SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
KABANATA 60: IKAKASAL SI MARIA CLARA
Scene 1
Tagpo 1:
(Umuwi si Kapitan Tinong sa bahay ni Kapitan Tiago na masakit ang katawan at tuliro ang isip)
Primitivo: (Hahawakan sa balikat si Kapitan Tinong) Crede prime, kung hindi ko sinunog ang mga papeles
mo, tiyak na binitay ka na nila. Mabuti’t ginulpi ka lamang, ngunit kung buong bahay mo ang aking sinunog,
tiyak ay hindi ka na nila kinanti. Magpasalamat ka na lamang at hindi ka ipinatapon sa Marianas upang
magtanim ng kamote.
Kapitan Tinong: (Hindi na nagsalita at tuliro pa rin ang isipan)
Tiya Isabel: Magpasalamat ka Santiago at naligtas ka. Pasalamatan mo ang Birhen ng Antipolo, ang birhen ng
Kasantu- santuhang Rosaryo at ang birhen ng Carmel.
Don Santiago: (Magtataka) At bakit sila lang ang aking pasasalamatan, Isabel? Dapat ding itaas sa pedestal si
Linares na manugang ko. Alam kong malaki ang naitulong niya. Hindi mo ba alam na kabatakan niya ang
punong Ministro? Nangangahulugan lang na malapit ako sa kapangyarihan na dapat pangabahan ng lahat!
Tiya Isabel: ( Naiinis ) Kalokohan, naniniwala pa rin ako sa milagro ng mga birhen!
(Dadating si Dona Victorina, Don Triburcio at Linares)
Dona Victorina: Natutuwa ako’t hinuli na pala nila si Ibarra. Supersibo at kalaban siya ng pamahalaan. Dapat
lang siyang ikaloboso. Diba mahal kong isposo? (Mag aabrisyete sa kaniyang asawa)
Don Triburcio: Ah, ah e oo…
Dona Victorina: Linares sabihin mo nga sakanila kung ano ang sinasabi ng Kapitan heneral kay Ibarra. Alam
kong ikaw ang laging kausap nito.
Linares: Pi… pinsan, pinsan, hi… hindi naman.
Dona Victorina: (Bubuksan ang pamaypay na hawak) Anong hindi? Ikaw pa ay nahihiya Linares, alam naman
ng lahat na ikaw ay marami kag koneksyon. Ah, aba andiyan nap ala ang nobya mo. Mukha yatang namumutla
siya?
Maria Clara: (Mahinhing babati at malungkot na ngingiti) Ma… magandang umaga, Dona Victorina.
Dona Victorina: Magpasalamat ka at hindi pinaimbestigahan ang iyong ama.
Maria Clara: (Marahang sasagot) Salamat sa Diyos.
Dona Victorina: Hindi lamang sa Diyos ija. Magpasalaat ka rin sa magiging esposo mo. Malaki ang naging
papel ni Linares upang hindi na imbestigahan ang iyong ama. Hindi ba Don Santiago?
Don Santiago: (Nagulat) Ha? Ah e oo. Mabuti nga pala at maaga kayong dumating, Dona Victorina.
Dona Victorina: Kailangang maging maaga ako, dapat mong tandaan Don Santiago na daig ng maagap ang
masipag. Narito nga pala ako upang pag usapan natin ang pormal na---
Maria Clara: (Naghihina na magsasalita) Ipagpaumahin niyo, babalik lang po ako sa aking kwarto.
Don Santiago: Sige ija, may mahalagang pag uusapan lang kami ni Dona Victorina.
Dona Victorina: Hindi ba’t mas maigi kung maririnig ng iyong dalaga ang pag uusapan natin Don Santiago?
Don Santiago: Nanghihina pa si Maria, Dona Victorina. Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga.
(Dali daling umalis si Maria na maingat sa kanyang mga hakbang)
Don Santiago: Ano ba ng pag uusapan natin, Dona Victorina?
Dona Victorina: Ano pa nga ba? e di ang kasal ng mga bata.
Don Santiago: Walang problema diyan. Tuloy tuloy na ang engrandeng kasalan.
(Plinano ang mga detalye sa kasalan. Si Dona Victorina lamang ang dakdak ng dakdak. Tatatango tango
lang ang tatlong ginoo. Sinabi ni Dona Victorina kung kalian ang kasal, kung saang simbahan gaganapin
at ang mga sikat na iimbitahan dito)
Tagpo 2:
(Matapos ihatid ni Don Santiago si Dona Victorina, mabilis itong pumanhik)
Don Santiago: (Pasigaw ang pagtawag) Isabel! Isabel!
Tiya Isabel: (Magtataka) Bakit, Santiago?
Don Santiago: Magkakaroon tayo ng malaking selebrasyon bukas. Ipaalam natin sa alta sosyedad ang nalalapit
na pakikipag isang dibdib ni Maria.
Tiya Isabel: (Kukunot ang noo) Nahihibang ka na ba, Santiago?
Don Santiago: (Kukunot din ang noo) Bakit Isabel, kahibangan bang ipakasal ang kaisa isa kong anak kay
Linares? (iduduro si Tiya Isabel) Tandaan mong bukod sa Espanyol ang binatang yan, napakayaman at may
mga koneksyon pa.
Tiya Isabel: (May pag aalinlangan) Pa…paano si Crisostomo?
Don Santiago: (Naiinis na magsasalita) Napakakulit mo Isabel, tandaan mong wala tayong pakialam sa
pilibusterong yan. Kumapit siya sa patalim pwes, hinukay niya ang kanyang libing!
Tiya Isabel: Ano? Balimbing kang talaga, Santiago.
Don Santiago: (Hihinga ng malalim. Seryoso at mahinahon na) Hindi dapat mamangka sa dalawang ilog ang
anak ko, Isabel. Isa lamang ang maaari niyang mahalin.
Scene 2:
KINAUMAGAHAN SA IPINABANDONG PAGTITIPON
Tagpo 1: Pangkat ng mga babae
Babae 1: Maganda si Maria pero hindi ko sinasang ayunan na magpakasal siya dahil lamang sa kayamanan.
Babae 2: (Titingin ng masama kay Maria) Lalong hindi ko inaaprubahan na sapagkat bibitayin na si Ibarra ay
kailangan magpakasal na siya sa iba.
Ibang mga babae: (Tatango tango na lamang)
Maria Clara: (Namumutla at nanghihina habang napakikinggan ang pinaguusapan ng mga babae.
Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nag aayos ng bulaklak. Manaka nakang kinakagat ang labi)
Tagpo 2: Pangkat ng mga lalaki
Tinyente Guevarra: Nabalitaan kong aalis raw kayo sa bayang ito, Padre Salvi.
Padre Salvi: (Medyo nagulat) Ha? Ah e, oo, oo tinyente este, komandante. Tapos na kasi ang gawain ko rito.
Kaya sa Maynila naman ako ipadadala. Binabati ko nga pala kayo sa idinagdag na bituin sa uniporme ninyo.
Nakarating sa akin na aalis rin daw kayo?
Tinyente Guevarra: Kinakailangan po ako ng pamahalaan. Napili kasi akong maging tagapangulo ng Isang
pangkat ng mga sundalo. Naatasan po kaming pasukuin kung hindi man paghuhulihin ang mga naglilipanang
pilibustero sa lalawigan.
Padre Salvi: Tiyak po sigurong labis ang parusa sa isang pilibustero. Ano po naming parusa ang ibinibigay sa
pinakalider nito?
Tinyente Guevarra: Bitay po!
Padre Salvi: (Iiling iling) Kawawang Ibarra!
Nakikiusyoso: Padre Salvi, komandante, mga ginoo makihalo na sa inyong usapan. Nabalitaan ko pong hindi
naman bibitayin si Senor Crisostomo Ibarra.
Padre Salvi: (Nagtataka) Hindi bibitayin? Ano po kaya ang ipaparusa sa kaniya, Tinyente Guevarra?
Tinyente Guevarra: Ipatatapon daw po ang magiting na anak ni Don Rafael, Padre Salvi. Sayang (Iiling iling)
Naniniwala po akong nakaligtas sana ang mabait na binata sa mga imbestigador kung hindi sana niya inaming
sa kaniya galing ang liham niya sa isang kababata na isinulat niya bago magpunta sa Europa.
Maria Clara: (Mabibitawan ang hawak na mga bulaklak at nanginginig ang mga kamay)
Nakikiusyoso: Paano naman napasakamay ng mga imbestigador ang nasabing sulat?
Padre Salvi: (Umiwas ng tingin at tila nailang)
Tinyente Guevarra: (Nilapitan si Maria, isa isang pinulot ang mga rosas at iniabot sa nanginginig na dalaga)
Binabati kita Maria. Inuna mo ang sariling kapakanan sa kaligtasan ng isang binatang may mabuting layunin
para sa bansang sinilangan.
Tiya Isabel: (Dadaan malapit kay Maria)
Maria Clara: (Nanghihina) Ihatid po ninyo ako sa aking silid
Tiya Isabel: May sakit ka ba?
Maria Clara: (Hihigpit ang kapit sa braso ni Tiya Isabel) Ako po’y nahihilo. Kailangan kong mamahinga.
Sabihin na lamang ninyo sa aking ama na ako’y matutulog na.
Scene 3
Tagpo 1:
Maria Clara: (Nakahiga, hinihintay maging tahimik ang lahat)
Tiya Isabel: (Kakatok) *technical*
Maria Clara: (Hihinga ng malalim. Hahayaan lang at hindi sasagot)
Maria Clara: (Marahang tatayo at dudungaw sa bintana. Titingala sa maaliwalas na langit. Inalis ang alahas
at tumanaw sa ilog)
Maria Clara: (Maaaninaw ang paghinto ng bangka sa aplaya at ngingiti. Dumukwang sa bintana ng makilala
ang aninong paparating) Crisostomo! Crisostomo!
Crisostomo Ibarra: (Patakbong umakyat sa hagdanang bato ng asotea habang sumisigaw) Maria! Maria!
Maria Clara: (Dali daling lumabas ng silid)
Crisostomo Ibarra: (Tititigan ang mga mata ni Maria) Maria…
Maria Clara: (Masaya ngunit medyo nag aalala) Crisostomo, salamat at nagkita tayo. Paano ka nakaalis sa
bilangguan?
Crisostomo Ibarra: Iniligtas ako ni Elias sa bilangguan na pinaghatiran sa akin sa isang mapagmahal na
kababata at matalik na kaibigan
Maria Clara: (Mapapakagat ng labi)
Crisostomo Ibarra: Natatandaan mo ba ang sumpang ipinangako ko sa harap ng bangkay ng aking ina? Na
kitaý paliligayahin anuman ang mangyari sa akin? Hinangad kong ialay sayo ang isang libo at isang katuwaan
sa buhay, pag ibig, katahimikan at karangalan. Pero nagkulang ka sa iyong sumpa sapagkat hindi mo naman
siya ina. (Hihinga ng malalim). Nauunawaan kita. Karapatan moa ng humanap ng ibang magmamahal. Alam
kong hindi na tayo muling magkikita. Bata ka pa, Maria at may karapatang lumigaya. Alam kong matutuwa na
rin ang nanay ko sa pagsisikap kong makausap ka at ipadama sayong pinatatawad na kita. Maging maligaya ka
sana, Maria pa…paalam.
Maria Clara: (Malulungkot at ikukunot ang noo ng bahagya) Naparito ka Crisostomo hindi upang patawarin
ako. Naririto ka upang sumbatan ako, upang dustain ako.
Crisostomo Ibarra: Naririto ako Maria hindi upang husgahan ka. Gusto lamang kitang makita sa huling
pagkakataon. Sa pagkikita natin ngayon alam kong magkakaroon ka ng katiwasayan.
Maria Clara: Mi…minamahal kita Crisostomo. Alam mo yan. Pero kailangang magkalayo ang landas natin s
autos ng kapalaran. Hindi mo alam ang kasaysayang pinanggalingan ko, Crisostomo. Wala kang kaalam-alam
kung sino talaga ako.
Crisostomo Ibarra: (Nakakunot ang noo) U…ugat ng kasaysayan?
Maria Clara: Pataearin sana ako ng ina ko sa pagbunyag ng sikretong nakapaikot sa aming pamilya.
Crisostomo Ibarra: Si…sikreto…ng…ng inyong pamilya?
Maria Clara: Oo, Crisostomo, hindi si Kapitan Tiago na dating kaibigan mo ang tunay na ama ko kundi si…
Crisostomo Ibarra: Sino…sino? sino? sino?
Maria Clara: (Hahagulgol ng mahinhin)
Crisostomo Ibarra: (hahawakan sa pisngi si Maria) Magpakahinahon ka Maria. Ibulong mo sa akin kung
hindi mo masabi at nababagabag na baka may nakakarinig.
