ANG KILUSANG
PROPAGANDA (1872)
Ang kilusang propaganda (1872)
Ang pagkakabitay kina padre burgos,
gomez at zamora ang nagbigay daan sa
pag- unlad ng hindi namamalayang
damdaming nasyonalismo ng mga
pilipino.
Bunsod ng lumalang kalagayan ng mga
pilipino matapos ang pag-aalsa sa
cavite noong 1872, ang mga pilipinong
ilustrado ay nagbuklod-buklod at
nagkaisang ipaglaban ang mga
karapatan ng mga mamamayang
pilipino
. Ito ang nagpasimula ng paglulunsad
ng kilusang propaganda. Isinagawa nila
ang kanilang pangagampanya sa
pamamagitan ng pagsusulat
MGA BAGAY NA IKINAMPANYA NG MGA
REPORMISTA
• Pagkakapantay-pantay ng mga pilipino at kastila sa pagpapatupad ng
batas
• Asimilisasyon ng pilipinas bilang isang lalawigan ng spain
• Restorasyon ng representasyon ng kapuluan sa spanish cortes
• Pilipinisasyon ng mga parokya ng pilipinas at pagpapaalis sa mga
kastilang prayle
• Pagkakaloob ng karapatan sa mga pilipino lalo na ng karapatang
magpahayag ng opinyon, damdamin o hinaing pasalita man o pasulat
ANG LA SOLIDARIDAD
Upang makamtan ang layunin ng Kilusang
Propaganda, ang pahayagang La Solidaridad ay
kanilang itinatag sa Spain. Ito ang naging opisyal na
pahayagan ng kilusan. Una itong inilathala sa
Barcelona noong Pebrero 15, 1889 samantalang ang
huling isyu nito ay inilabas noong Nobyembre 1895.
ANG LA SOLIDARIDAD
Si Graciano Lopez Jaena ang naging unang
patnugot nito na sinundan naman ni Marcelo
H. del Pilar. Naging mahigpit ang sensura ng
pahayagan sa Pilipinas ngunit may ilang
kopya pa ring nakapasok sa bansa.
Ang sumusunod na pahayag ay sipi mula sa
pahayagang La Solidaridad na inilathala noong
Abril 15, 1889. Ito ay nagpaliwanag ng mga layunin
ng pahayagan at adhikain ng mga propagandista.
Ito ay isinalin sa Ingles ni Guadalupe Fores-Ganzon
The Aspirations of Filipinos
His Excellency, the Minister of Colonies
Your Excellency,
The Spanish-Filipino association in Madrid; the
Solidaridad, an association of Filipinos living in
Catalonia; La Solidaridad, a newspaper published in
Barcelona, and various Spaniards whose signatures
appear below, have the honor to submit toYour
Excellency this petition.
During the last few years, the culture of the Philippines has
been developing in such a way that it is now equal to that of
the other provinces of Spain.The time has come therefore to
grant to that Spanish region (Philippines) the fundamental
rights enjoyed by every Spaniards, such as:
1. Representation in the Cortes
2. Abolition of censorship
Cortes - lehislatura ng pamahalaang Espanya Censorship -
pagpun at pagbawal sa anumang pahayagan at ibang
publikasyon Ministers of Colonies
- Pamunuan ng Spain na namamahala sa administrasyon
ng mga kolonya
3. Speedy and final probibition of the current practice...
(of) deporting citizens.
In view thereof, the petitioners have the honor to request
the Minister of colonies to do everything possible so that
there may be an immediate application in the
Philippines of all laws which guarantee said rights.
Barcelona, 2 April 1889
Asociacion Hispano-Filipino
Upang higit pang mapaigting ang kanilang
kampanya para sa kalayaan ng mga Pilipino sa pang-
aabuso ng mga Kastilang namamahala sa kapuluan,
itinatag ng mga Pilipino at Kastilang naninirahan sa
Madrid, Spain ang samahang Asociacion Hispano-
Filipino na pinamunuan ni Don Miguel de Morayta.
