1. DESIRE THE SUPERNATURAL
(Nasain ang supernatural)
Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng
kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan
ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita
ng iba't ibang wika.18 Hindi sila mapapahamak kahit
dumampot sila ng ahas o makainom ng lason; at gagaling
ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay.”
Marcos 16:17-18
2. Dapat mong nasain ang
supernatural dahil ito ay nagdudulot
ng pagsisisi sa kasalanan.
3. SUPERNATURAL LANGUAGE
(supernatural na wika)
Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa
langit, na tulad ng ugong ng malakas na
hangin, at napuno nito ang bahay na
kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang
mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa
kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng
Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng
iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa
kanila ng Espiritu.
Mga Gawa 2:2-4
4. SUPERNATURAL BOLDNESS
(supernatural na katapangan)
Kaya't tumayo si Pedro,
kasama ng labing-isang
apostol, at nagsalita nang
malakas, “Mga taga-Judea, at
kayong lahat na nakatira sa
Jerusalem, pakinggan ninyong
mabuti ang sasabihin ko.
Mga Gawa 2:14
5. 40 Marami pang inilahad si
Pedro upang patunayan ang
kanyang sinabi, at
nanawagan siya sa kanila,
“Iligtas ninyo ang inyong mga
sarili mula sa parusang
sasapitin ng masamang
lahing ito.” 41 Kaya't ang mga
naniwala sa ipinangaral niya
ay nagpabautismo, at
nadagdagan ang mga alagad
ng may tatlong libong katao
nang araw na iyon.
Mga Gawa 2:40-41
6. SUPERNATURAL HEALING
(supernatural na kagalingan)
Ngunit sinabi ni Pedro, “Wala
akong pilak o ginto, ngunit
kung ano ang mayroon ako ay
siya kong ibibigay sa iyo. Sa
pangalan ni Jesu-Cristong taga-
Nazaret, tumayo ka at
lumakad.”
Mga Gawa 3:6
7. SUPERNATURAL HEALING
(supernatural na kagalingan)
Gayunman, marami sa
nakarinig ng kanilang
pangangaral ang
sumampalataya kay Jesus,
kaya't umabot sa limanlibo
ang bilang ng mga lalaki.
Mga Gawa 4:4
8. SUPERNATURAL POWER
(supernatural na kapangyarihan)
6 Nang marinig ng mga tao si Felipe at
makita ang mga himalang ginawa niya,
nakinig silang mabuti sa kanyang
sinasabi. 7 Ang masasamang espiritu ay
lumabas sa mga taong sinapian nila at
sumisigaw habang lumalabas.
Maraming lumpo at pilay ang
pinagaling 8 kaya't nagkaroon ng
malaking kagalakan sa lungsod na
iyon. Mga Gawa 8:6-8
9. SUPERNATURAL RESURRECTION
(supernatural na pagkabuhay)
Hinawakan ni Pedro ang kanyang
kamay at tinulungang bumangon.
Pagkatapos, tinawag niya ang mga
hinirang ng Panginoon at ang mga
biyuda, at iniharap sa kanila si Dorcas
na buháy na. Mga Gawa 9:41
12. • Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin at mapaghiganti;
si Yahweh ay naghihiganti at napopoot.
Si Yahweh ay Diyos na mapanibughuin;
kanyang mga kaaway, kanyang pinaparusahan.
3 Si Yahweh ay hindi madaling magalit
subalit dakila ang kanyang kapangyarihan;
at tiyak na mananagot ang sinumang sa kanya'y kumalaban.
• Bagyo at ipu-ipo ang kanyang dinaraanan;
ang mga ulap ay kagaya lamang ng alikabok sa kanyang mga paa.
4 Sa utos lamang niya'y natutuyo ang dagat,
gayundin ang mga ilog.
Natitigang ang kabukiran ng Bashan at ang Bundok Carmel,
at nalalanta ang mga bulaklak ng Lebanon.
5 Nayayanig sa harapan niya ang mga bundok,
at gumuguho ang mga burol;
ang lupa'y nayayanig sa presensya ni Yahweh,
at nanginginig ang daigdig, gayundin ang lahat ng naninirahan rito.
6 Sino ang makakaligtas sa galit ni Yahweh?
Sino ang makakatagal sa kanyang matinding poot?
Bumubugang parang apoy ang kanyang poot.
Batong malalaki ay nadudurog dahil sa kanyang galit.
• NAHUM 1:2-6
13. 26 Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at sadyain
pa rin nating magkasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa
ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27 Ang naghihintay na
lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang
naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng
Diyos! 28 Ang mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa
patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang
pinapatay. 29 Gaano kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa
taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong
nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at lumait sa mapagpalang
Espiritu? 30 Sapagkat kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti;
ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng
Panginoon ang kanyang bayan.” 31 Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay
ng Diyos na buháy!
HEBREO 10:26-31