Maria Clara: Ha…halika at ibubulong ko sa’yo. (bubulong)
Crisostomo Ibarra: (Manlalaki ang mata at iiwas ng tingin kay Maria) Hi…hindi ako makapaniwala Maria.
Maria Clara: Iyan ang dahilan kung bakit suko hanggang langit ang galit niya sa iyo nang malaman niyang
nagkakaunawaan na tayo.
Crisostomo Ibarra: (Hindi parin makakatingin kay Maria) Ma…may pruweba ka bang siya ang ama mo?
Maria Clara: (Ibibigay ang dalawang sulat) Narito and dalawang liham ng aking ina na sinulat niya habang
nagdadalangtao. Ginusto niyang mamatay ako. Hindi raw ako nararapat isilang sa mundong ito…Anak daw ako
sa pagkakasala, at dapat isumpa ng simbahan at lipunan.
Crisostomo Ibarra: (Magtataka) Pa…paano nakarating sa’yo ang mga sulat?
Maria Clara: Naiwan ito ng ama ko sa bahay na una niyang tinirhan. Ang taong nakapulot nito ay nakaalam
din ng lihim ng aking ina. Ipinagpalit niya ang dalawang liham sa sulat na bigay mo sa akin nang magpunta ka
sa Europa. A…alam kong ang sulat na bigay mo ang naging dahilan upang ikaw ay imbestigahan at madiing
isang pilibustero. Nagkulang ako sayo Crisostomo pero hindi hinangad ng mapagmahal mong kababata at
matalik na kaibigan na ihatid ka sa bilangguan.
Crisostomo Ibarra: Ba…bakit nakalimot ka?
Maria Clara: Naipit ako sa dalawang nag-uumpugang bato. Sa iyo Crisostomo at sa tunay na ama ko na
nakatunggali mo…Kinalimutan kita alang-alang sa dalawang amang nagdurusa. Kung nagpakasal ako
sa’yo…walang mukhang ihaharap sa lipunan ang tunay na ama ko. Natitiyak kong susurut-surutin din niya ang
ama-amahan kong nagbigay sa akin ng pangalan, kasaganaan at pag-aaruga. Dalawang kaluluwa silang
mamimighati, Crisostomo. Tandaan mong ang tunay na pag-ibig ay nakakaunawa. Parang awa mo na, mahal
ko. Parang awa mo na, patawarin mo ko! (Luluhod)
Crisostomo Ibarra: Hu…huwag kang lumuhod, Maria. Hindi mo kasalanan ang lahat. Mga biktima lang tayo
ng pagkakataon. (Itatayo si Maria at pupunasan ang mga luha nito)
Maria Clara: Natutuwa na rin ako at maligayang hihiwalay sa’yo sapagkat naiintindihan mo ang pagdurusa ko.
Crisostomo Ibarra: Na…nabalitaan kong ikakasal ka na Maria.
Maria Clara: Labag sa kalooban ko ang lahat, Crisostomo. Pero tandaan mong makasal man ako kay Linares
ay di ko kalilimutan ang sumpaang binitawan ko sa iyo. Iibigin kita hanggang kamatayan. A…ano ngayon ang
plano mo, Crisostomo? Sabihin mo kung ano ang maitutulong ko sa’yo.
Crisostomo Ibarra: Madilim ang bukas para sa akin, Maria. Hi…hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Tiyak na malalaman din ng mga maykapangyarihan ang pagtakas ko.
Maria Clara: (Nilapitan ni Maria ang kasintahan at tinitigan sa mga mata. Mahigpit na yayakapin si
Crisosotomo.)
Crisostomo Ibarra: (Hahawakan sa pisngi ang kasintahan at dahan-dahang ilalapit ang kaniyang mukha
hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.)
Maria Clara: (Itutulak ng namumulang dalaga ang binata at yuyuko dahil sa kahihiyan.)
Crisostomo Ibarra: (Mabilis na tatalikod ang binata. Patakbo nitong binagtas ang bangkang naghihintay.)
Maria Clara: (Yuyuko, hahawak sa mukha at iiyak.)
KABANATA 61: HABULAN SA LAWA
Scene 4
Tagpo 1:
Crisostomo Ibarra: Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin, Elias?
Elias: Kung mamarapatin ninyo, itatago ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Huhukayin ko
po ang mga salapi at alahas na itinago ko sa tabi ng puno ng balite na nasa libingan ng inyong mga ninuno.
Umalis kayo at mangibang bansa sa lalong madaling panahon.
Crisostomo Ibarra: (Magtataka) A…ako, mangingibang bansa?
Elias: Matatahimik kayo sa ibang lupain. Tinitingala kayo sa yaman at napakarami ninyong kaibigan sa
Espanya. Maaari po ninyong lakarin doon na mapatawad kayo.
(Technical: mga damba ng mga yapak ng mga guwardiya)
Crisostomo Ibarra: Nasa ilalim na tayo ng tulay, Elias. Pero…pero ano yung ingay na naririnig ko?
Elias: Mga yapak po ng mga gwardiya. Umiikot po at gulung-gulo ang mga gwardiya sibil sa paghahanap sa
inyo.
Crisostomo Ibarra: Elias, ang kalungkutan mo ay kagagawan ng angkan ko. Ipinapayo mong mangibang-
bansa ako. Bakit hindi ka sumama sa’kin? Ituring mo ‘kong kapatid. Pagsaluhan natin ang kayamanang dapat
sana ay pinagpasasaan ng ating mga ninuno.
Elias: Ang kalungkutan po ng aking angkan ang nagtulak sa akin upang maranasan ang pagdadalamhati ng mga
kapuspalad. Sapagkat mas marami po sila, mas liligaya po akong makasama nila sa pagdurusa.
Crisostomo Ibarra: (Magtataka) Pe…pero bakit gusto mo ‘kong mangibang bansa?
Elias: Maaari po kayong lumigaya. Hindi po kayo ipinanganak upang magtiis.
Crisostomo Ibarra: Marami na rin naman akong ipinagtiis at ipinagdusang sakit ng dibdib.
Elias: Pagtitiis na may kinalaman sa mga mahal ninyo sa buhay. Tulad po ng pagtitiis na hindi ninyo makita
ang inyong ama sa kaniyang pagkamatay sa bilangguan. Tulad po ng pagtitiis na ipapakasal ang inyong
kasintahan sa iba nitong manliligaw. Pero ako po, bukod sa dalamhating kinasadlakan ng aking mga mahal sa