Ang samahan ay binubuo ng tatlong
seksyon: ang seksyong pulitikal sa ilalim
ng pamumuno ni Marcelo H. del Pilar,
seksyong pagsusulat sa ilalim ng
pangangasiwa ni Mariano Ponce, at
seksyong isports sa ilalim ng
pangangasiwa ni Tomas Arejola.
Graciano Lopez Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ay nag-aral ng teyolohiya sa Jaro, Iloilo ngunit hindi niya
naipagpatuloy ang propesyon. Nagtungo siya sa Maynila upang mag- aral ng medisina
ngunit hindi naman siya tinanggap sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang dahil dito, siya ay
nagsilbi na lamang bilang apprentice ng mga manggagamot sa Ospital ng San Juan de
Dios. Hindi pa siya nakatatapos ng pag-aaral nang kinailangan niyang umuwi sa Iloilo
bunsod ng kawalan ng pantustos sa pag-aaral. Sa Jaro, siya ay nanggamot sa mga baryo at
barangay gamit ang kung anumang kaniyang natutunan. Sa kaniyang paglilingkod,
namasdan niya ang pang-aabuso ng mga prayle (Kastilang pari).
Mga Repormista at Kanilang Ambag sa Pagpapaunlad ng
Damdaming Nasyonalismo
Graciano Lopez Jaena
Dala ang damdaming ito, isinulat ni Jaena ang Fray Botod (Kabag o
Tabatsoy). Sa akdang ito, inilarawan niya ang mga prayle bilang bundat
na matakaw, mapang-api, masiba at mapang-abuso. Ang akdang ito ay
hindi inilathala, ngunit, maraming sipi ang umikot sa kabisayaan. Matapos
ito, hindi na napigil si Jaena sa pagsusulat.
Pinagpilitan din niyang ilathala ang tunay na kamatayan ng alkalde ng
Pototan ar mga bilanggong katutubo na tumakas patungong Spain.
Mga Repormista at Kanilang Ambag sa Pagpapaunlad ng
Damdaming Nasyonalismo
MARCELO H. DEL PILAR
Si Marcelo H. del Pilar ay nag-aral sa Kolehiyo ng
San Jose at nagtapos naman ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay kilala
bilang isang bantog na manunulat,
mamamahayag at abogado. Siya ang naging
pangalawang patnugot ng La Solidaridad na
kilala sa pangalang "Plaridel."
MARCELO H. DEL PILAR
Si del Pilar ay ipinakulong ng mga relihiyosong
prayle ng tatlumpung araw matapos nitong
kuwestiyunin o pagdudahan ang magastos na
bayad sa pagpapabinyag sa paring parokya sa
simbahang San Miguel.
MARCELO H. DEL PILAR
Noong 1882, siya ay isa sa nagtatag ng Diariong
Tagalog, ang unang bilingual na pahayagan ng
Pilipinas. Bilang isang mamamahayag, tinuligsa ni
del Pilar ang mga katiwalian ng mga prayle sa
kaniyang mga artikulo na karaniwang satiriko. Dahil
dito, ipinag-utos ng may kapangyarihan na siya ay
hulihin. Ito ay kaniyang natunugan kung kaya't siya
ay kaagad na umalis patungong Spain noong 1888.
JOSE RIZAL
Nag-aral si Jose Rizal sa Ateneo Municipal, Unibersidad ng
Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid.
Itinatag niya ang La Liga Filipina noong 1892 sa Ilaya,Tondo
upang maging instrumento tungo sa pagkakaisa ng mga
Pilipino. Isinulat din niya ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Sa Noli Me Tangere, pinuna niya ang mga
negatibo at positibong gawain ng mga Kastila pati na ang
pagiging mapamahin at kawalan ng pagsisikap ng mga
Pilipino.
