A short but detailed explanation of the 7 gifts of the Holy Spirit. This is useful for beginners who would like to know what are the 7 gifts of the Holy Spirit and how they affect our life as Christians.

Although we don’t read much about Caleb in the book of Joshua, he will remind you of the joy of serving the Lord. Caleb. Caleb received his inheritance because he was confident in God, committed to God and courageous for God. Paul demonstrates that we can have our inheritance through confidence, commitment and being courageous.
Presentation on the topic "Resurrection of Jesus" . Contains word study of the word "resurrection", harmonization of the Gospel accounts and historical evidence for the death, empty tomb and post-mortem appearances of Jesus.
God blesses us so that we can be His channels of blessing to the world. Service, kindness, generosity, and creative problem solving are few ways we bless people around us.
For sermon audio, notes, slides, archives and other free resources like books, please visit our website - http://www.apcwo.org
#APCBangalore
We usually hear some nice words about mothers in churches on Mother's Day Sunday, but what does the Lord think about mothers? This exhortation sheds light on the answer from Leviticus 19:3.
Why did God give the Law - so high, So demanding, So unreasonable humanly speaking that no body (no man, no woman, no boy, no girl) has ever been able to keep them?
John 3:1-5. A New Life In Christ. In the new life we have been born again. In the new life we are a new creation. In the new life we crucify the flesh with its passions and desires. In the new life we are transformed by the renewing of our minds. In the new life we are renewed by the Holy Spirit. In the new life we are dead to sin but alive to God. In the new life we are washed from our sins. in the new life we put to death the old man and put on the new man. In the new life we died and our life is hidden with Christ in God. In the new life we were brought back from death in sin.
Paunang Salita
Lahat ng pagpupuri ay sa Allah lamang, ang hindi nag-angkin ng anak, ang walang katambal sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, ang hindi nangangailangan ng anumang tulong. Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban sa Allah - ang tanging Nag-iisa na walang katambal - at ako ay sumasaksi na si Muhammad (Sallallahu Alaihi Wasallam)1 ay Kanyang Lingkod at Sugo.
Isinulat ang maikling aklat na ito upang bigyang paliwanag ang orihinal na mensahe ni Kristo at ang mga doktrinang Kristiyanismo na pina-iiral sa ngayon. Ito ay inihanda para sa mambabasang Kristiyano upang mapag-alaman niya ang orihinal na pananampalatayang itinuro ni Kristo at mapag-alaman din kung paano ito nabago at naiba mula sa kanyang kauna-unahang anyo na naging isang relihiyong gawa-gawa na lamang ng tao. Binanggit ang mga katibayan na nagpapatibay sa mga katotohanang makikita sa polyetong ito mula sa Torah at Injeel2 upang magsilbing patnubay sa mambabasa tungo sa tamang landas.

How to Know God Personally?
What does it take to begin a relationship with God? Devote yourself to unselfish religious deeds? Become a better person so that God will accept you?
You may be surprised that none of those things will work. But God has made it very clear in the Bible how we can know Him.
The following principles will explain how you can personally begin a relationship with God, right now, through Jesus Christ...
1. NASA BIBLIA BA ANG ARAL NA ANG DIYOS AY
MAY TATLONG PERSONA?
Ang doktrina o aral tungkol sa
TRINIDAD ay isang malaganap na
paniniwala ng maraming
nagpapakilalang mga Cristiano sa
kasalukuyan. Ang paniniwalang ito,
ay kanilang ipinapalagay na
mababasa sa Biblia o nakabatay sa
Biblia, itinuturo ng aral na ito na ang
Diyos ay binubuo ng TATLONG
PERSONA: Diyos Ama, Diyos
Anak, at Diyos Espiritu Santo,
bagamat itinuturing nila na ang
bawat persona ay isang Diyos, ang
mga naniniwala sa Trinidad ay
nagtuturo at nagsasabi na iisa
lamang ang Diyos at hindi tatlo.
Kung ating sasangguniin ang Biblia,
ang Panginoong Diyos ba, o ang kaniyang anak na si Jesu Cristo, o
maging ang mga Apostol, ay nagturo na mayroon pang ibang Diyos
maliban sa AMA? Ano ba ang pagpapakilala ng Diyos sa kaniyang
sarili na siya namang itinuro ni Cristo at ng kaniyang mga alagad? Sabi
ng Biblia:
Isaias 45:21 “Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo,
magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito
mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon
nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa
akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa
akin.”