buhay ay nagging bahagi na ng maraming hinaing ng mga kapuspalad. Ang kalungkutan po nila ay
ipinagdurusa ko at ang kamatayan nila ay libingan ko. Ako po at ang mga pobreng mamamayan ay iisa.
Crisostomo Ibarra: Ang pagtatayo ng paaralan ay pinangarap ko para sa kagalingan ng mga mahihirap na
mamamayan.
Elias: Ginagawa po ninyo ang lahat para sa bayan sapagkat namulat kayo sa ama ninyong nagpapahalaga sa
kagalingang panlahat.
Crisostomo Ibarra: (Ngingiti) Totoo yan. Maswerte ako sa pagkakaroon ng isang amang nagbigay
pagpapahalaga sa dignidad ng tao, matanda man o bata, mayaman man o maralita.
Elias: Maswerte rin naman po ako na nakadaupang palad ang mga maralitang itinakwil ng marangyang lipunan.
Lalo ko po silang naunawaan sapagkat kami ay nagsasalo sa iisang pinggan, natutulog sa iisang higaan at sama-
sama sa pakikibaka laban sa mapang-aping pamahalaan.
Crisostomo Ibarra: (Tatango) Tama ka, Elias, tama ka
Elias: Natutuwa po ako at naniniwala kayo. Kakaiba na ang pananaw ninyo ngayon kung ikukumpara sa
pananaw ninyo noong una tayong mag-usap sa Bangka ring ito.
Crisostomo Ibarra: Naihiwalay ko na ang mga butil ng palay sa ipa, ang katotohanan sa pag-aagam-agam.
Nabulagan ako noon. Ngayon ko nakita ang nagnanaknak na kanser na sumisira sa lipunan. Ang simbahan at
ang pamahalaan ang nagtulak sa akin upang maging pilibustero. Tinagurian nila akong akong pilibustero, kaya
dapat lang na maging tunay na pilibustero nga ako! Tatlong daang taon na tayong nagyuyuko ng ulo.
Yumayakap tayo sa kanila. Tumatawag tayong kapatid. Pero itinuturing ba nila tayong kaibigan man lamang?
Sa halip na yakapin o kamayan o kausapin, nililibak pa nila tayo, sinusurut-surot, pinandidirihan, tinatapak-
tapakan. Dati, naniniwala ako sa kasabihang “Hindi tayo pababayaan ng Diyos” pero ngayon, akma lang na
sabihing “Tinutulungan lang ng Diyos ang tumutulong sa kanilang sarili. Magtulung-tulong tayong itayo ang
tunay na kahulugan ng kalayaan!
Elias: Malapit na po tayo sa tapat ng palasyo ng Kapitan Heneral. Mukhang gulung gulo ang lahat ng
guwardiya sibil. Paikut-ikot ang maraming sundalong nakakabayo. (Natataranta) Ma…magtago kayo sa ilalim
ng mga damo! Dalian ninyo! Daraan po tayo sa nakabantay na guwardiya. Tiyak na alam na ng lahat ang
pagtakas ninyo!
Crisostomo Ibarra: (Magtatago sa ilalim ng mga damo)
Guwardiya: (Masusing titignan ang mga damo) Ano yang mga damong yan? Saan ka galing at saan ka
pupunta?
Elias: Mga damo po ito sa mga alagang kabayo ng mga konsehal at kura. Ga…galing po ako sa Maynila
Guwardiya: May nakita ka bang isang mestisuhing binata na kamukha ng nasa larawang ito?
Elias: Wa…wala po.
Guwardiya: Ipamalita mo na sinumang makakahuli sa binatang ito ay gagantimpalaan.
Elias: Salamat po at paalam.
Crisostomo Ibarra: (Pinagpapawisan) Malayo na ba tayo sa gwardiya?
Elias: Malayo na po. Maaari na kayong lumabas.
Tagpo 2:
Crisostomo Ibarra: Nasaan na tayo?
Elias: Papasok na po tayo sa ilog Beata.
Crisostomo Ibarra: Napakakipot ng ilog na ito
Elias: (Ibababa ang mga damo) Dadaong po tayo dito sandali
Crisostomo Ibarra: Bakit ibinaba mo ang mga damo?
Elias: Hindi na po natin kailangan yan. Samahan po ninyo ako at puputol ako ng mga kawayan.
Crisostomo Ibarra: May mga nagkalat na bayong dito.
Elias: Dadalhin po nating lahat yan sa bangka.
Crisostomo Ibarra: (Nagtataka) Kanina ay damo. Ngayon ay mga bayong at kawayan naman ang dala natin.
Elias: Mabuti na pong iba naman ang mapansing hakut-hakot natin.
Elias: Natatanaw ba ninyo ng ang bangkang dumarating? (Nataranta) Hayun po sa bandang kanan! Humiga
kayo sa Bangka at tatakpan ko kayo ng bayong. Bilisan ninyo! Bilisan ninyo! Mukhang sinusundan tayo!
Crisostomo Ibarra: Sino sa palagay moa ng mga sumusunod, Elias?
Elias: (Natataranta at lumilingon lingon) Mga konstabularyo po. Mukhang ikinakasa nila ang kanilang mga
ripple. Mukhang inaasinta po tayo. Kailangang makaisip ng paraan.
Crisostomo Ibarra: (Natataranta na rin) Ano ang gagawin natin, Elias? Lalabas na’ko. Kailangan sigurong
lumaban na tayo.
Elias: Wa…wala po tayong sandata. Huwag po kayong gagalaw diyan. Ako ang bahala sa inyo. Sisisid po ako
sa ilog at lalabas paminsan minsan para iligaw sila.
Elias: (Maghuhubad at lulundag sa tubig.)
*Technical: sunod sunod na putok ng baril*
Elias: (Sisid, langoy palayo sa Bangka)
(Nang malapit na sa dalampasigan ay naasinta si Elias. Biglang namula ang ilog)
Mga Konstabularyo: (Magtatawanan)
Sarhento: (Masaya) Patay na siya! Patay na ang pilibustero! Asintado ba naman ang bumaril sa kaniya!
Walang ligtas sa baril ko ang mga pilibustero.
Konstatabularyo 1: Mabuhay!
Konstatabularyo 2: Para sa iyo pilibusterong Crisostomo Ibarra, dugo ng kamatayan! (Tatawa ng malakas)
Konstatabularyo 1: (Biglang magtataka) Pero teka, sa…sarhento, kung tinamaan mo siya at patay na, bakit
pumula lang ang ilog at naawala siya?
Konstatabularyo 2: Oo nga, nasaan ang bangkay niya?

