Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o aralin patungkol sa pagsasaling-wika o translation. Kapapalooban din ito ng mga paalala, mga alintuntunin at mga halimbawa patungkol sa pagsasaling-wika.

MASUSING BANGHAY–
ARALIN Paaralan LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 8
Guro MA. CAROLIN IRIS T. CEPIDA Asignatura FILIPINO
Petsa at Oras March 15, 2021 Markahan 3
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag- aaral ang pag- unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag- aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia( social media awareness campaign)
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/ Layunin 1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap. F8PB-IIIa-c-29
2. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga) F8WG-IIIa-c-30
D. Mga Tiyak na layunin 1. Naipaliliwanag ang kaligirang kasaysayan ng mga popular na babasahin sa Pilipinas noong panahon ng kontemporaryo (Komiks, magasin, tabloid, at dagli)
2. Nasusuri ang anyo, istruktura, nilalaman, at layon ng mga popular na basahin batay sa paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap.
3. Nakapabibigay ng mga halimbawang salita na ginagamit sa impormal na komunikasyon (Balbal, kolokyal, banyaga)
II. PAKSANG-ARALIN
Modyul 2
Pagsusuri sa Popular na Babasahin
III. MGA KAGAMITAN
Komiks, pahayagan, aklat, laptop
IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
2. Pagpapanatili sa kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng mga liban sa klase
B. Balik-Aral at/o Panimula
Panuto: Punan ng angkop na sagot ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Ang panitikang Pilipino ay dumaan sa iba’t ibang panahon. Matapos tayong sakupin ng mga Kastila ay sinundan naman ng pananakop ng mga Amerikano. Dito umiral ang batas na kumontrol sa mga manunulat. Sinundan ito ng pananakop ng mga Hapon kung saan namayagpag ang panitinang Pilipino kung kaya’t itinuring itong ___________ panahon sa dami ng mga akdang nailathala. Sa panahong ito sumikat ang magasing na kinahumalingang basahin ng mga Pilipino. Di naglaon, nagsulputan na ang iba’t ibang print media kasabay ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Hindi lamang sa anyo ng pagsulat ang pan-itikan kung hindi napapakinggan at napapanood din sa ______________ at _________________.
C. PANGGANYAK
Panuto: Pagtapatin ang mga popular na babasahin sa kanilang mga kahulugan. Iguhit ang mga hugis ng iyong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
A B
_____ 1. KOMIKS Impormal na pahayagan na nag lalaman ng pang-araw-araw na kaganapan.
_____ 2. MAGASIN Ang mga larawan ang ginagamit upang isalaysay ang kuwento.
_____ 3. TABLOID
Naglalaman ng mga artikulo at ads ng mga negosyong may kinalaman sa paksa.
_____ 4. BROADSHEET
Maituturing na maikling-maiklilng kuwento.
_____ 5. DAGLI Pormal na pahayagan, nakaimprenta sa malaking papel at nakasulat a Ingles.
D. PAGLALAHAD
Ang

Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralinJenita Guinoo
Isang akdang nagtatalakay sa mga tauhang may taglay na supernatural na katangian. Kakikitaan ng pagmamahal sa isang tapat na kaibigang pinagkakautangan ng loob.
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.
2. MGA LAYUNIN:
•Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa
pandaigdigang pangyayari sa lipunan
•Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng
mga ito sa isa’t isa
•Naipahahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa
kahalagahan ng akda sa: sarili, panlipunan,
pandaigdig
5. MgaTanong:
• Paano mo mailalarawan ang kalagayan ng mga taong
may kapansanan?
• Anong isyung panlipunan ang maari mo maiugnay sa
larawan?
• Ano ang kaya mong gawin para sa mga taong may
kapansanan?
6. ANO ANG INYONG NAHIHINUHA
MULA SA MGA LARAWAN?
ANO ANG REPLEKSIYON MO SA
MGA LARAWANG ITO MULA SA
MGA NAUNANG LARAWAN?
ANO ANGTUNGKULIN MO BILANG ISANG
MAMAMAYAN SA BUHAY NG ISANGTAONG
MAY KAPANSANAN?
8. Alam mo ba…
Ang epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula o
paawit. Minsan ay sinasaliwan ito ng instrumentong
pangmusika. Mahaba ang epiko, binubuo ito ng 1,000
hanggang 55,000 na linya. Maaaring abutin ng ilang oras
o araw angpagtatanghal nito (Marasigan at Del Rosario:
2015).
