SlideShare a Scribd company logo
Ang mga Natatanging Pilipino at
ang Kanilang Kontribusyon para sa
Kalayaan
ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 1 – MODULE 7
Mga Natatanging Pilipino na Lumaban
sa Kalayaan
Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas,
mahabang panahon tayong napamahalaan
ng mga mananakop na dayuhan bago
nakamit ang ganap na kalayaan. Subalit
hindi kailanman pumayag ang mga
Pilipinong malupig ang ating bansa.
Ipinamalas ng mga bayaning Pilipino ang
pagmamahal sa kalayaan sa pamamagitan
ng pakikipaglaban sa mga mananakop
nang buong tapang at may talino. Ang
pagpupunyagi at pagbubuwis ng buhay ng
mga bayani ay mababakas sa ating
kasaysayan.
MELC (Pinakamahalagang
Kasanayan sa Pagkatuto)
• Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon
ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban
para sa kalayaan
K to 12 BEC CG: AP6PMK-Ih-11
Inaasahan sa pagtatapos ng aralin ay malilinang ang
sumusunod na kasanayan:
1. maisa-isa ang mga ambag ng mga natatanging
Pilipino sa La Liga Filipina, Katipunan, at sa
Himagsikan 1896;
2. malaman ang buhay ng mga natatanging Pilipino
bago pa man sila lumaban para sa bayan;
3. makilala sina Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar,
Graciano Lopez Jaena, Andres Bonifacio, Emilio
Jacinto, Apolinario Mabini, Melchora Aquino, at Emilio
Aguinaldo; at
4. mabigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga
natatanging Pilipino na lumaban sa kalayaan.
DR. JOSE P. RIZAL
• na may buong pangalang José Protasio
Rizal Mercado y Alonso Realonda
• isinilang sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861
• Pambansang Bayani ng Pilipinas na
lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan
ng kaniyang mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo noong
panahon ng pananakop ng Espanya sa
bansa.
• May angking pambihirang talino, siya ay
hindi lamang isang manunulat ngunit isa
ring magsasaka, manggagamot,
siyentipiko, makata, imbentor, iskultor,
inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may
kaalaman sa arkitektura, kartograpiya,
ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya,
etnolohiya, agrikultura, musika (marunong
siyang tumugtog ng plawta), sining sa
pakikipaglaban (martial arts), at pag-
eeskrima.
DR. JOSE P. RIZAL
• Habang nasa Europa, naging bahagi si José
Rizal ng Kilusang Propaganda, na
kumukunekta sa ibang mga Pilipino na
nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang
kanyang unang nobela, ang Noli Me
Tangere (Touch Me Not / The Social
Cancer), isang aklat tungkol sa madilim na
aspeto ng kolonyal na paghahari ng
Espanya sa Pilipinas, partikular na
pinagtuunan dito ang papel ng mga
Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal
sa Pilipinas, bagaman maraming kopya ang
nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang ito,
naging tudlaan siya ng pulisya dahilan
upang ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas
noong 1887 ay mapaikli.
DR. JOSE P. RIZAL
• Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na
nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya
ang kanyang sumunod na nobela, ang El
Filibusterismo (Ang Paghahari ng
Kasakiman) noong 1891. Naglathala din
siya ng mga artikulo sa La Solidaridad,
isang pahayagan na nakahanay sa layunin
ng Propaganda. Sa mga reporma na
itinaguyod ni Rizal ay hindi kasama ang
kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay
nanawagan para sa pantay na pagtrato sa
mga Pilipino, sa paglilimita sa
kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol
at representasyon para sa Pilipinas sa korte
ng Espanya.
• Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892
dahil nararamdaman niya na kailangan siya
ng bansa para sa pagbabago. Kahit na
itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado
ni Rizal ang di-marahas na aksiyon. Ngunit
hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga
Espanyol na isa siyang malaking banta
dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan,
sa isla ng Mindanao.
• Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta
sa Cuba bilang isang hukbong doktor. Ang
kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit
noong Agosto 1896, ang Katipunan, isang
nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag
ni Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon.
Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo,
at hindi niya aprubado ang marahas na
pamamaraan, si Rizal ay inaresto at
ikinulong.
• Matapos ang isang paglilitis, si Rizal
ay nahatulan ng sedisyon at
sinentensiyahan ng kamatayan sa
pamamagitan ng firing squad.
Isinagawa ang pampublikong
pagpatay kay Rizal sa Maynila noong
Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35
taong gulang. Ang kanyang
kamatayan ay nagbunsod ng higit
pang mga pagsalungat sa mga
panuntunan ng Espanya at naging
hakbang upang makamit ng Pilipinas
ang kalayaan mula sa mga Espanyol
noong 1898.
MARCELO H.
DEL PILAR
• isang propagandista at satiristang
rebolusyonaryong Pilipino.
• Sinikap niyang itaguyod ang
makabayang sentimyento ng mga
ilustradong Pilipino, o burgesya,
laban sa imperyalismong Espanyol.
• ipinanganak sa Kupang, Bulacan,
noong Agosto 30, 1850, sa may
pinag-aralang mga magulang.
• Nag-aral siya sa Colegio de San
José at sa bandang huli sa
Unibersidad ng Santo Tomas, kung
saan natapos niya ang kanyang
kursong abogasiya noong 1880.
MARCELO H. DEL PILAR
• Sa kagustuhang makamit ang
katarungan laban sa mga pang-
aabuso ng mga pari, inatake ni Del
Pilar ang pagkapanatiko at
pagkukunwari at ipinagtanggol sa
korte ang mga mahihirap na biktima
ng diskriminasyon dahil sa kanilang
lahi. Ipinangaral niya ang ebanghelyo
ng trabaho, paggalang sa sarili, at
dignidad sa kapwa tao. Dahil kanyang
pagkadalubhasa sa Tagalog, ang
kanyang katutubong wika ay nagawa
niyang pukawin ang kamalayan ng
masa para sa pagkakaisa at matagal
na paglaban sa mga malulupit na
Espanyol.
MARCELO H. DEL PILAR
• Noong 1882 itinatag ni Del Pilar
ang pahayagan ng Diariong
Tagalog upang ipalaganap ang
mga demokratikong liberal na
ideya sa mga magsasaka at
magbubukid. Noong 1888,
ipinagtanggol niya ang mga
kasulatan ni José Rizal sa
pamamagitan ng pagbibigay ng
polyeto laban sa pag-atake ng
isang pari, na nagpapakita ng
kanyang matalas na pag-iisip at
malupit na panlilibak sa mga
kahangalan ng mga pari.
MARCELO H. DEL PILAR
• Noong 1888, tumakas mula sa
pag-uusig ng mga pari si Del Pilar
at pumunta sa Espanya. Noong
Disyembre 1889, pinalitan niya si
Graciano Lopez Jaena bilang
editor ng La Solidaridad, isang
pahayagan ng mga repormistang
Pilipino sa Madrid. Itinaguyod
niya ang mga layunin ng
pahayagan sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnay sa mga liberal
na Espanyol na pumapanig sa
kapakanan ng mga Pilipino.
MARCELO H. DEL PILAR
• Sa ilalim ni Del Pilar, ang mga
layunin ng pahayagan ay pinalawak
upang isama ang pagtanggal ng mga
prayle at ang sekularisasyon ng mga
parokya; aktibong pagsali ng mga
Pilipino sa mga gawain ng
pamahalaan; kalayaan sa
pagsasalita, ng pamamahayag, at ng
pagpupulong; mas malawak na
kalayaan sa lipunan at pampulitika;
pagkakapantay-pantay sa harap ng
batas; asimilasyon; at
representasyon sa Espanyol Cortes,
o Parlyamento.
GRACIANO LOPEZ
JAENA
• Isang tinitingalang na propagandista
si Graciano Lopez Jaena lalong
kilala sa tawag na "Prinsipe ng mga
Orador." Ipinanganak siya sa Jaro,
Iloilo noong Disyembre 18, 1856.
Mga magulang niya sina Placido
Lopez at Maria Jacob.
• Unang nag-aral si Graciano sa
Colegio Provincial ng Jaro. Batang-
bata pa lang ay kinakitaan na siya
ng katalinuhan at kabibuhan ng
kaniyang gurong si Padre Francisco
Jayme. Tinapos niya ang antas
sekundarya sa Seminario de San
Vicente Ferrer. Sa nasabing
paaralan, tinanghal siya bilang
“Pinakamahusay na Estudyante sa
Teolohiya”.
GRACIANO LOPEZ JAENA
• Inakala ng mga magulang ni
Graciano na pagpapari ang
papasukin niyang kurso.
Nagkamali sila sapagkat inspirado
siyang maging doktor. Sa
kakulangan ng salaping itutustos
napilitan siyang mag-aprentis sa
San Juan De Dios Hospital. Sa
pagtulung-tulong sa mga doktor,
natutuhan niya ang panggagamot
sa mga simpleng karamdaman. Sa
pagbabalik niya sa lalawigan, kahit
bawal ay nanggamot siya ng iba't
ibang sakit ng mga kababayan.
GRACIANO LOPEZ JAENA
• Sa panggagamot at pakikisalamuha
sa mga maralitang kababayan,
napuna niyang marami palang
kawalang katarungan ang
ipinaparusa ng mga Kastila. Sa
maraming pisikal na karamdamang
dinaranas ng mga kababayan,
napag-alaman niyang dobleng hirap
pala ang dinadala ng mga taong
nakapaligid sa kaniya.
• Dito na nagsimulang
magkomentaryo ang propagandista.
Lagi niyang ipinaliliwanag sa bawat
pasyente ang kawalang katarungan
ng mga Kastila.
GRACIANO LOPEZ JAENA
• Noong 1874 ay pinag-usapan ng marami
si Graciano nang isulat niya ang
komentaryong "Fray Botod" at "La Hija
del Fraile" na naglalarawan sa
masasamang pag-uugali ng mga paring
Espanyol. Ang nasabing mga artikulo ang
dahilan kung bakit hinanap siya ng mga
awtoridad upang ipakulong. Upang iligaw
ang mga militar, kaagad siyang lumabas
ng Pilipinas at nagpunta sa Espanya.
• Sa Madrid ay naging pangunahing kritiko
si Graciano. Nagsulat siya ng mga
opinyon laban sa pamahalaang Kastila
na nagpapalakad sa Pilipinas at sa mga
prayleng Kastila na humahawak sa
Simbahang Katoliko sa bansa.
GRACIANO LOPEZ JAENA
• Ang pagiging mamamahayag ay ginamit
ni Graciano upang mapalawak ang galaw
ng propaganda. Pebrero 15, 1889 nang
ilathala niya ang La Solidaridad. Naging
layunin ng nasabing diyaryong
kumalaban sa paninikil, gumawa ng
reporma sa lipunan at politika,
tumanggap ng mga liberal at
progresibong kaisipan, magpakalat ng
mga demokratikong pananaw at lumaban
upang maipanalo ang hustisya at
progreso.
• Humigit kumulang sa isang libong
talumpati ang nabigkas ng "Prinsipe ng
mga Orador" sa Europa. Siyam lamang
sa mga ito ang napasama sa koleksiyong
Discursos Y Artkulos Varios.
GRACIANO LOPEZ JAENA
• Upang madagdagan ang pondo ng
mga propagandista, pinayuhan ni Jose
Rizal ang Orador na magbalik sa
Pilipinas noong 1890.
• Ang pakikipagpulong ni Graciano sa
mga kasapi ng La Junta de la
Propaganda ay natiktikan ng mga
Kastila kaya agad siyang sumakay sa
Bapor San Juan papuntang Hongkong.
• Sa pagbabalik ng Orador sa Barcelona
ay dinanas niya ang isang libo at isang
karalitaan. Buong pagpapakasakit niya
itong hinarap alang-alang sa
ikapagtatagumpay ng kalayaan.