More Related Content

Recently uploaded

ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1MaeganVeeu
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdJoren15
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfCamiling Catholic School
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePatriciaJamesEstrada1
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4MarieClaireRanesesYa
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxVillasoClarisse
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxLlemorSoledSeyer1
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxfranciscagloryvilira1
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismMyrrhBalanayFlorida
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...KathlyneJhayne
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...AlliyahMonsanto
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfAizaStamaria3
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfAizaStamaria3
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 

Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujdGROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
GROUP 3-FILIPINO 1 paglalarawanjgiyfutdujd
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptxARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
ARALIN 1_DALUMAT-AMBAGAN-SAWIKAAN-AT-SALITA-NG-TAON.pptx
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechismDLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
DLL_MAPEH 5_Q4_W5.docx for elementary catechism
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
EL FILIBUSTERISMO KABANATA 13 Ang Klase sa Pisika by Rhienz Vincent B. Bad_20...
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 

Featured

Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)contently
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024Albert Qian
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsKurio // The Social Media Age(ncy)
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Search Engine Journal
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summarySpeakerHub
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Tessa Mero
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentLily Ray
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best PracticesVit Horky
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementMindGenius
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...RachelPearson36
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Applitools
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at WorkGetSmarter
 
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...DevGAMM Conference
 
Barbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy PresentationBarbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy PresentationErica Santiago
 
Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them wellGood Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them wellSaba Software
 

Featured (20)

Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
 
ChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slidesChatGPT webinar slides
ChatGPT webinar slides
 
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike RoutesMore than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
More than Just Lines on a Map: Best Practices for U.S Bike Routes
 
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
 
Barbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy PresentationBarbie - Brand Strategy Presentation
Barbie - Brand Strategy Presentation
 
Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them wellGood Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
Good Stuff Happens in 1:1 Meetings: Why you need them and how to do them well
 

