SlideShare a Scribd company logo
Kabanata 12: 
“Si Placido 
Penitente
..Tauhan..: 
Placido Penitente – pinakamatalino sa kanilang bayan, tinanghal na 
pilibustero ng kura ngunit gustong tumigil sa pag-aaral 
Juanito Pelaez – mapapel na estudyante at kinagigiliwan ng mga propesor 
Isagani – napatigil sa pagsasalita nang makita si Paulita 
Paulita Gomez – bumaba sa karwahe na kasama si Donya Victorina 
Tadeo – pumasok lamang sa paaralan upang magtanong kung may-aral at 
saka magdadahilan na siya’y maysakit, ngunit nakakapasa parin sa mga 
pagsusulit at kinatutuwaan ng mga propesor
Buod 
Masama ang loob ni Placido Penitente habang patungo sa 
Unibersidad ng Santo Tomas sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral kahit 
wala pang isang linggo nang siya’y lumuwas mula sa kanilang bayan. Dalawang 
beses na siyang sumulat sa ina na kung pwede ay magtatrabaho nalang siya sa 
halip na mag-aral . Pinakiusapan na lamang siya ng kanyang ina na magtiis-tiis 
nang kaunti dahil sayang ang apat na taon nilang paghihirap upang 
makapagtapos lamang siya ng Batsilyer sa Artes. 
Siya ang bantog na pinakamatalino sa paaralan ni Padre Valerio sa Tanawan, 
pinakamagaling sa Latin, mahusay makipagtalo at mahusay umiwas sa magusot na 
suliranin. Tinanghal rin siya nang kanilang kura bilang pilibustero dahil sa kanyang 
katanyagan kaya naging palaisipan sa kanyang mga kaibigan kung bakit gusto niyang 
tumigil sa pag-aaral. Maliban sa siya’y masalapi, wala naman siyang bisyo at di 
mapagpaniwala sa mga kura.
Sa tulay ng Espanya ay makikita ang mga binatang patungo sa 
loob ng Maynila upang pumasok sa kani-kanilang paaralan: 
Taga-Ateneo – nakadamit Europeo, matuling lumakad, kilik ang mga aklat at iniisip 
ang kanilang mga leksyon 
Taga-San Juan de Letran – nakadamit Pilipino at kaunti ang dalang aklat ngunit 
marami ang kanilang bilang 
Taga-Pamantasan – maayos manamit at baston ang dala-dala sa halip na libro 
Mga Kababaihang Estudyante – bitbit ang mga aklat kasunod ang kanilang mga alila 
patungo sa“Escuela Municipal”
Nang papasok na si Placido sa pintuan ng Sto. Domingo tinapik siya ni 
Juanito Pelaez. Si Pelaez ay mapapel at kinagigiliwan ng mga guro. Siya’y may 
kayabangan, kakulitan, mapagbirong tingin at mapanuksong ngiti. Siya’y 
anak ng mayamang mangangalakal na mistisong Kastila sa Maynila.
Kinamusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay 
ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani. Nakilala niya doon si Padre 
Camorra at sinabing siya’y masaya at matapat tulad ni Padre Paco. 
Nangharana sila ng mga babae at halos lahat raw ng bahay ay kanilang 
napanhik dahil sa maraming magagandang dalaga. May ibinulong si 
Juanito na ikinagulat ni Placido at idinagdag pa niya: 
“…maisusumpa ko sa iyo… na wala siyang magagawa, dahil sa isang utos lamang 
ng pamahalaan ay maaaring mawala ang ama, asawa o kapatid… at yari ang usapan. At 
may nakilala kaming isang mangmang, na tila katipan ni Basilio. Napakaulol ng taong iyan. 
Pumili ba naman ng katipang hindi marunong ng wikang Kastila, walang yaman at alila pa. 
Napakasuplada nga ngunit maganda. Isang gabi’y binaston ni Padre Camorra ang 
nangharana sa kanya, sayang at hindi sila napatay. Ang babae ay may kasupladahan pa rin, 
ngunit may araw din siya.”
Nagtanong ng leksyon si Juanito kay Placido sapagkat noon 
lamang siya nakapasok. Noong nakaraang araw wala silang 
pasok. Noong Miyerkules ay umambon, noongMartes naman ay 
kaarawan ng kanilang propesor. Dinalhan nina Placido ang 
kanilang gurong may kaarawan ng orkestra at binigyan ng regalo. 
Noong Lunes, ang leksyon nila ay tungkol sa mga salamin. 
Niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa. Tumutol si 
Placido sapagkat alam niya na magpapatuloy parin ang kanilang 
leksyon kapag dalawa lang ang kulang sa kanilang klase (ang 
kanilang silid ay mayroong 150 mag-aaral) at naalala din niya ang 
paghihirap ng kanyang ina upang siya’y mapag-aral sa Maynila. 
Papasok na sana sila sa liwasan ng Sto. Domingo nang may 
naalala si Juanito. Nanghingi siya kay Placido ng abuloy para sa 
bantayog ng isang Paring Dominiko na si Pari Baltazar. Nagbigay si 
Placido ng apat na piso bilang ambag.
Nakarating na sila sa Unibersidad at nakita nila si 
Isagani kasama ang ibang mag-aaral. Bigla na lamang 
napansin ang kakaibang kilusan sa mga pulutong. 
Natigilan sa pagsasalita si Isagani at namutla nang 
makita ang bagong dating na karuwahe. 
Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang 
katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya 
Victorina ay binati ng buong giliw si Juanito Pelaez. Si 
Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang 
alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at 
magdadahilang maysakit ngunit sa anong himala ay 
nakakapasa parin siya sa mga pagsusulit at 
kinatutuwaan pa ng mga propesor.
Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. 
Pinalagda si Placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig at sinasabing nilagdaan na 
ito ng 2 carabineros celestiales , isang samahan ng mga banal na tumutulong sa Diyos upang 
sugpuin ang kasamaan. Hindi lumagda si Placido. Nalaala niya ang isang cabezang nabilanggo nang 
lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si 
Placido. 
Nang makarating na siya sa kanilang klase nagdadalawang isip siya kung siya ba ay 
papasok dahil may lagda na ang kanyang pangalan. Paalis na sana siya nang naalala niya na malapit 
na ang kanilang pagsusulit at inakala niya na ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y 
mapuna at makilala ng kanyang guro at magiging daan para siya’y makapasa. 
Pumasok si Placido ngunit pakaladkad niyang hinila ang kanyang sapatos tulad nang sa 
bakya . At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta, 
“walang galang, lagot ka sa akin.”
Pagtalakay sa Nilalaman... 
1. Anu-ano ang mga katangian ni Placido? Bakit ibig na niyang itigil ang pag-aaral? 
2. Maganda ba ang payo ng ina kay Placido? Bakit? 
3. Anu-ano ang ibig palitawin ng may-akda sa pagkakalarawan ng mga estudyanteng 
naglalakad? 
4. Anong uri ng estudiyante si Juanito? Bakit? Anu-ano ang simulain niya sa pag-aaral? 
5. Anong uri ng propesor ang ibig ipakilala ni Rizal sa kabanatang ito? Patunayan ang 
kasagutan. 
6. Sino si Tadeo? Mayroon ba tayong mga Tadeo sa paaralan ngayon bakit? 
7. Bakit ayaw lumagda ni Placido sa kasulatan? Anu-ano ang dahilan? 
8. Bakit pumasok pa rin si Placido gayong alam niyang nalagyan na ng tanda ang 
pangalan niya? 
9. Papaano pinuna ng may-akda ang pag-aaral ng mga kabataan noon? Ano ang 
ikinaiiba nito sa mga pag-aaral ngayon? 
10.Dumating na ba sa inyo ang mawalan ng gana sa pag-aaral? Ibigay ang mga dahilan.
El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

