SlideShare a Scribd company logo
Ipinasa ni: Stephon Vince Elola
Pangkat at Baitang: 12- Generoso
Ipinasa kay: Ms. Ana Melissa Venido
ABSTRAK
Sa artikulong ito, ang "Internet addiction" ay isang sakit ng ilang Pilipino.
Maraming Pilipino ang gumagamit ng internet na hindi namamalayan ang oras na
kanilang sinayang. Bata man o matanda, lahat ay kalimitang biktima ng "internet
addiction". Dagdag pa rito, ang pagiging adik sa internet ay maaring magreresulta
sa depresyon o di kaya ay pagpapakamatay. Sa isang pelikula na pinamagitang
"Unfriend", pinapahayag dito ng epekto o resulta sa paggamit ng internet. Ang
pelikulang ito ay sinuportahan ng isang sociologist na nagsasabing, "ang sobrang
paggamit ng internet at social media ay maaaring magdulot ng depresyon".
Maraming nakakarelate sa pelikula na ito dahil ito ay isang Filipino Indie Film.
Lalo na na ang mga Pinoy ay isa sa mga mangungunang gumagamit ng social
media. Mga Pinoy din ang isa sa mga nangungunang nakararanas ng Cyberbullying.
Kaya inilahad ito sa Berlinale International Film Festival sa Germany.
BIONOTE
Si ROLANDO A. BERNALES ay nakakapagtapos bilang cum laude sa BSE-
Filipino at nakatanggap ng graduate certificate (katumbas ng Master of Arts in
Teaching) sa Linguistikong Filipino sa Pilippine Normal University. Siya rin ay Ed.
D sa Educational Management sa University of Makati. Limang taon na siyang
nanunungkulan bilang Puno ng Departmento Filipino at isang taon bilang Puno ng
Departamento ng Linggwahe at Literatura sa University of Makati. Isa siyang
Professor II sa kasalukuyan at Executive Director ng Center of Innovative
Education and Sciences. Siya ay naging awtor, ko-awtor, editor at consultant ng
hindi kukulangin sa 70 mga aklat sa wika, pagbasa at panitikan sa antas ng
preschool, elementarya, sekundarya, at tersarya. Sa kasalukuyan siyang Akademic
konsultant ng Mutya Publishing House, Inc. Isa rin siyang malikhang manunulat ng
tula, kwento, at sanaysay. Isa siya sa Ten Outstanding Students of the Philippines
(1989) at nakatanggap Award for Exemplary Performance as a Public Servant
(2000) mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati, at nakatanggap rin ng Palanca
Award. Siya ay panghabambuhay na kasapi ng Pambansang samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino. Isa rin siyang Miyembro ng KAGURO,
SANGFIL, at APNIEVE.
TALUMPATI:“Death Penalty”
Dapat Bang Ibalik? Karumal-dumal na pagpatay. Walang kaawa-awang
panggagahasa. Mapanirang pagbebenta at paggamit ng droga. At marami pang
nakakatakot na krimeng nangyayari sa ating bansa. Kailangan na nga bang ibalik
ang Death Penalty sa ating bansa?
Death Penalty o ang paghahatol ng kamatayan sa isang taong may malaking
kasalanan, ay maituturing na isa sa mga pinakakontrobersyal na isyu sa
kasalukuyang panahon. Kung saan sariling buhay ang hinihinging kabayaran sa sino
mang mapatunayang nagkasala sa batas. Dahil dito, ipinawalang-bisa ni dating
pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Death Penalty. Pero kasabay din dito ay
ang pagtaas ng bilang ng kriminalidad sa ating bansa.
Patuloy na dumadami ang krimen hanggang sa pumasok ang Administrasyong
Duterte. Dahil sa walang humpas na krimen, mas lalong lumakas ang pagnanais na
ipatatag ito ulit. At kung ating iisipin, ang pagsasabatas muli ng Death Penalty ay
lubos na makatutulong upang mapababa ang lebel ng kriminalidad sa ating bansa.
Ganoon pa man ay hindi na dapat pa nating ibalik ang Death Penalty sa ating bansa.
Sa panahon ngayon, masyado nang malakas ang impluwensya ng pera sa
bansa. Pera ang nagpapalihis ng katotohanan sa kasinungalingan. Pera rin ang
siyang nagbigay ng isang mahusay na abogadong kayang ipaglaban ang ihong
karapatan. Kaya paano natin masisigurado na ang taong ating hahatulan ng
kamatayan ay hindi naloko ng pera? Marami na ang nahatulan sa kasalanang hindi
nila naman nagawa. Paano kung sila ang mahatulan ng kamatayan? Kasi hindi natin
maitatanggi ang katotohang marami na ang nagdusa dahil sa maling katarungan ng
ating bansa.
Ngunit ano nga ba ang mas dapat nating paniwalaan, ang salita ng Diyos o
ang kasabihang "Buhay kapalit sa buhay"? Para sa akin, higit na nakalalamang ang
salita ng Diyos dahil ang Diyos lang ang may karapatang gumawa at kumuha ng
buhay. Utang natin ang buhay natin sa Diyos. Kaya hindi ako sang-ayon sa
pagsasabatas muli ng Death Penalty sa ating bansa. Dahil naniniwala ako na ang
lahat ng tao ay may karapatang magbago. Lahat ng tao ay may karapatang ibangon
muli ang kanilang sarili mula sa kanilang kasalanan. Kaya paano natin babaguhin
ang isang tao kapag puputulin natin ang kanilang buhay?
Lagi nating tatandaan na walang perpektong nilalang, lahat ay nagkakamali't
nagkakasala. Kaya, huwag nating parusahan ang ating kapwa sa pamamaraang
parang siya lang ang makasalanang taong nabuhay sa mundong ito.
POSISYONG PAPEL
DIBORSYO
Diborsyo Sa kasalukuyang panahon ay bukod tanging Pilipinas na lang ang
bansang wala pang diborsyo. Noon pa man ay napakainit na ang usaping ito dahil sa
mahigpit na pagsuporta at pagkontra ng mga taong pabor at di-pabor sa nasabing
panukalang pagsasabatas lalo na ng simbahang Katoliko dahil labag diumano ito sa
kanilang doktrina.
Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pag-ibig ay mistulang pagkaing
matamis na panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay isang bagay na
matatali sa kanilang dalawa upang maging hanggang wakas ang pagmamahalan.
Ngunit hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagtatapos na parang fairy tale. May
pagsasamahan na sa paglipas ng panahon ay unti-unting naging marupok at
tuluyang inanod ng kataksilan. Nagiging masama ang samahan, nagkakaroon ng
malalim na hidwaan at kawalan ng tiwala ay ilan lamang sa mga bagay na sadyang
nagpapagulo sa mabuting samahan ng mag-asawa. Minsan ay umaabot ito sa
marahas na away at hanggang mauwi sa hiwalayan. At dahil sa kasal ay hindi agad
pwedeng basta na lang maghiwalay ang mag-asawa. Dahil dito wala silang
karapatan na muling magmahal at umibig. Maghihintay muna sila ng mahabang
panahon hanggang sa maideklara ng korte na wala ng bisa ang kasal.
May kasalukuyang batas ang Pilipinas na may kinalaman sa paghihiwalay ng
mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang legal separation at annulment of marriage.
Ngunit ang nasabing mga batas diumano ay hindi ganap ang nagiging tugon sa mga
kasong ito.
Sinasabing ang diborsyo ang makakapagbigay kasagutan sa mga isyung ito.
Halos lahat ng bansa sa buong mundo ay may ganitong batas, anuman ang kanilang
paniniwala at relihiyon. Nakakapagtaka na ang mga Pilipino ay patuloy na
nagpapakonserbatibo sa pamamagitan ng turo ng simbahan gayong ang mga
bansang mismong pinagmulan nito ay matagal ng tinangkilik ang ganitong batas.
Ang Spain na matagal tayong pinamahalaan at nagdala ng Kristianismo sa ating
bansa ay may ganitong batas. Maging ang bansang Brazil na may pinakamalaking
bilang ng mga Katoliko sa mundo ay tinatangkilik din ito. Ang Italy na kung saan
sa kalapit lang ang VatiCan na sentro ng Katlisismo ay ginagamit din ito. Maging
ang Israel na kung saan ipinanganak at namuhay ang Panginoong Hesus ay
isinasabatas na ito.
Malaking kasalanan ba ang pagpasa ng mabuting batas? Imoral ba itong
matatawag? Bakit naman tanging Pilipinas na lang ang wala nito. Ibig sabihin ba ay
mas mataas ang moral natin kumpara sa ibang bansa? Malamang hindi, nagkataon
lang siguro na karamihan sa mga Pilipino ay mapagkunwari. Bagama't bawal ang
aborsyon ay talampak itong nangayayari. Libo-libong kaso nito ang naiuulat. Bawal
ang premarital sex pero wala na yatang ikinakasal sa ngayon ang "virgin" pang
matatawag.
Ang diborsyo ay isang batas na napakahalaga. Nagbibigay ito ng solusyon
para sa mga hindi naging matagumpay na kasal at pagsasamahan. Sa pamamagitan
nito ay nagkakaroon uli ng tsansa ang mga nabigo at hindi naging matagumpay sa
unang pagsasama na muling umibig at sumubok ng ikalawang relasyon. Ipagkakait
ba natin ito? Lahat naman ay nagkakamali. Hindi lahat ng kasal at pagsasama ay
nauuwi sa panghabambuhay. Ang diborsyo ay para sa mga taong nasawi sa unang
kasal.
Wala itong pinagkaiba sa kasalukuyang batas natin na Annulment of Marriage
kung moralidad ang pinag-uusaan. Iniba lang ang pangalan, kung tinangkilik ang
una bakit hindi ito? Magpakatotoo tayong mga Pilipino. Maging bukas ang isipan.
Isabatas ang diborsyo.
SINTESIS
Pamagat: Implasyon
Uri: Thesis-Driven Synthesis
Anyo: Argumentative
Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, Konsesyon
Layunin: Ang layunin ng sintesis ay ang ipahiwatig ang epekto ng implasyon.
Thesis Statement: Nagdudulot ang implasyon ng masama at mabuting epekto sa
ekonomiya ng bansa.
Paghahalimbawa:
Ayon sa pag-aaral ni Prop. Dennis Mapa (2018), magpapatuloy ang pagdurusa
ng pinakamahihirap sa ating bayan dahil sa mataas na antas ng implasyon. Ilan sa
mga epektong ito ay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, dagdag buwis sa diesel at
taas presyo rin sa mga pangaraw-araw na pangangailangan tulad ng bigas at karne.
Malaki ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo at hirap ang mga tao na
tugunan ang kanilang pangangailangan dahil dito.
Komparison at Kontrast:
Ang implasyon ay patuloy na lumalaganap sa ekonomiya at dapat may
solusyon ang mga nanunungkulan sa isyung ito. Mai iba’t-ibang paraan sa
pagbibigay solusyon sa implasyon, ayon kay Men Sta. Ana ng Action for Economic
Reforms (AER), dapat umano na mas dagdagan pa ang unconditional cash transfer
o perang ibinibigay bilang tulong-pinansyal sa mga mahihirap. Dapat din umano na
mas paigtingin ng DTI ang pagtutok sa presyo ng mga bilihin sa merkado upang
hindi abusuhin ng mga negosyante ang labis na pagtaas ng presyo ng kanilang mga
produkto. Ito ang binigay na solusyon ni Men Sta. Ana sa pagtaas ng implasyon.
Para naman kay Senador Francis Pangilinan, ang solusyon ay palakasin ang sektor
