SlideShare a Scribd company logo
1 of 33
Sa tindi ng ating mga kasalanan at pagtalikod, naaalala pa
ba tayo ng Dios? Hindi ba natin naiisip minsan kung gaano
tayo napalayo sa Dios dahil sa ating mga kasalanan?
Awit 8:3 Pagka binubulay ko
ang iyong mga langit, ang gawa
ng iyong mga daliri, ang buwan
at mga bituin na iyong inayos;
4 Ano ang tao upang iyong
alalahanin siya? At ang anak ng
tao, upang iyong dalawin siya?
Ang tanong ni David ay kung naaalaala pa ba at
dadalawin tayo ng Dios? Ginawa ba ito ng Dios?
Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay
sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.
14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin
(at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian
gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at
katotohanan.
Bakit ang Dios ay nagkatawang-tao at tumira
sa gitna natin?
Fil. 2:6 Na siya, bagama't nasa
anyong Dios, ay hindi niya inaring
isang bagay na nararapat panangnan
ang pagkapantay niya sa Dios,
7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at
naganyong alipin, na nakitulad sa
mga tao:
8 At palibhasa'y nasumpungan sa
anyong tao, siya'y nagpakababa sa
kaniyang sarili, na nagmasunurin
hanggang sa kamatayan, oo, sa
kamatayan sa krus.
Papaano inihayag ang pagibig ng Dios na lampas pa
sa ating pagkaunawa?
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng
Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang
bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y
sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Juan 3:16
Papaano ipinalalasap sa atin ang pagibig ng
Dios sa araw-araw nating karanasan?
Awit 139:1 Oh Panginoon, iyong
siniyasat ako, at nakilala ako.
2 Iyong nakikilala ang aking pag-upo
at ang aking pagtindig, iyong
nauunawa ang aking
pagiisip sa malayo.
3 Iyong siniyasat ang aking landas at
ang aking higaan, at iyong kilala ang
lahat kong mga
lakad.
4 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito,
Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo.
5 Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag
mo ang iyong kamay sa akin.
6 Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin;
ito'y mataas, hindi ko maabot.
May lugar ba na malayo para hindi maabot ng
pagkalinga ng Dios? May bansa ba o barangay na hindi
niya napaguukulan ng pansin?
Awit 139:7 Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako
tatakas na mula sa iyong harapan?
8 Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking
higaan sa Sheol,
narito, ikaw ay nandoon.
9 Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga
pinakadulong bahagi ng dagat;
10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang
kamay ay hahawak sa akin.
11 Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang
liwanag sa palibot ko ay magiging gabi;
12 Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay
sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis
sa iyo.
13 Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay-
bata ng aking ina.
14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at
kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking
kaluluwa.
15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam
sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay
pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang
anoman sa kanila,
17 Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng
kabuoan nila!
18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay
laging nasa iyo ako
Isa 1:18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y
magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang
inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay
magiging mapuputi na parang niebe; bagaman
maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay
magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa,
Papaano niya tayo pinakikitunguhan sa ating mga
kasalanan at kahinaan?
Psa 103:8 Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at
mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa
kagandahang-loob.
9 Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya mang
tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man.
10 Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga
kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga
kasamaan.
11 Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa,
gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot
sa kaniya.
12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya
ang mga pagsalangsang natin sa atin.
13 Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon
naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya.
14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na
tayo'y alabok.
Ama ko, kung baga
maaari, ay
lumampas sa akin
ang sarong ito:
gayon ma'y huwag
ang ayon sa
ibig ko, kundi ang
ayon sa ibig mo.
Mat. 26:39
Ano ba ang laman ng saro na kung may ibang paraan
ay ayaw inumin ni Cristo?
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa
santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo
kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng
kagalitan ng Dios sa lupa. - Apoc. 16:1
Dahil hindi pinagbigyan ng Ama ang hibik at
pakiusap ng Anak, ano ang ginawa ng Ama sa
kaniya?
Isa 53:4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang
ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas,
sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y
nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating
kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay
nagsigaling tayo.
6 Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa
sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan
nating lahat.
7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng
kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang
nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya
binuka ang kaniyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya:
at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na
siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang
ng aking bayan ay nasaktan siya.
9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga
masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang
kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o
wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya;
inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang
kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan,
makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang
mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa
kaniyang kamay.
Oh ang aking pasan na lubhang mabigat
Oh yaong pasaning hindi ko mabuhat
Pagka't ako'y mahina, puso ko'y sugatan
Ay kinuha ni Jesus, dinala n'yang lahat
Habang hinahampas ng Dios ang
kaniyang Anak dahil sa atin, ano
naman ang kaniyang ginawa sa buong
lupa?
Mula nga nang oras na ikaanim ay
nagdilim sa ibabaw ng buong
sangkalupaan hanggang sa oras
na ikasiyam. - Mat. 27:45
Ano pa ang siphayo ni Cristo habang nagdurusa sa
krus?
At nang malapit na ang oras na
ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng
malakas na tinig, na sinasabi:
Eli, Eli, lama sabachthani? sa
makatuwid baga'y, Dios ko, Dios
ko bakit mo ako pinabayaan?
-Mat. 27:40
Ano pa ang naging tugon ng Dios sa taghoy ng Anak
na siya ay pinabayaan?
At narito, ang tabing ng
templo'y nahapak na
nagkadalawa buhat sa
itaas hanggang sa ibaba;
at nayanig ang lupa; at
nangabaak ang mgabato;
-Mat 27:51
Bakit gayon pinakitunguhan ng Dios ang Bugtong
niyang Anak? Ano ang ibig nitong iparating sa
makasalanan?
2Co 5:18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na
pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at
ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo;
2Co 5:19 Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay
pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang
sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin
ang salita ng pagkakasundo.
2Co 5:20 Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring
namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y
pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y
makipagkasundo sa Dios.
2Co 5:21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring
may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng
Dios.
Ano ang pahabol na
mensahe sa atin ng
Ama?
Datapuwa't
ipinagtatagubilin ng Dios
ang kaniyang pagibig sa
atin, na nang tayo'y mga
makasalanan pa, si Cristo
ay namatay dahil sa atin.
Roma 5:8
Papaano natin
mapahahalagahan ang
hindi malirip na pagibig
ng Dios?
Masdan ninyo kung gaanong
pag-ibig ang ipinagkaloob sa
atin ng Ama, upang tayo'y
mangatawag na mga anak
ng Dios; at tayo'y gayon nga.
Dahil dito'y hindi tayo
nakikilala ng
sanglibutan, sapagka't siya'y
hindi nakilala nito.
- 1 Juan 3:1
Na masdan natin si Jesus na
gumawa at sumakdal ng
ating pananampalataya, na
siya dahil sa kagalakang
inilagay sa harapan niya ay
nagtiis ng krus, na niwalang
bahala ang kahihiyan, at
umupo sa kanan ng
luklukan ng Dios.
- Heb. 12:2
Roma 8:31 Ano ang ating
sasabihin sa mga bagay na
ito? Kung ang Dios ay
kakampi natin, sino ang
laban sa atin?
32 Siya, na hindi ipinagkait
ang kaniyang sariling anak
kundi ibinigay dahil sa ating
lahat, bakit hindi naman
ibibigay sa atin ng walang
bayad ang lahat ng mga
bagay.
Juan3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta
ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang
bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y
sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.
SALAMAT SA PAGIBIG MONG HINDI MASAYOD
Alfredo M. Vitto
Bakit siya ang sinumpa, binugbog at sinugatan
Di ba kami ang may sala't gumawa ng kasamaan?
Bakit ang sala ng mundo sa kanya lang ipinasan?
Ang saro na sobrang pait sa kanya lang ibinigay
Habang kami ay yakap mo siya namay hinahampas
Habang siya'y binubugog ginagamot aming sugat
Habang siya'y tinatakwil inaampon kaming sukat
Pinabayaan mo siya't kami ang iyong tinanggap
"Dios ko, Dios ko" kanyang taghoy, "bakit ako binayaan?"
Kahit haplos nitong anghel hindi man lang pinayagan
Para maging Mang-aako ng lahat ng kasalanan
Pait, hirap, madlang sakit minarapat na matikman.
Puso nami'y binihag mo dahil sa Krus ng Kalbaryo
Ang kaisa-isang Anak ginawa mong sakripisyo
Hindi namin malilimot tagubiling ginawa mo
Na dahil sa sala nami'y namatay si Jesucristo
Ang bigat ng aming sala kung sa amin ipinasan
Kahit na iisang hakbang hindi namin makayanan
Kung ang saro na mapait ang sa ami'y patitikman
Puso nami'y madudurog buhay namin ay papanaw
Ama pagsinta mo sa 'min mahirap na unawain
Sa araw na walang bilang ito'y aming nanamnamin
Pagibig mong sobrang lalim kapag ito ay sulatin
Maging sa habang panahon, ay hindi kayang tapusin

