KILOS NG TAO O MAKATAONG
KILOS
 Tukuyin kung ang kilos sa unang kolumn ay
nagpapakita ng kilos ng tao o makataong kilos.
Mga kilos at gawain ng tao Kilos ng
tao
Makataong
Kilos
1.Paghimas ng tiyan dahil sa
gutom.
2. Pagtulong sa mga taong
nangangailangan.
3. Pagtibok ng puso.
4. Pagiging maalaga sa
kalikasan.
5. Paghingi ng tawad sa
kapwa kapag nagkasala.
IKALAWANG
MARKAHAN MODYUL
1:
ANG PAGKUKUSA
SA MAKATAONG
KILOS
Ayon kay Agapay, nakasalalay
kung anong uri ng tao ang isang
indibiduwal sa ikinikilos sa
kasalukuyan at sa susunod pa na
mga araw. Ayon pa rin sa kanya,
ang kilos ang nagsisilbing salamin
na nagpapakita kung ang isang tao
ay may kontrol at pananagutan sa
sarili.
KILOS NG TAO (ACTS OF MAN)
Mga naisasagawang kilos na labas sa
kanyang kontrol na ayon sa kalikasan
bilang tao.
Ang mga kilos na ito ay hindi
ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-
loob (free-will).
Walang pananagutan ang taong
nagsagawa ng kilos.
Halimbawa: pagkurap ng mata,
paghikab, pag-ihi
MAKATAONG KILOS
(HUMANE ACT)
Ito ay mga kilos ng tao na isinasaagawang
may kaalaman (knowingly), malaya (free)
at kusa (voluntarilly).
Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng
isip (intellect) at kilos-loob (free will).
Ano man ang kahihinatnan ng kilos ay
pananagutan ng taong nagsagawa ng
kilos.
Halimbawa: pagnanakaw, hinsi pagsabi
ng totoo, pagkalat ng dumi
Maari bang maging
makataong kilos ang
kilos ng tao?
Sa paanong paraan
nagiging makataong
kilos ang kilos ng tao?
TANDAAN
Ang imahe ng isang tao ay nakasalalay sa
kaniyang mga kilos sa kasalukuyan at sa
susunod pa na mga araw. Dapat nating
isaalang-alang na sa bawat kilos na pinili ay
may kapanagutan. May pananagutan ka sa
iyong kilos kung ito ay isinagawa nang may
kaalaman, kalayaan at may pagkukusa.
Ang bigat ng pananagutan sa
kinakaharap na sitwasyon ay nakabatay sa
bigat ng kagustuhan na gawin ang isang kilos.
3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN
(ACCOUNTABILITY) AYON KAY ARISTOTLE
Kailangan maging maingat ang
tao sa paggawa ng makataong
kilos sapagkat ang mga ito ay
maaaring maging isyung moral o
etikal. Ito ay dahil ang kilos ay
ginagawa ng may pang-unawa at
pagpili dahil may kapanagutan
(accountability).
3 URI NG KILOS AYON SA KAPANAGUTAN
(ACCOUNTABILITY) AYON KAY ARISTOTLE
 1. KUSANG-LOOB - ito ang kilos na isinasagawa
nang may kaalaman at pagsang-ayon sa
kahihinatnan ng kilos nito.
 2. WALANG KUSANG-LOOB –kilos na isinasagawa
nang walang kaalaman at walang pagsang-ayon kaya
walang pagkukusa sa kilos.
 3. DI KUSANG-LOOB - kilos na isinasagawa nang
may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig
sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa
gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa.
Ito rin ay ang sapilitan pagsagawa ng kilos.
GAWAIN: PAGTUKOY NG
MAPANAGUTANG KILOS
 Sitwasyon 1
Sa gitna ng panonood ni Billy sa isang
pelikula mula sa youtube ay biglang may
sumingit na malaswang panoorin. Hindi sadya
na makita ni Billy ang malaswang panooring
yon. Hindi niya ito inintindi at bagkus tinakpan
pa niya ang kanyang mata para hindi niya ito
lubos Makita, inalis niya lamang ang kamay sa
mata nang natapos at saka niya ipinagpatuloy
ang panonood. Nilampasan niya ito at
ipinagpatuloy ang pinapanood na pelikula.
MGA TANONG:
Ano ang makataong kilos na ginawa ni
Billy?
Mayroon bang pagkukusa si Billy na
gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi,
Bakit?
Nararapat ba ang ginawa ni Billy?
Bakit?
Mayroon bang dapat panagutan si Billy
sa kanyang ikinilos? Ipaliwanag.
 Sitwasyon 2:
Dahil sa pandemya, nagkaroon
ng agarang pagsususpende ng klase
na nagtuloy-tuloy. Pati ikaapat na
pagsusulit ay hindi na natuloy at ang
mga grado ay na compute sa
pamamagitan ng bagong
transmutable table na ibinigay ng
central office. Pagkatapos mag
compute ang guro nakita niya na si
Armando ay bumagsak sa Science.
Sinabihan ng guro si Armando na
magkaroon siya ng karagdagang gawain
para siya ay pumasa. Binigyan siya ng
guro ng 5 modyul sa science at sinabihan
na gagawin niya ito ng dalawang Linggo.
Ngunit, dahil sa tinulungan niya ang
kanyang magulang sa hardin hindi
natapos ni Armando ang dalawang modyul
kaya ang kanyang ginawa ay pinasagutan
niya ito sa kanyang barkada na si Jerome.
Bilang kabayaran sa pagsagot ni Jerome
sa dalawang modyul binigyan niya ito ng
pera.
