SlideShare a Scribd company logo
1 of 1
John Anthony B. Teodosio
(#1 Sa Sabado) Isang tulang may apat na saknong
na lalabindalawahin, 6/6 ang sesura, monorima,
tudlikan, patanghal, at maaaring magpatawa.
TUNGKOL SA SOMBRERO.
(#2-Sa Linggo) Isang tulang may 4 na saknong na
lalabindalawahin, 4/4/4 ang sesura, monorima,
tudlikan sa katinig na malakas, pasalaysay, at himig
na may parikala. TUNGKOL PA RIN SA
SOMBRERO.
Ang Lihim Sa Likod ng Ordinaryong Sombrero
ni Lolo
Sa puting terno n'ya ay kaakit-akit.
Tila ang matanda'y pupunta ng langit.
Pero nagtataka lang ako kung bakit
Laging may sombrerong sa ulo'y kumapit?
Tinanggal sa wakas, sombrero n'yang suot.
Ang pogi ni lolo! kita na yung buhok.
Makinis ang gitna, sa gilid ay kulot.
Kaya tinutuya, isa palang panot.
Tapos na sa wakas ang isang misteryong
Bumalot sa kanya bilang isang tao.
Nalantad sa wakas, kanyang pagkatao.
Nang tinanggal niya, hangal na sombrero.
Tayo ay sombrero na panakip-butas,
Sa lihim ng gago't mga balasubas.
Nakakapit tayo ng ilan pang bukas,
Bago pa mabunyag at maibulalas.
Ang Makatang Mag-aaral na Naka-Salakot
May makatang mag-aaral sa 'ting silid.
Tingnan natin kung tayo po ay mapabilib.
Sa pagtula ng klasmeyt ko ay makinig.
Suot niya ay salakot na maliit.
Bawat tugma, ang salita, at taludtod,
Pati tinig, sa 'king puso ay kumurot.
Pilipinas ay minahal niyang lubos,
Ang ginamit na simbolo ay salakot.
Pero si Ma'am... ang binato'y tanong agad.
"May aral ba ang tula mo na binigkas?"
Di tumugon, pawis niya ay tagaktak.
Delikado, baka grade n’ya ay bumagsak.
Galing naman ng makatang may salakot.
Binabati namin siya nang malugod.
Kahit tanong ng guro ko'y di sinagot.
Pagtula n’ya ay di naman natatalos.

More Related Content

More from John Anthony Teodosio (20)

Letter words
Letter wordsLetter words
Letter words
 
My portfolio
My portfolioMy portfolio
My portfolio
 
Alala
AlalaAlala
Alala
 
Lira rebisyon
Lira rebisyonLira rebisyon
Lira rebisyon
 
Shotgun
ShotgunShotgun
Shotgun
 
Lira palihan
Lira palihanLira palihan
Lira palihan
 
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikanMga halimbawa ng katutubong panitikan
Mga halimbawa ng katutubong panitikan
 
Evaluation forms
Evaluation formsEvaluation forms
Evaluation forms
 
Revised banghay
Revised banghayRevised banghay
Revised banghay
 
Aanhin ninyo 'yan
Aanhin ninyo 'yanAanhin ninyo 'yan
Aanhin ninyo 'yan
 
Banghay aralin
Banghay aralinBanghay aralin
Banghay aralin
 
Tula aubade salin
Tula aubade salinTula aubade salin
Tula aubade salin
 
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuriNoli Me Tangere, isang pagsusuri
Noli Me Tangere, isang pagsusuri
 
Tony
TonyTony
Tony
 
Panitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propagandaPanitikan sa panahon ng propaganda
Panitikan sa panahon ng propaganda
 
Lira ...
Lira ...Lira ...
Lira ...
 
Lira 5
Lira 5Lira 5
Lira 5
 
Tula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nitoTula, elemento at uri nito
Tula, elemento at uri nito
 
Tony
TonyTony
Tony
 
Palihan
PalihanPalihan
Palihan
 

Lira 1

  • 1. John Anthony B. Teodosio (#1 Sa Sabado) Isang tulang may apat na saknong na lalabindalawahin, 6/6 ang sesura, monorima, tudlikan, patanghal, at maaaring magpatawa. TUNGKOL SA SOMBRERO. (#2-Sa Linggo) Isang tulang may 4 na saknong na lalabindalawahin, 4/4/4 ang sesura, monorima, tudlikan sa katinig na malakas, pasalaysay, at himig na may parikala. TUNGKOL PA RIN SA SOMBRERO. Ang Lihim Sa Likod ng Ordinaryong Sombrero ni Lolo Sa puting terno n'ya ay kaakit-akit. Tila ang matanda'y pupunta ng langit. Pero nagtataka lang ako kung bakit Laging may sombrerong sa ulo'y kumapit? Tinanggal sa wakas, sombrero n'yang suot. Ang pogi ni lolo! kita na yung buhok. Makinis ang gitna, sa gilid ay kulot. Kaya tinutuya, isa palang panot. Tapos na sa wakas ang isang misteryong Bumalot sa kanya bilang isang tao. Nalantad sa wakas, kanyang pagkatao. Nang tinanggal niya, hangal na sombrero. Tayo ay sombrero na panakip-butas, Sa lihim ng gago't mga balasubas. Nakakapit tayo ng ilan pang bukas, Bago pa mabunyag at maibulalas. Ang Makatang Mag-aaral na Naka-Salakot May makatang mag-aaral sa 'ting silid. Tingnan natin kung tayo po ay mapabilib. Sa pagtula ng klasmeyt ko ay makinig. Suot niya ay salakot na maliit. Bawat tugma, ang salita, at taludtod, Pati tinig, sa 'king puso ay kumurot. Pilipinas ay minahal niyang lubos, Ang ginamit na simbolo ay salakot. Pero si Ma'am... ang binato'y tanong agad. "May aral ba ang tula mo na binigkas?" Di tumugon, pawis niya ay tagaktak. Delikado, baka grade n’ya ay bumagsak. Galing naman ng makatang may salakot. Binabati namin siya nang malugod. Kahit tanong ng guro ko'y di sinagot. Pagtula n’ya ay di naman natatalos.