More Related Content

What's hot

What's hot (20)

Pang ukol
Pang  ukolPang  ukol
Pang ukol
 
Panahon
PanahonPanahon
Panahon
 
Lesson 2 kahalagahan
Lesson 2 kahalagahanLesson 2 kahalagahan
Lesson 2 kahalagahan
 
Paggamit ng Magagalang na Pagbati
Paggamit ng Magagalang na PagbatiPaggamit ng Magagalang na Pagbati
Paggamit ng Magagalang na Pagbati
 
Kambal Katinig
Kambal KatinigKambal Katinig
Kambal Katinig
 
Rick Warren, Purpose Driven Life: Section 14, When God Seems Distant
Rick Warren, Purpose Driven Life: Section 14, When God Seems DistantRick Warren, Purpose Driven Life: Section 14, When God Seems Distant
Rick Warren, Purpose Driven Life: Section 14, When God Seems Distant
 
PANG-ABAY
PANG-ABAYPANG-ABAY
PANG-ABAY
 
Does God Heal Today?
Does God Heal Today?Does God Heal Today?
Does God Heal Today?
 
how big is your god
how big is your godhow big is your god
how big is your god
 
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3 wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ...
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ...Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3  wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ...
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 3 wastong pamamaraan sa paghahanda ng taniman ...
 
Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohanan Opinyon o katotohanan
Opinyon o katotohanan
 
PANGHALIP PANAKLAW
PANGHALIP PANAKLAWPANGHALIP PANAKLAW
PANGHALIP PANAKLAW
 
Kaukulan ng pangngalan
Kaukulan ng pangngalanKaukulan ng pangngalan
Kaukulan ng pangngalan
 
Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1Ang Kredo, Artikulo 1
Ang Kredo, Artikulo 1
 
Pagod kana ba
Pagod kana baPagod kana ba
Pagod kana ba
 
God's will vs. My will
God's will vs. My willGod's will vs. My will
God's will vs. My will
 
Sanhi at Bunga DLP 6.docx
Sanhi at Bunga DLP 6.docxSanhi at Bunga DLP 6.docx
Sanhi at Bunga DLP 6.docx
 
WHAT OBEDIENCE MEANS.pptx
WHAT OBEDIENCE MEANS.pptxWHAT OBEDIENCE MEANS.pptx
WHAT OBEDIENCE MEANS.pptx
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Lessons from Genesis 18
Lessons from Genesis 18Lessons from Genesis 18
Lessons from Genesis 18
 

Similar to Ang hindi malirip na pagibig ng dios

Ang patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohanan
Ang patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohananAng patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohanan
Ang patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohananArius Christian Monotheism
 
HE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICEHE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICEFaithworks Christian Church
 
EPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEFaithworks Christian Church
 
Ang pagtatayo ng iglesia ni cristo
Ang pagtatayo ng iglesia ni cristoAng pagtatayo ng iglesia ni cristo
Ang pagtatayo ng iglesia ni cristoakgv
 
CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...
CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...
CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...Faithworks Christian Church
 
Ang pag ibig na kinapupootan ng diyos
Ang pag ibig na kinapupootan ng diyosAng pag ibig na kinapupootan ng diyos
Ang pag ibig na kinapupootan ng diyosJed Chester Cosico
 
Another Night With The Frogs Tagalog
Another Night With The Frogs TagalogAnother Night With The Frogs Tagalog
Another Night With The Frogs TagalogACTS238 Believer
 
Because the lord sustains me
Because the lord sustains meBecause the lord sustains me
Because the lord sustains meRaymundo Belason
 
Buhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhayBuhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhayRogelio Gonia
 
Sapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibig
Sapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibigSapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibig
Sapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibigACTS238 Believer
 
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE Faithworks Christian Church
 
Ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwa
Ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwaAng pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwa
Ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwaArius Christian Monotheism
 
Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?ACTS238 Believer
 

Similar to Ang hindi malirip na pagibig ng dios (20)

Party Pa More
Party Pa MoreParty Pa More
Party Pa More
 
DO NOT ENTER
DO NOT ENTERDO NOT ENTER
DO NOT ENTER
 
Ang patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohanan
Ang patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohananAng patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohanan
Ang patnubay ng espiritu ng diyos sa atin sa buong katotohanan
 
HE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICEHE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICE
HE WILL BE CALLED 3 - PTR. FERDIE TAGUIANG - 7AM TAGALOG SERVICE
 
Tagalog - Testament of Simeon.pdf
Tagalog - Testament of Simeon.pdfTagalog - Testament of Simeon.pdf
Tagalog - Testament of Simeon.pdf
 
Tagalog - Testament of Simeon the Second Son of Jacob and Leah.pdf
Tagalog - Testament of Simeon the Second Son of Jacob and Leah.pdfTagalog - Testament of Simeon the Second Son of Jacob and Leah.pdf
Tagalog - Testament of Simeon the Second Son of Jacob and Leah.pdf
 
EPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICEEPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
EPHESIANS - WEEK3 PTR.ALVIN GUTIERREZ - 7AM TAGALOG SERVICE
 
Ang pagtatayo ng iglesia ni cristo
Ang pagtatayo ng iglesia ni cristoAng pagtatayo ng iglesia ni cristo
Ang pagtatayo ng iglesia ni cristo
 
CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...
CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...
CHRISTMAS IN A NUTSHELL 3 - PINATATAWAD AKO NG DIYOS - PTR. ALAN ESPORAS - 7A...
 