noli me tangere---grade nine script.docx

  • 1. KABANATA 60: IKAKASAL SI MARIA CLARA Scene 1 Tagpo 1: (Umuwi si Kapitan Tinong sa bahay ni Kapitan Tiago na masakit ang katawan at tuliro ang isip) Primitivo: (Hahawakan sa balikat si Kapitan Tinong) Crede prime, kung hindi ko sinunog ang mga papeles mo, tiyak na binitay ka na nila. Mabuti’t ginulpi ka lamang, ngunit kung buong bahay mo ang aking sinunog, tiyak ay hindi ka na nila kinanti. Magpasalamat ka na lamang at hindi ka ipinatapon sa Marianas upang magtanim ng kamote. Kapitan Tinong: (Hindi na nagsalita at tuliro pa rin ang isipan) Tiya Isabel: Magpasalamat ka Santiago at naligtas ka. Pasalamatan mo ang Birhen ng Antipolo, ang birhen ng Kasantu- santuhang Rosaryo at ang birhen ng Carmel. Don Santiago: (Magtataka) At bakit sila lang ang aking pasasalamatan, Isabel? Dapat ding itaas sa pedestal si Linares na manugang ko. Alam kong malaki ang naitulong niya. Hindi mo ba alam na kabatakan niya ang punong Ministro? Nangangahulugan lang na malapit ako sa kapangyarihan na dapat pangabahan ng lahat! Tiya Isabel: ( Naiinis ) Kalokohan, naniniwala pa rin ako sa milagro ng mga birhen! (Dadating si Dona Victorina, Don Triburcio at Linares) Dona Victorina: Natutuwa ako’t hinuli na pala nila si Ibarra. Supersibo at kalaban siya ng pamahalaan. Dapat lang siyang ikaloboso. Diba mahal kong isposo? (Mag aabrisyete sa kaniyang asawa) Don Triburcio: Ah, ah e oo… Dona Victorina: Linares sabihin mo nga sakanila kung ano ang sinasabi ng Kapitan heneral kay Ibarra. Alam kong ikaw ang laging kausap nito. Linares: Pi… pinsan, pinsan, hi… hindi naman. Dona Victorina: (Bubuksan ang pamaypay na hawak) Anong hindi? Ikaw pa ay nahihiya Linares, alam naman ng lahat na ikaw ay marami kag koneksyon. Ah, aba andiyan nap ala ang nobya mo. Mukha yatang namumutla siya? Maria Clara: (Mahinhing babati at malungkot na ngingiti) Ma… magandang umaga, Dona Victorina. Dona Victorina: Magpasalamat ka at hindi pinaimbestigahan ang iyong ama. Maria Clara: (Marahang sasagot) Salamat sa Diyos. Dona Victorina: Hindi lamang sa Diyos ija. Magpasalaat ka rin sa magiging esposo mo. Malaki ang naging papel ni Linares upang hindi na imbestigahan ang iyong ama. Hindi ba Don Santiago? Don Santiago: (Nagulat) Ha? Ah e oo. Mabuti nga pala at maaga kayong dumating, Dona Victorina. Dona Victorina: Kailangang maging maaga ako, dapat mong tandaan Don Santiago na daig ng maagap ang masipag. Narito nga pala ako upang pag usapan natin ang pormal na--- Maria Clara: (Naghihina na magsasalita) Ipagpaumahin niyo, babalik lang po ako sa aking kwarto. Don Santiago: Sige ija, may mahalagang pag uusapan lang kami ni Dona Victorina. Dona Victorina: Hindi ba’t mas maigi kung maririnig ng iyong dalaga ang pag uusapan natin Don Santiago? Don Santiago: Nanghihina pa si Maria, Dona Victorina. Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga. (Dali daling umalis si Maria na maingat sa kanyang mga hakbang) Don Santiago: Ano ba ng pag uusapan natin, Dona Victorina? Dona Victorina: Ano pa nga ba? e di ang kasal ng mga bata. Don Santiago: Walang problema diyan. Tuloy tuloy na ang engrandeng kasalan. (Plinano ang mga detalye sa kasalan. Si Dona Victorina lamang ang dakdak ng dakdak. Tatatango tango lang ang tatlong ginoo. Sinabi ni Dona Victorina kung kalian ang kasal, kung saang simbahan gaganapin at ang mga sikat na iimbitahan dito)
  • 2. Tagpo 2: (Matapos ihatid ni Don Santiago si Dona Victorina, mabilis itong pumanhik) Don Santiago: (Pasigaw ang pagtawag) Isabel! Isabel! Tiya Isabel: (Magtataka) Bakit, Santiago? Don Santiago: Magkakaroon tayo ng malaking selebrasyon bukas. Ipaalam natin sa alta sosyedad ang nalalapit na pakikipag isang dibdib ni Maria. Tiya Isabel: (Kukunot ang noo) Nahihibang ka na ba, Santiago? Don Santiago: (Kukunot din ang noo) Bakit Isabel, kahibangan bang ipakasal ang kaisa isa kong anak kay Linares? (iduduro si Tiya Isabel) Tandaan mong bukod sa Espanyol ang binatang yan, napakayaman at may mga koneksyon pa. Tiya Isabel: (May pag aalinlangan) Pa…paano si Crisostomo? Don Santiago: (Naiinis na magsasalita) Napakakulit mo Isabel, tandaan mong wala tayong pakialam sa pilibusterong yan. Kumapit siya sa patalim pwes, hinukay niya ang kanyang libing! Tiya Isabel: Ano? Balimbing kang talaga, Santiago. Don Santiago: (Hihinga ng malalim. Seryoso at mahinahon na) Hindi dapat mamangka sa dalawang ilog ang anak ko, Isabel. Isa lamang ang maaari niyang mahalin. Scene 2: KINAUMAGAHAN SA IPINABANDONG PAGTITIPON Tagpo 1: Pangkat ng mga babae Babae 1: Maganda si Maria pero hindi ko sinasang ayunan na magpakasal siya dahil lamang sa kayamanan. Babae 2: (Titingin ng masama kay Maria) Lalong hindi ko inaaprubahan na sapagkat bibitayin na si Ibarra ay kailangan magpakasal na siya sa iba. Ibang mga babae: (Tatango tango na lamang) Maria Clara: (Namumutla at nanghihina habang napakikinggan ang pinaguusapan ng mga babae. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nag aayos ng bulaklak. Manaka nakang kinakagat ang labi) Tagpo 2: Pangkat ng mga lalaki Tinyente Guevarra: Nabalitaan kong aalis raw kayo sa bayang ito, Padre Salvi. Padre Salvi: (Medyo nagulat) Ha? Ah e, oo, oo tinyente este, komandante. Tapos na kasi ang gawain ko rito. Kaya sa Maynila naman ako ipadadala. Binabati ko nga pala kayo sa idinagdag na bituin sa uniporme ninyo. Nakarating sa akin na aalis rin daw kayo? Tinyente Guevarra: Kinakailangan po ako ng pamahalaan. Napili kasi akong maging tagapangulo ng Isang pangkat ng mga sundalo. Naatasan po kaming pasukuin kung hindi man paghuhulihin ang mga naglilipanang pilibustero sa lalawigan. Padre Salvi: Tiyak po sigurong labis ang parusa sa isang pilibustero. Ano po naming parusa ang ibinibigay sa pinakalider nito? Tinyente Guevarra: Bitay po! Padre Salvi: (Iiling iling) Kawawang Ibarra! Nakikiusyoso: Padre Salvi, komandante, mga ginoo makihalo na sa inyong usapan. Nabalitaan ko pong hindi naman bibitayin si Senor Crisostomo Ibarra. Padre Salvi: (Nagtataka) Hindi bibitayin? Ano po kaya ang ipaparusa sa kaniya, Tinyente Guevarra? Tinyente Guevarra: Ipatatapon daw po ang magiting na anak ni Don Rafael, Padre Salvi. Sayang (Iiling iling) Naniniwala po akong nakaligtas sana ang mabait na binata sa mga imbestigador kung hindi sana niya inaming sa kaniya galing ang liham niya sa isang kababata na isinulat niya bago magpunta sa Europa.