GRACIANO LOPEZ JAENA
• Sa pagbabalik ng Orador sa
Barcelona ay dinanas niya ang
isang libo at isang karalitaan.
Buong pagpapakasakit niya itong
hinarap alang-alang sa
ikapagtatagumpay ng kalayaan.
• Sa malayong lugar ng Europa
nanghina ang pangangatawan
niya. Ikinamatay ni Graciano ang
sakit na tuberkulosis noong Enero
20, 1896.
ANDRES
BONIFACIO
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak
noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo,
Lungsod ng Maynila. Ang kanyang
mga magulang ay sina Santiago
Bonifacio at Catalina de Castro. Siya
ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at
bayani na nagtatag ng Kataastaasan
Kagalanggalangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan,
isang lihim na lipunan na nakatuon sa
pakikipaglaban sa mga Espanyol na
sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa
mga unang nagkaroon ng malinaw na
pananaw sa kung ano ang dapat na
Pilipinong bansa. Siya ay kinikilalang
“Ama ng Himagsikan at Rebolusyong
Pilipino “ at kilala sa tawag na
Supremo.
ANDRES BONIFACIO
• Si Bonifacio ay hindi ipinanganak na
mahirap. Ang kanyang ina ay half-
Spanish at may sarili siyang tagaturo.
Ngunit hindi naging madali sa kanya
ang buhay nang pumanaw ang
kanyang mga magulang noong labing
apat na taong gulang siya dahilan
upang matigil siya sa kanyang pag-
aaral. Sa kabila ng kanyang
kakulangan sa pormal na edukasyon,
tinuruan niya ang kanyang sarili na
magbasa at magsulat sa wikang
Espanyol at Tagalog, na naging
dahilan upang makakuha siya ng
trabaho bilang clerk-messenger sa
isang kompanyang Aleman.
ANDRES BONIFACIO
• Sinasabing interesado si Bonifacio sa
klasikong kanluraning rasyonalismo at
mahilig magbasa ng mga gawa nina Victor
Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Siya ay
nagkaroon ng isang malalim na interes sa
pagbabasa ng mga libro sa French
Revolution at ang mga buhay ng mga
presidente ng Estados Unidos dahilan upang
makakuha siya ng isang mahusay na pag-
unawa sa mga socio-historical na proseso.
Ang kanyang hangarin na mabago ang
kalagayan ng kanyang mga kababayan sa
ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa
pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang La Liga
Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo
3, 1982 sa layuning pagkaisahin ang mga
Pilipino upang makapagsimula ng reporma,
maayos na edukasyon, kooperasyon, at
pagbuo sa bansa.
ANDRES BONIFACIO
• Apat na araw pagkatapos ng
pagkatatatag ng Liga, noong Hulyo 7,
1892, itinuloy ni Andres Bonifacio ang
pakikibaka at nabuo ang Kataastaasan
Kagalanggalangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan sa
bahay ni Deodato Arellano sa Calle
Azcarraga, Maynila. Ito ay sa kabila ng
pagdakip at pagpapaalis ng nga
Espanyol kay Jose Rizal isang araw ang
nakararaan. Sa isang maliiit na
kuwartong naiilawan lamang ng isang
lampara isinagawa ang sandugo kung
saan ang mga kasapi ay pumirma mula
sa dugo ng kanilang mga bisig na
sumisimbolo sa kapanganakan ng
Katipunan
ANDRES BONIFACIO
• Ang sandugo ay isang pangako rin ng
pag-ibig at kapatiran sa bawat
kababayan. Naniniwala ang mga
Katipunero na makakamit lamang ang
tunay na kaginhawaan at kalayaan
kung ang mga tao ay may mabuting
kalooban para sa bawat isa. Dahil
dito, ang Katipunan ay hindi lamang
isang organisasyong may layuning
patalsikin ang imperyong Espanyol,
ngunit nais nito ang tunay na
pagkakaisa sa isip at puso ng mga
Tagalog sa ilalim ng isang Inang
Bayan na naghahanap ng maliwanag
at tuwid na landas.
ANDRES BONIFACIO
• Natuklasan ng mga Espanyol ang
Katipunan noong Agosto 19, 1896.
Nakatakas si Bonifacio at marami pang
mga Katipunero sa Manila mula sa
paghahanap ng mga Espanyol at
humantong ang kanilang pagtakas
patungo sa isang baryo sa Caloocan,
Balintawak. Armado lamang ng bolo,
sibat, paltik, at ilang mga lumang
Remington rifle, nagpulong ang mga
Katipunero noong Agosto 24, 1896. Ang
pulong ay isang magandang simula at
dinaluhan ng 500-1,000 katao. Ang
kabanatang ito ng rebolusyon ay
tinatawag ngayong “Ang Sigaw sa
Balintawak” at kilala rin sa tawag na
“Ang Sigaw ng Pugad Lawin”.
ANDRES BONIFACIO
• Sa kalagitnaan ng pulong, bumulusok sa
gulo ang debate sa pagitan ng
Katipunerong salungat at doon sa pabor
sa pag-aalsa. Sa gitna ng kanyang galit
dahil sa nangyayaring kaguluhan sa
pagitan ng kanyang mga tao ay binigkas
ni Bonifacio ang mga katagang ito:
"Kalayaan o kaalipinan? Kabuhayan o
kamatayan? Mga Kapatid: Halina't ating
kalabanin ang mga baril at kanyon
upang kamtin ang sariling Kalayaan ".
Pagkatapos nito’y pinunit ni Bonifacio
ang kanyang cedula at sumigaw ng
“Mabuhay ang Katipunan!”. Ang
pagsuway na ito sa mga Kastila ay
naging isa sa mga pinakamainam sa
araw sa kasaysayan ng Pilipinas.
ANDRES BONIFACIO
• Noong Agosto 30, 1896, pinamunuan ni
Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang
pagsalakay sa El Polvorin sa San Juan
na siyang imbakan ng pulbura at
istasyon ng tubig. Bagamat ang lugar na
ito ay maiging binabantayan ng mga
armado at bihasang kawal ng Espanyol,
nagawa itong makuha ng mga
Katipunero. Higit sa 150 na mga
Katipunero ang nasawi sa laban, ngunit
ang balita ng kanilang tagumpay ay
umalingawngaw sa buong archipelago.
Ang bayan ng San Juan del Monte ay
naging isang pambansang simbolo ng
pagkakaisa, kalayaan at isang banal na
lugar ng lakas ng loob ng mga Pilipino.
EMILIO JACINTO
• Si Emilio Jacinto ay isang
Heneral ng Pilipinas sa
panahon ng Rebolusyong
Pilipino. Isa siya sa mga
pinakamataas na opisyal ng
Rebolusyong Pilipino at isa
sa pinakamataas na opisyal
ng rebolusyonaryong
lipunan ng Kataastaasan,
Kagalanggalangang
Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o mas kilala sa tawag
na Katipunan. Siya ay
inihalal na Kalihim ng
Estado para sa Haring
Bayang Katagalugan, isang
rebolusyonaryong gobyerno
na itinatag noong sumiklab
ang mga labanan.
EMILIO JACINTO
• Kilala siya sa mga aklat-aralin sa
kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak
ng Katipunan habang ang ilan ay
nakikipaglaban na dapat siyang
makilala bilang "Utak ng
Rebolusyon" (isang pamagat na
ibinigay kay Apolinario Mabini). Si
Jacinto ay nasa Sigaw ng
Balintawak kasama si Andres
Bonifacio, ang Kataas-taasang
Pangulo ng Katipunan, at iba pang
mga miyembro nito na nagpahiwatig
ng pagsisimula ng rebolusyon laban
sa kolonyal na pamahalaan ng
Espanya sa mga isla.
EMILIO JACINTO
• Ipinanganak sa Maynila noong Disyembre
15, 1875. Si Jacinto ay mahusay sa
parehong Espanyol at Tagalog. Nag-aral
siya sa Colegio de San Juan de Letran, at
sa kalaunan ay lumipat sa Unibersidad ng
Santo Tomas upang mag-aral ng
abogasiya. Si Manuel Quezon, Sergio
Osmeña at Juan Sumulong ay kanyang
mga kamag-aral. Hindi siya nakapagtapos
ng kolehiyo at, sa edad na 19, sumali sa
lihim na lipunan na tinatawag na Katipunan.
Naging tagapayo siya sa mga usaping
pampiskalya at kalihim ni Andrés Bonifacio.
Sa kalaunan ay kinilala siya bilang Utak ng
Katipunan. Siya at si Bonifacio ay
nakipagkaibigan rin kay Apolinario Mabini
nang sinubukan nilang ipagpatuloy ang La
Liga Filipina ni Jose Rizal.
EMILIO JACINTO
• Sumulat din si Jacinto para sa pahayagang
Katipunan na tinatawag na Kalayaan.
Nagsulat siya sa pahayagan sa ilalim ng
pangalan na 'Dimasilaw', at ginamit ang alyas
'Pingkian' sa Katipunan. Si Jacinto ang may-
akda rin ng Kartilya ng Katipunan. Matapos
ang pagpapapatay kay Bonifacio, pinilit ni
Jacinto ang pakikibaka ng Katipunan. Tulad
ni Heneral Mariano Álvarez, tumanggi siyang
sumali sa mga puwersa ni Heneral Emilio
Aguinaldo, ang pinuno ng pangkat ng
Magdalo ng Katipunan. Si Jacinto ay
nanirahan sa Laguna at sumali rin sa milisya
na nakikipaglaban sa mga Espanyol. Si
Jacinto ay namatay sa sakit na malaria sa
Magdalena, Laguna, sa edad na 23. Ang
kanyang labi ay inilibing sa Santa Cruz,
Laguna, at inilipat sa Manila North Cemetery
ilang taon na ang lumipas.
EMILIO JACINTO
• Noong dekada 1970, ang mga labi ni
Jacinto ay inilipat at inihimlay sa
Himlayang Pilipino Memorial Park sa
Quezon City. Sa dambana ay makikita
ang isang tansong iskultura ng isang
palabang Jacinto na nakasakay sa
isang kabayo sa panahon ng kanyang
pagiging isang rebolusyonaryo. Ang
isa pang rebulto ni Jacinto ay
matatagpuan sa Mehan Garden. Ang
wangis ni Jacinto ay ginamit upang
maitampok sa lumang 20 pisong
papel na ginamit mula 1949 hanggang
1969, at sa lumang 20 sentimos na
barya.
Apolinario
Mabini
• Si Apolinario
Mabini ay kilala
bilang “Dakilang
Paralitiko” at “Utak
ng Rebolusyon”,
Siya ay
ipinanganak noong
Hulyo 23, 1864 sa
Talaga, Tanauan,
Batangas. Siya ay
pangalawa sa
walong anak nina
Inocencio Mabini at
Dionisia Maranan.
Apolinario Mabini
Apolinario Mabini
• Noong siya ay bata pa, nagpakita
na siya ng hindi pangkaraniwang
talino at pagkahilig sa pag-aaral.
Sa Maynila noong 1881, nakamit
niya ang isang partial scholarship
na nagbigay-daan upang
makapag-aral siya sa Kolehiyo ng
San Juan de Letran. Natapos niya
ang kanyang Batsilyer sa Sining
noong 1887. Nag-aral din siya ng
abogasya sa Unibersidad ng
Santo Tomas mula 1888
hanggang 1894.
Apolinario Mabini
• Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng
La Liga Filipina na siyang nagbibigay-
suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong
taong 1896 naman, nagkaroon siya ng
matinding sakit na nagdulot sa kanya na
maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya
ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre
1896, dahil sa pagkakaroon niya ng
koneksiyon sa mga repormista. Sumailalim
siya sa house arrest sa ospital ng San Juan
de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na
rin. Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio
Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo
niya si Mabini sa Laguna at matapos ang
kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo
1898, si Mabini ay naging punong tagapayo
ni Aguinaldo.
Apolinario Mabini
• Isa sa mga pinakamahalagang
rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis
ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo
at ang pagpapalit nito sa isang
rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin
siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang
Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at
bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa
pa sa mga importanteng dokumento na
kanyang nagawa ay ang Programa
Constitucional de la Republica Filipina,
isang konstitusyon na kanyang iminungkahi
