SlideShare a Scribd company logo
ANG AKING TALAMBUHAY
Ako si Olegario Diaz Toledana, labing siyam na taong gulang, nag-aaral sa unibersidad sa
Tinambac na “Partido State University” ang pangalan. Ako ay anak nina Ginoong
Graciano Agustin Tolenada at Ginang Gloria Diaz Tolenada. Kung mapapansin ninyo na
may pagkakaiba ang aking apilyedo sa mga magulang ko, dahil yan sa maling pagkaka
patala ng nag pa anak sa nanay ko. Pinagawan sana nang aking tatay ng affidavit subalit
di naman pala nakarating sa NSO kung kaya hanggang ngayun ay Toledana ang
ginagamit ko.
Ako nga pala ay isang binabaing lumaki sa Brgy. Magtang. Lumaking malusog, masipag
at mapagmahal na anak. Mula ng ako ay tumungtong ng unang baitang hangang
ikalimang baitang sa mababang paaralan,hindi ako naaalis sa listahan ng magagaling sa
klase subalit ng ako ay tumungtung ng ika-anim na baitang ay hindi ako pinalad na
makasali sapagkat mahuhusay rin ang aking mga nakatunggali pero kahit ganon masaya
parin ako sapagkat nakapagtapus ako at nakuha ko naman ang aking Diploma.
Nang ako ay tumungtong ng High School maraming nagbago sa buhay ko hindi na
ako masyadong nag-aaral sa bahay namin , biglang gumuho ang mundo ko, maraming
nagsabi na dahil lang ito sa mga problemang tinatamasa ng aming pamilya , marami ring
nag sabi na dahil ito sa pang-iibang bayan ng dalawa kong kapatid na lalaki, lahat ng
gawain ng mga ito sa bahay namin ay naipasa sa akin lalo pa noong manganak ang
panganay naming kaptid at ang aming butihing Ina.
Pero lahat nang ‘yun ay malayong-malayo sa dahilan ko, sapagkat ang dahilan ng
kawalan kong Interes sa pag-aaral ay mula ng aking makilala si Jesus Emmanuel Amaro
Jr. III. Si Amaro ay isang matipunong lalaki na nakilala ko sa unang baitang ko sa mataas
na paaralan. Nang malaman ito ng karamihan, marami ang nagulat at nag sabing “bakit
ka nag kaganyan?anu ang nangyari sayo?’’. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako
nagkaganito ,simula noon halos lahat ng tao sa paligid ko ay tinutukso ako pero para sa
akin hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi ng ibang tao , masmasakit kasi sa akin kapag
tinutukso ng mga kaklasi namin si Amaro na may sayad sa pag-iisip. Napansin ko rin
naman iyon at ‘yon rin ang nagtulak sa akin upang muling bumangon, sa pagkat napansin
kong hindi masyadong interisado si Amaro sa pag-aaral. Pero sabi ko kung mag-aaral ako
at kapag naka pasa ako ibigsabihin hindi ko na makakasama pa ang iniirog ko kahit
kailan, kaya naman ang lahat ng nalalaman ko sa paksa ay pinapaalam ko sa kanya, nang
sa gan’on lagi kaming mag kasama, pasa ako pasa rin ang mahal ko.
Ngunit ng ako ay mag iika-dalawang baitang na sa mataas na paaralan ay may hindi
inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ko. Nagkasakit ang aking lolo sa balat, o
skin disease kung tawagin, kaya kinailangan itong idala sa Ospital. Mahal na mahal ko
ang lolo ko,kaya hindi ako pumayag na hindi sumama, sapagkat mula pa nang ako’y bata
pa lamang ay ito na ang lagi kong kasakasama sa pamamasyal. Nanatili kami sa BICOL
MEDICAL CENTER o BMC sa NAGA ng mahigit dalawang buwan.
Habang ako ay nasa ospital, iniisip ko lagi-lagi,araw-araw kahit sa oras ng pagtulog
ko kung pumasok ba si Amaro, anu na kayang ginagawa niya?, na susondan kaya niya
ang mga aralin?. At dahil d’yan hinangad ko noon na sana hindi siya pumasok ,sana
bumagsak siya para umulit s’ya ng 2nd year.
Lumabas kami noon sa buwan nang Agosto,ngunit hindi parin tumigil ang pahirap ng
tadhana sa buhay ko, lumala uli ang sakit ng lolo ko at hindi tumagal namatay rin ito.
Pagkatapos ng pagluksa si Amaro parin ang nasa isip ko. Dumating pa ang panahon na
ako naman ang nagkasakit. Nagka dingue ako,blood infection, at olser sa bitoka. Akala ko
noon wakas na ng buhay ko, hindi ko na makikita pa ang pinakamamahal ko.
Lumipas ang mga buwan,dumating muli ang araw ng pasukan, hindi ko ito
pinalagpas. Agad akong nagpalista. Sa pagpasok ko, aking nakasama ang tatlo kong
dating kamag-aral. Ngunit kahit pa nakasama ko sila, hindi parin nabuo ang kasiyahan sa
buhay ko, dahil sa paglipas ng isang buwan ay hindi ko nasilayan ang mukha ng aking
sinisinta. Ngunit isang araw, araw ng eleksyon ng SSG member sa paaralang Gregorio
Ocampo Bercasio Memorial High School, nakikinig kami ng meeting de avanse ng mga
kandidato, nang bigla akong kabigin ng kamag-aral kong si Eden at pilit akong
pinapatingin sa isang lalaking naka puti na kausap ng isa naming guro. Bigla akong
natulala at halos lumundag sa tuwa ang puso ko nang masilayan ang lalaki at malamang
ang pinapantasyahan ko ay muling nag balik.
Biglang napuno uli ng kasiyahan ang buhay ko, lalo pa nang aking malamang kamag-
aral ko ito. Mas lalo pa akong kinikig nang kausapin ako nito at sinabihan akong namis
daw niya ako. Ngunit nang panahon na iyon ay nagsimula na namang kumontra sa akin
ang tadhana. Natukso si Amaro sa dalagang nag ngangalang Rizza Danabar na kamag-
aral pa namin at kaibigan ko rin. Nagsama ang dalawa ng limang buwan, inaamin ko na
nasaktan ako pero ako ay nagparaya, dahil alam ko naman na hindi ako kailan man
mamahalin ni Amaro.
Hinayaan kong magsama ang dalawa, hindi nagtagal nag hiwalay rin sila. Lumipas
ang mga araw, dumating ang araw ng pagtatapos. Umalis si Amaro, pumunta ng Cavite.
Wala akong magawa sa bahay kung kaya ay nag hanap ako ng mapaglilibangang trabaho
sa Sentro ng Tinambac at doon ko nakilala si Bb. Charie Din, isang binabae na may
katungkulan sa Munisipyo. Kinuha niya ako bilang katulong niya sa Cultural office, nag
enjoy ako doon pero kahit ganun ay hindi ko parin nakakalimutan si Amaro. Lagi ko
itong tiniteks at tinatawagan.
Habang nasa trabaho ako nakilala ko ang ilang kalalakihan. Muntik na akong tukso sa
isa sa mga kalalakihan, ngunit nasa isip ko parin si Amaro. Isang gabi kinausap ako ni
Bb. Din at sinabihan akong s’ya na ang mag papa-aral sa akin sa Don Servillano Platon
National High School. Ngunit hindi ako pumayag dahil iniisip ko na kapag pumayag ako
ay hindi ko na makikita pa si Amaro kahit kailan.
Matapos ang limang buwan umuwi ako sa Brgy. Magtang dahil malapit na naman ang
pasukan, eksayted na akong pumasok uli at muling makita ang aking Prince Charming.
At hindi ako nagkamali sa aking desisyon, ngunit hindi sana kami magiging magkaklase
ni Amaro dahil magkahiwalay kami ng klase, buti na lang lumipat ito kung saan ako
naroon at sa panahong iyon ay nasa ikatlong baitang na kami sa mataas na paaralan. At
masayang nagsasama at nag-aaral.
Ang akala ko malaya ko nang makakasama ang mahal ko, pero hindi pala. Nakasama
namin muli si Rizza, nalaman ko din na mahal parin ito ng mahal ko, at balak nitong
magkabalikan sila ni Rizza. Masakit man sa loob ko, pero nag desisyon akong palayain
na ang sarili ko mula sa kadilimang tinatamasa, sa mundo ng pag-ibig. Naisip kong
magbago, pero kahit ganun hindi parin mawala saakin ang pagiging benabae, lalo na
kapag nakikita ko si Amaro, sinabi ko pa noon na mula sa araw ng aking pagbabago ay
ituturing ko na lamang matalik na kaibigan sina Amaro at Rizza.
Nang ako ay nasa ikaapat na baitang na sa mataas na paraalan, naging maayos ang
aking pag-aaral, kinalimotan ko ang pagpapantasya o pagmamahal kay Amaro. Lagi na
ulit akong nakakasali sa listahan ng mahuhusay sa klase, nakaka sali narin ako sa mga
activity sa paaralan, subalit di parin nawawala ang mga suliranin ko sa pag-ibig.
Nakaklase ko ulit sina Amaro, at Rizza; ang tadhana nga naman. Pero sabi ko sawa na
ako sa pagmumukha n’ya. At nakilala ko ang dalawang lalaking gwapo, matipuno,
mapurma, maapel, kaso nga lang ay basaguliro. Kung kaya bumagsak parin ako kay
Amaro.
Makalipas ang ilang buwan ay dumating ang araw ng aming J/S prom sa mismong
araw ng mga puso. Subalit nawasak nanaman ang puso ko ng makita ko ang dating
hinahangaan kong lalaki ng ako ay nasa mababang paaralan pa lamang. Nag papansin ako
sa kanya subalit denedma niya ako “how sad diba”. At mula sa gabing yun ay ipinangako
ko sa sarili ko,sa mga kaibigan ko at sa lahat nang nasa paligid ko ng mga sandaling
pauwi na ako sa bahay na isasara ko nang tuluyan ang aking damdamin at di na ako
magmamahal muli.
Kaya naman hanggang ngayon ay wala akung kasintahan at tatanda akong walang
kasintahan dahil sawa na akung masaktan. Kung meroon man kayung narinig mula sa
akin na ako’y may sinisinta yan ay kathang isip ko lang at kung meroon man yan ay laro-
laro lamang.
ANUNG SAKLAP NAMAN
Tula
Akda ni:Olegario D. Toledana
Buhay estudyante ay sadyang mahirap,
Lalo na sa mga mataas ang pangarap.
Ayaw umupa’t malayo sa pamilya,
Pipilit, nang makapasok ng maaga.
Ang mga Ina na hiram na lang ng hiram,
Nang maibigay ang edukasyong mainam.
Sapagkat anak nila’y nais mapagtapos,
Nang sa hirap ng buhay ay makaraos.
Ang kanilang ama’y bogbog sa trabaho,
At sa iba pang bayan ay nakidayo.
Habang pamilya’y naghihintay ng sweldo,
Na pang bayad sa utang at pang kunsumo.
Anung saklap namang anak ay mawala,
Sa dilim malalagutan ng hininga.
Lahat ng hirap mauuwi sa wala,
Dahil sa taong walang pagkaawa.
Kasalukuyang kalagayan ng wikang Pilipino
Ang wikang pilipino sa kasalukuyan ay sadyan nakakalungkot sapagkat marami nang
binago at dinagdag na mga salita. Kung kaya’t malimit na ang mga pilipino ay di na
nagkakaintindihan. Nagkalat sa buong Pilipinas ang iba’t ibang uri ng salita na
pinagpipilitang idagdag sa wikang pilipino, halimbawa na lamang ay ang Gay Language
at Mga Salitang Kalye. Mayroon ding mga hiram na salita na ibinabahagi sa ating wikang
Pilipino.
Ang alam ko ang wikang pilipino ay binuo upang maging iisang salita nating mga
pilipino subalit dahil sa ating iba’t ibang dayalikto ay unti-unti nang nawawala ang
tinatawag na wikang Pilipino. Kung kaya naman sa tuwing binabasa ko ang mga
sinaunang mga akda ay kalimitang di ko ito maunawaan sapagkat maaring ang mga salita
ay naglaho na o napalitan na nang ibang salita sa wikang Pilipino.
Kapag ang sistemang ito nang ating wika ay magpapatuloy hangang sa maging
kritikal maaaring ang wikang Pilipino ay maging bahagi na lamang nang mga kasaysayan
nang Pilipinas sa darating na mga panahon. Sana’y wag nating hayaang mangyari ito,
pagtulungan nating ibangon ang ating sariling wika, ang wikang Pilipino.
MON LEON
(maikling kuwento)
Akda ni : Olegario Toledana
Noong unang panahon sa isang liblib na pook ng Tinambac, mayroong isang lalaking
nagngangalang Leonardo ang namamasyal sa kagubatan, at ang diwatang nagbabantay sa
gubat na Alena ang pangalan ay umibig sakanya. subalit nabigo ito kay Leonardo
sapagkat may ibang mahal ito, yun ay si Monalisa. Nagalit si Alena sapagkat hindi ito
tumatanggap ng pagkabigo.
Sa galit ay isinumpa nito si Monalisa isang gabing tirik na tirik ang bilog na buwan.
Ikaw babae..
Maghihirap ka sa iyong panganganak,taong leon ang iyong iluluwal at ikaw ay
mamamatay..
At tumawa ito ng pagkalakas lakas at saka naglaho sa karimlan ng gabi.