MGA TANONG:
Ano ang makataong kilos na ginawa ni
Armando?
Mayroon bang pagkukusa si Armando na
gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi,
Bakit?
Nararapat ba ang ginawa ni Armando?
Bakit?
Mayroon bang dapat panagutan si
Armando sa kanyang ikinilos? Ipaliwanag.
MODYUL 2:
MAPANAGUTAN
SA SARILING
KILOS
Oras na ng recess. Ang magkakaibigang Lea
at Mia ay nagmamadali para sa susunod
nilang klase.
Malelate na
tayo!
Tingnan mo!
Ang
haba ng
pila!
Teka, ayun
si Bea
malapit na
sa counter!
Nilapitan ng dalawa si Bea, isa
nilang kamag-aral.
Psst Bea, pasingit
naman sa pila.
O sige, huwag
ka lang
pahalata!
Nakakahiya sa mga
kasunod sa pila. Doon
nalang ako sa likod
Oh sige,
ikaw
bahala.
Basta ako di
na ako
makatiis.
SAGUTIN MO:
1. Ano ang napansin mo sa kilos
nina Lea, Bea, at Mia ?
2. Sino sa mga tauhan ang
nagpakita ng tamang kilos? Bakit?
3. Sino sa mga tauhan ang
nagpakita ng maling kilos? Bakit?
Kailan mo masasabing tama o mali
ang kilos ng tao? Ipaliwanag
I. LAYUNIN: BATAYAN NG MABUTI
AT MASAMANG KILOS
Ang layunin ay kumakatawan sa
mismong motibo at personal na intensyon
ng taong gumagawa ng kilos. Ayon kay
Aristotle, ang kilos o gawa ay hindi agad
nahuhusgahan kung masama o mabuti.
Ipinapahayag nito na ang pagiging mabuti
at masama ng isang kilos ay nakasalalay
sa intensiyon o dahilan kung bakit ginawa
ito. Dito magkaroon ng pagkakaiba ang
tao sa pagsasagawa ng isang kilos.
II. MAKATAONG KILOS AT
OBLIGASYON
Ayon kay Santo Tomas,
hindi lahat ng kilos ay
obligado. Ang isang kilos o
gawa ay obligado lamang
kung ang hindi pagtuloy sa
paggawa nito ay magdudulot
ng masamang bunga.
HALIMBAWA
 Ipinagbilin ng iyong nanay na
bantayan mo saglit ang iyong
nakababatang kapatid na natutulog
dahil bibili lang siya ng gamot sa bayan
pero naghihintay na ang iyong kaibigan
para sa gagawin ninyong proyekto.
Kung iwanan mo siya maaaring
mahulog sa hagdan pag nagising siya.
At kung iyong babantayan habang wala
muna ang iyong nanay, makasisiguro
kang maayos ang kaniyang kalagayan.
TANDAAN:
Obligadong piliin ng tao ang
mas mataas na kabutihan-
ang kabutihan ng sarili at ng
iba, patungo sa
pinakamataas na layunin-
ang pagbabalik niya sa
Lumikha.
III. KABAWASAN NG
PANANAGUTAN: KAKULANGAN SA
PROSESO NG PAGKILOS
Ayon kay Aristotle, ang
kapanagutan ng isang tao sa
kalalabasan ng ginawang
kilos ay may kabawasan
maliban lamang kung may
kulang sa proseso ng
pagkilos.
1. PAGLALAYON
Kasama ba sa iyong layunin
ang kinalabasan ng iyong
kilos? Kung inaasahan ng
taong gumawa sa kilos ang
masamang epekto ng
kaniyang gagawing kilos, siya
ay may kapanagutan sa kilos.
HALIMBAWA:
Kung ang hindi mo
pagpapahiram ng payong sa
iyong kaklase ay naging
sanhi ng kaniyang
pagkakasakit, maaaring isisi
sa iyo ang kaniyang
pagkakasakit.
2. PAG-IISIP NG PARAAN NA
MAKARATING SA LAYUNIN.
 Tugma ba ang paraan
sa pagkamit ng layunin?
Kasangkapan lang ba ito sa
pag-abot ng naisin? Sa
prosesong ito, kinakailangan
gamitin ang tamang kaisipan
at katuwiran sa pagsasagawa
ng isang kilos.
HALIMBAWA
Inilibre mo ng meryenda
ang kaklase mong
magaling mag- drawing
upang siya na ang gagawa
sa poster na proyekto mo
sa isang asignatura.
3. PAGPILI NG
PINAKAMALAPIT NA
PARAAN.
Sa yugtong ito, tanungin mo ang iyong
sarili:
 Malaya ka ba sa pagpili mula sa mga
opsiyon?
 Isinaalang-alang mo ba ang maaaring
epekto nito?
 Isinaalang-alang mo ba ang kabutihang
panlahat o pansariling kabutihan lamang?
 Iniwasan mo ba ang opsiyon na
nangangailangan ng masusing pag-iisip?
4. PAGSASAKILOS NG PARAAN
 Sa yugtong ito,
isasagawa ang pamamaraan
upang makamit ang layunin
nang may pagkukusa at
pagsang-ayon na siyang
magbibigay ng tunay na
kapanagutan sa kumikilos.
HALIMBAWA:
 Isang organisasyon ang inyong binuo sa
paaralan na may kinalaman sa
pagpapanatili ng kalinisan. Mula sa
paglikom ng mga kagamitan gaya ng walis
at basurahan hanggang sa pagkumbinsi sa
mga mag-aaral na maging bahagi sa
programa. Ang layuning mapanatili ang
kalinisan sa paaralan ay matagumpay dahil
lahat ng mga miyembro ng organisasyon ay
nagbahagi ng kanilang makakaya na
makibahagi sa lahat ng mga gawain.
