2. BAHAGI NG BALITANG
PAMPALAKASAN
1. Pamatnubay- sumasagot sa tanong na:
Sinong nanalo? Kanino? Anong iskor/
round/ oras/ set/paraan?Kailan? Saan?
Kahalagahan ng laro : championship, final
slot, paghihiganti sa natalong naunang
laban?
3. 2. Pansuportang talata- naglalarawan paano
nilaro ang laban at paano natapos.
3. Katawan ng Balita- magpokus sa yugto ng
pagkapanalo, mga tuwirang sabi ng coach at best
player, pinakamahusay na bahagi / laban ng
natalong koponan, ilarawan paano sinamsan ng
nanalong pangkat ang ang laban hanggang
maipanalo ito.
4. 4. Kongklusyon- maaring tahasang
sabi sa pinakamahusay na manlalaro o
sa coach ng nanalong laro o
pagbabalita sa susunod na laban.
5. Bumuo ng balitang isports gamit ang mga sumusunod na detalye.
Ateneo De Manila University tinalo ang De La Salle University kahapon.
Ginanap ang laban sa Araneta coliseum sa iskor na 69-61 para saGame 1 ng
Best-of -Three Finals ng 71st UAAP Men’s Basketball Tournament.
Ang susunod na laban ay sa Huwebes gaganapin sa parehong lugar.
Ayon kay Coach Franz Pumaren, “ We were down but we’re not out.” Babalik
kami sa Thursday para makakuha ng panalo.
Sinabi naman ni Coach Norman Black na sisiguruhin niyang makuha ang
kampeonato sa game two. Dinagdag pa nito na hanga siya sa determinasyong
manalo sa kanyang mga players na hindi kinabahan nang magtangkang
humabol ang DLSU.
Base sa mga iskor ng mga player, bumuo ng kapana-panabik na balita.
ADMU- Al-Hussaini 31 points, Buenafe 12, Reyes 12, Baclao 5, Long 3, Tiu 2,
Salamat 2,
DLSU- Casio 20, Maierhofer 17, Malabes 6, Barua 6, Mangahas 5, Revilla 3,
Villanueva 2, Ferdinand 2.
Iskor ng bawat querter: 15-12, 36-29, 55-45,69-61.
6. URI NG BALITANG ISPORTS
A. PAUNANG BALITA ( Advance News)
• nagbabalita ng napipintong labanan
• naglalaman ng nakaraang paglalaban ng bawat koponan at mga manlalaro.
- gaya ng kanilang kakayahan at kahinaan
- na maaring saligan upang hulaaan ang magiging kalabasan ng laban.
Sa pagsulat ng paunang balita , karaniwang isinasama ang mga
sumusunod.
1. Kahalagahan ng laro
2. Kasaysayana ng laro
3. Mga manlalaro
7. 4. Kahinaan ng bawat manlalaro o koponan sa nakaraan na laro
5. Kalagayang pisikal ng manlalaro
6. Paraan ng paglalaro sa bawat panig
7. Pook at kapaligiran
8. Tinatayang manonood
9. Manlalarong nakakalamang
8. B. Kasalukuyang Balita ( Actual Coverage)
• naglalahad ng nagaganap na laro
Naglalaman ito ng mahalagang ulat tulad ng:
1. Kinalabasan ng iskor. Sino ang nanalo? Ilang ang iskor ng bawat koponan?
Nagkaroon ba ng kaguluhan? Nagkaroon ba ng patas (tie)?
2. Kahalagahan ng kinalabasan. Sinong nagkamit ng tropeo?
3. Natatanging laro. Bakit nagwagi ang koponan? Banggitin ang huling
sandali ng garambolahan.
4. Paghahambing ng koponan o manlalaro. Sa anong bahagi ng paglalaro
nakakalamang ang mga nagwagi?
5. Natatanging Manlalaro o Tampok ng manlalaro. Sino ang nagdala ng
koponan upang manalo.? Paano niya ito ginawa?
6. Kalagayan ng panahon
7. Manonood at Pagdiriwang. Magulo ba ang mga manonood?