ng agrikultura para hindi na kailangang umasa sa pag-angkat ng pagkain para
maibaba ang mga presyo sa palengke. Ito ay ilan sa mga solusyon laban sa
implasyon at magkakapareha ang layunin nila, iyon ay ang labanan ang masamang
epekto ng implasyon.
Konsesyon:
Kahit na nakakasama ang implasyon, sa kabilang banda nakakatulong din
naman ito. Ayon sa pag-aaral ni Tejvan Pettinger (2017), ang mataas na implasyon
ay lumilikha ng kawalan ng katiyakan at maaaring punasan ang halaga ng mga
pagtitipid. Kapag tataas ang presyo ng mga bilihin maaaring tumaas din ang sahod
ng mga tao. Ang mataas na implasyon ay nakatutulong sa pag-adjust ng presyo ng
mga bilihin, nakakatulong ito sa paglago sa ekonomiya at pinapalaki nito ang sahod
ng mga manggagawang. Pero kahit na ganoon, masasabi parin nating ang
implasyon ay nakakasama sa bansa, dahil pinapahina nito ang loob ng mga tao na
mag-invest at binabaliwala nito ang importansya ng pagtitipid. Kaya para sa akin,
hindi nakakabuti ang implasyon lalo na kung tatagal ito.
Pamagat: Implasyon
Uri: Background Synthesis
Anyo: Explanatory
Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, Konsesyon
Layunin: Ang layunin ng sintesis ay ang ipahiwatig ang epekto ng implasyon.
Thesis Statement: Nagdudulot ang implasyon ng masama at mabuting epekto sa
ekonomiya ng bansa.
Paghahalimbawa:
Ayon sa artikulo ng ABS-CBN news (2018), magpapatuloy ang pagdurusa ng
pinakamamahirap sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng implasyon. Ilan sa mga
epektong ito ay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, dagdag buwis sa diesel at taas
presyo rin sa mga pangaraw-araw ng pangangailangan tulad ng bigas at karne.
Malaki ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo at hirap ang mga tao na
tugunan ang kanilang pangangailangan dahil dito.
Komparison at Kontrast:
Para kay Men Sta. Ana ng Action for Economic Reforms (AER), dapat
umano na mas dadagdagan pa ang unconditional cash transfer o perang ibinibigay
bilang tulong-pinansyal sa mga mahihirap. Dapat din umano na mas paigtingin ng
DTI ang pagtulak sa presyo ng mga bitihin sa merkado upang hindi abusuhin ng
mga negosyante ang labis na pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto. Para
naman kay Senador Francis Pangilinan, ang solusyon ay palakasin ang sektor ng
agrikultura para hindi na kailangang umasa sa pag-angkat ng pagkain para
maibabaang mga presyo sa palengke.
Konsesyon:
Kahit na nakakasama ang implasyon, sa kabilang banda nakakatulong din
naman ito. Ayon sa pag-aaral ni Tejvan Pettinger (2017), ang mataas na implasyon
ay lumilikha ng kawalan ng katiyakan at maaaring punasan ang halaga ng mga
pagtitipid. Kapag tataas ang presyo ng mga bilihin maaaring tumaas din ang sahod
ng mga tao. Ang mataas na implasyon ay nakatutulong sa pag-adjust ng presyo ng
mga bilihin, nakakatulong ito sa paglago sa ekonomiya at pinapalaki nito ang sahod
ng mga manggagawa.
Mga Sanggunian:
https://news.abs-cbn.com/business/09/10/18/taas-presyo-sa-pilipinas-
kagagawan-natin
https://news.abs-cbn.com/business/10/05/18/taas-presyo-pinakamataas-sa-
loob-ng-9-na-taon
https://patolangpilipina.com/economics-101/bakit-pinakamataas-na-ang-
inflation-rate-ng-pilipinas-sa-asean/
LAKBAY SANAYSAY
Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t
ibang tanawin. Lalong-lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga
turista. Pero may ibang tanawin na malimit lang pinupuntahan, at isang halimbawa
nito ay ang Swim na matatagpuan sa Calango. Ang Swim ay isa sa mga sikat na
lugar dito sa Calango. Kilala ito bilang pinakamalaking parte ng tubig ng
Bangcolotan River. Talaga namang dinadayo ito ng kakaunting tao dahil mahirap
ang pamamaraan ng transportasyon sa pagpunta roon.
Pinuntahan naming magkaklase ang Swim noong gumawa kami ng vlog.
Pumunta kami doon dahil doon namin nais isagawa ang vlog. Bago kami dumating
sa lugar, marami kaming inaasahan kung gaano ito kaganda. At dahil first time
naming magkaklase na pumunta doon, mas lalo kaming na-excite na makarating na
doon. Nang narating na namin ang aming destinasyon, nagandahan talaga kami sa
lugar na kung saan dito kami gumala ng ilang oras. Dito sa lugar na ito ay
matatagpuan ang isang bantayog kung saan nakalagay ang pangalan ng proyekto sa
konstraksyon na kanilang isinasagawa sa nasabing lugar at dito rin sa bantayog
makikita ang pinakamagandang view sa Swim. Kahit malayo at malimit ang tao
doon ay worth it naman dahil maganda at talaga namang nakakarelax at
mapapahinga ka sa ganda ng view na iyong makikita.
Masyadong malawak ang Swim kaya pwede kang mamangka, mamingwit at
maglibot-libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay ang lugar kung saan na
nangyayari ang konstraksyon, dito sa lugar na ito makikita ang matandang residente
na nakatira malapit sa lugar na kung saan araw-araw namimingwit ng isda. Dito mo
makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na ganoon ang
palagi nilang ginagawa.
At ang huli naming pinuntahan sa Swim ay ang lugar na maraming punong
kahoy. Dito mo matitikman ang masasarap na java plum na tinatawag din na
"lumboy" sa lugar. Sa loob lamang ng ilang oras ng paglilibot-libot sa Swim ay
marami akong nalaman sa lugar na iyon at dito ko rin narealize kung bakit nga ba
hindi ito tinatangkilik ng mga turista.
Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong
kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo
lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang
bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong
mga pamilya kasama na roon ang mga kaklase) dahil sila ang magiging kasangga
mo sa lahat ng problemang iyong haharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi
pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng damdamin ay hinding-hindi ka pa
rin nila pababayaan at kakalimutan at mamahalin ka pa nila nang lubusan. At higit
sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa mga biyayang ating natanggap
galing sa kanya.
REPLEKSIBONG SANAYSAY
Bilang isang estudyante, hindi natin maiwasan ang mga hamon sa pag-aaral. Isa na
rito ang mga proyekto, minsan mahirap at minsan simple lang. Binibigyan tayo ng ating
mga guro ng mga proyekto para ito’y maging output natin. May mga pag-kakataong,
bibigyan tayo ng maraming proyekto na dapat nating gawin para pumasa. Dahil dito,
nape-pressure tayo at nahihirapan tayong magcope-up sa deadline ng mga proyekto.
Kinailangan ba talagang maghirap tayo sa paggawa ng mga proyekto?
Base sa aking karanasan, ang paggawa ng mga proyekto ay karaniwan na sa mga
paaralan. Kaya kung tatanungin mo ako, kung kailangang ba tayong maghirap sa
paggawa ng proyekto. Ang sagot ko ay oo at hindi. Simple lang ang dahilan, oo dahil
nakatutulong ito sa ating pag-aaral. Pinapalayo nito ang akademiko skills ko sa mga
subjects at mas naa-apply ko ang konsepto na nakuha ko sa mga leksiyon habang
gumagawa ng mga proyekto at pwede itong magdulot sa mga estudyante na umabsent
para lang matapos ito. Nakaka-stress din ito sa pag-iisip ng mga mag-aaral at
nakakapuyat din dahil kulang ang tulog namin. Minsan tinatanong ko ang aking sarili,
bakit ba mahirap ang mga proyekto? Para sa akin, masasabi kong mahirap ang mga
proyekto dahil gaya ng sinabi ko, time-consuming ito at may maraming proseso. Mahirap
din ang isang proyekto kapag mag-isa lang akong gumagawa nito at minsan tinatamad
ako at minsan nawawalan ako ng gana na nagreresulta ng kakulangan sa pagiging
produktibo.
Hindi madali ang paggawa ng mga proyekto, paulit-ulit ko na itong naranasan. Ang
magagawa ko na lang para malampasan ito ay ang patatagin ang aking sarili at gawin ang
mga proyekto ng may tamang preparasyon at motibasyon. Dahil alam kong ang mga
proyekto ay isang hakbang na dapat lampasan para sa ikabubuti ng ating pag-aaral. Kaya
ang payo ko sa ibang mag-aaral ay huwag sumuko sa mga hamon na dadating sa ating
buhay.
Mula sa orhinal na gawa ni: Alec Martin J. Dayot
PHOTO ESSAY
Ang edukasyon ay isang makapangyarihang sandata upang makasabay aa mundong pabago-
bago. Mahalaga ito hindi lang sa kadahilanan na ika'y matuto kundi magagamit rin ito upang
mahasa ang iyong mga kakayahan at talento.
Ang sarap maging isang ganap na estudyante lalo't alam nating lahat na mayroong
naghihintay na magandang kinabukasan nakahanda para sa atin sa pamamaraang pag-aaral.
Kaya't ginagawa natin lahat ang ating makakaya upang makapasok at matuto. Kasama na rito
ang pagbili ng mga school supplies, paggising ng madaling araw, pagliligo, papasok ng naka-
uniporme at paglinis ng paaralan.
Ang pagiging estudyante ay minsan masaya, minsan naman malungkot, minsan nakakapagod,
minsan naman, nakakalito lang talaga. Ganyan talaga ang pag-aaral, mahirap, pero sulit. Pero
kahit na anong pagsubok ang darating, may mga kaklase ka namang tutulong sayo sa ano mang
bagay at paraan. Kaya't kahit na gaano man ka gulo't miserable ang araw mo, uuwi ka paring
masaya.
Ang buhay estudyante ay hindi lang nakalimit sa pagbuo ng group discussion o kaya'y
pagkakaroon ng kaibigan mula noon hanggang ngayon pero nakubuo rin tayo ng pamilyang
higit pa sa kapatid ang pagtuturingan.
Mula sa orhinal na gawa ni: Alec Martin J. Dayot
PAGSULAT NG AGENDA
PETSA: Ika-9 ng setyembre, taong kasalukuyan ORAS: Ika-8:40 ng umaga
LUGAR: Zamboanguita Science High School
RE: Paghahanda para sa Math and Science Month
PARA SA: Mga miyembro ng Science at Math Club
Mula kaY: Stephon Vince Elola, Pangulo ng SSG
MGA PAKSA: TAONG TATALAKAY ORAS/MINUTO
-Pagbasa ng nakaraang
Minutes of the Meeting
-Mark Canosa,
Sekretarya ng SG
5 minuto
-Pagbibigay ng
impormasyon sa pagbuo
ng Science and Math club
-James Deloria,
Pangulo ng Science club
20 minuto
-Pagtatalakay ng
kompetisyon at paligsahan
ng Math at Science
-Gerome Adapon,
Ingat-Yaman ng Math club
30 minuto
-Mr.&Ms. Scientist- -Rosebelle Banua,
Kasalukuyang SG officer
5 minuto
-Sudoku- -Leah Alegre,
Kasalukuyang SG officer
5 minuto
-SIP- -Jerome Generoso,
