1. John Anthony B. Teodosio
I. Tanaga (Ulan)
Pag tumama sa lupa
Dulot nito’y biyaya
Kapag nagging masama
Dulot nito ay baha
II. Dalit (Pusa)
Sa kanya ay nakaharap
Maamo’t napakatimyas
Iniwan sa isang iglap
S’ya pala’y nangunglimbat
Gumagaan, aking loob
Sa kilos niyang malamyos
Pag ako’y nakatalikod
Siya pala’y mandurukot
III. Buhok
Sa anyo at kulay na katangi-tangi
Buhok na kay ganda, kanyang minimithi
Bakit pa luluwal ng bultong salapi
Kung paglipas nito’y maging kulay puti?