2. Ano ang Wika?
Isang sistematikong balangkas ng mga binibigkas na
tunog na pinipili at inaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan,
gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika
ay wikang saplot-kaalaman, ang mismong katawan
ng isipan.
3. Relihiyon
Ang relihiyon ay isang organisadong sistema ng
pananampalataya, pamimitagan, paggalang,
kaugalian at pananalig na nakasentro sa isa o higit
pang kinikilalang Diyos
4. Pangunahing Relihiyon sa Mundo
Judaismo
maituturing na pinakamatandang monoteismong
relihiyon sa buong daigdig.
relihiyon ng mga Hudyo o mga Israelita. Nagsimula
ang relihiyong ito noong nagkaroon ng banal na
kasunduan ang Diyos kasama si propetang Abraham.
ang banal na aklat ng mga Hudyo ay tinatawag na
Tanakh. Nakapaloob dito ang mga salita at utos ng
Diyos.
5. Kristiyanismo
pinakamalaking relihiyon na umiiral sa buong mundo.
(1.7 bilyong tao o 33% ng kabuuang populasyon ng ating
daigdig.)
ang tinutruring na diyos ng relihiyong ito ay si Hesukristo.
Bibliya ang batayang aklat ng mga tagasunod nito.
Islam
itinuturing bilang pinakabata sa mga pangunahing
relihiyon dito sa mundo. Umusbong noong ika 600 A.D.
panahon kung kailan ipinahayag ng anghel na si Jibreel
(Gabriel) ang propetang magpapahayag ng mensahe ng
Diyos, si Mohammed.
6. ang kinikilalang diyos ng relihiyong Islam ay si Allah.
“Allah”, salitang Arabo na nangangahulugang “Ang nag-
iisang tunay na Diyos.”
Muslim ang tawag sa mga tagasunod ng relihiyong ito.
Koran (Qur’an) naman ang kanilang banal na aklat.
Budismo
pang-apat na pinakamalaking relihiyon dito sa mundo.
nakatuon ito sa aral ni Siddhartha Gautama, o kilala
bilang “Buddha”. Ang Buddha ay salitang Sanskrit na
ibig sabihin “Ang isang naliwanagan.”
ito ay nahahati sa dalawang sangay, Theravada at
Mahayana.
7. Hinduismo
relihiyong mula sa India. Ito ay itinatag ng mga Aryans,
isa grupo na naninirahan sa India.
marami silang sinasambang diyos, ngunit ang
pinakamataas sa lahat ay si Brahman.
may tatlong katauhan si Brahman: Brahma -
tagapaglikha, Vishnu - tagapagpanatili, at Shiva -
tagapagsira.
Veda naman ang tawag sa kanilang banal na aklat o
kasulatan.
8. Ano ang Ideolohiya?
Ang ideolohiya ay mga kaisipang nagsisilbing gabay sa
pagkilos. Binubuo ito ng mga paniniwala ukol sa
pananaw sa sandaigdigan, ng programa para sa
pampulitika at panlipunang pagbabago, ng
pagkaunawang kailangang ipaglaban ang programang
ito, at ng pag-akit sa mga tao na isagawa ang
programang ito. Ang kapitalismo, sosyalismo at
komunismo ay ilan lamang sa mga halimbawa nito.
9. Tatlong Kategorya ng Ideolohiya
Ideolohiyang Pangkabuhay
Ideolohiyang Pampulitika
Ideolohiyang Panlipunan
10. Iba’t-Ibang Uri ng Ideolohiya
Kapitalismo
- sistemang pangkabuhayan kung saan marami ang
ganid sa pera’t tubo kaysa sa pagakakapantay-pantay ng
mga tao. Ang produksyon, distribusyon at kalakalan ay
madalas na kontrolado ng mga pribadong tao,
korporasyon, korporasyon-at-gobyerno na kalimitag
korap.
11. Monarkiya
- kapangyarihan ito ng pamahalaang nasa kamay ng mga
tinatawag na “maharlika” gaya ng mga reyna at hari.
Demokrasya
- Kapangyarihan sa pamahalaang nasa kamay ng mga
tao. Dito ay nakikilahok ang mga mamamayan at binoboto
nila ang gusto nila maging pinuno. Halalan ang tawag at
proseso ng pagpili ng mga tao.
Totalitaryanismo
- pinamumunuan ng diktador o grupo ng taong
makapangyarihan. Nadidiktahan ang karapatan ng
mamayan, nawawala ang kalayaan at karapatang pantao.
12. Komunismo
- ang pinakamataas at huling hantungan mula sa
Ideolohiyang kapitalismo patungong sosyalismo ay
tinatawag na komunismo. Hangad nitong bumuo ng
lipunang walang antas o pag-uuri-uri. Walang mataas at
mababang uri ng tao sa lipunan.
Sosyalismo
- batay ito sa patakarang pang-ekonomiya, ang
pamamalakad ng pamahalaan ay nararapat na nasa kamay
ng mga ito. Hangad nito ang makamit ang perpektong
lipunan at masasakatupran lamang ito kung pantay-pantay
na distribuyon ng produkto sa mga mamamayan.
14. Uri ng Kontekstong Sosyal
Interaksyonal
- ang tungkulin ng wikang ginagamit ng tao sa pagtatag,
pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sa kapwa tao.
Pangangamusta
- halimbawa ng interaksiyonal sa pasalitang paraan.
Liham Pangkaibigan
- halimbawa ng interaksyonal sa pauslat na paraan.
Instrumental
- tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa
pangangailangan. Nagagamit ito sa pakikiusap o pag-utos.
15. Liham Pangangalakal
- pamamaraan upang matugunan ang ating iba’t-ibang
pangangailangan (instrumental)
Regulatori
- wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o
asal ng ibang tao. Ito ang pagsasabi ng kung ano ang dapat
o hindi dapat gawin.
Personal
- tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling damdamin o opinyon
Instrumental
- tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa
pangangailangan. Nagagamit ito sa pakikiusap o pag-utos.
16. Imahinatibo
- tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon
sa malikhaing paraan.
Halimbawa: Idyoma, tayutay, sagisag, at simbolismo.
17. Kontekstong Historikal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog . Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.
Nagpapakita ito ng ugnayan ng magkakasunod na
episode ng komunikasyon sa usupan ng mga kalahok.
Maaring magkaroon ng tuwiran o di-tuwirang
impluwensiya ang naunang usapan sa mga susunod
na usapan.