Ang Diyos mismo ang nagsabi na siya lamang ang nagiisang Diyos, at
ito’y kaniyang binigyan ng diin sa pagsasabing walang Dios liban sa
kaniya at wala siyang nakikilalang iba:
Isaias 44:8 “Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man:
hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo
ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang
malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.”
Ang nagiisang tunay na Diyos ay walang nakikilalang ibang Diyos
maliban sa kaniyang sarili, iyan ang maliwanag na katotohanang
pahayag ng ating Panginoong Diyos mismo. Maging ang kaniyang
mga sinaunanag lingkod gaya halimbawa ni Haring David ay may
pahayag ng ganito:
2 Samuel 7:22 “Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios:
sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo,
ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.”
Mapapansin na noong mga unang panahon ang mga lingkod ng Diyos
ay hindi kailanman siya ipinakilala bilang isang Diyos na may tatlong
persona, kundi ipinakilala nila na ang Diyos ay iisa lamang at wala
siyang katulad o kagaya. Dagdag pa ni Haring David:
Awit 86:10 “Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng
kagilagilalas na mga bagay: ikaw na magisa ang Dios.”
Maliwanag kung gayon na IISA LAMANG ANG TUNAY NA DIYOS.
Kung ang tao ay kumilala pa sa ibang Diyos maliban sa iisang tunay
na Diyos na ipinakikilala ng Biblia,samakatuwid ayhindi sila nakaabot
sa tunay na pagkakilala sa tunay na Diyos na itinuro ng mga banal na
kasulatan.
ANG AMA LAMANG ANG NAG-IISANG
TUNAY NA DIYOS
Sino ang nagiisang tunay na Diyos na ipinakilala ni Cristo? Ating
tunghayan at basahin ang patotoo ng Tagapagligtas:
Juan 17:1,3 “Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa
pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama,
dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang
ikaw ay luwalhatiin ng Anak…At ito ang buhay na walang
hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at
siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.”
Ipinakilala ni Cristo na ang Ama sa langit ang nagiisang tunay na
Diyos. Sa kabilang dako, ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang
sinugo o sugo ng Diyos at hindi bilang kapantay o isa sa mga persona
ng Diyos at isa pang Diyos gaya ng paniniwala ng iba. Si Jesus ay
sugo ng Diyos, at gayon natin siya dapat kilalanin:
Juan 17:21 “Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama,
sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang
sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.”
Sa pagsasabi ni Cristo na ang Ama ang nagiisang tunay na Diyos,
maliwanag kung gayon na hindi si Cristo ang Diyos.
Maging ang mga apostol ay kumikilala sa iisang Diyos lam ang, ang
AMA, at hindi kailanman binanggitsa alinmang kasulatang isinulat ng
mga apostol na ang Diyos ay may tatlong persona:
1 Corinto 8:5 “Sapagka't bagama't mayroong mga tinatawag na
mga dios, maging sa langit o maging sa lupa; gaya nang may
maraming mga dios at maraming mga panginoon;”
1 Corinto 8:6 “Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang,
ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa
kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa
pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa
pamamagitan niya.”
Ang Diyos,si Cristo,at ang mga apostol kailanman ayhindi nagturo na
ang Diyos ay higitsa isa.Ang nagiisang Diyos na tunay na ipinangaral
ni Cristo at ng mga alagad niya ay ang AMA lamang. Hindi binanggit
na siya’s binubuo ng tatlong persona.Hindi sinabi na ang Anak, at ang
Espiritu Santo ay Diyos din. Subalit hindi nakapagtataka na may mga
tao na magturo na mayroon pang ibang Diyos maliban sa AMA. May
sinasasabi ang Biblia na ganito sa kasunod na talata:
1 Corinto 8:7 “Gayon ma'y wala sa lahat ng mga tao ang
kaalamang iyan”…
Maliwanag na pinatutunayan ng Biblia na may mga tao na hindi
nakaabotsa pagkaalam ng katotohanan tungkol sa nagiisa at tunay na
Diyos – ang tunay na kaalamang ito ay wala sa lahat ng mga tao, sa
madaling salita,hindi lahatng tao ay nakakaalam ng katotohanang ito.
Bilang katibayan, ating nasasaksihan na maymga relihiyon ngayon na
nagtuturo ng doktrina o aral tungkol sa Diyos na kumokontra o
lumalabag sa itinuturo ng Biblia.
ANG TUNAY NA DIYOS AY HINDI NAMAMATAY O
NAGBABAGO
Ano ang paniniwala ng mga Katoliko at mga Protestante tungkol sa
Diyos? Sa isang aklat na may pamagat na “The Faith of Our Fathers”,
isinulat ng isang Cardinal ng Iglesia Katolika, ganito ang ating
mababasa:
“Sa isang Diyos na ito ay may tatlong magkakaibang Persona –
ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, na perpektong
magkakapantay sa isa’t-isa.”