GAWAIN: PAGSUSURI SA
SITWASYON
1. Lumayas ang iyong matalik na
kaibigan sa kanilang bahay at sinabi nito
na titira na sa bahay ng kaniyang
kasintahan. Lagi na lang daw siyang
pinagagalitan ng kaniyang mga
magulang. Mabuti pa daw ang mga
magulang ng kaniyang kasintahan dahil
sila ay mababait.
Maling Kilos:
__________________________________
2. Sinabi ng iyong mga magulang na
ang kursong kukunin mo ay ang gusto
nila dahil ayaw nila sa napili mong
kurso. Wala kang nagawa kundi
sumunod, lingid sa kaalaman ng iyong
mga magulang na sa tambayan ng iyong
mga barkada ang pinupuntahan mo at
hindi sa paaralan. Katwiran mo, hindi
ka masaya sa kurso mo kaya kahit na
mabagsak ka sa lahat ng subjects mo.
Maling Kilos:
_____________________________________
Bilang mag-aaral sa
Baitang 10, paano mo
mahihikayat ang iyong
kapwa kabataan na
maging mapanagutan sa
kanilang kilos?
SUBUKIN NATIN
Panuto: Ayusin ang mga ginulong
letra upang makabuo ng salita sa
tulong ng mga larawan.
NAMGNAMAKGAN
AKTTO
HIDIGSANM MADMADIN
ASAHARAK
N
WAGI
MODYUL 3:
MGA SALIK NA
NAKAAAPEKTO
SA KILOS AT
PASIYA
1. KAMANGMANGAN
ito ay nakaaapekto sa kahihinatnan ng
kilos sapagkat ito ay tumutukoy sa
kawalan ng kasalatan o kaalaman na
dapat taglay ng isang tao. Mahalagang
tandaan na may obligasiyon ang bawat
tao na alamin ang tama at mabuti, mali
at masama. Nawawala ang dangal ng
konsensiya kapag ipinagwalang-bahala
ang tao ang katotohanan at kabutihan.
DALAWANG URI NG
KAMANGMANGAN:
a. madaraig (vincible) – ito
ay ang kawalan ng kaalaman
sa isang gawain subalit may
pagkakataong itama o
magkaroon ng tamang
kaalaman at paraan upang
malagpasan at matuklasan
ito.
Halimbawa: Bumagsak si Anna sa
isang asignatura para sa unang
markahan na pagsusulit, dahil sa
pagiging kampante niya na madali
lang ang pagsusulit. Sa
pangyayaring ito ay natuto si Anna
na repasuhin ang mga aralin upang
makabawi sa susunod na
pagsusulit.
B. HINDI MADARAIG (INVINCIBLE)
-ito ay maaaring kamangmangan
dahil sa kawalan ng kaalaman na
mayroon siyang hindi alam na
dapat niyang malaman o kaya
naman ay walang posibleng paraan
upang malaman ang isang bagay
sa sariling kakayahan o sa
kakayahan man ng iba.
 Halimbawa: Humingi ng pera si Jared sa
kaniyang nanay dahil kailangan niya na bumili
ng file case para sa lalagyan ng kaniyang
modyul. Ang kaniyang ate na si Jamayca ay
nagboluntaryo na bibili at ibibigay niya sa
kaniyang guro, kaya ibinigay ni Jared ang pera
sa kaniyang ate. Nasalobong ni Jamayca ang
kaniyang mga kaibigan at nagamit niya ang
pera pambili ng pagkain. Isang araw ay
tumawag ang Guro ni Jared sa kaniyang nanay
at sinasabing wala pang file case na naibigay sa
kaniya. Labis ang gulat ni Jared at ang
kaniyang nanay sa ginawa ng kaniyang ate.
2. MASIDHING DAMDAMIN
 Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o
paghangad na makaranas ng kaligayahan
at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot
ng sakit o hirap. Ang masidhing
damdamin ay likas na sa tao kaya may
pananagutan ang tao na pangasiwaan ang
kaniyang emosyon dahil kung hindi, ang
emosyon ang magkokontrol sa tao. Ang
masidhing damdamin ay maaari sobrang
kasiyahan, kalungkutan at paninibugho.
DALAWANG URI NG NG DAMDAMIN:
a. nauuna (antecedent) –
nadarama o napupukaw
kahit hindi sinadya.
b. nahuhuli (consequent)
– damdaming sinadyang
inalaagan kaya ang kilos ay
sinadya at may pagkukusa.
 Halimbawa: Sobrang nagalak ang pangkat ni
Rod sa pagkapasa nila sa naatasang gawain.
Dahil dito, ay nayakap niya ang katabing babae
na ikinagulat ng babae. Ang dalawang uri ng
damdamin ay inilalarawan dito; ang nauunang
kilos (antecedent) at nahuhuling kilos
(consequent). Dahil sa labis na kagalakan ay
nakapagpakita si Rod ng damdamin at kilos na
hindi niya naisip ang maging kahihinatnan nang
kaniyang kilos. Ano kaya ang magiging huling
kilos (consequent) niya? Ito ay maaaring
humingi siya nga tawad sa babae at
magpaliwanag na hindi niya ito sinasadya.
3. TAKOT
- ito ay pagkabagabag ng
isip ng tao na humaharap
sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang
buhay o mga mahal sa
buhay.
