Mga uri at mga aspekto ng pandiwa GRADE5-8Edwin slide
MGA URI AT ASPEKTO NG PANDIWA GRADE5-8
SALAMAT SA INYO WAG KALIMUTAN I FOLLOW NYU AKO
https://www.slideshare.net/EdwinCabardo1
.
.
.
OTHER WATCH:
PAGAWA NG BALITA
https://www.slideshare.net/EdwinCabardo1/pagsulat-ng-balita-20172018-grade-6-9
Panaganong-Paturol (definition,information and more)Ruellyn Ortega
kahulugan at mga Halimbawa ng Panaganong-Paturol . definition, information, and many more . indicative na pandiwa pokus sa aktor, internal na aksyon , external na kilos at malawakan,
Mga uri at mga aspekto ng pandiwa GRADE5-8Edwin slide
MGA URI AT ASPEKTO NG PANDIWA GRADE5-8
SALAMAT SA INYO WAG KALIMUTAN I FOLLOW NYU AKO
https://www.slideshare.net/EdwinCabardo1
.
.
.
OTHER WATCH:
PAGAWA NG BALITA
https://www.slideshare.net/EdwinCabardo1/pagsulat-ng-balita-20172018-grade-6-9
Panaganong-Paturol (definition,information and more)Ruellyn Ortega
kahulugan at mga Halimbawa ng Panaganong-Paturol . definition, information, and many more . indicative na pandiwa pokus sa aktor, internal na aksyon , external na kilos at malawakan,
2. Ito ay ang mga salitang nag papahayag
ng kilos o galaw.
Binubuo ito ng salitang-ugat na nag
bibigay ng kahulugan sa pandiwa.
Binubuo ito ng panlapi na nag
papakilala ng iba’t ibang panauhan,
kailanan, at tinig ng pandiwa.
3. May mga panlaping makadiwa na ginagamit
gaya ng: mag-, um, I, maka, hin, -han/-in,
pa mang, maki at iba pa.
Halimbawa:
Panlapi Salitang-Ugat Pawatas
um lakad lumakad
mag laro mag laro
i- luto iluto
ma sabi masabi
pa- hula pahula
4. Mga Aspekto ng Pandiwa
1. Perpektibo o ginanap na o natapos na.
2. Imperpektibo o ginaganap at hindi pa
natapos.
3. Kontemplatibo o gaganapin o hindi pa
nasisimulan ang kilos.
5. A. Aspektong Perpektibo o pangnakaraan
- Ito’y nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos
na.
Halimbawa:
Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo
umalis umalis
kumain kumain
maglaro naglaro
magpaganda nagpaganda
6. A.1 Aspektong Perpektibong katatapos
- Ito ay ang aspektong nag sasaad ng kilos na
katatapos lamang bago nag simula ang pagsasalita.
Ang kayarian na aspektong ito ay nabubuo sa
pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka at ang
pag-uulit ng unang pantig ng salita.
Halimbawa:
Pawatas Perpektibong katatapos
sumulat kasusulat
kumain kakakain
maglaro kalalaro
7. B. Aspektong Imperpektibo o pangkasalukuyan
- Sa aspektong imperpektibo, ang kilos ay
nasimulan na ngunit hiindi pa natapos.
Dalawang Uri Ng Kilos
1. Kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos,
nagaganap o ipinagpapatuloy.
2. Kilos na paulit-ulit na ginagawa.
9. C. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap
- Ang kilos ay hindi pa nasisimulan, ito’y gaganapin
pa lamang,
Halimbawa:
Pawatas Perpektibo Katatapos Imperperktibo kontemplatibo
maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro
kumain kumain kakakain kumakain kakain
sumulat sumulat kasusulat sumusulat susulat
10. Uri ng Pandiwa
1. Pandiwang katwiran
- Ang pandiwang katwiran ay nag tataglay ng
kahulugang buo na hindi nangangailangan ng
tagaganap o tagatanggap ng kilos.
Halimbawa:
Umalis na ang panauhin.
Lumipad sa himpapawid ang ibon.
11. 2. Pandiwang Palipat
- Ito ay nagtataglay ng kilos at
nangangailangan ito ng tuwirang layon. Ang
tuwirang ayon ay pinangungunahan ng pang-
ukol na sa o ay at layon na maaaring
pangngalan o panghalip.
Halimbawa
Ang magsasaka ay nagtanim ng mga gulay.
Siya ay nagdula ng isang kuwneto.
12. Tinig ng Pandiwa
1. Tinig na tahasan o tukuyan
- Ang paksa ng pangungusap ang tagaganap
ng kilos na sinasabi ng pandiwa at may layong
tagatanggap ng kilos na tinatawag na tuwirang
layon.
Halimbawa:
Bumili ng sariwang gulay ang ina ni karl.
Ang bata ay nag palit ng damit
13. 2. Tinig ng Balintiyak
Ang paksa ay hindi gumaganap ng kilos
manapa, ito ay tumatanggap ng kilos na sinasabi
ng pandiwa. Sa makatawid tagatanggap ng kilos
ng paksa.