Kasalukuyang SG officer
5 minuto
-Modulo Art- -Tristan Millare,
Kasalukuyang SG officer
5 minuto
-Math Jingle- -Jason Rojas,
Kasalukuyang SG officer
5 minuto
-Science Jingle- -Dwayne Elola,
Kasalukuyang SG officer
5 minuto
-Pagtalakay sa iba pang
programa at pagtanggap sa
mga mungkahi at
rekomendasyon ng
tagapakinig
-Arnold Rabor,
Pangulo ng SSG
20 minuto
Susunod na pulong: Ika-16 ng Setyembre sa ganap na 8:40 ng umaga.
KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG : MATH AT SCIENCE
CLUB NG ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH SCHOOL
Ika-9 ng Setyembre taong 2019
Sa ganap na 8:00 ng umaga
Sa silid-aralan ng ika-12 baitang pangkat Generoso
Mga Dumalo:
-Mga Coordinator ng Departamento ng Math at Science Club
-Mga kinatawan at may posisyon sa Supreme Student Government
-Opisyales ng Math at Science Club
-Presidente ng bawat klase
Mga Di-dumalo:
-Julia Baretto, miyembro ng Math at Science Club
-Gerald Anderson, miyembro ng Math at Science Club
1. PANUKALANG ADYENDA
I. Pagsisimula ng pulong
-Ang pagpulong ay itinayo ng Presidente ng Math at Science Club na si Bb. Robeth
Y. Banua sa 8:40 ng umaga at sinimulan ng panalangin na pinangunahan naman ni
Bb. Fredilin Parallon na isang miyembro ng Math at Science Club
II. PAGBASA SA KATITIKAN NG NAKARAANG PAGPULONG
- Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa sa katitikan ng nakaraang pagpupulong
ni Bb. Kathryn Bernardo ang Kalihim ng Math at Science Club. Iniulat niya ang
mga napagkasunduan at napag usapang mga bagay sa pulong na tungkol sa
paghahanda sa selebrasyon ng buwan ng Math at Science Club.
III.PAGPAPATIBAY SA PANUKALANG ADYENDA
-Binuksan ang pagpupulong sa pagkakasundo sa lugar, petsa at oras kung saan at
kailan gaganapin ang selebrasyon sa buwan ng Sipnayan at Agham.
Napagkasunduan ng mga nagpulong na sa entablado ng Zamboanguita Science
High School sa unang araw ng Setyembre taong kasukuyan sa ganap na ika-8:00 ng
umaga.
-Napagkasunduan ng mga nagpulong ang magaganap na gawain sa kulminasyon ng
selebrasyon na magsisimula sa opening ceremonies na pangungunahan nina Bb.
Allysa Enolpe, Bb. Kaila Enolpe, Bb. Fredilin Parallon, Bb. Aya Medhel Cafino at
Bb. Andren Credo. Sunod namang napagkasunduan ng mga nagpupulong ang
magiging contest committee na sina G. Arnold Rabor, Bb. Rhena Rodriguez, Bb.
Marygrace Piala, G. Gerome Adapon at Bb. Rhea Luyao. Ang napagkasunduan
naman na maging judge committee ay sina G. James Deloria, Bb. Rica Alcano, Bb.
Joshua Tubil, Bb. Rosebelle Banua at G. Jerome Generoso. Ang awards committee
naman ay sina G. Mark Canosa, G. Alec Dayot, Bb. Gelmie Paculangan, G. Ren
Ayangco at Bb. Abegail Bagaan.
Ang mga napagkasunduan ang mga program Committee na pinangunahan ni Bb.
Banua at G. Padilla. Ang mga sumosunod ay ang ibinoto at sang-ayon ang lahat:
*Opening Ceremonies
*Contest Committee
*Judge Committee
*Awards Committee -Bb. Kaila Enolpe. - G. Arnold Rabor. - G. Joshua Tubil. - G.
Mark Canosa -Bb. Allyssa Enolpe. - G. Gerome Adapon. - G. James Deloria - G.
Alec Dayot -Bb. Andren Credo. - Bb. Rhena Rodriguez -G. Jerome Generoso - G.
Ren Ayangco -Bb. Fredeline Parallon - Bb. Rhea Mae Luyao - Bb. Rica Alcano -
Bb. Abegail Bagaan.
- Ang pangatlong pinag- usapan ay ang tungkol sa mga paligsahan sa kulminasyon
sa Matematika na pinangunahan ng Math Coordinator na si Gng. Jayne Gale
Verances. Naglista ng mga posibleng paligsahan na magaganap ngunit 5 ang may
pinakamaraming boto.
Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan ng Matematika na magaganap. *Math
Sayaw
*Math Jingle
*Modulo Art
*Math Investigatio
*Tower of Hanoi
-Ang pang-apat na pinagusapan ay ang tungkol sa mga paligsahan sa kulminasyon
sa Agham na pinangunahan ng Science Coordinator na si Gng. Marlene
Elloren.Gaya nong una naglista ng mga posibleng paligsahan na magaganap ngunit
5 ang may pinakamaraming boto.
Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan ng Matematika na magaganap:
*Science Jingle
*Science Sayaw
*Physics Exhibition
*Science Oral and Written Quiz
*Science Investigatory Project
-Ang panglimang pinag-usapan ay ang tungkol sa pagpili ng mga magiging hurado
sa iba’t_ibang paligsahang magaganap na pinangunahan ni Robeth Banua.
Napagkasunduan na hindi makikilahok ang mga adviser sa lupon ng mga hukom.
Ang sumusunod ay ang mga napili na sinang-ayunan ng lahat:
Math and Science Jingle: G. Partosa
Math Investigation: G. Partosa Gng. Verances, Bb. Sinajon, Gng. Gallardo, Gng.
Verances SIP: Gng. Ruth Eltanal
Math and Science Sayaw: G. Partosa, Gng. Lucy Abejero, G. Greg Nunez, Gng.
Jeanny Abejero, G. Charles Deloria
-Ang panghuling napagusapan ay ang mga gantimpala na ipararangal sa mga nanalo
na pinangunahan ng Treasurer ng Math and Science Club na si G. Enrique Gil at ng
Auditor ng Math and Science Club na si G. James Reid. Napag- usapan ang perang
gagastusin at kung saan bibilhin ang mga kailangan.
Ang sumusunod ang ang napagkasunduan:
Medalya at Tropeo- P5000.00
Sertipiko- P1000.00
Mga School Supplies- P5000.00
Naghahalagang P11000.00 lahat ang gagastusin.
Ang 25% na pera ay manggagaling sa SG funds habang ang 75% ay kukunin naman
sa funds ng mga club. Magpapatawag muli ng pulong ang Presidente ng Math and
Science Club kaugnay sa selebrasyon.
IV. Iba pang pinag-usapan Pag-uusapan ang mga kabilang sa food committee
V. Iskedyul ng susunod na Pulong Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika 8:40 ng
umaga
VI. Ang pagpupulong ay natapos sa ganap na 9:20 ng umaga.
Inihanda ni:
G.Stephon Vince C. Elola
Kalihim
Awards Committee
Inapruban ni:
Robeth Y. Banua
Presidente
Math and Science Club
Nagpatotoo:
Gng. Marlene Elloren
Coordinator
Departamento ng Math at Science
Republic of the Philippines
Region VII, Central, Visayas
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
Zamboanguita District
Zamboanguita Science High School
Del Pilar St., Zamboanguita, Negros Oriental
Ika- 8 ng Oktubre ,2019
MEMORANDUM PAMPAARALAN
Blg. 8, s. 2019
SPORTS SOCIETY EVENT
Para sa: *Punong Guro/ Namumunong Guro ng Paaralang Sekondarya
*Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan
Mula Kay: Stephon Vince Elola
Sports Coordinator
Paksa: Selebrasyon o ang Pagsasagawa sa taunang Sports Association Event sa mga
Pampubliko at Pribadong Paaralan
1. Ang Sports Society Group ang nangunguna sa pagdiriwang ng taunang Sports Society Event tuwing
Nobyembre 5 – 20 alinsunod sa Pampangulong Proklemasyon Blg. 8, s.1990. Ang tema ng pagdiriwang
sa taong ito “SPORTS are for everyone, together let’s enjoy the fun”.
2. Ang layunin ng pagdiriwang ay ang sumusunod:
• Para mahikayat na ang mga ahensiyang pampamahalaan at pampubliko ay makisama at sumali sa
mga pagdiriwang tulad nito na nagpapataas sa kamalayan ng pagiging aktibo at kooperatibo sa mga
pisikal na gawain; at
• Para patuloy na papahalagahan ng mamayang Filipino ang pagiging aktibo sa sports at ang mga
talento na makikita sa pisikal na aspeto ng tao.
3. Hinati sa mga sumusunod na diwa ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang:
Petsa Paksa/Gawain
Nobyembre 5-7
*Pormal na pagbubukas ng pagdiriwang sa Sports Society
Event sa mga paaralan
*Banal na Misa
* Pagpapakilala sa mga gagawing aktibidad o sports
Nobyembre 8-15 *Pagsasagawa sa mga gawain at mga patnubay sa gawaing aktibidad o
sports.
*Paghahanda sa mga awards o gantimpala na ibibigay sa mga kalahok na
nanalo sa mga gawain.
Disyembre 16-20 *Kulminasyon sa Sports Society Event
4. Pagbigay ng gawad parangal ng pagkilala sa mga nanalo sa pagdaraos ng Sports Society Event.
5. Hinihiling ang maaga at dagliang pagpapalaganap ng Memorandumm na ito.
STEPHON VINCE ELOLA
Sports Coordinator
Mula sa orhinal na gawa ni: Alec Martin J. Dayot
STEPHON VINCE ELOLA
Colon St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental
09156188671
svce234@gmail.com
Layunin: Para makatrabaho sa isang organisasyon kung saan magagamit ko nang husto ang aking mga
kasanayan, karanasan at ipakitang karapat-dapat ako sa posisyon bilang isang Software Developer.
Edukasyon:
Bachelor of Science in Information Technology
Silliman University in Dumaguete City
Graduate sa taong 2024
Konsesyon:
* May karanasan sa paggawa ng mga computer programs katulad ng Microsoft.
* Handang magtrabaho ng overtime.
* Mahusay sa paggamit ng mga programming language katulad ng HTML, Java, Python at iba
pa.
* Madaling matuto at may respeto sa mga seniors at juniors sa isang institusiyon..
Personal na Sanggunian:
* Hon. Glenson Alanano * Hon. Stephon Veins * Professor Martin Jugo
Mayor Barangay Captain SK Chairman
0917-624-6185 0966-628-8671 0927-324-9864
Ika – 1 ng Oktubre 2019
CHRISTIAN LIM
Chief Operating Officer
Microsoft Philippines, Inc.
6750 Ayala Avenue
Makati City, Philippines
Isang Pagbati,
Nabasa ko po sa isang anunsyo ng website ng inyong kompanya na tumatanggap kayo ng mga
taong may kakayahan at karanasan sa Computer Programming. Gusto ko sanang makamit ang
posisyong Software Developer dahil gusto ko po ang propesyong ito at may kakayahan din ako
ukol dito.
Ito ang mga kakayahan na makatutulong sa akin upang makamit ang posisyong ito:
* Nagtagumpay ako sa pagdesign, pagdevelop at pagsuporta ng mga softwares na up
to date ngayon .
* Patuloy kong hinahasa ang aking kakayahan at karanasan ukol sa posisyon.
* Handa akong mag-ambag ng mga kontribusyong makatutulong sa kompanya.
May BS degree rin po ako sa Information Communication Technology. Mayroon din akong
karanasan sa pag-apply ng bagong teknolohiya.
Kalakip ng liham aplikasyon na ito ang aking resume para sa mas detalyadong impormasyon sa
aking sarili at mga karanasan. Salamat po sa pagbigay oras at konsiderasyon, maari niyo po
akong tawagan sa numerong 0915-618-8671 at sa e-mail ko na svce234@gmail.com.
Maraming salamat sa inyo, umaasa ako sa inyong magandang tugon sa aking aplikasyon.
Lubos na gumagalang,
STEPHON VINCE ELOLA
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan

More Related Content

What's hot

Haypotesis ng Pananaliksik
Haypotesis ng PananaliksikHaypotesis ng Pananaliksik
Haypotesis ng Pananaliksik
Avigail Gabaleo Maximo
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Rajna Coleen Carrasco
 
Spanish and Pre-Colonial Text
Spanish and Pre-Colonial TextSpanish and Pre-Colonial Text
Spanish and Pre-Colonial Text
EdarGrezeil
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksik
Grasya Hilario
 
Pre-colonial and Spanish Colonial Text
Pre-colonial and Spanish Colonial TextPre-colonial and Spanish Colonial Text
Pre-colonial and Spanish Colonial Text
Micheal_123
 
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARALTEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT
 
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz ReyesPagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
nessa-baloro
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Jered Adal
 
THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)
THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)
THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)shielamae026
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastilaeijrem
 
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKALTEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
Allan Lloyd Martinez
 
Philippine literature poetry
Philippine literature  poetryPhilippine literature  poetry
Philippine literature poetry
becky326
 
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinasKasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Makati Science High School
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
hm alumia
 
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaanAng Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Pinky Rose Tapayan
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanMi Shelle
 
Etika at pagpapahalaga sa akademiya
Etika at pagpapahalaga sa akademiyaEtika at pagpapahalaga sa akademiya
Etika at pagpapahalaga sa akademiya
Rochelle Nato
 

What's hot (20)

Haypotesis ng Pananaliksik
Haypotesis ng PananaliksikHaypotesis ng Pananaliksik
Haypotesis ng Pananaliksik
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
 
Spanish and Pre-Colonial Text
Spanish and Pre-Colonial TextSpanish and Pre-Colonial Text
Spanish and Pre-Colonial Text
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
Gay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksikGay Lingo-isang pananaliksik
Gay Lingo-isang pananaliksik
 
