Buwan ng Wika 2017
Tagisan ng Talino
MEKANIKS
1. Ang bawat seksyon/klase ay may isang kalahok o representante.
Maaaring lalaki o babae.
2. ang kalahok ay nararapat na nasa lugar na paggaganapan bago ang
oras ng itinakda nang sa gayo’y makapaghanda, at kapag nahuli ng 15
minuto ay hindi na maaaring makasali ang kalahok sa nasabing
paligsahan.
3. Ang nasabing paligsahan ay may tatlong bahagi, ang Madali (2
puntos), Katamtaman (3 puntos), at mahirap na bahagi (5 puntos).
MEKANIKS
4. Ang komiti ay magbibigay ng sulatang papel bago magsimula ang
paligsahan.
5. Walang maaaring makapasok sa venue na hindi representante o
kalahok ng nasabing paligsahan.
6. Ang mananalo sa nasabing paligsahan ay iaanunsyo sa panapos na
palatuntunan.
7. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at di na maaaring magbago o
baguhin pa.
ANG MADALING BAHAGI AY MULTIPLE CHOICE.
Madaling Bahagi
1. Mga salitang pantawag sa tao, bagay, hayop, lunan at kaganapan.
a. Pangngalan c. panghalip
b. Panaguri d. pamatlig
SAGOT
a. pangngalan
Madaling Bahagi
2. ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati
lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay na.
a. Pastoral c. Oda
b. Elehiya d. Komedya
SAGOT
b. Elehiya
Madaling Bahagi
3. Ito ay nagsasad ng kilos na ginawawa pa lamang.
a. Perpektibo c. kontemplatibo
b. Imperpektibo d. pandiwa
SAGOT
b. imperpektibo
Madaling Bahagi
4. Bahagi ng pananalita na inahahalili sa pangngalan ng tao, bagay,
hayop, pook o kaganapan
a. Pangngalan c. panghalip
b. Pandiwa d. panaguri
SAGOT
c. panghalip
Madaling Bahagi
5. Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o gawa.
a. Pangngalan c. pangatnig
b. pantukoy d. Pandiwa
SAGOT
d. pandiwa
Madaling Bahagi
6. Ito ay nahagi ng pananalita na nag-ugnay sa isang salita,
parirala, sugnay, at pangungusap sa kapwa nito.
a. pangngalan c. pangatnig
b. pantukoy d. Pandiwa
SAGOT
c. pangatnig
Madaling Bahagi
7. nagsasaad ng kilos na tapos ng ginawa.
a. Perpektibo c. kontemplatibo
b. Imperpektibo d. pandiwa
SAGOT
a. perpektibo
Madaling Bahagi
8. nagsasaad ng kilos na gagawin pa lamang.
a. Perpektibo c. kontemplatibo
b. Imperpektibo d. pandiwa
SAGOT
c. kontemplatibo
Madaling Bahagi
9. Binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang
naghahayag ng mga gintong aral.
a. Sawikain c. Salawikain
b. Pabula d. parabola
SAGOT
c. salawikain
Madaling Bahagi
10. Isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula
sa Bibliya
a. Sawikain c. Salawikain
b. Pabula d. parabula
SAGOT
d. parabula
Ang Katamtamang Bahagi ay Identipikasyon.
Katamtamang Bahagi
1. mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
SAGOT
Pastoral
Katamtamang Bahagi
1. ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at
diwa ng mga tao.
SAGOT
panitikan
Katamtamang Bahagi
3. ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.
SAGOT
tayutay
Katamtamang Bahagi
4. ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga
kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala.
SAGOT
epiko
Katamtamang Bahagi
5. Uri ng panitikan na ang layunin nito ay
gawing kawili-wili ang panonood sa
pamamagitan ng mga ginagawa ng
pangunahing tauhan.
SAGOT
Komedya
Ang Mahirap na Bahagi ay Identipikasyon
Mahirap na Bahagi
1. iba-ibang lenggwahe na pagkakaiba sa bawat
indibidwal.
SAGOT
IDYOLEKT
Mahirap na Bahagi
2. Isang varayti ng salita na nagkakaiba sa
heograpikal na aspeto.
SAGOT
Dayalekto
Mahirap na Bahagi
3. Tao o pangkat ng mga taong nakapagsasalita
ng dalawang wika nang halos timbang o di-
tibang na kahusayan.
SAGOT
BILINGGWAL
Mahirap na Bahagi
4. Tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na
tunog sa isang wika.
SAGOT
Ponema
Mahirap na Bahagi
5. Tawag sa pinakamaliit na makabuluhang yunit ng
salita sa isang wika.
SAGOT
Morfema
LAST ROUND
Ang Huling Round ay magkakaroon ng sampung
puntos bawat tanong.
Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit
sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang
patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat
na si ______________________.
SAGOT
Francisco “Balagtas” Baltazar.
Ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula
sa kanilang imahanisyon.
SAGOT
KATHANG-ISIP (FICTION)
Champions round
ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang
masiglang damdamin. Walang tiyak na bilang ang
pantig at taludtod
SAGOT
Oda
Ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong
1889 at siya ang naging unang patnugot nito.
SAGOT
Graciano Lopez Jaena
ang makata ng mga mangagawa.
Amado V. Hernandez
TAPOS NA!
Inihanda ni: Bb. Nikki Rose S. Balonda

Tagisan ng talino ppt