Natakot ang mag-asawa sa sumpa ni alena kung kaya pinuntahan nila ang lahat ng
albularyo sa Nayon subalit wala sa kanilang nakatulong. Umalis sila sa Nayon at
nagpakalayo layo. Nanirahan sila sa nakababatang kapatid ni Leonardo na si Jana.
Lumipas ang mga taon, masayang nag sama sina Monalisa at Leonardo, at naganap
ang sinabi ng diwata at nabuntis nga si Monalisa.
Ah!!! Leonardo, manganganak na yata ako...
Ha...?, teka tatawag ako ng hilot, Jana bantayan mo ang ate Mona mo, tatawagin ko
lang si Aleng Rosita
Sige po kuya! Bilisan mo po...
Dumating ang mga sandali dumating sina Leonardo at si Aleng Rosita at sinimulan
ang pagpapa-anak kay Mona. Habang nagsasagawa ng Operasyon ang hilot ay lumabas
muna si Leonardo, at doon niya muling nasilayan si Alena sa may di kalayuan nakatawa.
Hindi niya ito pinansin hanggang sa narinig niya ang sigaw mula sa loob ng bahay ay
dali-dali siyang pumasok upang alamin ang kalagayan ng kanyang asawa.
Aleng Rosita ano pong nangyari?,bulalas niya
Impakto,Impakto,Impakto ang anak n’yo Leonardo, Impakto!!! Nagsusumigaw na
pahayag ng matanda
Huh? Gulat na tanung ni Leonardo at napatingin sa bata, hindi ito bata kundi isang
Leon
Tatakbo na sana palabas ang hilot at si Jana nang bigla silang harangin ni Leonardo
Teka! Pagpipigil niya.
Aleng Rosita Pakiusap po wag n’yong ipagsabi ito. At wag po nin’yong iwan ang
aking asawa sapagkat kailangan ka po niya. Pakiusap po Aleng Rosita, Pakiusap po...
Pagmamakaawa niya.
Papalitpalit ng tingin ang matanda sa bata at kay Leonardo... Sa makalipas na isang
minuto ay nagdisisyon rin ang matanda.
Segi papayag ako. Subalit ano ang plano mo sa anak n’yo? Dilikado kung bubuhayin
mo yan.
Ipinapangako ko po aleng Rosita na lalaki siyang normal na tao sapagkat papalakihin
ko siya sa magagandang asal at mabuting kalooban.
Ikaw ang bahala subalit ito lang ang sasabihin ko. Dilikado ang gagawin mo
Leonardo.
Salamat po!!! At tumungo sa tabi ng asawa’t anak.
Lumipas ang mga panahon lumaki si Moleo na palihim ang tunay na pagkatao subalit
sa pagtungtung niyang sampung taong gulang ay nagsimula na siyang magpapalit palit
nang anyo, kung kaya alam na niya ang kanyang pagkatao.
Isa na siyang binata noon at lagi niyang kasama ang kanyang tita Jana at ang
kaibigan niyang si Loida. Madalas siyang pumunta sa bahay nina aleng Rosita kaya di
malayong mahulog ang loob ni Junmar sa kanya.
Si Junmar ay ang binabaing kapatid ni Loida na anak ni aleng Rosita. Mula nang
magkaisip ay nagi nang matalik na magkaibigan sina Moleo at Loida, at nang sila ay high
school na ay nakilala ni Loida si Christian isang Chickboy sa Maynila. Nabighani ito sa
kagandahan ni Loida kung kaya di nito mapigil ang sarili na mainis kay Moleo sapagkat
ito ang laging kasama ng dalagang iniibig niya.
Para namang loka-loka itong si Junmar sa pagpapapansin kay Moleo, dead na dead
talaga ito kay Moleo kaya naman madalas biroin ni Jana at Loida si Moleo.
Uy! Moleo...tukso ni Jana
Wag mong paiiyakin ang kapatid ko ha!.. Dugtong naman ni Loida at humalakhak
ang dalawa.
Hay naku! Tigilan n’yo nga ako,,, pag gaganti ni Moleo
Hoy! Loida pagsabihan mo nga yong kapatid mo, nakakahiya kaya sa mga classmate
natin! Padamdam na sugpong niya.
Ayaw ko nga... Sumbat ni Loida at muling humalakhak.
Isang dapit hapun maagang lumabas ang bilog na buwan, pauwi na sina moleo
kasama ang tita Jana niya at si Loida. Habang naglalakag ay nakaramdam siyang kakaiba
sa kanyang katawan, naramdaman niyang lumalaki ang katawan niya, pumupula ang
buhok at humahaba ang mga kuko. Napatigil siya sa paglalakad.
Moleo bakit? Nagtatakang tanong ni Jana
Ahh! Wala po tita.. Tugon niya
Naku! Kailangan ko na pong magmadali, segi po tita mauna na po ako..sabay takbo.
Anung nangyari do’n? Gulat na tanong naman ni Loida.
Ewan! Gulat ding tugon ni Jana
Pag dating ni Moleo sa bahay nila napansin ni Leonardo ang pagmamadali ng anak.
Oh! Anak maaga ka atang umuwi ngayon? Pananahilan ng ama.
Ngunit hindi siya nito tinugon at tumuloy-tuloy sa kanyang silid. Napansin ni Leonardo
ang kaunting pulang buhok ng anak sa may likuran.
Malamang magpapalit anyo nanaman ang anak ko... Naibulong niya sa sarili, sabay
sinundan ang anak ngunit nang makarating ito sa tapat ng silid ni Moleo ay narinig niya
ang malakas na ungol ng Lion. Ninais niyang buksan ang pinto ngunit na isip niyang
makakabuting hayaan na muna niya ito. Bumalik na siya sa kusina upang maghanda ng
kanilang hapunan at pagtagal ay dumating na rin si Jana.
Kung buhay lang sana si Mona di sana’y hindi ako ang nag luluto rito...Habang nag
hahanda ay naisip ni Leonardo.
Si Monalisa ay namatay isang araw mula ng mailuwal si Moleo. Ilang sandali pa ang
lumipas ay bumaba na si Moleo mula sa kanyang silid.
Oh! Kumusta na ang pakiramdam mo? Bulalas ni Leonardo sa anak
Ok lang naman po itay... Tugon ni Moleo sa malumanay na boses
Oh sya’t halika na. Sumabay ka na sa amin ng tita Jana mo.
Ano pong ulam itay?
Siyempre tulad kanina!
Nanaman? Kapag ganyan uli ang ulam bukas di na ako kakain.
Pasensya ka na anak kasi di pa ako nakaka punta ng palingke eh.
Ayus lang po itay. Gusto mo tay kami na lang ni tita ang mamamalingke?
Talaga?
Oo naman po..
Wag na ako na lang.
Hindi na sumabad si Moleo sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kanyang ama.
Nang mga sumunod na araw naiba na rin sawakas ang ulam nila.
Linggo noon ng pumonta si Moleo kina Loida upang yayaing mag simba.
Tao po!!! Aling Rosita... Tawag niya
Oh! Moleo andyan kana pala. Kanina ka pa hinihintay ni Loida. Paliwanag ng
matanda.
Mula sa taas ay narinig niya ang magkapatid na ani mo’y nag-aaway.
Te! Sasama ako! Segi na te oh! Please. Ang pakikimaawa ni Junmar.
Wag na, hindi naman pagsisimba ang hangad mo eh! Pagtututol ni Loida.
Ah basta sasama ako! Nay kasi oh si ate ayaw akong isama. Pag mamaktol ni
Junmar.
Hay naku Anak! Isama mo na at di ka rin naman niyan titigilan. Ani ng Ina.
Segi! Pero wag na wag kang makakamaling mag binowang ha! Okay. Sumbat ni
Loida sa kapatid.
Okay! Fine! Pag sang ayun ni Junmar.
Pagkatapos ng misa.
Papauwi na si Moleo, naramdaman niya nanaman ang pagbabago ng kanyang
katawan. Naramdaman n’ya ring may nakasunod sa kanya. Mabilis siyang tumago sa
ilalim ng kagubatan at hindi na niya napigilan ang pagbabagong anyo, at ito ay
nasaksihan ni Christian sapagkat ito pala ang sumusunod sa kanya upang kausapin s’ya
tungkol kay Loida.
Si Moleo isang taong lion? Gulat na tanung sa kanyang sarili.
Di nagtagal ngumiti ito na parang dimonyo, nanlalaki ang mata, abot tinga ang ngiti.
Ngayon alam ko na ang sekreto mo Moleo!!! Humanda ka !
Sabay takbo papalayo.
Habang papauwi si Christian iniisip niya ang nalaman niya kay moleo.
Kaya pala kapag bilog ang buwan at niyayaya namin ay hindi siya sumasama dahil
may sa impakto pala ang mukong na ‘yon.
Alam na kaya ni Loida na nag aanyong Lion si Moleo?
Sa tingin ko hindi pa. Dahil kung oo bakit pa siya makikipakaibigan sa impaktong
‘yon.
Kinaumagahan tinawagan ni Christian ang kayang pinsan sa karatig nayon.
Nabalitaan kasi niya na magbubukas ito ng Perya doon at naisip niyang nababagay doon
si Moleo. Hindi siya pumasok sa paaralan sapagkat nakipag-usap siya sa kanyang pinsan.
At nang magkasundo na ang magpinsan ay tinipon ni Christian ang kayang mga katropa
at kinausap.
Mga tol humanda kayo mamayang gabi..
Bakit chris may reresbakan ba?
May huhulihin tayong malaking hayop
Hah?
Di man nila naintindihan ang pahayag ni Christian ay sumang-ayun ang mga ito. At
kina gabihan habang nakatirik ang bilog na buwan at papauwi si Moleo galing sa bayan
ay napansin niyang may nakasunod sa kanya. Bigla siyang kinabahan kung kaya naman
ay nagmadali siya sa pag lalakad subalit sa unahan ay hinarang na siya ng isang naka
maskarang lalaki at itinakip sa kanya ang panyong may pangpatulog.
Nagising si Moleo na nakatakip ang mga mata, nakatali ang kamay at paa. Panay
ang sigaw niya at paghingi ng tulong subalit wala ni isa man ang duminig sa kanya.
Samantala ang ama niya na si Leonardo at ang kapatid nito na si Jana ay nagpatulong na
sa paghahanap sa kanya at sa pag aalala ay di naiwasang sisihin ng makapatid ang
kanilang sarili sa pagkawala ni Moleo.
Sa pagsapit ng tanghali ay narinig ni Moleo ang pag-uusap ng dalawang lalaki sa
labas.
Anu insan nahuli n’yo ba?
Oo naman insan ako pa.
Oh paano yan yung usapan natin!
Oo naman wag kang mag alala hito at dala ko.!
Ayus..
Pakatapos ng pag uusap ay tumungo ang dalawa sa silid kung asaan si Moleo.
Sino kayo? Anung kailangan n’yo sa akin? Pagtatanong niya.
Wag ka nang dumaldal at di mo na kailangan pangako ay makilala. Sagot ni Christian
at muling pinatulog si Moleo at ibinigay sa kanyang pinsan na si Carlo upang idala sa
Perya.
Dalawang araw nang naghahanap sina Leonardo kay Moleo subalit hindi nila ito na
tagpuan hanggang sa may marinig silang usap-usapan ng ilang ale sa bayan.
Naka punta kana ba mare sa Perya sa karatig nayon natin?
Dipa nga eh...
Punta tayo mamaya may taong lion daw doon eh..
Totooba yon mare.? Baka costume lang naman!
Ewan pero paano natin malalaman kung di natin makikita diba!
Oo nga nu! Segi punta tayo mamaya.
O segi!
Nang marinig ito ng magkapatid ay inisip nilang si Moleo ang sinasabing taong lion
at agad nilang inalam kung saan matatagpuan ang Perya sa karatig nayon.
Samantala sa mga oras na iyon ay naisipang dalawin ni Christian si Moleo sa Perya
at bigla siyang dinatnan nang awa at kunsensya nang makita ang kalagayan ni moleo.
Walang saplot sa katawan, nak akulong sa malaking silda naka kadena ang mga kamay at
paa. At ang masaklap pa ay may lata ng latigo at may pasa sa mukha si Moleo.
Nang mataohan si Christian ay tumungo sa pinsa at kinausap ito.
Insan anung ginawa ninyo kay moleo?
Eh nagmamatigas eh!
Pero wala ito sa napag- usapan natin.
Eh anu ngang magagawa ko insan eh nag mamatigas nga ayaw magtrabaho. At saka
Perya ito nag babayad ako ng malaki kaya kailangan ko ring kumita nang malaki. At isa
pa baka nakakalimutan mo ibinenta mo na siya sa akin at binayaran kita sa gusto mung
halaga 20,000 yun insan.
Kung ganun babawiin ko na s’ya.
Anu ako loko-loko? Diko na s’ya ibibigay sayo. Hahaha!
Di nga na bawe ni Christian si Moleo sa kamay ng kanyang pinsan at dahil doon ay
mastumindi pa ang kanyang kunsensya. Kinagabihan bilog na bilog ang buwan.
Inihahanda na ang palabas sa Perya. Habang abala ang lahat ay pinuntahan ni Christian si
Moleo at tinangkang itakas ito.
Moleo gising.
Nang marinig ito ni Moleo ay dali dali itong bumangon at nagulat nang makita si
Christian.
A anung ginagawa mo dito? Baka mahuli ka nila!
Moleo patawarin mo ako.
Hah? Bakit?
Ako ang dahilan kung bakit ka andito. Ipinagbili kita sa pinsan ko ng malaman kong
isa kang taong lion at para mawala ka sa tabi ni Loida kaya ko nagawa ito.
Anu? Ikaw? Pero paano?
Patawad Moleo! Patawad! Pero wag kang mag alala andito ako para iligtas ka.
Ako ililigtas mo? Paano?