 Halimbawa: Ang mga nakaranas ng
pambubulas (bullying), panliligalig (harassment)
at pananakot (threat). Bakit nakakaramdam ang
isang tao ng takot? Ang reaksiyon ng takot ay
nagsisimula sa utak at kumakalat sa katawan
upang gumawa ng pagsasaayos para sa
pinakamahusay na pagtatanggol o reaksiyon.
Ang takot ay nagsisimula sa isang rehiyon ng
utak na tinatawag na Amygdala. Ang hanay na
ito na hugis ng almendras (almond shape) sa
temporal na umbok ng utak (temporal lobe). Ang
amygdala ay aktibo tuwing nakikita mo ang mga
kinakatakutan mo, maaaring tao, bagay,
pangyayari at hayop.
4. KARAHASAN

Pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang
pilitin ang isang tao na gawin ang isang
bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at
pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang
taong may mataas na impluwensiya. Ang iba't
ibang anyo ng karahasan ay kinikilala bilang
mga isyu sa karapatang pantao, kabilang ang
mga pagpapahirap, karahasan laban sa
kababaihan, at karahasan laban sa mga bata.
 Halimbawa: Masidhing damdamin ang
naransan ni Anna nang makita niya ang
laging nambubulas sa kanya. Dahil dito hindi
niya mapigilang makapagbitiw ng masasakit
na pananalita. Tama ba ang ginawa ni Ana?
hindi ito tama, dahil may tamang proseso sa
isyu ng pambubulas at ito ay ang ipagbigay
alam sa magulang, sa guro at sa Guidance
Counselor. Hindi malulutas ang problema sa
pamamagitan ng karahasan dahil lilikha ito
ng isa pang karahasan, laging isipin na may
mga alternatibong pagtugon sa bawat
sitwasyon.
5. GAWI
 – Ang mga gawain na paulit-ulit na
isinasagawa at naging bahagi na ng
sistema ng buhay sa araw-araw ay
tinuturing na gawi (habits). Maraming
gawa o kilos ang tinatanggap na ng
lipunan dahil ang mga ito bahagi na ng
pang-araw-araw na gawain ng tao. Bilang
bahagi ng sistema, may posibilidad na
ituring ang mga ito na katanggap-tanggap
na kilos na noong una ay hindi naman.
 Halimbawa: Sa mga mag-aaral naging bahagi
ng gawa o kilos ang pangongopya sa katabi,
pang-hihiram ng mga gamit, pakiki-alam sa
mga gamit ng iba, nahihirapang gumising ng
maaga kung susuriin ang kilos na ito ay hindi
kanais-nais, kahit kailan hindi katanggap
tangap ang mga gawi na ito. Ang ilan pa ay
ang panunumbat sa mga magulang, hindi
paggalang at pagsunod ng alituntunin sa
bahay o sa paaralan. Nangyayari ang mga ito
pero hindi maituturing na magandang
halimbawa.
II. PAGSUSURI SA KILOS AT PASIYA
 Kailangang matutunan ng tao na suriin
ang kilos at pasya upang maiwasan ang
mga salik gaya ng kamangmangan, takot,
karahasan, masidhing damdamin at gawi.
Ang pagsuri ay ang pagmamasid,
pakikinig sa iba at pagkilala sa sariling
hangganan ng iyong damdamin.
Kailangan ang patuloy na pagmuni-muni
sa sarili tungkol sa sariling mga
paniniwala, pamantayan at pag-uugali.
 Ayon sa Teorya ni Albert Bandura na Social
Learning Theory maaaring matutunan ang isang
“kilos”, maaaring mabuti o hindi makataong kilos, sa
pamamagitan ng pagmamasid sa ibang tao. Sa
pamamagitan ng pagmamasid ay nagkakaroon ng
pagkakataon na matutunan ang isang kilos at ito ay
maaaring mabuti at hindi mabuti. Ayon din sa
Teorya ni David Kolb na Experiential Learning, ang
isang tao ay natututo sa pamamagitan ng “pagninilay”.
May kakayahan ang bawat tao na magnilay sa
kaniyang karanasan at dahil sa pagninilay ay
nakakabuo ang isang tao ng tinatawag na “insight” o
ito iyong mga natutunan mo dahil sa pagninilay mo sa
karanasan mo at karanasan ng iba (Ayson et al, 2019).
PANGKATANG GAWAIN
 Unang Pangkat- Bumuo ng tula na may 2 saknong at
may apat na taludtod na naglalahad ng natutuhan sa
aralin.
 Ikalawang Pangkat- Bumuo ng isang slogan na binubuo
ng sampu (10) hanggang labinlimang (15) salita gamit ang
temang “Mga salik na nakakaapekto sa kilos at pasiya”
 Ikatlong Pangkat -Pumili ng isa sa mga salik na
nakaaapekto sa kilos at pasiya,ibigay ang sitwasyon sa
pamamagitan ng maikling dula-dulaan.
 Ikaapat na Pangkat- Ilahad sa pamamagitan ng talk
show ang payo o maimumungkahi mo upang maiwasan
ang maling kilos at pasiya na gagawin.
Pamantaya
n
Napakahusay
(10)
Mahusay
(7)
Kailangang
Magsanay
(3)
Konsepto Malinaw ang
nilalaman na
nakapaloob sa
gawain at
kakikitaan ng
paksa.
Malinaw ang nilalaman sa
paraan na ginawa ngunit
hindi gaanong nakaangkla
sa paksa.
Hindi gaanong
malinaw ang
nilalaman at
nalalayo sa paksa ng
gawain.
Presentasy
on
Nailahad sa maayos
na paraan ang
nakatalagang
gawain
Nailahad ng maayos ang
nakatalagang gawain
ngunit mayroong ilan na
hindi gaanong mapansin.