JOSE RIZAL
Samantala, sa El Filibusterismo, inilahad ni Rizal ang
kaniyang pagtanggi sa paggamit ng dahas sa
pagkakamit ng mga repormang ninanais upang
mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Ang
pagbabasa ng mga aklat na ito ay mahigpit na
ipinagbawal ng mga Kastila kung kaya't palihim
lamang itong nabasa ng maraming Pilipino.
JOSE RIZAL
Nang mabigo ang Kilusang Propaganda, bumalik
si Jose Rizal sa Pilipinas sa pangako ng
pamahalaan ng Spain na hindi na siya
gagambalain. Sa pagkakataong ito, itinatag
naman niya ang La Liga Filipina.
ANG LA LIGA FILIPINA
Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal sa bahay ni Doroteo
Ongjunco sa Ilaya, Tondo, Maynila noong Hulyo 3, 1892. Ang
sumusunod ang layunin ng samahan:
1. Pagbuklurin ang mga Pilipino upang matamo ang pagkakaisa para sa
kapakanan ng lahat.
2. Paglilinang ng samahang magtutulungan sa lahat ng
pangangailangan laban sa pang-aabuso, kalupitan at kawalang
katarungan sa bansa.
3. Pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura at komersiyo
4. Paghiling ng pagpapatupad sa mga repormang kinakailangan upang
mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
ANG LA LIGA FILIPINA
Ang samahan ay kinatakutan at pinangambahan ng
mga Kastila bilang isang rebolusyonaryong kilusan.
Noong Hulyo 6, 1892, si Rizal ay ipinadakip ng mga
Kastila at ipinakulong sa Fort Santiago at tuloy na
ipinatapon sa Dapitan, Mindanao. Sa pagsiklab ng
himagsikan noong 1896, siya ay pinaratangang pinuno
ng mga nagsipaghimagsik. Siya ay nilitis ng hukumang
militar at hinatulan ng kamatayan noong Disyembre
30, 1896 sa Bagumbayan, na Luneta na sa kasalukuyan.
Basahin at suriin ang maikling bahagi ng sipi
mula sa artikulong La Indolencia delos Filipinos
(The Indolence of the Filipinos) na isinulat ni Dr.
Jose Rizal sa La Solidaridad. Ito ay isinalin sa
Ingles ni Charles Derbyshire.
JOSE P. RIZAL, "ON THE INDOLENCE OF THE FILIPINOS" 31 AGOSTO
1890, LA SOLIDARIDAD 11,39;419
The lack of national sentiment (1) brings another evil, moreover which is the absence of
all opposition to measures prejudicial to the people and the absence of any initiative in
whatever may redound to its good. A man in the Philippines is only an individual. he is
not a member of a nation. (2) He is forbidden and denied the right of association, and is,
therefore, weak and sluggish.The Philippines is therefore, weak and sluggish,The
Philippines is an organism whose cells seem to have no arterial systems to irrigate it or
nervous system tocommunicate its impressions...
ANG IBA PANG
REPORMISTA
ANG IBA PANG REPORMISTA
Si Juan Luna ay kilalang pintor, iskultor at aktibista ng rebolusyong Pilipino noong ika-19
na siglo. Siya ay kinilalang kauna-unahang artistang Pilipino.
Si Juan Luna ay nagtapos ng kursong Theoretical and Practical Sailing sa Escuela Nautica
noong 1869. Habang nagpapabalik-balik sa mga daungan ng Hong Kong, Amoy,
Singapore, Colombo and Batavia, siya ay nag-aral din ng pagpipinta sa Academia de
Dibujo y Pintura. Hindi naglaon, siya ay nag-aral din ng pribadong pagpipinta sa ilalim
ng pagtuturo ni Lorenzo Guerrero na nakatuklas ng kaniyang husay sa pagpipinta. Dahil
dito, si Juan Luna ay ipinadala ng kaniyang mga magulang sa Madrid, Spain noong 1877.