Heto ang susi. Halika at kakalasan kita.
Habang kinakalasan ni Christian si Moleo napansin ni Carlo na nawawala ang susi
kung kaya dalidali siyang pumonta sa likod ng tanghalan upang tingnan si Moleo ngunit
naka alis na ito. Subalit sinundan niya parin ito sa labas.
Nang mga oras ding yun ay nanghihina na si Moleo dulot ng mga pasa at latay ng
latigo sa kanyang katawan. At habang sila’y nasa daan ay narinig nila ang sigaw ni Carlo.
Christian... Ibalik mo saakin ang kinuhamo..
Bilis na Moleo at baka ma abotan tayo ni Carlo.
Iwan mo na ako Chris nang hihina na ako. Di ko na kayang tumakbo..
Anu ka ba Moleo di kita iiwan dito. Halika na
Hindi nag laon ay tumumba si Moleo at naging lion. At inabot nga sila ni Carlo.
Sina sabi ko na nga ba’t ikaw ang kumuha sa taong lion ko.
Di mo siya pag aari.
Anu? Hindi? Mataohan ka nga Chris. Ibininta mo sya sa akin at binayaran kita kaya
pag-aari ko na s’ya.
Dika tumupad sa usapan..
Binayaran na nga kita diba! Kaya bahala na ako kung ano ang gagawin sa kanya. At
tsaka kasalanan ko ba kung matigas ang ulo ng lion na yan?
Hindi ko siya ibibigay sayo.
Ah ganun segi pero lasapin mo to..
At bumunot ng baril si Carlo at ipinutok kay Christian subalit hinarang ni Moleo ang
bala kung kaya ito ang tinamaan sa dibdib.
Puputokan pa sana ni Carlo si Christian subalit dumating ang mga pulis kasama sina
Leonardo, Jana, Loida, Aleng Rosita, at si Junmar.
Ayus kalang ba Chris?
Bakit mo tinatanung kung ayus lang ako? Ikaw ang dapat tanungin ko n’yan.
Alagaan mo si Loida ha!
Anu bang pinagsasabi mo? Di ka Mamamatay dadalhin ka namin sa ospital.
Wag na.
Sabay nalagutan ng hininga si Moleo.
Tulong... Sigaw ni Christian
At nakalapit na rin ang hindi makapaniwalang ama na si Leonardo.
Niyakap ng mahigpit ang anak at sunod sunod na nagtanung.
Bakit kailangang umabot sa ganito? Binawe mo na ang asawa ko bakit pati anak ko?
Bakit di nalang ako ang kunin mo? Bakit?
Isang sandali pa ay lumiwanag ang buong lugar at kanilang nasilayan ang
napakagandang dilag na nakalutang sa hangin at yun ay ang diwatang si Alena.
Bina bawe ko na ang sumpa sa iyong anak Leonardo sapagkat napatawad na kita.
Aking napagtanto na mali ang aking ginawa. Sapagkat nalaman kung ang nagmamahal ay
handang magparaya at magbuwis ng sariling buhay para sa iba.Sana ay patuloy kayung
magmahalang mga tao, alisin ang ingit sa inyong mga puso at patuloy na magpakumbaba
upang patuloy rin kayong mabuhay nang mapayapa.
At pagkaraan ay naglaho na ang diwata. Nagliwanag ang buong katawan ni Moleo,
nawala ang mga sugat,pasa at latay sa katawan niya at muli siyang nabuhay ng gabing
iyon. Natuwa ang lahat at na hawi ang mga luha sa mga mata ng bawat isa ng kanilang
muling masilayan na si Moleo ay muling nabuhay.
Kina umagahan ay naging maayus na ang lahat. Naging normal na tao si Moleo,
naging magkasintahan sina Loida at Christian, nakulong si Carlo, at naging matalik na
magkaibigan sina Moleo at Christian. Subalit mayroong di nagbago at yon ay ang
pagpapantasya ni Junmar kay Moleo.
Nasaan ka man
By: Olegario Toledana
Sound from: On the wings of love
Kapag nakita ka
mundo ko’y sumasaya
sa bawat araw ng
buhay laging hanap ka
Di mapalagay kapag
dika nakikita
Nais ko lang sa tuwina
ay kapiling ka
Nasaan ka man dika
papalitan
Nag-iisa ka lang
nasaan ka man
Nasaan kaman
tanging ikaw lamang
At wala na ngang iba
kahit na ikaw ay nasaan
man
Tumingin ka lang at
ako’y matutunaw
Sa bawat sulyap mo
ako’y nasisilaw
Kahit sabihin mang
ako’y nababaliw
Ayus lang sapagkat
kapiling ay ikaw
Nasaan ka man dika
papalitan
Nag-iisa ka lang
nasaan ka man
Nasaan kaman
tanging ikaw lamang
At wala na ngang iba
kahit na ikaw ay nasaan
man
At kung ika’y akin,
ako’y sayo lang din
Kahit na mailayo ka pa
sa akin
Nag-iisa ka lang, di ka
papalitan
Kahit na kaylan ma’y
nag-iisa ka lang
Nasaan ka man dika
papalitan
Nag-iisa ka lang
nasaan ka man
Nasaan kaman
tanging ikaw lamang
At wala na ngang
iba(At wala na ngang iba)
Nasaan ka man dika
papalitan
Nag-iisa ka lang
nasaan ka man
Nasaan kaman
tanging ikaw lamang
At wala na ngang iba
kahit na ikaw ay nasaan
man
Tinambac
By olegario toledana
Tinambaqueno
kay saya sa san pascual
Kung dito ka makakasal
Silibrasyon ng himoragat
Tuloy tuloy lang sa pag angat
Ibaling sa daming tanawin
Di dapat natin palampasin
Dapat pa nating tangkilikin
Ito ay sariling atin
Tinambac kay gandang masdan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tuklasin ang kabayanan
Dito tayo‘y mas sisiyahan
Tinambac kay gandang puntahan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tuklasin ang kabayanan
Dito tayo‘y mas sisiyahan
Silipin ang isla Caaluan
At baybayin ng Libanon
Mga luntiang halaman
Ito’y handog ng kalikasan
Hali na’t pumunta ng salog
Masdan ang ganda ng cagliliog
Mga pagkaing nakakabosog
At fiestang nakakaindayog
Tinambac kay gandang masdan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tulasin ang kabayanan
Dito tayo‘y mas sisiyahan
Tinambac kay gandang puntahan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tulasin ang kabayanan
Dito tayo‘y mas sisiyahan
TINAMBAC
AWIT ng GROUP1
Sound from: Camsur by Karylle
Intro:
Tinambaqueño...
Luntiang bayan ng tinambac
Sa kasaysaya’y namumulaklak
Sa berding ilog ng himoragat
Siguradong ikay mabibihag
Maraming pook sa Tinambac
Maaari nating puntahan
Sa tanawin ay mayaman
Pagkat ito ang tanging yaman
Chorus:
Tinambac kay gandang masdan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tuklasin ang kayamanan
Dito tayo‘y masisiyahan
Tinambac kay gandang puntahan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tuklasin ang kayamanan
Dito tayo‘y masisiyahan
Ref:
Tinambac paligid ay tubig
Sa Dagat, sa sapa at sa ilog
Mga pagkain ay nakakabusog
At fiesta’y nakakaindayog
Pook madalas na dayuhin
Sa awit ay bibigkasin
Caliliog, Tierra, at Tamban
Magtang, Antipolo’t Caaluan
Rap:
Sa Tamban piyer ay matatagpuan
Sa Tierra ang fiesta ng tinagba
Ang Cagliliog may malinis na dagat
At Caaluan ang Isla’y luntian
Tinambac lugar ng likas na yaman
Ang tanawin ay tyak kawiwilihan
Chorus:
Tinambac kay gandang masdan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tulasin ang kayamanan
Dito tayo‘y masisiyahan
Tinambac kay gandang puntahan
Tinambac ikay masisiyahan
Ating tuklasin ang kayamanan
Dito tayo‘y masisiyahan
Republic of the Philippines
PARTIDO STATE UNIVERSITY
Tinambac Campus
Binalay,Tinambac,Camarines Sur
Ipinasa ni:
Olegario D. Toledana BSOA2
Ipinasa kay:
Bb. Hennecy B.
Cabrejas
Bayan kung Tinambac
By: Olegario Toledana
Sa paglipas ng taon
Darating ang pag boto
Tayo ay nalilito
Sa mga kandidato
Laganap ang krimen
Sa ating inang bayan
Dahil sa pulitika
Tayo ay nag aaway
Bayan kung tinambac
Ikaw ngayo’y nasasadlak
Sa hirap anung saklap
Mga pinuno’y sadyang kurap
Patawarin mo sila
Sa kanilang ginagawa
Sapagkat sila’y sabik sa pera
Tulongan n’yo ako
Ituwid ang daan
Sapagkat nais kong
Bayan natin umunlad
Alisin ang kaba
Iwasan ang pulitika
Pumili ka ng tama
Upang di ka magdusa
Bayan kung tinambac
Ikaw ngayo’y nasasadlak
Sa hirap anung saklap
Mga pinuno’y sadyang kurap
Patawarin mo sila
Sa kanilang ginagawa
Sapagkat sila’y sabik sa pera
Awit ng panitikan
By:Olegario Toledana
Intro:
Panitikan ay lupa gamitin natin
Sa pagtuklas ng mga akdang
babasahin
Ito’y hanapin lang at saka
basahin
At maaantig ang ating mga
damdamin
Chorus:
Panitika’y bituin nagbibigay
ningning
Sa mga kasagutang ating
hinihiling
Ito’y handang tumulong
sumagot sa atin
Wikang Filipino dito ay ating
gamitin
Ref:
Literatura’y sagot ating
kaylangan
Sa mga tanong na tungkol sa
ating bayan
Ito ay sandigan nitong
kasarinlan
Sa bundok o burol, maging
kapatagan
Rap:
Panitikan ay hangin siyang
bumubuhay
Sa mga nahihimlay na
kultura’t patay
Ito’y nagbibigay ng sayang
dalisay
Sa mga tradisyon at
pagtatagumpay
Oh yeah
Chorus:
Panitika’y bituin nagbibigay
ningning
Sa mga kasagutang ating
hinihiling
Ito’y handang tumulong
sumagot sa atin
Wikang Filipino dito ay ating
gamitin
Coda:
May alab ng apoy at lakas ng
bato
At kinang ng bituin na wari ay
ginto
Damdamin ng Pinoy matatag
na hukbo
Na lakas ng ating pagka
pilipino.
Chorus:
Panitika’y bituin nagbibigay
ningning
Sa mga kasagutang ating
hinihiling
Ito’y handang tumulong
sumagot sa atin
Wikang Filipino dito ay ating
gamitin
Panitika’y bituin nagbibigay
ningning
Sa mga kasagutang ating
hinihiling
Ito’y handang tumulong
sumagot sa atin
Wikang Filipino dito ay ating
gamitin
Ang awit ng wika
Intro:
Ang wika ay tubig na
nakakaputi
Ng pusong may sala at bahid
ng dumi
Manalangin lamang at saka
magsisi
At patatawarin ng Poong
mabuti
Chorus:
Ang wika ay apoy nagbibigay
init
Sa sanggol na hulog ng
anghel sa langit
Ang inang kumalung at siyang
umawit
Wikang Filipino ang siyang
ginamit
Ref:
Ang wika ay buto na siyang
tuntungan
Nitong mga paa ng mahal na
bayan
Wika ay sandigan nitong
kasarinlan
Sa bundok o burol, maging
kapatagan
Rap:
Ang wika ay hangin siyang
bumubuhay
Sa patid na hinga ng
kulturang patay
Ito’y nagbibigay ng siglang
mahusay
Sa mga tradisyon at
pagtatagumpay
Oh yeah
Chorus:
Ang wika ay apoy nagbibigay
init
Sa sanggol na hulog ng
anghel sa langit
Ang inang kumalung at siyang
umawit
Wikang Filipino ang siyang
ginamit
Coda:
May alab ng apoy at lakas ng
bato
At kinang ng tubig na wari ay
ginto
Wikang Filipino’y matatag na
hukbo
Na lakas ng iyong pagka
Pilipino
Chorus:
Ang wika ay apoy nagbibigay
init
Sa sanggol na hulog ng
anghel sa langit
Ang inang kumalung at siyang
umawit
Wikang Filipino ang siyang
ginamit
Ang wika ay apoy nagbibigay
init
Sa sanggol na hulog ng
anghel sa langit
Ang inang kumalung at siyang
umawit
Wikang Filipino ang siyang
ginamit
PANITIKAN ANG RIGHT
Awit ng group1-BSOA2
Kasaysayan ang simula
At lahat nilathala
Nang ika’y mabasa
Isipan ko ay gumanda
Puso kong may kulang
Bigla na lang sumaya
Panitikan ikaw ang simula
Hindi ko mapigilan ang aking
nadarama
Kapag ako’y nagbabasa
Ang mundo ko’y gumaganda
Sabi pa nila panitikan at nobela
Alamat, dalit, dula, anikdota
Chorus:
Panitikan na ba ang right?
Para tayo’y maging bright
Makakatulong ba ito sa pag-
aaral ko?
Nag tuturo sya ng right
Para tayo’y maging bright
Balagtasan, tula, bugtong, duplo,
at epiko
Panitikan na ba? Panitikan na
ba?
Panitikan na ba?
Kahit na malabo di alam saan
tutungo
Pero di pagkakait nalaman ko
ang totoo
Tungkol sa oda, soneto, at
tulang liriko
Sana nga matulungan mo ako
Chorus:
Panitikan na ba ang right?
Para tayo’y maging bright
Makakatulong ba ito sa pag-
aaral ko?
Nag tuturo sya ng right
Para tayo’y maging bright
Balagtasan, tula, bugtong, duplo,
at epiko
Panitikan na ba? Panitikan na
ba?
Panitikan na ba?
Kasaysayan parte ng buhay ko
Panitikan di mawawala sa puso
ko
Chorus:
Panitikan na ba ang right?
Para tayo’y maging bright
Makakatulong ba ito sa pag-
aaral ko?
Nag tuturo sya ng right
Para tayo’y maging bright
Balagtasan, tula, bugtong, duplo,
at epiko
Panitikan na ba? Panitikan na
ba?
Panitikan na ba?