Hindi maayos ang
pagsasagawa ng
gawain sa unahan.
Kaisahan
Lahat ng miyembro
ay may ginampanan
at nakiisa sa
gawain.
May ilang miyembro na
hindi nakiisa sa gawain.
Iilan ang gumampan
na miyembro sa
pangkatang gawain.
PAGSUSURI
Sitwasyon: Nakita ni Chad ang
pambubulas(bullying) sa kaniyang kapatid
ng kanilang kapit-bahay. Nakaramdam si
Chad ng galit at may nasabi siya na hindi
kaaya-aya.
 1. Ano ang mga salik na napansin mo na
naipakita sa sitwasyon?
 2. Paano mo itatama ang mga kilos sa sitwasyon?
 3. Kung ikaw si Chad ano ang hakbang na
gagawin mo? Magbigay ng dalawang hakbang.
Mahalaga bang
nalaman mo ang
salik na nakaaapekto
sa kilos at pasiya?

PPT Kilos ng Tao o makataong kilos.pptx

  • 1.
    KILOS NG TAOO MAKATAONG KILOS  Tukuyin kung ang kilos sa unang kolumn ay nagpapakita ng kilos ng tao o makataong kilos. Mga kilos at gawain ng tao Kilos ng tao Makataong Kilos 1.Paghimas ng tiyan dahil sa gutom. 2. Pagtulong sa mga taong nangangailangan. 3. Pagtibok ng puso. 4. Pagiging maalaga sa kalikasan. 5. Paghingi ng tawad sa kapwa kapag nagkasala.
  • 2.
  • 3.
    Ayon kay Agapay,nakasalalay kung anong uri ng tao ang isang indibiduwal sa ikinikilos sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw. Ayon pa rin sa kanya, ang kilos ang nagsisilbing salamin na nagpapakita kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili.
  • 4.
    KILOS NG TAO(ACTS OF MAN) Mga naisasagawang kilos na labas sa kanyang kontrol na ayon sa kalikasan bilang tao. Ang mga kilos na ito ay hindi ginagamitan ng isip (intellect) at kilos- loob (free-will). Walang pananagutan ang taong nagsagawa ng kilos. Halimbawa: pagkurap ng mata, paghikab, pag-ihi
  • 5.
    MAKATAONG KILOS (HUMANE ACT) Itoay mga kilos ng tao na isinasaagawang may kaalaman (knowingly), malaya (free) at kusa (voluntarilly). Ang mga kilos na ito ay ginagamitan ng isip (intellect) at kilos-loob (free will). Ano man ang kahihinatnan ng kilos ay pananagutan ng taong nagsagawa ng kilos. Halimbawa: pagnanakaw, hinsi pagsabi ng totoo, pagkalat ng dumi
  • 6.
    Maari bang maging makataongkilos ang kilos ng tao? Sa paanong paraan nagiging makataong kilos ang kilos ng tao?
  • 7.
    TANDAAN Ang imahe ngisang tao ay nakasalalay sa kaniyang mga kilos sa kasalukuyan at sa susunod pa na mga araw. Dapat nating isaalang-alang na sa bawat kilos na pinili ay may kapanagutan. May pananagutan ka sa iyong kilos kung ito ay isinagawa nang may kaalaman, kalayaan at may pagkukusa. Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan na gawin ang isang kilos.
  • 8.
    3 URI NGKILOS AYON SA KAPANAGUTAN (ACCOUNTABILITY) AYON KAY ARISTOTLE Kailangan maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos ay ginagawa ng may pang-unawa at pagpili dahil may kapanagutan (accountability).
  • 9.
    3 URI NGKILOS AYON SA KAPANAGUTAN (ACCOUNTABILITY) AYON KAY ARISTOTLE  1. KUSANG-LOOB - ito ang kilos na isinasagawa nang may kaalaman at pagsang-ayon sa kahihinatnan ng kilos nito.  2. WALANG KUSANG-LOOB –kilos na isinasagawa nang walang kaalaman at walang pagsang-ayon kaya walang pagkukusa sa kilos.  3. DI KUSANG-LOOB - kilos na isinasagawa nang may kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Ibig sabihin, ang gumagawa sa kilos ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa. Ito rin ay ang sapilitan pagsagawa ng kilos.
  • 10.
    GAWAIN: PAGTUKOY NG MAPANAGUTANGKILOS  Sitwasyon 1 Sa gitna ng panonood ni Billy sa isang pelikula mula sa youtube ay biglang may sumingit na malaswang panoorin. Hindi sadya na makita ni Billy ang malaswang panooring yon. Hindi niya ito inintindi at bagkus tinakpan pa niya ang kanyang mata para hindi niya ito lubos Makita, inalis niya lamang ang kamay sa mata nang natapos at saka niya ipinagpatuloy ang panonood. Nilampasan niya ito at ipinagpatuloy ang pinapanood na pelikula.
  • 11.
    MGA TANONG: Ano angmakataong kilos na ginawa ni Billy? Mayroon bang pagkukusa si Billy na gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi, Bakit? Nararapat ba ang ginawa ni Billy? Bakit? Mayroon bang dapat panagutan si Billy sa kanyang ikinilos? Ipaliwanag.
  • 12.
     Sitwasyon 2: Dahilsa pandemya, nagkaroon ng agarang pagsususpende ng klase na nagtuloy-tuloy. Pati ikaapat na pagsusulit ay hindi na natuloy at ang mga grado ay na compute sa pamamagitan ng bagong transmutable table na ibinigay ng central office. Pagkatapos mag compute ang guro nakita niya na si Armando ay bumagsak sa Science.
