Isang pagsusuri sa tanyag na akda ni Liwayway Arceo, ang Canal dela Reina. Para ito sa mga nasa ikatlong taon ng sekundarya o mga nasa ika-siyam na grado. Hope it'll be of help :)
Ito ay ang kuwento mula sa ina ni Rizal noong kabataan niya. Istorya ito ng isang batang gamu-gamo na hindi nakinig sa payo ng kanyang ina na naging mitsa ng kanyang kapahamakan.
Isang pagsusuri sa tanyag na akda ni Liwayway Arceo, ang Canal dela Reina. Para ito sa mga nasa ikatlong taon ng sekundarya o mga nasa ika-siyam na grado. Hope it'll be of help :)
Ito ay ang kuwento mula sa ina ni Rizal noong kabataan niya. Istorya ito ng isang batang gamu-gamo na hindi nakinig sa payo ng kanyang ina na naging mitsa ng kanyang kapahamakan.
THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
I uploaded this thesis for the reference of the future researchers.
Entitled Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon.
We tackled about the progress of Filipino language as time pass by. And the factors that affect it.
Enjoy and God bless! :)
EsP10: Mga isyung moral tungkol sa Buhay_044009.pptxJun-Jun Borromeo
Ang tao ay nilikhang malaya ng Diyos ngunit hindi ito nangangahulugang may karapatan na tayong gumawa ng masama sa ating kapwa man o sa ating sarili. Ang katawan ng tao ay templo ng Diyos kaya't nararapat lang na pangalagaan ito at huwag abusuhin. Sa modyul na dito, natalakay ang iba't ibang isyu tungkol sa buhay. Kabilang na rito ang paggamit ng bawal na gamot, alkoholismo, aborsiyon, pagpapatiwakal, at euthanasia or mercy killing. Maraming tukso an matatagpuan sa mundo na kailangang iwasan. Ngunit, ang ilan sa atin ay hindi magawang iwasan ang tuksong ito--- ang pagkalulong sa droga. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung tungkol sa buhay na kinakaharap ng ating lipunan sa ngayon. Ito ay nagdudulot ng kahirapan sa pag-proseso sa impormasyong dumadaloy sa isip ng tao. Nakakapagdulot din ito ng pagtaas sa bilang ng krimen sa isang bansa. Tulad ng paggamit ng droga, ang labis na pag-konsumo ng alak o tinatawag na alkoholismo ay isa rin sa mga isyu tungkol sa buhay. Ito ay nakakapagdulot ng maraming kimplikasyon sa katawan ng tao. Masasabing naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa. Maraming kabataan ang nalululong sa droga at peer pressure ang isa sa mga sanhi nito. Hindi kailanman magiging makatuwiran na gumamit ng droga para lang mabilang sa isang grupo. Bilang isang kabataan, alam ko na ako ay maaaring maimpluwensiyahan ng aking kaibigan na gumawa ng isang bagay, mabuti man o masama. Ako ay binigyan ng pribelihiyong magkaroon ng iisip at kilos-loob, kaya nasa desisyon ko na kung magpapadala ba ako sa kanila na gumawa ng maasama o pipiliin kong pumanig sa tama. Ayon kay Agapay (2007), Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Maraming debate ang naganap kung gagawin ba itong legal o hindi. Mayroong dalawang panig tungkol dito: Pro-life at Pro-choice. Para sa akin, sumasang-ayon ako sa panig ng Pro-life dahil ituturing kong isang tao na may buhay ang fetus na may pagkakataon pang mabuhay sa mundo. Ang pagpapatiwakal naman ang sunod na itinalakay sa modyul na ito. Ang pagpapatiwakal ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Ang kawalan ng pag-asa ang isa sa mga sanhi nito. Para sa akin, ang pinaka- epektibong solusyon dito ay ang pananalig sa Diyos. Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito aytumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Mahirap magdesisyon kung gagawin ba natin ang prosesong ito o hindi lalo na't mahal mo sa buhay ang nasa sitwasyong ito. Ang mga nabanggit ay mga isyung tugkol sa buhay.