More Related Content

What's hot

Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home
Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back homePormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home
Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home
Fely Vicente
 
Banaag at sikat
Banaag at sikatBanaag at sikat
Banaag at sikat
Hernane Buella
 
Kabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El FilibusterismoKabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El Filibusterismo
Lyca Mae
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
Diane Abellana
 
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docxNATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
KarenPolinar
 
Nauwi sa droga
Nauwi sa drogaNauwi sa droga
Nauwi sa droga
Suarez Geryll
 
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na DetalyeAng Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Mckoi M
 
Feature Article about My School
Feature Article about My SchoolFeature Article about My School
Feature Article about My School
St. John's Institute
 
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Erniel Ecle
 
Maikling tula
Maikling tulaMaikling tula
Maikling tula
Jered Adal
 
El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente
El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido PenitenteEl Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente
El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido PenitenteKen Bryan Tolones
 
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARALALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
Reina Antonette
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
asa net
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Mariel Flores
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
jessacada
 
Mitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang PilipinoMitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang Pilipino
Sam Aclan
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
kim desabelle
 

What's hot (20)

Ang Aking Talambuhay
Ang Aking TalambuhayAng Aking Talambuhay
Ang Aking Talambuhay
 
Ang Aking Tulambuhay
Ang Aking TulambuhayAng Aking Tulambuhay
Ang Aking Tulambuhay
 
Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home
Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back homePormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home
Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home
 
Banaag at sikat
Banaag at sikatBanaag at sikat
Banaag at sikat
 
Kabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El FilibusterismoKabanata 23 El Filibusterismo
Kabanata 23 El Filibusterismo
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
 
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docxNATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx
 
Nauwi sa droga
Nauwi sa drogaNauwi sa droga
Nauwi sa droga
 
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na DetalyeAng Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
Ang Pangunahing Paksa at mga Pantulong na Detalye
 
Feature Article about My School
Feature Article about My SchoolFeature Article about My School
Feature Article about My School
 
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
Talumpati tungkol sa Pangangampanya sa Pagka-pangulo.
 