Ang epiko, bilang tulang pasalaysay, ay may mga
elementong kagaya ng mga sumusunod:
9. Mahahalagang Elemento ng Epiko:
• Banghay. Ang epiko bilang tulang padalaysay ay kakikitaan din ng
pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maaari itong payak o
komplikado. Makikita rin na maraming mga pangyayari sa epiko ang hindi
kapanipaniwala o hindi makatotohanan.
• Matatalinghagang Salita. Ang epiko ay ginagamitan ng matatalinghagang salita
o idyoma. Ang mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di
tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga idyoma.
• Sukat at Indayog.Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa
bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa bawat taludtod ay
maaaring maging wawaluhing pantig (8), lalabindalawahing pantig (12),
lalabinganiming pantig (16), o lalabingwaluhing pantig (18). Isinasaayos ang epiko
sa paraang maindayog o maaliw-iw.
10. Mahahalagang Elemento ng Epiko:
• Tagpuan. Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-
linaw sa paksa, sa banghay at sa tauhan.
• Taludturan. Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng isang tula ay
tinatawag na taludturan. Karaniwang apat na taludtod ang bumubuo sa isang
taludturan o saknong.
• Tauhan. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan.
• Tugma. Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dulompatinig
ng mga taludtod.Tinatawag itong tugma.
11. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang Sundiata Keita o Epiko ni Sundiata (tinatawag ding Sundiata Epic o Epiko ni
Sunjata) ay isang epikong patula ng mga mamamayang Malinke. Ito’y tungkol kay
Sundiata Keita na namatay noong 1255, ang unang Hari ng Emperyo ng Mali.
Ang epiko na isang saling dila’y sinimulang isalaysay ng mga griot poets o jeliw
(djeli), noong ikalabing-apat na siglo (14th century), henerasyon sa henerasyon.
Isang kadahilanan upang masabing wala itong orihinal na bersyon.
Dahil nga ang pinagmula’y saling dila lamang, hindi malayong may mga
pangyayari sa epikong hindi naitala… maaring may pagkakaiba nang konti ang
pagkakalahad ng mga pangyayari sa ibang mga bersyon. Datapuwa’t gayon,
sinikap ng mga scholars, ang lahat ay maitugma, sinikap na mapagsama-sama ang
lahat ng elemento, mga elementong maaaring salamin ng kasaysayan ng nasabing
epiko.
12. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Ang epiko ng Sundiata’y ang salamin ng mga sinaunang tradisyon ng Kanlurang
Africa… nang ang iba’t ibang kultura sa lugar ay nagsisimula pa lamang
magkatipon-tipon. Noong 1890, saWikang Arabic, ilang banghay ng mga
pangyayari ang naisulat. Sa panahon ding ito, ilang bersyon ng nasabing epiko ang
natipon ng gobyerno ng France. Sa pangunguna ng ÉcoleWilliam Ponty, noong
1898, ito’y isinalin saWikang Pranses at saWikang German. 1937, ang nasabing
kumpanya’y nagsagawa ng isang drama presentation, ang nagpanimula ng unang
interaksyong makabago, sa paraang pasalita, na naging malawakan noong 1940’s
at 1950’s.
Bilang isang pasalitang epikong historikal, ang Sundiata’y naglalahad ng mga
impormasyon tungkol sa Emperyo ng Mali, sa kultura ng etnikong grupo ng
Mande.
13. • Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay
naging makapangyarihan saWest Africa noong 1230 hanggang 1600 na
siglo. Sa pamamayagpag nito, ang imperyo’y higit pang malawak sa
Western Europe. Dito ay umusbong ang isang epiko na kabilang sa
maituturing na dakilang kayamanan ng panitikang pandaigdig, maihahanay
ito sa epiko ng Hindu na Ramayana at Mahabharata at epikong Griyego na
Iliad at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan mo ay taal na tulang pasalaysay
na pinagsalin-salin ang mga berso ng mahuhusay na mananalaysay na
sinasaliwan ng instrumentong musikal. Itatampok dito ang mabuting
pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan.
• Nilalayong maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa epikong
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali na isinalin sa Filipino ni Mary Grace
A.Tabora na hango sa salaysay ni D.T. Niane at salin sa Ingles ni J.D. Pickett
sa pinakatanyag na epiko ng Africa sa kasalukuyan, ang Sundiata: An Epic of
the Old Mali. Layon din ng araling ito na ipakita ang kaugnayan ng epiko sa
kasaysayan.
15. Mga Gabay naTanong….
• Paano mo maiuugnay ang iyong sarili sa isa sa mga tauhan o sa mga
pangyayari sa kuwento?
• Ano-ano ang katangian ni Sundiata na kahanga-hanga?
• Anong suliranin ang nangingibabaw sa kuwento?
• May kaugnayan ba ito sa mga nagaganap sa kasalukuyan?
Pangatwurinan ang sagot.