Pre-colonial and Spanish Colonial Text
Pre-colonial and Spanish Colonial TextPre-colonial and Spanish Colonial Text
Pre-colonial and Spanish Colonial Text
 
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARALTEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
TEORYANG PAMPANITIKAN: ISANG PAG-AARAL
 
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz ReyesPagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
 
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang KastilaPanahon Bago Dumating Ang Kastila
Panahon Bago Dumating Ang Kastila
 
THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)
THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)
THE REVOLUTIONARY MOVEMENT (PROPAGANDA AND KATIPUNAN)
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKALTEORYANG BAYOGRAPIKAL
TEORYANG BAYOGRAPIKAL
 
Philippine literature poetry
Philippine literature  poetryPhilippine literature  poetry
Philippine literature poetry
 
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinasKasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
Kasaysayan ng pamahayagan sa pilipinas
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaanAng Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
Ang Panitikan sa Panahon ng isinauling kalayaan
 
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong LipunanPanitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
Panitikan sa Panahon ng Bagong Lipunan
 
Etika at pagpapahalaga sa akademiya
Etika at pagpapahalaga sa akademiyaEtika at pagpapahalaga sa akademiya
Etika at pagpapahalaga sa akademiya
 
Rehiyon 3
Rehiyon 3Rehiyon 3
Rehiyon 3
 

Similar to (Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan

(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
Theory essay #1
Theory essay #1Theory essay #1
Theory essay #1
Jomar Soriano
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
Floraine Floresta
 
Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01
Carla Mayol
 

Similar to (Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan (20)

(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Theory essay #1
Theory essay #1Theory essay #1
Theory essay #1
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Kontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyuKontemporaryong isyu
Kontemporaryong isyu
 
Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01Sona2012 120723130848-phpapp01
Sona2012 120723130848-phpapp01
 

More from Beth Aunab

(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
Beth Aunab
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
Beth Aunab
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Beth Aunab
 

More from Beth Aunab (7)