  • 3. Maria Clara: (Mabibitawan ang hawak na mga bulaklak at nanginginig ang mga kamay) Nakikiusyoso: Paano naman napasakamay ng mga imbestigador ang nasabing sulat? Padre Salvi: (Umiwas ng tingin at tila nailang) Tinyente Guevarra: (Nilapitan si Maria, isa isang pinulot ang mga rosas at iniabot sa nanginginig na dalaga) Binabati kita Maria. Inuna mo ang sariling kapakanan sa kaligtasan ng isang binatang may mabuting layunin para sa bansang sinilangan. Tiya Isabel: (Dadaan malapit kay Maria) Maria Clara: (Nanghihina) Ihatid po ninyo ako sa aking silid Tiya Isabel: May sakit ka ba? Maria Clara: (Hihigpit ang kapit sa braso ni Tiya Isabel) Ako po’y nahihilo. Kailangan kong mamahinga. Sabihin na lamang ninyo sa aking ama na ako’y matutulog na. Scene 3 Tagpo 1: Maria Clara: (Nakahiga, hinihintay maging tahimik ang lahat) Tiya Isabel: (Kakatok) *technical* Maria Clara: (Hihinga ng malalim. Hahayaan lang at hindi sasagot) Maria Clara: (Marahang tatayo at dudungaw sa bintana. Titingala sa maaliwalas na langit. Inalis ang alahas at tumanaw sa ilog) Maria Clara: (Maaaninaw ang paghinto ng bangka sa aplaya at ngingiti. Dumukwang sa bintana ng makilala ang aninong paparating) Crisostomo! Crisostomo! Crisostomo Ibarra: (Patakbong umakyat sa hagdanang bato ng asotea habang sumisigaw) Maria! Maria! Maria Clara: (Dali daling lumabas ng silid) Crisostomo Ibarra: (Tititigan ang mga mata ni Maria) Maria… Maria Clara: (Masaya ngunit medyo nag aalala) Crisostomo, salamat at nagkita tayo. Paano ka nakaalis sa bilangguan? Crisostomo Ibarra: Iniligtas ako ni Elias sa bilangguan na pinaghatiran sa akin sa isang mapagmahal na kababata at matalik na kaibigan Maria Clara: (Mapapakagat ng labi) Crisostomo Ibarra: Natatandaan mo ba ang sumpang ipinangako ko sa harap ng bangkay ng aking ina? Na kitaý paliligayahin anuman ang mangyari sa akin? Hinangad kong ialay sayo ang isang libo at isang katuwaan sa buhay, pag ibig, katahimikan at karangalan. Pero nagkulang ka sa iyong sumpa sapagkat hindi mo naman siya ina. (Hihinga ng malalim). Nauunawaan kita. Karapatan moa ng humanap ng ibang magmamahal. Alam kong hindi na tayo muling magkikita. Bata ka pa, Maria at may karapatang lumigaya. Alam kong matutuwa na rin ang nanay ko sa pagsisikap kong makausap ka at ipadama sayong pinatatawad na kita. Maging maligaya ka sana, Maria pa…paalam. Maria Clara: (Malulungkot at ikukunot ang noo ng bahagya) Naparito ka Crisostomo hindi upang patawarin ako. Naririto ka upang sumbatan ako, upang dustain ako. Crisostomo Ibarra: Naririto ako Maria hindi upang husgahan ka. Gusto lamang kitang makita sa huling pagkakataon. Sa pagkikita natin ngayon alam kong magkakaroon ka ng katiwasayan. Maria Clara: Mi…minamahal kita Crisostomo. Alam mo yan. Pero kailangang magkalayo ang landas natin s autos ng kapalaran. Hindi mo alam ang kasaysayang pinanggalingan ko, Crisostomo. Wala kang kaalam-alam kung sino talaga ako. Crisostomo Ibarra: (Nakakunot ang noo) U…ugat ng kasaysayan? Maria Clara: Pataearin sana ako ng ina ko sa pagbunyag ng sikretong nakapaikot sa aming pamilya.
  • 4. Crisostomo Ibarra: Si…sikreto…ng…ng inyong pamilya? Maria Clara: Oo, Crisostomo, hindi si Kapitan Tiago na dating kaibigan mo ang tunay na ama ko kundi si… Crisostomo Ibarra: Sino…sino? sino? sino? Maria Clara: (Hahagulgol ng mahinhin) Crisostomo Ibarra: (hahawakan sa pisngi si Maria) Magpakahinahon ka Maria. Ibulong mo sa akin kung hindi mo masabi at nababagabag na baka may nakakarinig. Maria Clara: Ha…halika at ibubulong ko sa’yo. (bubulong) Crisostomo Ibarra: (Manlalaki ang mata at iiwas ng tingin kay Maria) Hi…hindi ako makapaniwala Maria. Maria Clara: Iyan ang dahilan kung bakit suko hanggang langit ang galit niya sa iyo nang malaman niyang nagkakaunawaan na tayo. Crisostomo Ibarra: (Hindi parin makakatingin kay Maria) Ma…may pruweba ka bang siya ang ama mo? Maria Clara: (Ibibigay ang dalawang sulat) Narito and dalawang liham ng aking ina na sinulat niya habang nagdadalangtao. Ginusto niyang mamatay ako. Hindi raw ako nararapat isilang sa mundong ito…Anak daw ako sa pagkakasala, at dapat isumpa ng simbahan at lipunan. Crisostomo Ibarra: (Magtataka) Pa…paano nakarating sa’yo ang mga sulat? Maria Clara: Naiwan ito ng ama ko sa bahay na una niyang tinirhan. Ang taong nakapulot nito ay nakaalam din ng lihim ng aking ina. Ipinagpalit niya ang dalawang liham sa sulat na bigay mo sa akin nang magpunta ka sa Europa. A…alam kong ang sulat na bigay mo ang naging dahilan upang ikaw ay imbestigahan at madiing isang pilibustero. Nagkulang ako sayo Crisostomo pero hindi hinangad ng mapagmahal mong kababata at matalik na kaibigan na ihatid ka sa bilangguan. Crisostomo Ibarra: Ba…bakit nakalimot ka? Maria Clara: Naipit ako sa dalawang nag-uumpugang bato. Sa iyo Crisostomo at sa tunay na ama ko na nakatunggali mo…Kinalimutan kita alang-alang sa dalawang amang nagdurusa. Kung nagpakasal ako sa’yo…walang mukhang ihaharap sa lipunan ang tunay na ama ko. Natitiyak kong susurut-surutin din niya ang ama-amahan kong nagbigay sa akin ng pangalan, kasaganaan at pag-aaruga. Dalawang kaluluwa silang mamimighati, Crisostomo. Tandaan mong ang tunay na pag-ibig ay nakakaunawa. Parang awa mo na, mahal ko. Parang awa mo na, patawarin mo ko! (Luluhod) Crisostomo Ibarra: Hu…huwag kang lumuhod, Maria. Hindi mo kasalanan ang lahat. Mga biktima lang tayo ng pagkakataon. (Itatayo si Maria at pupunasan ang mga luha nito) Maria Clara: Natutuwa na rin ako at maligayang hihiwalay sa’yo sapagkat naiintindihan mo ang pagdurusa ko. Crisostomo Ibarra: Na…nabalitaan kong ikakasal ka na Maria. Maria Clara: Labag sa kalooban ko ang lahat, Crisostomo. Pero tandaan mong makasal man ako kay Linares ay di ko kalilimutan ang sumpaang binitawan ko sa iyo. Iibigin kita hanggang kamatayan. A…ano ngayon ang plano mo, Crisostomo? Sabihin mo kung ano ang maitutulong ko sa’yo. Crisostomo Ibarra: Madilim ang bukas para sa akin, Maria. Hi…hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tiyak na malalaman din ng mga maykapangyarihan ang pagtakas ko. Maria Clara: (Nilapitan ni Maria ang kasintahan at tinitigan sa mga mata. Mahigpit na yayakapin si Crisosotomo.) Crisostomo Ibarra: (Hahawakan sa pisngi ang kasintahan at dahan-dahang ilalapit ang kaniyang mukha hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi.) Maria Clara: (Itutulak ng namumulang dalaga ang binata at yuyuko dahil sa kahihiyan.) Crisostomo Ibarra: (Mabilis na tatalikod ang binata. Patakbo nitong binagtas ang bangkang naghihintay.) Maria Clara: (Yuyuko, hahawak sa mukha at iiyak.)