para sa Republika ng Pilipinas. Ang
introduksiyon sa balangkas ng
konstitusyong ito ay ang El Verdadero
Decalogo, na isinulat upang gisingin ang
makabayang diwa ng mga Pilipino.
Apolinario Mabini
• Nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng
mga Pilipino at Amerikano, tumakas si
Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip
ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10
Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si
Mabini hanggang 23 Setyembre 1900.
Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa
Nagtahan, Maynila, at kumikita sa
pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal
na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil
de Alejandro ay nagdulot sa kanyang
muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam
kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang
nasa Guam, naisulat niya ang La
Revolucion Filipina. Namatay si Mabini
noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil
sa kolera.
MELCHORA
AQUINO
• Si Melchora Aquino
ay rebolusyonaryong
Pilipino na kilala
bilang "Tandang
Sora" dahil sa
kanyang edad. Siya
ay kilala rin bilang
"Ina ng Katipunan",
"Ina ng Himagsikan"
at "Ina ng
Balintawak" para sa
kanyang mga
kontribusyon.
MELCHORA AQUINO
• Ipinanganak si Aquino noong Enero 6, 1812
sa Balintawak. Si Aquino, anak na babae
ng isang mag-asawang magsasaka, sina
Juan at Valentina Aquino, ay hindi
kailanman pumasok sa paaralan.
Gayunpaman, sa maagang edad, siya ay
likas na matalino at may angking galing
bilang isang mang-aawit kung saan
nagtatanghal siya sa mga lokal na okasyon
gayundin sa Misa para sa kanyang
Simbahan. Siya rin ay madalas na mapili
para sa papel ni Reyna Elena sa panahon
ng "Santacruzan", isang mapang-ayos na
palabas na nagpapaalala sa paghahanap ni
Empress Helen ng Krus ni Kristo,
ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing buwan
ng Mayo.
MELCHORA AQUINO
• Nang maglaon, pinakasalan niya si
Fulgencio Ramos, cabeza de barrio
(punong barangay), at nagkaroon ng
anim na anak. Namatay si Ramos
noong pitong taong gulang ang bunso
nilang anak at naiwan siyang mag-
isang nagtaguyod para sa kanilang
mga anak. Ipinagpatuloy ni Aquino
ang kanyang buhay bilang isang
hermana mayor na aktibo sa
pagdiriwang ng mga pista, baptismo,
at kasalan. Nagtrabaho siya nang
husto upang mabigyan ng edukasyon
ang kanyang mga anak.
MELCHORA AQUINO
• Sa kanyang katutubong bayan, nagtayo
si Tandang Sora ng isang tindahan, na
naging kanlungan para sa mga may sakit
at sugatan na mga rebolusyonaryo.
Kinupkop, pinakain, binigyan ng medikal
na atensiyon at pinapayohan ang mga
rebolusyonaryo at ipinagdarasal. Ang
mga lihim na pagpupulong ng
Katipuneros (mga rebolusyonaryo) ay
ginanap din sa kanyang bahay. Sa
gayon ay nakuha niya ang mga bansag
na "Babae ng Rebolusyon", "Ina ng
Balintawak", "Ina ng Rebolusyong
Pilipino", at Tandang Sora (ang Tandang
ay nagmula sa salitang Tagalog na
matandâ, na nangangahulugang
matanda).
MELCHORA AQUINO
• Siya at ang kanyang anak, si Juan
Ramon, ay naroon sa Sigaw ng
Balintawak at mga saksi sa pagpunit ng
mga cedula. Nang malaman ng mga
Espanyol ang tungkol sa kanyang mga
gawain at ang kanyang kaalaman sa
kinaroroonan ng Katipuneros, siya ay
siniyasat ngunit tumanggi siyang
ibunyag ang anumang impormasyon.
Pagkatapos ay inaresto siya ng guardia
civil at ipinatapon sa Guam, Marianas
Islands, kung saan siya at isang babae
na nagngangalang Segunda Puentes ay
inilagay sa ilalim ng house arrest sa
tirahan ng isang Don Justo Dungca.
MELCHORA AQUINO
• Pagkaraang kontrolin ng
Estados Unidos ang Pilipinas
noong 1898, si Tandang Sora,
tulad ng iba pang mga bihag, ay
bumalik sa Pilipinas hanggang
sa kanyang kamatayan noong
Marso 2, 1919, sa edad na 107.
Ang kanyang labi ay inilipat sa
kanyang sariling likuran (na
kilala ngayon bilang Himlayang
Pilipino Memorial Park, Quezon
City).
MELCHORA
AQUINO
Si Emilio Aguinaldo ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at
isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng
Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na
republika sa Asya. Pinamunuan niya ang puwersa ng Pilipinas sa
unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong
Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol-
Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa
panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901). Siya ay nahuli
sa Palanan, Isabela ng puwersang Amerikano noong Marso 23, 1901,
dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo.
Emilio Aguinaldo
Emilio Aguinaldo
• Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa
pagkapangulo ng Philippine
Commonwealth subalit siya ay natalo
ni Manuel Quezon. Matapos
sumalakay ang mga Hapones sa
Pilipinas noong 1941,
nakipagtulungan siya sa mga bagong
pinuno at umapila pa sa radyo para sa
pagsuko ng mga puwersa ng
Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya
ay naaresto bilang isang tagatulong
ng mga Hapones matapos ang mga
Amerikano ay bumalik ngunit sa
kalaunan ay napalaya sa isang
pangkalahatang amnestiya.
Emilio Aguinaldo
• Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong
Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala
ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang
mga magulang niya na sina Carlos Jamir
Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay
mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at
may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay
ang inatasang gobernadorcillo ng
komunidad (munisipal na gobernador) sa
administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag-
aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan
de Letran ngunit hindi niya nagawang
tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera
noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza
de Barangay" ng Binakayan, isang punong
baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17
taong gulang lamang upang maiwasan ang
pagiging sapilitang kawal.
Emilio Aguinaldo
• Noong 1895 ipinatupad ang
Maura Law para sa bagong
tatag na lokal na
pamahalaan. Sa edad na
25, si Aguinaldo ay naging
unang "gobernadorcillo
capitan municipal"
(Municipal Gobernador-
Captain) ng Cavite el Viejo
habang nasa business trip
sa Mindoro.
Emilio Aguinaldo
• Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya
si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay
ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay
may limang anak: sina Carmen
Aguinaldo-Melencio, Emilio "Jun" R.
Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete,
Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel
Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit
na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad
na 44. Siyam na taon ang nakalipas,
noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni
Aguinaldo si Maria Agoncillo sa
Barasoain Church. Namatay si Maria
Agoncillo noong Mayo 29, 1963, isang
taon bago si Aguinaldo mismo ay
namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.
Gawain 1
Panuto: Itambal ang mga katawagan sa hanay A sa mga
bayaning Pilipino sa hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Natatanging Pilipino na Lumaban sa Kalayaan
Hanay A Hanay B
1. Utak ng Katipunan A. Jose Rizal
2. Ama ng Himagsikan
at Rebolusyong Pilipino B. Marcelo H. del Pilar
3. Prinsipe ng mga Orador C. Graciano Lopez Jaena
4. Dakilang Paralitiko D. Andres Bonifacio
5. May-akda ng Noli Me Tangere E. Emilio Jacinto
at El Filibusterismo F. Apolinario Mabini
Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang
tamang sagot sa kahon at isulat sa inyong sagutang papel.
Gawain 3
Panuto: Nasa loob ng kahon ang pangalan ng mga bayaning
nakipaglaban tungo sa kalayaan. Kulungin ito ng guhit. Maaaring
patayo, pahiga, o dayagonal.
Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag at isulat sa
sagutang papel.
1. Ang dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Español?
A. Ang labis na pang-aapi at pagmamalabis ng mga Español.
B. Ang hindi pantay na pagtingin ng mga Español sa mga Pilipino.
C. Ang likas na pagnanais o mithiin ng mga Pilipino na maging
malaya.
D. Lahat ng nabanggit
2. Si Marcelo H. del Pilar na kilala sa tawag na Plaridel ay
nakipaglaban din sa mga Español upang makamit natin ang kalayaan
Paano niya ito isinagawa?
A. sa pamamagitan ng pamamahayag
B. sa pamamagitan ng armadong pakikipaglaban
C. sa pamamagitan ng pagsasadula sa buhay ng mga Español
D. sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo sa mga Español
3. Sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena
ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipinong nagbuwis ng buhay para
sa kalayaan ng ating bansa sa kamay ng mga Español. Ano ang
kilusang binuo ng mga nabanggit?
A. KKK C. Kilusang Propaganda
B. Batas Militar D. La Liga Filipina
Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag at isulat sa
sagutang papel.
4. Hindi sumang-ayon sa layunin ng Katipunan?
A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal
B. Emilio Jacinto D. Ladislao Diwa
5. Ang tinaguriang ina ng mga Katipunero at kilala sa
tawag na Tandang Sora.
A. Josefa Llanes Escoda C. Marcela Agoncillo
B. Gabriela Silang D. Melchora Aquino
6. Ang petsa kung kailan lihim na nagtagpo sa isang
bahay sa Azcarraga sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz,
Teodoro Plata at iba pa upang itatag ang Katipunan.
A. Hunyo 7, 1892 C. Hulyo 7, 1892
B. Hulyo 7, 1890 D. Hulyo 17, 1892
7. Ginamit niya ang alyas na “Pingkian” sa Katipunan at
siya rin ang may-akda ng Kartilya ng Katipunan.
A. Andres Bonifacio C. Emilio Jacinto
B. Apolinario Mabini D. Emilio Aguinaldo
Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag at isulat sa
sagutang papel.
8. Isang rebolusyonaryong Filipino, politico at isang lider
ng military na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo
ng Pilipinas.
A. Emilio Aguinaldo C. Graciano Lopez Jaena
B. Emilio Jacinto D. Marcelo H. del Pilar
9. Ang bayaning Pilipino na muling dinakip at ipinatapon
sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino dahil sa
kanyang artikulong, “El Simil de Alejandro” ?
A. Apolinario Mabini C. Graciano Lopez Jaena
B. Emilio Jacinto D. Marcelo H. del Pilar
10. Ang dahilan ng kilusang KKK?
A. Limitado ang edukasyon.
B. Walang reporma na ipinatupad ang mga Español.
C. Kawalan ng hustisya at kalupitan ng mga guwardiya
sibil.
D. Lahat ng nabanggit