ANG IBA PANG REPORMISTA
Si Juan Luna ay nakilahok sa mga paligsahan sa pagpipinta sa iba't ibang bansa sa
Europa hanggang sa makamit niya ang medalyang tanso para sa kaniyang obrang
"Dafnis y Chloe," at "Death of Cleopatra." Dahil sa mga parangal na kaniyang
natanggap, si Juan Luna ay pinagkalooban ng Ayuntamiento de Manila ng apat na taon
pang iskolarship sa Madrid sa larangan ng pagpipinta. Noong 1883, sinimulan niyang
ipinta ang "Spolarium," na kaniyang isinali sa paligsahan ng
Madrid Art Exposition. Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang "Spoliarium" ay simbolo ng
pagpaparamdam ni Juan Luna sa pang-aabuso ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang
"Spoliarium" ay nagkaloob kay Juan Luna ng gintong medalya.
ANG IBA PANG REPORMISTA
Nang itatag ni Emilio Aguinaldo ang Republika ng Pilipinas, si Juan Luna ay itinalaga
bilang diplomatikong kinatawan ng bansa sa Hong Kong junta at hindi naglaon ay
naging miyembro ng diplomatikong misyon ng bansa sa Paris at Estados Unidos.
ANG IBA PANG REPORMISTA
Si Mariano Ponce ay nagtapos ng Bachelor of Arts sa Colegio de San Juan de Letran at
nagtapos naman ng medisina sa Unibersidad Central de Madrid. Kilala siya bilang isang
propagandista, manunulat, manggagamot at higit sa lahat ay tanyag na repormista.
Sa panahon ng kaniyang pag-aaral sa Spain, sumapi si Mariano Ponce sa Kilusang
Propaganda. Isa siya sa mga sumusulat ng artikulo sa La Solidaridad na nakatago sa
pangalang Naning, Kalipulako at Tikbalang.
Dahil dito, siya ay nakulong noong Agosto 1896 at muling pinawalan matapos ang ilang
buwan. Sa takot na muling ipadakip, siya ay nagtungo sa France at hindi naglaon ay
tumungo naman sa Hong Kong kung saan siya sumanib sa iba pang Pilipinong
rebolusyonaryo.
Noong 1898, siya ay itinalaga ni Aguinaldo bilang kinatawan ng Republika ng Pilipinas
sa Japan upang mangalap ng tulong at mamili ng mga armas. Noong 1909, si Ponce ay
itinalaga naman bilang direktor ng El Renacimiento, pahayagan ng bansa noong mga
unang panahon ng okupasyon ng mga Amerikano. Sumanib din siya sa Partido
Nasyonalista at itinatag ang El Ideal, ang pangunahing pahayagan ng partido. Hindi
naglaon, siya ay nahalal bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Bulacan.
Kinahinatnan ng Kilusang Propaganda
Sa pangkalahatan, hindi nagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa kanilang mga
pangunahing adhikain. Gayunpaman, nakatulong din naman ang kilusan sa ilang maliliit
na bagay tulad ng sumusunod:
➤ Pagwawakas ng monopolyo sa tabako
➤ Pagpapalit ng tributo sa pagbubuwis gamit ang cedula
➤ Pagbabawas ng oras sa pagpapatupad ng polo mula 40 oras sa 15 oras sa loob ng
isang taon
Sa kabila ng pagpupursigi ng mga repormista,
hindi nila nakumbinsi ang mga Kastila na
magkaloob ng mahahalagang reporma. Sa halip,
ang mga kasapi ng kilusan ay naaresto o
napilitang tumakas sa ibang bansa upang
makaiwas sa bitay, Bukod pa rito, ang ilan naman
ay nangamatay dahil sa sakit at kawalan ng
pondo sa paglalathala ng La Solidaridad.

