2. Pang-abay
Ang pang-abay o adberbyo ay ang bahagi ng pananalita na
nagbibigay katuringan o naglalarawan sa pang-
uri, pandiwa, o maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay
tinatawag na adverb sa wikang Ingles.
3. Ito ay ginagamit bilang panglarawan ng tatlong bahagi ng salita:
1.Pandiwa
• Mabilis tumakbo ang kabayo.
• Umalis sina Karen at Geneva kanina pero nakabalik na rin
sila.
• Ngayon lang ako bumalik mula sa Japan.
4. Ito ay ginagamit bilang panglarawan ng tatlong bahagi ng salita:
2.Pang-Uri
Talagang mabait ang mag-asawang sina Mang Ben at Aling
Pilar.
Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng lola niya
Tunay ma masungit si Stanley sa kanyang mga kaklase.
5. Ito ay ginagamit bilang panglarawan ng tatlong bahagi ng salita:
3. Kapwa Pang-Abay
• Tunay na mabilis umunlad ang negosyo ni Phoebe.
• Lalong sumasarap ang mga niluto ng asawa ko.
• Si Carlos ay sadyang masipag kumain.
•