Title Lorem
Ipsum
Sit Dolor Amet
ARALIN 2
DULOG SA
PAGSUSURING
PAMPANITIKAN
PAMANTAYANG NILALAMAN
1. Natatalakay ang mga dulog na ginagamit sa pag-aaral ng
panitikan.
2. Nagagamit sa pagsusuri ang mga pangunahing katangian ng
bawat dulog.
3. Nakapagsasaliksik ng mga pilosopo na nasa likod ng bawat
dulog na ginagamit sa pagsusuri ng pampanitikan.
DALOY NG KAALAMAN
 Iba’t ibang Teorya sa Panuring Pampanitikan
Mahalagang larangan ng pag-aaral ang panunuring pampanitikan. Ito ay kung isasaalang-
alang na wala tayong ideya ng kung ano ang daigdig ngayon kung walang panitikan na
nagbibigay depinisyon, naglalahad sa anyo ng buhay; naglalarawan at nagtutunggali sa mga
imahen ng mundo. At kung walang pagsusuri ng panitikan, wala rin tayong ideya kung
paano umunlad at daumating sa yugtong kasalukuyan ang ating buhay. Ganyan ang
ugnayan ng panitikan at panunuri ng teksto at kritisismo.
Kung walang teksto, walang daigdig, pagsusuri, walang kaalama at mangyari pa, walang
kabihasnan o sibilisasyon. Kung titingnan natin sa ganitong perspektiba, masasabi
samakatuwid na isang kinakailangan at di maiiwasang aktibidad ng tao ang panunuring
pampanitikan at ang gawaing ito ay nakaatang sa balikat ng mga intelektuwal at
akademiko (Santiago 2004)
Teoryang PanLetiratura
Romantisismo
Umano’y naniniwala sa Romatisismo na ang
daigdig ay hindi isang wlang kahulugag kasalimuotan na kaaway ng
tao– may pagkakasundo at layunin sa kabuuan ang sandaigdigan na
nilikha ng Makapangyarihan at Marunong sa lahat at itinaguyod ng
katarungan at ang pag-ibig. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas
ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng
kanyang pag-ibig sa kapwa, gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Teoryang PanLetiratura
Eksistensyalismo
ito ay hindi teorya kundi paniniwala—paniniwalang hindi
tunay ang buhay kung nakakulong sa Sistema ng
paniniwala. Ang layunin ng panitikan ay upakita na may
Kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (Human existence)
Teoryang PanLetiratura
Istrakturalismo-
Sa pangkalahatang pananaw, iisa ang simulain nito—ang
pagpapatunay na ang wika o lengguwahe ay hindi lamang
hinuhubog ng kamalayang panlipunan. Anito, nakabaon
ang panlipunang kamalayan sa paggamit ng wika o
paggamit sa mga salita ayon sa mga kinikilalalang tuntunin
at pagsasapraktikang panlipunan.
Teoryang PanLetiratura
Dekonstruksyon
Winawasak nito ang kabuuan ng Sistema ng wika at binubuo
lamang muli ito bilang kamalayan na may kalakip na teorya ng
realidad. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng
ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang
nag-uudyok sa may akda na sumulat kundi ang pinaghalong
pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pangtao a
mundo.
Teoryang PanLetiratura
Moralismo
Sa ganitong oryentasyon, ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang
maglahad o magpahayag hindi lang ng literal na katotohanan kundi ng mga
panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing
pagpapahalaga (Values).
ang layunin ng panitikang ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat
sa moralidad ng isang tao—ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din
nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian
ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling
sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Teoryang PanLetiratura
Historikal
Hindi ang teksto bilang lubusang pinagtutuunan ng pansin kundi ang
kotekstong dito’y nagbibigay-din; hindi ang particular na kakanyahan
lamang ang sinusuri kundi ang mga impluwensiyang dito ay nagbugay-
hugis—ang talambuhay ng awtor, ang political na sitwasyon sa panahong
naisulat ang kada; ang mga tradisyon at kombensyon na maaaring
nakapagbigay sa akda ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na
ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang PanLetiratura
Arkitepal
Katulad ng sikolohikal na pananaw, nakapako ang
atensyon nito sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa.
ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga
mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng simbolo. Ngunit hindi
basta-basta masusuri ang mga sombolismo sa akda. Pinakamainamna alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng
simbolismo ay naaayon sa tema a konseptong ipinapakilala ng may akda sa
mga mambabasa.
Teoryang PanLetiratura
Realismo
ang Teoretikal na batayan nito ay ang paniniwalang taglay na
kapangyarihan ang teksto at ang manunulat ng akda, na suriin ang
masalimuot na realidada(mga Imperikal na datos) at gamitin ang mga ito sa
paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya ay representasyon ng realidad.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan at nasaksihan ng may
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda
ang kasiningan at pagkaepeketibo ng kanyang sinulat.
Teoryang PanLetiratura
Klasisismo
ang layunin ng panitikan ay maglahad
ng mga pangyayaring payak, ikol sa pagkakaiba ng estado
sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng
mga salita at lagging nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang PanLetiratura
Humanismo
ang layunin ng panitikan ay ipakita na
ang tao amg sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng
talion, talent atbp.
Teoryang PanLetiratura
Imahismo
ang layunin ng panitikan a=y gumamit ng mga imahen na
higit na mahahayag sa mga damadamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akada na higit
na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwrirang
maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong
kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Teoryang PanLetiratura
Feminismo
ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan
at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang
isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Teoryang PanLetiratura
Formalismo/Formalistiko
ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang
nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinsabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ay siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa –
walang labis walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalalimang pagsusuri’t pag-unawa.
Teoryang PanLetiratura
Saykolohikal/Sikolohokal
ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga salig(Factor) sa pagbuo ng naturang
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang
tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil
may udyok na mabago o mabuo ito.
Teoryang PanLetiratura
Markismo/Marxismo
ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiya kahirapan
at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan
ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing
modelo para sa mga mambabasa.
Teoryang PanLetiratura
Sosyolohikal
ang layunin ng teoryang ito ay ipakita ang
kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may-akda. Naipapakita rito ang
pamararaan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o
kalagayan ng lipunan na nagsisilbing modelo para sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga akda na suliranin.
Teoryang PanLetiratura
Bayograpikal
ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi sa bhay ng may-akda
na siya niyang pinakamasaya, pimakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan
sa mundo.
Teoryang PanLetiratura
Queer
ang layunin ng panitikan ay iangat at
pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.
Kung ang mga babae ay may feminism ang mga
homosexual naman ay queer.
Teoryang PanLetiratura
Kultural
ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang
kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala
at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
Teoryang PanLetiratura
feminismo/-Markisismo
ang layunin ng panitikan ay ilantad ang
iba’t ibag paraan ng kababaihan sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay
ang pagkilala sa protitusyon bilang tuwirang tugon sa
sariling dinaranas sa halip na ito’y kasamaan.
Gabay na konsepto sa Pagtuturo ng Literatura
 Pangunahing prisipyo ng pagtuturo ng panitikan ang wastong pagpili ng gagamiting akda.
Napakadaling maghanap ng mga nagbibigay ng lantarang moral o pangangaral ngunit sa
pangmatagalan, matutuklasan ng mga bata, lalo na ang mga higit na matatalino at mapag-isip na
ang mga ito ay kababawan atangkop sa kapos sa kakayahang sumisid ng tunay na perlas, o
magbingkal ng tunay na ginto sa malalim na lupa ng karunungan (Hornedo 2004)
 Kung kaya ang mga manunulat at kritiko (at mga guro din ng literatura) na gaya nina Florentino
Hornedo, Soledad Reyes, Isagani Cruz, Lilia Quindoza-Santiago at marami pang iba ay
nagtuturo ng mga pamamaraan at konsepto sa ang kop na pagtuturo ng Literatura. Narito ang
ilan sa mga praktis sa pagtuturo ng panitikan o Litiratura na dapat nang lampasan ng binigyang-
diin ni Quindoza-Santiago (2004)
 Ang labis na tematiko o moralistikong lapit na tumatabing sa mahalagang sangkap ng panitikan
at kasaysayan; imperyonistikong estilo: kung ano ang impresyon, iyon ang leksyon; paggamit ng
kulambo ng nasyonalismo; pagsasaulo ala loro; at pagkapit-tuko sa detalye.

