3. Ang responsibilidad ay bahagi na ng buhay ng tao, maging sino ka man.
Ang isang bata na handa ng gumawa ay binibigyan ng mga responsibilidad na
kaya na niyang gampanan at inihahanda na para sa higit na mabigat at
mahahalagang tungkulin. Hangga’t maaga ay tinuturuan na ang bata na tumayo
sa sariling paa upang sa darating na panahon ay kaya na niyang suungin ang
anumang hamon sa buhay.
Sa kabilang pananaw, may mga taong takot sa responsibilidad. Hindi nila
marahil nakikita ang magiging bunga ng pagtupad ng kanilang responsibilidad.
Ang taong marunong tumanggap ng responsibilidad ay hindi palaasa at
handang harapin ang malawak pang tungkulin sa buhay tulad ng pagtatrabaho
at pagbuo ng pamilya.
4. Paraan ng Pagtanggap Nang Buong Puso ng
Responsibilidad o Tungkulin
1. Linangin ang Sarili
Ito ay personal na responsibilidad na hindi dapat iasa sa ibang tao. Ang
ating sarili ay pananagutan natin. Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng pag-
aaral, paggawa, at paghahanap-buhay. Palawakin ang sarili sa iba’t-ibang
aspekto ng pagkatao tulad ng – espirituwal, emosyonal, sosyal, mental, at pisikal.
5. 2. Pagtulong sa Pagpapabuti ng Samahan ng Pamilya
Sa tahanan nagsisimula ang pagtuturo at paghubog ng pagiging
responsible. Ang mga gawaing bahay na ibinibigay sa kaniya ay naayon sa
kaniyang kakayahan at talent upang maging madali ang pagtanggap at
pagganap ng mga tungkulin. Ang pagtulong sa gawaing bahay ay mga
responsibilidad na maari kang makabahagi. Ayon sa payak na kaalaman, ang
pagiging malikhain sa pagganap ng tungkulin ay nagsisimula din sa
tahanan. Dahil sa pagigigng malikhain ito ay nakakatulong sa pagpapabuti
sa samahan ng pamilya.
6. 3. Pagganap sa mga Gawain / Tungkulin sa Paaralan
Ang paaralan ay pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Ang mag-
aaral ay may responsibilidad na dapat gampanan tulad ng pagsunod sa mga
tuntunin o alituntunin ng paaralan, paggawa ng mga takdang aralin at
proyekto, pag-aaral mabuti, at aktibong pakikilahok sa mga gawain ng
paaaralan.
7. 4. Pakikipagtulungan sa mga Proyekto ng Pamayanan
May responsibilidad ang kabataan na mkilahok sa mga
proyektong gagawin ng pamayanang kaniyang kinabibilangan. Ang
pagpapakita ng kagandahang-asal tulad ng wastong pakikisama ay bahagi
ng pagiging responsableng tao. Ang pagsali sa mga organisasyon na
nagpapaunlad sa pamayanan ay isang reponsibilidad ng pamayanan.
8. Gintong Aral:
“Ang taos-pusong pagsasakatuparan ng
mga responsibilidad ay nakatutulong
nang malaki sa pagpapaunlad ng sarili,
pamilya, at lipunan.”