Maikling tula
Maikling tulaMaikling tula
Maikling tula
 
El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente
El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido PenitenteEl Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente
El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente
 
Kabanata 12
Kabanata 12Kabanata 12
Kabanata 12
 
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARALALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
ALIN ANG MAS DAPAT UNAHIN: TRABAHO O PAG-AARAL
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysayTula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
Tula, talumpati, maikling kwento, pabula, sanaysay
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
Mitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang PilipinoMitolohiyang Pilipino
Mitolohiyang Pilipino
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 

Viewers also liked

Ferrie my dog
Ferrie my dogFerrie my dog
Ferrie my dog
Jenita Guinoo
 
Ang pagtatalata
Ang pagtatalataAng pagtatalata
Ang pagtatalata
Gary Leo Garcia
 
Just give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docxJust give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docxGermie Mijares
 
Lyrics
LyricsLyrics
Lyricsteding
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4
Faith De Leon
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
Nico Granada
 
FY(aYE) SOFT COPY
FY(aYE) SOFT COPYFY(aYE) SOFT COPY
FY(aYE) SOFT COPY
Raichella Michelle Marquez
 
Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)
Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)
Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)
Nurul Angreliany
 
Isang Pabula by Lexter Cortez
Isang Pabula by Lexter CortezIsang Pabula by Lexter Cortez
Isang Pabula by Lexter Cortez
Lexter Ivan Cortez
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyKp Ahdhik
 
Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)Moon Jeung
 
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
University Student Council-Molave
 
Munting Pagsinta
Munting PagsintaMunting Pagsinta
Munting Pagsinta
Jewel Vanilli Punay
 
Modyul 5 pagpapalalim (grade 9)
Modyul 5   pagpapalalim (grade 9)Modyul 5   pagpapalalim (grade 9)
Modyul 5 pagpapalalim (grade 9)
Melanie Do-ong
 
BUNGA NG PAGTATAKSIL?
BUNGA NG PAGTATAKSIL?BUNGA NG PAGTATAKSIL?
BUNGA NG PAGTATAKSIL?
Jenita Guinoo
 
Filipino first quarter Module
Filipino first quarter ModuleFilipino first quarter Module
Filipino first quarter ModuleRhenan Belisario
 

Viewers also liked (20)

Ang aking sarili
Ang aking sariliAng aking sarili
Ang aking sarili
 
Ferrie my dog
Ferrie my dogFerrie my dog
Ferrie my dog
 
Ang aking buhay
Ang aking buhayAng aking buhay
Ang aking buhay
 
Ang pagtatalata
Ang pagtatalataAng pagtatalata
Ang pagtatalata
 
Just give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docxJust give me a reason 1 docx
Just give me a reason 1 docx
 
Lyrics
LyricsLyrics
Lyrics
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4
 
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner ModuleK to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
K to 12 - Grade 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Learner Module
 
FY(aYE) SOFT COPY
FY(aYE) SOFT COPYFY(aYE) SOFT COPY
FY(aYE) SOFT COPY
 
Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)
Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)
Kota dan Kebutuhan Perumahan (1) dan (2)
 
Isang Pabula by Lexter Cortez
Isang Pabula by Lexter CortezIsang Pabula by Lexter Cortez
Isang Pabula by Lexter Cortez
 
P e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copyP e r f e c t m a t c h copy
P e r f e c t m a t c h copy
 
Walang iba lyrics
Walang iba lyricsWalang iba lyrics
Walang iba lyrics
 
Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)Start of a dream (completed)
Start of a dream (completed)
 
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo"Akala ko lang"-Kailly Gajo
"Akala ko lang"-Kailly Gajo
 
Munting Pagsinta
Munting PagsintaMunting Pagsinta
Munting Pagsinta
 
Lyrics
LyricsLyrics
Lyrics
 
Modyul 5 pagpapalalim (grade 9)
Modyul 5   pagpapalalim (grade 9)Modyul 5   pagpapalalim (grade 9)
Modyul 5 pagpapalalim (grade 9)
 
BUNGA NG PAGTATAKSIL?
BUNGA NG PAGTATAKSIL?BUNGA NG PAGTATAKSIL?
BUNGA NG PAGTATAKSIL?
 
Filipino first quarter Module
Filipino first quarter ModuleFilipino first quarter Module
Filipino first quarter Module
 

Similar to Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

Grade 08
Grade 08Grade 08
Grade 08
Jun-Jun Ramos
 
Grade 08
Grade 08Grade 08
Grade 08
Jun-Jun Ramos
 
Ang Aking Talambuhay
Ang Aking TalambuhayAng Aking Talambuhay
Ang Aking Talambuhay
bong sinalubong
 
Guest Speaker Speech
Guest Speaker Speech Guest Speaker Speech
Guest Speaker Speech
cristineyabes1
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiMildred Datu
 
Dugang
DugangDugang
Dugang
Loida Silao
 
Ang kwento ni mabuti.pdf
Ang kwento ni mabuti.pdfAng kwento ni mabuti.pdf
Ang kwento ni mabuti.pdf
PaulConceptTagal
 
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong AkoPaano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
raymondmadronial
 
Character-Sketch.docx
Character-Sketch.docxCharacter-Sketch.docx
Character-Sketch.docx
ARLENSIGRIDRABINO
 
Autobiography
AutobiographyAutobiography
Autobiography
lspu
 
Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
lspu
 

Similar to Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana (20)

Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Grade 08
Grade 08Grade 08
Grade 08
 
Grade 08
Grade 08Grade 08
Grade 08
 
Ugly duckling meets mr. perfect
Ugly duckling meets mr. perfectUgly duckling meets mr. perfect
Ugly duckling meets mr. perfect
 
Ang Aking Talambuhay
Ang Aking TalambuhayAng Aking Talambuhay
Ang Aking Talambuhay
 
Guest Speaker Speech
Guest Speaker Speech Guest Speaker Speech
Guest Speaker Speech
 
Autobio
AutobioAutobio
Autobio
 
Ang kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabutiAng kuwento ni mabuti
Ang kuwento ni mabuti
 
Kwento
KwentoKwento
Kwento
 
Dugang
DugangDugang
Dugang
 
Ang kwento ni mabuti.pdf
Ang kwento ni mabuti.pdfAng kwento ni mabuti.pdf
Ang kwento ni mabuti.pdf
 
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong AkoPaano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
Paano Ko Nga Ba Mailalarawan Ang Babaeng Pinakamamahal Ko Simula Pa Noong Ako
 
I am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdoI am inlove with a wierdo
I am inlove with a wierdo
 
Character-Sketch.docx
Character-Sketch.docxCharacter-Sketch.docx
Character-Sketch.docx
 