Halimbawa:
Pinulot ng bata ang aklat.
Nabili ni Grace ang bagong van.
14. Pokus ng Pandiwa
1. Aktor Pokus
Nasa aktor ang pokus kapag ang paksa ang
tagaganap ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
1. May mga panlaping ginagamit gaya ng:
um,mag-, maka-, mang at ilang ma-
Halimbawa:
Nagdala ng radyo si Trixy.
Mangunguha si Cris ng maraming prutas.
15. 2. Gol Pokus:
kapag ang paksa ang tagatanggap ng kilos
na ipinahahayag ng pandiwa at may layon
tagaganap. Ang mga panlaping ginagamit sa
pokus ay: i-, in, -an/-han, ma-, ipa.
Pinangungunahan ito ng marker na ng/ni ang
aktor.
Halimbawa:
Binali ng Bata ang lapis
Kinuha ni Alex ang susi
16. 3. Lokatib Pokus
Nasa lokatib pokus kapag ang tinutukoy ay ang
pook na pinagganapan ng kilos. Ang mga
panlaping ginagamit ay –an/han, pag –an/-han, -
an/han, pang… -an/-han.
Halimbawa:
Pinaglutuan ng kakanin ang bagong kawali.
Napagtamnan ni Joe ang mga malalaking paso.
17. 4. Kosatib Pokus
kapay tinutukoy ang kadahilanan ng kilos
pangungusap. Ang panlaping ginagamit ay i-,
ika- at ikapag- Pinangungunahan ng ng/ni ang
aktor o panghalili rito.
Halimbawa:
Ikinainis nia ang pagsisinungaling mo.
Ikinagalit ko ang iyong pagtataksil.
18. 5. Instrumental Pokus
Nasa instrumental pokus kapag ang paksa
ay ang kagamitang ginamit sa pagkilos ng
pandiwa sa pangungusap. Ang panlaping
ginagamit ay ipang- at pinangungunahan ng
ng/ni ang aktor.
Halimbawa:
Ipinamunas ni Ging-ging ang bagong twalya.
Ipinanghiwa ni Abie ng sibuyas ang kutsilyo.
19. 6. Direksyunal Pokus
Kapag tinutukoy ang direksyon o tatanggap
ng kilos sa pangungusap. Ang mga
panlaping ginagamit sa ganitong pokus
–an/-han, at pinangungunahan ng ng/ni
marker ang aktor o mga panghalili nito.
Halimbawa:
Pinuntahan ng mga pulis ang kanilang bahay.
Tinabihan niya ang kanyang kaibigan.
20. 7. Benepaktib Pokus
Nasa benepaktib pokus kapag ang paksa ay
pinaglalaanan o di-tuwirang layon ng kilos ng
pandiwa. Ang mga panlaping ginagamit sa
ganitong pokus ay i-, ipang-, at ipag-,
Pinangugunahan ng ng/ni ang marker ng aktor.
Halimbawa:
Ipinagluto ng ina ng masarap na ulam ang
maysakit.
Ipinaghugas ni Ana ng pinggan ang bata.
21. Mga Kaganapan ng Pandiwa
1. Kaganapang Tagaganap o Aktor
1. Nasa aktor na kaganapan ang pandiwa kapag
ang bahagi ng panaguri ang gumaganap ng
kilos na ipinahayag ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Ipinagbunyi ng mga tao ang kanilang
tagumpay.
22. 2. Kaganapang Layon o Gol
Nasa kaganapang gol o layon ang pandiwa
kapag ang bagay o mga bagay ang tinutukoy
ng panaguri sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Nagpaluto ako ng masarap na pinikpikang
manok.
23. 3. Kaganapang Ganapan o Lokatib
Nasa ganapan o lokatib ang kaganapan ng
pandiwa dahil ang panaguri ay nagsasaad ng
lugar na pinagganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Nagtampisaw sa ilog ang mga dalaga.
24. 4. Kaganapang Kagamitan O Instrumental
Ang kaganapang ito ay nagsasaad kung
anong bagay, Kagamitan o instrumento sa
panaguri ang ginamit upang magawa ang kilos
ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Ginupit ng nanay ang mga pira-pirasong tela
sa pamamagitan ng gunting.
25. 5. Kaganapang Sanhi o Kosatib
Ito ang kaganapang nagsasaad sa panaguri
kung ano ang dahilan ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Nagkasakit siya dahil sa pagpapabaya.
26. 6. Kaganapang Tagatanggap o Benepaktib
Ang kaganapang ito ay nagsasaad kung sino
ang tatanggap o makikinabang sa panaguri sa
kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
a. Bumili si Jane ng mga gulay para sa
kanyang panauhin.
27. 7. Kaganapang Direksyunal
Ang kaganapang direksyunal ay nagsasaad ng
direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa sa
panaguri.
Halimbawa:
a. Pumunta sila sa park.