(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan

  • 1. Ipinasa ni: Stephon Vince Elola Pangkat at Baitang: 12- Generoso Ipinasa kay: Ms. Ana Melissa Venido
  • 2. ABSTRAK Sa artikulong ito, ang "Internet addiction" ay isang sakit ng ilang Pilipino. Maraming Pilipino ang gumagamit ng internet na hindi namamalayan ang oras na kanilang sinayang. Bata man o matanda, lahat ay kalimitang biktima ng "internet addiction". Dagdag pa rito, ang pagiging adik sa internet ay maaring magreresulta sa depresyon o di kaya ay pagpapakamatay. Sa isang pelikula na pinamagitang "Unfriend", pinapahayag dito ng epekto o resulta sa paggamit ng internet. Ang pelikulang ito ay sinuportahan ng isang sociologist na nagsasabing, "ang sobrang paggamit ng internet at social media ay maaaring magdulot ng depresyon". Maraming nakakarelate sa pelikula na ito dahil ito ay isang Filipino Indie Film. Lalo na na ang mga Pinoy ay isa sa mga mangungunang gumagamit ng social media. Mga Pinoy din ang isa sa mga nangungunang nakararanas ng Cyberbullying. Kaya inilahad ito sa Berlinale International Film Festival sa Germany. BIONOTE Si ROLANDO A. BERNALES ay nakakapagtapos bilang cum laude sa BSE- Filipino at nakatanggap ng graduate certificate (katumbas ng Master of Arts in Teaching) sa Linguistikong Filipino sa Pilippine Normal University. Siya rin ay Ed. D sa Educational Management sa University of Makati. Limang taon na siyang nanunungkulan bilang Puno ng Departmento Filipino at isang taon bilang Puno ng Departamento ng Linggwahe at Literatura sa University of Makati. Isa siyang Professor II sa kasalukuyan at Executive Director ng Center of Innovative Education and Sciences. Siya ay naging awtor, ko-awtor, editor at consultant ng hindi kukulangin sa 70 mga aklat sa wika, pagbasa at panitikan sa antas ng preschool, elementarya, sekundarya, at tersarya. Sa kasalukuyan siyang Akademic konsultant ng Mutya Publishing House, Inc. Isa rin siyang malikhang manunulat ng tula, kwento, at sanaysay. Isa siya sa Ten Outstanding Students of the Philippines (1989) at nakatanggap Award for Exemplary Performance as a Public Servant (2000) mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati, at nakatanggap rin ng Palanca Award. Siya ay panghabambuhay na kasapi ng Pambansang samahan sa
  • 3. Linggwistika at Literaturang Filipino. Isa rin siyang Miyembro ng KAGURO, SANGFIL, at APNIEVE. TALUMPATI:“Death Penalty” Dapat Bang Ibalik? Karumal-dumal na pagpatay. Walang kaawa-awang panggagahasa. Mapanirang pagbebenta at paggamit ng droga. At marami pang nakakatakot na krimeng nangyayari sa ating bansa. Kailangan na nga bang ibalik ang Death Penalty sa ating bansa? Death Penalty o ang paghahatol ng kamatayan sa isang taong may malaking kasalanan, ay maituturing na isa sa mga pinakakontrobersyal na isyu sa kasalukuyang panahon. Kung saan sariling buhay ang hinihinging kabayaran sa sino mang mapatunayang nagkasala sa batas. Dahil dito, ipinawalang-bisa ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Death Penalty. Pero kasabay din dito ay ang pagtaas ng bilang ng kriminalidad sa ating bansa. Patuloy na dumadami ang krimen hanggang sa pumasok ang Administrasyong Duterte. Dahil sa walang humpas na krimen, mas lalong lumakas ang pagnanais na ipatatag ito ulit. At kung ating iisipin, ang pagsasabatas muli ng Death Penalty ay lubos na makatutulong upang mapababa ang lebel ng kriminalidad sa ating bansa. Ganoon pa man ay hindi na dapat pa nating ibalik ang Death Penalty sa ating bansa. Sa panahon ngayon, masyado nang malakas ang impluwensya ng pera sa bansa. Pera ang nagpapalihis ng katotohanan sa kasinungalingan. Pera rin ang siyang nagbigay ng isang mahusay na abogadong kayang ipaglaban ang ihong karapatan. Kaya paano natin masisigurado na ang taong ating hahatulan ng kamatayan ay hindi naloko ng pera? Marami na ang nahatulan sa kasalanang hindi nila naman nagawa. Paano kung sila ang mahatulan ng kamatayan? Kasi hindi natin maitatanggi ang katotohang marami na ang nagdusa dahil sa maling katarungan ng ating bansa. Ngunit ano nga ba ang mas dapat nating paniwalaan, ang salita ng Diyos o ang kasabihang "Buhay kapalit sa buhay"? Para sa akin, higit na nakalalamang ang salita ng Diyos dahil ang Diyos lang ang may karapatang gumawa at kumuha ng buhay. Utang natin ang buhay natin sa Diyos. Kaya hindi ako sang-ayon sa pagsasabatas muli ng Death Penalty sa ating bansa. Dahil naniniwala ako na ang lahat ng tao ay may karapatang magbago. Lahat ng tao ay may karapatang ibangon muli ang kanilang sarili mula sa kanilang kasalanan. Kaya paano natin babaguhin ang isang tao kapag puputulin natin ang kanilang buhay?
  • 4. Lagi nating tatandaan na walang perpektong nilalang, lahat ay nagkakamali't nagkakasala. Kaya, huwag nating parusahan ang ating kapwa sa pamamaraang parang siya lang ang makasalanang taong nabuhay sa mundong ito.
  • 5. POSISYONG PAPEL DIBORSYO Diborsyo Sa kasalukuyang panahon ay bukod tanging Pilipinas na lang ang bansang wala pang diborsyo. Noon pa man ay napakainit na ang usaping ito dahil sa mahigpit na pagsuporta at pagkontra ng mga taong pabor at di-pabor sa nasabing panukalang pagsasabatas lalo na ng simbahang Katoliko dahil labag diumano ito sa kanilang doktrina. Para sa dalawang taong nagmamahalan, ang pag-ibig ay mistulang pagkaing matamis na panghabambuhay na pagsasaluhan. At ang kasal ay isang bagay na matatali sa kanilang dalawa upang maging hanggang wakas ang pagmamahalan. Ngunit hindi lahat ng kwento ng pag-ibig ay nagtatapos na parang fairy tale. May pagsasamahan na sa paglipas ng panahon ay unti-unting naging marupok at tuluyang inanod ng kataksilan. Nagiging masama ang samahan, nagkakaroon ng malalim na hidwaan at kawalan ng tiwala ay ilan lamang sa mga bagay na sadyang nagpapagulo sa mabuting samahan ng mag-asawa. Minsan ay umaabot ito sa marahas na away at hanggang mauwi sa hiwalayan. At dahil sa kasal ay hindi agad pwedeng basta na lang maghiwalay ang mag-asawa. Dahil dito wala silang karapatan na muling magmahal at umibig. Maghihintay muna sila ng mahabang panahon hanggang sa maideklara ng korte na wala ng bisa ang kasal. May kasalukuyang batas ang Pilipinas na may kinalaman sa paghihiwalay ng mag-asawa. Ilan sa mga ito ay ang legal separation at annulment of marriage. Ngunit ang nasabing mga batas diumano ay hindi ganap ang nagiging tugon sa mga kasong ito. Sinasabing ang diborsyo ang makakapagbigay kasagutan sa mga isyung ito. Halos lahat ng bansa sa buong mundo ay may ganitong batas, anuman ang kanilang paniniwala at relihiyon. Nakakapagtaka na ang mga Pilipino ay patuloy na nagpapakonserbatibo sa pamamagitan ng turo ng simbahan gayong ang mga bansang mismong pinagmulan nito ay matagal ng tinangkilik ang ganitong batas. Ang Spain na matagal tayong pinamahalaan at nagdala ng Kristianismo sa ating bansa ay may ganitong batas. Maging ang bansang Brazil na may pinakamalaking bilang ng mga Katoliko sa mundo ay tinatangkilik din ito. Ang Italy na kung saan sa kalapit lang ang VatiCan na sentro ng Katlisismo ay ginagamit din ito. Maging
  • 6. ang Israel na kung saan ipinanganak at namuhay ang Panginoong Hesus ay isinasabatas na ito. Malaking kasalanan ba ang pagpasa ng mabuting batas? Imoral ba itong matatawag? Bakit naman tanging Pilipinas na lang ang wala nito. Ibig sabihin ba ay mas mataas ang moral natin kumpara sa ibang bansa? Malamang hindi, nagkataon lang siguro na karamihan sa mga Pilipino ay mapagkunwari. Bagama't bawal ang aborsyon ay talampak itong nangayayari. Libo-libong kaso nito ang naiuulat. Bawal ang premarital sex pero wala na yatang ikinakasal sa ngayon ang "virgin" pang matatawag. Ang diborsyo ay isang batas na napakahalaga. Nagbibigay ito ng solusyon para sa mga hindi naging matagumpay na kasal at pagsasamahan. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon uli ng tsansa ang mga nabigo at hindi naging matagumpay sa unang pagsasama na muling umibig at sumubok ng ikalawang relasyon. Ipagkakait ba natin ito? Lahat naman ay nagkakamali. Hindi lahat ng kasal at pagsasama ay nauuwi sa panghabambuhay. Ang diborsyo ay para sa mga taong nasawi sa unang kasal. Wala itong pinagkaiba sa kasalukuyang batas natin na Annulment of Marriage kung moralidad ang pinag-uusaan. Iniba lang ang pangalan, kung tinangkilik ang una bakit hindi ito? Magpakatotoo tayong mga Pilipino. Maging bukas ang isipan. Isabatas ang diborsyo.
  • 7. SINTESIS Pamagat: Implasyon Uri: Thesis-Driven Synthesis Anyo: Argumentative Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, Konsesyon Layunin: Ang layunin ng sintesis ay ang ipahiwatig ang epekto ng implasyon. Thesis Statement: Nagdudulot ang implasyon ng masama at mabuting epekto sa ekonomiya ng bansa. Paghahalimbawa: Ayon sa pag-aaral ni Prop. Dennis Mapa (2018), magpapatuloy ang pagdurusa ng pinakamahihirap sa ating bayan dahil sa mataas na antas ng implasyon. Ilan sa mga epektong ito ay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, dagdag buwis sa diesel at taas presyo rin sa mga pangaraw-araw na pangangailangan tulad ng bigas at karne. Malaki ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo at hirap ang mga tao na tugunan ang kanilang pangangailangan dahil dito. Komparison at Kontrast: Ang implasyon ay patuloy na lumalaganap sa ekonomiya at dapat may solusyon ang mga nanunungkulan sa isyung ito. Mai iba’t-ibang paraan sa pagbibigay solusyon sa implasyon, ayon kay Men Sta. Ana ng Action for Economic Reforms (AER), dapat umano na mas dagdagan pa ang unconditional cash transfer o perang ibinibigay bilang tulong-pinansyal sa mga mahihirap. Dapat din umano na mas paigtingin ng DTI ang pagtutok sa presyo ng mga bilihin sa merkado upang hindi abusuhin ng mga negosyante ang labis na pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto. Ito ang binigay na solusyon ni Men Sta. Ana sa pagtaas ng implasyon. Para naman kay Senador Francis Pangilinan, ang solusyon ay palakasin ang sektor ng agrikultura para hindi na kailangang umasa sa pag-angkat ng pagkain para maibaba ang mga presyo sa palengke. Ito ay ilan sa mga solusyon laban sa implasyon at magkakapareha ang layunin nila, iyon ay ang labanan ang masamang epekto ng implasyon. Konsesyon:
