2. MGA GABAY NA TANONG
• Ano ang pabula?
• Sino ang tinaguriang ama ng pabula?
• Ano-ano ang elemento at bahagi nito?
3. PABULA
• Ang pabula ay isang akdang naglalaman ng mga
pangyayaring kapupulutan ng aral na sadyang ginawa
upang makapagbibigay aliw sa mga mababasa lalo na
ang mga bata. Ang pabula ay kwento na may mga
tauhang ginagampanan ng hayop na kumikilos,
nagsasalita at nag-iisip na tulad ng tao. Habang
lumilibang sa mga mambabasa, nagbibigay naman ito
ng hindi matatawarang aral. Masasalamin sa pabula
ang kultura ng rehiyong pinagmulan nito na dapat
ipagmalaki at pahalagahan.
4. • Si Aesop ang tinaguriang ama ng pabula. Siya ay isinilang na
kuba at may kapansanan sa pandinig. Siya ayunang
lumaki na isang alipin subalit sa kanyang ipinakitang
sipag,katapatan, at talino ay pinagkalooban siya ng
kalayaan ng kanyang amo at hinayaang maglakbay at
makilahok sa mga kilos pambayan. Dito lumabas at
nakilala ang kanyang talino at pagiging makatarungan.
Siya ay lumikha ng mga pabula upang turuan ang mga
tao sa tamang pag-uugali at pakikitungosa kapwa.
Tinataya na siya ay lumikha ng mahigit sa 200 pabula
nang siyaay nabubuhay pa.
5. MGA ELEMENTO NG PABULA
• Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
• Tagpuan- Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang
kwento.
• Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa kwento.
6. MGA BAHAGI
• Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
• Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
• Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti
nang naaayos ang problema.
• Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos
ang kwento.