(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
Theory essay #1
1. Jomar B. Soriano Advance Communication Theory
BACR 2-1 Prof. Kriztine Viray
Theory Essay #1
“Sa Pilipinas”
Sa bansang ating kinamulatan, hindi maitatago ang mga problema, isyu, penomena at
mga kaganapan na kadalasan ay noon pa man at magpahanggang ngayon ay nananatili. Kadalasan,
dahilan sa tagal na ng panahon na ito ating nakikita o nararanasan ay nasanay na tayong baliwalain at di
pagtuunan ng pansin ang mga ito. Sa pag-aaral na ginagawa ng mga dalubhasa, may mga teorya na
nagbibigay ng posibleng dahilan kung bakit itonangyayari.
Isang halimbawa ng isyu sa ating bansa ay ang paninigarilyo ng ating Pangulo. Sa
adbokasiya ng Kagawaran ng Kalusugan, ang paninigarilyo ay maigting na ikinakampanya bilang isang
hindi magandang gawain na nakaaapekto sa ating kalusugan. Noong tinanong ang ating pangulo tungkol
sa kanyang paninigarilyo, sinagot lamang niya ang mga tao na hindi na ito mapipigilan at bagkus
nagpakita lamang siya ng kawalang pakialam sa pagpuna ng mga taong bayan sa kanyang bisyo kahit na
alam naman niyang maaaring masira ang kanyang imahe sa kanyang ginagawa at isa pang bagay, alam
din niya sa kanyang sarili na masama ang paninigarilyo at maaaring humantong sa sakit sa baga. Ang
ganitong isyu ay tumutukoy sa Cognitive Dissonance Theory ni Festinger (1957). Ang teorya na ito ay
tumutukoy sa mga sitwasyon na kahit na alam naman natin na maaaring makasama ang isang bagay sa
atin ay patuloy parin natin itong ginagawa dahilan lamang na gusto natin itong gawin. Ibig sabihin nito ay
may sapat tayong kaalaman sa isang bagay na ginagawa natin maging sa magiging masama man o
mabuting maidudulot nito sa atin. Sa paninigarilyo ng pangulo, dalawa ang kaalaman niya na
2. makasasama sa kanya. Una ay ang pagkakaroon ng di magandang pagtingin sa kanyang imahe bilang
isang mataas na nanunungkulan sa ating bansa at ikalawa na ang kasamaan ng paninigarilyo sa kanyang
kalusugan. Sa kalagayan ng pangulo sa ganitong bagay, paano pa maniniwala ang mga tao sa kampanya
ng Kagawaran ng Kalusugan kung mismong ang nakatataas na nanunungkulan mismo ay lalabag o kaya
naman ay hindi nahihikayat sa kampanyang kanilang ipinanunukala sa mga mamamayan ng ating bansa.
Ito ay isang simpleng isyu sa ating bansa ngunit may malaking ugong na umaalingawngaw sa mga
mamamayang kanyang nasasakupan.
Isa pang isyu sa ating bansa ay ang isyu tungkol sa pagbabawal ng Simbahang Katolika
sa paggamit ng mga contraceptives upang mapigilan ang pagdami ng populasyon sa ating bansa. Ayon sa
aral na itinuturo ng simbahan, ang paggawa nito ay isang malaking kasalanan sa Diyos sapagkat sa
pagtalima sa ganitong gawain ay pumapatay tayo ng tao sa pamamagitan ng pagpigil sa natural na sistema
ng buhay. Sa paggamit ng kanilang kapangyarihan ay naimpluwensyahan nila ang kanilang mga
tagasunod at mga mananampalataya upang pigilan ang pagpasa ng Reproductive Health Bill noon
nagbibigay ng pahintulot sa mga tao na gumamit ng contraceptives upang maiwasan ang paglobo ng ating
populasyon. Dahil tayo ay nasa isang Katolikong bansa, ang kanilang impluwensya sa desisyon ng tao
malaki at kanilang nagagamit ang kapangyarihan na ito sa pagdedesisyon ng mga tao. Ang ganitong
pangyayari ay pumapatungkol sa Standpoint Theory ni Georg Hegel. Ang teorya na ito ay tungkol sa
paggamit ng otoridad sa kanilang kapangyarihan upang maapektuhan ang kaisipan ng mga tao di lamang
sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pati na rin sa kanilang mga gawain, desisyon at
paniniwala. Malaki din ang impluwensya ng kultura kung paano nagaganap ang teorya na ito lalo pa at
ang Simbahang Katoliko ay ang pinakamalaking sekta o samahan ng mga mananampalataya di lamang sa
Pilipinas at maging sa buong mundo. Isa pang halimbawa sa teoryang ito ang ay ang pagtingin ng ating
lipunan na mas mataas ang kapangyarihan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Sa ganitong
sistema lalo na sa loob ng tahanan, ang lalaki ang kadalasang nasusunod lalo na sa pagdedesisyon.