More Related Content

What's hot

Kababaihan.pptx
Kababaihan.pptxKababaihan.pptx
Kababaihan.pptx
hendrex1
 
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipinoAralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Chris Berandoy
 
Q4 lesson 29 fidel ramos
Q4 lesson 29 fidel ramosQ4 lesson 29 fidel ramos
Q4 lesson 29 fidel ramosRivera Arnel
 
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikanoQ2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikanoRivera Arnel
 
WEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptx
WEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptxWEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptx
WEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptx
ValenzuelaMrsAnalynR
 
Pambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinasPambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinas
Melchor Lanuzo
 
Mga Bayani sa Pilipinas
Mga Bayani sa PilipinasMga Bayani sa Pilipinas
Mga Bayani sa Pilipinas
GenevaValenzuela
 
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAng Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
RitchenMadura
 
Batas militar
Batas militarBatas militar
Batas militarvardeleon
 
Q4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagalQ4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagalRivera Arnel
 
Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptx
Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptxHamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptx
Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptx
ARTURODELROSARIO1
 
AP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptxAP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptx
JasselleOcba
 
Ap 6 ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasarili
Ap 6   ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasariliAp 6   ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasarili
Ap 6 ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasarili
aizenikuta
 
PPT AP6 Q2 W7.pptx
PPT AP6 Q2 W7.pptxPPT AP6 Q2 W7.pptx
PPT AP6 Q2 W7.pptx
alvinbay2
 
Mga Bayani ng Pilipinas
Mga Bayani ng PilipinasMga Bayani ng Pilipinas
Mga Bayani ng Pilipinas
RoseGayo
 
Pagtatatag ng katipunan
Pagtatatag ng katipunanPagtatatag ng katipunan
Pagtatatag ng katipunan
Eddie San Peñalosa
 