Aralin-2-Dulog-ng-pagsusuring-pampanitikan.pptx

  • 1.
  • 2.
  • 3.
    PAMANTAYANG NILALAMAN 1. Natatalakayang mga dulog na ginagamit sa pag-aaral ng panitikan. 2. Nagagamit sa pagsusuri ang mga pangunahing katangian ng bawat dulog. 3. Nakapagsasaliksik ng mga pilosopo na nasa likod ng bawat dulog na ginagamit sa pagsusuri ng pampanitikan.
  • 4.
    DALOY NG KAALAMAN Iba’t ibang Teorya sa Panuring Pampanitikan Mahalagang larangan ng pag-aaral ang panunuring pampanitikan. Ito ay kung isasaalang- alang na wala tayong ideya ng kung ano ang daigdig ngayon kung walang panitikan na nagbibigay depinisyon, naglalahad sa anyo ng buhay; naglalarawan at nagtutunggali sa mga imahen ng mundo. At kung walang pagsusuri ng panitikan, wala rin tayong ideya kung paano umunlad at daumating sa yugtong kasalukuyan ang ating buhay. Ganyan ang ugnayan ng panitikan at panunuri ng teksto at kritisismo. Kung walang teksto, walang daigdig, pagsusuri, walang kaalama at mangyari pa, walang kabihasnan o sibilisasyon. Kung titingnan natin sa ganitong perspektiba, masasabi samakatuwid na isang kinakailangan at di maiiwasang aktibidad ng tao ang panunuring pampanitikan at ang gawaing ito ay nakaatang sa balikat ng mga intelektuwal at akademiko (Santiago 2004)
  • 5.
    Teoryang PanLetiratura Romantisismo Umano’y naniniwalasa Romatisismo na ang daigdig ay hindi isang wlang kahulugag kasalimuotan na kaaway ng tao– may pagkakasundo at layunin sa kabuuan ang sandaigdigan na nilikha ng Makapangyarihan at Marunong sa lahat at itinaguyod ng katarungan at ang pag-ibig. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
  • 6.
    Teoryang PanLetiratura Eksistensyalismo ito ayhindi teorya kundi paniniwala—paniniwalang hindi tunay ang buhay kung nakakulong sa Sistema ng paniniwala. Ang layunin ng panitikan ay upakita na may Kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (Human existence)
  • 7.
    Teoryang PanLetiratura Istrakturalismo- Sa pangkalahatangpananaw, iisa ang simulain nito—ang pagpapatunay na ang wika o lengguwahe ay hindi lamang hinuhubog ng kamalayang panlipunan. Anito, nakabaon ang panlipunang kamalayan sa paggamit ng wika o paggamit sa mga salita ayon sa mga kinikilalalang tuntunin at pagsasapraktikang panlipunan.
  • 8.
    Teoryang PanLetiratura Dekonstruksyon Winawasak nitoang kabuuan ng Sistema ng wika at binubuo lamang muli ito bilang kamalayan na may kalakip na teorya ng realidad. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-uudyok sa may akda na sumulat kundi ang pinaghalong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pangtao a mundo.
  • 9.
    Teoryang PanLetiratura Moralismo Sa ganitongoryentasyon, ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lang ng literal na katotohanan kundi ng mga panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing pagpapahalaga (Values). ang layunin ng panitikang ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao—ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
  • 10.
    Teoryang PanLetiratura Historikal Hindi angteksto bilang lubusang pinagtutuunan ng pansin kundi ang kotekstong dito’y nagbibigay-din; hindi ang particular na kakanyahan lamang ang sinusuri kundi ang mga impluwensiyang dito ay nagbugay- hugis—ang talambuhay ng awtor, ang political na sitwasyon sa panahong naisulat ang kada; ang mga tradisyon at kombensyon na maaaring nakapagbigay sa akda ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
  • 11.