  • 8. Kahit na nakakasama ang implasyon, sa kabilang banda nakakatulong din naman ito. Ayon sa pag-aaral ni Tejvan Pettinger (2017), ang mataas na implasyon ay lumilikha ng kawalan ng katiyakan at maaaring punasan ang halaga ng mga pagtitipid. Kapag tataas ang presyo ng mga bilihin maaaring tumaas din ang sahod ng mga tao. Ang mataas na implasyon ay nakatutulong sa pag-adjust ng presyo ng mga bilihin, nakakatulong ito sa paglago sa ekonomiya at pinapalaki nito ang sahod ng mga manggagawang. Pero kahit na ganoon, masasabi parin nating ang implasyon ay nakakasama sa bansa, dahil pinapahina nito ang loob ng mga tao na mag-invest at binabaliwala nito ang importansya ng pagtitipid. Kaya para sa akin, hindi nakakabuti ang implasyon lalo na kung tatagal ito. Pamagat: Implasyon Uri: Background Synthesis Anyo: Explanatory Pamamaraan: Paghahalimbawa, Komparison at Kontrast, Konsesyon Layunin: Ang layunin ng sintesis ay ang ipahiwatig ang epekto ng implasyon. Thesis Statement: Nagdudulot ang implasyon ng masama at mabuting epekto sa ekonomiya ng bansa. Paghahalimbawa: Ayon sa artikulo ng ABS-CBN news (2018), magpapatuloy ang pagdurusa ng pinakamamahirap sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng implasyon. Ilan sa mga epektong ito ay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, dagdag buwis sa diesel at taas presyo rin sa mga pangaraw-araw ng pangangailangan tulad ng bigas at karne. Malaki ang epekto ng implasyon sa mga maliliit na negosyo at hirap ang mga tao na tugunan ang kanilang pangangailangan dahil dito. Komparison at Kontrast: Para kay Men Sta. Ana ng Action for Economic Reforms (AER), dapat umano na mas dadagdagan pa ang unconditional cash transfer o perang ibinibigay bilang tulong-pinansyal sa mga mahihirap. Dapat din umano na mas paigtingin ng DTI ang pagtulak sa presyo ng mga bitihin sa merkado upang hindi abusuhin ng mga negosyante ang labis na pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto. Para naman kay Senador Francis Pangilinan, ang solusyon ay palakasin ang sektor ng agrikultura para hindi na kailangang umasa sa pag-angkat ng pagkain para maibabaang mga presyo sa palengke. Konsesyon:
  • 9. Kahit na nakakasama ang implasyon, sa kabilang banda nakakatulong din naman ito. Ayon sa pag-aaral ni Tejvan Pettinger (2017), ang mataas na implasyon ay lumilikha ng kawalan ng katiyakan at maaaring punasan ang halaga ng mga pagtitipid. Kapag tataas ang presyo ng mga bilihin maaaring tumaas din ang sahod ng mga tao. Ang mataas na implasyon ay nakatutulong sa pag-adjust ng presyo ng mga bilihin, nakakatulong ito sa paglago sa ekonomiya at pinapalaki nito ang sahod ng mga manggagawa. Mga Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/business/09/10/18/taas-presyo-sa-pilipinas- kagagawan-natin https://news.abs-cbn.com/business/10/05/18/taas-presyo-pinakamataas-sa- loob-ng-9-na-taon https://patolangpilipina.com/economics-101/bakit-pinakamataas-na-ang- inflation-rate-ng-pilipinas-sa-asean/
  • 10. LAKBAY SANAYSAY Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na may iba’t ibang tanawin. Lalong-lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga turista. Pero may ibang tanawin na malimit lang pinupuntahan, at isang halimbawa nito ay ang Swim na matatagpuan sa Calango. Ang Swim ay isa sa mga sikat na lugar dito sa Calango. Kilala ito bilang pinakamalaking parte ng tubig ng Bangcolotan River. Talaga namang dinadayo ito ng kakaunting tao dahil mahirap ang pamamaraan ng transportasyon sa pagpunta roon. Pinuntahan naming magkaklase ang Swim noong gumawa kami ng vlog. Pumunta kami doon dahil doon namin nais isagawa ang vlog. Bago kami dumating sa lugar, marami kaming inaasahan kung gaano ito kaganda. At dahil first time naming magkaklase na pumunta doon, mas lalo kaming na-excite na makarating na doon. Nang narating na namin ang aming destinasyon, nagandahan talaga kami sa lugar na kung saan dito kami gumala ng ilang oras. Dito sa lugar na ito ay matatagpuan ang isang bantayog kung saan nakalagay ang pangalan ng proyekto sa konstraksyon na kanilang isinasagawa sa nasabing lugar at dito rin sa bantayog makikita ang pinakamagandang view sa Swim. Kahit malayo at malimit ang tao doon ay worth it naman dahil maganda at talaga namang nakakarelax at mapapahinga ka sa ganda ng view na iyong makikita. Masyadong malawak ang Swim kaya pwede kang mamangka, mamingwit at maglibot-libot. Isa rin sa mga napuntahan namin ay ang lugar kung saan na nangyayari ang konstraksyon, dito sa lugar na ito makikita ang matandang residente na nakatira malapit sa lugar na kung saan araw-araw namimingwit ng isda. Dito mo makikita na hindi nila kinakahiya kung saan sila nagmula kahit na ganoon ang palagi nilang ginagawa. At ang huli naming pinuntahan sa Swim ay ang lugar na maraming punong kahoy. Dito mo matitikman ang masasarap na java plum na tinatawag din na "lumboy" sa lugar. Sa loob lamang ng ilang oras ng paglilibot-libot sa Swim ay marami akong nalaman sa lugar na iyon at dito ko rin narealize kung bakit nga ba hindi ito tinatangkilik ng mga turista.
  • 11. Ang naging realisasyon ko sa aking paglalakbay na ito ay huwag mong kakalimutan ang mga lugar na talaga namang dapat mong ipagmalaki na sa inyo lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansa niyo sa likas na yaman. At huwag na huwag mong kakalimutan ang iyong mga pamilya kasama na roon ang mga kaklase) dahil sila ang magiging kasangga mo sa lahat ng problemang iyong haharapin na kahit na magkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan at magkasakitan man kayo ng damdamin ay hinding-hindi ka pa rin nila pababayaan at kakalimutan at mamahalin ka pa nila nang lubusan. At higit sa lahat ay magpasalamat tayo sa Panginoon sa mga biyayang ating natanggap galing sa kanya.
  • 12. REPLEKSIBONG SANAYSAY Bilang isang estudyante, hindi natin maiwasan ang mga hamon sa pag-aaral. Isa na rito ang mga proyekto, minsan mahirap at minsan simple lang. Binibigyan tayo ng ating mga guro ng mga proyekto para ito’y maging output natin. May mga pag-kakataong, bibigyan tayo ng maraming proyekto na dapat nating gawin para pumasa. Dahil dito, nape-pressure tayo at nahihirapan tayong magcope-up sa deadline ng mga proyekto. Kinailangan ba talagang maghirap tayo sa paggawa ng mga proyekto? Base sa aking karanasan, ang paggawa ng mga proyekto ay karaniwan na sa mga paaralan. Kaya kung tatanungin mo ako, kung kailangang ba tayong maghirap sa paggawa ng proyekto. Ang sagot ko ay oo at hindi. Simple lang ang dahilan, oo dahil nakatutulong ito sa ating pag-aaral. Pinapalayo nito ang akademiko skills ko sa mga subjects at mas naa-apply ko ang konsepto na nakuha ko sa mga leksiyon habang gumagawa ng mga proyekto at pwede itong magdulot sa mga estudyante na umabsent para lang matapos ito. Nakaka-stress din ito sa pag-iisip ng mga mag-aaral at nakakapuyat din dahil kulang ang tulog namin. Minsan tinatanong ko ang aking sarili, bakit ba mahirap ang mga proyekto? Para sa akin, masasabi kong mahirap ang mga proyekto dahil gaya ng sinabi ko, time-consuming ito at may maraming proseso. Mahirap din ang isang proyekto kapag mag-isa lang akong gumagawa nito at minsan tinatamad ako at minsan nawawalan ako ng gana na nagreresulta ng kakulangan sa pagiging produktibo. Hindi madali ang paggawa ng mga proyekto, paulit-ulit ko na itong naranasan. Ang magagawa ko na lang para malampasan ito ay ang patatagin ang aking sarili at gawin ang mga proyekto ng may tamang preparasyon at motibasyon. Dahil alam kong ang mga proyekto ay isang hakbang na dapat lampasan para sa ikabubuti ng ating pag-aaral. Kaya ang payo ko sa ibang mag-aaral ay huwag sumuko sa mga hamon na dadating sa ating buhay. Mula sa orhinal na gawa ni: Alec Martin J. Dayot
  • 14.
  • 15.
  • 16. Ang edukasyon ay isang makapangyarihang sandata upang makasabay aa mundong pabago- bago. Mahalaga ito hindi lang sa kadahilanan na ika'y matuto kundi magagamit rin ito upang mahasa ang iyong mga kakayahan at talento. Ang sarap maging isang ganap na estudyante lalo't alam nating lahat na mayroong naghihintay na magandang kinabukasan nakahanda para sa atin sa pamamaraang pag-aaral. Kaya't ginagawa natin lahat ang ating makakaya upang makapasok at matuto. Kasama na rito ang pagbili ng mga school supplies, paggising ng madaling araw, pagliligo, papasok ng naka- uniporme at paglinis ng paaralan. Ang pagiging estudyante ay minsan masaya, minsan naman malungkot, minsan nakakapagod, minsan naman, nakakalito lang talaga. Ganyan talaga ang pag-aaral, mahirap, pero sulit. Pero kahit na anong pagsubok ang darating, may mga kaklase ka namang tutulong sayo sa ano mang bagay at paraan. Kaya't kahit na gaano man ka gulo't miserable ang araw mo, uuwi ka paring masaya. Ang buhay estudyante ay hindi lang nakalimit sa pagbuo ng group discussion o kaya'y pagkakaroon ng kaibigan mula noon hanggang ngayon pero nakubuo rin tayo ng pamilyang higit pa sa kapatid ang pagtuturingan. Mula sa orhinal na gawa ni: Alec Martin J. Dayot
  • 17. PAGSULAT NG AGENDA PETSA: Ika-9 ng setyembre, taong kasalukuyan ORAS: Ika-8:40 ng umaga LUGAR: Zamboanguita Science High School RE: Paghahanda para sa Math and Science Month PARA SA: Mga miyembro ng Science at Math Club Mula kaY: Stephon Vince Elola, Pangulo ng SSG MGA PAKSA: TAONG TATALAKAY ORAS/MINUTO -Pagbasa ng nakaraang Minutes of the Meeting -Mark Canosa, Sekretarya ng SG 5 minuto -Pagbibigay ng impormasyon sa pagbuo ng Science and Math club -James Deloria, Pangulo ng Science club 20 minuto -Pagtatalakay ng kompetisyon at paligsahan ng Math at Science -Gerome Adapon, Ingat-Yaman ng Math club 30 minuto -Mr.&Ms. Scientist- -Rosebelle Banua, Kasalukuyang SG officer 5 minuto -Sudoku- -Leah Alegre, Kasalukuyang SG officer 5 minuto -SIP- -Jerome Generoso, Kasalukuyang SG officer 5 minuto -Modulo Art- -Tristan Millare, Kasalukuyang SG officer 5 minuto -Math Jingle- -Jason Rojas, Kasalukuyang SG officer 5 minuto -Science Jingle- -Dwayne Elola, Kasalukuyang SG officer 5 minuto -Pagtalakay sa iba pang programa at pagtanggap sa mga mungkahi at rekomendasyon ng tagapakinig -Arnold Rabor, Pangulo ng SSG 20 minuto Susunod na pulong: Ika-16 ng Setyembre sa ganap na 8:40 ng umaga.
