Para sa asignaturang Filipino: Kahulugan, Uri, Elemento, Layunin, Katangian, Kaligirang Pangkasaysayan at Mga Kilalang Manunulat ng Nobela.
Gramatika: Pagbibigay-komentaryo
Pleasenote: Kung gagamitin po, kindly messaged me at my facebook account listed on my slieshare profile. Tnx!
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Para sa asignaturang Filipino: Kahulugan, Uri, Elemento, Layunin, Katangian, Kaligirang Pangkasaysayan at Mga Kilalang Manunulat ng Nobela.
Gramatika: Pagbibigay-komentaryo
Pleasenote: Kung gagamitin po, kindly messaged me at my facebook account listed on my slieshare profile. Tnx!
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media-lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular. Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili. Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing? May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga: 1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan.Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin – lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons – ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero ano talaga ANG ‘kulturang popular?’May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga restawrans, at ito ay gumagawa ang trend na sinusundan namin.
Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos .
2. PANIMULA
Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan
sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng
pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito
ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na
ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya
ng komiks at magasin ay nauulit lamang ang paksa at
tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng panitikan.
Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo,
pamamaraan, at kaalamang teknikal ang
kontemporaryong panitikan.
3. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
1. Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang
ginagampanang papel ng mga balita sa pang-
araw-araw nating pamumuhay.
Magmula sa pagbalikwas sa higaan
hanggang bago matulog ay nakatutok tayong
mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid.
Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng
print media ang kailanma’y hindi mamamatay
at bahagi na ng ating kultura.
4. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
2. Magasin
Isang babasahing nagtataglay ng iba't ibang uri
ng lathalain, karaniwang lumalabas minsan sa
isang linggo.
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-
uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at
sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging
paraan ito para mapalago ang kamalayan ng
mga Pilipino.
Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng
pamilyang Pilipino.
5. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
Katuloy.......Magasin
Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito ay
talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng
pamilya at nagiging dahilan din ng kanilang
pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga
nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon,
unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway.
Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang
bansa.
6. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
IBA'T IBANG MAGASIN SA PILIPINAS
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito
ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno
ng mga impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at
iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan.
Ang mga artikulo rito ay nagsisilbing gabay
upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa
mga pinakamainit na isyu sa kalusugan,
kagandahan, kultura, at aliwan.
7. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
IBA'T IBANG MAGASIN SA PILIPINAS
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa
mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat
dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at
maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang
showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago,
puno ng mga nakaw-atensiyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.
8. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
IBA'T IBANG MAGASIN SA PILIPINAS
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga
pangyayari, shopping, at
mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman
ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga
kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang
manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
9. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
IBA'T IBANG MAGASIN SA PILIPINAS
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa
kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan.
Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas
ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental
na133 kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito
ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget.
Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago
sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may
mga napapanahong balita at gabay tungkol sa
pagaalaga ng mga gadget.
10. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
3. KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang
mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks ng diyalogo
sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang higit na makaapekto nang may lalim.
Bagama’t palagiang paksang katatawanan ang
komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop
ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng
lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga
artistang tuklasin ang kanilang sarili
ekspresyon.
12. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
4. DAGLI
Ito'y isang anyong pampanitikan na
maituturing na maikling maikling
kwento. Bagamat walang katiyakan
ang pinagmulan nito sa Pilipinas,
sinasabing lumaganap ito sa unang
dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
13. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
5. PELIKULA
Ang pelikula, kilala rin
bilang sine at pinilakang tabing, ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw
na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil
naging pangunahing tagapamagitan para sa
pagpapakita ng mga gumagalaw
na larawan ang letratong pelikula sa
kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang ang pag-
aaral ng pelikula.
14. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
6. TELEBISYON
Ang telebisyon ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga
mamamayang naaabot nito.
Ang mabuting epekto ng paglaganap
ng cable o satellite connection ay para
marating ang malalayong pulo at ibang
bansa.
15. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
7. ISLOGAN
Ito ang komposisyong
pinakamadaling maunawaan. Ito
marahil ang modernong salawikain sa
kasalukuyan. Ito ay isang maikling
pahayag tungkol sa isyu o paksang
maaaring masulat nang tuluyan o
patula.
16. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
8. TUGMANG DE GULONG
Mga anyo ng literatura na karaniwang
matatagpuan sa mga pampublikong
sasakyan.
9. AWIT
Isang paraan ng pagpapahayag ng
damdamin, pananaw, kultura at
pangarap sa buhay.
17. KONTEMPORARYONG PANITIKAN
10. PATALASTAS
Isang uri ng pagpapahayag na
ginagamit upang makahikayat o
makahimok, magbigay impormasyon
at direksyon sa madla tungkol sa
isang serbisyo, produkto, o
paniniwala.
Napakalaya ng panitikang ito dahil sa
iba’t ibang midyum o paraan ng
pagpapahayag nito.