Red rose
Red roseRed rose
Red rose
 
Chopstick
ChopstickChopstick
Chopstick
 
Autobiography
AutobiographyAutobiography
Autobiography
 
Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 

Proyekto sa lit2 ni Olegario D. Toledana

  • 1. ANG AKING TALAMBUHAY Ako si Olegario Diaz Toledana, labing siyam na taong gulang, nag-aaral sa unibersidad sa Tinambac na “Partido State University” ang pangalan. Ako ay anak nina Ginoong Graciano Agustin Tolenada at Ginang Gloria Diaz Tolenada. Kung mapapansin ninyo na may pagkakaiba ang aking apilyedo sa mga magulang ko, dahil yan sa maling pagkaka patala ng nag pa anak sa nanay ko. Pinagawan sana nang aking tatay ng affidavit subalit di naman pala nakarating sa NSO kung kaya hanggang ngayun ay Toledana ang ginagamit ko. Ako nga pala ay isang binabaing lumaki sa Brgy. Magtang. Lumaking malusog, masipag at mapagmahal na anak. Mula ng ako ay tumungtong ng unang baitang hangang ikalimang baitang sa mababang paaralan,hindi ako naaalis sa listahan ng magagaling sa klase subalit ng ako ay tumungtung ng ika-anim na baitang ay hindi ako pinalad na makasali sapagkat mahuhusay rin ang aking mga nakatunggali pero kahit ganon masaya parin ako sapagkat nakapagtapus ako at nakuha ko naman ang aking Diploma. Nang ako ay tumungtong ng High School maraming nagbago sa buhay ko hindi na ako masyadong nag-aaral sa bahay namin , biglang gumuho ang mundo ko, maraming nagsabi na dahil lang ito sa mga problemang tinatamasa ng aming pamilya , marami ring nag sabi na dahil ito sa pang-iibang bayan ng dalawa kong kapatid na lalaki, lahat ng gawain ng mga ito sa bahay namin ay naipasa sa akin lalo pa noong manganak ang panganay naming kaptid at ang aming butihing Ina. Pero lahat nang ‘yun ay malayong-malayo sa dahilan ko, sapagkat ang dahilan ng kawalan kong Interes sa pag-aaral ay mula ng aking makilala si Jesus Emmanuel Amaro Jr. III. Si Amaro ay isang matipunong lalaki na nakilala ko sa unang baitang ko sa mataas na paaralan. Nang malaman ito ng karamihan, marami ang nagulat at nag sabing “bakit ka nag kaganyan?anu ang nangyari sayo?’’. Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako nagkaganito ,simula noon halos lahat ng tao sa paligid ko ay tinutukso ako pero para sa akin hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi ng ibang tao , masmasakit kasi sa akin kapag tinutukso ng mga kaklasi namin si Amaro na may sayad sa pag-iisip. Napansin ko rin naman iyon at ‘yon rin ang nagtulak sa akin upang muling bumangon, sa pagkat napansin kong hindi masyadong interisado si Amaro sa pag-aaral. Pero sabi ko kung mag-aaral ako at kapag naka pasa ako ibigsabihin hindi ko na makakasama pa ang iniirog ko kahit kailan, kaya naman ang lahat ng nalalaman ko sa paksa ay pinapaalam ko sa kanya, nang sa gan’on lagi kaming mag kasama, pasa ako pasa rin ang mahal ko. Ngunit ng ako ay mag iika-dalawang baitang na sa mataas na paaralan ay may hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa buhay ko. Nagkasakit ang aking lolo sa balat, o skin disease kung tawagin, kaya kinailangan itong idala sa Ospital. Mahal na mahal ko ang lolo ko,kaya hindi ako pumayag na hindi sumama, sapagkat mula pa nang ako’y bata pa lamang ay ito na ang lagi kong kasakasama sa pamamasyal. Nanatili kami sa BICOL MEDICAL CENTER o BMC sa NAGA ng mahigit dalawang buwan.
  • 2. Habang ako ay nasa ospital, iniisip ko lagi-lagi,araw-araw kahit sa oras ng pagtulog ko kung pumasok ba si Amaro, anu na kayang ginagawa niya?, na susondan kaya niya ang mga aralin?. At dahil d’yan hinangad ko noon na sana hindi siya pumasok ,sana bumagsak siya para umulit s’ya ng 2nd year. Lumabas kami noon sa buwan nang Agosto,ngunit hindi parin tumigil ang pahirap ng tadhana sa buhay ko, lumala uli ang sakit ng lolo ko at hindi tumagal namatay rin ito. Pagkatapos ng pagluksa si Amaro parin ang nasa isip ko. Dumating pa ang panahon na ako naman ang nagkasakit. Nagka dingue ako,blood infection, at olser sa bitoka. Akala ko noon wakas na ng buhay ko, hindi ko na makikita pa ang pinakamamahal ko. Lumipas ang mga buwan,dumating muli ang araw ng pasukan, hindi ko ito pinalagpas. Agad akong nagpalista. Sa pagpasok ko, aking nakasama ang tatlo kong dating kamag-aral. Ngunit kahit pa nakasama ko sila, hindi parin nabuo ang kasiyahan sa buhay ko, dahil sa paglipas ng isang buwan ay hindi ko nasilayan ang mukha ng aking sinisinta. Ngunit isang araw, araw ng eleksyon ng SSG member sa paaralang Gregorio Ocampo Bercasio Memorial High School, nakikinig kami ng meeting de avanse ng mga kandidato, nang bigla akong kabigin ng kamag-aral kong si Eden at pilit akong pinapatingin sa isang lalaking naka puti na kausap ng isa naming guro. Bigla akong natulala at halos lumundag sa tuwa ang puso ko nang masilayan ang lalaki at malamang ang pinapantasyahan ko ay muling nag balik. Biglang napuno uli ng kasiyahan ang buhay ko, lalo pa nang aking malamang kamag- aral ko ito. Mas lalo pa akong kinikig nang kausapin ako nito at sinabihan akong namis daw niya ako. Ngunit nang panahon na iyon ay nagsimula na namang kumontra sa akin ang tadhana. Natukso si Amaro sa dalagang nag ngangalang Rizza Danabar na kamag- aral pa namin at kaibigan ko rin. Nagsama ang dalawa ng limang buwan, inaamin ko na nasaktan ako pero ako ay nagparaya, dahil alam ko naman na hindi ako kailan man mamahalin ni Amaro. Hinayaan kong magsama ang dalawa, hindi nagtagal nag hiwalay rin sila. Lumipas ang mga araw, dumating ang araw ng pagtatapos. Umalis si Amaro, pumunta ng Cavite. Wala akong magawa sa bahay kung kaya ay nag hanap ako ng mapaglilibangang trabaho sa Sentro ng Tinambac at doon ko nakilala si Bb. Charie Din, isang binabae na may katungkulan sa Munisipyo. Kinuha niya ako bilang katulong niya sa Cultural office, nag enjoy ako doon pero kahit ganun ay hindi ko parin nakakalimutan si Amaro. Lagi ko itong tiniteks at tinatawagan. Habang nasa trabaho ako nakilala ko ang ilang kalalakihan. Muntik na akong tukso sa isa sa mga kalalakihan, ngunit nasa isip ko parin si Amaro. Isang gabi kinausap ako ni Bb. Din at sinabihan akong s’ya na ang mag papa-aral sa akin sa Don Servillano Platon National High School. Ngunit hindi ako pumayag dahil iniisip ko na kapag pumayag ako ay hindi ko na makikita pa si Amaro kahit kailan. Matapos ang limang buwan umuwi ako sa Brgy. Magtang dahil malapit na naman ang pasukan, eksayted na akong pumasok uli at muling makita ang aking Prince Charming.
  • 3. At hindi ako nagkamali sa aking desisyon, ngunit hindi sana kami magiging magkaklase ni Amaro dahil magkahiwalay kami ng klase, buti na lang lumipat ito kung saan ako naroon at sa panahong iyon ay nasa ikatlong baitang na kami sa mataas na paaralan. At masayang nagsasama at nag-aaral. Ang akala ko malaya ko nang makakasama ang mahal ko, pero hindi pala. Nakasama namin muli si Rizza, nalaman ko din na mahal parin ito ng mahal ko, at balak nitong magkabalikan sila ni Rizza. Masakit man sa loob ko, pero nag desisyon akong palayain na ang sarili ko mula sa kadilimang tinatamasa, sa mundo ng pag-ibig. Naisip kong magbago, pero kahit ganun hindi parin mawala saakin ang pagiging benabae, lalo na kapag nakikita ko si Amaro, sinabi ko pa noon na mula sa araw ng aking pagbabago ay ituturing ko na lamang matalik na kaibigan sina Amaro at Rizza. Nang ako ay nasa ikaapat na baitang na sa mataas na paraalan, naging maayos ang aking pag-aaral, kinalimotan ko ang pagpapantasya o pagmamahal kay Amaro. Lagi na ulit akong nakakasali sa listahan ng mahuhusay sa klase, nakaka sali narin ako sa mga activity sa paaralan, subalit di parin nawawala ang mga suliranin ko sa pag-ibig. Nakaklase ko ulit sina Amaro, at Rizza; ang tadhana nga naman. Pero sabi ko sawa na ako sa pagmumukha n’ya. At nakilala ko ang dalawang lalaking gwapo, matipuno, mapurma, maapel, kaso nga lang ay basaguliro. Kung kaya bumagsak parin ako kay Amaro. Makalipas ang ilang buwan ay dumating ang araw ng aming J/S prom sa mismong araw ng mga puso. Subalit nawasak nanaman ang puso ko ng makita ko ang dating hinahangaan kong lalaki ng ako ay nasa mababang paaralan pa lamang. Nag papansin ako sa kanya subalit denedma niya ako “how sad diba”. At mula sa gabing yun ay ipinangako ko sa sarili ko,sa mga kaibigan ko at sa lahat nang nasa paligid ko ng mga sandaling pauwi na ako sa bahay na isasara ko nang tuluyan ang aking damdamin at di na ako magmamahal muli. Kaya naman hanggang ngayon ay wala akung kasintahan at tatanda akong walang kasintahan dahil sawa na akung masaktan. Kung meroon man kayung narinig mula sa akin na ako’y may sinisinta yan ay kathang isip ko lang at kung meroon man yan ay laro- laro lamang.
  • 4. ANUNG SAKLAP NAMAN Tula Akda ni:Olegario D. Toledana Buhay estudyante ay sadyang mahirap, Lalo na sa mga mataas ang pangarap. Ayaw umupa’t malayo sa pamilya, Pipilit, nang makapasok ng maaga. Ang mga Ina na hiram na lang ng hiram, Nang maibigay ang edukasyong mainam. Sapagkat anak nila’y nais mapagtapos, Nang sa hirap ng buhay ay makaraos. Ang kanilang ama’y bogbog sa trabaho, At sa iba pang bayan ay nakidayo. Habang pamilya’y naghihintay ng sweldo, Na pang bayad sa utang at pang kunsumo. Anung saklap namang anak ay mawala, Sa dilim malalagutan ng hininga. Lahat ng hirap mauuwi sa wala, Dahil sa taong walang pagkaawa. Kasalukuyang kalagayan ng wikang Pilipino
  • 5. Ang wikang pilipino sa kasalukuyan ay sadyan nakakalungkot sapagkat marami nang binago at dinagdag na mga salita. Kung kaya’t malimit na ang mga pilipino ay di na nagkakaintindihan. Nagkalat sa buong Pilipinas ang iba’t ibang uri ng salita na pinagpipilitang idagdag sa wikang pilipino, halimbawa na lamang ay ang Gay Language at Mga Salitang Kalye. Mayroon ding mga hiram na salita na ibinabahagi sa ating wikang Pilipino. Ang alam ko ang wikang pilipino ay binuo upang maging iisang salita nating mga pilipino subalit dahil sa ating iba’t ibang dayalikto ay unti-unti nang nawawala ang tinatawag na wikang Pilipino. Kung kaya naman sa tuwing binabasa ko ang mga sinaunang mga akda ay kalimitang di ko ito maunawaan sapagkat maaring ang mga salita ay naglaho na o napalitan na nang ibang salita sa wikang Pilipino. Kapag ang sistemang ito nang ating wika ay magpapatuloy hangang sa maging kritikal maaaring ang wikang Pilipino ay maging bahagi na lamang nang mga kasaysayan nang Pilipinas sa darating na mga panahon. Sana’y wag nating hayaang mangyari ito, pagtulungan nating ibangon ang ating sariling wika, ang wikang Pilipino. MON LEON
