Ang talumpati ay isang pagpapahayag ng opinyon o kaisipan sa harap ng mga tagapakinig na may layunin tulad ng paghikayat, pagbibigay ng impormasyon, at pagtugon. May tatlong bahagi ang talumpati: pamagat, katawan, at katapusan, na bawat isa ay may kanya-kanyang tungkulin sa pagkuha ng atensyon at paglahad ng mga ideya. Ang epektibong pagsasalita ay may kasamang wastong bigkas, tamang lakas ng tinig, magandang tindig, tamang kilos, at angkop na kumpas.