  • 13.
    Sinabihan ng gurosi Armando na magkaroon siya ng karagdagang gawain para siya ay pumasa. Binigyan siya ng guro ng 5 modyul sa science at sinabihan na gagawin niya ito ng dalawang Linggo. Ngunit, dahil sa tinulungan niya ang kanyang magulang sa hardin hindi natapos ni Armando ang dalawang modyul kaya ang kanyang ginawa ay pinasagutan niya ito sa kanyang barkada na si Jerome. Bilang kabayaran sa pagsagot ni Jerome sa dalawang modyul binigyan niya ito ng pera.
  • 14.
    MGA TANONG: Ano angmakataong kilos na ginawa ni Armando? Mayroon bang pagkukusa si Armando na gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi, Bakit? Nararapat ba ang ginawa ni Armando? Bakit? Mayroon bang dapat panagutan si Armando sa kanyang ikinilos? Ipaliwanag.
  • 15.
  • 16.
    Oras na ngrecess. Ang magkakaibigang Lea at Mia ay nagmamadali para sa susunod nilang klase. Malelate na tayo! Tingnan mo!
  • 17.
    Ang haba ng pila! Teka, ayun siBea malapit na sa counter!
  • 18.
    Nilapitan ng dalawasi Bea, isa nilang kamag-aral. Psst Bea, pasingit naman sa pila. O sige, huwag ka lang pahalata!
  • 19.
    Nakakahiya sa mga kasunodsa pila. Doon nalang ako sa likod Oh sige, ikaw bahala. Basta ako di na ako makatiis.
  • 20.
    SAGUTIN MO: 1. Anoang napansin mo sa kilos nina Lea, Bea, at Mia ? 2. Sino sa mga tauhan ang nagpakita ng tamang kilos? Bakit? 3. Sino sa mga tauhan ang nagpakita ng maling kilos? Bakit? Kailan mo masasabing tama o mali ang kilos ng tao? Ipaliwanag
  • 21.
    I. LAYUNIN: BATAYANNG MABUTI AT MASAMANG KILOS Ang layunin ay kumakatawan sa mismong motibo at personal na intensyon ng taong gumagawa ng kilos. Ayon kay Aristotle, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ipinapahayag nito na ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos ay nakasalalay sa intensiyon o dahilan kung bakit ginawa ito. Dito magkaroon ng pagkakaiba ang tao sa pagsasagawa ng isang kilos.
  • 22.
    II. MAKATAONG KILOSAT OBLIGASYON Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang kilos o gawa ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay magdudulot ng masamang bunga.
  • 23.
    HALIMBAWA  Ipinagbilin ngiyong nanay na bantayan mo saglit ang iyong nakababatang kapatid na natutulog dahil bibili lang siya ng gamot sa bayan pero naghihintay na ang iyong kaibigan para sa gagawin ninyong proyekto. Kung iwanan mo siya maaaring mahulog sa hagdan pag nagising siya. At kung iyong babantayan habang wala muna ang iyong nanay, makasisiguro kang maayos ang kaniyang kalagayan.
  • 24.
    TANDAAN: Obligadong piliin ngtao ang mas mataas na kabutihan- ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin- ang pagbabalik niya sa Lumikha.
  • 25.
    III. KABAWASAN NG PANANAGUTAN:KAKULANGAN SA PROSESO NG PAGKILOS Ayon kay Aristotle, ang kapanagutan ng isang tao sa kalalabasan ng ginawang kilos ay may kabawasan maliban lamang kung may kulang sa proseso ng pagkilos.
  • 27.
    1. PAGLALAYON Kasama basa iyong layunin ang kinalabasan ng iyong kilos? Kung inaasahan ng taong gumawa sa kilos ang masamang epekto ng kaniyang gagawing kilos, siya ay may kapanagutan sa kilos.
  • 28.
    HALIMBAWA: Kung ang hindimo pagpapahiram ng payong sa iyong kaklase ay naging sanhi ng kaniyang pagkakasakit, maaaring isisi sa iyo ang kaniyang pagkakasakit.
  • 29.
    2. PAG-IISIP NGPARAAN NA MAKARATING SA LAYUNIN.  Tugma ba ang paraan sa pagkamit ng layunin? Kasangkapan lang ba ito sa pag-abot ng naisin? Sa prosesong ito, kinakailangan gamitin ang tamang kaisipan at katuwiran sa pagsasagawa ng isang kilos.
  • 30.
    HALIMBAWA Inilibre mo ngmeryenda ang kaklase mong magaling mag- drawing upang siya na ang gagawa sa poster na proyekto mo sa isang asignatura.
  • 31.
    3. PAGPILI NG PINAKAMALAPITNA PARAAN. Sa yugtong ito, tanungin mo ang iyong sarili:  Malaya ka ba sa pagpili mula sa mga opsiyon?  Isinaalang-alang mo ba ang maaaring epekto nito?  Isinaalang-alang mo ba ang kabutihang panlahat o pansariling kabutihan lamang?  Iniwasan mo ba ang opsiyon na nangangailangan ng masusing pag-iisip?
  • 32.
    4. PAGSASAKILOS NGPARAAN  Sa yugtong ito, isasagawa ang pamamaraan upang makamit ang layunin nang may pagkukusa at pagsang-ayon na siyang magbibigay ng tunay na kapanagutan sa kumikilos.
  • 33.