What's hot (20)

Manuel roxas 1
Manuel roxas 1Manuel roxas 1
Manuel roxas 1
 
Kababaihan.pptx
Kababaihan.pptxKababaihan.pptx
Kababaihan.pptx
 
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipinoAralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
Aralin 20 ikalawang yugto ng himagsikang pilipino
 
Q4 lesson 29 fidel ramos
Q4 lesson 29 fidel ramosQ4 lesson 29 fidel ramos
Q4 lesson 29 fidel ramos
 
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikanoQ2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
Q2 lesson 13 digmaang pilipino – amerikano
 
WEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptx
WEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptxWEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptx
WEEK-6.-ARALIN-6.2-LABANAN-SA-PASONG-TIRAD.pptx
 
Pambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinasPambansang bayani ng pilipinas
Pambansang bayani ng pilipinas
 
Kalayaan
KalayaanKalayaan
Kalayaan
 
Mga Bayani sa Pilipinas
Mga Bayani sa PilipinasMga Bayani sa Pilipinas
Mga Bayani sa Pilipinas
 
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAng Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
 
Batas militar
Batas militarBatas militar
Batas militar
 
Q4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagalQ4 lesson 25 diosdado macapagal
Q4 lesson 25 diosdado macapagal
 
Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptx
Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptxHamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptx
Hamon at Suliranin sa Kasarinlan Pagkatapos ng Ikalawang.pptx
 
AP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptxAP - WEEK 6.pptx
AP - WEEK 6.pptx
 
Ap 6 ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasarili
Ap 6   ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasariliAp 6   ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasarili
Ap 6 ang patuloy na pagtugon sa hamon ng pagsasarili
 
PPT AP6 Q2 W7.pptx
PPT AP6 Q2 W7.pptxPPT AP6 Q2 W7.pptx
PPT AP6 Q2 W7.pptx
 
Panahon ng hapon
Panahon ng haponPanahon ng hapon
Panahon ng hapon
 
Mga Bayani ng Pilipinas
Mga Bayani ng PilipinasMga Bayani ng Pilipinas
Mga Bayani ng Pilipinas
 
Ramon magsaysay as Pres.
Ramon magsaysay as Pres.Ramon magsaysay as Pres.
Ramon magsaysay as Pres.
 
Pagtatatag ng katipunan
Pagtatatag ng katipunanPagtatatag ng katipunan
Pagtatatag ng katipunan
 

Similar to Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx

Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxKasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
tuazonlyka56
 
Ang Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaAng Kilusang Propaganda
Ang Kilusang Propaganda
Mavict De Leon
 
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptxAP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
bernadetteembien2
 
kilusang propaganda
kilusang propagandakilusang propaganda
kilusang propagandaLeth Marco
 
TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................
TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................
TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................
vivialynasis
 
gr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdf
gr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdfgr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdf
gr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdf
ashi686933
 
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga FilipinaKilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
Milorenze Joting
 
Panahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptx
Panahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptxPanahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptx
Panahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptx
DelisArnan
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
AprilLumagbas
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
blossomab
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismoblossomab
 
Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...
Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...
Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...
WawaKrishna
 
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaQ2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaRivera Arnel
 
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainModyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
ARF Feliciano
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulat
shekainalea
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propaganda
RitchenMadura
 

Similar to Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx (20)

Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxKasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
 
Ang Kilusang Propaganda
Ang Kilusang PropagandaAng Kilusang Propaganda
Ang Kilusang Propaganda
 
Proyekto sa filipino 2
Proyekto sa filipino 2Proyekto sa filipino 2
Proyekto sa filipino 2
 
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptxAP_6_Q1_WEEK_1.pptx
AP_6_Q1_WEEK_1.pptx
 
kilusang propaganda
kilusang propagandakilusang propaganda
kilusang propaganda
 
TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................
TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................
TALAMBUHAY NI JAENA.pptx................
 
gr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdf
gr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdfgr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdf
gr6-4-150717133028-lva1-app6891.pdf
 
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga FilipinaKilusang Propaganda at La Liga Filipina
Kilusang Propaganda at La Liga Filipina
 
Panahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptx
Panahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptxPanahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptx
Panahon sa Pagkamulat o Propaganda.pptx
 
Filipino-Group 5
Filipino-Group 5Filipino-Group 5
Filipino-Group 5
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Nasyonalismo
NasyonalismoNasyonalismo
Nasyonalismo
 
Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...
Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...
Aralin 5 Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang Propaganda by Sarah j...
 
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propagandaQ2 lesson 10 kilusang propaganda
Q2 lesson 10 kilusang propaganda
 
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikainModyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
Modyul 3: Mga Repormista at ang kanilang adhikain
 
panahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulatpanahon ng pagkamulat
panahon ng pagkamulat
 
Ang kilusang propaganda
Ang kilusang propagandaAng kilusang propaganda
Ang kilusang propaganda
 

Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx

  • 1. Ang mga Natatanging Pilipino at ang Kanilang Kontribusyon para sa Kalayaan ARALING PANLIPUNAN QUARTER 1 – MODULE 7
  • 2. Mga Natatanging Pilipino na Lumaban sa Kalayaan Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, mahabang panahon tayong napamahalaan ng mga mananakop na dayuhan bago nakamit ang ganap na kalayaan. Subalit hindi kailanman pumayag ang mga Pilipinong malupig ang ating bansa. Ipinamalas ng mga bayaning Pilipino ang pagmamahal sa kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga mananakop nang buong tapang at may talino. Ang pagpupunyagi at pagbubuwis ng buhay ng mga bayani ay mababakas sa ating kasaysayan.
  • 3. MELC (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto) • Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan K to 12 BEC CG: AP6PMK-Ih-11 Inaasahan sa pagtatapos ng aralin ay malilinang ang sumusunod na kasanayan: 1. maisa-isa ang mga ambag ng mga natatanging Pilipino sa La Liga Filipina, Katipunan, at sa Himagsikan 1896; 2. malaman ang buhay ng mga natatanging Pilipino bago pa man sila lumaban para sa bayan; 3. makilala sina Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Apolinario Mabini, Melchora Aquino, at Emilio Aguinaldo; at 4. mabigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga natatanging Pilipino na lumaban sa kalayaan.
  • 4. DR. JOSE P. RIZAL • na may buong pangalang José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda • isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861 • Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa. • May angking pambihirang talino, siya ay hindi lamang isang manunulat ngunit isa ring magsasaka, manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor, iskultor, inhinyero, kuwentista, lingguwista, at may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya, etnolohiya, agrikultura, musika (marunong siyang tumugtog ng plawta), sining sa pakikipaglaban (martial arts), at pag- eeskrima.
  • 5. DR. JOSE P. RIZAL • Habang nasa Europa, naging bahagi si José Rizal ng Kilusang Propaganda, na kumukunekta sa ibang mga Pilipino na nagnanais ng reporma. Isinulat din niya ang kanyang unang nobela, ang Noli Me Tangere (Touch Me Not / The Social Cancer), isang aklat tungkol sa madilim na aspeto ng kolonyal na paghahari ng Espanya sa Pilipinas, partikular na pinagtuunan dito ang papel ng mga Katolikong prayle. Ang libro ay ipinagbawal sa Pilipinas, bagaman maraming kopya ang nakapasok sa bansa. Dahil sa nobelang ito, naging tudlaan siya ng pulisya dahilan upang ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1887 ay mapaikli.
  • 6. DR. JOSE P. RIZAL • Nagbalik si Rizal sa Europa at patuloy na nagsulat. Sa panahong ito ay inilabas niya ang kanyang sumunod na nobela, ang El Filibusterismo (Ang Paghahari ng Kasakiman) noong 1891. Naglathala din siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, isang pahayagan na nakahanay sa layunin ng Propaganda. Sa mga reporma na itinaguyod ni Rizal ay hindi kasama ang kalayaan ng Pilipinas sa Espanya. Siya ay nanawagan para sa pantay na pagtrato sa mga Pilipino, sa paglilimita sa kapangyarihan ng mga Kastilang Espanyol at representasyon para sa Pilipinas sa korte ng Espanya.
  • 7. • Nagbalik si Rizal sa Pilipinas noong 1892 dahil nararamdaman niya na kailangan siya ng bansa para sa pagbabago. Kahit na itinatag niya ang La Liga Filipina, suportado ni Rizal ang di-marahas na aksiyon. Ngunit hindi ito sapat dahil naniniwala ang mga Espanyol na isa siyang malaking banta dahilan upang ipinatapon siya sa Dapitan, sa isla ng Mindanao. • Noong 1895, hiniling ni Rizal na magpunta sa Cuba bilang isang hukbong doktor. Ang kanyang kahilingan ay naaprubahan, ngunit noong Agosto 1896, ang Katipunan, isang nasyonalistang lipunang Pilipino na itinatag ni Andres Bonifacio, ay nagrebolusyon. Bagaman wala siyang kaugnayan sa grupo, at hindi niya aprubado ang marahas na pamamaraan, si Rizal ay inaresto at ikinulong.
  • 8. • Matapos ang isang paglilitis, si Rizal ay nahatulan ng sedisyon at sinentensiyahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad. Isinagawa ang pampublikong pagpatay kay Rizal sa Maynila noong Disyembre 30, 1896, noong siya ay 35 taong gulang. Ang kanyang kamatayan ay nagbunsod ng higit pang mga pagsalungat sa mga panuntunan ng Espanya at naging hakbang upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga Espanyol noong 1898.
  • 9. MARCELO H. DEL PILAR • isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. • Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Espanyol. • ipinanganak sa Kupang, Bulacan, noong Agosto 30, 1850, sa may pinag-aralang mga magulang. • Nag-aral siya sa Colegio de San José at sa bandang huli sa Unibersidad ng Santo Tomas, kung saan natapos niya ang kanyang kursong abogasiya noong 1880.
  • 10. MARCELO H. DEL PILAR • Sa kagustuhang makamit ang katarungan laban sa mga pang- aabuso ng mga pari, inatake ni Del Pilar ang pagkapanatiko at pagkukunwari at ipinagtanggol sa korte ang mga mahihirap na biktima ng diskriminasyon dahil sa kanilang lahi. Ipinangaral niya ang ebanghelyo ng trabaho, paggalang sa sarili, at dignidad sa kapwa tao. Dahil kanyang pagkadalubhasa sa Tagalog, ang kanyang katutubong wika ay nagawa niyang pukawin ang kamalayan ng masa para sa pagkakaisa at matagal na paglaban sa mga malulupit na Espanyol.
  • 11. MARCELO H. DEL PILAR • Noong 1882 itinatag ni Del Pilar ang pahayagan ng Diariong Tagalog upang ipalaganap ang mga demokratikong liberal na ideya sa mga magsasaka at magbubukid. Noong 1888, ipinagtanggol niya ang mga kasulatan ni José Rizal sa pamamagitan ng pagbibigay ng polyeto laban sa pag-atake ng isang pari, na nagpapakita ng kanyang matalas na pag-iisip at malupit na panlilibak sa mga kahangalan ng mga pari.
  • 12. MARCELO H. DEL PILAR • Noong 1888, tumakas mula sa pag-uusig ng mga pari si Del Pilar at pumunta sa Espanya. Noong Disyembre 1889, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad, isang pahayagan ng mga repormistang Pilipino sa Madrid. Itinaguyod niya ang mga layunin ng pahayagan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa mga liberal na Espanyol na pumapanig sa kapakanan ng mga Pilipino.
  • 13. MARCELO H. DEL PILAR • Sa ilalim ni Del Pilar, ang mga layunin ng pahayagan ay pinalawak upang isama ang pagtanggal ng mga prayle at ang sekularisasyon ng mga parokya; aktibong pagsali ng mga Pilipino sa mga gawain ng pamahalaan; kalayaan sa pagsasalita, ng pamamahayag, at ng pagpupulong; mas malawak na kalayaan sa lipunan at pampulitika; pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; asimilasyon; at representasyon sa Espanyol Cortes, o Parlyamento.
  • 14. GRACIANO LOPEZ JAENA • Isang tinitingalang na propagandista si Graciano Lopez Jaena lalong kilala sa tawag na "Prinsipe ng mga Orador." Ipinanganak siya sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 18, 1856. Mga magulang niya sina Placido Lopez at Maria Jacob. • Unang nag-aral si Graciano sa Colegio Provincial ng Jaro. Batang- bata pa lang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan at kabibuhan ng kaniyang gurong si Padre Francisco Jayme. Tinapos niya ang antas sekundarya sa Seminario de San Vicente Ferrer. Sa nasabing paaralan, tinanghal siya bilang “Pinakamahusay na Estudyante sa Teolohiya”.
  • 15. GRACIANO LOPEZ JAENA • Inakala ng mga magulang ni Graciano na pagpapari ang papasukin niyang kurso. Nagkamali sila sapagkat inspirado siyang maging doktor. Sa kakulangan ng salaping itutustos napilitan siyang mag-aprentis sa San Juan De Dios Hospital. Sa pagtulung-tulong sa mga doktor, natutuhan niya ang panggagamot sa mga simpleng karamdaman. Sa pagbabalik niya sa lalawigan, kahit bawal ay nanggamot siya ng iba't ibang sakit ng mga kababayan.
  • 16. GRACIANO LOPEZ JAENA • Sa panggagamot at pakikisalamuha sa mga maralitang kababayan, napuna niyang marami palang kawalang katarungan ang ipinaparusa ng mga Kastila. Sa maraming pisikal na karamdamang dinaranas ng mga kababayan, napag-alaman niyang dobleng hirap pala ang dinadala ng mga taong nakapaligid sa kaniya. • Dito na nagsimulang magkomentaryo ang propagandista. Lagi niyang ipinaliliwanag sa bawat pasyente ang kawalang katarungan ng mga Kastila.
  • 17. GRACIANO LOPEZ JAENA • Noong 1874 ay pinag-usapan ng marami si Graciano nang isulat niya ang komentaryong "Fray Botod" at "La Hija del Fraile" na naglalarawan sa masasamang pag-uugali ng mga paring Espanyol. Ang nasabing mga artikulo ang dahilan kung bakit hinanap siya ng mga awtoridad upang ipakulong. Upang iligaw ang mga militar, kaagad siyang lumabas ng Pilipinas at nagpunta sa Espanya. • Sa Madrid ay naging pangunahing kritiko si Graciano. Nagsulat siya ng mga opinyon laban sa pamahalaang Kastila na nagpapalakad sa Pilipinas at sa mga prayleng Kastila na humahawak sa Simbahang Katoliko sa bansa.
  • 18. GRACIANO LOPEZ JAENA • Ang pagiging mamamahayag ay ginamit ni Graciano upang mapalawak ang galaw ng propaganda. Pebrero 15, 1889 nang ilathala niya ang La Solidaridad. Naging layunin ng nasabing diyaryong kumalaban sa paninikil, gumawa ng reporma sa lipunan at politika, tumanggap ng mga liberal at progresibong kaisipan, magpakalat ng mga demokratikong pananaw at lumaban upang maipanalo ang hustisya at progreso. • Humigit kumulang sa isang libong talumpati ang nabigkas ng "Prinsipe ng mga Orador" sa Europa. Siyam lamang sa mga ito ang napasama sa koleksiyong Discursos Y Artkulos Varios.