Ang pag ibig na kinapupootan ng diyos
Ang pag ibig na kinapupootan ng diyosAng pag ibig na kinapupootan ng diyos
Ang pag ibig na kinapupootan ng diyos
 
Another Night With The Frogs Tagalog
Another Night With The Frogs TagalogAnother Night With The Frogs Tagalog
Another Night With The Frogs Tagalog
 
Because the lord sustains me
Because the lord sustains meBecause the lord sustains me
Because the lord sustains me
 
Buhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhayBuhay na patay, patay na buhay
Buhay na patay, patay na buhay
 
Sapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibig
Sapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibigSapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibig
Sapagka't pinarurusahan ng panginoon ang kaniyang iniibig
 
Parable Of The Lost Coin
Parable Of The Lost CoinParable Of The Lost Coin
Parable Of The Lost Coin
 
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE MALACHI #7   THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
MALACHI #7 THE DAY IS COMING - PTR ALVIN GUTIERREZ - 7 AM MABUHAY SERVICE
 
Ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwa
Ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwaAng pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwa
Ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag ibig sa kapwa
 
Siksik, Liglig At Umaapaw
Siksik, Liglig At UmaapawSiksik, Liglig At Umaapaw
Siksik, Liglig At Umaapaw
 
Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?Sirs, what must i do to be save?
Sirs, what must i do to be save?
 
Tunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisiTunay na pagsisisi
Tunay na pagsisisi
 

