SLIDESMANIA.COM
Tayutay
(Figures of Speech)
SLIDESMANIA.COM
Ano ba
ang
tayutay?
Ano ang mga Uri ng
Tayutay at bakit
mahalaga ang
paggamit ng mga ito
sa isang
pangungusap?
SLIDESMANIA.COM
Tayutay
-Ang Tayutay ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita upang
gawing mabisa, matalinghaga, makulay at
kaakit-akit ang pagpapahayag.
Simpleng Pangungusap:
Mahal na mahal kita!
Pangungusap na may
tayutay:
Ang pagmamahal ko sa iyo
ay kasinglalim ng dagat!
SLIDESMANIA.COM
Mga Uri ng
Tayutay
SLIDESMANIA.COM
1. Pagtutulad (Simile)
-Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay,
pangyayari atbp. Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad
ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
Halimbawa:
a. Ikaw ay kagaya ng makulay nabulaklak
b. Ang kagandahan mo ay tulad ng isang paru paro.
c. Parang tigre kung magalit ang aking inay.
SLIDESMANIA.COM
2. Pagwawangis (Metaphor)
-Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang
mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo,
kagaya ng atbp.
-Direktang paghahambing
Halimbawa:
a. Si Itay ay haligi ng aming tahanan.
b. Ikaw ang ahas sa aming relasyon!
SLIDESMANIA.COM
3. Pagtatao (Personification)
-Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.
Halimbawa:
a. Ang mga kawayan ay sumasayaw sa ihip ng hangin.
b. Tumatangis ang kalangitan.
c. Hinalikan ako ng malamig na simoy ng hangin.
SLIDESMANIA.COM
4. Pagmamalabis (Hyperbole)
-Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at
kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.
-Pagpapahayag nang labis sa katotohanan.
Halimbawa:
a. Nabiyak ang aking dibdib nang mawala ang Inay.
b. Kaya kong sungkitin ang bituin para sa iyo.
C. Ang pag-ibig ko sayo ay sing lalim ng karagatan.
SLIDESMANIA.COM
5. Pag-uuyam (Sarcasm/Irony)
-Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar
ito sa tao o bagay.
-Kadalasang kabaligtaran ito sa totoong nais na ipabatid.
Halimbawa:
a. Ang kinis ng iyong mukha, pwede nang bahayan ng mga
bubuyog ang mga butas-butas sa mukhamo.
B. Ang sipag mo naman magsulat, kitang kita sa kwaderno
mong walang nakasipi niisa
SLIDESMANIA.COM
6. Pagtawag (Apostrophe)
-Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang kinausap sila.
-Pakikipag-usap o pagtawag sa mga bagay na hindi naman
nakikita.
Halimbawa:
a. Swerte, kailan ka kaya dadapo sa akin?
b. Kasipagan, sapian mo ako!
SLIDESMANIA.COM
7. Paghihimig (Apostrophe)
-Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o
himig ng mga salita.
Halimbawa:
a. Nakabubulahaw ang batingtingng kampana sa simbahan.
B. Umaalingawngaw sa kawalan ang kokak ng mga palaka.
SLIDESMANIA.COM
7. Pag-uulit (Alliteration)
-Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng
dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang
pangungusap.
Halimbawa:
a. Si Pedro ay patungo paroon.
B. Masarap magluto ang aking magulang
SLIDESMANIA.COM
Mga Palatandaan sa bawat uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad (naghahambing + para, katulad, wangis, tila,
tulad)
2. Pagwawangis (Direktang paghahambing)
3. Pagtatao (Bagay na umaastang tao)
4. Pagmamabis (OA, Exaggerated, lampas sa totoo)
5. Pag-uuyan (Kabaligtaran/Pang-aasar)
6. Pagtawag (Parang may kausap)
7. Paghihimig (Tunog)
8. Pag-uulit (Pag-uulit ng titik o pantig)
SLIDESMANIA.COM
SLIDESMANIA.COM
Panuto:
Tukuyin kung anong uri ng
tayutay ang ipinababatid ng
bawat liriko ng kanta/awit.
SLIDESMANIA.COM
KUNDIMAN
By: Silent Sanctuary
“Para kang asukal, singtamis mo magmahal,
Para kang pintura, buhay ko’y ikaw ang
nagpinta.”
SLIDESMANIA.COM
HARANA
By: Parokya ni Edgar
“Ibubuhos ko ang buong puso ko sa isang
munting harana para sa iyo.”
SLIDESMANIA.COM
NARDA
By: Kamikazee
“Tila ibon kung lumipad, sumabay sa hangin
ako’y napatingi.”
SLIDESMANIA.COM
BEEP BEEP BEEP, ANG SABI NG JEEP
By: Willie Revillame
“BEEP BEEP BEEP, ANG SABI NG JEEP
Beep beep beep beep
bee-beep beep.”
SLIDESMANIA.COM
KUNG AKIN ANG MUNDO
By: Khalil Ramos
“Susungkitin mga bituin, para lang makahiling
na sana’y maging akin puso mo at damdamin.”
SLIDESMANIA.COM
Tatlong Bibe
By:
“Siya ang lider na nagsabi ng kwak! Kwak!
Kwak! Kwak! Kwak!”
SLIDESMANIA.COM
Dati
By: Sam Concepcion
“ ‘Di bat ikaw nga yung Reyna at ako ang iyong
Hari, ako yung prinsesang sagip mo palagi.”
SLIDESMANIA.COM
Sundo
By: Imago
“Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
para hanapin, para hanapin ka.”
SLIDESMANIA.COM
Kahit na
By: Toni Gonzaga
“Wala ka ngang kagwapuhan na maipakita,
inaasar ka na kulang ka sa bitamina, at mukha
mo daw nasabugan pa ng dinamita.”
SLIDESMANIA.COM
Salamat!
SLIDESMANIA.COM
Free themes and templates for
Google Slides or PowerPoint
NOT to be sold as is or modified!
Read FAQ on slidesmania.com
Sharing is caring!
Fonts used: Patrick Hand and Gochi Hand

Tayutay.pptx