  • 5. KABANATA 61: HABULAN SA LAWA Scene 4 Tagpo 1: Crisostomo Ibarra: Ano sa palagay mo ang dapat kong gawin, Elias? Elias: Kung mamarapatin ninyo, itatago ko kayo sa bahay ng isa kong kaibigan sa Mandaluyong. Huhukayin ko po ang mga salapi at alahas na itinago ko sa tabi ng puno ng balite na nasa libingan ng inyong mga ninuno. Umalis kayo at mangibang bansa sa lalong madaling panahon. Crisostomo Ibarra: (Magtataka) A…ako, mangingibang bansa? Elias: Matatahimik kayo sa ibang lupain. Tinitingala kayo sa yaman at napakarami ninyong kaibigan sa Espanya. Maaari po ninyong lakarin doon na mapatawad kayo. (Technical: mga damba ng mga yapak ng mga guwardiya) Crisostomo Ibarra: Nasa ilalim na tayo ng tulay, Elias. Pero…pero ano yung ingay na naririnig ko? Elias: Mga yapak po ng mga gwardiya. Umiikot po at gulung-gulo ang mga gwardiya sibil sa paghahanap sa inyo. Crisostomo Ibarra: Elias, ang kalungkutan mo ay kagagawan ng angkan ko. Ipinapayo mong mangibang- bansa ako. Bakit hindi ka sumama sa’kin? Ituring mo ‘kong kapatid. Pagsaluhan natin ang kayamanang dapat sana ay pinagpasasaan ng ating mga ninuno. Elias: Ang kalungkutan po ng aking angkan ang nagtulak sa akin upang maranasan ang pagdadalamhati ng mga kapuspalad. Sapagkat mas marami po sila, mas liligaya po akong makasama nila sa pagdurusa. Crisostomo Ibarra: (Magtataka) Pe…pero bakit gusto mo ‘kong mangibang bansa? Elias: Maaari po kayong lumigaya. Hindi po kayo ipinanganak upang magtiis. Crisostomo Ibarra: Marami na rin naman akong ipinagtiis at ipinagdusang sakit ng dibdib. Elias: Pagtitiis na may kinalaman sa mga mahal ninyo sa buhay. Tulad po ng pagtitiis na hindi ninyo makita ang inyong ama sa kaniyang pagkamatay sa bilangguan. Tulad po ng pagtitiis na ipapakasal ang inyong kasintahan sa iba nitong manliligaw. Pero ako po, bukod sa dalamhating kinasadlakan ng aking mga mahal sa buhay ay nagging bahagi na ng maraming hinaing ng mga kapuspalad. Ang kalungkutan po nila ay ipinagdurusa ko at ang kamatayan nila ay libingan ko. Ako po at ang mga pobreng mamamayan ay iisa. Crisostomo Ibarra: Ang pagtatayo ng paaralan ay pinangarap ko para sa kagalingan ng mga mahihirap na mamamayan. Elias: Ginagawa po ninyo ang lahat para sa bayan sapagkat namulat kayo sa ama ninyong nagpapahalaga sa kagalingang panlahat. Crisostomo Ibarra: (Ngingiti) Totoo yan. Maswerte ako sa pagkakaroon ng isang amang nagbigay pagpapahalaga sa dignidad ng tao, matanda man o bata, mayaman man o maralita. Elias: Maswerte rin naman po ako na nakadaupang palad ang mga maralitang itinakwil ng marangyang lipunan. Lalo ko po silang naunawaan sapagkat kami ay nagsasalo sa iisang pinggan, natutulog sa iisang higaan at sama- sama sa pakikibaka laban sa mapang-aping pamahalaan. Crisostomo Ibarra: (Tatango) Tama ka, Elias, tama ka Elias: Natutuwa po ako at naniniwala kayo. Kakaiba na ang pananaw ninyo ngayon kung ikukumpara sa pananaw ninyo noong una tayong mag-usap sa Bangka ring ito. Crisostomo Ibarra: Naihiwalay ko na ang mga butil ng palay sa ipa, ang katotohanan sa pag-aagam-agam. Nabulagan ako noon. Ngayon ko nakita ang nagnanaknak na kanser na sumisira sa lipunan. Ang simbahan at ang pamahalaan ang nagtulak sa akin upang maging pilibustero. Tinagurian nila akong akong pilibustero, kaya dapat lang na maging tunay na pilibustero nga ako! Tatlong daang taon na tayong nagyuyuko ng ulo. Yumayakap tayo sa kanila. Tumatawag tayong kapatid. Pero itinuturing ba nila tayong kaibigan man lamang? Sa halip na yakapin o kamayan o kausapin, nililibak pa nila tayo, sinusurut-surot, pinandidirihan, tinatapak- tapakan. Dati, naniniwala ako sa kasabihang “Hindi tayo pababayaan ng Diyos” pero ngayon, akma lang na
  • 6. sabihing “Tinutulungan lang ng Diyos ang tumutulong sa kanilang sarili. Magtulung-tulong tayong itayo ang tunay na kahulugan ng kalayaan! Elias: Malapit na po tayo sa tapat ng palasyo ng Kapitan Heneral. Mukhang gulung gulo ang lahat ng guwardiya sibil. Paikut-ikot ang maraming sundalong nakakabayo. (Natataranta) Ma…magtago kayo sa ilalim ng mga damo! Dalian ninyo! Daraan po tayo sa nakabantay na guwardiya. Tiyak na alam na ng lahat ang pagtakas ninyo! Crisostomo Ibarra: (Magtatago sa ilalim ng mga damo) Guwardiya: (Masusing titignan ang mga damo) Ano yang mga damong yan? Saan ka galing at saan ka pupunta? Elias: Mga damo po ito sa mga alagang kabayo ng mga konsehal at kura. Ga…galing po ako sa Maynila Guwardiya: May nakita ka bang isang mestisuhing binata na kamukha ng nasa larawang ito? Elias: Wa…wala po. Guwardiya: Ipamalita mo na sinumang makakahuli sa binatang ito ay gagantimpalaan. Elias: Salamat po at paalam. Crisostomo Ibarra: (Pinagpapawisan) Malayo na ba tayo sa gwardiya? Elias: Malayo na po. Maaari na kayong lumabas. Tagpo 2: Crisostomo Ibarra: Nasaan na tayo? Elias: Papasok na po tayo sa ilog Beata. Crisostomo Ibarra: Napakakipot ng ilog na ito Elias: (Ibababa ang mga damo) Dadaong po tayo dito sandali Crisostomo Ibarra: Bakit ibinaba mo ang mga damo? Elias: Hindi na po natin kailangan yan. Samahan po ninyo ako at puputol ako ng mga kawayan. Crisostomo Ibarra: May mga nagkalat na bayong dito. Elias: Dadalhin po nating lahat yan sa bangka. Crisostomo Ibarra: (Nagtataka) Kanina ay damo. Ngayon ay mga bayong at kawayan naman ang dala natin. Elias: Mabuti na pong iba naman ang mapansing hakut-hakot natin. Elias: Natatanaw ba ninyo ng ang bangkang dumarating? (Nataranta) Hayun po sa bandang kanan! Humiga kayo sa Bangka at tatakpan ko kayo ng bayong. Bilisan ninyo! Bilisan ninyo! Mukhang sinusundan tayo! Crisostomo Ibarra: Sino sa palagay moa ng mga sumusunod, Elias? Elias: (Natataranta at lumilingon lingon) Mga konstabularyo po. Mukhang ikinakasa nila ang kanilang mga ripple. Mukhang inaasinta po tayo. Kailangang makaisip ng paraan. Crisostomo Ibarra: (Natataranta na rin) Ano ang gagawin natin, Elias? Lalabas na’ko. Kailangan sigurong lumaban na tayo. Elias: Wa…wala po tayong sandata. Huwag po kayong gagalaw diyan. Ako ang bahala sa inyo. Sisisid po ako sa ilog at lalabas paminsan minsan para iligaw sila. Elias: (Maghuhubad at lulundag sa tubig.) *Technical: sunod sunod na putok ng baril* Elias: (Sisid, langoy palayo sa Bangka) (Nang malapit na sa dalampasigan ay naasinta si Elias. Biglang namula ang ilog) Mga Konstabularyo: (Magtatawanan)
  • 7. Sarhento: (Masaya) Patay na siya! Patay na ang pilibustero! Asintado ba naman ang bumaril sa kaniya! Walang ligtas sa baril ko ang mga pilibustero. Konstatabularyo 1: Mabuhay! Konstatabularyo 2: Para sa iyo pilibusterong Crisostomo Ibarra, dugo ng kamatayan! (Tatawa ng malakas) Konstatabularyo 1: (Biglang magtataka) Pero teka, sa…sarhento, kung tinamaan mo siya at patay na, bakit pumula lang ang ilog at naawala siya? Konstatabularyo 2: Oo nga, nasaan ang bangkay niya?