2. Kung tungkulin ng Sangay Tagapagbatas at Sangay
Tagapagpaganap ang lumikha at magpatupad ng batas, tungkulin
naman ng Sangay Tagapaghukom ang interpretahin ang batas.
Nilulutas ng mga hukom ang mga suliraning may kinalaman sa
pagpapatupad ng batas. Kasama na sa mga ito ang mga pagdinig ng
kaso sa mga korte.
3. Nahahati sa apat na pangunahing antas ang lahat ng korte sa
Pilipinas batay sa tungkuling ginagampanan nila.
Unang Antas (Trial Court)
Ikalawang Antas (Special Court)
Ikatlong Antas (Review Court)
Ikaapat na Antas (Supreme Court)
4. Unang Antas (Trial Court)
Ang mga Trial Court ay mga korte na nagsasagawa ng
paglilitis sa sari-saring kaso. Kinabibilangan ito ng mga regional
trial court, metropolitan trial court, municipal trial court, at
municipal circuit trial court.
5. Unang Antas (Trial Court)
Metropolitan Trial Court – mga korte sa Maynila
Municipal Trial Court – mga korte sa labas ng Maynila.
Municipal Circuit Trial Court – mga korte na sakop ng 2 bayan.
6. Ikalawang Antas (Special Court)
Ang mga Special Court ay mga korteng lumilitis sa mga
kasong tungkol sa partikular na uri ng batas, katulad ng batas
sa pagbubuwis at batas ukol sa korapsiyon, mga panrelihiyong
batas.
7. Ikalawang Antas (Special Court)
Court of Tax Appeals – hukuman para sa kaso tungkol sa
pagbubuwis.
Sandigangbayan – hukuman para sa mga kaso ng pandarambong
at korapsiyon sa sangay ng pamahalaan.
Mga Panrelihiyong Hukuman at Shari’a
8. Ikatlong Antas (Review Court)
Ang mga Review Court ay korte na sumasala sa mga apela
o hinaing mula sa mababang hukuman kagaya ng mga
hukuman sa bayan.
9. Ikatlong Antas (Review Court)
Ang Court of Appeals (Korte ng mga Apela) ang dumidinig
ng mga resulta mula sa Regional Trial Court pababa. Binibigyan
nila ng interpretasyon ang mga dininig at resulta ng kaso mula
rito.
10. Ikaapat na Antas (Supreme Court)
Ang Supreme Court (Korte Suprema) ang pinakamataas na
hukuman sa bansa. Dito dinidinig o binibigyan ng mas madiin
na interpretasyon sa batas ang mga resulta na mula sa Court of
Appeals.