    HALIMBAWA:  Isang organisasyonang inyong binuo sa paaralan na may kinalaman sa pagpapanatili ng kalinisan. Mula sa paglikom ng mga kagamitan gaya ng walis at basurahan hanggang sa pagkumbinsi sa mga mag-aaral na maging bahagi sa programa. Ang layuning mapanatili ang kalinisan sa paaralan ay matagumpay dahil lahat ng mga miyembro ng organisasyon ay nagbahagi ng kanilang makakaya na makibahagi sa lahat ng mga gawain.
  • 34.
    GAWAIN: PAGSUSURI SA SITWASYON 1.Lumayas ang iyong matalik na kaibigan sa kanilang bahay at sinabi nito na titira na sa bahay ng kaniyang kasintahan. Lagi na lang daw siyang pinagagalitan ng kaniyang mga magulang. Mabuti pa daw ang mga magulang ng kaniyang kasintahan dahil sila ay mababait. Maling Kilos: __________________________________
  • 35.
    2. Sinabi ngiyong mga magulang na ang kursong kukunin mo ay ang gusto nila dahil ayaw nila sa napili mong kurso. Wala kang nagawa kundi sumunod, lingid sa kaalaman ng iyong mga magulang na sa tambayan ng iyong mga barkada ang pinupuntahan mo at hindi sa paaralan. Katwiran mo, hindi ka masaya sa kurso mo kaya kahit na mabagsak ka sa lahat ng subjects mo. Maling Kilos: _____________________________________
  • 36.
    Bilang mag-aaral sa Baitang10, paano mo mahihikayat ang iyong kapwa kabataan na maging mapanagutan sa kanilang kilos?
  • 37.
    SUBUKIN NATIN Panuto: Ayusinang mga ginulong letra upang makabuo ng salita sa tulong ng mga larawan. NAMGNAMAKGAN
  • 38.
  • 39.
  • 40.
  • 41.
  • 42.
    MODYUL 3: MGA SALIKNA NAKAAAPEKTO SA KILOS AT PASIYA
  • 43.
    1. KAMANGMANGAN ito aynakaaapekto sa kahihinatnan ng kilos sapagkat ito ay tumutukoy sa kawalan ng kasalatan o kaalaman na dapat taglay ng isang tao. Mahalagang tandaan na may obligasiyon ang bawat tao na alamin ang tama at mabuti, mali at masama. Nawawala ang dangal ng konsensiya kapag ipinagwalang-bahala ang tao ang katotohanan at kabutihan.
  • 44.
    DALAWANG URI NG KAMANGMANGAN: a.madaraig (vincible) – ito ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman at paraan upang malagpasan at matuklasan ito.
  • 45.
    Halimbawa: Bumagsak siAnna sa isang asignatura para sa unang markahan na pagsusulit, dahil sa pagiging kampante niya na madali lang ang pagsusulit. Sa pangyayaring ito ay natuto si Anna na repasuhin ang mga aralin upang makabawi sa susunod na pagsusulit.
  • 46.
    B. HINDI MADARAIG(INVINCIBLE) -ito ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o kaya naman ay walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba.
  • 47.
     Halimbawa: Huminging pera si Jared sa kaniyang nanay dahil kailangan niya na bumili ng file case para sa lalagyan ng kaniyang modyul. Ang kaniyang ate na si Jamayca ay nagboluntaryo na bibili at ibibigay niya sa kaniyang guro, kaya ibinigay ni Jared ang pera sa kaniyang ate. Nasalobong ni Jamayca ang kaniyang mga kaibigan at nagamit niya ang pera pambili ng pagkain. Isang araw ay tumawag ang Guro ni Jared sa kaniyang nanay at sinasabing wala pang file case na naibigay sa kaniya. Labis ang gulat ni Jared at ang kaniyang nanay sa ginawa ng kaniyang ate.
  • 48.
    2. MASIDHING DAMDAMIN Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghangad na makaranas ng kaligayahan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Ang masidhing damdamin ay likas na sa tao kaya may pananagutan ang tao na pangasiwaan ang kaniyang emosyon dahil kung hindi, ang emosyon ang magkokontrol sa tao. Ang masidhing damdamin ay maaari sobrang kasiyahan, kalungkutan at paninibugho.
  • 49.
    DALAWANG URI NGNG DAMDAMIN: a. nauuna (antecedent) – nadarama o napupukaw kahit hindi sinadya. b. nahuhuli (consequent) – damdaming sinadyang inalaagan kaya ang kilos ay sinadya at may pagkukusa.
  • 50.
     Halimbawa: Sobrangnagalak ang pangkat ni Rod sa pagkapasa nila sa naatasang gawain. Dahil dito, ay nayakap niya ang katabing babae na ikinagulat ng babae. Ang dalawang uri ng damdamin ay inilalarawan dito; ang nauunang kilos (antecedent) at nahuhuling kilos (consequent). Dahil sa labis na kagalakan ay nakapagpakita si Rod ng damdamin at kilos na hindi niya naisip ang maging kahihinatnan nang kaniyang kilos. Ano kaya ang magiging huling kilos (consequent) niya? Ito ay maaaring humingi siya nga tawad sa babae at magpaliwanag na hindi niya ito sinasadya.
  • 51.
    3. TAKOT - itoay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
  • 52.
     Halimbawa: Angmga nakaranas ng pambubulas (bullying), panliligalig (harassment) at pananakot (threat). Bakit nakakaramdam ang isang tao ng takot? Ang reaksiyon ng takot ay nagsisimula sa utak at kumakalat sa katawan upang gumawa ng pagsasaayos para sa pinakamahusay na pagtatanggol o reaksiyon. Ang takot ay nagsisimula sa isang rehiyon ng utak na tinatawag na Amygdala. Ang hanay na ito na hugis ng almendras (almond shape) sa temporal na umbok ng utak (temporal lobe). Ang amygdala ay aktibo tuwing nakikita mo ang mga kinakatakutan mo, maaaring tao, bagay, pangyayari at hayop.