More Related Content

What's hot

El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
Sophia Marie Verdeflor
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesEL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
Ryan Emman Marzan
 
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanEl Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
Pinoy Collection
 
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Claire Serac
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
menchu lacsamana
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
Diane Abellana
 
El Filibusterismo Kabanata VIII
El Filibusterismo Kabanata VIIIEl Filibusterismo Kabanata VIII
El Filibusterismo Kabanata VIIIMinnie Rose Davis
 
Filipino el filibusterismo quiz
Filipino  el filibusterismo quizFilipino  el filibusterismo quiz
Filipino el filibusterismo quiz
Eemlliuq Agalalan
 
Kabanata 31 ng el filibusterismo
Kabanata 31 ng el filibusterismoKabanata 31 ng el filibusterismo
Kabanata 31 ng el filibusterismo
IanPaul2097
 
Kasaysayan ng El Filibusterismo
Kasaysayan ng El FilibusterismoKasaysayan ng El Filibusterismo
Kasaysayan ng El Filibusterismo
SCPS
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Juan Miguel Palero
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Eemlliuq Agalalan
 
Buod ng buhay ni Basilio
Buod ng buhay ni BasilioBuod ng buhay ni Basilio
Buod ng buhay ni Basilio
JhoanaMarieStaAna
 
Kabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El FilibusterismoKabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
SCPS
 
Kabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong PastaKabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong Pasta
Lorraine Dinopol
 
Kabanata 22
Kabanata 22Kabanata 22
Kabanata 22
Dianne Almazan
 
Filipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Filipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El FilibusterismoFilipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Filipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Miko Palero
 