  • 18. KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG : MATH AT SCIENCE CLUB NG ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH SCHOOL Ika-9 ng Setyembre taong 2019 Sa ganap na 8:00 ng umaga Sa silid-aralan ng ika-12 baitang pangkat Generoso Mga Dumalo: -Mga Coordinator ng Departamento ng Math at Science Club -Mga kinatawan at may posisyon sa Supreme Student Government -Opisyales ng Math at Science Club -Presidente ng bawat klase Mga Di-dumalo: -Julia Baretto, miyembro ng Math at Science Club -Gerald Anderson, miyembro ng Math at Science Club 1. PANUKALANG ADYENDA I. Pagsisimula ng pulong -Ang pagpulong ay itinayo ng Presidente ng Math at Science Club na si Bb. Robeth Y. Banua sa 8:40 ng umaga at sinimulan ng panalangin na pinangunahan naman ni Bb. Fredilin Parallon na isang miyembro ng Math at Science Club II. PAGBASA SA KATITIKAN NG NAKARAANG PAGPULONG - Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa sa katitikan ng nakaraang pagpupulong ni Bb. Kathryn Bernardo ang Kalihim ng Math at Science Club. Iniulat niya ang mga napagkasunduan at napag usapang mga bagay sa pulong na tungkol sa paghahanda sa selebrasyon ng buwan ng Math at Science Club. III.PAGPAPATIBAY SA PANUKALANG ADYENDA -Binuksan ang pagpupulong sa pagkakasundo sa lugar, petsa at oras kung saan at kailan gaganapin ang selebrasyon sa buwan ng Sipnayan at Agham. Napagkasunduan ng mga nagpulong na sa entablado ng Zamboanguita Science High School sa unang araw ng Setyembre taong kasukuyan sa ganap na ika-8:00 ng umaga.
  • 19. -Napagkasunduan ng mga nagpulong ang magaganap na gawain sa kulminasyon ng selebrasyon na magsisimula sa opening ceremonies na pangungunahan nina Bb. Allysa Enolpe, Bb. Kaila Enolpe, Bb. Fredilin Parallon, Bb. Aya Medhel Cafino at Bb. Andren Credo. Sunod namang napagkasunduan ng mga nagpupulong ang magiging contest committee na sina G. Arnold Rabor, Bb. Rhena Rodriguez, Bb. Marygrace Piala, G. Gerome Adapon at Bb. Rhea Luyao. Ang napagkasunduan naman na maging judge committee ay sina G. James Deloria, Bb. Rica Alcano, Bb. Joshua Tubil, Bb. Rosebelle Banua at G. Jerome Generoso. Ang awards committee naman ay sina G. Mark Canosa, G. Alec Dayot, Bb. Gelmie Paculangan, G. Ren Ayangco at Bb. Abegail Bagaan. Ang mga napagkasunduan ang mga program Committee na pinangunahan ni Bb. Banua at G. Padilla. Ang mga sumosunod ay ang ibinoto at sang-ayon ang lahat: *Opening Ceremonies *Contest Committee *Judge Committee *Awards Committee -Bb. Kaila Enolpe. - G. Arnold Rabor. - G. Joshua Tubil. - G. Mark Canosa -Bb. Allyssa Enolpe. - G. Gerome Adapon. - G. James Deloria - G. Alec Dayot -Bb. Andren Credo. - Bb. Rhena Rodriguez -G. Jerome Generoso - G. Ren Ayangco -Bb. Fredeline Parallon - Bb. Rhea Mae Luyao - Bb. Rica Alcano - Bb. Abegail Bagaan. - Ang pangatlong pinag- usapan ay ang tungkol sa mga paligsahan sa kulminasyon sa Matematika na pinangunahan ng Math Coordinator na si Gng. Jayne Gale Verances. Naglista ng mga posibleng paligsahan na magaganap ngunit 5 ang may pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan ng Matematika na magaganap. *Math Sayaw *Math Jingle *Modulo Art *Math Investigatio *Tower of Hanoi -Ang pang-apat na pinagusapan ay ang tungkol sa mga paligsahan sa kulminasyon sa Agham na pinangunahan ng Science Coordinator na si Gng. Marlene Elloren.Gaya nong una naglista ng mga posibleng paligsahan na magaganap ngunit 5 ang may pinakamaraming boto. Ang mga sumusunod ay ang mga paligsahan ng Matematika na magaganap: *Science Jingle
  • 20. *Science Sayaw *Physics Exhibition *Science Oral and Written Quiz *Science Investigatory Project -Ang panglimang pinag-usapan ay ang tungkol sa pagpili ng mga magiging hurado sa iba’t_ibang paligsahang magaganap na pinangunahan ni Robeth Banua. Napagkasunduan na hindi makikilahok ang mga adviser sa lupon ng mga hukom. Ang sumusunod ay ang mga napili na sinang-ayunan ng lahat: Math and Science Jingle: G. Partosa Math Investigation: G. Partosa Gng. Verances, Bb. Sinajon, Gng. Gallardo, Gng. Verances SIP: Gng. Ruth Eltanal Math and Science Sayaw: G. Partosa, Gng. Lucy Abejero, G. Greg Nunez, Gng. Jeanny Abejero, G. Charles Deloria -Ang panghuling napagusapan ay ang mga gantimpala na ipararangal sa mga nanalo na pinangunahan ng Treasurer ng Math and Science Club na si G. Enrique Gil at ng Auditor ng Math and Science Club na si G. James Reid. Napag- usapan ang perang gagastusin at kung saan bibilhin ang mga kailangan. Ang sumusunod ang ang napagkasunduan: Medalya at Tropeo- P5000.00 Sertipiko- P1000.00 Mga School Supplies- P5000.00 Naghahalagang P11000.00 lahat ang gagastusin. Ang 25% na pera ay manggagaling sa SG funds habang ang 75% ay kukunin naman sa funds ng mga club. Magpapatawag muli ng pulong ang Presidente ng Math and Science Club kaugnay sa selebrasyon. IV. Iba pang pinag-usapan Pag-uusapan ang mga kabilang sa food committee V. Iskedyul ng susunod na Pulong Ika-17 ng Setyembre, 2019 ng ika 8:40 ng umaga VI. Ang pagpupulong ay natapos sa ganap na 9:20 ng umaga. Inihanda ni:
  • 21. G.Stephon Vince C. Elola Kalihim Awards Committee Inapruban ni: Robeth Y. Banua Presidente Math and Science Club Nagpatotoo: Gng. Marlene Elloren Coordinator Departamento ng Math at Science
  • 22. Republic of the Philippines Region VII, Central, Visayas SCHOOLS DIVISION OF NEGROS ORIENTAL Zamboanguita District Zamboanguita Science High School Del Pilar St., Zamboanguita, Negros Oriental Ika- 8 ng Oktubre ,2019 MEMORANDUM PAMPAARALAN Blg. 8, s. 2019 SPORTS SOCIETY EVENT Para sa: *Punong Guro/ Namumunong Guro ng Paaralang Sekondarya *Pinuno ng mga Pampubliko at Pribadong Paaralan Mula Kay: Stephon Vince Elola Sports Coordinator Paksa: Selebrasyon o ang Pagsasagawa sa taunang Sports Association Event sa mga Pampubliko at Pribadong Paaralan 1. Ang Sports Society Group ang nangunguna sa pagdiriwang ng taunang Sports Society Event tuwing Nobyembre 5 – 20 alinsunod sa Pampangulong Proklemasyon Blg. 8, s.1990. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito “SPORTS are for everyone, together let’s enjoy the fun”. 2. Ang layunin ng pagdiriwang ay ang sumusunod: • Para mahikayat na ang mga ahensiyang pampamahalaan at pampubliko ay makisama at sumali sa mga pagdiriwang tulad nito na nagpapataas sa kamalayan ng pagiging aktibo at kooperatibo sa mga pisikal na gawain; at • Para patuloy na papahalagahan ng mamayang Filipino ang pagiging aktibo sa sports at ang mga talento na makikita sa pisikal na aspeto ng tao. 3. Hinati sa mga sumusunod na diwa ang pangkalahatang tema ng pagdiriwang: Petsa Paksa/Gawain Nobyembre 5-7 *Pormal na pagbubukas ng pagdiriwang sa Sports Society Event sa mga paaralan *Banal na Misa * Pagpapakilala sa mga gagawing aktibidad o sports
  • 23. Nobyembre 8-15 *Pagsasagawa sa mga gawain at mga patnubay sa gawaing aktibidad o sports. *Paghahanda sa mga awards o gantimpala na ibibigay sa mga kalahok na nanalo sa mga gawain. Disyembre 16-20 *Kulminasyon sa Sports Society Event 4. Pagbigay ng gawad parangal ng pagkilala sa mga nanalo sa pagdaraos ng Sports Society Event. 5. Hinihiling ang maaga at dagliang pagpapalaganap ng Memorandumm na ito. STEPHON VINCE ELOLA Sports Coordinator Mula sa orhinal na gawa ni: Alec Martin J. Dayot
  • 24. STEPHON VINCE ELOLA Colon St., Poblacion, Zamboanguita, Negros Oriental 09156188671 svce234@gmail.com Layunin: Para makatrabaho sa isang organisasyon kung saan magagamit ko nang husto ang aking mga kasanayan, karanasan at ipakitang karapat-dapat ako sa posisyon bilang isang Software Developer. Edukasyon: Bachelor of Science in Information Technology Silliman University in Dumaguete City Graduate sa taong 2024 Konsesyon: * May karanasan sa paggawa ng mga computer programs katulad ng Microsoft. * Handang magtrabaho ng overtime. * Mahusay sa paggamit ng mga programming language katulad ng HTML, Java, Python at iba pa. * Madaling matuto at may respeto sa mga seniors at juniors sa isang institusiyon.. Personal na Sanggunian: * Hon. Glenson Alanano * Hon. Stephon Veins * Professor Martin Jugo Mayor Barangay Captain SK Chairman 0917-624-6185 0966-628-8671 0927-324-9864 Ika – 1 ng Oktubre 2019
  • 25. CHRISTIAN LIM Chief Operating Officer Microsoft Philippines, Inc. 6750 Ayala Avenue Makati City, Philippines Isang Pagbati, Nabasa ko po sa isang anunsyo ng website ng inyong kompanya na tumatanggap kayo ng mga taong may kakayahan at karanasan sa Computer Programming. Gusto ko sanang makamit ang posisyong Software Developer dahil gusto ko po ang propesyong ito at may kakayahan din ako ukol dito. Ito ang mga kakayahan na makatutulong sa akin upang makamit ang posisyong ito: * Nagtagumpay ako sa pagdesign, pagdevelop at pagsuporta ng mga softwares na up to date ngayon . * Patuloy kong hinahasa ang aking kakayahan at karanasan ukol sa posisyon. * Handa akong mag-ambag ng mga kontribusyong makatutulong sa kompanya. May BS degree rin po ako sa Information Communication Technology. Mayroon din akong karanasan sa pag-apply ng bagong teknolohiya. Kalakip ng liham aplikasyon na ito ang aking resume para sa mas detalyadong impormasyon sa aking sarili at mga karanasan. Salamat po sa pagbigay oras at konsiderasyon, maari niyo po akong tawagan sa numerong 0915-618-8671 at sa e-mail ko na svce234@gmail.com. Maraming salamat sa inyo, umaasa ako sa inyong magandang tugon sa aking aplikasyon. Lubos na gumagalang, STEPHON VINCE ELOLA