    Teoryang PanLetiratura Arkitepal Katulad ngsikolohikal na pananaw, nakapako ang atensyon nito sa paraan ng paglikha at ang epekto nito sa mambabasa. ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga sombolismo sa akda. Pinakamainamna alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema a konseptong ipinapakilala ng may akda sa mga mambabasa.
  • 12.
    Teoryang PanLetiratura Realismo ang Teoretikalna batayan nito ay ang paniniwalang taglay na kapangyarihan ang teksto at ang manunulat ng akda, na suriin ang masalimuot na realidada(mga Imperikal na datos) at gamitin ang mga ito sa paglikha ng kanyang akda na sa tingin niya ay representasyon ng realidad. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepeketibo ng kanyang sinulat.
  • 13.
    Teoryang PanLetiratura Klasisismo ang layuninng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ikol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at lagging nagtatapos nang may kaayusan.
  • 14.
    Teoryang PanLetiratura Humanismo ang layuninng panitikan ay ipakita na ang tao amg sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talion, talent atbp.
  • 15.
    Teoryang PanLetiratura Imahismo ang layuninng panitikan a=y gumamit ng mga imahen na higit na mahahayag sa mga damadamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akada na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwrirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
  • 16.
    Teoryang PanLetiratura Feminismo ang layuninng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
  • 17.
    Teoryang PanLetiratura Formalismo/Formalistiko ang layuninng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinsabi ng may-akda sa kanyang panitikan ay siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalalimang pagsusuri’t pag-unawa.
  • 18.
    Teoryang PanLetiratura Saykolohikal/Sikolohokal ang layuninng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig(Factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may udyok na mabago o mabuo ito.
  • 19.
    Teoryang PanLetiratura Markismo/Marxismo ang layuninng panitikan ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiya kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
  • 20.
    Teoryang PanLetiratura Sosyolohikal ang layuninng teoryang ito ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipapakita rito ang pamararaan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga akda na suliranin.
  • 21.
    Teoryang PanLetiratura Bayograpikal ang layuninng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa bhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pimakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
  • 22.
    Teoryang PanLetiratura Queer ang layuninng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminism ang mga homosexual naman ay queer.
  • 23.
    Teoryang PanLetiratura Kultural ang layuninng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
  • 24.
    Teoryang PanLetiratura feminismo/-Markisismo ang layuninng panitikan ay ilantad ang iba’t ibag paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa protitusyon bilang tuwirang tugon sa sariling dinaranas sa halip na ito’y kasamaan.
  • 25.
    Gabay na konseptosa Pagtuturo ng Literatura  Pangunahing prisipyo ng pagtuturo ng panitikan ang wastong pagpili ng gagamiting akda. Napakadaling maghanap ng mga nagbibigay ng lantarang moral o pangangaral ngunit sa pangmatagalan, matutuklasan ng mga bata, lalo na ang mga higit na matatalino at mapag-isip na ang mga ito ay kababawan atangkop sa kapos sa kakayahang sumisid ng tunay na perlas, o magbingkal ng tunay na ginto sa malalim na lupa ng karunungan (Hornedo 2004)  Kung kaya ang mga manunulat at kritiko (at mga guro din ng literatura) na gaya nina Florentino Hornedo, Soledad Reyes, Isagani Cruz, Lilia Quindoza-Santiago at marami pang iba ay nagtuturo ng mga pamamaraan at konsepto sa ang kop na pagtuturo ng Literatura. Narito ang ilan sa mga praktis sa pagtuturo ng panitikan o Litiratura na dapat nang lampasan ng binigyang- diin ni Quindoza-Santiago (2004)  Ang labis na tematiko o moralistikong lapit na tumatabing sa mahalagang sangkap ng panitikan at kasaysayan; imperyonistikong estilo: kung ano ang impresyon, iyon ang leksyon; paggamit ng kulambo ng nasyonalismo; pagsasaulo ala loro; at pagkapit-tuko sa detalye.