  • 19. GRACIANO LOPEZ JAENA • Upang madagdagan ang pondo ng mga propagandista, pinayuhan ni Jose Rizal ang Orador na magbalik sa Pilipinas noong 1890. • Ang pakikipagpulong ni Graciano sa mga kasapi ng La Junta de la Propaganda ay natiktikan ng mga Kastila kaya agad siyang sumakay sa Bapor San Juan papuntang Hongkong. • Sa pagbabalik ng Orador sa Barcelona ay dinanas niya ang isang libo at isang karalitaan. Buong pagpapakasakit niya itong hinarap alang-alang sa ikapagtatagumpay ng kalayaan.
  • 20. GRACIANO LOPEZ JAENA • Sa pagbabalik ng Orador sa Barcelona ay dinanas niya ang isang libo at isang karalitaan. Buong pagpapakasakit niya itong hinarap alang-alang sa ikapagtatagumpay ng kalayaan. • Sa malayong lugar ng Europa nanghina ang pangangatawan niya. Ikinamatay ni Graciano ang sakit na tuberkulosis noong Enero 20, 1896.
  • 21. ANDRES BONIFACIO Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa. Siya ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino “ at kilala sa tawag na Supremo.
  • 22. ANDRES BONIFACIO • Si Bonifacio ay hindi ipinanganak na mahirap. Ang kanyang ina ay half- Spanish at may sarili siyang tagaturo. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang buhay nang pumanaw ang kanyang mga magulang noong labing apat na taong gulang siya dahilan upang matigil siya sa kanyang pag- aaral. Sa kabila ng kanyang kakulangan sa pormal na edukasyon, tinuruan niya ang kanyang sarili na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog, na naging dahilan upang makakuha siya ng trabaho bilang clerk-messenger sa isang kompanyang Aleman.
  • 23. ANDRES BONIFACIO • Sinasabing interesado si Bonifacio sa klasikong kanluraning rasyonalismo at mahilig magbasa ng mga gawa nina Victor Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Siya ay nagkaroon ng isang malalim na interes sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng Estados Unidos dahilan upang makakuha siya ng isang mahusay na pag- unawa sa mga socio-historical na proseso. Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng kanyang mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982 sa layuning pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa.
  • 24. ANDRES BONIFACIO • Apat na araw pagkatapos ng pagkatatatag ng Liga, noong Hulyo 7, 1892, itinuloy ni Andres Bonifacio ang pakikibaka at nabuo ang Kataastaasan Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Maynila. Ito ay sa kabila ng pagdakip at pagpapaalis ng nga Espanyol kay Jose Rizal isang araw ang nakararaan. Sa isang maliiit na kuwartong naiilawan lamang ng isang lampara isinagawa ang sandugo kung saan ang mga kasapi ay pumirma mula sa dugo ng kanilang mga bisig na sumisimbolo sa kapanganakan ng Katipunan
  • 25. ANDRES BONIFACIO • Ang sandugo ay isang pangako rin ng pag-ibig at kapatiran sa bawat kababayan. Naniniwala ang mga Katipunero na makakamit lamang ang tunay na kaginhawaan at kalayaan kung ang mga tao ay may mabuting kalooban para sa bawat isa. Dahil dito, ang Katipunan ay hindi lamang isang organisasyong may layuning patalsikin ang imperyong Espanyol, ngunit nais nito ang tunay na pagkakaisa sa isip at puso ng mga Tagalog sa ilalim ng isang Inang Bayan na naghahanap ng maliwanag at tuwid na landas.
  • 26. ANDRES BONIFACIO • Natuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan noong Agosto 19, 1896. Nakatakas si Bonifacio at marami pang mga Katipunero sa Manila mula sa paghahanap ng mga Espanyol at humantong ang kanilang pagtakas patungo sa isang baryo sa Caloocan, Balintawak. Armado lamang ng bolo, sibat, paltik, at ilang mga lumang Remington rifle, nagpulong ang mga Katipunero noong Agosto 24, 1896. Ang pulong ay isang magandang simula at dinaluhan ng 500-1,000 katao. Ang kabanatang ito ng rebolusyon ay tinatawag ngayong “Ang Sigaw sa Balintawak” at kilala rin sa tawag na “Ang Sigaw ng Pugad Lawin”.
  • 27. ANDRES BONIFACIO • Sa kalagitnaan ng pulong, bumulusok sa gulo ang debate sa pagitan ng Katipunerong salungat at doon sa pabor sa pag-aalsa. Sa gitna ng kanyang galit dahil sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng kanyang mga tao ay binigkas ni Bonifacio ang mga katagang ito: "Kalayaan o kaalipinan? Kabuhayan o kamatayan? Mga Kapatid: Halina't ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling Kalayaan ". Pagkatapos nito’y pinunit ni Bonifacio ang kanyang cedula at sumigaw ng “Mabuhay ang Katipunan!”. Ang pagsuway na ito sa mga Kastila ay naging isa sa mga pinakamainam sa araw sa kasaysayan ng Pilipinas.
  • 28. ANDRES BONIFACIO • Noong Agosto 30, 1896, pinamunuan ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang pagsalakay sa El Polvorin sa San Juan na siyang imbakan ng pulbura at istasyon ng tubig. Bagamat ang lugar na ito ay maiging binabantayan ng mga armado at bihasang kawal ng Espanyol, nagawa itong makuha ng mga Katipunero. Higit sa 150 na mga Katipunero ang nasawi sa laban, ngunit ang balita ng kanilang tagumpay ay umalingawngaw sa buong archipelago. Ang bayan ng San Juan del Monte ay naging isang pambansang simbolo ng pagkakaisa, kalayaan at isang banal na lugar ng lakas ng loob ng mga Pilipino.
  • 29. EMILIO JACINTO • Si Emilio Jacinto ay isang Heneral ng Pilipinas sa panahon ng Rebolusyong Pilipino. Isa siya sa mga pinakamataas na opisyal ng Rebolusyong Pilipino at isa sa pinakamataas na opisyal ng rebolusyonaryong lipunan ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala sa tawag na Katipunan. Siya ay inihalal na Kalihim ng Estado para sa Haring Bayang Katagalugan, isang rebolusyonaryong gobyerno na itinatag noong sumiklab ang mga labanan.
  • 30. EMILIO JACINTO • Kilala siya sa mga aklat-aralin sa kasaysayan ng Pilipinas bilang Utak ng Katipunan habang ang ilan ay nakikipaglaban na dapat siyang makilala bilang "Utak ng Rebolusyon" (isang pamagat na ibinigay kay Apolinario Mabini). Si Jacinto ay nasa Sigaw ng Balintawak kasama si Andres Bonifacio, ang Kataas-taasang Pangulo ng Katipunan, at iba pang mga miyembro nito na nagpahiwatig ng pagsisimula ng rebolusyon laban sa kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa mga isla.
  • 31. EMILIO JACINTO • Ipinanganak sa Maynila noong Disyembre 15, 1875. Si Jacinto ay mahusay sa parehong Espanyol at Tagalog. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, at sa kalaunan ay lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng abogasiya. Si Manuel Quezon, Sergio Osmeña at Juan Sumulong ay kanyang mga kamag-aral. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo at, sa edad na 19, sumali sa lihim na lipunan na tinatawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim ni Andrés Bonifacio. Sa kalaunan ay kinilala siya bilang Utak ng Katipunan. Siya at si Bonifacio ay nakipagkaibigan rin kay Apolinario Mabini nang sinubukan nilang ipagpatuloy ang La Liga Filipina ni Jose Rizal.
  • 32. EMILIO JACINTO • Sumulat din si Jacinto para sa pahayagang Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Nagsulat siya sa pahayagan sa ilalim ng pangalan na 'Dimasilaw', at ginamit ang alyas 'Pingkian' sa Katipunan. Si Jacinto ang may- akda rin ng Kartilya ng Katipunan. Matapos ang pagpapapatay kay Bonifacio, pinilit ni Jacinto ang pakikibaka ng Katipunan. Tulad ni Heneral Mariano Álvarez, tumanggi siyang sumali sa mga puwersa ni Heneral Emilio Aguinaldo, ang pinuno ng pangkat ng Magdalo ng Katipunan. Si Jacinto ay nanirahan sa Laguna at sumali rin sa milisya na nakikipaglaban sa mga Espanyol. Si Jacinto ay namatay sa sakit na malaria sa Magdalena, Laguna, sa edad na 23. Ang kanyang labi ay inilibing sa Santa Cruz, Laguna, at inilipat sa Manila North Cemetery ilang taon na ang lumipas.
  • 33. EMILIO JACINTO • Noong dekada 1970, ang mga labi ni Jacinto ay inilipat at inihimlay sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon City. Sa dambana ay makikita ang isang tansong iskultura ng isang palabang Jacinto na nakasakay sa isang kabayo sa panahon ng kanyang pagiging isang rebolusyonaryo. Ang isa pang rebulto ni Jacinto ay matatagpuan sa Mehan Garden. Ang wangis ni Jacinto ay ginamit upang maitampok sa lumang 20 pisong papel na ginamit mula 1949 hanggang 1969, at sa lumang 20 sentimos na barya.
  • 34. Apolinario Mabini • Si Apolinario Mabini ay kilala bilang “Dakilang Paralitiko” at “Utak ng Rebolusyon”, Siya ay ipinanganak noong Hulyo 23, 1864 sa Talaga, Tanauan, Batangas. Siya ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Apolinario Mabini
  • 35. Apolinario Mabini • Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa pag-aaral. Sa Maynila noong 1881, nakamit niya ang isang partial scholarship na nagbigay-daan upang makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa Sining noong 1887. Nag-aral din siya ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888 hanggang 1894.
  • 36. Apolinario Mabini • Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay- suporta sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksiyon sa mga repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang kinalaunan ay pinalaya na rin. Nang bumalik sa Pilipinas si Emilio Aguinaldo noong 19 Mayo 1898, pinasundo niya si Mabini sa Laguna at matapos ang kanilang pagpupulong noong 12 Hunyo 1898, si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo.
  • 37. Apolinario Mabini • Isa sa mga pinakamahalagang rekomendasyon ni Mabini ay ang pag-aalis ng Diktadurya ng pamahalaan ni Aguinaldo at ang pagpapalit nito sa isang rebolusyonaryong pamahalaan. Nagsilbi rin siya sa kabinete ni Aguinaldo bilang Pangulo ng Konseho ng nga Kalihim at bilang Kalihim ng Ugnayang Panlabas. Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksiyon sa balangkas ng konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang makabayang diwa ng mga Pilipino.