propagandista.pptxdffdsdfghjlk,jmrnstyjuk

  • 1.
  • 2.
    Ang kilusang propaganda(1872) Ang pagkakabitay kina padre burgos, gomez at zamora ang nagbigay daan sa pag- unlad ng hindi namamalayang damdaming nasyonalismo ng mga pilipino.
  • 3.
    Bunsod ng lumalangkalagayan ng mga pilipino matapos ang pag-aalsa sa cavite noong 1872, ang mga pilipinong ilustrado ay nagbuklod-buklod at nagkaisang ipaglaban ang mga karapatan ng mga mamamayang pilipino
  • 4.
    . Ito angnagpasimula ng paglulunsad ng kilusang propaganda. Isinagawa nila ang kanilang pangagampanya sa pamamagitan ng pagsusulat
  • 5.
    MGA BAGAY NAIKINAMPANYA NG MGA REPORMISTA • Pagkakapantay-pantay ng mga pilipino at kastila sa pagpapatupad ng batas • Asimilisasyon ng pilipinas bilang isang lalawigan ng spain • Restorasyon ng representasyon ng kapuluan sa spanish cortes • Pilipinisasyon ng mga parokya ng pilipinas at pagpapaalis sa mga kastilang prayle • Pagkakaloob ng karapatan sa mga pilipino lalo na ng karapatang magpahayag ng opinyon, damdamin o hinaing pasalita man o pasulat
  • 6.
    ANG LA SOLIDARIDAD Upangmakamtan ang layunin ng Kilusang Propaganda, ang pahayagang La Solidaridad ay kanilang itinatag sa Spain. Ito ang naging opisyal na pahayagan ng kilusan. Una itong inilathala sa Barcelona noong Pebrero 15, 1889 samantalang ang huling isyu nito ay inilabas noong Nobyembre 1895.
  • 7.
    ANG LA SOLIDARIDAD SiGraciano Lopez Jaena ang naging unang patnugot nito na sinundan naman ni Marcelo H. del Pilar. Naging mahigpit ang sensura ng pahayagan sa Pilipinas ngunit may ilang kopya pa ring nakapasok sa bansa.
  • 8.
    Ang sumusunod napahayag ay sipi mula sa pahayagang La Solidaridad na inilathala noong Abril 15, 1889. Ito ay nagpaliwanag ng mga layunin ng pahayagan at adhikain ng mga propagandista. Ito ay isinalin sa Ingles ni Guadalupe Fores-Ganzon
  • 9.
    The Aspirations ofFilipinos His Excellency, the Minister of Colonies Your Excellency, The Spanish-Filipino association in Madrid; the Solidaridad, an association of Filipinos living in Catalonia; La Solidaridad, a newspaper published in Barcelona, and various Spaniards whose signatures appear below, have the honor to submit toYour Excellency this petition.
  • 10.
    During the lastfew years, the culture of the Philippines has been developing in such a way that it is now equal to that of the other provinces of Spain.The time has come therefore to grant to that Spanish region (Philippines) the fundamental rights enjoyed by every Spaniards, such as: 1. Representation in the Cortes 2. Abolition of censorship Cortes - lehislatura ng pamahalaang Espanya Censorship - pagpun at pagbawal sa anumang pahayagan at ibang publikasyon Ministers of Colonies
  • 11.
    - Pamunuan ngSpain na namamahala sa administrasyon ng mga kolonya 3. Speedy and final probibition of the current practice... (of) deporting citizens. In view thereof, the petitioners have the honor to request the Minister of colonies to do everything possible so that there may be an immediate application in the Philippines of all laws which guarantee said rights. Barcelona, 2 April 1889
  • 12.
    Asociacion Hispano-Filipino Upang higitpang mapaigting ang kanilang kampanya para sa kalayaan ng mga Pilipino sa pang- aabuso ng mga Kastilang namamahala sa kapuluan, itinatag ng mga Pilipino at Kastilang naninirahan sa Madrid, Spain ang samahang Asociacion Hispano- Filipino na pinamunuan ni Don Miguel de Morayta.