Ang hindi malirip na pagibig ng dios

  • 1.
  • 2. Sa tindi ng ating mga kasalanan at pagtalikod, naaalala pa ba tayo ng Dios? Hindi ba natin naiisip minsan kung gaano tayo napalayo sa Dios dahil sa ating mga kasalanan? Awit 8:3 Pagka binubulay ko ang iyong mga langit, ang gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at mga bituin na iyong inayos; 4 Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?
  • 3. Ang tanong ni David ay kung naaalaala pa ba at dadalawin tayo ng Dios? Ginawa ba ito ng Dios? Juan 1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. 2 Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. 14 At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.
  • 4. Bakit ang Dios ay nagkatawang-tao at tumira sa gitna natin? Fil. 2:6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, 7 Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: 8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
  • 5. Papaano inihayag ang pagibig ng Dios na lampas pa sa ating pagkaunawa? “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16
  • 6. Papaano ipinalalasap sa atin ang pagibig ng Dios sa araw-araw nating karanasan? Awit 139:1 Oh Panginoon, iyong siniyasat ako, at nakilala ako. 2 Iyong nakikilala ang aking pag-upo at ang aking pagtindig, iyong nauunawa ang aking pagiisip sa malayo. 3 Iyong siniyasat ang aking landas at ang aking higaan, at iyong kilala ang lahat kong mga lakad.
  • 7. 4 Sapagka't wala pa ang salita sa aking dila, nguni't, narito, Oh Panginoon, natatalastas mo nang buo. 5 Iyong kinulong ako sa likuran at sa harapan, at inilapag mo ang iyong kamay sa akin. 6 Ang ganyang kaalaman ay totoong kagilagilalas sa akin; ito'y mataas, hindi ko maabot.
  • 8. May lugar ba na malayo para hindi maabot ng pagkalinga ng Dios? May bansa ba o barangay na hindi niya napaguukulan ng pansin? Awit 139:7 Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan? 8 Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. 9 Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at tumahan sa mga pinakadulong bahagi ng dagat; 10 Doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin. 11 Kung aking sabihin, Tunay na tatakpan ako ng kadiliman, at ang liwanag sa palibot ko ay magiging gabi; 12 Ang kadiliman man ay hindi nakakukubli sa iyo, kundi ang gabi ay sumisilang na parang araw: ang kadiliman at kaliwanagan ay magkaparis sa iyo.
  • 9. 13 Sapagka't iyong inanyo ang aking mga lamang loob: iyo akong tinakpan sa bahay- bata ng aking ina. 14 Ako'y magpapasalamat sa iyo; sapagka't nilalang ako na kakilakilabot at kagilagilalas: kagilagilalas ang iyong mga gawa; at nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. 15 Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa. 16 Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila, 17 Pagka mahalaga rin ng iyong mga pagiisip sa akin, Oh Dios! Pagka dakila ng kabuoan nila! 18 Kung aking bibilangin, higit sila sa bilang kay sa buhangin: pagka ako'y nagigising ay laging nasa iyo ako
  • 10. Isa 1:18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa,
  • 11. Papaano niya tayo pinakikitunguhan sa ating mga kasalanan at kahinaan? Psa 103:8 Ang Panginoon ay puspos ng kahabagan at mapagbiyaya, banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang-loob. 9 Hindi siya makikipagkaalit na palagi; ni kaniya mang tataglayin ang kaniyang galit magpakailan man. 10 Siya'y hindi gumawa sa atin ng ayon sa ating mga kasalanan, ni gumanti man sa atin ng ayon sa ating mga kasamaan.
  • 12. 11 Sapagka't kung paanong ang mga langit ay mataas kay sa lupa, gayon kalaki ang kaniyang kagandahang-loob sa kanila na nangatatakot sa kaniya. 12 Kung gaano ang layo ng silanganan sa kalunuran, gayon inilayo niya ang mga pagsalangsang natin sa atin. 13 Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya. 14 Sapagka't nalalaman niya ang ating anyo; kaniyang inaalaala na tayo'y alabok.
  • 13. Ama ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa ibig mo. Mat. 26:39
  • 14.
  • 15. Ano ba ang laman ng saro na kung may ibang paraan ay ayaw inumin ni Cristo? At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa. - Apoc. 16:1
  • 16. Dahil hindi pinagbigyan ng Ama ang hibik at pakiusap ng Anak, ano ang ginawa ng Ama sa kaniya? Isa 53:4 Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. 5 Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo. 6 Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat. 7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
  • 17. 8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya. 9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig. 10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, makikita niya ang kaniyang lahi, pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.
  • 18. Oh ang aking pasan na lubhang mabigat Oh yaong pasaning hindi ko mabuhat Pagka't ako'y mahina, puso ko'y sugatan Ay kinuha ni Jesus, dinala n'yang lahat
  • 19. Habang hinahampas ng Dios ang kaniyang Anak dahil sa atin, ano naman ang kaniyang ginawa sa buong lupa? Mula nga nang oras na ikaanim ay nagdilim sa ibabaw ng buong sangkalupaan hanggang sa oras na ikasiyam. - Mat. 27:45
  • 20.
  • 21. Ano pa ang siphayo ni Cristo habang nagdurusa sa krus? At nang malapit na ang oras na ikasiyam ay sumigaw si Jesus ng malakas na tinig, na sinasabi: Eli, Eli, lama sabachthani? sa makatuwid baga'y, Dios ko, Dios ko bakit mo ako pinabayaan? -Mat. 27:40
  • 22. Ano pa ang naging tugon ng Dios sa taghoy ng Anak na siya ay pinabayaan? At narito, ang tabing ng templo'y nahapak na nagkadalawa buhat sa itaas hanggang sa ibaba; at nayanig ang lupa; at nangabaak ang mgabato; -Mat 27:51
  • 23. Bakit gayon pinakitunguhan ng Dios ang Bugtong niyang Anak? Ano ang ibig nitong iparating sa makasalanan? 2Co 5:18 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios, na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo, at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo; 2Co 5:19 Sa makatuwid baga'y, na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo. 2Co 5:20 Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios. 2Co 5:21 Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.
  • 24. Ano ang pahabol na mensahe sa atin ng Ama? Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Roma 5:8
  • 25. Papaano natin mapahahalagahan ang hindi malirip na pagibig ng Dios? Masdan ninyo kung gaanong pag-ibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, sapagka't siya'y hindi nakilala nito. - 1 Juan 3:1
  • 26. Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya, na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus, na niwalang bahala ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios. - Heb. 12:2
  • 27. Roma 8:31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Dios ay kakampi natin, sino ang laban sa atin? 32 Siya, na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay.
  • 28.
  • 29. Juan3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
  • 30.
  • 31.
  • 32. SALAMAT SA PAGIBIG MONG HINDI MASAYOD Alfredo M. Vitto Bakit siya ang sinumpa, binugbog at sinugatan Di ba kami ang may sala't gumawa ng kasamaan? Bakit ang sala ng mundo sa kanya lang ipinasan? Ang saro na sobrang pait sa kanya lang ibinigay Habang kami ay yakap mo siya namay hinahampas Habang siya'y binubugog ginagamot aming sugat Habang siya'y tinatakwil inaampon kaming sukat Pinabayaan mo siya't kami ang iyong tinanggap "Dios ko, Dios ko" kanyang taghoy, "bakit ako binayaan?" Kahit haplos nitong anghel hindi man lang pinayagan Para maging Mang-aako ng lahat ng kasalanan Pait, hirap, madlang sakit minarapat na matikman.
  • 33. Puso nami'y binihag mo dahil sa Krus ng Kalbaryo Ang kaisa-isang Anak ginawa mong sakripisyo Hindi namin malilimot tagubiling ginawa mo Na dahil sa sala nami'y namatay si Jesucristo Ang bigat ng aming sala kung sa amin ipinasan Kahit na iisang hakbang hindi namin makayanan Kung ang saro na mapait ang sa ami'y patitikman Puso nami'y madudurog buhay namin ay papanaw Ama pagsinta mo sa 'min mahirap na unawain Sa araw na walang bilang ito'y aming nanamnamin Pagibig mong sobrang lalim kapag ito ay sulatin Maging sa habang panahon, ay hindi kayang tapusin