Naapektuhan ng pagdedesisyon ng lalaki ang desisyong ng mga asawa nila sapagkat may tinatawag
3. tayong otoridad o mas nakatataas sa isang pamilya. Sa ating panahon ngayon, ang mga kababaihan ay
mayroon ng boses pagdating sa kapangyarihan at otoridad sa kanilang mga pamilya. Limilitaw na ang
bagong kultura sa atin na ang mga babae ay may kakayahan din sa pagdedesisyon at paghuhubog sa
pamiya ng tama. Ito naman ay ang teorya na Feminist Standpoint Theory hango sa salitang “feminine” na
ibig sabihin ay babae o kababaihan na mayroong bisig, lakas, kakayahan at kahusayan sa paggawa ng
desisyon.
Hindi lilitaw at malalaman ang mga kaganapan na ito sa ating lipunan kung hindi dahil sa
papel ng midya sa mga mamamayang Pilipino. Isang malaking teleskopyo ang midya sa mga bagay na
nangyayari sa ating kapaligiran na kahit pa nasa dulong lupalop ka na ng Pilipinas ay matatanaw parin
ang hibla ng buhok ng mga taong pinag-uusapan at maging ang mga pangyayaring hindi na sakdal sakop
na matanaw ng ating mga mata. Sa mga pangyayari ngayon sa ating bansa tulad ng mga kaganapang
nangyari sa Mamasampano sa Maguindanao at ang pagkamatay ng apat na pu’t apat na bayaning Pilipino,
ang midya ay isang malaking tulong sa pagpapakita ng tunay na nangyayari sa ating bansa. Hindi natin
maikakaila na mag-isip kung lahat ba ng kanilang ipinapakita ay totoo ba talagang nangyayari. Para sa
mga ordinaryong mamamayan, ang midya ang tanging basehan ng naglalakihang mga balita sa ating
bansa. Madaling napapaniwala ng midya ang mga ordinaryong mamamayan sa kanilang ipinapakita. May
isang teorya na nagpapaliwanag na kung saan ang midya ay isa sa nakaaapekto ng malaki sa pagtingin ng
mga tao sa mga isyu. Ang teorya na ito ay ang Agenda Setting Theory ni McCombs at Shaw. Ang teorya
na ito ay naglalahad na ang midya lalo na ang midya patungkol sa pagbabalita ay gumagamit ng kanilang
kakayahan upang hubugin ang katotohanan patungo sa taliwas nito o di kaya naman ay pinagtutuunan nila
ng pansin ang ibang mga isyu upang maitago ang ibang mas malalaki pang isyu na dapat na malaman ng
mga mamamayan. Mas binibigyan nila ng kaukulang pansin ang pagbabalita ng ibang isyu para nang sa
gayon ay malihis ang isang malaking isyu at hindi na gaanong mapag-usapan ng mamamayan lalo pa
kung ang isyung kanilang inililihis ay talagang malaki at mainit sa mata ng mga tao. Sa ganitong paraan,
4. ginagamit nila ang kanilang kapangyarihan bilang mga tagapagbalita upang baguhin at ilihis ang
anumang isyu sa ating bansa.
Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa. Sa pagpapairal ng ganitong sistema sa ating
pamayanan, hindi maikakaila na maraming mga pagkakamali at hindi mabuting nangyayari sapagkat
walang limitasyon ang bawat isa na ipahayag kung ano ang kanilang naisin maliban na lamang kung ito
ay sadyang mali at hindi tama sa ating batas at sa paningin ng Diyos. Ang mga isyung ito sa ating bansa
ay nagpapatunay lamang na tayo ay humaharap sa mga problemang kailanman ay mahihirapan tayong
masolusyunan o kaya naman ay imposible nang mabago pa. Ang mga teorya ang siyang ating magiging
basehan upang maunawaan ng maayos ang mga bagay na ito at kung papaano ito nagaganap.