What's hot (20)

El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang TalesEL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 4: Si Kabesang Tales
 
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanEl Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
 
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
Kabanata 26: Ang Paskin (El filibusterismo)
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
 
El Filibusterismo Kabanata VIII
El Filibusterismo Kabanata VIIIEl Filibusterismo Kabanata VIII
El Filibusterismo Kabanata VIII
 
Filipino el filibusterismo quiz
Filipino  el filibusterismo quizFilipino  el filibusterismo quiz
Filipino el filibusterismo quiz
 
Kabanata 31 ng el filibusterismo
Kabanata 31 ng el filibusterismoKabanata 31 ng el filibusterismo
Kabanata 31 ng el filibusterismo
 
Kasaysayan ng El Filibusterismo
Kasaysayan ng El FilibusterismoKasaysayan ng El Filibusterismo
Kasaysayan ng El Filibusterismo
 
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na PahayagFilipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
Filipino 10 - Tuwiran at Di-Tuwiran na Pahayag
 
El fili (buod)
El fili (buod)El fili (buod)
El fili (buod)
 
Kabanata 12-13
Kabanata 12-13Kabanata 12-13
Kabanata 12-13
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 
Buod ng buhay ni Basilio
Buod ng buhay ni BasilioBuod ng buhay ni Basilio
Buod ng buhay ni Basilio
 
Kabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El FilibusterismoKabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
 
Kabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong PastaKabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong Pasta
 
Kabanata 22
Kabanata 22Kabanata 22
Kabanata 22
 
Filipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Filipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El FilibusterismoFilipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Filipino 10 (El Filibusterismo) - Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
 