Editor's Notes

  1. Ang isa sa pinaka magandang paksa sa Biblia ay ang hindi malirip na pagibig ng Dios. Pagkatapos magkasala ang tao ay ipinakita niya ang kaniyang nagliligtas na pagmamahal. Ang pagibig na ito ay lampas pa sa ating pagkaunawa.
  2. Napakalawak ng buong universe. Ang kasalukuyang mga telescope ay may nakikitang hindi mabilang na galaxy. Bawat galaxy ay may hindi mabilang na mga bituin at planeta. At mayroon pang walang bilang na galaxy na hindi maabot ng telescope. Ganito kalawak ang kaharian ng Dios.
  3. Hindi lamang tayo dinalaw ng Dios kundi tumira pa siya sa gitna natin. Nakasama natin ang Dios, narinig siya at nahipo. Nagkatawang tao ang Dios at tumira sa gitna natin.
  4. Nang dalawin tayo ng Dios siya ay nasa anyong tao at anyong alipin. Hindi siya dumalaw na taglay ang kaluwalhatian. Dumalaw siya sa anyong alipin at naglingkod sa tao. Nagkatawang-tao na ang pakay ay magmasunurin hanggang kamatayan sa krus.
  5. Ang taas, lawak, haba, at lalim ng kaniyang pagibig ay walang sukat. Walang pananalita na sukat gamitin upang sambitlain ang hiwaga ng kaniyang pagibig, kaya ang pagpapahayag ng pagibig na ito ay sinabing: "Gayon na lamang..." May mag-asawa na nais ipaampon sa kamaganak nilang mayaman ang isa sa pito nilang anak Magiging maganda ang buhay ng mapipili nilang ipaampon sapagkat mabait at mayaman ang kamag-anak nila. "Ang ating anak na panganay ang ibibigay natin" wika ng ama. "Hindi maaari sapagkat siya ang una nating minahal" sagot ng nanay. "Yang pangalawa na lamang." "Huwag yan dahil pinaka maganda, siya ang mag-aahon sa atin sa kahirapan, kaya yaong pangatlo." "Naku, yan pa mandin ang pinaka matalino, kaya itong pangapat na lang" diin ng tatay. "Ano ka, mapagmahal yan. Siya lang nga ang nag-aasikaso sa atin pag tayo ay nagkakasakit, ito na lang pang lima" Lalong hindi pwede dahil maramdamin yan. Mag-iiiyak lamang yan don. Ito na lang pang anim." "Mahirap ipamigay yan dahil pilay, hindi pati siya ang hinihingi." "Kung ganon ay di si bunso na lang" giit ng tatay. "Naku mamamatay ako pag yan ang nawala" hibik ng nanay Sa 7 anak ay walang napiling ibigay, kahit na yong anak na pilay. Ang pag-ibig ng Dios ay lumampas sa pag-ibig nating lahat dahil ang ibinigay niya ay ang nag-iisa niyang Anak. Nang ibigay ng Ama si Jesus ay ibinigay na niya ang lahat.   Hindi natin malalampasan ang Dios sa pagbibigay. Sa pag-ibig natin ay tatanggi tayo na ipamigay ang alin man sa ating mga anak, kahit na yong may mga kapintasan. Ngunit ang Dios, nag-iisa na nga ay ibinigay pa para maging Manunubos sa ating mga kasalanan.
  6. Alam niya ang lahat sa atin. Alam niya ang ating mga pagsubok, luha at kalungkutan. Lagi niya tayong nakikita at naririnig. Lahat ng pangyayari sa ating mga buhay ay kaniyang napapansin. Kailan man ay hindi siya naging malayo sa atin.   Ang pagkalingang ito ng Dios ay hindi nagawa ng pinaka mabait na mommy at daddy. Karamihan sa kaniyang pagmamahal ay hindi natin nakikita, napapansin at nalalaman.
  7. Walang lugar o pangyayari na hindi tayo kayang abutin ng kaniyang pagibig. Lagi siyang naroroon at naririto para sa atin. Ang kaniyang pag-aalaala para sa atin ay marami pa kaysa mga buhangin sa dagat. Sa kabila na tayo ay hindi sakdal ay nanatili pa rin ang kaniyang di nagmamaliw na pagibig   Hindi natin kayang pigilin ang Dios na mahalin tayo. Pagka sinabi natin sa kanya na "Limutin mo ako" ay lalo niya tayong aalalahanin. Ang tindi at tingkad ng ating mga kasalanan ay hindi hadlang para tayo ay mapatawad niya.
  8. Ang kaniyang galit para sa atin ay galit ng nagmamahal. Ang kaniyang pagdaramdam ay sandali lamang, mga tampo dahil sa panibugho. Ang kahangahanga sa Dios ay inaalala niya na tayo ay alabok. Alabok, kaya hindi tayo ginagantihan ng ayon sa ating mga kasalanan.   Tumahimik kayo sangdali at pakinggan natin ang panalangin ni Cristo. Tingnan ninyo ang kaniyang mga pawis at mga patak ng dugo. Humihingi siya ng saklolo sa kaniyang Ama.