  • 38. Apolinario Mabini • Nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, tumakas si Mabini papuntang Nueva Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre 1898. Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900. Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan. Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino. Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina. Namatay si Mabini noong 13 Mayo 1903, sa gulang na 39 dahil sa kolera.
  • 39. MELCHORA AQUINO • Si Melchora Aquino ay rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.
  • 40. MELCHORA AQUINO • Ipinanganak si Aquino noong Enero 6, 1812 sa Balintawak. Si Aquino, anak na babae ng isang mag-asawang magsasaka, sina Juan at Valentina Aquino, ay hindi kailanman pumasok sa paaralan. Gayunpaman, sa maagang edad, siya ay likas na matalino at may angking galing bilang isang mang-aawit kung saan nagtatanghal siya sa mga lokal na okasyon gayundin sa Misa para sa kanyang Simbahan. Siya rin ay madalas na mapili para sa papel ni Reyna Elena sa panahon ng "Santacruzan", isang mapang-ayos na palabas na nagpapaalala sa paghahanap ni Empress Helen ng Krus ni Kristo, ipinagdiriwang sa Pilipinas tuwing buwan ng Mayo.
  • 41. MELCHORA AQUINO • Nang maglaon, pinakasalan niya si Fulgencio Ramos, cabeza de barrio (punong barangay), at nagkaroon ng anim na anak. Namatay si Ramos noong pitong taong gulang ang bunso nilang anak at naiwan siyang mag- isang nagtaguyod para sa kanilang mga anak. Ipinagpatuloy ni Aquino ang kanyang buhay bilang isang hermana mayor na aktibo sa pagdiriwang ng mga pista, baptismo, at kasalan. Nagtrabaho siya nang husto upang mabigyan ng edukasyon ang kanyang mga anak.
  • 42. MELCHORA AQUINO • Sa kanyang katutubong bayan, nagtayo si Tandang Sora ng isang tindahan, na naging kanlungan para sa mga may sakit at sugatan na mga rebolusyonaryo. Kinupkop, pinakain, binigyan ng medikal na atensiyon at pinapayohan ang mga rebolusyonaryo at ipinagdarasal. Ang mga lihim na pagpupulong ng Katipuneros (mga rebolusyonaryo) ay ginanap din sa kanyang bahay. Sa gayon ay nakuha niya ang mga bansag na "Babae ng Rebolusyon", "Ina ng Balintawak", "Ina ng Rebolusyong Pilipino", at Tandang Sora (ang Tandang ay nagmula sa salitang Tagalog na matandâ, na nangangahulugang matanda).
  • 43. MELCHORA AQUINO • Siya at ang kanyang anak, si Juan Ramon, ay naroon sa Sigaw ng Balintawak at mga saksi sa pagpunit ng mga cedula. Nang malaman ng mga Espanyol ang tungkol sa kanyang mga gawain at ang kanyang kaalaman sa kinaroroonan ng Katipuneros, siya ay siniyasat ngunit tumanggi siyang ibunyag ang anumang impormasyon. Pagkatapos ay inaresto siya ng guardia civil at ipinatapon sa Guam, Marianas Islands, kung saan siya at isang babae na nagngangalang Segunda Puentes ay inilagay sa ilalim ng house arrest sa tirahan ng isang Don Justo Dungca.
  • 44. MELCHORA AQUINO • Pagkaraang kontrolin ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1898, si Tandang Sora, tulad ng iba pang mga bihag, ay bumalik sa Pilipinas hanggang sa kanyang kamatayan noong Marso 2, 1919, sa edad na 107. Ang kanyang labi ay inilipat sa kanyang sariling likuran (na kilala ngayon bilang Himlayang Pilipino Memorial Park, Quezon City).
  • 45. MELCHORA AQUINO Si Emilio Aguinaldo ay isang rebolusyonaryong Filipino, politiko, at isang lider ng militar na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas (1899-1901) at unang presidente ng isang konstitusyunal na republika sa Asya. Pinamunuan niya ang puwersa ng Pilipinas sa unang laban sa Espanya noong mga huling taon ng Rebolusyong Pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa Digmaang Espanyol- Amerikano (1898), at sa wakas ay laban sa Estados Unidos sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1901). Siya ay nahuli sa Palanan, Isabela ng puwersang Amerikano noong Marso 23, 1901, dahilan upang magtapos ang kanyang pagkapangulo. Emilio Aguinaldo
  • 46. Emilio Aguinaldo • Noong 1935, tumakbo si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Philippine Commonwealth subalit siya ay natalo ni Manuel Quezon. Matapos sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas noong 1941, nakipagtulungan siya sa mga bagong pinuno at umapila pa sa radyo para sa pagsuko ng mga puwersa ng Amerikano at Pilipino sa Bataan. Siya ay naaresto bilang isang tagatulong ng mga Hapones matapos ang mga Amerikano ay bumalik ngunit sa kalaunan ay napalaya sa isang pangkalahatang amnestiya.
  • 47. Emilio Aguinaldo • Si Emilio Aguinaldo ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa Cavite el Viejo (kilala ngayon sa tawag na Kawit, Cavite). Ang mga magulang niya na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy Aguinaldo ay mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino at may kaya sa buhay. Ang kanyang ama ay ang inatasang gobernadorcillo ng komunidad (munisipal na gobernador) sa administrasyon ng Espanyol kolonyal. Nag- aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de Letran ngunit hindi niya nagawang tapusin ito dahil sa pagsiklab ng kolera noong 1882. Si Emilio ay naging "Cabeza de Barangay" ng Binakayan, isang punong baryo ng Cavite el Viejo noong siya ay 17 taong gulang lamang upang maiwasan ang pagiging sapilitang kawal.
  • 48. Emilio Aguinaldo • Noong 1895 ipinatupad ang Maura Law para sa bagong tatag na lokal na pamahalaan. Sa edad na 25, si Aguinaldo ay naging unang "gobernadorcillo capitan municipal" (Municipal Gobernador- Captain) ng Cavite el Viejo habang nasa business trip sa Mindoro.
  • 49. Emilio Aguinaldo • Noong Enero 1, 1896, pinakasalan niya si Hilaria del Rosario (1877-1921), ito ay ang kanyang ikatlong asawa. Sila ay may limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio "Jun" R. Aguinaldo Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel Aguinaldo. Si Hilaria ay namatay sa sakit na ketong noong Marso 6, 1921 sa edad na 44. Siyam na taon ang nakalipas, noong Hulyo 14, 1930, pinakasalan ni Aguinaldo si Maria Agoncillo sa Barasoain Church. Namatay si Maria Agoncillo noong Mayo 29, 1963, isang taon bago si Aguinaldo mismo ay namayapa rin noong Pebrero 6, 1964.
  • 50. Gawain 1 Panuto: Itambal ang mga katawagan sa hanay A sa mga bayaning Pilipino sa hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Natatanging Pilipino na Lumaban sa Kalayaan Hanay A Hanay B 1. Utak ng Katipunan A. Jose Rizal 2. Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino B. Marcelo H. del Pilar 3. Prinsipe ng mga Orador C. Graciano Lopez Jaena 4. Dakilang Paralitiko D. Andres Bonifacio 5. May-akda ng Noli Me Tangere E. Emilio Jacinto at El Filibusterismo F. Apolinario Mabini
  • 51. Gawain 2 Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat sa inyong sagutang papel.
  • 52. Gawain 3 Panuto: Nasa loob ng kahon ang pangalan ng mga bayaning nakipaglaban tungo sa kalayaan. Kulungin ito ng guhit. Maaaring patayo, pahiga, o dayagonal.
  • 53. Tayahin Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag at isulat sa sagutang papel. 1. Ang dahilan ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Español? A. Ang labis na pang-aapi at pagmamalabis ng mga Español. B. Ang hindi pantay na pagtingin ng mga Español sa mga Pilipino. C. Ang likas na pagnanais o mithiin ng mga Pilipino na maging malaya. D. Lahat ng nabanggit 2. Si Marcelo H. del Pilar na kilala sa tawag na Plaridel ay nakipaglaban din sa mga Español upang makamit natin ang kalayaan Paano niya ito isinagawa? A. sa pamamagitan ng pamamahayag B. sa pamamagitan ng armadong pakikipaglaban C. sa pamamagitan ng pagsasadula sa buhay ng mga Español D. sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo sa mga Español 3. Sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipinong nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa sa kamay ng mga Español. Ano ang kilusang binuo ng mga nabanggit? A. KKK C. Kilusang Propaganda B. Batas Militar D. La Liga Filipina
  • 54. Tayahin Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag at isulat sa sagutang papel. 4. Hindi sumang-ayon sa layunin ng Katipunan? A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal B. Emilio Jacinto D. Ladislao Diwa 5. Ang tinaguriang ina ng mga Katipunero at kilala sa tawag na Tandang Sora. A. Josefa Llanes Escoda C. Marcela Agoncillo B. Gabriela Silang D. Melchora Aquino 6. Ang petsa kung kailan lihim na nagtagpo sa isang bahay sa Azcarraga sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata at iba pa upang itatag ang Katipunan. A. Hunyo 7, 1892 C. Hulyo 7, 1892 B. Hulyo 7, 1890 D. Hulyo 17, 1892 7. Ginamit niya ang alyas na “Pingkian” sa Katipunan at siya rin ang may-akda ng Kartilya ng Katipunan. A. Andres Bonifacio C. Emilio Jacinto B. Apolinario Mabini D. Emilio Aguinaldo
  • 55. Tayahin Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat pahayag at isulat sa sagutang papel. 8. Isang rebolusyonaryong Filipino, politico at isang lider ng military na kinikilala bilang opisyal na unang Pangulo ng Pilipinas. A. Emilio Aguinaldo C. Graciano Lopez Jaena B. Emilio Jacinto D. Marcelo H. del Pilar 9. Ang bayaning Pilipino na muling dinakip at ipinatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino dahil sa kanyang artikulong, “El Simil de Alejandro” ? A. Apolinario Mabini C. Graciano Lopez Jaena B. Emilio Jacinto D. Marcelo H. del Pilar 10. Ang dahilan ng kilusang KKK? A. Limitado ang edukasyon. B. Walang reporma na ipinatupad ang mga Español. C. Kawalan ng hustisya at kalupitan ng mga guwardiya sibil. D. Lahat ng nabanggit