  • 6. (maikling kuwento) Akda ni : Olegario Toledana Noong unang panahon sa isang liblib na pook ng Tinambac, mayroong isang lalaking nagngangalang Leonardo ang namamasyal sa kagubatan, at ang diwatang nagbabantay sa gubat na Alena ang pangalan ay umibig sakanya. subalit nabigo ito kay Leonardo sapagkat may ibang mahal ito, yun ay si Monalisa. Nagalit si Alena sapagkat hindi ito tumatanggap ng pagkabigo. Sa galit ay isinumpa nito si Monalisa isang gabing tirik na tirik ang bilog na buwan. Ikaw babae.. Maghihirap ka sa iyong panganganak,taong leon ang iyong iluluwal at ikaw ay mamamatay.. At tumawa ito ng pagkalakas lakas at saka naglaho sa karimlan ng gabi. Natakot ang mag-asawa sa sumpa ni alena kung kaya pinuntahan nila ang lahat ng albularyo sa Nayon subalit wala sa kanilang nakatulong. Umalis sila sa Nayon at nagpakalayo layo. Nanirahan sila sa nakababatang kapatid ni Leonardo na si Jana. Lumipas ang mga taon, masayang nag sama sina Monalisa at Leonardo, at naganap ang sinabi ng diwata at nabuntis nga si Monalisa. Ah!!! Leonardo, manganganak na yata ako... Ha...?, teka tatawag ako ng hilot, Jana bantayan mo ang ate Mona mo, tatawagin ko lang si Aleng Rosita Sige po kuya! Bilisan mo po... Dumating ang mga sandali dumating sina Leonardo at si Aleng Rosita at sinimulan ang pagpapa-anak kay Mona. Habang nagsasagawa ng Operasyon ang hilot ay lumabas muna si Leonardo, at doon niya muling nasilayan si Alena sa may di kalayuan nakatawa. Hindi niya ito pinansin hanggang sa narinig niya ang sigaw mula sa loob ng bahay ay dali-dali siyang pumasok upang alamin ang kalagayan ng kanyang asawa. Aleng Rosita ano pong nangyari?,bulalas niya Impakto,Impakto,Impakto ang anak n’yo Leonardo, Impakto!!! Nagsusumigaw na pahayag ng matanda Huh? Gulat na tanung ni Leonardo at napatingin sa bata, hindi ito bata kundi isang Leon Tatakbo na sana palabas ang hilot at si Jana nang bigla silang harangin ni Leonardo Teka! Pagpipigil niya. Aleng Rosita Pakiusap po wag n’yong ipagsabi ito. At wag po nin’yong iwan ang aking asawa sapagkat kailangan ka po niya. Pakiusap po Aleng Rosita, Pakiusap po... Pagmamakaawa niya.
  • 7. Papalitpalit ng tingin ang matanda sa bata at kay Leonardo... Sa makalipas na isang minuto ay nagdisisyon rin ang matanda. Segi papayag ako. Subalit ano ang plano mo sa anak n’yo? Dilikado kung bubuhayin mo yan. Ipinapangako ko po aleng Rosita na lalaki siyang normal na tao sapagkat papalakihin ko siya sa magagandang asal at mabuting kalooban. Ikaw ang bahala subalit ito lang ang sasabihin ko. Dilikado ang gagawin mo Leonardo. Salamat po!!! At tumungo sa tabi ng asawa’t anak. Lumipas ang mga panahon lumaki si Moleo na palihim ang tunay na pagkatao subalit sa pagtungtung niyang sampung taong gulang ay nagsimula na siyang magpapalit palit nang anyo, kung kaya alam na niya ang kanyang pagkatao. Isa na siyang binata noon at lagi niyang kasama ang kanyang tita Jana at ang kaibigan niyang si Loida. Madalas siyang pumunta sa bahay nina aleng Rosita kaya di malayong mahulog ang loob ni Junmar sa kanya. Si Junmar ay ang binabaing kapatid ni Loida na anak ni aleng Rosita. Mula nang magkaisip ay nagi nang matalik na magkaibigan sina Moleo at Loida, at nang sila ay high school na ay nakilala ni Loida si Christian isang Chickboy sa Maynila. Nabighani ito sa kagandahan ni Loida kung kaya di nito mapigil ang sarili na mainis kay Moleo sapagkat ito ang laging kasama ng dalagang iniibig niya. Para namang loka-loka itong si Junmar sa pagpapapansin kay Moleo, dead na dead talaga ito kay Moleo kaya naman madalas biroin ni Jana at Loida si Moleo. Uy! Moleo...tukso ni Jana Wag mong paiiyakin ang kapatid ko ha!.. Dugtong naman ni Loida at humalakhak ang dalawa. Hay naku! Tigilan n’yo nga ako,,, pag gaganti ni Moleo Hoy! Loida pagsabihan mo nga yong kapatid mo, nakakahiya kaya sa mga classmate natin! Padamdam na sugpong niya. Ayaw ko nga... Sumbat ni Loida at muling humalakhak. Isang dapit hapun maagang lumabas ang bilog na buwan, pauwi na sina moleo kasama ang tita Jana niya at si Loida. Habang naglalakag ay nakaramdam siyang kakaiba sa kanyang katawan, naramdaman niyang lumalaki ang katawan niya, pumupula ang buhok at humahaba ang mga kuko. Napatigil siya sa paglalakad. Moleo bakit? Nagtatakang tanong ni Jana Ahh! Wala po tita.. Tugon niya Naku! Kailangan ko na pong magmadali, segi po tita mauna na po ako..sabay takbo. Anung nangyari do’n? Gulat na tanong naman ni Loida. Ewan! Gulat ding tugon ni Jana
  • 8. Pag dating ni Moleo sa bahay nila napansin ni Leonardo ang pagmamadali ng anak. Oh! Anak maaga ka atang umuwi ngayon? Pananahilan ng ama. Ngunit hindi siya nito tinugon at tumuloy-tuloy sa kanyang silid. Napansin ni Leonardo ang kaunting pulang buhok ng anak sa may likuran. Malamang magpapalit anyo nanaman ang anak ko... Naibulong niya sa sarili, sabay sinundan ang anak ngunit nang makarating ito sa tapat ng silid ni Moleo ay narinig niya ang malakas na ungol ng Lion. Ninais niyang buksan ang pinto ngunit na isip niyang makakabuting hayaan na muna niya ito. Bumalik na siya sa kusina upang maghanda ng kanilang hapunan at pagtagal ay dumating na rin si Jana. Kung buhay lang sana si Mona di sana’y hindi ako ang nag luluto rito...Habang nag hahanda ay naisip ni Leonardo. Si Monalisa ay namatay isang araw mula ng mailuwal si Moleo. Ilang sandali pa ang lumipas ay bumaba na si Moleo mula sa kanyang silid. Oh! Kumusta na ang pakiramdam mo? Bulalas ni Leonardo sa anak Ok lang naman po itay... Tugon ni Moleo sa malumanay na boses Oh sya’t halika na. Sumabay ka na sa amin ng tita Jana mo. Ano pong ulam itay? Siyempre tulad kanina! Nanaman? Kapag ganyan uli ang ulam bukas di na ako kakain. Pasensya ka na anak kasi di pa ako nakaka punta ng palingke eh. Ayus lang po itay. Gusto mo tay kami na lang ni tita ang mamamalingke? Talaga? Oo naman po.. Wag na ako na lang. Hindi na sumabad si Moleo sapagkat alam n’ya ang ibig sabihin ng kanyang ama. Nang mga sumunod na araw naiba na rin sawakas ang ulam nila. Linggo noon ng pumonta si Moleo kina Loida upang yayaing mag simba. Tao po!!! Aling Rosita... Tawag niya Oh! Moleo andyan kana pala. Kanina ka pa hinihintay ni Loida. Paliwanag ng matanda. Mula sa taas ay narinig niya ang magkapatid na ani mo’y nag-aaway. Te! Sasama ako! Segi na te oh! Please. Ang pakikimaawa ni Junmar. Wag na, hindi naman pagsisimba ang hangad mo eh! Pagtututol ni Loida. Ah basta sasama ako! Nay kasi oh si ate ayaw akong isama. Pag mamaktol ni Junmar. Hay naku Anak! Isama mo na at di ka rin naman niyan titigilan. Ani ng Ina.
  • 9. Segi! Pero wag na wag kang makakamaling mag binowang ha! Okay. Sumbat ni Loida sa kapatid. Okay! Fine! Pag sang ayun ni Junmar. Pagkatapos ng misa. Papauwi na si Moleo, naramdaman niya nanaman ang pagbabago ng kanyang katawan. Naramdaman n’ya ring may nakasunod sa kanya. Mabilis siyang tumago sa ilalim ng kagubatan at hindi na niya napigilan ang pagbabagong anyo, at ito ay nasaksihan ni Christian sapagkat ito pala ang sumusunod sa kanya upang kausapin s’ya tungkol kay Loida. Si Moleo isang taong lion? Gulat na tanung sa kanyang sarili. Di nagtagal ngumiti ito na parang dimonyo, nanlalaki ang mata, abot tinga ang ngiti. Ngayon alam ko na ang sekreto mo Moleo!!! Humanda ka ! Sabay takbo papalayo. Habang papauwi si Christian iniisip niya ang nalaman niya kay moleo. Kaya pala kapag bilog ang buwan at niyayaya namin ay hindi siya sumasama dahil may sa impakto pala ang mukong na ‘yon. Alam na kaya ni Loida na nag aanyong Lion si Moleo? Sa tingin ko hindi pa. Dahil kung oo bakit pa siya makikipakaibigan sa impaktong ‘yon. Kinaumagahan tinawagan ni Christian ang kayang pinsan sa karatig nayon. Nabalitaan kasi niya na magbubukas ito ng Perya doon at naisip niyang nababagay doon si Moleo. Hindi siya pumasok sa paaralan sapagkat nakipag-usap siya sa kanyang pinsan. At nang magkasundo na ang magpinsan ay tinipon ni Christian ang kayang mga katropa at kinausap. Mga tol humanda kayo mamayang gabi.. Bakit chris may reresbakan ba? May huhulihin tayong malaking hayop Hah? Di man nila naintindihan ang pahayag ni Christian ay sumang-ayun ang mga ito. At kina gabihan habang nakatirik ang bilog na buwan at papauwi si Moleo galing sa bayan ay napansin niyang may nakasunod sa kanya. Bigla siyang kinabahan kung kaya naman ay nagmadali siya sa pag lalakad subalit sa unahan ay hinarang na siya ng isang naka maskarang lalaki at itinakip sa kanya ang panyong may pangpatulog. Nagising si Moleo na nakatakip ang mga mata, nakatali ang kamay at paa. Panay
  • 10. ang sigaw niya at paghingi ng tulong subalit wala ni isa man ang duminig sa kanya. Samantala ang ama niya na si Leonardo at ang kapatid nito na si Jana ay nagpatulong na sa paghahanap sa kanya at sa pag aalala ay di naiwasang sisihin ng makapatid ang kanilang sarili sa pagkawala ni Moleo. Sa pagsapit ng tanghali ay narinig ni Moleo ang pag-uusap ng dalawang lalaki sa labas. Anu insan nahuli n’yo ba? Oo naman insan ako pa. Oh paano yan yung usapan natin! Oo naman wag kang mag alala hito at dala ko.! Ayus.. Pakatapos ng pag uusap ay tumungo ang dalawa sa silid kung asaan si Moleo. Sino kayo? Anung kailangan n’yo sa akin? Pagtatanong niya. Wag ka nang dumaldal at di mo na kailangan pangako ay makilala. Sagot ni Christian at muling pinatulog si Moleo at ibinigay sa kanyang pinsan na si Carlo upang idala sa Perya. Dalawang araw nang naghahanap sina Leonardo kay Moleo subalit hindi nila ito na tagpuan hanggang sa may marinig silang usap-usapan ng ilang ale sa bayan. Naka punta kana ba mare sa Perya sa karatig nayon natin? Dipa nga eh... Punta tayo mamaya may taong lion daw doon eh.. Totooba yon mare.? Baka costume lang naman! Ewan pero paano natin malalaman kung di natin makikita diba! Oo nga nu! Segi punta tayo mamaya. O segi! Nang marinig ito ng magkapatid ay inisip nilang si Moleo ang sinasabing taong lion at agad nilang inalam kung saan matatagpuan ang Perya sa karatig nayon. Samantala sa mga oras na iyon ay naisipang dalawin ni Christian si Moleo sa Perya at bigla siyang dinatnan nang awa at kunsensya nang makita ang kalagayan ni moleo. Walang saplot sa katawan, nak akulong sa malaking silda naka kadena ang mga kamay at paa. At ang masaklap pa ay may lata ng latigo at may pasa sa mukha si Moleo. Nang mataohan si Christian ay tumungo sa pinsa at kinausap ito. Insan anung ginawa ninyo kay moleo? Eh nagmamatigas eh! Pero wala ito sa napag- usapan natin. Eh anu ngang magagawa ko insan eh nag mamatigas nga ayaw magtrabaho. At saka Perya ito nag babayad ako ng malaki kaya kailangan ko ring kumita nang malaki. At isa