Buhay ni rizal
Buhay ni rizalBuhay ni rizal
Buhay ni rizal
 

El Filibusterismo Kabanata 12: Si Placido Penitente

  • 1. Kabanata 12: “Si Placido Penitente
  • 2. ..Tauhan..: Placido Penitente – pinakamatalino sa kanilang bayan, tinanghal na pilibustero ng kura ngunit gustong tumigil sa pag-aaral Juanito Pelaez – mapapel na estudyante at kinagigiliwan ng mga propesor Isagani – napatigil sa pagsasalita nang makita si Paulita Paulita Gomez – bumaba sa karwahe na kasama si Donya Victorina Tadeo – pumasok lamang sa paaralan upang magtanong kung may-aral at saka magdadahilan na siya’y maysakit, ngunit nakakapasa parin sa mga pagsusulit at kinatutuwaan ng mga propesor
  • 3. Buod Masama ang loob ni Placido Penitente habang patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral kahit wala pang isang linggo nang siya’y lumuwas mula sa kanilang bayan. Dalawang beses na siyang sumulat sa ina na kung pwede ay magtatrabaho nalang siya sa halip na mag-aral . Pinakiusapan na lamang siya ng kanyang ina na magtiis-tiis nang kaunti dahil sayang ang apat na taon nilang paghihirap upang makapagtapos lamang siya ng Batsilyer sa Artes. Siya ang bantog na pinakamatalino sa paaralan ni Padre Valerio sa Tanawan, pinakamagaling sa Latin, mahusay makipagtalo at mahusay umiwas sa magusot na suliranin. Tinanghal rin siya nang kanilang kura bilang pilibustero dahil sa kanyang katanyagan kaya naging palaisipan sa kanyang mga kaibigan kung bakit gusto niyang tumigil sa pag-aaral. Maliban sa siya’y masalapi, wala naman siyang bisyo at di mapagpaniwala sa mga kura.
  • 4. Sa tulay ng Espanya ay makikita ang mga binatang patungo sa loob ng Maynila upang pumasok sa kani-kanilang paaralan: Taga-Ateneo – nakadamit Europeo, matuling lumakad, kilik ang mga aklat at iniisip ang kanilang mga leksyon Taga-San Juan de Letran – nakadamit Pilipino at kaunti ang dalang aklat ngunit marami ang kanilang bilang Taga-Pamantasan – maayos manamit at baston ang dala-dala sa halip na libro Mga Kababaihang Estudyante – bitbit ang mga aklat kasunod ang kanilang mga alila patungo sa“Escuela Municipal”
  • 5. Nang papasok na si Placido sa pintuan ng Sto. Domingo tinapik siya ni Juanito Pelaez. Si Pelaez ay mapapel at kinagigiliwan ng mga guro. Siya’y may kayabangan, kakulitan, mapagbirong tingin at mapanuksong ngiti. Siya’y anak ng mayamang mangangalakal na mistisong Kastila sa Maynila.
  • 6. Kinamusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani. Nakilala niya doon si Padre Camorra at sinabing siya’y masaya at matapat tulad ni Padre Paco. Nangharana sila ng mga babae at halos lahat raw ng bahay ay kanilang napanhik dahil sa maraming magagandang dalaga. May ibinulong si Juanito na ikinagulat ni Placido at idinagdag pa niya: “…maisusumpa ko sa iyo… na wala siyang magagawa, dahil sa isang utos lamang ng pamahalaan ay maaaring mawala ang ama, asawa o kapatid… at yari ang usapan. At may nakilala kaming isang mangmang, na tila katipan ni Basilio. Napakaulol ng taong iyan. Pumili ba naman ng katipang hindi marunong ng wikang Kastila, walang yaman at alila pa. Napakasuplada nga ngunit maganda. Isang gabi’y binaston ni Padre Camorra ang nangharana sa kanya, sayang at hindi sila napatay. Ang babae ay may kasupladahan pa rin, ngunit may araw din siya.”
  • 7. Nagtanong ng leksyon si Juanito kay Placido sapagkat noon lamang siya nakapasok. Noong nakaraang araw wala silang pasok. Noong Miyerkules ay umambon, noongMartes naman ay kaarawan ng kanilang propesor. Dinalhan nina Placido ang kanilang gurong may kaarawan ng orkestra at binigyan ng regalo. Noong Lunes, ang leksyon nila ay tungkol sa mga salamin. Niyaya ni Juanito si Placido na maglakwatsa. Tumutol si Placido sapagkat alam niya na magpapatuloy parin ang kanilang leksyon kapag dalawa lang ang kulang sa kanilang klase (ang kanilang silid ay mayroong 150 mag-aaral) at naalala din niya ang paghihirap ng kanyang ina upang siya’y mapag-aral sa Maynila. Papasok na sana sila sa liwasan ng Sto. Domingo nang may naalala si Juanito. Nanghingi siya kay Placido ng abuloy para sa bantayog ng isang Paring Dominiko na si Pari Baltazar. Nagbigay si Placido ng apat na piso bilang ambag.
  • 8. Nakarating na sila sa Unibersidad at nakita nila si Isagani kasama ang ibang mag-aaral. Bigla na lamang napansin ang kakaibang kilusan sa mga pulutong. Natigilan sa pagsasalita si Isagani at namutla nang makita ang bagong dating na karuwahe. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina. Si Donya Victorina ay binati ng buong giliw si Juanito Pelaez. Si Tadeo na kaya lamang pumasok sa paaralan ay upang alamin kung may pasok at kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit ngunit sa anong himala ay nakakapasa parin siya sa mga pagsusulit at kinatutuwaan pa ng mga propesor.
  • 9. Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si Placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig at sinasabing nilagdaan na ito ng 2 carabineros celestiales , isang samahan ng mga banal na tumutulong sa Diyos upang sugpuin ang kasamaan. Hindi lumagda si Placido. Nalaala niya ang isang cabezang nabilanggo nang lumagda sa isang kasulatang di binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido. Nang makarating na siya sa kanilang klase nagdadalawang isip siya kung siya ba ay papasok dahil may lagda na ang kanyang pangalan. Paalis na sana siya nang naalala niya na malapit na ang kanilang pagsusulit at inakala niya na ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro at magiging daan para siya’y makapasa. Pumasok si Placido ngunit pakaladkad niyang hinila ang kanyang sapatos tulad nang sa bakya . At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta, “walang galang, lagot ka sa akin.”
  • 10. Pagtalakay sa Nilalaman... 1. Anu-ano ang mga katangian ni Placido? Bakit ibig na niyang itigil ang pag-aaral? 2. Maganda ba ang payo ng ina kay Placido? Bakit? 3. Anu-ano ang ibig palitawin ng may-akda sa pagkakalarawan ng mga estudyanteng naglalakad? 4. Anong uri ng estudiyante si Juanito? Bakit? Anu-ano ang simulain niya sa pag-aaral? 5. Anong uri ng propesor ang ibig ipakilala ni Rizal sa kabanatang ito? Patunayan ang kasagutan. 6. Sino si Tadeo? Mayroon ba tayong mga Tadeo sa paaralan ngayon bakit? 7. Bakit ayaw lumagda ni Placido sa kasulatan? Anu-ano ang dahilan? 8. Bakit pumasok pa rin si Placido gayong alam niyang nalagyan na ng tanda ang pangalan niya? 9. Papaano pinuna ng may-akda ang pag-aaral ng mga kabataan noon? Ano ang ikinaiiba nito sa mga pag-aaral ngayon? 10.Dumating na ba sa inyo ang mawalan ng gana sa pag-aaral? Ibigay ang mga dahilan.