  • 13.
    Ang samahan aybinubuo ng tatlong seksyon: ang seksyong pulitikal sa ilalim ng pamumuno ni Marcelo H. del Pilar, seksyong pagsusulat sa ilalim ng pangangasiwa ni Mariano Ponce, at seksyong isports sa ilalim ng pangangasiwa ni Tomas Arejola.
  • 14.
    Graciano Lopez Jaena SiGraciano Lopez Jaena ay nag-aral ng teyolohiya sa Jaro, Iloilo ngunit hindi niya naipagpatuloy ang propesyon. Nagtungo siya sa Maynila upang mag- aral ng medisina ngunit hindi naman siya tinanggap sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang dahil dito, siya ay nagsilbi na lamang bilang apprentice ng mga manggagamot sa Ospital ng San Juan de Dios. Hindi pa siya nakatatapos ng pag-aaral nang kinailangan niyang umuwi sa Iloilo bunsod ng kawalan ng pantustos sa pag-aaral. Sa Jaro, siya ay nanggamot sa mga baryo at barangay gamit ang kung anumang kaniyang natutunan. Sa kaniyang paglilingkod, namasdan niya ang pang-aabuso ng mga prayle (Kastilang pari). Mga Repormista at Kanilang Ambag sa Pagpapaunlad ng Damdaming Nasyonalismo
  • 15.
    Graciano Lopez Jaena Dalaang damdaming ito, isinulat ni Jaena ang Fray Botod (Kabag o Tabatsoy). Sa akdang ito, inilarawan niya ang mga prayle bilang bundat na matakaw, mapang-api, masiba at mapang-abuso. Ang akdang ito ay hindi inilathala, ngunit, maraming sipi ang umikot sa kabisayaan. Matapos ito, hindi na napigil si Jaena sa pagsusulat. Pinagpilitan din niyang ilathala ang tunay na kamatayan ng alkalde ng Pototan ar mga bilanggong katutubo na tumakas patungong Spain. Mga Repormista at Kanilang Ambag sa Pagpapaunlad ng Damdaming Nasyonalismo
  • 16.
    MARCELO H. DELPILAR Si Marcelo H. del Pilar ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Jose at nagtapos naman ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya ay kilala bilang isang bantog na manunulat, mamamahayag at abogado. Siya ang naging pangalawang patnugot ng La Solidaridad na kilala sa pangalang "Plaridel."
  • 17.
    MARCELO H. DELPILAR Si del Pilar ay ipinakulong ng mga relihiyosong prayle ng tatlumpung araw matapos nitong kuwestiyunin o pagdudahan ang magastos na bayad sa pagpapabinyag sa paring parokya sa simbahang San Miguel.
  • 18.
    MARCELO H. DELPILAR Noong 1882, siya ay isa sa nagtatag ng Diariong Tagalog, ang unang bilingual na pahayagan ng Pilipinas. Bilang isang mamamahayag, tinuligsa ni del Pilar ang mga katiwalian ng mga prayle sa kaniyang mga artikulo na karaniwang satiriko. Dahil dito, ipinag-utos ng may kapangyarihan na siya ay hulihin. Ito ay kaniyang natunugan kung kaya't siya ay kaagad na umalis patungong Spain noong 1888.
  • 19.
    JOSE RIZAL Nag-aral siJose Rizal sa Ateneo Municipal, Unibersidad ng Santo Tomas at Unibersidad Central de Madrid. Itinatag niya ang La Liga Filipina noong 1892 sa Ilaya,Tondo upang maging instrumento tungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Isinulat din niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa Noli Me Tangere, pinuna niya ang mga negatibo at positibong gawain ng mga Kastila pati na ang pagiging mapamahin at kawalan ng pagsisikap ng mga Pilipino.
