggregation of RSS feeds, as well as aggregation of well-known blogs and websites built into the service. Content can be separated into categories and can be marked read or unread.
This is project of KOMIKS PA RIN to demonstrate how comics can be used for K+12 instructional materials. The opening sequences introduce disaster risk and reduction (DRR) and Climate Change topics though treated in a fantasy story and can encourage learners to develop their own as evidences of learning
The Visual Arts Center at Saint Xavier University is where art and design students learn and improve their skills. The author took a photo of the Visual Arts Center and traced it in Adobe Illustrator, using tools like the pen tool and eyedropper to mimic the original image's lines and colors. By exploring color and composition, the author created a "spin off" of the original photo that maintains key details while experimenting with a new perspective and vibrant Pop Art palette. The exercise helped the author learn design principles for use in future web design projects while stepping outside their comfort zone.
2. Alam mo ba kung
ano ang
magasin?
May kaunting
alam po ako
ngunit hindi po
ito ganoon
kalawak
3. Magasin
• Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa. kalimitang
pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng
impormasyon sa mga mambabasa.
• Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa
pahayagan.
• Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na
iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.
5. Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
Lipang Kalabaw (1907)
- Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos. Ang Lipang
Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging
kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga karikatura ng mga kilalang personalidad ng
panahong iyon. Ayon sa mga mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay
iginuhit ni Jorhe Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga
reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa.
- Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-1924,
1947-1948 dahil sa paulit-ulit na pagpapatigil dito.
- Ilan sa mga tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood.
- May mga komiks din na nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa
sa pamumuno ng mga Amerikano.
7. Telembang (1922-1924)
-ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya
noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor sa magasing ito ay si Inigo Ed
Regalado.
- Ang magasing ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento mga
caricatures at mga cartoons.
- Ayon sa mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha nina
Fernando Amorsolo at Jorge Pineda.
- Ang magsing ito ay naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa
mga Amerikano at mga pederalista.
- Mayroong 111 isyu ang magsing ito.
Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
9. Liwayway (1922)
- Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga
larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at tula, at nasusulat sa tatlong
wika.
- Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa
Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino.
- Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika.
- Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.
Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas
11. MAGASIN PRESYO BILANG NG MGA
WIKA
Lipang
Kalabaw
14¢ 3 wika
Telembang 14¢ 3 wika
Liwayway 12¢ 1 wika
12. Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting
humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa
ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang
magasin mula sa ibang bansa.
Dahil sa pagbabagong nagaganap naghanap ang
mga tao ng ibang uri nang mga magasin na
sasakto sa kanilang panlasa at mga hinanahanap.
At dahil sa mga ito umusbong ang
industriya ng mga makabagong magasin.
13. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
FHM (For Him Magazine)
- Ang magasing ito ay
tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno
ng mga impormasyon na
nagiging instrumento upang
mapag-usapan ng kalalakihan
ang maraming bagay tulad ng
buhay, pag-ibig, at iba pa nang
walang pag-aalinlangan.
14. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Cosmopolitan
- Magasing
pangkababaihan. Ang mga
artikulo dito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan
ang kababaihan tungkol sa
mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan,
kultura at aliwan.
15. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Good Housekeeping
- Isang magasin para
sa mga abalang ina. Ang
mga artikulong nakasulat
sa dito ay tumutulong sa
kanila upang gawin ang
kanilang mga
responsibilidad at maging
mabuting maybahay.
16. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Yes!
- Ang magasin tungkol
sa balitang showbiz. Ang
nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-
atensyon na larawan at
malalaman na detalye
tungkol sa mga pinakasikat
na artista sa bansa.
17. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Metro
- Magasin tungkol
sa fashion, mga
pangyayari, shopping
at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang
nilalaman ng Metro.
18. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Candy
Binibigyan ng pansin
ang mga kagustuhan at
suliranin ng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang
manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon
ng mga mambabasa
19. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Men’s Health
- Magasin na nakatutulong
sa kalalakihan tungkol sa mga
isyu ng kalusugan. Mga
pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito,
kung kaya ito ay naging paborito
ng maraming kalalakihan.
20. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
T3
- Isang magasin para
lamang sa mga gadget.
Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan
nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at
gabay tungkol sa pag-aalaga
ng mga gadget.
21. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa
Kasalukuyan
Entrepreneur
-Magasin para sa
mga taong may
negosyo o nais
magtayo ng negosyo.
22. Ngayon sa tingin
ko’y sapat na ang
iyong nalalaman
Ngayon oras na para
sa pagsusulit. PAGSUSULIT?
Syempre
HANDA NA
AKO!
23. PAGSUSULIT…
1. Ang ________ ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng
maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa.
kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay
ng impormasyon sa mga mambabasa.
2. Ito ay ang kauna-uanahang magasin na lumabas noong 1907
3. Ang magasin na Telembang ay nagsimula noong taong __________
at natapos ang paglalathala noong __________.
4. Ang Magasing telembang ay may ilang isyu?
5. Sa anong pangalan unang nakilala ang Magasin na Liwayway?
6. Magkano naibebenta noon ang magasing Lipang Kalabaw?
24. PAGSUSULIT…
7. Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa. Ano ang magasin na ito?
8. Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng
kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang
walang pag-aalinlangan. Anong magasin ang tinutukoy sa pahayag?
9. Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Ano
ito?
10. Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ano ang
magasing sinasabi sa pahayag?