  • 54.
    4. KARAHASAN  Pagkakaroon ngpanlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Ang iba't ibang anyo ng karahasan ay kinikilala bilang mga isyu sa karapatang pantao, kabilang ang mga pagpapahirap, karahasan laban sa kababaihan, at karahasan laban sa mga bata.
  • 55.
     Halimbawa: Masidhingdamdamin ang naransan ni Anna nang makita niya ang laging nambubulas sa kanya. Dahil dito hindi niya mapigilang makapagbitiw ng masasakit na pananalita. Tama ba ang ginawa ni Ana? hindi ito tama, dahil may tamang proseso sa isyu ng pambubulas at ito ay ang ipagbigay alam sa magulang, sa guro at sa Guidance Counselor. Hindi malulutas ang problema sa pamamagitan ng karahasan dahil lilikha ito ng isa pang karahasan, laging isipin na may mga alternatibong pagtugon sa bawat sitwasyon.
  • 56.
    5. GAWI  –Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay tinuturing na gawi (habits). Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito bahagi na ng pang-araw-araw na gawain ng tao. Bilang bahagi ng sistema, may posibilidad na ituring ang mga ito na katanggap-tanggap na kilos na noong una ay hindi naman.
  • 57.
     Halimbawa: Samga mag-aaral naging bahagi ng gawa o kilos ang pangongopya sa katabi, pang-hihiram ng mga gamit, pakiki-alam sa mga gamit ng iba, nahihirapang gumising ng maaga kung susuriin ang kilos na ito ay hindi kanais-nais, kahit kailan hindi katanggap tangap ang mga gawi na ito. Ang ilan pa ay ang panunumbat sa mga magulang, hindi paggalang at pagsunod ng alituntunin sa bahay o sa paaralan. Nangyayari ang mga ito pero hindi maituturing na magandang halimbawa.
  • 58.
    II. PAGSUSURI SAKILOS AT PASIYA  Kailangang matutunan ng tao na suriin ang kilos at pasya upang maiwasan ang mga salik gaya ng kamangmangan, takot, karahasan, masidhing damdamin at gawi. Ang pagsuri ay ang pagmamasid, pakikinig sa iba at pagkilala sa sariling hangganan ng iyong damdamin. Kailangan ang patuloy na pagmuni-muni sa sarili tungkol sa sariling mga paniniwala, pamantayan at pag-uugali.
  • 59.
     Ayon saTeorya ni Albert Bandura na Social Learning Theory maaaring matutunan ang isang “kilos”, maaaring mabuti o hindi makataong kilos, sa pamamagitan ng pagmamasid sa ibang tao. Sa pamamagitan ng pagmamasid ay nagkakaroon ng pagkakataon na matutunan ang isang kilos at ito ay maaaring mabuti at hindi mabuti. Ayon din sa Teorya ni David Kolb na Experiential Learning, ang isang tao ay natututo sa pamamagitan ng “pagninilay”. May kakayahan ang bawat tao na magnilay sa kaniyang karanasan at dahil sa pagninilay ay nakakabuo ang isang tao ng tinatawag na “insight” o ito iyong mga natutunan mo dahil sa pagninilay mo sa karanasan mo at karanasan ng iba (Ayson et al, 2019).
  • 60.
    PANGKATANG GAWAIN  UnangPangkat- Bumuo ng tula na may 2 saknong at may apat na taludtod na naglalahad ng natutuhan sa aralin.  Ikalawang Pangkat- Bumuo ng isang slogan na binubuo ng sampu (10) hanggang labinlimang (15) salita gamit ang temang “Mga salik na nakakaapekto sa kilos at pasiya”  Ikatlong Pangkat -Pumili ng isa sa mga salik na nakaaapekto sa kilos at pasiya,ibigay ang sitwasyon sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan.  Ikaapat na Pangkat- Ilahad sa pamamagitan ng talk show ang payo o maimumungkahi mo upang maiwasan ang maling kilos at pasiya na gagawin.
  • 61.
    Pamantaya n Napakahusay (10) Mahusay (7) Kailangang Magsanay (3) Konsepto Malinaw ang nilalamanna nakapaloob sa gawain at kakikitaan ng paksa. Malinaw ang nilalaman sa paraan na ginawa ngunit hindi gaanong nakaangkla sa paksa. Hindi gaanong malinaw ang nilalaman at nalalayo sa paksa ng gawain. Presentasy on Nailahad sa maayos na paraan ang nakatalagang gawain Nailahad ng maayos ang nakatalagang gawain ngunit mayroong ilan na hindi gaanong mapansin. Hindi maayos ang pagsasagawa ng gawain sa unahan. Kaisahan Lahat ng miyembro ay may ginampanan at nakiisa sa gawain. May ilang miyembro na hindi nakiisa sa gawain. Iilan ang gumampan na miyembro sa pangkatang gawain.
  • 62.
    PAGSUSURI Sitwasyon: Nakita niChad ang pambubulas(bullying) sa kaniyang kapatid ng kanilang kapit-bahay. Nakaramdam si Chad ng galit at may nasabi siya na hindi kaaya-aya.  1. Ano ang mga salik na napansin mo na naipakita sa sitwasyon?  2. Paano mo itatama ang mga kilos sa sitwasyon?  3. Kung ikaw si Chad ano ang hakbang na gagawin mo? Magbigay ng dalawang hakbang.
  • 63.
    Mahalaga bang nalaman moang salik na nakaaapekto sa kilos at pasiya?