  9. Ito ang Krisis ng pagibig. Humiling ang Anak sa Ama na lumampas sa kaniya ang saro ng paghihirap. Nalagay sa panganib ang ating kaligtasan sa kahilingang to. Sa hiwaga ng di malirip na pagibig ay sinabi ni Cristo na huwag siyang pagbigyan, kundi gawin ng Ama ang ayon sa ibig niya.  
  10. Noong ika -2 Digmaang Pandaigdig ay hinatulan ng German officers ng firing squad ang magkapatid na Russian. Ipinatawag ang ina upang saksihan ang pangyayari. Gayon na lamang ang pakiusap ng ina na huwag ng igawad ang hatol. Medyo nahabag ang officers kaya ipinasiya niyang palayain ang isa, at ang ina ang pinapagpasiya kung sino sa kanila. "Ituro mo kung sino sa dalawa ang palalayain. Bibilang ako ng tatlo at kapag wala kang naituro ay pareho silang mamamatay." ITO ANG KRISIS NG PAGIBIG. Sinong papanigan ng ina ay pareho niya silang mahal. Sa pagitan natin at ni Cristo ay tayo ang napili ng Dios. Ipinasiya niyang magdusa hanggang kamatayan ang kaniyang Anak sa ating lugar. Ito ang hindi malirip na pagibig ng Dios.
  11. Ang laman ng saro ay sumpa at galit ng Dios. Sa hindi malirip na pagibig ng Dios ay inagaw niya ito sa ating bibig at ipinainom sa nag-iisa niyang Anak. Bakit siya ang iinom? Papaano matitiis ng Ama na masdan ang kaniyang Anak na magdusa ng parusa na hindi para sa kaniya? Sa walang hanggan ay iibigin natin ang Dios dahil dito.
  12. Sa galit sa kasalanan ay hinampas at binugbog ng Dios ang kaniyang Anak. Masdan ninyo ang kaniyang pagdurusa. Hindi lamang basta sugat at bugbog. Ang mga ito ay sugat ng galit ng Dios sa kasalanan. Ang kaniyang paghihirap ay sukdulan sapagkat ang kaniyang binata ay ang parusa na para sa ating lahat.
  13. Inagaw ni Cristo sa atin ang mabigat na krus at siya ang nagpasan. Kinuha niya ang sumpa na para sa atin at siya ang nagbata. Sa walang hanggan ay iibigin natin siya, dahil sa kaniyang di maririp na pagibig.
  14. Sa halip na isugo ng Ama ang mga anghel upang ang Anak ay lingapin ay dinagdagan pa ng Dios ang kaniyang pagdurusa sa pamamagitan ng pagdidilim ng araw at lindol. Nagdilim ang buong lupa habang tinitikman ni Cristo ang sumpa ng sinuway na kautusan. Nagiisa si Jesus sa kadiliman, na nagdurusa, hinahampas, at sinusugatan ng Dios.   Kapag may mamamatay tayong mahal sa buhay ay sinisikap nating paglingkuran siya at ipadama ang ating pagmamahal. Sa kamatayan ni Cristo ay walang isa mang nagmamalasakit. Kahit isang anghel ay hindi pinahintulutang maglingkod sa kaniya. Habang naghihirap sa krus ay binalot pa ng Dios ang buong lupa ng kadiliman.   Ganyan ang pagkamuhi ng Dios sa kasalanan. Dahil naging Manunubos si Cristo ay nagdusa siya sa ating lugar, kaya ipinisan sa kaniya ng Dios ang galit niya sa ating mga kasalanan.  
  15. Normal sa isang mapagmahal na Ama ang dumamay kapag ang anak ay nagdurusa. Ngunit sa tagpong ito ay pinabayaan ng Ama ang kaniyang Bugtong na Anak. Ang lahat ng ito ay para sa ating kaligtasan. Kung sumaklolo ang Ama at inagaw niya si Cristo sa krus ay imposible na para sa sangkatauhan ang kaligtasan. Kung hindi siya pinabayaan ng Dios hanggang sa kamatayan, ay hindi tayo magkakaroon ng katubusan sa ating mga kasalanan.
  16. Ang tugon ng Dios sa tanong ng Anak na "Bakit mo ako pinabayaan" ay kadiliman at lindol. Ganyan ang tindi ng kabayaran ng kasalanan.
  17. Pinakitunguhan niya sa Cristo na parang makasalanan, upang mapakitunguhan niya tayong parang walang kasalanan. Ganito niya tayo inanyayahan na makipagkasundo sa kaniya. Mga kaibigan, sa pamamagitan ng pangangaral na ito ay binibigyan tayo ng Dios ng ng pagkakataong makipagkasundo na sa kaniya.   Sa kamatayan ni Cristo ay binigyan tayo ng Dios na pagkakataong makipagkasundo sa kaniya. Hindi mahirap gawin ang bagay na ito sapagkat hindi niya ibibilang ang ating mga kasalanan kapag tayo ay makikipagkasundo. Kapag lumapit tayo sa kaniya sa oras na ito ay ituturing tayo na parang hindi nagkasala.
