2. John 4:24
“Ang Dios ay Espiritu: at ang
mga sa kaniya'y nagsisisamba ay
kinakailangang magsisamba sa
espiritu at sa katotohanan.”
3. 1Corinthians 6:19
“O hindi baga ninyo nalalaman na
ang inyong katawan ay templo ng
Espiritu Santo na nasa inyo, na
tinanggap ninyo sa Dios? at hindi
kayo sa inyong sarili;”
4. 2Corinthians 6:16
“At anong pakikipagkaisa mayroon ang
templo ng Dios sa mga diosdiosan?
sapagka't tayo'y templo ng Dios na
buhay; gaya ng sabi ng Dios,
Mananahan ako sa kanila, at lalakad
ako sa kanila; at ako'y magiging
kanilang Dios, at sila'y magiging aking
bayan.”
5. Romans 14:17-18
17 Sapagka't ang kaharian ng Dios ay
hindi ang pagkain at paginom, kundi
ang katuwiran at ang kapayapaan at
ang kagalakan sa Espiritu Santo.
18 Sapagka't ang sa ganito ay
naglilingkod kay Cristo ay
kalugodlugod sa Dios, at
pinatutunayan ng mga tao.
6. Revelation 19:1-6
1 Pagkatapos ng mga bagay na
ito ay narinig ko ang gaya ng
isang malaking tinig ng isang
makapal na karamihan sa langit,
na nagsasabi, Aleluya; Kaligtasan,
at kaluwalhatian, at
kapangyarihan, ay nauukol sa
ating Dios:
7. 2 Sapagka't tunay at matuwid
ang kaniyang mga paghatol;
sapagka't hinatulan niya ang
bantog na patutot, na siyang
nagpasama sa lupa ng kaniyang
pakikiapid, at iginanti niya ang
dugo ng kaniyang mga alipin sa
pamamagitan ng kaniyang kamay.
8. 3 At sila'y muling nangagsabi,
Aleluya. At ang usok niya ay
napaiilanglang magpakailan
kailan man.
4 At nangagpatirapa ang
dalawangpu't apat na matatanda
at ang apat na nilalang na buhay,
at nangagsisamba sa Dios na
nakaupo sa luklukan, na
nangagsasabi, Siya nawa;
9. 5 At lumabas ang isang tinig sa
luklukan, na nagsasabi, Purihin
ninyo ang ating Dios, ninyong
lahat na mga lingkod niya,
ninyong lahat na mga natatakot
sa kaniya, maliliit at malalaki.
10. 6 At narinig ko ang gaya ng
isang tinig ng isang makapal na
karamihan, at gaya ng lagaslas ng
maraming tubig, at gaya ng
ugong ng malalakas na kulog na
nagsasabi, Aleluya: sapagka't
naghahari ang Panginoong ating
Dios na Makapangyarihan sa
lahat.