Ang mga Katoliko at mga Protestante ay kapuwa naniniwala na
mayroong isang Diyos na may tatlong magkakaibang persona. Para
sa kanila, ang Diyos ay binubuo ng Ama, Anak, at Espiritu Santo.
Ano ba ang nangyari sa Diyos batay sa paninwalang Katoliko? Sa
isang aklat na may pamagat na “The Story of the Church”, ganito
naman ang sabi:
“…Ang Diyos ay naging tao upang iligtas ang sanglibutan at upang
maibalik ang sangkatauhan sa lahat ng mga biyayang kanilang
sinayang dahil sa kasalanang original. Ang Diyos-na-Tao ay nagtayo
ng isang Iglesia kung saan siya ay mananatili sa daigidig hanggang sa
wakas ng sanglibutan upang magturo sa mga tao ng katotohanan at
upang sila’y mapaging banal.”
Sinasangayunan ba ng Diyos ang aral na siya ay naging tao o sa
ibang salita “nagkatawang tao”? Ipinahayag ng Diyos ang ganito:
Oseas 11:9 “Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit,
hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y
Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon
na may galit.”
2. Samakatuwid ang aral na ang Diyos ay naging tao o nagkatawang tao
ay labag o kakontra ng itinuro ng Diyos sa Biblia.
Kung ating tatanggapin na katotohanan na ang Diyos ay naging tao at
ito’y si Cristo, lilitaw kung gayon na dahil sa si Cristo ay namatay, ay
may Diyos na namamatay. Ang tunay bang Diyos ay maaaring
makaranas ng kamatayan?
1 Timoteo 1:17 “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang
kamatayan,di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at
kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.”
Ayon sa Biblia, ang tunay na Diyos ay walang kamatayan.
Samantalang si Cristo ay namatay sa krus. Kaya maliwanag na hindi
maaaring maging Diyos si Cristo dahil ang tunay na Diyos ay hindi
maaaring makaranas kailanman man ng kamatayan, dahil hindi siya
namamatay.
Ano pang aral ang malalabag ng paniniwalang ang Diyos ay
nagkatawang tao o naging tao? Sabi ng Diyos ay ganito:
Malakias 3:6 “Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago,
kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi
nangauubos.”
Maliwanag nating nakikita ngayon na ang paniniwalang ang Diyos ay
nagkatawang-tao o naging tao, ay labag sa mga katotohanang
itinuturo ng Diyos sa Biblia. Sapagkat kailanman ang Diyos ay hindi
nababago,hindi siya magbabagong anyo o kalikasan mula sa pagiging
Diyos ay magbabago siya upang maging tao… Siya’y mananatiling
Diyos magpakailanman.
Bakit natin natitiyak na ang doktrina o aral tungkol sa pagkakatawang-
tao ng Diyos ay isang napakalaking kamalian? Basahin pa natin ito:
Santiago 1:17 “Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal
na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama
ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng
pagiiba.”
Dahil sa ang tunay na Diyos ay mananatiling Diyos
magpakailankailanman…Hindi siya nagkatawang tao dahil sa wala
siyang pagbabago ni magkakaroon man siya ng kahit anino man ng
pagiiba. Hindi mangyayari kailanman na ang Diyos ay maging tao,
hindi totoo ang paniniwalang ito.
ANG ARAL NA GINAWA LAMANG NG TAO
Ang termino o salitang “Trinidad” ay inimbento lamang at hindi
mababasa kailanman sa Biblia. Si Augustus Hopkins Strong isang
awtoridad Katoliko ang nagpapatunay:
“Ang terminong ‘Trinidad’ ay hindi matatagpuan sa kasulatan
(Biblia), …ang pagkakaimbento ng termino ay ipinapalagay na
gawa ni Tertulliano.”
Ang aral tungkol sa Trinidad ay isang katuruan na gawa lamang tao at
ito’y tahasang inamin ng isang Awtoridad Katoliko. Kailanman ay hindi
makikita o mababasa sa Biblia ang terminong ito. Ang mismong
prinsipyo ng aral na ito ay tahasang kumokontra o lumalabag sa aral
ng Diyos,ni Cristo,at ng mga apostol. Ayon sa Biblia hindi tayo dapat
magsalig ng paniniwala sa mga kautusan o aral na inimbento o kinatha
lamang ng mga tao na di sang-ayon sa mga katotohanan ng Diyos na
mababasa sa Biblia:
Tito 1:14 “Na huwag mangakinig
sa mga katha ng mga Judio, at sa
mga utos ng mga tao na
nangagsisisinsay sa katotohanan.”