  18. Hindi normal sa kanino mang ama na ibigay sa kamatayan ang kaniyang anak na kapalit at kahalili ng mga makasalanan. Nang mamatay si Cristo para sa atin, dito nahayag ang hindi malirip na pagibig ng Dios.
  19. Masdan natin ang Ama na dahil sa pag-ibig sa atin ay ibinigay ang kaniyang Bugtong na Anak para maging tagapagdala ng sumpa na dapat ay tayo ang magdala. Nang ibigay niya si Cristo sa atin ay ibinigay na niya ang buong langit.
  20. May isang barangay na matagal ng hindi pinagdarausan ng misa dahil sa layo sa kabihasnan. Isang araw ay may dumating na Pari at laking tuwa ng mga tao na magkakaroon daw ng misa sa gabi. Lahat ay nakaupo na sa kapilya ng biglang patayin ang ilaw. Napakadilim ng gabi. Lumabas ang pari na may dalang kandila at inilawan ang ulo ng rebolto ni Cristo. Nakita ang koronang tinik at ang umaagos na dugo. Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagdurusa. Inilawan ng Pari ang magkabilang kamay na nakapako sa krus. Umaagos ang malalaking patak ng dugo. Inilawan niya ang kaniyang tagiliran at nakita ang malalim na sugat. Lumuluha ang mga tao sa kanilang nakita. Dinagukan nila ang kanilang dibdib. Tumingin ang pari sa mga tao at binigkas ang pinaka maiksi niyang sermon:
  21. Nang gawin ni Mel Gibson ang film na "Tha Passion" na ipinakita ang mga hirap at pasakit ni Cristo, ay sinabi ng marami na napaka brutal ng pangyayari.   Isang lawyer ang inihabla ang Israel dahilan sa kamatayan ni Cristo   Sa Jerusalem Post ay iniulat na ang dating spokesman ng Kenyan Judicary, na si Dola Indidis ay nagpanukalang ihabla ang Isreal at Italy sa pagpapapatay kay Jesucristo . Sinabi ni Indidi na "Nag file ako ng kaso dahil tungkulin ko na itaas ang dignidad ni Jesus, at pumunta ako sa ICJ para humingi ng katarungan para sa lalaking taga Nazareth," "Ang walang katarungan at mga malisyusong tagausig ay sinira ang karapatang pangtao sa pamamagitan ng masamang asal, pang-aabuso at may kinikilingang paghatol." Pinawalang bisa ng High Court of Kenya ang usapin sapagkat labas na ito sa kanilang nasasakupan, Nagpanukala si Indidi na hilingin sa International Court of Justice na nasa Hague na baguhin ang hatol na kamatayan sa kaniyang Tagapagligtas. Sinabi pa niya na ang paglilitis at pagpapako sa krus kay Jesucristo ay hindi naaayon sa batas, at ang State of Israel kasama na ang ilan ay dapat panagutin.
  22. Mga kaibigan, kung hustisya ang hinihingi natin ay hindi dapat maghirap at magdusa si Cristo para sa kaslanan ng iba. Sa krimeng nangyari sa krus ay hindi sinunod ng Dios ang katarungan. Ang pinairal niya ay biyaya o awa.   Kung katarungan ay dapat tayong parusahan. Tayo ang dapat hampasin, putungan ng koronang tinik, ipako sa krus, insultuhin, at sibatin sa tagiliran.   Nakaligtas tayo sa parusang ito sapagkat si Cristo ay kusang naging manunubos at sinagutan ang kaparusahang hinihingi ng katarungan. Siya ang ating naging Tagapagligtas, Alay at Pampalubag-loob.   Sa oras na ito ay sampalatayan mo ang kaniyang ginawa. Tanggapin mo siyang tagapagdala ng iyong sala. Tanggapin mo siyang kahalili sa kaparusahang para sa iyo. Tanggapin mo siyang Personal mong Tagapagligtas. Lumapit ka sa kaniya na may pagpapasalamat.   Sa Ama ay sabihin nating "Salamat na pinayagan mo ang Anak na magdusa ng malagim na kamatayan para sa amin. Salamat na hindi mo pinairal ang katarungan kundi habag. Salamat na hindi mo ipinataw ang krimin ng pagpatay sa Bugtong mong Anak. Salamat sa iyong Di Malirip na Pagibig.