  • 20.
    JOSE RIZAL Samantala, saEl Filibusterismo, inilahad ni Rizal ang kaniyang pagtanggi sa paggamit ng dahas sa pagkakamit ng mga repormang ninanais upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Ang pagbabasa ng mga aklat na ito ay mahigpit na ipinagbawal ng mga Kastila kung kaya't palihim lamang itong nabasa ng maraming Pilipino.
  • 21.
    JOSE RIZAL Nang mabigoang Kilusang Propaganda, bumalik si Jose Rizal sa Pilipinas sa pangako ng pamahalaan ng Spain na hindi na siya gagambalain. Sa pagkakataong ito, itinatag naman niya ang La Liga Filipina.
  • 22.
    ANG LA LIGAFILIPINA Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal sa bahay ni Doroteo Ongjunco sa Ilaya, Tondo, Maynila noong Hulyo 3, 1892. Ang sumusunod ang layunin ng samahan: 1. Pagbuklurin ang mga Pilipino upang matamo ang pagkakaisa para sa kapakanan ng lahat. 2. Paglilinang ng samahang magtutulungan sa lahat ng pangangailangan laban sa pang-aabuso, kalupitan at kawalang katarungan sa bansa. 3. Pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura at komersiyo 4. Paghiling ng pagpapatupad sa mga repormang kinakailangan upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
  • 23.
    ANG LA LIGAFILIPINA Ang samahan ay kinatakutan at pinangambahan ng mga Kastila bilang isang rebolusyonaryong kilusan. Noong Hulyo 6, 1892, si Rizal ay ipinadakip ng mga Kastila at ipinakulong sa Fort Santiago at tuloy na ipinatapon sa Dapitan, Mindanao. Sa pagsiklab ng himagsikan noong 1896, siya ay pinaratangang pinuno ng mga nagsipaghimagsik. Siya ay nilitis ng hukumang militar at hinatulan ng kamatayan noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan, na Luneta na sa kasalukuyan.
  • 24.
    Basahin at suriinang maikling bahagi ng sipi mula sa artikulong La Indolencia delos Filipinos (The Indolence of the Filipinos) na isinulat ni Dr. Jose Rizal sa La Solidaridad. Ito ay isinalin sa Ingles ni Charles Derbyshire.
  • 25.
    JOSE P. RIZAL,"ON THE INDOLENCE OF THE FILIPINOS" 31 AGOSTO 1890, LA SOLIDARIDAD 11,39;419 The lack of national sentiment (1) brings another evil, moreover which is the absence of all opposition to measures prejudicial to the people and the absence of any initiative in whatever may redound to its good. A man in the Philippines is only an individual. he is not a member of a nation. (2) He is forbidden and denied the right of association, and is, therefore, weak and sluggish.The Philippines is therefore, weak and sluggish,The Philippines is an organism whose cells seem to have no arterial systems to irrigate it or nervous system tocommunicate its impressions...
  • 26.
  • 27.
    ANG IBA PANGREPORMISTA Si Juan Luna ay kilalang pintor, iskultor at aktibista ng rebolusyong Pilipino noong ika-19 na siglo. Siya ay kinilalang kauna-unahang artistang Pilipino. Si Juan Luna ay nagtapos ng kursong Theoretical and Practical Sailing sa Escuela Nautica noong 1869. Habang nagpapabalik-balik sa mga daungan ng Hong Kong, Amoy, Singapore, Colombo and Batavia, siya ay nag-aral din ng pagpipinta sa Academia de Dibujo y Pintura. Hindi naglaon, siya ay nag-aral din ng pribadong pagpipinta sa ilalim ng pagtuturo ni Lorenzo Guerrero na nakatuklas ng kaniyang husay sa pagpipinta. Dahil dito, si Juan Luna ay ipinadala ng kaniyang mga magulang sa Madrid, Spain noong 1877.