Hindi lamang ang terminong
“Trinidad” ang wala sa Biblia,
patutunayan sa atin iyan ng isang
Catholic Bible Scholar:
“Bagamat ang eksaktong mga
termino, kung saan pormal na
ipinaliwanag sa atin ng Iglesia
[Katolika] ang dogma tungkol sa
Banal na Trinidad…ang mga ito ay
wala sa Biblia,atmaaari, kung gayon, na ito’y tawagin na hindi maka-
kasulatan…”
Ang mga tagapagtaguyod ng paniniwalang ito mismo ang umaamin at
nagpapatunayna ang “dogma” [o nilikhang aral ng Iglesia Katolika] na
ang Diyos ay may tatlong persona ay wala sa Biblia o hindi maka-
kasulatan.
Kailan lamang ba pinasimulang ituro ang tungkol sa aral na ito?
“Ito ay isang simpleng katotohanan at hindi maitatangging
katotohanang pangkasaysayan na ilan sa mga pangunahing doktrina
na ngayon ay maituturing na mahalaga sa pananampalatayang
Cristiano – gaya ng doktrina tungkol sa Trinidad at ang doktrina sa
kalagayan ni Cristo – ay hindi umiral bilang isang ganap at
mayroon nang maliwanag at katanggap-tanggap na anyo para sa
lahat hanggang sa ika-apat at ika-limang siglo. Kung ang mga ito
man ay mahalaga ngayon – gaya ng pinatutunayan ng mga Kredong
ortodoksiya at mga kumpisal- ay marahil sapagkat ang mga ito ay
totoo. Kung ang mga ito ay totoo, samakatuwid ito ay isang
namamalaging katotohanan; at hindi naging totoo lamang noong
ika-apat at ika-limang siglo. Ngunit kung ang mga ito ay kapuwa
totoo at mahalaga, Bakit ang Iglesia [Katolika] noon ay gumugol
ng napakaraming siglo para mabuo ang mga ito?”
Maliwanag na inaamin ng mga manunulat ng kasaysayan na ang aral
na ito ay nabuo lamang noong ika-apat at ika-limang siglo, kaya
malinaw na malinaw ang dahilan kung bakit hindi ito mababasa
kailanman sa Biblia.Dahil matagal nang tapos ang Biblia noong Unang
Siglo pa lamang, matagal nang patay ang mga Apostol, at matagal
nang nasa langit ang Panginoong Jesus. Kaya walang kinalaman
kailanman si Cristo,ang mga Apostol, at ang Biblia sa pagkakaroon ng
aral tungkol sa Diyos na mayroong tatlong persona.
ANG PANINIWALA NA MAGHAHATID SA ATIN
SA BUHAY NA WALANG HANGGAN
Napakalaking kasawian ang naghihintay sa kanila na tumanggap at
patuloy na naniniwala sa mga doktrina o aral na gawa lamang ng tao
at hindi nakabatay o mababasa sa Bibia.Basahin natin ang babala ng
kasulatan:
Galacia 5:19-21 “At hayag ang mga gawa ng laman, sa
makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kahalayan,
Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga
pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga
pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang
pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga
kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito
ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking
pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng
gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng
Dios.”
Kasama sa hindi magmamana ng kaharian ng Diyos ang mga taong
nahirati sa mali o “hidwang pananampalataya, mga aral at
paniniwalang hindi nakabatay sa mga katotohanang nakasulat sa
Biblia, kundi inimbento lamang ng mga tao – gaya ng Trinidad. Ang
ganitong paniniwala ay ikapapahamak.
Aling paniniwala naman ang dapattaglayin ng tao upang magtamo ng
buhay na walang hanggan? Ating balikan ang pahayag ni Cristo:
Juan 17:1-3 “Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa
pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama,
dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang
ikaw ay luwalhatiin ng Anak: Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang
kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na
walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. At ito ang
buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios
na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si
Jesucristo.”
Ang paniniwalang ang AMA lamang ang nagiisa at tunay na Diyos ang
dapat taglayin ng tao upang siya’y magtamo ng buhay na walang
hanggan, sabi nga ni Cristo “ITO ANG BUHAY NA WALANG
HANGGAN” na ito ay ang pagkakilala sa AMA bilang IISANG DIYOS
NA TUNAY…