  • 11. pa baka nakakalimutan mo ibinenta mo na siya sa akin at binayaran kita sa gusto mung halaga 20,000 yun insan. Kung ganun babawiin ko na s’ya. Anu ako loko-loko? Diko na s’ya ibibigay sayo. Hahaha! Di nga na bawe ni Christian si Moleo sa kamay ng kanyang pinsan at dahil doon ay mastumindi pa ang kanyang kunsensya. Kinagabihan bilog na bilog ang buwan. Inihahanda na ang palabas sa Perya. Habang abala ang lahat ay pinuntahan ni Christian si Moleo at tinangkang itakas ito. Moleo gising. Nang marinig ito ni Moleo ay dali dali itong bumangon at nagulat nang makita si Christian. A anung ginagawa mo dito? Baka mahuli ka nila! Moleo patawarin mo ako. Hah? Bakit? Ako ang dahilan kung bakit ka andito. Ipinagbili kita sa pinsan ko ng malaman kong isa kang taong lion at para mawala ka sa tabi ni Loida kaya ko nagawa ito. Anu? Ikaw? Pero paano? Patawad Moleo! Patawad! Pero wag kang mag alala andito ako para iligtas ka. Ako ililigtas mo? Paano? Heto ang susi. Halika at kakalasan kita. Habang kinakalasan ni Christian si Moleo napansin ni Carlo na nawawala ang susi kung kaya dalidali siyang pumonta sa likod ng tanghalan upang tingnan si Moleo ngunit naka alis na ito. Subalit sinundan niya parin ito sa labas. Nang mga oras ding yun ay nanghihina na si Moleo dulot ng mga pasa at latay ng latigo sa kanyang katawan. At habang sila’y nasa daan ay narinig nila ang sigaw ni Carlo. Christian... Ibalik mo saakin ang kinuhamo.. Bilis na Moleo at baka ma abotan tayo ni Carlo. Iwan mo na ako Chris nang hihina na ako. Di ko na kayang tumakbo.. Anu ka ba Moleo di kita iiwan dito. Halika na Hindi nag laon ay tumumba si Moleo at naging lion. At inabot nga sila ni Carlo. Sina sabi ko na nga ba’t ikaw ang kumuha sa taong lion ko. Di mo siya pag aari. Anu? Hindi? Mataohan ka nga Chris. Ibininta mo sya sa akin at binayaran kita kaya pag-aari ko na s’ya. Dika tumupad sa usapan.. Binayaran na nga kita diba! Kaya bahala na ako kung ano ang gagawin sa kanya. At tsaka kasalanan ko ba kung matigas ang ulo ng lion na yan? Hindi ko siya ibibigay sayo. Ah ganun segi pero lasapin mo to..
  • 12. At bumunot ng baril si Carlo at ipinutok kay Christian subalit hinarang ni Moleo ang bala kung kaya ito ang tinamaan sa dibdib. Puputokan pa sana ni Carlo si Christian subalit dumating ang mga pulis kasama sina Leonardo, Jana, Loida, Aleng Rosita, at si Junmar. Ayus kalang ba Chris? Bakit mo tinatanung kung ayus lang ako? Ikaw ang dapat tanungin ko n’yan. Alagaan mo si Loida ha! Anu bang pinagsasabi mo? Di ka Mamamatay dadalhin ka namin sa ospital. Wag na. Sabay nalagutan ng hininga si Moleo. Tulong... Sigaw ni Christian At nakalapit na rin ang hindi makapaniwalang ama na si Leonardo. Niyakap ng mahigpit ang anak at sunod sunod na nagtanung. Bakit kailangang umabot sa ganito? Binawe mo na ang asawa ko bakit pati anak ko? Bakit di nalang ako ang kunin mo? Bakit? Isang sandali pa ay lumiwanag ang buong lugar at kanilang nasilayan ang napakagandang dilag na nakalutang sa hangin at yun ay ang diwatang si Alena. Bina bawe ko na ang sumpa sa iyong anak Leonardo sapagkat napatawad na kita. Aking napagtanto na mali ang aking ginawa. Sapagkat nalaman kung ang nagmamahal ay handang magparaya at magbuwis ng sariling buhay para sa iba.Sana ay patuloy kayung magmahalang mga tao, alisin ang ingit sa inyong mga puso at patuloy na magpakumbaba upang patuloy rin kayong mabuhay nang mapayapa. At pagkaraan ay naglaho na ang diwata. Nagliwanag ang buong katawan ni Moleo, nawala ang mga sugat,pasa at latay sa katawan niya at muli siyang nabuhay ng gabing iyon. Natuwa ang lahat at na hawi ang mga luha sa mga mata ng bawat isa ng kanilang muling masilayan na si Moleo ay muling nabuhay. Kina umagahan ay naging maayus na ang lahat. Naging normal na tao si Moleo, naging magkasintahan sina Loida at Christian, nakulong si Carlo, at naging matalik na magkaibigan sina Moleo at Christian. Subalit mayroong di nagbago at yon ay ang pagpapantasya ni Junmar kay Moleo. Nasaan ka man
  • 13. By: Olegario Toledana Sound from: On the wings of love Kapag nakita ka mundo ko’y sumasaya sa bawat araw ng buhay laging hanap ka Di mapalagay kapag dika nakikita Nais ko lang sa tuwina ay kapiling ka Nasaan ka man dika papalitan Nag-iisa ka lang nasaan ka man Nasaan kaman tanging ikaw lamang At wala na ngang iba kahit na ikaw ay nasaan man Tumingin ka lang at ako’y matutunaw Sa bawat sulyap mo ako’y nasisilaw Kahit sabihin mang ako’y nababaliw Ayus lang sapagkat kapiling ay ikaw Nasaan ka man dika papalitan Nag-iisa ka lang nasaan ka man Nasaan kaman tanging ikaw lamang At wala na ngang iba kahit na ikaw ay nasaan man At kung ika’y akin, ako’y sayo lang din Kahit na mailayo ka pa sa akin Nag-iisa ka lang, di ka papalitan Kahit na kaylan ma’y nag-iisa ka lang Nasaan ka man dika papalitan Nag-iisa ka lang nasaan ka man Nasaan kaman tanging ikaw lamang At wala na ngang
  • 14. iba(At wala na ngang iba) Nasaan ka man dika papalitan Nag-iisa ka lang nasaan ka man Nasaan kaman tanging ikaw lamang At wala na ngang iba kahit na ikaw ay nasaan man Tinambac By olegario toledana Tinambaqueno kay saya sa san pascual Kung dito ka makakasal Silibrasyon ng himoragat Tuloy tuloy lang sa pag angat Ibaling sa daming tanawin Di dapat natin palampasin Dapat pa nating tangkilikin Ito ay sariling atin Tinambac kay gandang masdan Tinambac ikay masisiyahan Ating tuklasin ang kabayanan Dito tayo‘y mas sisiyahan Tinambac kay gandang puntahan Tinambac ikay masisiyahan Ating tuklasin ang kabayanan Dito tayo‘y mas sisiyahan Silipin ang isla Caaluan At baybayin ng Libanon Mga luntiang halaman Ito’y handog ng kalikasan Hali na’t pumunta ng salog Masdan ang ganda ng cagliliog Mga pagkaing nakakabosog At fiestang nakakaindayog Tinambac kay gandang masdan
  • 15. Tinambac ikay masisiyahan Ating tulasin ang kabayanan Dito tayo‘y mas sisiyahan Tinambac kay gandang puntahan Tinambac ikay masisiyahan Ating tulasin ang kabayanan Dito tayo‘y mas sisiyahan TINAMBAC AWIT ng GROUP1 Sound from: Camsur by Karylle Intro: Tinambaqueño... Luntiang bayan ng tinambac Sa kasaysaya’y namumulaklak Sa berding ilog ng himoragat Siguradong ikay mabibihag Maraming pook sa Tinambac Maaari nating puntahan Sa tanawin ay mayaman Pagkat ito ang tanging yaman Chorus: Tinambac kay gandang masdan Tinambac ikay masisiyahan Ating tuklasin ang kayamanan Dito tayo‘y masisiyahan Tinambac kay gandang puntahan Tinambac ikay masisiyahan Ating tuklasin ang kayamanan Dito tayo‘y masisiyahan Ref: Tinambac paligid ay tubig Sa Dagat, sa sapa at sa ilog Mga pagkain ay nakakabusog At fiesta’y nakakaindayog Pook madalas na dayuhin Sa awit ay bibigkasin Caliliog, Tierra, at Tamban Magtang, Antipolo’t Caaluan Rap: Sa Tamban piyer ay matatagpuan Sa Tierra ang fiesta ng tinagba Ang Cagliliog may malinis na dagat At Caaluan ang Isla’y luntian Tinambac lugar ng likas na yaman Ang tanawin ay tyak kawiwilihan Chorus: Tinambac kay gandang masdan Tinambac ikay masisiyahan Ating tulasin ang kayamanan Dito tayo‘y masisiyahan Tinambac kay gandang puntahan Tinambac ikay masisiyahan Ating tuklasin ang kayamanan Dito tayo‘y masisiyahan
  • 16. Republic of the Philippines PARTIDO STATE UNIVERSITY Tinambac Campus Binalay,Tinambac,Camarines Sur Ipinasa ni:
  • 17. Olegario D. Toledana BSOA2 Ipinasa kay: Bb. Hennecy B. Cabrejas Bayan kung Tinambac By: Olegario Toledana Sa paglipas ng taon Darating ang pag boto Tayo ay nalilito Sa mga kandidato Laganap ang krimen Sa ating inang bayan Dahil sa pulitika Tayo ay nag aaway Bayan kung tinambac Ikaw ngayo’y nasasadlak Sa hirap anung saklap Mga pinuno’y sadyang kurap Patawarin mo sila Sa kanilang ginagawa Sapagkat sila’y sabik sa pera Tulongan n’yo ako Ituwid ang daan Sapagkat nais kong Bayan natin umunlad Alisin ang kaba Iwasan ang pulitika
  • 18. Pumili ka ng tama Upang di ka magdusa Bayan kung tinambac Ikaw ngayo’y nasasadlak Sa hirap anung saklap Mga pinuno’y sadyang kurap Patawarin mo sila Sa kanilang ginagawa Sapagkat sila’y sabik sa pera Awit ng panitikan By:Olegario Toledana Intro: Panitikan ay lupa gamitin natin Sa pagtuklas ng mga akdang babasahin Ito’y hanapin lang at saka basahin At maaantig ang ating mga damdamin Chorus: Panitika’y bituin nagbibigay ningning Sa mga kasagutang ating hinihiling Ito’y handang tumulong sumagot sa atin Wikang Filipino dito ay ating gamitin Ref: Literatura’y sagot ating kaylangan
  • 19. Sa mga tanong na tungkol sa ating bayan Ito ay sandigan nitong kasarinlan Sa bundok o burol, maging kapatagan Rap: Panitikan ay hangin siyang bumubuhay Sa mga nahihimlay na kultura’t patay Ito’y nagbibigay ng sayang dalisay Sa mga tradisyon at pagtatagumpay Oh yeah Chorus: Panitika’y bituin nagbibigay ningning Sa mga kasagutang ating hinihiling Ito’y handang tumulong sumagot sa atin Wikang Filipino dito ay ating gamitin Coda: May alab ng apoy at lakas ng bato At kinang ng bituin na wari ay ginto Damdamin ng Pinoy matatag na hukbo Na lakas ng ating pagka pilipino. Chorus: Panitika’y bituin nagbibigay ningning Sa mga kasagutang ating hinihiling Ito’y handang tumulong sumagot sa atin Wikang Filipino dito ay ating gamitin Panitika’y bituin nagbibigay ningning Sa mga kasagutang ating hinihiling Ito’y handang tumulong sumagot sa atin Wikang Filipino dito ay ating gamitin
  • 20. Ang awit ng wika Intro: Ang wika ay tubig na nakakaputi Ng pusong may sala at bahid ng dumi Manalangin lamang at saka magsisi At patatawarin ng Poong mabuti Chorus: Ang wika ay apoy nagbibigay init Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit Ang inang kumalung at siyang umawit Wikang Filipino ang siyang ginamit Ref: Ang wika ay buto na siyang tuntungan Nitong mga paa ng mahal na bayan Wika ay sandigan nitong kasarinlan Sa bundok o burol, maging kapatagan Rap: Ang wika ay hangin siyang bumubuhay Sa patid na hinga ng kulturang patay Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay Sa mga tradisyon at pagtatagumpay Oh yeah Chorus: Ang wika ay apoy nagbibigay init Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit Ang inang kumalung at siyang umawit Wikang Filipino ang siyang ginamit
  • 21. Coda: May alab ng apoy at lakas ng bato At kinang ng tubig na wari ay ginto Wikang Filipino’y matatag na hukbo Na lakas ng iyong pagka Pilipino Chorus: Ang wika ay apoy nagbibigay init Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit Ang inang kumalung at siyang umawit Wikang Filipino ang siyang ginamit Ang wika ay apoy nagbibigay init Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit Ang inang kumalung at siyang umawit Wikang Filipino ang siyang ginamit PANITIKAN ANG RIGHT Awit ng group1-BSOA2 Kasaysayan ang simula At lahat nilathala Nang ika’y mabasa Isipan ko ay gumanda
  • 22. Puso kong may kulang Bigla na lang sumaya Panitikan ikaw ang simula Hindi ko mapigilan ang aking nadarama Kapag ako’y nagbabasa Ang mundo ko’y gumaganda Sabi pa nila panitikan at nobela Alamat, dalit, dula, anikdota Chorus: Panitikan na ba ang right? Para tayo’y maging bright Makakatulong ba ito sa pag- aaral ko? Nag tuturo sya ng right Para tayo’y maging bright Balagtasan, tula, bugtong, duplo, at epiko Panitikan na ba? Panitikan na ba? Panitikan na ba? Kahit na malabo di alam saan tutungo Pero di pagkakait nalaman ko ang totoo Tungkol sa oda, soneto, at tulang liriko Sana nga matulungan mo ako Chorus: Panitikan na ba ang right? Para tayo’y maging bright Makakatulong ba ito sa pag- aaral ko? Nag tuturo sya ng right Para tayo’y maging bright Balagtasan, tula, bugtong, duplo, at epiko Panitikan na ba? Panitikan na ba? Panitikan na ba? Kasaysayan parte ng buhay ko Panitikan di mawawala sa puso ko Chorus: Panitikan na ba ang right? Para tayo’y maging bright Makakatulong ba ito sa pag- aaral ko? Nag tuturo sya ng right Para tayo’y maging bright Balagtasan, tula, bugtong, duplo, at epiko
  • 23. Panitikan na ba? Panitikan na ba? Panitikan na ba?