  • 28.
    ANG IBA PANGREPORMISTA Si Juan Luna ay nakilahok sa mga paligsahan sa pagpipinta sa iba't ibang bansa sa Europa hanggang sa makamit niya ang medalyang tanso para sa kaniyang obrang "Dafnis y Chloe," at "Death of Cleopatra." Dahil sa mga parangal na kaniyang natanggap, si Juan Luna ay pinagkalooban ng Ayuntamiento de Manila ng apat na taon pang iskolarship sa Madrid sa larangan ng pagpipinta. Noong 1883, sinimulan niyang ipinta ang "Spolarium," na kaniyang isinali sa paligsahan ng Madrid Art Exposition. Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang "Spoliarium" ay simbolo ng pagpaparamdam ni Juan Luna sa pang-aabuso ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang "Spoliarium" ay nagkaloob kay Juan Luna ng gintong medalya.
  • 29.
    ANG IBA PANGREPORMISTA Nang itatag ni Emilio Aguinaldo ang Republika ng Pilipinas, si Juan Luna ay itinalaga bilang diplomatikong kinatawan ng bansa sa Hong Kong junta at hindi naglaon ay naging miyembro ng diplomatikong misyon ng bansa sa Paris at Estados Unidos.
  • 30.
    ANG IBA PANGREPORMISTA Si Mariano Ponce ay nagtapos ng Bachelor of Arts sa Colegio de San Juan de Letran at nagtapos naman ng medisina sa Unibersidad Central de Madrid. Kilala siya bilang isang propagandista, manunulat, manggagamot at higit sa lahat ay tanyag na repormista. Sa panahon ng kaniyang pag-aaral sa Spain, sumapi si Mariano Ponce sa Kilusang Propaganda. Isa siya sa mga sumusulat ng artikulo sa La Solidaridad na nakatago sa pangalang Naning, Kalipulako at Tikbalang.
  • 31.
    Dahil dito, siyaay nakulong noong Agosto 1896 at muling pinawalan matapos ang ilang buwan. Sa takot na muling ipadakip, siya ay nagtungo sa France at hindi naglaon ay tumungo naman sa Hong Kong kung saan siya sumanib sa iba pang Pilipinong rebolusyonaryo. Noong 1898, siya ay itinalaga ni Aguinaldo bilang kinatawan ng Republika ng Pilipinas sa Japan upang mangalap ng tulong at mamili ng mga armas. Noong 1909, si Ponce ay itinalaga naman bilang direktor ng El Renacimiento, pahayagan ng bansa noong mga unang panahon ng okupasyon ng mga Amerikano. Sumanib din siya sa Partido Nasyonalista at itinatag ang El Ideal, ang pangunahing pahayagan ng partido. Hindi naglaon, siya ay nahalal bilang kongresista ng ikalawang distrito ng Bulacan. Kinahinatnan ng Kilusang Propaganda
  • 32.
    Sa pangkalahatan, hindinagtagumpay ang Kilusang Propaganda sa kanilang mga pangunahing adhikain. Gayunpaman, nakatulong din naman ang kilusan sa ilang maliliit na bagay tulad ng sumusunod: ➤ Pagwawakas ng monopolyo sa tabako ➤ Pagpapalit ng tributo sa pagbubuwis gamit ang cedula ➤ Pagbabawas ng oras sa pagpapatupad ng polo mula 40 oras sa 15 oras sa loob ng isang taon
  • 33.
    Sa kabila ngpagpupursigi ng mga repormista, hindi nila nakumbinsi ang mga Kastila na magkaloob ng mahahalagang reporma. Sa halip, ang mga kasapi ng kilusan ay naaresto o napilitang tumakas sa ibang bansa upang makaiwas sa bitay, Bukod pa rito, ang ilan naman ay nangamatay dahil sa sakit at kawalan ng pondo sa paglalathala ng La Solidaridad.